Case 85: Christmas Heroine
Case 85: Christmas Heroine
Rima’s POV
Mabilis lumipas ang mga araw pag nasa pagitan ka lang ng pagpasok sa opisina at pagtulog sa malaking mansion. Buti nalang talaga at hindi kami nahuli ni Lolo noong tumakas ako sa Mall. Kaya pala may mga security doon at dahil sa ibang tao.
“Hey. You are not paying attention to me, young lady.” Pagkuha ni Liam sa atensyon ko. Meh. Nakadungaw kasi ako sa bintana ng sky rise tower ng Dela Vega. Who wouldn’t daydream with this anyway?
“Sorry.” I shook my head to remove all the unnecessary thoughts in my head. “I was just uhm—“ shet wait Liam, nag-iisip pa ako ng palusot. =_=
Liam placed the papers he’s holding on the table and sit beside me. “Well then, siguro if I join you day dreaming may mapapala tayo?” nakangisi nitong sabi.
“Jerk.” Umirap ako at humarap na sa kanya. “Let’s continue. Where were we?” pagbuklat ko naman sa mga papers na hawak niya.
“Are you thinking about Abalos?” natigilan ako sa pagbuklat. I heard him laugh kaya lumingon ako and gave him an evil stare. Tinaas niya ang kamay niya while still giggling like a moron. “Okay fine. I’m sorry if I mentioned him, I mean, who else would you day dream anyways aside from your boyfriend.” Tsaka ito lumipat sa harap kung saan may whiteboard.
“I’m not thinking about him.” I said sulking.
“Then maybe Ovan?” sumeryoso ang mukha nito. “Its been weeks after his death and judging from the investigation, he has no lead of what your Tito is saying.” Pag-uulit nito sa napakaraming beses na naming pag-uusap tungkol sa topic na ito.
“I know, but I see no other reasons of his death kung hindi ang sinasabi ng Tito Harvey na FINANCER ng grupo nila before.” I laid back on my swivel chair and took a few sighs.
Binitawan ni Liam ang marker na gagamitin niya sana para magsulat sa whiteboard at ngumiti saken.
“Alam mo? Now’s not the right time to think about that.” Ngiti nito saken. Napataas naman ang kilay ko at hinintay ang mga sasabihin niya pa. “The President will present you to the media on the DV Christmas Ball, aren’t you excited?” he said.
“Wow. Do you think I’m excited with this face?” turo ko sa mukha kong sinadya kong i-poker face.
Bumaba ang balikat nito at halatang na-disappoint. “Oh come on.” He pleaded. “Don’t tell me your not going to come on that ball, kawawa ang Lolo mo.” He added.
“Shunga. Syempre pupunta. Eh di kinalbo ako nun.” I rolled my eyes.
“Yun naman pala eh. Nagpasukat ka na ba? I can’t wait to escort you on that night.” Sabi nito saken, kitang kita ang pag kislap ng mga mata niya.
“Uhhh yeah.” Napangiwi nalang ako sa inis dahil sa mga mangyayari.
***
Habang pauwi kami ni Liam isang gabi, isang linggo bago mag DV Christmas Ball, napansin ko ang mga mas lalong nakinang na Christmas Lights sa city. Sobrang ganda nito.
Naalala ko na naman ang buhay ko dati. Simple, pero ang saya.
“May gusto kang puntahan? Sabihin mo lang.” sabi ni Liam.
Umiling agad ako. “ Nako. ‘Wag na. Baka mahuli na talaga tayo.” I smiled.
“Ah, okay. I just don’t want to see you sad like that.” Natahimik nalang ako buong biyahe after that.
I should be happy, right? I’m back with my family. I should feel happy, I preach on this to him before. The thing about family is important to everyone. I should act what I preach right? But why do I feel like crying, I don’t feel anything aside from sadness…
“You look fantastic!!!” sabi nung designer na napili ni Lolo para gumawa ng gown ko. Nagsusukat na kami ng mga gowns at ang lalaswa ng mga napipili ng baklang toh na isuot ko. Buti nalang at hindi na sumama dito si Liam. Baka mabugbog niya etong bakla na toh. =_=
“Pwede ba Anjo, ayusin mo nga ang pagpili mo ng mga isusuot ni Mistress Rima. She is the grand daughter of President Dela Vega, tapos ganyan ipapasuot mo sa kanya. My goodness, have some shame!” ayan, uminit na ulo ni Perry, short for Periwinkle. Secretary siya ni Lolo at siya ang pinasama nito sa pagpili ko ng damit.
