Case 87: I Found You
Case 87: I Found You
Skyler’s POV
“Saan tayo pupunta Miss Amy?” tanong ko sa kanya habang naglalakad kami sa mall.
“Nabalitaan ko kasi na aalis na si Rima. I’m buying her a gift. Kilala mo siya hindi ba Sky?” paglingon nito, halos kilabutan ako sa fake niyang ngiti.
“Y-Yeah. I know her.”
“Siya yung sumama saken nung naligaw ako sa Gilmore College. She’s so nice. Who would have thought na siya pala ang tagapagmana ng buong Dela Vega group.”
And who would’ve thought that you are the mastermind of everything…
“Ano sa tingin mo ang magandang iregalo sa kanya Skyler?” nakarating kami sa isang shoe store.
“Her life.” Gusto ko sanang sabihin yan sa kanya. I want her to spare her life, tutal kaya siya nagkakaganyan ay dahil sa akin…
“Sky?”
“H-Huh? I’m sorry Miss Amy?” pagkukunwari kong hindi ko narinig.
“Magugustuhan kaya niya etong doll shoes?” pinakita niya ito saken. There’s something about her smile that creeps me out. Parang… “I’m sure she’ll like this.” Lumapit siya sa sales lady at pinabalot ang napili niya.
Sinundan ko lang siya habang patuloy lang siyang naglalakad sa mall. Kung ano-ano pa din kasing mga pumapasok sa isip ko. Bakit niya ginagawa yun? I mean, siya ba talaga yung Financer? Kelan niya pa nalaman na magkakilala kami ni Rima—
“SKYLER! TIGNAN MO OH!” nagulat ako ng lumapit siya saken at nagsuot siya ng bunny ears sa ulo ko. “WAAA! YOU LOOK CUTE!!!” sabi nito saken.
Natigilan ako ng may maalala ako.
*dug dug dug dug*
Ayan na naman ang puso ko. Kinakabahan siya, nababakla na ba ako? Kelan pa tumibok ng ganito ang puso ko? Parang natatakot siya—
“Bagay din ba yan kay Rima?” napatingin ako ng makita kong nakangiti siya saken.
“O-Oo Miss Amy. Bagay.” Ngumisi siya tapos kinuha niya yung bunny ears at binili sa stall. “Kelan ko kaya ito ibibigay sa kanya?” tanong nito ng naglalakad na kami palayo.
“H-Huh? Ako nalang ang magbibigay!”
“Anong sabi mo?” nanlamig ako ng humarap ito saken at kumunot ang noo niya.
“Ahh—“
“Bakit ikaw ang magbibigay? Eh regalo ko nga toh sa kanya eh.” Hindi nagbabago ang expression ng mukha niya.
“O-Oo nga. Pero wala kang kasama Miss Amy—“
“Ahh!” hinampas niya ako sa braso. “Hahaha. Ang sweet mo talaga! Kaya ko naman pumunta sa kanya mag-isa eh.” Sabi nito.
“Hindi!” sagot ko impulsively. >_<
“Bakit hindi?”
“Uhh—I mean, hindi pwedeng mag-isa ka. Sasamahan kita. It’s my duty to protect you, Miss Amy.” Sagot ko sa kanya.
“Well okay fine.” Pagkikibit balikat nito saken.
Aish, Skyler, you stupid son of a—you’ll blow your cover. Sa tingin ko alam na ni Miss Amy na alam kong siya ang Financer. Judging from how she showed her side.
Bumili siya ng doll shoes at bunny ears…
Remember it guys? Same things I bought for Rima. Same stuffs, I’m sure she already has a plan before umalis si Rima, at mamadaliin niya ito ngayong alam ko na ang plano niya.
“Thanks for accompanying me, Sky.”
“My pleasure.” Humalik pa saken si Miss Amy sa pisngi bago siya pumasok sa mansion.
I need to find Rima, kailangan ko siyang makausap…
Rima’s POV
New Year’s Eve. 0647 HR.
