Case 9: Mission Briefing sa Apartment ni Manang Ason

A/N: Ang shunga ng updates eh. Haha. Sabi ko na nga ba, sa una lang masisipag magsulat tong mga toh eh. Tss. Okay. Leggo.

-RPL (Chiefy Kiko at the side~)

Case 9: Mission Briefing sa Apartment ni Manang Ason

Rima's POV

Friday. Federal Drug Department. 0503 HR

Hello guys! Andito kami nila Charlie, Kenneth at ang baliw at mongoloid na Spikehead sa office ni Chiefy. Nagpatawag siya ng meeting para sa susunod naming Case. All right! Medyo bored nga lang kami.

"Oyy. Skyler! Pano ba toh?" tanong ni Charlie, nag-aaral siya kasi inuwi nalang niya yung mga gagawin niya dapat sa cram school niya. Kailangan niyang mag catch up sa grades niya. Masyadong mababa, lalo na sa Math of I. Ayoko naman siyang turuan.

Tanda niyo pa yung quiz namen sa Trigo? Nung Chapter 1? Hindi ba, pinakopya ko ang halos lahat ng kaklase ko sa mga sagot ko. Hulaan niyo kung anong score namen.

3. Out of 45.

SARAP! Haha. Mali pala yung ginamit kong formula. Hindi naman nila ako sinisi. Yun nga lang, pinagalitan kami, halatang nag-team work lang. Pero okay lang, naka-move on naman ang lahat maliban nalang kay Mikki. Honor student kasi, pero ang pagtataka ko lang eh, kung dino-doktor niya ba ang mga grades niya or sadyang nadadaan niya sa pa-charming ang mga prof namen. =_=

"Hindi ganyan, ayusin mo muna ang variables! Nag-high school ka ba ha?"

"Sorry naman! =_= Mahina lang talaga ako sa numbers."

"Tss. Simpleng Algebra hindi pa maalam." Ang taray talaga nitong si Skyler. Pwede naming tumulong sa kaibigan paminsan-minsan. San ba galing na planeta yan? =_=

"G-Ganito?" sabay turo ni Charlie sa papel.

"Oo. Tapos tsaka mo sila i-FOIL."

@___@

"Bat ko sila ibabalot, haaa Skyler?"

**BATOOOK**

"F.O.I.L. As in, First, Outside, Inside, Last!" paliwanag niya. Kailangan talaga batukan pa, haaaay. Tumayo ako sa pagkakaupo at umupo sa table nila Charlie.

"Akin na nga." Sabay kuha ko ng ballpen. "Ganito yan Charlie, ang technique ko diyan ay di ba, nasa loob sila ng parenthesis?" tinuro ko yung equation gamit yung ballpen.

Tumango naman siya. "Oo."

"Gawin mo silang tao, na magkakaibigan. Na ang unang maiinlove, ay yung dalawang magkatabi." Tinuro ko yung 4a at 2a. "Tapos, yung 4a, nagkagusto siya kay 7a na nasa dulo. Tapos si 2a, nakapag-move on at nagkagusto sa katabi niya na si 5a. Pero si 5a, may gusto pala kay 7a." sabay tingin ko sa kanila.

(^___^)v<-- Ako

L(@__@)7 <-- Charlie

o(=___ = o#) <-- Skyler

"Promise me, you'll never be a teacher, even in your second life." Sabi ni Skyler.

"H-Hey! Madali lang naman yun intindihin ahhh!?!" sagot ko. Hangsama sama niya talaga pag nagbibigay ng comment, eh hindi naman siya tinatanong ng opinyon niya! Tss.

"Hahahaha! Kahit papano nagets ko naman yung sinabi mo Rima. Pero natatawa ako sa ginawa mong pag-explain." Sabay sagot niya na sa mga tanong.

"Oh diba! *belat* Sabi ko naman kasi sayo, mas magaling akong magturo!" pagyayabang ko kay Skyler na nakatingin parin ng masama saken.

"Natuwa ka na dun? Hmp." Inirapan niya ako at tumayo na. "Hoy Kenneth! Nasan na ba si Chiefy?" sabay tabi nito kay Ken na busy sa paglalaro ng Diablo 3. =_=

"Sabi niya kakausapin lang daw siya ni Chairman Villena eh. Yaan niyo na yun, umalis ka muna dito Skyler, para makapaglevel up na ako!" sabay tulak niya dito.

"Hoy Kenneth! Totoo ba na nasa Gilmore College ka daw simula pa kahapon?" tanong ni Sky. Oo nga pala, hindi niya pa alam ang tungkol sa Penalty Slip ni Kenneth.

