EPILOGUE

EPILOGUE:

Stephen’s POV

We are marching on

To the future that we’ve known

Chasing all our dreams in our hearts

Believing we have-- *BOINK*

“Puta! Nakanta ako—“

“CONGRATS LIM!!!” sabay batok saken ulit nila Kenneth at Skyler na may kasama pa yatang mga pasadyang suntok.

“T-Teka—ACCCKKK!!!” awat ko sa dalawa, nakikita naman nilang nakanta pa ng Graduation song, kung makapagwala sa mga upuan nila parang mga tanga.

“WOOOOOHHHHH!!!” sabay pa nilang sigaw kahit kanta ng kanta yung iba naming batchmates.

Hi. Graduation ngayon ng Esburgh University, at sobrang proud ako sa sarili ko at sa mga kasama ko ngayon. Nakareceive ako ng special citation dahil sa ilang beses kong pagka-panalo sa Archery Tournaments.

“May handaan ba sa inyo Skyler?” tanong ni Kenneth kay Skyler na katabi ko.

“Malay ko kay Dad at Mom.” Sabi ni Skyler habang nagkibit balikat ito.

“Meron. Tara punta ka.” Ako na ang sumagot sa tanong ni Kenneth, maghahanda si Tito sa bahay at invited din naman ang Mom ni Skyler at si Skyler syempre. In good terms na ngayon ang pamilya namin.

“Yowwwwn.” Sabi ni Kenneth. “Teka—“ napatigil kami ng mapatingin siya sa relo niya. “HOLY SHIT.” Nanlaki ang mga mata nito at dali-daling tumakbo.

“GOOD LUCK KEN!” sabay din naming sigaw ni Skyler ng makaalis na si Kenneth, may lakad pa kasi siya na mas importante pa kesa sa Graduation namin.

Habang naglalakad ako papunta sa kotse ko, “Anak, are you sure ayaw mong sumabay samin? We can get our driver to just take your car home.” Sabi ni Mommy saken.

“I’m fine Mom. Mauna na kayo.” Sabi ko sa kanya and kiss her on the forehead.

Inayos ko lang yung long sleeves ko at inangat iyon. Papasok pa lang ako ng kotse ng mahagip ng mata ko ang isang babae na nakatayo sa harap ko.

“Hey there.”

“Michelle.” Lumapit siya saken at yumakap. “You just ditched my Graduation, nakakapagtampo.” Sabi ko sabay pout.

“Sorry. May photoshoot kami kanina, I have to go there first.” At kinurot pa niya yung pisngi ko.

“So? Pupunta ka sa bahay? May handa si Mom.” Pagyaya ko.

“No. I just dropped by to congratulate you.” And she kissed me on my cheek.

“T-Thanks.” To be honest, I’m still not used to it when girls kiss me.

“Bye Stephen.” Tsaka ito naglakad papunta sa kotse niya.

Pumasok na din ako sa kotse ko at papalabas na ako ng gate ng may humarang sa dinaraan ko, isang BMW yun at pabalagbag itong pumarada sa daraanan ko. WOW AMBASTOS. =_=

Bababa pa lang ako sa kotse ko ng makita kong nagmamartsa na papalapit saken yung babaeng nagda-drive. Halos hindi ako  makagalaw ng maaninag ko kung sino yung bumaba sa BMW.

“Mikz?”

Nagitla ako ng marinig kong kinakalampag na nito ang salamin ng kotse ko. Dali-dali akong bumaba sa kotse at sinalubong niya ba naman ako ng suntok at sipa. >_<

“TAKE THIS! TAKE THAT! AYAN PA! SIGE ILAGAN MO PA! BUBUGBUGIN TALAGA KITA HANGGANG SA PUMANGET KA! BWISET!!! WAAAAAAAAAAA!!!” pagwawala nito as I sway left and right to dodge her punches.

“Hey—wait!!!” sabay hawak ko sa magkabila niyang  braso.

“LET ME GO!!!”

“Ayoko nga! Mamaya niyan—“ nakabitaw siya at lumipad sa mukha ko yung kamao niya.

*POW!*

Bumulagta ako sa driveway and saw her smug face looking at me with pure pride and joy.

“FINALLY. AHHH THAT FEELS SO GOOD!” sabi nito tsaka tumawa.

“What the fuck, Mikki? You came here just to punch me?” sabi ko habang natayo.

“Yeah.”

“Wow. Thanks.” I bluntly said habang nagpapagpag ng pants. Shet, nakaformal attire pa ako niyan ah. This girl is crazy. =_=

“You’re welcome, bye.” Halos malaglag ang panga ko ng ma-realize ko kung sino nga pala ang babaeng sumuntok saken. Pasakay na siya ng kotse ng hinabol ko siya at iharap ulit saken.

“MIKZ?”

“Ay? Short term memory? Di na agad ako kilala, kakasabi mo lang ng pangalan ko 10 seconds ago? Ganern?” naiinis nitong sabi habang nakahalukipkip.

“W-Wait, diba nasa States ka?”

“Talaga? Then that means, nasa States ka na rin kasi nasa harap mo ‘ko! Yey.” Sarcastic nitong sabi saken.

(=________=);;


“Mikki Jane Fortuno…”

“What?” naiirita niya akong hinarap.

“Why did you punch me?”

“Wala lang, trip trip lang.”

“Weh? Sure ka?” I smirked as soon as nakita kong kumunot ang noo niya.

“Yeah! Why would I be here anyway?”

“Maybe to congratulate me?” tumapat ako sa kanya pero umikot ulit siya para hindi niya ako makita.

“HUH! WOW. DREAM ON. SA DAMI NG NAG-CONGRATULATE SAYO, HUMIHINGI KA PA. YOU ARE BEING TOO GREEDY MISTER LIM.” Sabi nito saken habang bakas sa mukha niya ang inis.

“I’m not greedy. Isang bati lang ng isang tao, okay na ako eh.” I said while still trying to make her look at me.

“Sino? Yung Michelle? HUH. Oh ayan, nakuha mo na yung gusto mong tao, umuwi ka na nga!” sigaw nito sabay padyak pa ng paa.

I laughed as soon as she said her last line, di ko na mapigilan ang tawa at sa sobrang inis nito siya na mismo ang humarap saken.

“BWISET KA! ANO NA NAMAN BANG TINATAWA-TAWA MO DYAN????!”

“HAHAHAHA—ikaw kasi, para kang tanga—HAHAHAHAHA!!!” I said in between laughs. And she’s just stomping her foot while constantly nagging about everything.

“I HATE YOU!!!” that one line caught me and I stopped laughing. Surprisingly, natigilan din siya dahil sa naging reaction ko. Obviously because it’s awkward…

Awkward enough to see your ex parking in front of your car, in a rampage and just kicked you in the balls within 20 seconds.

That scene only happens in the movies…

Biglang humangin ng malakas, at nandun lang siya nakatayo. Her hair being blown by the wind, her face, her eyes… it is just months pero ibang usapan ‘pag isang Mikki Jane Fortuno ang hinayaan kong mawala saken a few months ago. Pinagsisihan ko kung bakit ba hindi ko siya hinabol and instead, dated Michelle Vigo.

We met at Senior Jack’s party, one of my teammates sa Archery. She invited me for dinner and until then we got close. We used to see each other when she’s free. Model kasi siya eh.

“So? Anong meron ba satin? Huh, Stephen?” tanong niya saken, isang gabi habang nagdi-dinner kami.

“Ohhh, aggressive. I like that.” Biro ko sa kanya.

“Aggressive? Oh please stop kidding me.” Uminom siya ng wine at tumawa. “I can’t wait that long Stephen. You know how impatient I am. Mahirap kayang manligaw.” Well, she’s vocal about her feelings for me. Ganun din ako sa kanya.

“And you know what my answer will always be Mich.”

“Aasa ka parin sa stuck up na babaeng nang-iwan sayo? Wow. Hero.” She sarcastically applaued me. Medyo nag-iingay na siya noon, ehem. Napaparami na yata ang inom niya.

“Hindi niya ako iniwan.”

“Iniwan ka niya. Aminin mo na nga lang. Oo siguro mahal ka niya pero iniwan na niya ang puso mo dito. Basically that means you are free to date again. Mingle, enter a relationship my goodness. She didn’t said you wait—“

“Mich.”

“What?”

“We’re friends, and we will stay as friends. I made it clear to you since day 1.” Sabi ko sa kanya ng diretcho. Natigilan siya sa pagsasalita at uminom nalang. Oorder pa sana ito ng isa pang bote pero hindi ko na pinakuha pa ang waiter.