Nagkaroon ng handaan sa office. Imbitado ang lahat ng mga empleyado ng DV group. Pa-despidida ko ito bago kami umalis.
“Glad to see you Mrs. Walters. Enjoying the party so far?” bati ko sa asawa ng isa kong empleyado.
“Yes. Thank you for inviting our whole family, Mistress Rima. Enjoy your trip!” sagot nila.
“Thank you. Kung pwede ko lang kayong dalhin doon, nasanay na akong kayo ang katrabaho.” Nagsitawanan din ang iba pang nakarinig ng sinabi ko.
Totoo yun, napalapit na din ako sa mga nakasama ko sa DV Tower simula ng magsimula akong magtrabaho dito para sa training ko.
“Oo nga naman, panibagong work environment na naman ang makikita mo doon. Puro Kano!” biro pa ng isa.
“Nose bleed ako dyan!” at naghagalpakan naman sila agad.
“Rima Bearrr!!!” napalingon ako ng may tumawag saken mula sa likod. At nakita ko ang isang naka-tuxedo na Charlie sa harap ko.
“Oh my—Charlie?”
“Nag-tuxedo lang ako hindi mo na ako nakilala?” *pout*
Niyakap ko ito ng sobrang higpit. Hindi alam ng lalaking ito na sobrang miss na miss ko na siya!
“I miss you Rima Bear!”
“I miss you more Cha!” humiwalay ako sa kanya. “Why are you here?” tanong ko agad.
“My Dad is also an investor in your group. He sent me here as a representative. Actually, I begged him na ako ang papuntahin so I can meet you.” Niyakap ko siya ulit after niyang sagutin yung tanong ko.
“Are you doing well with your Dad’s business?”
“Yup. Alexa’s been teaching me, and I’m also teaching her. And we’re already in a relationship!” masaya niyang balita saken.
“That’s great. I’m so proud of you.”
“No.” umiling ito saka hinawakan ang magkabilang pisngi ko, at pinunasan ang mga luha na natulo. “I’M PROUD OF YOU, RIMA BEAR.” Saka siya ngumiti saken. “I should thank you for being there for me when I needed someone. It’s such a shame you have to leave.” Malungkot niyang sabi.
“I’m sorry if I have to leave, Cha.” Hagulgol ko.
“Please don’t be sorry… everything will be fine.”
Naghiwalay muna kami ni Charlie since I still have a lot of guests to entertain. Napansin ko din na nandun si Chairman Villena na kausap si Lolo. They’re having a great time kaya lumapit muna ako sa table ni Charlie.
“How’s FDD?”
“Huh? FDD is fine Rima Bear. Pumalit si Liam sa pwesto mo pero hindi na nila ako sinali sa latest case surveillance nila.”
“Tungkol ba yun kay Ovan?”
“Hmm… hindi ko alam Rima Bear.” Pinatong niya ang baso na hawak niya at humarap saken. “Rima, it’s best if hayaan mo nalang ang FDD na magaasikaso dito.” He said.
“But I can’t just let that—“
“It’s for your own good Rima Bear.” Ngumisi ito at tsaka nilagyan ng wine yung baso ko. “Ayokong mag-iwan ka ng bad memories pag-alis mo. I want you happy. I’m sure babalik ka rin naman sa amin hindi ba?” he asked me.
Am I coming back? Will I still see him? Them?!
“I’ll try.” Yun nalang ang naisagot ko.
“MASTER DELA VEGA!!!” nakarinig kami ng pagkabasag ng baso at mga kutsara at tinidor na nagbagsakan. Agad akong tumayo at hinanap kung saan nagkakagulo.
“Rima Bear, yung Lolo mo!” turo ni Charlie ng mahanap niya kung saan banda iyon. Sa table ng Lolo ko nagkukumpulan ang mga tao.
Paglapit ko doon, agad akong nakipagsiksikan para makita kung anong nangyayari. Nakahiga si Lolo sa sahig. “LOLO!” I cried.