"Oo. Assistant ako sa Disciplinary Office nila." Sagot niya ng nakatingin parin sa laptop.

"Baket?" tanong na naman ni Skyler.

"Wala kang pake!" Boom.

"Ha! Ewan ko sainyo! Ang annoying niyong lahat!" umupo nalang siya at pumikit.

Medyo nakakabored na nga talaga dito, at wala pang pagkain.

"Nagugutom na akeyyyy~" (*/= 3=)/ reklamo ko.

Tumigil saglit si Charlie sa pagsusulat at tumingin sa relo niya, "Oo nga! Gutom na din akoooo!" sabay sarado ng notebook niya. "Ayoko ng mag-aral!"

Napabangon naman si Skyler sa pagkakaupo at hinampas ng notebook si Charlie, "Anong sabi mong ayaw mo ng mag-aral! Bigwasan kita? Gusto mo?!"

"E-Ehhh! Naman ehh! Ayaw ko naaaa! Sa bahay ko nalang toh tatapusin! Mag-briefing na tayo!" sagot ni Charlie kay Skyler. "Maghapon na nga akong nag-aaral, tapos pagdating ko dito, aral paren? ANPEYR! (Unfair)"

Humarap naman bigla saken si Skyler na kinabigla ko. "Ang B.I. mo!"

"H-Haa? Anong B.I. ka dyan! Hindi ahhh! >__< deny ko. Ang kapal ng apog nito eh.

"Eh tignan mo ang nangyayari kay Charlie oh! Nahahawa sa katamaran mo! Umayos ka nga! Kababae mong tao ang lakas lakas mong lumamon!" sabay umupo siya sa table at binuksan ang notebooks ni Charlie, "Kita mo? Mali naman ang mga sagot mo eh! Ulitin mo lahat yan! Pag hindi mo natapos yan, ng TAMA, wala kang dinner!"

"Hoy! Pwedeng pasapak? Please?" sabi ko nalang. Ala Miss Minchin ang peg ng lolo niyo eh. Sarap kotongan. Bwiset sa buhay. Kontrabidey. =__=

"In your dreams!" tanggi nito.

"Pwede ba, tumahimik na nga lang kayo!" saway ni Kenneth.

"Nahahawa ka na din kay President Carleen! XD"

Bigla bigla nalang siyang namula. Yung tenga niya, sobrang pula. Hahaha! Nako. Napaghahalataan eh. Ang saya nitong asarin sa school! >:D

"A-Ano? Sa monster na yon!?? ASA!?" deny niya sabay talikod. "B-Basta! Manahimik kayong tatlo dyan okay?"

"Uyyy. Kenneth! Umi-issue ka na din pala kay President Carleen! Yiheeee." Pang-aasar ko pa. "May gusto ko sakanya noh? *poke* Aminin mo na saken, promise, hindi ko sasabihin sa ibaaa! XD"

"Lumayas ka nga sa tabi ko Rima! Wag mo kong piliting suntukin ka! Close na tayo ngayon kaya pwede ko ng gawin sayo yun!" banta ni Kenneth saken. Asa naman noh, ang gentleman niya kaya. XD

"Okay payn payn. Hahahaha." Nasa kasarapan pa ako ng pagtawa ng biglang pumasok si Chiefy sa office. At long last. My gewd.

"Chiefyyyy! San ka ba-"

"Guys! Eto ang Case 2 niyo haa! May emergency lang akong pupuntahan at may nangyari lang sa bantang Edsa. Dyan na muna kayo! Babye!" sabay hagis ng folder at takbo.

O______O

"A-Anyare kay Chief?" lahat kami nagulat. "Pano n-na yung briefing naten?" sabay sabay na tanong ni Charlie. Nung tumingin ako kina Kenneth at Skyler, mukhang nagulat din sila. Ano naman kayang EMERGENCY yun?

"So? Let's start the briefing?" Yaya ni Kenneth.

*gruuuuuuuu* ~

=________=

"Kaninong tiyan yon?" tanong ni Skyler.

\(^ u ^o )

"Akeeeeen!" taas ko ng kamay.

Napa-facepalm nalang siya eh. "Saan ba tayo magmeeting ng tungkol sa Case naten?"

"SA MCDO!" suggest ni Charlie.

"Okay mag-MCDO ka mag-isa! Mag-uusap tayo tungkol sa confidential case, SA MCDO? Okay ka lang?!" galit na sabi ni Skyler.

"Sorry naman ha. =_= Pssh. Para nagsa-suggest lang naman!" /Charlie pouts.

"Eh kung sa apartment niyo, Rima?" biglang sabi ni Kenneth.