“Ay bakit ateng? Achieve namern ng babae ang outfit. Stress Drilon ka na agad, ma height chavez lang yang beauty mo, push mo ng manglait saken.” Sagot nung Anjo na designer.
CAN U FEEL THE BEKI WORDS? AKO DIN EH. MISS KO NA DIN ANG BAKLANG MIKKI. T_T DON’T WORRY GUYS, DI KAYO NAG-IISA.
“Ah Mister Anjo—“
“Ay Ateng, no no yan sa labas, MISS ANJOW ang itawag mo saken. Okay alright?” nakangiting sabi ni Anjo saken. Jusko gerl, gusto din kitang sagutin ng pabakla kaya lang nahihiya ako kay Perry. :(
“Ah Miss Anjo, suggest ko lang, kahit simple lang siya, ayoko ng masyadong bongga. At kung pwede medyo conservative type. Yung walang clevage at mga butas kung saan saan.” Sabi ko dito.
“You heard her.” Perry instructed. Ngumiti lang si Anjo at lumabas sa fitting room para humanap ng mga isusuot ko. Nagring naman bigla ang phone niya. “Ay Mistress, sasagutin ko lang po ito ha? Iwan ko muna kayo.” I nodded at tsaka siya lumabas.
After 3 minutes, lumabas na si Anjo dala ang isang champagne color na dress. Balloon ito at may manipis na silver linings at lace ang long sleeves nito. Lace lang din ang likod nito at nakintab ang balloon skirts nito dahil sa konting glitter at diamonds sa may bandang brassiere.
One word. Beautiful.
“I think this one fits you.” Nakangiting sabi saken ni Anjo habang pinantay sa akin ang hawak niyang dress.
“T-Talaga?” nahihiya kong tanong.
“Yes. Alam mo kung bakit?” inalis niya yung dress sa harap ko at binigay iyon saken. “Tagapagmana ka ng isang napakalaking kumpanya and yet you chose to be as simple as you can be.” His smiles are so pure and genuine.
“Thank you.”
“You are the perfect heiress for this multi-billion company. I wish you all the luck gerl.” Pabiro pa niya akong hinampas. And again, I felt my heart twitched with what he said.
Halos masilaw ako sa pagpasok ko sa loob ng malaking bulwagan. Sumalubong ba naman sayo ang flash ng mga camera mula sa media at press, aakalain mong mabubulag ka.
“How does it feel to be Rima Dela Vega?”
“Do you have any ongoing plans for the company?”
“What will we expect, Miss Rima?”
Hinawi ng mga babae kong bodyguards ang mga media na inaabot ang mga microphones nila sa akin. Agad akong hinila ni Liam na nasa unahan ko at hawak ang braso ko.
Nang makalagpas kami sa pinto, nakakasilaw na naman ang mga sumalubong sa akin. JUTHKO. Mga respetadong mga politicians, artista at mga anak mayaman ang mga kasamahan ng Lolo ko. DAFEQ.
“Hello Little Miss Dela Vega!” bati sa akin ng isang magandang babae na may kasamang apat na nag-gagwapuhang lalaki sa likod niya.
“Ah—hello.” Nakipagbeso ito sa akin at ngumiti.
“I’m Peyton Jimenez. Nice to finally meet you!” sabi nito.
Lumapit naman sa amin ang apat na lalaki. “Hello.” Sabay-sabay pa nilang bati. Kilala ko tong mga lalaking toh. Griffin Varsity. *O* OMONA!!!
“I’m sure you know them right?” natatawang sabi ni Peyton saken.
“I’m Luhan!” sabi nung mukhang usa.
“And I’m Sehun! Annyeong!” bati naman ng katabi ng usa.
“Kris.” Bat ang cold ng isang toh? =_=
“I’m Chanyeol, Peyton’s cousin! So nice to finally meet the heiress of DV. You look absolutely stunning!” sabi nito saken. Ay ang bolero.
“Thanks guys. It’s a pleasure to meet you.” Not all rich kids are that snob. May mga friendly din naman gaya nila, well err… expect that tall guy. What’s him name again? Kris? Whatever. *rolls eyes*
(A/N: SAG GRIFFIN CAMEO)
Iniwan ko na sila Peyton at dumiretcho sa upuan nila Lolo. Doon, kausap niya si Chairman Villena. Nagulat ako ng makita ko siya at frankly, after I don’t know how many years, ngayon ko lang siya ulit nakita.
“RIMA! ONE OF THE BEST AGENTS I HAD!” bati nito sa akin sabay beso. “GOOD TO SEE YOU!” sabi nito saken.
