Case 82: Undercover for Her

Case 82: Undercover for Her

Skyler’s POV

St. Laurent Hospital. 0334 HR.

Halos isang oras na kaming lahat nakaabang sa tapat ng Operating Room ng ospital. Nasa tabi ng pintuan si Chief Francis. Katabi ko si Charlie at Kenneth. Nakatayo sa corridors si Liam.

At nakaabang sa tapat ng pintuan ay si Rima…

Nagkamalay siya kani-kanina lang matapos niyang mahimatay. Nakakainis nga eh, naabutan ko si Liam na buhat si Rima. That should be me, not him. Ako ang dapat nagbubuhat kay Rima, nagba-back up sa kanya pero eto, olats na nga ang bagal pa.

Pero hinayaan ko nalang, uunahin ko pa bang magmaktol dahil naunahan ako ng pesteng hipon na toh? Syempre professional ako. Agad naming dinala sa ambulance si Rima habang ang duguang si Harvey Dela Vega at sinugod agad sa ospital at hanggang ngayon ay inooperahan parin.

Narinig namin ang malalim na buntong-hininga ni Rima. Yung damit niya, punong-puno ng dugo. Kahit yung pisngi niya. Tuliro siya at hindi mapakali. Lahat kami walang alam kung bakit ganito siya mag-alala sa Tito Harvey niya.

She’s even uttering prayers for him until now.

“R-Rima…” naglakas loob tawagin ni Chief ang attention ni Rima. Agad napalingon si Rima sa kanya.

“B-Bakit?!” basag ang kanyang boses at parang iiyak siya.

“N-Na—Nandito kami Rima. You don’t need to suffer all by yourself. Look, kumpleto tayong buong Team. Diba?” Chief said trying his best to say it with optimism.

“Chief…” she started crying, sabay pa kaming tatlo nila Kenneth na napatayo ng marinig namin siyang humikbi. “I—I can’t stand another death… because of me. Ayoko na.” yumakap si Rima kay Chief at humagulgol doon. Lahat kami nagtataka.

Bastos lang naman siguro ang dating kung tatanungin namin na bat niya kailangan malungkot eh diba sila naman ni Ovan ang may pakana nito? >__>

“Everything’s gonna be okay Rima. Shhhh.” pag-alo ni Chief sa kanya. Nakarinig kami ng footsteps at lumabas doon ang isa sa mga doctor.

“Kayo ba ang kasama ni Mr. Dela Vega?” tanong nito, hindi siya nakascrub gaya ng mga nasa loob at nag-oopera. Tumango kaming lahat at lumapit sa kanya.

“Yes. Kami nga…” Chief replied.

“I’m Tristan Isidro, one of the resident cardiologist dito. I’m sorry pero Mr. Dela Vega—“

“NO!” sigaw ni Rima as she breaks down and cry. “Doktor kayo! DO EVERYTHING TO SAVE MY TITO!!!” pagmamakaawa nito. Agad siyang inalalayan ni Liam.

“I’m sorry. He lost so much blood, at natamaan din ang puso niya. We did everything Miss. We’re very sorry.” lumayo saglit si Chief para makausap ng masinsinan ang doctor.

(A/N: NA DADDY NI TREX. YESSSS. CAMEO. LOL.)

“I can’t see her like this Sky.” Charlie said while looking at Rima crying on the floor. Her sobs echoed through the corridors and it sent shivers inside of me. Death is Rima’s weakness. Nagkakaganito siya dahil namatay ang Tito niya.

“Noooooo! He should live!!! Tito! Noooooo!!!” hampas hampas nito ang sahig habang nakalat parin ang dugo mula sa kamay niya. It leave traces of blood on the floor. Naghalo na ang mga luha niya at dugo mula sa pagpunas niya ng mukha gamit ang kamay niya.

I can’t stand it anymore.

Lumapit ako sa kanilang dalawa ni Liam at hinablot ang kamay ni Rima. Pugto ang mga mata niya at halos manlaki ang mata ng makita ako sa harap niya.