Hawak siya ni Chairman Villena. “He said he couldn’t breathe and drop on the floor! I think he’s having a heart attack!” sabi nito. Agad akong nagpatawag ng ambulance, tinawagan ko din si Liam pero hindi nito sinasagot ang mga tawag ko.
“Sasamahan ko kayo.” Pagprisinta ni Chairman Villena sakin.
“S-Sige po.”
Sumakay kami sa ambulance at agad itong umalis. May dalawang nurse at isang doctor ang naglalagay ng apparatus kay Lolo.
“Okay lang ba ang Lolo ko?” tanong ko sa mga nurse. Tumango sila habang busy sa paglalagay ng oxygen mask kay Lolo.
Matanda na si Lolo pero he’s not that person na basta na lamang mawawalan ng malay. And his health is well maintained.
“Sige. Salamat. Pakihanda na ang lahat.” Narinig kong may kausap si Chairman Villena sa phone. “Oo kasama ko sila.” Ngumiti ito sa akin at tsaka binaba ang phone.
“S-Sino pong kausap niyo?”
“Wala iyon iha. Mamaya mo na malalaman.” Ewan ko pero I feel like something is not right. Agad akong pasimpleng sumilip sa bintana. 5 minutes lang ang layo ng hospital sa DV Tower. And this is nowhere near the hospital.
Oh crap.
“Chillax Dela Vega, I’m not gonna hurt you.” Chairman Villena smirked.
“Don’t tell me you’re the—“
“FINANCER? Oh please I run the stupid department, my job is to hunt that stupid Financer how can I be the one? HAHAHAHAHAHA.” He laughed outrageously.
I clenched my jaw as I look at him and shot daggers of hateful glares. “I should have known.” I hissed.
“Hindi ako ang Financer, believe me Rima.” Tinaas niya pa ang kamay niya as if he’s innocent.
“Then who?!” I yelled.
Tumigil ang ambulance and agad akong hinila ng isang nurse para turukan ng pampatulog siguro pero agad akong nakaiwas at sinipa agad ang pintuan ng likuran para magbukas iyon. As soon as I jumped outside the ambulance, sinalo ako ng dalawang lalaki na parang Mang Kanor yata at tinakluban agad ang bibig ko.
Shit, I always fall for that trick. And everything was black and white all over again.
***
I woke up feeling all the nausea in my head. Hanggang ngayon hindi ko parin malimutan ang amoy ng pampatulog na tumakip sa buong mukha ko.
Sinapo ko ang ulo ko and boy it doesn’t seem any better. Hinanap ko si Lolo pero hindi ko siya makita. Mag-isa lang ako in this room. Walang tali ang paa’t kamay ko pero ramdam ko ang mga pasa sa braso ko. Nasira na din yung heels ko, may mga punit ang cocktail gown na suot ko sa New Year’s Eve Party.
I don’t even know what time it is…
*eeengggk*
Narinig ko ang dahan-dahang pagbukas ng pinto. Naglakad sa harap ko si Chairman Villena. GRRRRR. THIS MAN… THIS MAN IS BEHIND ALL OF THIS—
“Diba you want to know who’s the Financer your Tito is talking about?” he said.
“Oh shut up! Stop pretending! It’s you!” I pointed my fingers at him. “You’re playing games with everyone of us all along!” I cried.
“How many times do I have to tell you I’m not the Financer!” he chuckled. “Haaay. Kahit kelan ang dali mong ma-uto.” Sabi niya na ikinabigla ko. The Chairman Villena I know is never like this.
Nakita kong may imaheng pumasok sa loob ng kwarto, madilim doon at lumabo pa ang mata ko sa mga luhang nasa mata ko.
“Dad, aren’t you a bit harsh on our guest?” my jaw dropped as soon as she stepped on the light.
“M-Miss Amy?!?”
“Surprise, surprise little miss Princess Dela Vega.” She smiled. “Who would have thought that you will be such a pest in my life?” she pulled my hair and scratched my face.
“Getting Skyler’s attention and now the whole world? You are so unfair!” saka niya ako tinulak para sumubsob sa sahig.
