Case 84: Misleading Death

A/N: Heads up for another mind boggling death. Lol.

Case 84: Misleading Death

Skyler’s POV

Wednesday ngayon. Ito lang ang schedule ko sa buong linggo kung saan pumupunta ako ng school para sunduin si Miss Amy. Nasa OJT na ako eh. Nag-start na ang semester. Umalis na din ako sa apartment ni Manang Ason.

“Sky!” tatakbong lumapit saken si Miss Amy dala ang madaming mga libro.

“Wow. What’s with all these books?” kinuha ko iyon at nilagay sa loob ng kotse ko.

“Research paper.” biglang simangot nito. “Nakakainis talaga yung professor naming yun. Lagi nalang pahirapan sa mga research.” tsaka humalukipkip at sumandal sa kotse ko.

“Ganun talaga Miss Amy.” sabay gulo ko sa buhok niya.

“Amy!!!” natigilan kami ng may mga lumapit na babae samin.

“Eto na pala yung mga hiniram naming Percy Jackson na libro. Salamat ah!” sabi nung isa.

“Sa susunod pahiram ulit ah?”

Ngumiti si Miss Amy sa kanila. “Sure girls!” dinagdag ko ang mga libro sa kotse ko. Nakita ko namang naglakad na paalis yung mga babae.

“Wow. Ang dami mo ng friends. Good job!” puri ko.

“Hehe! Syempre. Ikaw? How’s work so far?” tanong niya saken. Sumakay na kami at umalis sa school.

“Work is good Miss Amy. Hanggang ngayon nag-aadjust parin.” I smiled. Traffic agad, well, lagi namang traffic sa Gilmore Avenue.

“Aish. Traffic is heavy in this area, diba?” tumingin si Miss Amy sa bintana. Mabagal kasi yung usad ng mga sasakyan. Kita mo ang mga nagkalat na stalls sa tabi ng school. She gasped. Napatingin tuloy ako sa kanya. “AHH! Skylerrrr! Nakatikim na ako niyan!!!” turo nito sa kwek-kwek stand.

Napawi ang ngiti ko.

“Didn’t I tell you before? Nilibre ako niyan ni Rima? Grabe! It was like the best kwek-kwek everrr! At ang mura lang niya!!! Biruin mo, ang dami kong nakain, tapos 50 pesos lang binigay niya at may sukli pa!” masayang nagkwento si Miss Amy habang nasa biyahe.

Oo sana hindi ako nasasaktan dito diba? =_=

Nakarating kami ng maayos sa mansion ng mga Villena. Binati kami ni Gertrude pati ng sangkatutak niyang maids.

“Mistress Amy, pinapatawag po kayo ng Chairman sa office niya.” sabi ng isang maid.

“Dad arrived? Anong oras siya dumating?”

“Kanina lang po. Napa-aga ang uwi niya dahil may meeting siya mamaya.” sagot ni Gertrude. Tumango nalang si Miss Amy at kinuha na ang mga dala kong libro.

“H-Hey. Ako na Miss—“

“No thanks. I’m fine! Umuwi ka na. May duty ka pa mamaya sa FDD, right?” saka ito ngumiti at tumakbo paakyat.

Habang papunta ako ng FDD, natanaw ko ang Dela Vega Tower mula sa mga hanay ng naglalakihang building sa gilid ng kalsada. Operating na ulit ang kumpanya syempre dahil nandito pansamantala ang Presidente nila.

Kung lahat kayo ay curious kung nasaan si Rima? Well, after naming maghiwalay sa burol ng Tito niya, hindi ko pa siya nakikita. Sabi din ni Carleen samin na hindi na nag-enroll si Rima ng 2nd semester niya. Mukhang tama nga ang sabi niyang ila-lock siya ng Lolo niya sa mansion nila.

Ako? Nakatira ako sa isang condo unit kasama si Nana. Nung nalaman niya kasing lilipat ako sa condo, ayun at dumikit saken. Nakakairita nga, daig pa si Mommy kung manermon saken.

Pagdating ko ng FDD, dumiretcho agad ako sa office ni Chief. Nandun na sila Kenneth at Charlie. Si Kenneth, busy din sa pagtapos ng requirements, si Charlie naman, hard working student, nag-aadvance reading.