“Ah eh…”
“I’m glad you are back.” Makahulugan nitong ngiti saken. T-Teka? Alam niyang Dela Vega ako? “Don’t give me that face. Your grandfather has all the right to look out for you, after all, kahit noon pa ay apo ka na niya.” Sabay kindat nito saken.
“You know each other? Noon pa? Ha Lolo?”
“Yes. I have to protect you. That’s why I assigned Francis to you. Ang FDD ang namahala sa seguridad mo, ng hindi mo namamalayan. Nung nalaman mo na balak mong sumali sa FDD, I find it as an advantage kung matututo kang protektahan ang sarili mo and at the same time, might put your life in danger. Kaya naman ginawa ko ito ng palihim para mapangalagaan ang buhay mo.”
That’s why Chief was so protective of me. Well, naipaliwanag na niya ito noon pero ganoon na lamang pala ka-aware ang Lolo ko sa mga ginagawa ko. I don’t know this things.
“Have a seat so we can start the party.” Lolo offered me his seat. Naupo ako doon at dumiretcho siya sa harap, holding the glass of wine and a fork.
*CLING CLING CLING*
Agad tumigil ang live quartet at lahat ay napatingin sa Lolo ko.
“Thank you for being here tonight.” Binaba nito ang glass at fork at inayos ang suit niya. “Tonight, ladies and gentlemen is not just any ordinary night. This is the night that I will resign from my place, and tonight will also be the first night of the new reining heir of this company.” Halos magwala na sa kaba ang dibdib ko habang nakikinig sa speech ng Lolo ko. Magyeyelo na yata ang mga kamay ko.
“I present to all of you, my friends, collegues, guests, my one and only grand daughte and family, Rima Danielle Andrade Dela Vega!” the wild applause adds to my outrageous heart beating.
I walked straight in front and face the audience. Pansin ko din ang mga cameras at photographers sa gilid ko na panay ang kuha ng pictures.
“Thank you… Lolo.” Ngumiti ako sa Lolo ko. “Thank you for such an extravagant event, for all the people here tonight. Thank you.” Huminga akong malalim bago ako magpalit ng language. Yun lang ang baon kong english eh. HEHEHEHE. Shet Rima, nagawa mo pang mag joke, leche ka. -_-
“So? Sino ba ako? Ano bang ginagawa ko dito? Sa totoo lang, kahit po ako, hindi makapaniwala sa nangyayari ngayon. Simple lang naman talaga ang pinangarap ko noon pa. Ang maging prinsesa ng Daddy ko, dahil noon, ang Daddy ko ang Hari at ang Mommy ko ang Reyna. I’m sure all of you are aware of their early and untimely death. Kaya nga after nilang mawala, halos hindi na ako makapagsimulang muli. Nasa kanila ang pangarap ko eh. Kung wala ng Hari at Reyna, sino ba ako para maging prinsesa?” tumigil ako saglit para huminga at pigilang umiyak.
“Pero ngayon, iba na ang nangyari, Prinsesa ako ng Dela Vega Corporation. A crown that a lot of people wanted to have. Masaya ako, dahil pinagkatiwala siya saken ni Lolo.” Tumingin ako kay Lolo at ngumiti. “At pangako ko sa kanya at sa lahat ng tao na nagtatrabaho sa DV, na hinding-hindi ko sila bibiguin. I’ve left a lot of people just to be here. I’ve sacrificed a lot, and I assure you…” tumulo na ang mga luha ko pero agad ko itong pinunasan. “I assure you, I’m not letting you all down. Thank you and good evening.” Binaba ko ang microphone at nagbow. Agad naman akong sinalubong ng beso ni Lolo at saka nagpose sa mga photographers.
My smile hides a thousand screams at the back of my mind. Screams echoing diverged stance from reality. How I wish I can let those screams be heard…
Skyler’s POV
Gust of wind.
Bat ba ako nandito? Napailing nalang ako sa ginawa ko eh. Nagpauto ako dun sa hipon na yon. Biruin niyo? Naniwala ako sa kanya.
Ayan na naman ang hangin.
Naaalala ko ang pag-ihip ng hangin tuwing tatambay ako sa balcony ni Manang Ason. It brings back a lot of memories… I missed that place.
“Liaaaam! What are you up to? Pag ako nadapa dito…” napalingon ako ng bumukas yung pinto at makarinig ako ng konting ingay mula sa loob.
“We are almost there, Rima. Hold still.” Hawak ng punyetang Liam na yan ang mata ni Rima habang naglalakad palapit saken. HINDI NIYA BA ALAM ANG SALITANG “BLINDFOLD”? Kelangan talaga kamay gamit? Wtf.