“Iiwan ko muna kayo so you can have your little girl talk.” Natatawang sabi ni Chairman bago ito lumabas ng kwarto.
SHIT. THIS GIRL IS CRAZY. >_<
Agad akong tumayo at tumakbo papunta sa pinto, pero nilock niya iyon. Agad din siyang nakahabol at hinila na naman ang buhok ko. “I’m not yet done with you!!!” nanggigigil niyang sabi pero agad ko siyang nahawakan sa braso at tinulak siya sabay sipa sa mukha.
Natumba ito while wearing a shocked expression. Akala niya siguro hindi ko siya papatulan. Ha. I am a trained spy, I can beat the shit out of this suicidal maniac in a snap.
“WHY YOU—“
“Cut it out Amy. I’m not here to play games with you! What do you want?” seryoso ko siyang hinarap habang nakatingin sa kanya sa sahig. I stood there straight, emphasizing my stature, na hindi ako pwedeng apihin ng kahit sino.
“I WANT YOU DEAD!”
“Why? Ano bang ginawa ko sayo?”
“INAGAW MO SAKEN SI SKYLER!!! AKIN LANG SIYA!!!”
“No. He’s not yours!”
“HE’S MINE!!! AHHHHHH!!!” nagwala ito na parang bata sa sahig. “YOU WILL DIE I WANT YOU TO DIE!!!” pagsigaw nito.
I grabbed her by her collar, at inangat siya. “HOY SPOILED BRAT, ASKING SOMEONE TO DIE IS NOT AS EASY AS YOU ASKING FOR CANDY OR BAGS OR SHOES FROM YOUR DAD! HAVE YOU JUST LOST YOUR MIND?!” naiinis kong sabi habang hawak pa din siya.
“Ikaw ang mahal ni Skyler! Paano ako?” nagsimula siyang umiyak.
“Bitch, you move on! NOT KILL ME! DUH!” binitawan ko siya at tsaka inirapan. “Dahil lang dun papatay ka ng tao? Puta normal ka ba? I don’t get this shit.” Halos mabura na yung mukha ko kaka-facepalm.
“Dad said I can do whatever I want! AND I WANT TO GET RID OF YOU!”
Humarap ako sa kanya. His Dad? Sabagay, si Chairman na lang naman ang kasama niya eh. Pero bat ganito na lang kung i-spoil ng Dad niya si Amy?
“Hey, tell me, ikaw ang may pakana ng College Stories Website?” out of the blue kong tanong.
“And so?” tumingin siya saken ng masama. “At least Olga could have killed you! Eh di sana hindi na ako nahirapan ngayon!” she said that while smirking.
God, this girl needs counseling.
“You’re the one who killed Tito Harvey sa underground parking lot, right?”
“He’ll just ruin my plans, I didn’t know the man still has a heart kaya I killed him!” halos mapudpod na ngipin ko sa sobrang gigil ko sa babaeng toh. “And yes, I’m pretending all along na wala akong alam pero the moment Skyler moved to that stupid junk apartment, ALAM KO NA! ALAM KO NG LAHAT! AND I CAN’T BELIEVE HE’S LYING TO ME ALL ALONG!!! HE’S LYING TO ME TO PROTECT YOU! AND I JUST HATE IT WHEN HE DOES THAT!!!” she breaks down again and cry.
Habang busy siya kakaiyak, naghanap ako ng paraan para makalabas ng bwiset na kwartong toh. I still need to find Lolo.
Pero halos isang maliit na exhaust lang ang nandun at yung pinto ang pwedeng labasan. Di ako kasya sa exhaust kaya I have no choice but to wreck the door. =_=
Papunta pa lang ako sa pinto ng tumalon saken si Amy at tsaka pinagkakalmot yung mukha ko, damn, pusa ba siya or what? >_<
“I HATE YOU! DIE DIE DIE!!!” she said while simultaneously scratching and punching me. Umikot lang ako sa kanya and gave her a good back punch. Agad itong nawalan ng malay.