Nagtitigan kami saglit at agad akong kumuha ng panyo tsaka pinunas sa mukha niya. Natigilan siya pero maririnig mo parin ang pagsinghot niya. Tsaka ko pinunasan ang kamay niya.

“S-S-Skyler… *sniff* I-I’m sorry…” bulong nito.

Nagsalubong ang kilay ko ng marinig ko iyon. May kasalanan nga pala siya saken. “Tss. Ang tigas ng ulo mo. What the hell are you thinking?” galit at nanggigigil kong bulong.

“Ayoko lang na *sniff* madamay kayo Sky—“

I did not let her finish. Niyakap ko siya kahit pa nasa tabi niya lang si Liam while rubbing her back. I kissed her hair. TENGENE MO HIPON, MAINGGIT KA. PAKYU. =_=

“Mag-uusap tayo mamaya sa apartment—“

“Hindi na siya uuwi sa apartment na yun Sky.” natigilan kami sa sweet moments namin dahil sa sinabi ni Liam. Pagtingin ko sa kanya, nakangisi ito. SARAP SIPAIN. >_>

“A-Ano?” natigilan din sila Kenneth sa sinabi ni Liam.

Napatayo kami ni Rima at humarap sa kanya. “What are you saying?” I’m trying to be calm as possible dahil ayaw kong manapak ng tao dito sa ospital, gusto ko medyo malayo siya sa ospital para matagal bago siya magamot. >:|

“She’ll not be staying there anymore.” walang emosyon nitong sabi. “She’ll stay in the Dela Vega property. Uuwi na rin si President bukas kaya doon siya titira pansamantala bago sila lumipad ng States.” sabi nito na agad nagpalaglag ng panga naming lahat.

“Ha. Sinong may sabing papayag ako?” hamon ko sa kanya.

He smirked. “Ngayon na nangyari ang ganito kay Rima, siguro naman magdadalawang isip ka muna bago mo kwestyunin ang mga utos ng Lolo niya.” he said. Sht. Ang tanging parte lang na maigalaw ko ay ang palad ko para maikuyom iyon. “So? May sasabihin ka pa? Dahil ang totoo naman talaga niyan, hindi mo kayang bantayan si Rima.” bakas sa ngisi nito ang pagiging kampante sa mga sinasabi niya.

“Tama na!” pag-aawat ni Rima sa matatalas naming titigan.

“You will come with us Rima.” sabi ni Liam.

“Paano ako sasama sayo? Eh ang sabi mo pupunta ka ng America pero bat nandito ka?!” natigilan siya dahil sa sinabi ni Rima.

“TUNGUNU MO! ANO?! HMM! SARAP MONG KUTUSAN!!!” nanggigigil kong sabat ng matigilan siya. Agad akong hinila nila Kenneth ng lalapit na ako dun kay Liam para kutusan talaga siya. >_< “BITAWAN NIYO NGA AKO!!! ISANG KUTOS LANG PUCHA! ANG YABANG KASI EH!!!” pag-angal ko.

“Ugh. Sky stop being such a pabo!” saway ni Rima saken kaya agad akong tumayo ng maayos. Good boy ako pag gerpren ko na nagsasaway saken. Hmp.

Inirapan ako ni Liam bago lumapit kay Rima.

“Rima, it’s a long story—“

“Then make that damn long story short, Liam! Explain this!” mataray na putol ng gerpren ko. Shet. Panis ka ngayon hipon ka! Boo!

He took a deep sigh at humarap samin. “I lied. I wasn’t really going to US.” natahimik kami sa narinig namin pero nagpatuloy kami sa pakikinig. “I was assigned to a special task force and I was partnered to Chief Francis.” sabay tingin nito kay Chief. “The task was to find out who’s the group behind such threats to her.” tinuro niya si Rima.

“T-To me?”

“Yes, Chief decided to keep it as a secret from the Team dahil pag nalaman mo ito, sasali ka na naman sa pagtugis sa gustong pumatay sayo. I know how persistent you are when it comes to this, Rima.”