“Yo. Nalate ka yata?” tanong ni Kenneth matapos kung mag-high five sa kanya.

“Traffic.” umupo ako sa gitna nilang dalawa. “Si Chief?” tanong ko.

“Lumabas lang saglit. May kinuha yata, bagong case surveillance.” sagot ni Charlie ng hindi man lang natingin saken, sobrang focus sa binabasa.

“Ahh.” tumayo ako at nagbukas ng TV. Nakita kong madami na ding Christmas commercials. Naalala ko nung Christmas… ayyy. Never mind, nalulungkot lang ako ulit.

“Haaaaay!!!” umunat ng kamay si Charlie at tsaka tumabi sa sofa kasama ko. “Tara nood tayong Adventure Time, Skyler!” inagaw niya saken yung remote.

“Aish Cha, ano ba!” =___=

“Eto eh! Ano bang pinapanuod mo dyan? Puro nalang news.” pag pout pang nalalaman. Natuon ang attention namin sa paglipat ni Cha sa isang local channel.

‘President Dela Vega, are the rumors true na may papalit na sa position ninyo at magmamana ng kumpanya after Harvey’s death?’

‘Who is this new heiress?’

‘Can she take over?’

Dinumog ng mga reporters ang matandang Presidente sa labas mismo ng tower. Halos di magkamayaw ang mga guards kung sino ang bibigwasan nilang reporters na halos magsiksikan sa mga kili-kili nila.

“Man, the Dela Vega group is one big name, huh?” nagulat kami ni Charlie ng biglang sumulpot si Chief mula sa likod ng sofa.

“W-Well, si Rima ba yung magte-take over ng company?” tanong ni Charlie.

“Siguro. Siya na lang naman ang natitirang heir.” sabi ni Chief tsaka tumabi samin. Si Kenneth, busy parin kakatype ng mga papers sa long table.

“Wala bang balita kay Rima? Halos isang buwan ko na siyang di nakikita. I miss her so bad.”

“Charlie, lahat naman tayo.” sagot ni Chief. “She’s fine. Ang alam ko she’s working in the Dela Vega group pretty well, kaya mapapabilis ang pagtake over niya sa kumpanya.” sabi ni Chief.

Totoo yun. Every 8pm, lagi akong pumaparada sa DV Tower para tanawin si Rima paglabas nito ng office. Lagi siyang sinusundo ng hipon niyang bodyguard. More like, office-bahay ang route niya araw-araw.

“Di siya pwedeng puntahan? You know, chill chill lang?” Charlie said desperately.

“Nope. Sobrang tight ng security sa kanya.” umiling nalang si Chief sa pagpupumilit ni Charlie. May inabot naman siyang folder samin. “Oo nga pala, may bago tayong case assignment. Bukas ang entrapment. Basahin niyo nalang ang details. May date kasi kami ni Court mamaya.” tsaka ito kinilig.

(=_____=) <-- kaming lahat

Naglalakad ako papuntang parking lot ng narinig kong may tumatakbo. Paglingon ko, si Charlie dala yung mga gamit niya.

“Oh? Akala ko kasabay mo si Ken?”

“Iniwan niya ako. May date din yata sila ni Carleen.” nagpout ito. “Pwedeng pasabay? Di ko dala kotse ko, coding kasi eh.” sabi niya. Tumango ako at sumakay na siya ng kotse.

Lagi akong nadaan sa DV Tower kaya mukhang magwawala sa tuwa si Charlie dahil kasama ko siya. Yun nga lang siya ang unang makakaalam ng ginagawa ko.

“Sky? Teka, may dadaanan ka pa ba?” tanong ni Charlie ng mag-iba ang route na dinaanan namin.

“Meron. Pero saglit lang naman.” pumasok kami sa compound area ng Dela Vega Tower. Halos malaglag ang panga niya ng makita niya ang malaking signage.

“ARE WE—EMERGERDDDD!!!” sigaw nito.

/(=___=)\

“Iiwan kita pag hindi mo tinigil ang pabakla mong irit Charlie, makikita mo. Pigilan mo yan.” inis kong banta sa kanya. Naupo naman siya ng maayos ang tinikom ang bibig.

Pumarada kami sa tapat ng main entrance. May Volvo na nakaparada doon, kotse ni Liam yun. Makikita mo din si Liam na naka-abang na sa tapat ng entrance.