Kinapa ko yung pisngi ko na humapdi, and yes nagtagumpay ang Hello Kitty na sugatan ang mukha ko. Yehey. -___-;;
Agad kong iniwan si Miss Amy at sinira ang pintuan. Bago ako umalis tumingin muna ako sa kanya. “I’m sorry Miss Amy, but I can’t give up Skyler. Akin lang siya.” Tsaka ako tumakbo para harapin ang totoong Financer.
Alam kong si Amy ang Financer na sinasabi ni Tito Harvey pero sa mga sinabi ni Miss Amy, she’s been manipulated by his Dad. Kung tama ang hula ko, siya naman talaga ang may pakana nito sa simula palang. Siya ang nag-assign sa amin nila Skyler sa iisang team. Yun ay para magselos si Amy sa akin. Gagawin niyang front si Miss Amy para siya ang pumatay saken, thus mawawalan ng tagapagmana ang mga Dela Vega.
Ang mga Villena ang second biggest stockholder ng DV Group kaya close sila ng Lolo ko. Chairman Villena find this as an opportunity to control a powerful empire kaya niya iyon nagawa. He even used Tito Harvey and Ovan to trick us para mahanap ang lead, ginamit niya ang pagseselos ni Miss Amy to lead her and finance Ovan’s group para pasundan ako.
Ang kalaban namin ay nasa loob ng parehong building at kasama namin sa FDD all along.
“Lolo!” pagpasok ko ng kwarto, agad akong sinalubong ng isang pulang ilaw.
“Subukan mong gumalaw, mamamatay ka.” Pagbabanta ni Chairman saken habang nakatutok ang laser sa noo ko.
“Rima!!! Lumayo ka na!!! RUN!!!” Lolo screamed as he’s struggling from being tied up.
“No! I will not run! Hinanap kita kung saan-saan at ngayon hindi na kita pakakawalan!” I bravely grinned at Chairman. Napaatras siya sa ginawa ko, he thinks I’m going to run away and be a coward, ibahin niyo ako.
“YOU THINK YOU’RE BRAVE ENOUGH TO FACE DEATH HUH?”
“I’m prepared for my death long before you can imagine it.” I said, frankly, natatakot ako. Mas mawawala siguro toh kung may hawak man lang akong baril… pero—
“GO AWAY RIMA HE WILL SHOOT YOU!!! RUN!!!” my Lolo yelled crying.
Tumingin lang ako sa kanya at umiling, “I can’t run away now, Lolo. If I ran away, then we have to hide again. I’m tired of hiding, of fear. Ayoko ng magtago. Ayoko ng may madamay pa ang iba.” I smiled at him.
“THEN FACE DEATH, MISS DELA VEGA.”
I closed my eyes and waits for the gun shot.
“RIMA NO!!!!!!!!!!!!!”
*BANG*
My heart leap as I heard it… pero as I opened my eyes, Skyler was in front of me, I can feel blood all over my face, dripping down my neck.
“SKYLERRRRRRRRRRRRR!!!” was that Amy screaming? Wait—
“No—no, no, wait.” Nanginginig kong kinapa ang mukha ni Skyler. Ang bilis niyang mamutla. “No, no, no! SKY!!! How did you—I mean…” parang umuurong yung dila ko pero halos hindi matigil ang pagtulo ng luha ko.
I heard him chuckled. “I… found you.” And he grinned, kasunod nun ang pagbuga niya ng dugo.
“NO!” unti-unting natutumba si Skyler kaya sinalo ko siya agad. “STOP PLAYING GAMES SKYLER!!!” I shook his whole body and tried to wake him up.
He’s slowly closing his eyes…
“NOOOOO!!! SKYLER WAKE UPPP!!!” nahagip ng mata ko si Miss Amy na nakatingin lang samin, nagtatakbo ang ibang taga-FDD para lagyan ng handcuffs ang mag-ama. Natigilan ako ng tumitig saken si Miss Amy…
“I’m sorry…” she mouthed. Pumikit ako pero napamulat din ng bumagsak na sa sahig si Skyler.
Nang makababa na din ako nakita kong bumukas ang mata niya. “H-Hey.” Sabi nito saken.