“Ang kj mo, Lim. Boo!” inis nitong sabi.

“Hindi kita ihahatid Mich. You go home alone, at ayoko naman na mag-drive kang lasing.”

“Ang mean mo! Hindi mo talaga ako ihahatid?!” :(

“You’re not my girlfriend, Mich. And besides, you have your own car.” I smirked.

“A true gentleman, grabe.” She smirked back at me bago pa kami nagtoast sa huling glass ng wine.

Natigilan ako sa pagflashback ng makaramdam ako ulit ng hangin. Yung pag-ihip ng hangin may kasama ng iyak. Paglingon ko kay Mikki ay tahimik siyang nasinghot doon at naiyak.

“I HATE YOU!!!” paguulit nito sa sinabi niya kanina. “A-AKALA KO BA AKO LANG? BAT MAY MICHELLE NA AGAD-AGAD, STEPHEN? ANG SAMA-SAMA MO!” pag-iyak nito.

“Mikz—“

“Iniwan kita pero may dahilan… I mean—bakit ganun… alam ko kasalanan ko, iniwan kita pero bakit ang sakit sakit na malaman na may iba ka na?” naupo ito sa driveway at umiyak pa lalo. Para siyang bata, unbelievable.

“Mikki—stop crying…”

“Sorry… sa pagsipa ko sayo. Sorry dahil nagpakita pa ako. I’m actually fine. Napadalaw lang ako kasi—may mga papers si Mom na kailangan para sa divorce. Napadaan lang naman ako dito para i-congratulate sila Sky at Ken at—“

She has to stop talking—so I kissed her, like the old times. And yes, ganun pa din siya humalik, straight body and shocked eyes. Well, because my kiss really caught her off guard.

“Mikz, Mich is just my friend.”

“…”

“We dated, yes. That is true, pero that was more of a friendly date kasi she was so pushy and besides, lagi niya akong nililibre!” I grinned.

Kumunot naman ang noo niya dahil sa sinabi ko.

“What? Model siya, mas may pera siya kesa saken.” Natatawa kong sabi.

“Bat ka nag-eexplain?” she said and pouts.

“Para hindi ka na umiyak, ang panget mo eh.” Sabay kurot sa ilong niya.

“Ang sama mo. Ako nga hindi nakipagdate sa mga imported tapos mga ganung babae lang ang pinalit mo saken?”

“You didn’t date anyone? Ows.”

“Well, uhh—kaibigan meron! P-Pero walang date! Talagang classmates lang! EH IKAW!!!”

“I don’t like her, Mikz. Ikaw lang ang gusto ko. You know that.”

“No I don’t.”

“Asus. Pumunta ka dito para i-congratulate ako at syempre para magmaka-awang makipagbalikan saken noh? HAHAHA. Shet ang pogi ko.” ^_^

“ULUL.”

“Dali, magmakaawa ka na.” :3

“KAPAL MO.”

“Okay. Tayo na ulit.”

O___O

“G-Ganun lang yon?”

“Ay gusto mo pahirapan pa kita?” natatawa ako sa kanya. Bumigay din.

“De joke lang! Mehehehehe!” tapos yumakap siya saken at sumakay pa. “Tayo na ulit ah, walang bawian?” tanong niya pa.

“Mikz, tumaba ka yata?” tanong ko habang buhat ko siya.

“Gusto mong sipain ulit kita?”

(A/N: Michelle Vigo is Suzy Bae [*silently squeals* MYUNGZY])

Kenneth’s POV

“Excuse me! W-Wait—Excuse—“ napipikon na ako kaya hinawi ko na silang lahat at dumiretcho sa loob ng auditorium ng Gilmore. Naka-toga pa nga ako, naks. Iba nga lang ang school ko pero kunwari estudyante din ako. Mehehehehehe.

“And now we will proceed with the Summa Cum Laude Address, let’s give a round of applause for our Supreme Student Council President and Head of our Disciplinary Committee, Miss Carleen Hinirang!”

Nagsitayuan ang mga nakatoga at pumalakpak habang si Carleen ay paakyat ng stage. Darn that toga, hindi ko tuloy makita ang suot niyang cocktail dress.

“Good evening, batchmates, teachers, administrators, guest and parents. What a day this is, who would have thought na ang isang tulad ko ay matatakot at kakabahan ng ganito ngayon.” the audience giggled, and so does she. “No wait—hindi ako kinakabahan dahil haharap ako sa inyo! Kayong mga pasaway kong mga ka-batch! Mga pahirap sa buhay ko!” halos lumabas na naman yung mga piranha teeth niya, nanggigigil nitong tinuro ang isang particular na grupo ng lalaki na ang alam ko eh, lagi nalang napupuna ni Carleen dahil sa ear piercing at printed shirts.

“Sorry na Pres!” sigaw ng isang lalaki. “Balato mo na ‘toh! Last na!” hirit niya pa.

“Hay nako! Sorry sa mga magulang niyo ah, pero ang tagal ko ng gustong pilasin yang mga tenga niyo para lang hindi sila makapaglagay ng hikaw.” Nagtawanan naman ang audience. Umayos na siya ng tayo at ready ng ituloy ang kanyang speech.

“Hindi ako kinakabahan dahil sa speech na ‘toh. Mas kinakabahan ako sa mga mangyayari after nito. Ibang mundo na kasi ang tatahakin ko after kong matapos mag-aral. Sa field? Sa news room? Sa isang newspaper company? Sa loob ng isang publishing company? Kahit ako hindi ko alam kung saan ako magsisimula… nakakatakot harapin ang future, lalo na kung hindi ka handa.”

Lumakad pa ako palapit sa unahan. Gusto kong makita ng mas malapit ang babaeng ito.

“Sa totoo lang, I never liked this school. Bulok ang sistema, patayan ang pagkuha ng slots sa subjects, ang init ng ibang classroom, ang babaho ng mga blockmates ko, HAHAHA. De joke lang guys. Ang daming bagay na mapupuna sa unang araw pa lang. Kaya nga ako nagpasyang maging President ng Council, because I want to implement change. Hindi porket college na, you’re free to do what you want. I let the rules exist, hindi dahil gusto kong pahirapan ang mga schoolmates ko, kundi dahil gusto kong maging maayos ang lahat. Yun ay dahil mahal ko kayong lahat.”

That last line, nakakapang-selos. Technically, hindi lang exclusive sa akin si Carleen. Kaagaw ko talaga sa puso niya at oras ang buong Gilmore College, yun ang isa sa mga consequences na sinabi niya saken kung gusto ko daw na maging girlfriend ang isang tulad niya.

“Same reason, why I assigned myself as the Head of the Disciplinary Committee, yun ay dahil ako lang ang naglakas loob na itama ang mga mali ninyo, because I care about all of you. Mahal na mahal ko ang Gilmore College, even with its flaws, yung mga matataray na prof, yung sira-sirang upuan, yung patay-sinding ilaw sa classroom, yung pumapatay sa baho na mga banyo—LAHAT. Kaya ngayong graduation na—ang hirap iwanan ng lugar na toh. Ang hirap… hirap.” Natahimik ang buong audience at hinintay lang ang susunod niyang sasabihin. Biruin niyo, ang isang babaeng courier dati ng drugs sa isang strip club ay nakatayo sa harap ng maraming tao na may mataas na posisyon in terms of academics more than anyone else here right now. At halos lahat ng mata ay nakatingin sa kanya, waiting for the next words that will come out of her mouth.

“Pero kailangan ko na siyang iwan—ayoko naman ng mag-extend sa college noh!” nagtawanan muli ang mga kabatchmate niya. “Pero alam ko, at tiwala ako na may mga taong magpapatuloy sa nasimulan ko.” Lumingon siya sa isang side kung saan nakatayo ang buong Council. Kumaway sila at naghiyawan. Audience lang sila pero ang alam ko may mga members din ang council na gagraduate din ngayon kasabay ni Carleen.

“Jay.” Tawag niya dito.

Isang ngiti lang ang sinagot nito, sabay tango.

“Ikaw na ang bahala sa school, Jay. Salamat sa inyo.” Humarap siya sa audience. “Maraming salamat sa lahat ng mga tao na naging parte ng buhay ko dito at sa—“ natigilan ang hiyawan ng mga audience ng bigla siyang napatigil sa sinasabi niya. “S-Sa taong—nagpaunawa sa akin ng lahat… alam kong wala siya dito kasi—“ nagkamot siya ng ulo at natawa. “Kasi Graduation niya rin eh… salamat sa kanya. Mas nagampanan ko ng maayos ang tungkulin ko. I am not who I am right now without him.” Nag-bow siya at aalis na sana ng tumunog ang isang kanta.