“That’s Liam, right?” tanong ni Charlie.

“Yup. He’s fetching her every night after work.” sabi ko without removing my sight sa entrance door.

“You’re always here every night? Huh, Skyler?” tanong ni Charlie saken na para bang manghang-mangha.

“Yup.”

“God, you really do love her.” he gasped.

Napangiti nalang ako. Ilang saglit pa, lumabas na si Rima mula sa loob. Di tulad dati, naka-dress siya lagi at may cardigan na suot. Kulot na din ang buhok niya pero may bangs padin. Mas nag mukha siyang mayaman dahil kulot siya. Pero mas bagay pa din sa kanya yung straight. =_=

“EMERGERDDDD RIMA!” (Q _ Q) iyak ni Charlie ng matanaw mula sa malayo si Rima.

Agad naman siyang sumakay sa kotse at umalis na sila. Ganun kabilis ko lang siya makita gabi-gabi. Alam kong hindi sapat pero… hanggang dun lang talaga ang kaya kong gawin sa ngayon.

“HUEHUEHUEHUEHUE RIMA BEAR!!! T_T”

Ni-start ko ang kotse at lumabas na kami ng DV compound. Natyempuhan pa namin ang kotse nila sa gate, traffic kasi. Tinted nga lang ang sasakyan kaya di ko rin siya makita sa loob.

“EMERGERDDDD SKY!!!” pagwawala ni Charlie sa tabi ko. “SUNDAN NATIN SIYAAAA PLEASE!!!” pagmamakaawa nito.

“No.” I said.

Nang gumalaw ang kotse, sa kabilang daan ito lumiko. Bago pa ako tuluyang lumiko, sinundan ko muna ang kotseng malayo na mula sa gate.

“HUEHUEHUEHUEHUE DAPAT NISUNDAN NATIN SIYA!!!”

Di ko nalang pinansin si Charlie naiyak parin hanggang sa malayo na kami. Ang bilis ng tibok lagi ng puso ko tuwing nakikita ko siya sa malayo. Tuwing nagkakalapit ng ganoon ang kotse ko at ang kotse niya. Kung sana nga lang naririnig niya iyon para malaman niyang nasa malapit lang ako. Siguro ganito lang ang puso ko dahil ang tagal ko na siyang hindi nakakausap.

Pagdating ko ng condo, pinagbuksan ako ni Nana ng pinto at sinermonan na hindi daw ako nagtext sa kanya na gagabihin ako. At kahit dumiretcho ako sa kama para humilata ay nakasunod siya sa akin at pilit pa akong pinapakain ng dinner na niluto niya.

“I’m tired, Nana.” pagpapalayas ko sa kanya.

“No! Kakain ka o kakain ka? Yun lang ang choices ko dito!” sigaw nito.

Nagkamot ako ng ulo at tumayo para kumain. Nanuod na siya ng TV ng makita niyang nakain na ako. Aish para talaga siyang matanda.

*bzzt*

Kinuha ko kaagad ang phone ko at tinignan kung siya ba yung nagtext.

From: Rima <3

Nakauwi na ako. Nagdinner ka na ba? I miss you Sky.

Napangiti ako pero agad kong binitawan ang phone ko para magpatuloy kumain. Hindi ko siya nirereplayan. Nagpromise akong magtetext sa kanya everyday pero hindi ko ginawa.

Ang sabi kasi ng Lolo niya ay iwasan ko na daw siya. Makakalimutan din daw ako ni Rima. Pero ni minsan hindi siya nakalimot magtext saken. Ang alam ko, sa maid nila iyang number na yan. For sure, nakarecord lahat ng calls at text sa phone niya kaya nakikitext nalang siya.

“Matulog ka na after that!” sigaw bigla ni Nana. Aish.

“Oo na.” padabog kong sigaw.

Rima’s POV

Ginising ako ng alarm clock ko. Aabutin ko sana yung table sa tabi ng kama ko pero nalimutan kong wala na ako sa apartment. Halos isang buwan na ako dito pero di pa din ako sanay.

Tumayo ako at pumunta sa baba. Sa laki at lawak ng bahay ng Lolo ko, nakakatakot ito at nakakabored at the same time. Miss ko na ang masisikip na corridors ng bawat floors ng apartment papunta sa kwarto ko. Yung maliit na sala at TV at yung kitchen na muntik ko ng masunog noon Valentines.