Bumaba ako mula sa pagkakaupo ko sa terrace at lumapit sa kanilang dalawa. Natatawa ako kay Rima. Nakaangat yung kamay niya at kumakapa sa hangin. She looks stupid and cute at the same time.
They stopped at almost two feet away from. Umatras pa ako ng konti para di niya ako makapa.
“Merry Christmas.” Bulong ni Liam sa kanya bago tanggalin yung kamay niya na nakaharang sa mga mata nito.
Kukurap kurap pa siya, sabay lingon nito kay Liam na nakalabas na agad ng balcony. Nanlaki yung mga mata niya ng makita ako. Pero kinusot niya pa ulit yung mga mata niya at sinampal pa ng mahina ang mga pisngi niya.
“Aish Rima. You had too much vodka.” Sabi nito sabay yugyog ng ulo.
“Di ka ba makapaniwala na may sobrang poging tao sa harap mo? Rima you are not drunk. Sadyang gwapo lang talaga ako. Sorry.” Nag-sad face pa ako kunwari bago ayusin yung suit na suot ko.
Pinag-tux kasi ako ni Liam. Ay syempre dapat pogi ako kaya bumili si Nana ng tuxedo para saken. Naka-slim tie din ako na black. Shet ang pogi ko talaga. No wonder inakala ng babaeng toh na napasobra na ang inom niya, sometimes, iniisip ko din kung totoo ba ako o sobrang bored lang ang diyos ng mga magagandang nilalang at ginawa ako eh. Alam niyo yun? XD
“Ahhh. I am not drunk, that’s for sure.” Napangiwi ako sa sinabi nito.
“Ayaw mo lang umamin na pogi ako eh.” Sabay pitik ko sa noo niya. Ngumisi siya sabay yakap ko kaagad dito. Aish this girl…
“Ang bango mo ah.” Narinig kong sabi niya habang nakasiksik sa dibdib ko.
“Mabango lang?”
“Okay fine, pogi ka rin ah.” Lalo ‘kong hinigpitan yung yakap ko sa kanya. Yung halos mabali na mga buto niya. Hinalikan ko pa ng ilang ulit yung buhok niya. God knows how I missed this walking hair so bad.
I stepped away at hinawakan ko ang pisngi niya. “Sinong nagdamit sayo?” tanong ko. Naiinis ako, puro lace yung damit niya buong braso. Di ko tuloy siya maramdaman. Pati likod niya di ko mahawakan. Tss.
“Si Anjo. Yung bading. Nalimutan ko kung saang shop eh basta Anjo yung pangalan.”
“You look beautiful.” Nagpout ako. “Nakita ka pa ng maraming tao sa TV kanina. Sa social media, ang dami mo ng fake accounts agad. I guess, hindi na kita ma-sosolo niyan.” Inis kong sabi.
She laughed hard. “Stop acting like a brat, Sky. Hindi bagay!” sabay hampas nito. “And besides, ang panget ko kaya dun, para akong matatae kasi pinipigilan kong umiyak! Grabe nakakakaba pa! Sobrang kinabahan talaga ako dun sa— *CHU!*”
I shut her up kasi ang ingay niya. I kissed her and showed her how I missed her. A month seemed like forever. Masanay ka ba naman na umaga pa lang siya na agad makita mo, who wouldn’t missed this annoying girl?
Napatigil ako ng kumapit siya sa balikat ko. Her hands trail the back of my neck. Kinilabutan ako, so I pushed her away. PETENGENE. >////<
“B-Bwoh? Anong—“
I shook my head and tried to calm myself down.
Punyeta. Stop pushing the wrong buttons Rima. Pag ako—AISHHHH.
“N-Nothing. Ah… ano kasi…” pota naiilang ako.
“Sorry. Mali pa yung ginawa ko?” nahihiya niyang tanong saken. AY HINDI RIMA. HINDI YUN MALI. BUSHET.
Hinawakan ko ang kamay niya at niyakap nalang siya ulit. Hanggang yakap lang muna. Ang daming minors na nagbabasa. At utak minor pa si CC. Di niya kakayanin ang needs ko. HAHAHAHAHA.
After a while, niyaya ko siyang umupo sa terrace. Nasa 17th floor kami ngayon ng isang hotel, naka-cocktail dress pa siya pero walang arte siyang umupo katabi ko. Tinanggal niya pa yung heels niya.