Kahit na binabato mo ako ng kung ano-ano

Ikaw pa rin ang gusto ko

Kahit na sinasampal mo ako’t sinisipa’t nasusugatan mo

Ikaw pa rin walang iba

Ang gusto kong makasama

Walang iba…

Natigilan siya ng biglang dumilim ang nagsindihan ang maliliit ng stars na hawak ng mga kasama niyang gagraduate habang nakaupo sila.

“T-Teka! Hoy! Sinong nagpatay ng ilaw?! Anong mga katangahan na naman ba toh?! Bat may mga stars?!” naririnig ko pa siyang nasigaw. “ISUSUMBONG KO KAYO! BUHAYIN NIYO NA ANG ILAW!!!” pagwawala nito.

Tumakbo ako sa stage at iniharang sa kanya ang isang bouquet ng bulaklak kasabay ng muling pagbuhay ng ilaw.

“ISUSUM—BWO?” O_O

“Ehehe. Hi Carl.” Ngiti ko sa kanya. Nakakatakot talaga siya minsan. >_<

“A-Ano toh?”

“Congrats. Summa Cum Laude girl friend ko.”

“Magco-congrats ka lang kailangan may pagpatay pa ng ilaw at pagdelay pa ng Graduation Rites namin? Inis nitong sabi habang tinuturo ang audience. “AT KAKUNCHABA PA TALAGA KAYO AH?” sigaw niya sa mga ito. Hay Carleen ang ingay mo talaga. (=_=);;

“Pwede ba? Kiligin ka nga. Ang hirap mag-effort ah.” Sabi ko habang tinulak sa kanya yung bouquet, nangangalay na ako eh.

“Wow ang sweet mo. Pwe.”

Ngumiti lang ako sabay ngiti din naman niya. Kanina lang halos maging isa na yung kilay niya na sobrang magkasalubong eh.

“I’m so proud of you Carl.” Lumapit ako at niyakap siya. Hiyawan naman ang audience, sa stage talaga kami naglandian, ayaw namin ng exposure. XD

“I’m proud of you too Ken. Thanks.” Yumakap na din siya. Nagpaputok naman sila ng confetti at agad na umakyat ang mga ka-batchmates niya. “T-Teka! Saan kayo pupunta?” tanong ni Carleen.

“GRADUATION SONGGGG!!!” sigaw nila.

“Hindi naman yun ang ni-rehearse natin—“ hinila na lang siya ng mga ito at tsaka luminya para kumanta.

Hinigit ako ng ibang kasama ni Carleen sa Council. “Hey! Ano ba kayo, moment niyo yan.” Sabi ko habang pinipigilan sila na hilahin ako pabalik sa stage.

“Adopted student ka na ng Gilmore, kaya dapat lang na sumama ka dito!” sabi pa nila. Natawa ako sa sinabi nila at nagpahila na. Tumabi ako kay Carleen at umakbay sa kanya.

“Adopted student?” natatawa niyang sabi.

“Well, I spent most of my times here than in my school, right? I guess I am adopted.” Sagot ko at nakisabay na rin sa pagkanta ng Graduation song nila.

 Charlie’s POV

Summer na summer, nandito ako sa office nila Dad at nagpapakahirap. Samantalang nasa out of town trip silang lahat dahil kakatapos lang ng Graduation. ANG SAMA-SAMA NILA. </3

“Charlie, asan na yung pinapa-follow up ko sa iyong powerpoint at proposals para sa meeting with Mr. Delos Reyes?” ayan, nagalit na yung VP, kung maka-utos kasi, trabaho naman niya yun eh. T^T

“Ah, yes Sir, matatapos na.” Umiling ito saken bago umalis. Joke lang, ang dami pa kaya nito. OTL

Nagpatuloy ako sa pagaayos ng graphs at pie charts ng biglang tumunog ang phone. Sinagot ko naman ito agad.

“Good morning, Barrameda Group. How may I help—“

“WOOO CHA!!! ANG SAYA SAYA DITO!!! NASAAN KA BA?!” nagwawalang sabi ng putapeteng si Kenneth sa kabilang linya.

“SHET CHARLIE, ANG SARAP SA BEACH!” si Skyler yun. T_T

“AHHHHHRIGHT!!!!!!!!!” kapag boses manyak, si Chief yun sigurado ako.

“So, Charlie, susunod ka ba dito?” biglang tanong ni Kenneth saken. <///3

“H-Hindi.” Pinipilit kong ‘wag umiyak. Sagad sa buto ang inggit ko ngayon. Welp!

“Aww sayang naman kung ganun. HAHAHAHAHAHA.” At nagawa pa nilang mang-asar! +_+

“Alam mo ibababa ko na toh kung wala kayong matinong sasabihin.”

“Okay bye—“ di ko na tinapos at binagsak ko na yung phone. Badtrip. Ang bully talaga nila kahit kelan, inggitin daw ba ako? Ahuehuehuehue. T^T

*ringgggggggggg*

(=_______=###)

“WHAT?!!!!” sagot ko ulit sa telepono.

“C-Charlie? Ganyan ka ba sumagot ng landline phone sa main office mo?” mahinahon na boses ang sumagot sa kabilang linya at boses ni—ni….

“LEX! AH SHIT.” Napakamot ako sa batok ko after doing that. Why are you so stupid, Charlie. Ugh.

“Are you alright?” tanong nito.

“Y-Yeah. Look, kakatawag lang nila Ken saken and they’re teasing me dahil nasa beach sila. You know my friends, they always bully me.” Paliwanag ko habang nakapout.

“Oh Cha, ang cute mo talaga. Bakit kasi hindi ka sumama?”

“Madami akong ginagawa sa office.”

“Aw that’s too bad. How can I help you then?”

“Maybe when you’re here, it won’t be that lonely.” Paglalambing ko sa kanya.

“Haha. Wow, talaga? Makakatulong ba talaga yun?” she said while giggling.

“Sobra.”

“Oh okay, I’ll try.”

“Try lang? Akala ko ba you’ll help me. Your boyfriend needs someone to cheer him up.” Ahem, sinagot na niya ako. Wala eh, pogi na ako ngayon. Hindi na ako cute! HAHAHAHAHA.

Sa kakasandal ko sa shivel chair ko eh nadali ko yung stacks ng folder sa table. YIKES. >_< Ayan feeling pogi kasi nagkalat ka pa tuloy! Dagdag trabaho na naman. Ajuju.

“What’s that noise?”

“Ah nothing. Nag-aayos lang ng folder. So where were we? Ah yes, pupunta ka dito, right?”

“’Pag nandyan ako eh di mas lalo kang walang natapos? Sige na, I’ll hung up, gawin mo muna yang folders, baka may hinahabol ka pang—“ AH SHIT, MR. DELOS REYES’ MEETING. O_O

“Ohhh oo nga! Sigebabye! Iloveyousomuchmuamua!” saka ko dali-daling binaba. Bubuksan ko palang ulit yung laptop ko ng pumasok si Dad sa office.

“Asan na yung proposals for Mr. Delos Reyes?” he asked. PATAY. </3

“Ah eh, Dad—este President, ano malapit na pong—“

“WHAT?! KANINA PA SAYO SINABI YUN AH?! AND WHAT’S THIS, BAT NAKAKALAT ITONG MGA FILES SA SAHIG?” nako po. HUHUHUE. Pwede ba dito yung ‘SORRY POOOO’ ni Chichay, ahuehuehuehue. T__T

“Ahh—so-sorry poooo—“

“Aishhh.” Napapikit ako sa gagawin ni Dad, baka kasi sampalin pa ako. Mas okay na kung di ko makita at paghandaan ang impact—“You can leave.” Sabi nito.

“I can—wait WHAT? *blink blink*” nanlaki ang mata ko sa sinabi niya. I CAN LEAVE? PINAPAALIS NA NIYA AKO SA KUMPANYA? AM I FIRED? OH NOES. <///3

“I said you can leave. Tumawag si Alexa, pinagpaalam ka niya na mag-out of town kasama yung iba mong kaibigan.”

O____________O

“……..”

“Well? What the heck are you waiting for? Hinihintay mo pa bang magbago ang isip ko?!” inis na sabi ni Dad.