Sa gitna ng paglalakad ko, nakita ko ang mga maids na abalang magdecorate ng Christmas Tree. Sa sobrang taas ng Christmas Tree na iyon, umabot siya hanggang second floor. Nasa may gitna ito ng malaking bulwagan ng mansion kung saan kita mo ang floors mula sa pinakataas.

“Good morning Misstress!” bati pa nila saken.

“Good morning din.” lumapit ako sa kanila at agad silang pumila sa harap ko.

“M-May ipapagawa ho ba kayo Mistress?” taranta nilang tanong.

“W-Wala naman po!” I shook my head at nipaypay ko din ang mga kamay ko as a sign of no. “Gusto ko lang manuod. At—ano, tumulong sana.” sabi ko sa kanila.

“D-Dito ho?” gulat nilang tanong.

“Ah oo. Pwede ba? Gusto ko din magdecorate.” ngiti ko.

Nagulat sila pero hinayaan nila akong sumali. Yun nga lang, bawat kilos ko laging nakaalalay saken. Hindi naman na ako bata para bantayan. =_=

“N-Nako! Mistress, jusko! Bumaba po kayo dyan!” saway saken ng isang maid ng umakyat ako sa ladder at magkakabit ng iba pang decorations.

“Okay lang ako! Hihi!” ngisi ko pa.

“RIMA!” nagulat ako ng marinig ko ang malagong boses ng Lolo ko mula sa staircase. Galit ito ang namumula pa. “GET DOWN FROM THERE!!!” sigaw nito.

Nag-poker face nalang ako at tinitigan siya.

“Lolo. I’m fine.” sagot ko dito.

“I SAID GET DOWN FROM THERE!!! ONE! TWO!”

“Oo na! Oo na eto na! THREE!” napairap akong bumama sa ladder ng bigla akong madulas, sigawan yung mga maids pero nasalo ako—ni Liam.

“Wow. Just in time, I guess?” sabi nito habang nakangiti. Naduling ako sa pagkakalapit nito sa mukha ko.

“Ahehehehe. Thanks Liam.” binaba niya ako at agad kong nakita si Lolo na nagma-martsa na palapit samin. OMG. T^T

“WHAT DID I TELL YOU?! HA?!!!” sigaw nito saken.

“S-Sorry na Lolo!” sabi ko habang nakatungo. “Di ko na po uulitin.” dagdag ko.

“Of course you will not. Pag naulit pa ito, pati mga maids na ito ay ipapasesante ko.” he turned his heel at dumiretcho sa kitchen.

Inalalayan naman ako ng Liam papunta din doon. Kumain kami ng breakfast sa sobrang laking dining table. Kumpara sa dining table nila Manang Ason, siguro apat pang magkakatabing lamesa ang laki nito. Kaya ayan, tahimik buong kain ko. Wala man lang kwentuhan o tapunan ng pagkain at cereals.

*SIGH*

“Susunduin kita mamaya ah? I’ll see you then.” paalam ni Liam ng bumaba ako sa tapat ng DV Tower. Nag-nod lang ako tsaka ito umalis.

Sa pagpasok ko palang ng Tower, lahat sila naka-bow saken. At kahit dalawang linggo na ako dito, hindi ako maka-adapt sa lugar. Nung bata ako, ganito na sila bumati saken. Tuwang-tuwa pa ako, pero ngayon ibang iba ang pakiramdam. I feel like I’m not worthy. Ewan.

May dalawa akong appointments na magkasunod. Natapos iyon ng lunch time. Maya-maya ay board meeting naman ang pupuntahan ko. Napasandal tuloy ako sa swivel chair ko. Ang sakit sa bangs.

“Hey. You look burned out.” pagbati ni Liam saken pagpasok niya ng office.

Napatingin ako sa orasan, alas kwatro palang ah. “Why are you here? Maaga pa ah?” tanong ko.

“Oh, that? Dumaan ako sa mall kanina. And I was wondering if you’re aware of the Sushi Sale sa restaurant ni Charlie?” tanong nito saken.

Nalaglag yung panga ko sa sinabi niya. “W-What? Wait—do you want me to…” di ko matuloy.

“Well, yun eh kung gusto mo lang naman.” nagkibit balikat ito.