“So… hinahanap niyo ang gustong pumatay saken?”

“Yes. And at the same time, we’re following you just to keep you safe.” si Chief ang nagsalita. “We’re sorry if we have to keep this as a secret from the Team. Ayaw lang namin na masira ang lead namin.” sabi nito.

“So if you’re making her safe, how can you explain the sniper attack noon? Muntik na siyang mabaril ng sniper.” confused na tanong ni Kenneth.

“Yeah. Me and Ken are investigating that until now.” dagdag ko.

“P-Pati kayo nagiimbestiga ng hindi ko alam?” gulat na baling saamin ni Rima.

Hinawakan ko ang kamay niya. “Rima, I want you safe.” sabi ko dito.

“Tss. Yung iniimbestigahan niyo ay matagal ng tapos sa amin.” putol ni Liam. Napalingon kami sa sinabi niya. He smirked. “Namatay din ang gunman that night. Ako ang sumaksak sa kanya kaya hindi natuloy ang pagbaril niya kay Rima.” sabi nito.

(O_______O)

Nagkatinginan kami ni Ken. Ibig sabihin siya yung isa pang lalaki sa CCTV at sinasabi ng mga witness. Siya ang gumawa ng sugat sa gunman.

“That means ikaw ang pumatay sa gunman?!” tanong namin ni Ken.

“Hindi. Nung sinundan ko siya, nakaabang ang isang van at mga armadong lalaki. Pinagbabaril nila yung gunman hanggang sa mamamatay.” paliwanag niya sa amin. So that explains it.

“Eh paano niyo nalaman na nandito si Rima?” tanong ni Charlie.

“We’re following Rima, right?” pagtataray ni Liam. Sarap bigwasan ng isang toh. =_=

“S-So you guys are all undercovers? F-For me?” tanong ni Rima.

“Of course Rima. We want you safe.” Chief pats her head gently. “Pagkatapos ganito lang ang gagawin mo! Ipapahamak mo na naman ang sarili mo!!!” sabay kutos niya kay Rima.

( ##=___=)(X___X !!)

“Aigoo~ that hurts Chiefyyyy~” sabi ni Rima habang hawak ang ulo sabay pout.

“Now tell me what happened?! Who killed Harvey? Si Ovan ba?” tanong bigla ni Chief.

Nakita namin ang unti-unting paghupa ng ngiti ni Rima. Kasabay nun ang pagtutubig ng mata niya. “T-Tito Harvey is… he’s innocent.” she said. “Tinulungan niya akong makatakas sa parking lot kanina.” she convinced us.

“P-Pero…”

“He’s innocent—please believe me! Harvey and Ovan is not the one who did this.”

“Don’t tell me it’s not Ovan, Rima. We saw him in the carpark, armed at madami pa siyang kasama na may baril din.” Ken said.

“Pero ginawa ni Ovan yun so—“

“Whatever it is, wala na kaming pakielam Rima. Sasama ka sa Dela Vega group. Your grandfather is on his way here. Yun ang utos niya saken.” Liam said seriously.

Napasinghap si Rima dahil sa inaasal ni Liam. “W-What? Pero Liam—we need to know kung sino yun! I can’t just wait until that person—“

“Kami ang gagawa nun, hindi ikaw!” sigaw ni Liam. Natahimik bigla si Rima. “You’re gonna stay there until mahanap namin kung sino ang may gustong pumatay sayo, Rima! All you have to do is stay there and be safe!” galit nitong sigaw.

Nagkasalubong ang kilay ni Rima at namula siya sa galit.

“NO!” sigaw din nito tsaka tumakbo palayo. Hahabulin na sana ito ni Liam pero pinigilan ko siya. Nagkatinginan pa muna kami ng masama dahil sa ginawa kong pagpigil.

“Dafuq Abalos, wag kang humarang sa dadaanan ko!”