“N-No! HAHAHA. Aalis na ako! Bye Dad!” nagkiss pa ako sa kanya bago ko inabot ang car keys ko at tumakbo sa elevator. Paglabas ko sa lobby ng building, naabutan ko doon sila Alexa, kasama syempre sila Cams, Cindy, Ella at ang star of the LECHE Buena na si Nana syempre. =_=

“Surprise! Surprise!” bati nila saken.

Sinalubong ako ni Alexa at hinalikan ko siya sa noo. “Aren’t you such a tease?” sabi ko.

“Sorry, pati ako gustong gusto na binu-bully ka.” Habang inaayos ang neck tie ko.

“Well? Maglalandian na lang ba kayong dalawa dyan? Iiwan na namin kayo?” sigaw ni Cams na nakasakay na sa van.

“Oh no you don’t Cams!” I grinned at hinila na si Alexa papunta sa van.

“LET’S PARTEYYYYYYYYYY!!!” sigaw pa ni Nana ng mapaandar ko na ang van.

Chief’s POV

Nagpaparty ako ngayon para kay Skyler at Kenneth. Graduate na kasi yung mga ulupong. Isinama na rin namin yung iba pa nilang kaibigan para masaya.

“Hoy Skyler gago ka, huling libre ko na toh sayo ah! Sa susunod ikaw naman ang manlibre!” sabay batok ko sa kanya.

“HAHAHAHA. OO NA!” himas pa nito yung ulo niya habang inis na inis saken.

“Andyan na yata sila Charlie.” Sabi ni Stephen ng pumasok ito sa kitchen kung saan kami nakatambay ni Skyler. Syempre kasama na din siya, kapatid din siya ni Sky eh.

“Really? Hahaha. Siguradong magtatantrums yun dahil sa pagtawag natin sa kanya kanina.” Tawa ni Skyler tsaka kami tumayo para salubungin sila.

“KOYA SKYLER!!!” bati ng kapatid ni Skyler sa kanya pagkalabas ng van.

“Nana get off me.” Bugnutin talaga ni Sky. =_=;;

“Chiefy ang sama niyo talaga!” sabay hampas saken ni Charlie. Pero di ko na yun pinansin at tinipon muna ang lahat ng dumating.

“Okay. Listen up. Hindi ko kayo nilibre para lang lumamon at maglangoy sa beach, dahil lahat ng ito ay may bayad.” I announced.

“HOMAYGAD!!! D.O.M. KA BA? AS IN DIRTY OLD MA— ACCCK!!!“ natigil lang yung kaibigan ni Alexa na si Camille ng bigla itong sinipa ni Nana sa binti.

“Chiefy is not a D.O.M. you stupid woman!” sigaw nito.

Napafacepalm ako dahil sa dalawang ito eh. “So anyway, hindi yun ang ibig kong sabihin. I’ve invited you all para magparticipate sa isang surprise.” Nakangiti kong sabi.

“SURPRISE?!” *___* sabay pang sabi ng mga babae.

“Oo. Pero hindi na siya surprise kung isisigaw niyo pa ulit.” =_=#

“Ay sorry HAHAHAHAHA!”

“So what’s your surprise, Chiefy? And for who?” tanong naman ni Charlie.

“I’m going to propose tonight, and hopefully, with your help… Courtney will say yes.”

Habang nasa balcony ako, kitang-kita ko silang lahat na naglalaro sa beach. Ang landi ng KenLeen, pati na yung ChaLexa. Ay wala pa ring tatalo sa MikPhen kung maghabulan sa beach parang sila lang ang tao.

“Oy Skyler.” Nakita ko naman si Skyler na tumabi saken sa balcony habang nagkukusot ng mata, mukhang bagong gising ang gago.

“Si Miss Court?”

“Busy magluto. ‘Di ko muna siya iniistorbo baka hagisan ako ng kutsilyo.” Naupo kami doon habang pinapanuod silang lahat. “Nakabalik na pala si Mikki?” tanong ko.

“Yeah. Nito ko lang din nalaman.” Ang chill niya lang na nakaupo doon. Tss.

“You didn’t ask about Rima?”

“Nope.”

“So… wala? Ganun lang yun?” naiinip kong sabi. “Skyler do you have any plans on finding her?” I asked.

“Sa ngayon, I need to focus on the family business. Tutulungan ko si Dad, right?”

“And what about Rima?”

“She’ll help her grandfather and the whole Dela Vega Empire.”

Napanganga nalang ako sa sagot nito. “Hindi ka man lang naiinggit sa MikPhen, KenLeen at ChaLexa? KAHIT KONTI? Or maybe sa ChieNey mainggit ka mamaya? ASAN NA ANG RimLer? ASAN NA ANG SkyMa? Kayong dalawa lang ang may dalawang fandom names, tapos ganun lang?” kahit ako nababaduyan sa mga pinagsasasabi ko pero kahit kayo naman diba magtataka? T_T FAN KAYA AKO NG LOVETEAM NILA. </3

“Haha. Chief, stop being silly. Ang universe na lang ang magsasabi kung kelan kami magkikita. Chillax.” Sabi nito saken. Bwiset.

“Bahala ka dyan.” Nainis na ako at iniwan siya doon.

Dumating ang gabi at ayos na ang lahat para sa surprise. Nakita kong unti-unti nang nilalabas ni Court ang mga hinanda niyang pagkain. Pero hindi niya alam may hinanda din ako para sa kanya.

“Ayan. Okay na—wait? Guys?” tawag nito sa amin. Halos masipa ko na sila Charlie at Kenneth na nagpipigil ng tawa sa tabi ko habang nagtatago kaming lahat.

“Hindi man lang niya napansin na wala ng tao sa bahay. Pfft—“ bulong ni Kenneth.

“Stop bluffing—‘pag nahuli tayo—“

“Guys? Francis? Sky? Charlie? Kenneth? Girls? Hey guys?” pumunta ito sa sala pero wala din siyang nadatnan doon, pati sa mga kwarto. Lumabas na din siya sa may tabing dagat pero walang tao.

Natanaw namin na medyo malayo na siya sa rest house kaya nag-signal na ako for phase two ng plano.

*bzzzzzt*

Nagitla siya ng biglang namatay ang ilaw sa sea shore, pati ang ilaw sa bahay. Black out ang nangyari. Pero wala man lang kaming narinig na tili mula kay Court. =_=;;

Just as I expected.

Naaninag ko ang isang makintab na bagay, I knew that was her army knife at ready ang babaeng ito kahit saan. Kaya nainlove ako lalo sa kanya. <3

Dahan-dahan akong lumapit sa kanya, as I move inch by inch closer, ramdam ko ang pagbigat ng hinga ko, na sana sumakto ang plano ko bago pa ako mahuli ni Courtne—

“HULI KA! WHO ARE YOU! ASAN NA ANG MGA KASAMA KO?!” anak ng tokwa, nalingkis niya agad ako at naitutok sa leeg ko ang knife. Sobrang dilim pa rin ng paligid at ramdam ko na ang lamig ng knife sa leeg ko. “TELL ME WHO ARE YOU!!!” she yelled.

*bzzzzzzt*

Just then, umilaw sa dagat ang kanina pa naming pinaghirapang ilagay. Bumalik na ulit ang ilaw pero dim lang ang liwanag para makita ang ilaw na nakasulat sa dagat.

“W-Wait—“ napaatras ito sa akin at tsaka ako nagtanggal ng bonnet.

Tumingin siya sa mga letrang nakalutang sa dagat.

‘MARRY ME, COURTNEY’

“Wait—Francis—“

“Marry me, Court. Please be mine?” tsaka ako lumuhod at binuksan yung box kung saan nandun ang singsing. Kasama kong bumili ng singsing si Skyler noon.

“But—I---“ napatakip nalang siya ng bibig at umiyak. “Tinakot mo ako!” sabay hampas niya saken.

“Hahaha. Sorry.” Tumayo ako at pinatigil siya sa pagiyak. “Gustong-gusto ko kasing makita ka na natatakot, sa sobrang astig mo kasi, di ko alam kung ikaw o ako ang dapat protektahan eh. Court, mahal na mahal kita. And I will forever be by your side. Just say—“

“YES.”

O________O

“……..”

“Francis? I said YES. Hello.” Ni-wave niya yung mga kamay niya sa harap ko. Wait—nabingi yata ako. Did she just said—

“AHHHHHHHHHHHHHHHHHH!!!!” nagsilabasan na silang lahat at yumakap na saken. “SHE SAID YES YOU NIGGERRRR!!! AHHHHHHH!!!!” sigaw pa nila habang niyuyugyog ako. “PUTA SAY SOMETHING TO HER!!!” at minura pa nila ako. =_=

Nagsitakbuhan na sila sa beach at nagpaputok ng confetti. May nagpatunog na rin ng music at nagsilabasan na ang mga pagkain. Naiwan lang akong tulala sa harap ni Court.