"B-Bat sa apartment? WAG DUN!" tanggi agad ni Skyler. Parang may tinatagong ewan. "Sa inyo nalang Ken!"

"May ino-autopsy ako ngayon eh, gusto niyo ba sa bahay?"

=_______= "

"Sige, sa apartment nalang namin." Sabi ko, wag lang talaga sa bahay ni Kenneth.

Mukhang napabuntong hininga nalang si Skyler at wala na talagang choice. "Fine! Let's get this over with then." Sabi niya sabay kuha ng bag sa sofa.

"DRIVE THRU TAYO SA MCDO~!"

"Oy! Nice one Charlie! Tara!" sabi ko.

Manang Ason's Apartment. 0721 HR

"WOOOOOOOOOOW! Astig pala talaga dito sa apartment niyo Rima!" Charlie exclaimed as his view captures the balcony. Maganda naman talaga dito eh. Hehe.

"The rent is quite affordable. Kung dito narin kaya ako tumira?" sabi bigla ni Kenneth.

"Subukan mo lang! Eh di nagkaroon pa ako ng nanay dito?" sabi ni Skyler. Natawa naman ako dun. Medyo strict talaga tong si Ken sa lahat ng bagay.

"O-Oy! Anong pinagsasabi mo dyan! Anong nanay?!" galit na tanong ni Ken.

"Pssh. Totoo naman eh!" naglakad na si Skyler papunta sa kwarto niya. Mukhang magpapalit yata toh.

"SKYLER!!! SAMA AK-"

Hinarang ni Skyler yung ulo ni Charlie sa noo nito para hindi siya tuluyang makapasok sa loob ng "TOP SECRET" niyang kwarto.

"Dyan ka lang. Tatamaan ka sa mukha pag pumasok ka sa kwarto ko!"

Hirap na nag-nod si Charlie sabay bitaw ni Skyler sa kanya pagkabukas niya ng pinto.

"Ang daya talaga nun eh! Nakita mo na ba ang kwarto niya Rima?" tanong saken ni Charlie.

"Hmm. Silip lang yata. Pero oo nga, hindi ko maimagine ang kwarto niya. Bat ba curious kang makita?"

"Alam mo kasi Rima, may pagka-OC yang si Skyler, kaya ayaw niyang nakikita ng iba, or pumapasok ang ibang tao sa kwarto niya. Sabi niya, ayaw niya daw malagyan ng Carbon Dioxide ng ibang tao ang kwarto niya." Kwento ni Charlie.

"Ang taray!" sabi ko nalang. Parang may menopause na naglilihi talaga yang si Skyler. Nakupo! =_=

Binuksan na ni Charlie yung mga pagkain na binili namin sa MCDO. Hmmm. Big n' Tasty. Yum yummehhh. >___<

"Wow. Surveillance na naman tong Case 2." Binuksan ni Ken yung folder na binigay samen ni Chiefy. At mukhang maga-undercover na naman kami nito.

"Hoy! Taga-lamon! Baka nalamon mo na yung burger ko dyan ha!" lumabas na pala tong si Skyler sa kwarto niya. Umupo siya sa side ko, katapat nila Charlie at Kenneth.

"Ayan ang burger mo! ISAKSAK MO SA LUNGS MO!" sabay abot ko ng burger niya. =__=

"May laway mo ba toh?" tinignan niya yung burger. "Baka mahawa ako ng virus mo eh!"

**BATOK**

"Oyy! Sh-ang sakit nun ahh!"

"Ayan, siguro naman, natanggal na ang virus niyang burger na hawak mo."

"Okay! Magdasal na tayo na sana eh patawarin pa kayo sa dami ng batok niyo sa isa't isa." Awat ni Kenneth.

"At ng makakain na tayo~" dagdag pa ni Charlie.

Nag-pray na kami at kumain. Dinalhan pa nga kami ni Manang Ason ng cookies, sabi naming group study. Mukhang nawala na sa isip ni Manang Ason na hindi kami magkaka-course at hindi nila ako schoolmate. Masyado siyang naaliw kay Charlie. Ang cute daw kasi. Maya-maya eh umalis na din naman siya para daw makapag-aral kuno kami. XD

"Ready na ba ang lahat makinig?" tanong ni Kenneth. Nilinis na naming yung center table sa balcony para magsimula na ng briefing. Dahil wala si Chiefy, ang officer -in-charge ang magte-take over sa mga ganitong sitwasyon.

Tumango na kaming lahat.

"Second case, Bugaw Syndicate." Panimula ni Ken.

"Whoa. Ang laswa. PG-13 tong story natin diba? Hanep sa title ng case ah!" sabat ni Charlie.

"Ano ba Charlie! Be serious!" awat ni Skyler sa kanya.