“ANG TANGA TANGA MO TALAGA.” Sabi ko habang naiyak at natawa.
“S-Sorry…” hirap nitong sabi habang patuloy ang pagbuga niya ng dugo. “A-At least ngayon… I SAVED Y-YOU. P-Perfect timing ey?” he added.
Humagulgol ako habang niyayakap siya. “Stop talking, dadalhin ka namin sa hospital so shut up.” Sabi ko habang tinutulungan ako nila Charlie.
Inabot niya yung ring necklace na bigay niya saken, nag-kulay dugo yun dahil sa kamay niyang puno din ng dugo.
“I-I love you Rima…” he said then smiled bago pa siya mawalan ng malay.
NAIA TERMINAL 3. 1023 HR. January 2.
“Kumpleto na ba lahat ng gamit mo Rima?” tanong ni Lolo saken.
“Yup.” Nakataas na yung passport ko at plane ticket. “We better get going.” I said at hinila na si Lolo, pero ang matandang toh ayaw pang umalis sa kinatatayuan niya. “Hey old man, ayaw mo pa bang umalis?” naiinis kong tanong sa kanya.
“I should ask you that.” Seryoso niyang sabi saken habang nakataas ang kilay.
“Lolo, didn’t we talked about this?” nagkakamot ako ng ulo na humarap sa kanya.
“Oo nga we talked about this, you said yes, pero is that really—“
“YES. I WILL GO TO AMERICA WITH YOU AND THAT’S MY DECISION.” Nakangiti kong sagot.
“Plastic.” He rolled his eyes, wow. How very immature. =_=
Just then, nung papasok na kami sa jetway, nakahabol samin sila Charlie, Alexa and her friends, si Kenneth at Carleen pati na si Nana.
“Guys!!!” bati ko sa kanila.
“Mag-iingat ka dun Rima Bear ah?” Charlie said.
“Oo nga, don’t forget us.” Alexa and her friends said.
“Duh, of course she won’t. Hindi naman siya tulad ni Ate Cams na may memory gap dahil sa katandaan noh.” Sabay halukipkip ni Nana sa gilid.
“Ay oo, nagsalita ang hindi 100 years old at reincarnation ng pinakamatandang Pope sa mundo.” Sabat ni Camille.
“Okay, okay. Kayo talagang dalawa.” Napahawak sa batok si Kenneth sa pag-saway sa kanila. “Uy ikaw, are you sure na hindi mo na pupuntahan si Skyler sa hospital?” tanong niya.
“Let him rest.”
“Are you sure you’re leaving?”
“Yes.”
“Paano si—“
“He’ll find me. Don’t worry.”
“Ingat ka dun ah. Chat nalang tayo!” sabi ni Carleen saken.
“Oh sure Pres, thanks for everything.” Niyakap ko si Carleen bago ako humarap sa kanilang lahat.
“Thanks guys.” Sabi ko sa kanila.
“You’re still going to come back, diba Ate Rima?”
“I’m still not sure Nana.” Tapos saka ko siya niyakap.
“Kuya said he’ll miss you.” Bulong saken ni Nana.
“I’ll miss him too, so much.” At humiwalay na ako sa kanya. Naglakad ako papasok ng jetway habang nalingon sa likod ko at nakaway. I don’t know when will I see them all again but I hope I will someday.
Well, I have to be Miss Rima Danielle Dela Vega now, no turning back.
Good bye, Rima Ortiz.
* * * * * *
A/N: Hi. Bitin talaga ang ending ko kasi may epilogue pa. Emergerd, ending na pero ang dami pang tanong sa mga isip niyo noh? Shunga ko talagang magsulat. Hahaha. Inatake na ako ng katamaran kaya ayan, lahat ng tanong sa epilogue niyo na malalaman.
Sorry na delay ang pag-post nito ah. Pasensya na talaga. Christmas break hangover. This week din ang sobrang over habang epilogue. HAHA. Sana matapos ko na. XD
Vote and Comment! <3
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top