“So are we just gonna stare at each other?”

“Nope. Namnamin ko lang saglit, di ako maka-move on eh. Wait.” Ngumiti ako and cupped her face. “I’m going to marry you—wait. I AM REALLY GONNA MARRY YOU?” tanong ko ulit habang natatawa.

“Yes Francis. I will marry you.” Kinurot niya yung pisngi ko at niyakap ako.

“GUYS!!! #^%)&#&#^%$*#% SHE SAID YES!!! *^%#%# TALAGA!!!” tsaka ako nagtatalon at niyakap at hinalikan siya. “WOOOOOO IKAKASAL NA KAMI!!!! WOOOOO!!!” napatingin sila saken habang talon ng talon at sigaw ng sigaw.

“Ugh. Ang LR talaga ni Chief, palibhasa tanders na eh.” Nagkibit balikat nalang sila Charlie at nagpatuloy sa pag-party.

Invited kayo sa kasal ko! ;)

 Skyler’s POV

“It was nice doing business with you Mr. Abalos. I guess we will see each other very soon for the contract signing.” Nakipag-shake hands saken yung isa sa mga investors na kakatapos ko lang i-meet.

“Indeed Mr. Fernan. Thank you for giving your trust to our company.” Tsaka ito umalis sa office.

Pabalagbag akong humiga sa sofa habang niluluwagan ang necktie ko. Konting unat din ng braso at pagbali ng leeg matapos ang tatlong sunod-sunod na meeting with clients, investors at shareholders.

Frankly, ipagpapalit ko ang pipichuging homeworks ko noong college kesa maranasan araw-araw ang buhay na ganito. Nakakapagod.

Hinubad ko agad ang long sleeves ko at nagpalit ng tshirt. Nagsuot ng coat at nagpalit lang ng relo. May isa pa akong lakad, magpapasukat pa ako ng tux para sa wedding ni Chief, pero bago pala yun—

*ringgggg*

Nana calling…

“Hello?”

“Kuya? Akala ko ba papunta ka na? Ano ganyanan na? Grabe ha, pa-VIP ka talaga kahit kelan! Bilisan mo na nga.” Sabi ba naman saken.

“Sorry, may dinaanan lang ako sa office. Papunta na ako.” Naglakad na ako palabas ng office.

“Make that sure or I’ll—“

“Yeah, yeah bye.” I hung up at dumiretcho sa elevator. Tyempo din na pababa si Dad.

“Going somewhere?” he asked.

“Magpapasukat lang ng tux for Chief’s wedding.” I said. Dumating ang elevator at tsaka kami sumakay. “You? Where are you going? Hindi pa tapos ang office hours.” Tanong ko.

“Just strolling.” Mahilig si Dad sa ganun, iikot siya sa iba’t ibang departments, makikipagkwentuhan with his subordinates. Siya pa ang promoter ng pag-iingay sa work place, parang hindi siya ang President. Tss.

“Dad, stop disturbing them, nagtatrabaho sila.” =_=

“Mind your own business, son.” Tumunog ang elevator at bumaba siya sa 9th floor. Most probably sa Sales Department ang punta ng matandang yun. Hmm.

“Good afternoon, Sir.” Bati ng mga front desk saken bago ako lumagpas. Kinuha ko sa valet ang susi ng kotse ko at tsaka sumakay sa bago kong BMW. Kakabili lang nito ni Mom saken after Graduation.

If nalilito kayo, let me rewind some scenes for you. Nabaril ako, December 31st (pero hindi ng mga nagpaputok nung bagong taon ha eh di sana nakita niyo ako sa TV), April, graduation namin where I got my new ride. Naks. ;) Dumating din noon si Mikki at nagkabalikan sila ni Stephen.

May, summer party naming kung saan nagpropose si Chief. June, pumasok na si Nana sa first year niya sa high school. Feeling senador na siya nun kasi wala na siya sa Junior High at nagpupumilit pang mag-dorm. =_=

Today is August. One week away from ChieNey’s wedding at sobrang dami ng dapat asikasuhin.

Habang nagdadrive ako, tumunog ang phone ko, agad ko naman kinuha yung wireless earpod ko para masagot ko yung tawag kahit nagmamaneho.

“Mom?”

“Iho, everyone is here, asan ka na?” she said.

“Sorry mom, papunta na ako, I’ll be there in 5 minutes.”

“Okay. Hurry up. Mag-ingat ka sa pag-drive. Love you.”

“I love you too.” I said bago ko ibaba ang earpod ko.

Sa kahabaan ng daan tanaw mo ang malaking tower ng Dela Vega, the company is growing strong, ang bilis ng expansion. Napailing ako knowing how stupid Rima is before, pero who would have thought na ang stupid at annoying na babae na yun ang magpapatakbo ng isang ganito kalaking kumpanya, sa ganoong kabilis na panahon.

I arrived at Mom’s couture shop at naabutan ko doon sila Camille, Cindy, Ella, Nana, Stephen, Kenneth, Charlie at Alexa. She volunteered to make all the dresses and suits for the entorauge; she’s a designer, right?

“Where’s the others?” tanong ko.

“Umalis si Mikki kasama ni Miss Courtney para tumingin ng flowers. Si Chiefy busy din sa pag-asikaso ng venues.” Sagot ni Kenneth. “Ikaw nalang ang hindi nasusukatan.” Dagdag pa nito.

“Sorry. I had to go back to the office, may naghihintay sakin.” Paliwanag ko sa kanila. “And I’m not even that important.” Sabi ko pa.

“Not important? Eh ikaw kaya yung Best Man, sipain kita dyan eh.” Inis na sabi ni Nana.

“Where’s Mom?” hanap ko sa kanila.

“Sa loob, marami din siyang ginagawa eh.” Turo nila saken kaya dumiretcho na ako doon. Naabutan ko siyang nagsusukat ng damit sa mannequin.

“Hey.”

Lumingon siya at ngumiti. “Skyler, you made it.” Biro niya saken at sinalubong ako ng halik.

“Am I really that late?” tanong ko.

“Yes. Now go stand there, I’ll just get my tape measure.” Tumayo ako sa tabi ng table niya. Agad naman siyang sumunod habang hawak ang tape measure. “I’m so happy that I’ll get to design Mr. Francis’ wedding. It’s the least I can do for taking good care of you during your spy days.” She chuckled.

“Mom. I can take care of myself. He’s not even helping us with most of our cases before so you really don’t have to bother.” =_=

“Uh-uh. Don’t say such things; I know how you changed after you’ve been assigned to his team.”

“Well, basically it’s not because of that man.”

My mom let out a grin. “So this Rima is the one who changed you? Is that right?” she taunted.

“Ugh Mom, are we gonna start this topic again?”

“Yes, not until I meet her.”

“I told you, we haven’t talked since she left.” Lumuhod ito para makuha ang size ng pants ko. She’s still giggling habang nagsusukat.


“How about Amy? How is she doing?”

Natigilan ako dahil sa tanong niya. Naalala ko yung pag-uusap namin ni Amy after I got discharged out of the hospital.

“Hi.” She awkwardly waves her hand.

“Yeah. Hi.” Binisita ko siya sa correctional facility kung saan siya nakakulong. She’s still beng treated since she appeared to have some disorders, I did not bother asking.

“W-What brings you here, Sky?” nakatungo niyang sabi.

“I’m just making sure you’re fine.”

“I’m fine.” Humarap ito saken at mapait na ngumiti habang natulo yung luha niya. “I-Ikaw? O-Okay ka na ba? After y-you were shot—I wanted to see if you’re okay… I was so w-worried.” Hagulgol niyang pagiyak.

“It was nothing. I was at the hospital for two weeks.”

“I’m sorry Sky. I shouldn’t listen to my Dad. I should’ve just let you and Rima alone.”

Sumilip sa pagitan ng mga salamin kung saan kami naguusap ang mga malulungkot niyang ngiti saken. Ang Miss Amy na nakilala ko ay ibang-iba na ngayon. Naka-orange t-shirt ito at nakatali ang buhok, pero hindi parin nagbabago ang mukha niya… cute pa rin talaga siya.

“I forgive you.”