"Wow, biglang serious pag narinig ang salitang 'BUGAW'?"

"Masasapak kita ng hindi oras Charlie." =___=

"Okay, settle down. Kung dati kasi, ordinary bar lang yung napasukan natin, this time it's kinda off." Paliwanag samen ni Ken.

"P-Panong off?" tanong ko. Hindi ko kasi magets, parang ayaw pang diretchuhin nitong si Kenneth kung saan at ano ang second case namin eh.

"Strip Club Undercover Mission."

O_______O

"Strip? Club?"

Nganga.

=_____=

"Palibhasa mga cartoons lang ang alam mo!" pang-aasar saken ni Sky.

"Che! Madalas ka siguro dun kaya hindi ka na nagulat, NATUWA KA PA!" bawi ko. Yabang, kung makapagsalita naman siya eh.

"Hoy! Baliw! Hindi kaya!" tanggi niya.

"Sowwws. Mukha mo! Yang mga ganyang itchura at pag-uugali, tambay sa strip club oy!"

"Baka ikaw!"

"Tss." >_<

"Tss!" >_<

*croo*

*croo*

"Oh? Tapos na kayong mag-asaran? Pwede na ulit akong magsimula?"

=____= Tumango na kaming dalawa.

"Nakakahiya naman kasi sa inyo diba?" sarcastic pang sabi nitong si Kenneth.

"Bwisit ka Bangs!" bulong ni Skyler. Talagang pinarinig niya saken, irapan ko nga. Pssh. -___-

"We'll start the mission bukas ng gabi, may deadline kasi toh, hanggang next week lang, at mas mabuti kung makagawa na tayo ng plano ngayong weekend para makapag-entrapment na tayo by Monday or Tuesday. Are we clear?"

"Yup." Sagot namin ni Charlie.

"Hindi kaya mahirapan tayong pumasok dito, ha Ken?" tanong bigla ni Charlie.

"Kaya nga tayo maga-undercover eh. Tsaka ako ng bahala dun, for now, let's read the case details."

"Nakakapagtaka talaga, hindi ba, si Jun Tobias din yung leader ng Maya Drug Syndicate last year, at siya yung tinuturong possible boss sa case na toh?"

"Oo nga Rima, kahit ako nagtaka. Pero siguro hindi din nahuli tong si Tobias at gumawa ulit ng bago. Ganyan naman katalamak ang bentahan ngayon."

"Well, at least, nag-improve siya. Nagma-manage na din siya ng Strip Club ngayon." Sarcastic na pagpuri ko. Haaay. Pagod much na naman, wala na naming pahinga.

"May tanong pa kayo guys?"

"Tulog na si Charlie." Turo ni Skyler.

"Hayaan niyo na, pagod din siya eh." Inayos na ni Kenneth yung table at tinapik na si Charlie. "Gising na oy. Uuwi na tayo."

"Rima Bear ko? Pwede bang tumabi sayo?" tanong ni Charlie na medyo nahihilo pang tumayo.

"Oo na-"

"Umalis ka na nga Charlie! Bawal kaya yun!" sabat ni Skyler, sungit talaga.

"Hmp! Gusto mo lang masolo ang Rima Bear ko eh! Selfish ka! *belat*"

=______=

"Anong masolo? Solo your face!" tumalikod na si Skyler at pumasok sa kwarto niya.

"Bastos talaga niyang si Skyler, di man lang kayo hinatid." Sabi ko.

"Hayaan mo na, ganyan talaga yan. May pagka-stubborn." Sabi ni Kenneth. "Mukhang napahiya yata sa sinabi ni Charlie."

Lumabas na sila ng pinto. Sumakay na si Charlie, "Good night Rima. Thanks." Sabi ni Kenneth. Saka niya pinaandar ang kotse.

"Tara na nga!"

O__O

"S-Sky? K-Kanina ka pa ba dyan?" nasa likod ko pala toh?

"Oo. Baket? Hindi ako bastos okay." Ang sungit talaga. Wala na akong masabi. Alam niyo, ngayon ko lang narealize na medyo close na kami. Nag-aaway kami pero mild na lang, at kung meron man, sadyang napalapit na kaming dalawa. Siguro kasi araw-araw nalang kaming magkasama.

"Stop drooling on me. Pogi ako, I'm aware of that."

Aba! Ang yabang! "Hoy! Mas pogi kaya si Stephe-" opps! Napatakip tuloy ako ng bibig.

Ang sama ng aura niya. O__O Hala. At... hala! Nagwalkout! Ang taray! =__= Tssss. Oh well. Good night.

\(= 3 =) Good luck sa Bugaw Mission namen! XD

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top