26

Y n a h ' s  P o v

Kanina, nagulat nalang ako ng may kumakalampag sa gate namin. Akala ko may naghahanap ng away yung magshotang alien pala. I mean sila Marianne and Taehyung. Nag-aaya daw kasi si Hoseok. Ano kayang nakain non?

Dinaanan muna namin sina Faye, Diane, saka si Mae. Si Farrah naman sinundo na ni Seokjin. Tapos nung naglalakad na kami papunta kila Hoseok, bigla akong inimbita ni gago. So, ngayon palang niya ako inimbita? Si Taehyung lang ba ang kusang nag-imbita saamin? Hays, ano pa bang bago don?

"Buti nalang malapit na tayo kila Hoseok. Nagugutom na rin ako, eh." Sabi ni Faye habang hawak hawak ang tiyan niya.

"Try mo akong kainin babe, masarap ako, promise." Sabi ni Namjoon sabay kindat. Napailing nalang ako, kadiri ah.

Kuripot kasi ni Taehyung eh, sana man lang nagtaxi kami. Lagi kasi niyang dinadahilan na nagiipon siya para sa future nila ni Marianne. Masyadong advance amp.

• • •

Putcha, ganito pala kalayo bahay nila Hoseok. Ngayon lang kasi ako nakapunta sa kanila. Yung pinaka bahay niya. Lagi lang kasi kaming nasa dorm nilang magkakaibigan. Bakit kasi naipan niyang sa bahay nila?

"Welcome sa bahay ni Hoseok hyung!" Pfft~ akala mo tour guide si Taehyung. Nakabuka pa yung dalawa niyang braso, parang winewelcome kami.

Sakto lang yung bahay nila. Hindi malaki, hindi rin maliit kaya sakto lang.

Pagkapasok namin ay kumakain na silang lahat. Hindi man lang kami hinintay!

"Tagal niyo kasi, eh." Kasalanan ni Taehyung 'to, eh. Puro kasi future yung nasa isip.

"Ano pang hinihintay niyo? Kumain na rin kayo kung ayaw niyong maubusan." Pagkasabi non ni Hoseok ay kanya kanyang kuha na kami. Pero bigla akong napatigil sa pagkuha ng kimchi kasi medyo pamilyar yung itsura. I mean may pagkakapareho ang mga kimchi pero may iba talaga.

Nagkibit balikat nalang ako. Basta nagugutom na ako.

Una kong tinikman yung kimchi, may ibang feeling kasi ako eh.

Nang matikman ko na, don ko lang napagtanto na ganito ang gawa ni Jaehop. Ganitong ganito yung itsura tsaka lasa. Pero ano ka ba Ynah, magbestfriend sila kaya posibleng natutunan niya ito kay Jae.

"Hoseok." Binalingan niya lang ako ng tingin.

"Nagpaturo ka ba kay Jaehop na gumawa ng kimchi? Ganitong ganito kasi yung lasa na binigay niya kahapon." Medyo nanlaki ang mata niya sa sinabi ko. What's wrong?

"Sino si Jae" Tinakpan ni Hoseok yung bunganga ni Jungkook.

"O-oo Ynah, masarap kasi yung pagkakagawa niya ng kimchi eh." Tumango nalang ako sa kanya at pinagpatuloy na ang pagkain.

Sabi ko na eh, hindi imposibleng nagpaturo siya kay Jaehop na gumawa ng kimchi.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top