Umiling ito. “No. What I did was unforgiven. Pinagtangkaan ko ang buhay niya, she almost died with all of the things I planned. Si Olga, sila Harvey Dela Vega, si Ovan, lahat.” She burst into tears. “She wasn’t doing anything wrong—the only thing she did was—make you fall in love with her… it was unplanned… hindi niya yun sinadya. And I—I’m sorry…” she cried.

“Hey. Miss Amy, stop crying… okay na ang lahat. I’m sure there’s a certain guy for you. May dadating sa buhay mo na magbabago din ng lahat… so please stop crying…”

“P-Pero wala na si Rima—how can you—“

“Everything is fine… it is not your fault… it’s her choice.”

“There… I’m done.” Nagulat ako ng tumayo sa harap ko si Mom. “You seemed to be in a daze? Are you thinking of someone?” she asked.

“Yeah. Miss Amy is doing quite well inside the correctional facility.”

“Glad to hear that then.”

“Yeah.”


Just then, bumukas ang pinto at pumasok sa loob sila Stephen at Mikki, “Tita. These are the only cloth we saw, will this still match the motif?” Stephen asked.

“Naku, I don’t think it will match, try finding a color that is lighter than this. I think that will be much fine.” My mom handed a piece of cloth to Stephen, na agad ko naming kinuha.

“H-Hey—“

“Kami ni Mikki ang bibili.” I volunteered.

Tumaas ang kilay ni Stephen upon hearing what I said. “Bat isasama mo pa si Beb?” =_=

“Oh please Stephen, di ko siya aagawin sayo, jeez.” Kinuha ko ang kamay ni Mikki at umalis kami sa couture shop ni Mom.

“Okay Abalos, alam kong may kailangan ka saken kaya mo ako sinama.” =_=

“I’m just going to ask you how she is doing.”

“Like what I said before, wala akong balita sa baklang yun. Kinalimutan na yata niya ang existence ko.” Nagpout ito at sumandal sa upuan.

“She can’t do that, lalo na sayo!” I said, not even believing.

“Well, she already did it! Nainis lang ako sa kanya dahil nasa pareho na kaming State eh hindi niya man lang ako matawagan. So I decided na umuwi nalang dito since my Mom is doing well with her new husband.”

“She never called you?”

“Never.”

***

After a long day, sa wakas, nakauwi rin ako sa bahay. Sa condo parin ako nakatira. Since Mom is here in the country, Nana is staying in our main house in Batangas.

God, it sure is quiet when she’s not around.

*fussles*

Napatigil ako sa pag-unat ng makarinig ako ng mga ingay coming from the kitchen. Agad akong nagtago at dahan-dahang naglakad papunta sa kitchen door. Sliding door iyon at bukas ito. Someone’s inside my unit. Dafaq? What kind of security is existing in here?

O_O

Nakarinig ako ng footsteps, at isang shadow. As soon as he stepped out of the kitchen I grabbed him by the collar and take him down. Inalis ko kaagad yung bonnet niya.

“Argh.” Giit nito habang nagpupumiglas.

“Kasama ka dun sa nakatakas sa shabu lab na na-raid namin last week ah?” I knew it. Lagi nalang nilang puntirya ang unit ko. Punyeta.

“Bitawan mo ako!!! ARGH!!!” nagpupumiglas pa siya ng bigla akong natahimik.

*ting ting ting*

Wait a minute—is that a—

HOLY SHIT!

Agad kong dinampot ang lalaki at nagtatakbo sa labas ng unit and—

*KABOOM!!!*

Nahuli yung lalaki na kasama pala talaga sa drug syndicate na nahuli namin nila Kenneth last week. Nasira yung condo unit ko, pati na yung lima pang katabi kong condo. I think the owners will sue me after this.

If you ask me, the one that should be sued is the Condo Estate Security itself. I’ve never seen such a shitty security my whole life. =_=

“Are you all right?” tanong agad saken ni Mom.

“Yeah mom. This is nothing.” I said while she checks all the scratches and minor burns I got from the explosion.

Nagsidatingan naman ang convoy ng mga kotse at bumaba doon si Chief. Oh. I forgot to tell you, hindi na siya ang Chief Adviser namin. He’s the Chairman of the Federal Drug Department Agency. After what happened to Chairman Villena, they appointed Chief is the new Chairman. Gulat kayo noh? Ako rin eh. +_+

“Anong nangyari dito?” tanong niya agad.

“Some stupid drug syndicate planted a bomb inside my condo unit.” I said.

“Eh sino bang tatanga-tanga ang pinatakas pa yang isang yan noong entrapment? Ayan tuloy, binalikan ka.” Sigaw saken ni Chief. ‘Di man lang nahiya sa nanay ko. =_=

“I’m not blaming anyone.”

“Tss. Ingatan mo nga yang sarili mo, mawawalan pa ako ng Best Man sa kasal.” Sabi pa niya saken. Agad din silang umalis kasama yung ulupong na Mang Kanor na yun. Napabuntong-hininga ako ng makita ang sunog na bahagi ng condo.

“Iho, you better stay in the main house with us.”

“But Mom, ang layo nun sa work place ko. I can’t be late. Magagalit saken si Dad.”

“But it’s late in the evening, saan ka naman tutuloy? Sa Hotel?” my Mom asked.

And suddenly… I smiled out of nowhere.

“I know one place.” I said then kissed my Mom and ran straight to my car.

Nakita kong kumaway pa saken si Mom habang palayo ang kotse ko. I stepped on the gas and hurriedly went to a place I know will always be a place I can call home.

***

I stepped out of my car and I was marveled of how the church from the outside looks like. This is no ordinary wedding, I gasp seeing how well prepared it reflects. I should give credit to Alexa’s Team for their efforts.

“Himala, hindi ka late?” bati pa saken ni Alexa habang kinakabitan ako ng rose emblem sa dibdib at inaayos ang bow tie ko.

“It’s the actual wedding, Lex. Sa rehearsals lang talaga ako nagpapalate.” I smiled at her. “You look beautiful.” I added as I look at her dress and how her hair was tied up.

“Aww, thanks Skyler. Oh! Charlie and Kenneth are inside, they’re having a chat with Chief’s relatives.” Niyaya ako ni Lex sa loob.

“Sky!” tawag saken ni Charlie.

“You dress up good, bro. Buti naligo ka ngayon.” Sarap batukan nitong si Stephen. =_=

“So he’s the best man?” isang matandang babae ang nagsabi.

“Yes Mom. Also from my Team, Skyler Abalos.” Chief said. Oh, so that’s her Mom.

I leaned closer para makipagbeso. “Nice to meet you, Tita.” Sabi ko.

She giggled. “Ang bango naman ng binatang ito. Ang gagwapo ng mga alaga mo Francis ah.” Natawa kaming apat nila Kenneth, Cha at Stephen sa sinabi ng Mama ni Chief.

“Ma, nagtaka ka pa eh gwapo ang Adviser nila, malamang gwapo din ang subordinates.” Pinigilan ko lang barahin yung sinabi niya dahil kaharap ko nanay niya eh, pero kung wala yan nasupalpal ko na yung ulo niya siguro.

“Places guys, malapit ng dumating ang bride.” Tawag ng pansin sa amin ni Camille. “Remember guys, just like what we rehearsed!” she instructed. Nagsialisan naman ang mga tao at naghanda ng pumila sa likod. Sasama pa sana ako ng hilahin ako ni Camille. “SKYLER. SA UNAHAN KA KASI BEST MAN KA. EMERGERD. DI KA KASI UMAATTEND NG REHEARSALS.” Irap nito saken.

“Haha. Opps.” Nasabi ko nalang, ngumiti din siya at nag-ayos na ng pila. Katabi ko naman si Chief na kanina pa silip ng silip sa labas. “Hoy. Makikita mo din siya, ‘wag kang masyadong atat.” Inis ko din sabi.

“Alam mo, magpalit kasi tayo ng pwesto, ikaw kaya ang ikasal. Pucha.” Tapos may pagkuskos pa ng kamay at pagtalon pa. “SHET. INHALE EXHALE SHET.” Sabi pa nito.

Unti-unting nagiging tahimik ang lahat at kita naming halos matapos na silang pumila. Cue nalang ng kanta ay magsisimula na. Inabot ko agad ang balikat ni Chief.

“You know, you’re not even the slightest of a professional being our Chief Adviser.” Bulong ko.

Nagsalubong agad yung kilay niya. “Hindi ko kailangan ng pang-iinsulto mo ngayon, Sky.” Naiinis niyang sabi.

“Yeah I know. I just want to let you know that… I’m thankful that I was assigned in your team. Thank you, Chief. Congrats.” I pat his back at kitang-kita mo yung pamumuo ng luha sa mata niya.