Lumiwanag ang mukha ko at agad pinindot ang office phone. “Hello? Stacey?” tawag ko sa secretary ko.

“Yes Mistress?”

“Cancel all my appointments today. Uuwi ako ng maaga.” sabi ko habang nakangiti.

“Okay Mistress.” sagot nito.

Ngumiti ako kay Liam at sumama sa kanya paglabas ng DV Tower. After a month, makakalabas na din ako. Makakaramdam na din ako ulit ng aircon sa mall. PAKSHET! OH YEAH BABEYYYY!

“Di ako sasama sayo ah?”

“H-Huh? Pero—“

“Look, don’t worry. Pag nalaman ni President ito, agad kitang dadalhin sa bahay. No one will know.” he assured me.

“Thanks Liam. Salamat dito.” naiiyak kong sabi.

“Sige na. Have fun. Minsan lang yan.”

Tumakbo ako sa loob ng mall, hassle ang heels pero wampake. Namiss ko toh. Alam niyo naman na sobrang hilig kong mag-mall noon pero ngayon ko lang naappreciate. Siguro ganoon talaga ang pagpapahalaga mo sa mga bagay na nawala sayo. Akala mo sa una wala lang, pero importante pala.

Nagmadali akong makapunta sa Sushi store nila Charlie pero blockbuster ang pila. Napangiwi ako sa sobrang haba. Paano pa ako aabot nito? :(

Nagpasya akong maglakad lakad nalang.

*SPLAT*

“Aigoo!” I exclaimed nang maramdaman ko ang malagkit na ice cream sa damit ko. =_=

“SORRY! PAHARANG-HARANG KA KASI EH!” pagsusungit nung batang babae.

“WOW! SORRY DIN AH! ANG KALAT KALAT MO KASING KUMAIN NG—“

O_____________O

“NANA!”

“ATE RIMA!”

Natigilan kami parehas. As in. Si Nana ba talaga toh?

“OW-MY-GERDDDDDDDDDDDDDDDDDDDDDDDD!” sigaw nito sabay yakap saken. Hindi ko maabsorb. Pero niyakap ko na din siya.

“N-Nana! Omg.” di ako makapaniwala.

“ATE RIMA!!! HUEHUEHUEHUE!!!” kumalas ito sa pagkakayakap at tinignan yung damit ko. “Omg Ate, When did you became a girl?” sabi nito sabay taas kilay. I think she’s referring to my dress. Meh.

“Ikaw talaga!” kurot ko sa ilong niya.

“HAHAHA. Oh well, we better clean that up. Tara sa CR!” hinila niya ako papunta sa CR. Di magkamayaw ang puso ko. Gusto kong itanong kung nasaan ang Kuya niya. PERO NAHIHIYA AKEY. T^T

Nakarating kami sa wash room. Hindi natanggal yung ice cream pero at least nabawasan yung lagkit niya. Nakapaghugas din si Nana ng kamay.

“Bat ka nga pala nandito Ate?” tanong nito paglabas namin ng CR.

“Ah, wala lang.” sabi ko sa kanya, nagwawala pa rin yung puso ko sa kaba. Tatanungin ko ba kung kasama niya si Skyler? SHET. ANG DYAHE.

“Ahmmm. Ate may sasabihin ka ba saken?”

“W-Wala!” sagot ko kaagad.

“Alam mo, pakipot ka pa. Alam kong kanina mo pa hinahanap Kuya ko eh!” sabay pamewang nito.

“Ah—eh… kasama mo siya?” tanong ko nalang ng walang pakundangan sa kanya.

“Oo.” ngisi nito.

“OH EH DI ASAN NA SIYA!?!” nauubos na pasensya ko sa mga biting sagot niya.

“Ewan. Bigla siyang nawala nung bumibili ako ng ice cream eh.”

Naglakad na si Nana pabalik sa pinagbanggaan namin kanina. Pero nahagip ng mata ko ang mga nakablue polo na body guards. OMG.

That’s Lolo’s executive bodyguards. Omg. Alam na yata ni Lolo na umalis ako ng office.

Tumalikod ako kay Nana at naglakad ng mabilis pabalik sa CR. Tatawagan ko palang si Liam ng may humila saken sa loob ng Male Restroom.

“What the—“

“Why are you here?” natigilan ako ng makita ko ang humigit saken.