“Hoy Liam. Sino ka para utusan ang girlfriend ko? AKIN SIYA. If there’s anyone who has to deal with her, it has to be me! AKO LANG!” mariin kong sabi.

He clenched his jaw. “Damn you.” he said.

“Let me handle this.” cool kong sabi tsaka hinabol si Rima palabas ng ospital.

Agad kong nakita si Rima na nakatayo sa baba ng hagdan. Tatakbo akong lumapit, at pinihit siya papunta saken. Naririnig ko parin yung pakonti-konting singhot niya.

“S-Sky…”

“Don’t worry… kung hindi sila naniniwala… ako naniniwala ako sayo. Kahit ayaw ka nilang pakinggan, papakinggan kita hanggang sa tapos na yung kinukwento.” I kissed her hair. Namimiss ko na kasi ang amoy ng buhok niya. It always feel like I’m home.

“Pero—ayokong sumama kay Lolo Sky. I thought hindi na niya ako kukunin pero…”

Kumalas ako sa pagkakayakap and cupped her cheeks. “Shh. Who says I want that idea too? Pag umalis ka sa apartment, malulungkot ako.” nagpout ako, I see her crinkle her nose.

“Panget mo mag-pout, Sky.” she said.

“Aish. Ikaw talaga. Listen to me.” pinitik ko yung ilong niya. “Nag-alala din ang Lolo mo kaya niya iyon nai-utos. I’m sure he only wants you safe. I trust you Rima, kaya alam kong walang ginawang masama ang Tito Harvey mo sayo… pero you’re still in danger. I want you to stay with them until—“

“You’re giving me away~” nag-pout pa siya lalo at kumunot ang noo niya. Rima, not now. Wag kang maging cute, wag ngayon. =_=

“I’m not giving you away, Rima. Please, I want you to be safe. Kahit ayaw kong malayo ka saken, gagawin ko toh kasi mahal na mahal kita.” Pinagdikit ko ang noo namin. “After this, I went crazy just to find you… find you in Liam’s arms… I don’t like that Rima. Ayokong may ibang kailangan magtanggol sayo. Gusto kong patunayan sa Lolo mo na kaya kitang protektahan. Pero kung magiging matigas ang ulo mo—“

“I can protect myself.” =3=

“Sige mag-pout ka pa, hahalikan kita.” banta ko. Bigla niyang binawi yung lips niya.

Naghiwalay kami at hinawakan yung kamay niya. I grinned, pero siya nakasarado parin yung bibig. Ayaw na ayaw magpahalik saken eh. Tss. >_>

“Now tell me? Anong nangyari sa parking lot?”

Nabigla siya sa tanong ko. I saw her na lumunok after niyang magsalita. “O-Ovan and Tito have a financer… and I think that’s our real enemy, Skyler.” she said.

“Financer?”

“Yun lang ang nabanggit niya. May kulang parin sa kwento niya pero si Ovan talaga ang totoong may pakana ng pag-email noon. Pero that is to kill me para matapos na ang ugnayan nila ng Financer.”

“The financer wants to kill you?”

“Yes Sky.”

“Eh si Harvey Dela Vega?”

“He wants to save Ovan. Pag pinatay ako ni Ovan, papatayin ng Financer na yun ang buong syndicate ni Ovan. And that’s not what Tito wants.”

Umirap ako at naghalukipkip sa mga narinig ko. “Rima, gusto ka parin patayin ng Tito mo ano?” I said blandly at her.

Ngumuso ito. “Oo! Pero—“

“Walang pero-pero, sumama ka sa taong gusto kang patayin, are you insane? Nakipag-usap ka about his plans to kill you. And you’re even protecting him are you crazy?”

“He said he’ll come back to us! Diba yun ang mas mahalaga? Family. You know that, Sky.” kunot noo niyang sabi saken. Isn’t she cute? She’s trying so hard to convince me.

“Oo nga.” pinagdikit ko ang noo namin. “I know that.” I smiled. “Tss. You are so gullible, Rima.” sabay pitik ko sa noo niya.