“Ang sweet mo Sky.” T___T

“Ugh. Just focus on your wedding and stop being immature.” -___-#

You by the light, is the greatest fight ♪♫

In a world full of wrong♪♫

You’re the thing that’s right ♪♫

Nagsimula na silang maglakad, ang sayang naglakad ni Nana na proud maging flower girl, for the first time ah. Kasabay ang iba pang bata. She smiled at me bago maupo.

Kasunod nila ang mga magulang namin, kinuha ba naman lahat ni Chief sila bilang Ninong at Ninang.

“Ang bigtime ng mga Ninong at Ninang ko noh?” bulong nito saken.

“Ugh.” Napaikot ang mata ko sa pagiging immature niya eh.

Finally made it through the lonely ♪♫

Through the other side.. ♪♫

Sumunod sa kanila sila Camille, Ella at Cindy. Magkasama naman sila Charlie at Alexa, Kenneth at Carleen at Stephen at Mikki. Ang cute nilang lahat tignan. Naging kaibigan ko silang lahat. Ang galing—

“Wait, diba si Mikki ang maid of honor?” natanong ko bigla. OH DIBA MAY NATANDAAN AKO SA REHEARSALS!!! WHO YOU KA NGAYON CAMS!!! XD

Ngingiti ngiti pa ako ng matanaw ko ang paparating saken…

You said it again my hearts emotions ♪♫

Every word feels like a shooting star ♪♫

I’m at the edge of my emotions ♪♫

Watching the shadows falling in the dark… ♪♫

Wait—set up ba toh?!

And I… I’m in love… ♫♫♫

And I… I’m terrified… ♫♫♫

“R-Rima?”

For the first time and the last time… ♫ ♫ ♫

You’re my only… life. ♪♪♪

Rima’s POV

Pinipigilan kong ‘wag tumuwa habang naglalakad papunta sa altar dahil nga sacred at solemn dapat ang kasal pero shet naman kasi, mukhang ewan si Skyler na naka-nganga sa harap habang naglalakad ako.

Hi guys. Miss me?

Ako ang maid of honor ni Miss Courtney, I mean, sino pa bang iba?! Nadelay lang talaga ako ng alis sa New York dahil sobrang dami as in yung nakaschedule saken na meetings.

Ayan, malapit na ako sa altar. Naka-nganga parin po si Skyler. :3

Narinig kong humalakhak na si Kenneth pero binatukan siya agad nila Charlie at Stephen para tumigil. Natawa din ako pero ngumiti lang ako kay Chief at kumindat.

“Congrats Chiefy.” Bulong ko bago pumunta sa upuan. Sinundan ako ng tingin ni Skyler, pero ngayon seryoso lang siyang nakatingin saken.

“Do you, Francis, take Courtney, to be your lawfully wedded wife, in sickness and in health, for richer or for poorer, till death do you part?” tanong ng pari.

“I do.”

“Do you, Courtney, take Francis, to be your lawfully wedded husband, in sickness and in health, for richer or for poorer, till death do you part?”

“Yes Father, I do.”

A roaring applause was heard, nabingi ako saglit sa hiyawan ng mga kasama ko. At ang tanging narinig ko lang ay…

“Congratulations Mr. and Mrs. Perez, I now pronounce you, man and wife.” Pagkatapos nun ay ang pag-angat ng belo ni Miss Court, grabe nung nasa dulo ako ng entorauge kanina hindi ko masyadong makita ang itchura niya pero ngayon halos lahat kami nga nga. ANG GANDA NIYA. *O*

“You may kiss the bride…” basbas ng pari at ayun nga. Tumunog ang kampana at nagsitayuan na kami at nagmartcha palabas ng simbahan.

“RIMA BEAR!!!” yakap agad saken ni Charlie.

“You came in like a wrecking ball!!!” kanta naman ni Camille ng sumulpot ito sa likod ko. “Grabe, ang saya ng plot twist na yun Ate Rima! WELCOME BACK!” yakap nito saken saka siya tumakbo sa ibang guest.

“See you sa reception Ate Rima!” patakbo din akong binati nila Cindy at Ella na siyang mga abala sa wedding. Sila pala ang wedding planner, ang galing nila. KUDOS!

“Okay! See you!” sagot ko sa kanila habang nakasunod ng tingin.

“I missed you!” Kenneth gave me a back hug. “Sa susunod magsabi ka para hindi kami nabibigla ng ganun.” She said then ruffles my hair.

“Okay!” tumingin ako kay Carleen. “Hi Pres. Congrats, summa cum laude!” hampas ko sa braso niya.

“SHUNGA! CHAMBA LANG YUN! GAGA KA! I MISS YOU!” tsaka niya ako niyakap.

“Hey, sasabay ka ba samin papuntang reception?” Stephen asked, magka-holding hands pa sila ni Mikz. Actually, silang dalawa, si Miss Court at si Chief lang ang nakakaalam ng pagdating ko. HAHAHA.

I called Mikki last week dahil nakareceive ako ng invitation, and pinagpaalam din ako ni Chief kung pwede ako, luckily pumayag si Lolo Tanders kaya nakauwi ako. Pero eto at pinaulanan niya ako ng mura dahil daw nung past seven months eh hindi man lang daw ako nakipagkita sa kanya sa States. DUH. Baka nga makapunta ako ng Ohio eh busy ako buong seven months sa company. Ayun, sabi niya sakto daw nagtatanong si Skyler tungkol saken nun. Err. HAHAHAHA. No comment.

“Hi Ate Rima!” bati saken ni Alexa sabay yakap. “Kahit wala ka sa rehearsals, your entrance was smashing!” she said. “We better get going sa reception, bago pa magalit si Chiefy, after all, it’s their wedding.” She giggled at lumabas na sa simbahan.

“Well? Tara na—“ hihigitin pa sana ako ni Mikz ng may humila saken.

(O______O) silang lahat pati ako.

“She’s coming with me.” Skyler said with a serious face.

“O-Okay—‘wag kang iiyak. Iiyak ka na eh.” Pang-aasar ni Mikki bago pa sila sumakay sa kotse. “And diretcho sa venue okay?” paalala pa nito bago sila umalis.

***

“Hmm… bago kotse mo?” tanong ko habang paikot ikot ang tingin sa loob ng kotse.

“…”

“Uhh. Wow.” Sagot ko sa hindi niya pagsagot. Hanggang ngayon walang pinagbago ang isang toh, constipated parin na mongoloid. =_=

“What made you think I will forgive you by pulling off a scene like that?” he said that coldly habang nakatingin ng diretcho sa daan.

Okay, medyo disturbing din ang pwesto niya, nakasandal sa driver’s seat tapos yung isang kamay nasa manibela, ang isa ay nakapatong sa bintana. Okay. Stop staring at him, Rima. *MENTAL SLAP*

“Uhh—what scene?”

“Kanina, sa simbahan? Akala mo ba dahil sa nagulat mo ‘ko mapapatawad kita sa pag-iwan mo saken?” he said and stopped the car. “Hindi ako chicks para magkunwari na walang nangyari gaya mo Rima.” Hindi ako makatingin sa kanya ng diretcho.

“Sky—I wasn’t meant to—“

“I found you that day, and you didn’t even say goodbye when you left. Ang sakit nun.”

Humarap ako sa kanya at ngumiti. “I know. And I’m sorry for leaving you. Pero nung ikaw na yung nasaktan, I just want to go away from you—kasi ayaw na kitang madamay…”

“Pag gising ko, wala ka na…” </3

“Sorry…” I sobbed.

I heard his seatbelt removed and moved closer to hug me. I was stunned to hear a familiar sound. A familiar scene, a familiar smell, that same familiar feeling…

*dug dug dug dug*

“I love you Rima. I miss you so bad.” He whispered.

Ang sarap ng feeling ng ganito, ang sarap pumikit, ramdam ko parin kasi yung turbulence ng eroplano. Nakakaantok yung heartbeat—

“Hoy Bangs, pag tinulugan mo ‘ko iiwan kita dito. Pupunta pa tayo sa reception.” =_=

O____O

“HUH? AY SHIT OO NGA PALA.” >__<

He stepped on the gas and drives. Naiwan lang akong nakatingin sa kanya. I missed his face a lot. Yung seryoso niyang mukha, yung jawline niya AT YUNG SINGKIT NIYANG MATA. ^_^

“You look so handsome today, huh. Ganyan ka ba magdamit everyday?”