“S-Sky—I’m---“

“Ang daming bodyguards dito hinahanap ka nila.” kumapit siya sa braso ko at sumilip sa labas. “What are you doing here?” pag-ulit nito sa tanong niya.

Nag-pout ako at sinuntok ko siya sa dibdib. “NAKAKAINIS KA!” sigaw ko dito. “NGAYON LANG TAYO NAGKITA TAPOS GANYAN PA ANG TANONG MO!” pagpout ko habang ilag siya ng ilag sa mga suntok ko.

“AISH! Rima!” saway nito saken.

“I HATE YOU!!!” nagsimula ng tumulo ang luha ko. “BAT YAN AGAD TANONG MO SAKEN?! I’M SO DESPERATE TO SEE YOU!!!” yumakap ako sa kanya at umiyak. Oh God, I miss this boy. T^T

Ramdam ko ang paghagod nito sa ulo ko. Hinalikan niya din ang ulo ko. “Rima. Alam ko. Ganun din ako, pero now’s not the time for this. Gusto mo bang lalo kang hindi makalabas dahil sa ginagawa mo?” tanong ni Skyler.

“I DON’T CARE!” pag-pout ko.

“Aish! Hard headed girl!” hinubad niya ang hoodie niya, kaya nakawhite t-shirt na lang ito. Gulo-gulo ang buhok niya at nakasabit sa leeg nito ang headset niya. “Wear this.” he instructed me.

Sinuot ko ito at pinanuod siyang magdial ng phone niya. Tinawagan niya si Nana at sinabing dumiretcho na siya sa parking lot. Pagkatapos nitong tumawag humarap siya saken at tinignan ako from head to toe. Tapos sabay ngisi nito saken. =_=

“ANONG PROBLEMA MO?”

He chuckled at nagkamot ng ulo. “Wala lang. I was wondering if you can run with those shoes?” nguso nito sa heels ko.

“Oo. I can.”

Nag-nod at siya tapos nag-smirk. “I still like you when you’re just wearing tshirt and pajamas, Rima. Pero mas maganda ka pala talaga pag naka ganyang suot noh?” lumapit ito saken at tsaka hinawi ang buhok ko.

“Syempre Sky. Hihi.” I said and grinned at him.

“Nakakainis, ang dami siguro nagkakagusto sayo sa office niyo.”

Namula ako sa sinabi niya. Halata sa mukha niya ang inis. Onga pala, seloso siya. Naalala ko yung nagselos siya kina Zeke eh. Aigoo.

“Wala noh!” pag-iwas ko sa tingin niya.

Umiling siya at hinila na ako palabas. Mabilis kaming nakatakas sa mga naglipanang mga bodyguards sa mall. Mas kabisado ito ni Sky kesa sa inaakala ko.

“WOW ANG KUPAD NIYO!” salubong samin ni Nana. Pinasakay ako ni Sky sa harap habang si Nana ang nasa likod. Umalis kami agad.

Kumakabog pa rin ang puso ko dahil sa nangyari. Anong ipapaliwanag ko kay Lolo, lalo na pag nakita niyang kasama ko si Skyler. Magsu-super sayan na naman yun. Aigoo. ;;

“Ate! Grabe! Ganun ba kahigpit ang Lolo mo?!” Nana exclaimed nung makalayo kami.

“Yeah.” nasagot ko nalang kasabay ng pagbuntong-hininga.

“You better call Liam.” Skyler said while still looking straight. Napatingin ako sa cellphone ko. A-Ayoko siyang tawagan. BASTA AYOKO MUNA!

“A-Ayoko nga!” nauutal kong sagot.

Napahinto bigla si Sky sa pagda-drive at napatingin saken. “Anong ayaw mo? Ang tigas talaga ng ulo mo.” nagkamot siya ng ulo at kinuha ang phone.

“YAHHH!” agaw ko sa phone niya. “DON’T! I MEAN—KONTING MINUTES PA! PLEASE! UUWI DIN AKO!” I begged pero kinuha niya yung phone niya saken at lumabas ng kotse.

Hinabol ko siya sa may sidewalk. Madilim na at sobrang kinang ng mga Christmas lights sa gilid ng kalsada. “SKY!!!” habol ko dito.

“No, Rima! You are going home! Wag matigas ang ulo!” pinagalitan niya ako.