“Hindi ako gullible!” pagpout niya. Ano ba yan. Ang lapit na ng lips niya, natutukso ako. ;A;

“Okay fine, pero sasama ka sa kanila, okay?” lumayo na ako sa kanya baka kung ano pang magawa kong makamundong kasalanan eh. :3

“S-Sky!” alma nito. “Akala ko ba mahal mo ako!” sabay pacute saken.

(=______=);;

“Oy hindi mo ako madadaan sa ganyan-ganyan mo Rima.”

“Pinapamigay mo ako?”

“Hindi. I’m doing this because I love you.” ngumiti siya. Nakarinig kami ng footsteps at nakita namin ang bangkay ng Tito Harvey niya na pababa. Dadalhin na nila sa morgue.

Agad kong nilapitan si Rima at inakbayan. I can feel her breaking down. She’s trying so hard not to cry. Haaay. Ang babaeng toh, his Tito have done all the craziest shts in her life but she’s still there, crying, weeping for his lost.

Nagpatuloy si Rima hanggang sa loob at naririnig ko ang malakas nitong iyak. Ramdam kong may tumabi saken. Nang lumingon ako, si Liam yun.

“Mabuti naman at pumayag ka rin na sumama siya sa amin.”

“Oo naman. Pero hindi ko sinabi na papakawalan ko siya. I’d visit her everyday.”

“You don’t have to, I can watch for her—“

“A-YO-KO-NGA.” tsaka ko siya inirapan.

“Tss. Don’t you trust her? Di ka naman niya ipagpapalit saken.”

I laughed. “I trust her. It’s you I don’t trust at all. Alam mo naman na ayoko sayo sa simula palang Liam.” sagot ko dito.

“Hmm. Are you threatened?”

“Ako? Takot sayo? Para ko na rin sinabing takot ako sa pusa, Liam. Wag ganun.” sabi ko sabay ngisi.

“Ha. Grabeng confidence mo ah.” naasar nitong sagot.

“Gusto mo bigyan kita? Buksan mo Bluetooth mo—oh wait. Wala ka nga palang Bluetooth kasi 3310 ka lang!” sabay hagalpak ko ng tawa.

(=________=)###

Nagpupunas pa ako ng luha sa mata sa sobrang saya ng lumabas si Chief sa loob ng morgue. Grabe namiss kong asarin ang hipon na toh.

“Sky, ikaw na ang bahala sa pag-uwi ni Rima. Make a good excuse para maka-alis siya sa apartment ng hindi nahahalata ng landlady ninyo.”

Naalala ko bigla si Manang Ason. Malulungkot iyon pag nalaman niyang aalis na si Rima sa apartment. “Chief. Can you give us at least tomorrow para makapag-paalam sa landlady?” tanong ko.

“Huh? Bakit?”

“Our landlady is like a mother to Rima. Hindi ganoon kadaling magpaalam sa kanya.”

He sighed. “Okay fine.” humarap it okay Liam. “You heard him Liam. Sabihin mo ito kay President, sana ay maintindihan niya.” tumango si Liam tsaka umalis.

“Rima…” akay ni Charlie si Rima galing morgue. Umiiyak padin ito ng yumakap saken.

“I can’t believe he’s dead.” bulong nito saken. Niyakap ko din siya. After this, nagmadali kaming pumunta sa apartment.

Nagbihis lang ako at tsaka chineck kung nakapag-ayos na ng mga gamit si Rima. Pero naabutan ko siyang nakahiga lang sa kama at nakatulala. Well, she lost someone, what do I expect? Tss.

“Yah. Rima. Come on. Get up.” hila ko dito.

“What do you want?” masungit niyang sabi.

“Rima we need to fix our things. Isa pa mamayang gabi, pupunta tayo sa burol ng Tito Harvey mo. Nandun na din yung Lolo mo.” hila-hila ko pa din siya.

“Ayoko. I’m staying here. Baka mamaya, bigla nalang akong isama ni Lolo sa bahay niya.”