“WOOOOOOOOO!!!” sigaw nito habang nakataas ang kamay. “PETENGENE NIYO!!! MAYAMAN NA AKOOOOOOOO!!!” sabi pa niya.
Sarap batukan ng babaeng toh eh.
“Aish! Loud girl.” Sabay takip ko kunwari ng tenga. Humarap ito saken tsaka ako hinampas.
“YAH! DI KA PARIN SANAY SAKEN?”
“Sort of.” Pagkibit balikat ko.
Humalukipkip siya tsaka tumingin ulit ng diretcho sa view. “You’re going to miss this loud girl when she’s gone!” bulong nito saken.
“I miss you everyday, Rima.” Lumapit ako sa kanya at inabot ang mga labi niya. Kissing her is addictive I can tell.
Natigilan ito pero agad ding bumawi ang sinuntok ang dibdib ko. “PERV.” Sabay irap. I chuckled and reached something in my pocket. Inabot ko iyon sa kanya. “What’s that?” tanong nito saken.
“Christmas gift?”
“You didn’t have to bother, Sky. I’m a billionaire.” Umirap ito bago kunin yung box.
Wala akong ibang maisip na regalo, so I just gave her an engagement ring. Wala eh, ano pa bang ireregalo ko diba? Mayaman na nga siya. =_=
“W-What’s this?” nagulat siya ng makita yung laman ng box.
“Baka singsing?”
*HAMPAS*
“Ugh. Shunga mo. Bat mo ‘ko bibigyan ng singsing?”
“Kasi baka gusto kitang pakasalan?”
*HAMPAS ULIT*
“SHUNGA KA BA?!!!” O_O
“Hindi. Mahal na mahal lang kita.” Sabay ngisi ko. Namula naman siya agad.
“Sky, you know I’ll leave next year. AFTER NEW YEAR… so why—“
I reached for her cheeks again. She’s starting to cry, and I can’t bear it when I see her like that.
“Rima… marry me.”
“But—“
“Not now. But promise me you will.”
“But how? Skyler kelan? Paano kung—“
“I won’t accept any answers. Just say yes so this will be over.”
Kumunot yung noo niya habang naiyak. “NAGTANONG KA PA KUNG YES LANG TATANGGAPIN MONG SAGOT! ENGOT.” Sabay pout.
Ngumiti ako sa kanya at inasikasong lagyan ng chain yung singsing. Simpleng silver ring lang yun. Yung tigsa-sampu don sa Broadway Gems. HAHAHAHAHA. Sorry na. Biglaan eh, kanina lang ako tinawagan ng mukhang paa na si Liam.
“For now, you wear this okay?” naisuot ko ito ng maayos sa leeg niya.
Nasinghot pa ito ng humarap saken. “Sky.” Tawag nito saken.
“Hmm?”
“Di mo ba ako pipigilan?” natigilan ako sa sinabi nito. Again, she’s crying but its like rivers of tears. “Just say it Sky. Hindi ako sasama kay Lolo.” She’s more like pleading. It hurts.
“Rima…”
“Please Sky. Pigilan mo ako. Pigilan mo naman ako oh. Ayokong malayo sayo. I- I love you. Sky…” pagyugyog nito saken.
“I’m sorry.” Hinawakan ko yung dalawa niyang braso. “Enough okay. You will go with you grandfather. You will take over your business. You will be successful.”
“But sacrificing you—“ umiling ito. “NO. I WON’T LEAVE YOU.” </3
“Rima…” I wiped her tears. “Kahit saan ka pa pumunta, I will find you.” I said.
“Paano? Kelan? Sky…”
“I will find you. Just as how you found me before. I will save you, just as how you saved me before.” I assured her, looking deep in her eyes.
Rima, noon… I’m sluggish, immature and a person full of hatred.
You changed me and made me into something I never thought I would be.
You let me understand friendship.
Family.
Life.
Love.
You are the heroine of my Christmas, the heroine of my life.
“And even if you leave, I will find you. I will find you wherever you are.” Umatras ako and turned my heel. Naririnig ko itong humagulgol pero I just went straight out of the balcony and outside of that hotel.
***
ANNOUNCEMENT: TWO MORE CHAPTERS. ONE EPILOGUE. THEN WE ARE DONE. MOST LIKELY, ONE CHAPTER WILL BE POSTED THIS MONTH THEN THE ONE LAST CHAPTER AND EPILOGUE WILL BE ON JANUARY. Sorry kung papaabutin ko pa ng January ah. I’m not sure kasi if I have time to type things since it’s holiday seasons. Hopefully. Hopefully. Hopefully.
Merry Christmas guys! :)
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top