Nagkibit-balikat ito. “Yeah. Work.” Ang tipid pang sumagot. =_=

“So may dine-date ka?”

“Wala.”

“Ahhh. Sigurado ka ba?”

Humarap ito saken at halatang inis na. “Rima, I wouldn’t say I LOVE YOU kung may dine-date akong iba okay? Ugh. Please use your head— WHOAAAA” napatingin si Skyler ng may dalawang tao ang biglang sumulpot sa gitna ng daan. He immediately stopped the car and we both went out.

“Are you guys okay?” tanong ko agad sa isang babae at lalaki na nakaupo sa kalsada.

“May mga sugat ba kayo? We will bring you to the nearest hospital—“

“W-Wag na po!” biglang tayo nung babae. “I’m fine.” Nakangiti niyang sabi.

Tumingin ako sa lalaking kasama niya. “Ikaw? Were you hurt?” tanong ko.

“Hindi po. Sorry po.” Tumungo ito at nag-bow.

Napahawak sa noo niya si Skyler. “Are you sure you’re not hurt? Can I have your contacts para macheck ko kayo sa parents niyo?” he asked.

“W-Wag na po—“

“She’s Aleli Zaldariaga. And I’m Warren Sarrosa. Eto, pwede mo kaming tawagan sa number na yan.” The guy said at agad na hinila yung babae palayo. “Mauna na po kami.” And then they leave.

“Ang weird ng dalawang yun. Kids these days.” Napailing ako at nagpasya na kaming pumasok sa kotse. Napansin ko namang hindi papunta sa venue ng reception ang daan. “Yaaaah! Sky! Where are we going?” tanong ko.

“I’m tired. I’m sure you’re tired too, after all kakadating mo lang din diba? Wala ka bang jetlag?” ngisi nito saken. >////<

“Hoy!!! AYOKO YANG NGITI MO ABALOS!”

“Bakit ba?” he chuckled. Pag tingin ko sa bintana, he stopped the car at a familiar building.

“Manang Ason’s Apartment?”

He didn’t answer me and stepped out of the car. Kinuha niya ang kamay ko at hinila ako sa harap ng pintuan. Napapangiti ako sa mga nakikita ko. Nakakamiss ang lugar na toh.

“Are we going to visit her?” I asked.

Humarap si Sky saken na halatang annoyed yung itchura. “I’m staying here.” He said.

“Bwoh? For real?”

“My condo was bombed by some crazy drug syndicate and—“ parehong nanlaki ang mata namin ng marealize namin na parang déjà vu yung nangyari noong una siyang lumipat dito.

“J-Just like—“

He chuckled. “Yeah, just like before.” He continued inside at nakita ko doon si Manang Ason na nakaapron at halatang galing sa kitchen.

“Skyler, akala ko ba nasa kasal ka ng Boss mo?”

“Boring kasi dun Manang.”

“Eh di sino yang kasama mo—“ O____O “R-RIMA?” agad siyang nagtatakbo sakin at niyakap ako ng sobrang higpit. “RIMA JUSKO MISS NA MISS NA KITANG BATA KA!!!” iyak nito saken.

“Aww Manang, I missed you too!” :”>

Nagulat ako ng hinampas niya yung braso ko. “NAG-STATES KALANG INI-ENGLISH MO NA AKO! TARA KAIN TAYO BILIS!” at hinila ako ni Manang sa loob.

***

Hinayaan lang akong ni Skyler na kumain at makipagkwentuhan kay Manang, kaya lang kailangan pa palang niyang magbayad ng kuryente kaya umalis na din ito pagkatapos naming magkainan. Umakyat ako sa third floor kung saan yung dating kwarto ko.

Ang daming nangyari dito—naalala niyo ba yung nakita kong hubad si Skyler pag-uwi ko galing sa mall? Yung inatake ako ng sea food allergy? HAHAHAHA. Nako, lalo na yung timing lagging paglabas namin ng kwarto tuwing umaga. Tsaka yung halos di ako patulugin sa kakaisip ng secret nila Skyler at Mikki nung makita ko silang lumabas sa kwarto?!

Tsaka yung paglibre saken ni Skyler ng ice cream sa kwarto niya tapos nag-away kami dahil sa isang picture frame lang? Haha. Napapailing ako sa mga katangahan namin eh.

“Hey. Mukha kang tanga na ngingiti-ngiti dyan na mag-isa.” Sabi ni Skyler habang poging-pogi na nakasandal sa pader.

“Nakakatuwa kasi yung mga memories dito, automatic na nagfa-flashback.” I said.

“Si Liam?”

“He’s staying with Lolo, pero may girl friend na siyang Canadian.” I answered.

Naglakad kami hanggang makarating kami sa balcony. I’ve missed this place so much! Even with all the hussle and bussle of cars at yung usok ng city? Walang papatay sa balcony na toh eh.

“Are you staying here?”

“No.” tumingin ako sa kanya at ngumiti. “Lolo Tanders needs me.” I said.

He heaved a deep sigh. “Ganun ba?” sabi niya na parang lungkot na lungkot ito. Sumandal siya sa balikat ko at niyakap ako ng konti. I’m quite surprised, clingy din pala si Abalos.

“I wish we could go back to just being spies, living in one apartment.”

“Yeah. Sa dami ng nangyari, I don’t know if I can ever go back to my life before we met.” He chuckles. “Lagi kong binabalikan ang lahat, kahit wala ka na.” he said. Napaluha ako kasi—

“Akala ko ba hahanapin mo ‘ko? Bakit di mo man lang ako pigilan?” I sobbed.

Pinunasan niya naman yung mga luha na tumulo sa mata ko. “Iiwan mo ‘ko tapos isusumbat mo saken yan?” he said. Tsaka niya ako niyakap.

“But you promised me you’d find me.”

“I know that.” Biglang may papel na humarap saken na hawak niya. “I booked two flights to New York tomorrow morning.” He grinned seeing me shocked.

“Y-You’ll—you’ll come with me?”

“Parang ayaw mo yata?”

“Pero paano yung—“

“I’ve settled everything and I’m sure they will all understand it.” He cupped my face at ngumiti. “Ngayong nakita na kita, sa tingin mo ba papakawalan pa kita?”

I laughed. “Mongoloid.” Sabi ko.

Unti-unting nilapit ni Sky yung mukha niya saken. I just closed my eyes and—

*ringgggg*

(=______=)#

Humiwalay saken si Sky at padabog na kinuha ang phone niya. “WHAT?” tanong niya agad. “Ano? Wait—paano niyo nalaman yun?” napatingin din ako sa gulat na mukha ni Skyler. “Bahala kayo sa buhay niyo, istorbo kayo eh. Kita mong—AISHHH. BYE.” Ni-off ni Sky yung phone niya at tinapon.

“Sino yun?”

“Ken. He’s saying something stupid. Never mind that, asan na ba tayo?” lumapit siya ulit saken at ngumiti. Pumikit nalang ako ulit at—

*ringgggg*

//FLIPS UNIVERSE//

(=_______=)###

Natatawa kong kinuha ang phone ko at sinagot ang tawag. Halos lahat ng gamit ay pinaghahagis na ni Skyler dahil sa inis eh. ^_^

“Hello?”


“HAHAHAHAHA. SABAY TAYO NG FLIGHT BUKAS! KITA NALANG TAYO SA AIRPORT!” si Chiefy ba yun?

“Chief?”

“Sa New York din ang flight namin. Honeymoon!” tuwang-tuwa nitong sabi.

“Talaga—“ din a pinatapos ni Skyler at kinuha ang phone ko sabay tapon. AIGOO!!! IPHONE 5S YUN AHHH!!! >__<

“Lahat sila pupunta ng New York bukas, kaya please let’s just have a moment dahil pag nandun na tayo ang dami ko na namang kaagaw?” nanggigigil na sabi ni Skyler saken.

“Hahahaha. Kyot.” Pinisil ko yung pisngi niya.

“Aish ano ba—“

Andddd I kissed him. Yes you found me Mr. Abalos, and I wouldn’t even trade you for anything else.  I’m not sure how we’ll work out both our new job and other petty things but I’m sure we can work this out as long as we both try. As long as we both keep the both of us together…

“I love you Skyler.”

“…”

“Sky?”

“I-I love you too.” Nahihiya pa niyang sagot. DIMPLES.  GAHHHH. >////<

“KYOT KYOT MO EH!” sabay yakap ko sa kanya habang naihip sa balcony ang medyo mausok pero malamig na hangin.

*** ***

AUTHOR’S NOTE NASA NEXT UPDATE. PLEASE READ. ;)

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top