“Ugh. Rima, doon ka naman talaga pupunta bukas diba?”

“Pero may isang araw pa ako dito. I’m not ready to say goodbye here! This is a special place to me! Akala mo ba ganun lang kadali na umalis?!”

I smiled. “Hindi. Kahit ako, hirap na hirap na isiping aalis ka dito.” sagot ko.

Natigilan siya sa sinabi ko. Ngumisi lang ako at hinila siya ulit. Pero imbis na humiga, tumayo siya at niyakap ako. Anak ng bushet. =_=

“Sorry.” bulong nito saken habang nakayap siya. Dumaus-os sa bewang niya ang kamay ko at niyakap ko din siya. Shet heaven. *U*

“Sorry saan?”

“Kung aalis ako. Kung umalis ako ng hindi nagpapaalam sayo. Kung pinag-alala kita.”

“Alam mo Rima, habang tumatagal, nagiging sweet ka din pala?” I chuckled.

“Ayoko lang na malungkot ka.”

“Tss. Baka umalis na din naman ako dito, since magsa-start na yung OJT ko. Baka lumipat ako sa condo na mas malapit sa company na papasukan ko.”

“Iiwan natin toh? Nakakalungkot naman.” nag-sad face pa siya.

“Hmm. Gusto mong mag-iwan ng magandang memory dito?” ngumisi ako at tinaas baba ang kilay ko.

(=_____=)#

“PERV.” simangot niyang sabi. Hahaha. Cute.

Nayaya ko din sa wakas na mag-ayos si Rima para makapunta kami ng burol ni Harvey Dela Vega. Hindi na ito inannounce sa TV dahil nga ayaw na nilang maging magulo ito. Tahimik lang ang buong chapel pagpunta namin. Nandoon sila Chief at Miss Court. Si Liam at Kenneth ay nakaupo din. Si Charlie ay may kausap sa phone dito sa labas.

“Bat ang tahimik ng baby ko?” kurot ko sa ilong niya.

“Ouch!” hipo niya dito. “Malungkot lang ako. Sayang kasi, akala ko mapaparanas ko sa kanya yung pamilyang gusto niya eh.” nakangiti nitong sabi saken.

“I’m sure wherever he is, he’s happy. Napatawad mo na siya, I guess that’s enough.”

Ngumiti siya at hinila ko siya sa chapel. Bigla nga lang nag-ring ang phone ko. “Oh? Sino yang natawag?” tanong ni Rima saken.

“Ah. Wait, sasagutin ko lang.” pinauna ko na siya sa loob at lumabas saglit para sagutin ang tawag.

Unknown number calling…

“Hello?”

“Sky. This is President Dela Vega.” napanganga ako nang marinig ko yon.

“P-President?”

“I want to talk to you as soon as I arrived.”

“R-Regarding what, Sir?”

“About Rima, of course.” lalo akong kinilabutan dahil dun.

(=_______=);;

Medyo kinakabahan ako. Ano bang pag-uusapan namin? Shet. T^T

* * *

TROUBLEMAKER COMEBACK. SEXY BACK. OMG.

Ayun lang, nothing much. Sabaw ang utak ko. Expect kupad-ness for the next week. I need to refresh my plot. Medyo nawawala ako sa scenes. Hihi. I’ll try my best to fix my head as soon as possible.

May bago akong story. Haha. Ang gulo na nga ng buhay ko lalo ko pang pinagulo. XD "ALELI'S REWIND" yung title. Haha. After kong matapos ang Spy*Spy, tsaka siya magsisimula. Oh diba, parang pagpapalit lang ng teleserye sa primetime bida. ^__^ Okay. 

#SS5MANILA #TEAMBAHAY #TEAMINGGIT #TEAMABANGERSNGFANCAMS

Happy Sembreak! Kanta tayo guys~

SEMBREAK LIKE A DIAMOND~ ♪

Cheret. Lol. Vote and Comment. :* ♥

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top