“B-But—“

“No! For the last time, uuwi ka na. I’m calling Liam so dyan ka lang.”

“But—But I just want to be with you a little longer you dumbass!” halos pumiyok na ako sa pagsigaw ko. Naiinis ako sa kanya. ARGHHHH!

Napasabunot ako ng buhok pero pagmulat ko, nakatayo lang siya doon at nakakuyom ang panga.

“Sky… just… konti pang minutes. Please?” I said habang naiyak.

Naglakad siya papunta saken. Galit padin ang itchura niya kaya napapikit ako kasi baka jombagin niya ako pero—niyakap niya ako instead. >////<

“Kung pwede lang kitang itakas, naitakas na kita.” bulong nito saken.

BAT DI MO GINAWA? HAHAHAHA. DE JOKE. XD

“Sige na, Sky. Tatawagan ko si Liam, pero pahingi pa ng konting minutes.” kumalas siya sa pagkakayakap at hinawakan niya ang kamay ko. Naglakad kami palayo sa kotse niya. Madaming tao naglalakad, pero feeling ko kami lang ang tao.

“How are you then?” pagsimula niya.

“I’m good. Bored with my life.”

I heard him chuckle. “Everyone wants to be where you are right now.” sabay tingin nito saken.

“Pero mas gusto kong nasa tabi mo ako ngayon, gaya nito. I could not ask for more.”

PUCHA SHET ANG CHEESY KO. (T_T)/

Ngumiti si Sky tsaka sinuklay yung buhok niya gamit ang kamay. “You’re starting to be corny, Rima. Kung alam ko lang na nagiging sweet ka pag matagal tayong hindi nagkita, matagal na akong lumayo sayo!” sabay tawa nito.

(=______=)#

“Aish! Sama mo!” sabay hampas ko sa braso niya.

“Kidding aside, konting tiis pa okay?” ngiti nito saken. “Nagpapa-good shot tayo sa Lolo mo. So most likely, we need to do what he wants.”

“But—“

“Hep. No buts Rima.” pagpigil nito saken. “We’ll get through this. I promise.” sabay kiss sa forehead ko.

Napatigil kami ni Sky ng may nagring na phone.

“Sino yan?” tanong ko agad.

“Si Ken. Teka, sagutin ko lang.” tinanggal niya ang pagkakakapit sa kamay ko at sinagot ang tawag. “Hello, Ken? Bakit?” halatang nagulat siya.

Anong nangyari?

“Si Ovan?” tumingin si Skyler saken. “Okay. Sige, pupunta ako. Bye.” tsaka niya binaba ang phone.

“What? What happened? Bat ko narinig si Ovan?” sunod sunod kong tanong.

“Ovan is dead, Rima.” natigilan ako sa sinabi niya.

“H-How?”

“Pupunta ako sa FDD ngayon to—“

“I’m coming with you!”

“No. You’re coming with me. Time’s up.” napatingin kami pareho ni Sky sa nagsalita.

“L-Liam!” nagulat ako ng makita ko siyang nakatayo doon katabi ng kotse niya. Ramdam ko ang tension sa pagtitig nilang dalawa sa isa’t isa.

Pagtingin ko kay Sky, ngumiti ito saken. “He’s right. Sumama ka na sa kanya.” tulak nito saken.

“P-Pero—paano si Ovan!”

“Ovan is our business, Rima. Kami ng bahala, we’ll take care of him.”

“B-But…” hindi ko na iyon tinuloy dahil nakikiusap ang mga tingin niya saken. Siguro mas okay na nga kung wag na akong makielam. Baka gumawa na naman ako ng problema gaya nung mga nangyari.

I sighed at naglakad palapit kay Liam. Binuksan nito ang pinto ng kotse niya at iniwan namin doon si Sky na nakatayo.

Shit. Now that Ovan’s dead, wala ng lead sa tinuturo ni Titong “FINANCER” na may balak saken. And Ovan’s one of the slyest criminal drug lords in the country, how can he be dead in a zap?

***

Ang haba nito kasi pinagsama ko na yung dalawang chapters. Di ko alam kung saan ko puputulin eh. Anyways, dahil dyan, next month na ulit ang UD. HAHAHAHAHA. De joke lang. Lab u guys!

Vote and Comment! ♥

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top