Case 81: Unwanted Karma

Case 81: Unwanted Karma

Rima’s POV

Underground Carpark. 1125 HR.

“Wag kang maingay… I can explain.” napanganga ako habang tinitignan siya sa tabi ko. Parehas kaming naka crouch sa sahig at nakatago sa isang lumang kotse.

Madilim pero nakikita ko ang mukha niya dahil na rin sa mga patay-sinding ilaw. Haaaay alam kong inappropriate toh pero etong underground parking lot ay parang yung sa music video ng EXO na growl. OTL ;;

Diba sabi ko sa inyo hindi siya bagay sa scene. Pinilit niyo ako eh. T^T

“HANAPIN NIYO SILA! DALI!!!” narinig kong sumigaw si Ovan at nakarinig kami ng madaming footsteps, dahilan para gumapang kami sa ilalim ng kotse. Paggulong ko, ramdam kong katabi ko si Tito Harvey.

“Rima…”

“I-I don’t trust you…” bulong ko dito. Napatigil ako sa paghinga dahil pinapakiramdaman ko ang gagawin ni Tito Harvey. Eh sa totoo naman na hindi ako nagtitiwala sa kanya, lalo na ngayon.

“I know you don’t, but please… please listen to me.” pagharap ko nakita kong nakangiti ito habang parehas kaming nakahiga at nasa ilalim ng kotse. Awkward pero ramdam ko ang sincerity.

I heaved a sigh. “Fine. But—“

Natigilan ito at akmang nag-antay sa kasunod kong sasabihin. “B-But what?” tanong niya.

“You have to tell me EVERYTHING.”

He looked at me and nodded. “Okay.” hinila niya ako mula sa ilalim ng kotse at dahan-dahan kaming tumakbo pataas ng isa na namang level ng carpark. Parang maze toh, ang daming susuotan at madami ding lugar na basta nalang lalabas ang mga naghahanap sakin.

Napatingin ako sa likod. “Oh shit, someone’s behind us!” dali kong hinugot ang baril ko sa gilid ng pantalon ko pero—

*BANG!*

Naunahan ako ni Tito Harvey. Dito ko nakita ang mukha niya ng malapitan. Wala pa ding pinagbago ang Tito ko. Pogi parin. Kita sa mukha nito ang genes ng Lolo Billie Jean ko. Half Spanish half bread kasi ang lolo ko eh. XD

“Dalian mo nga dyan! Dito tayo.” tsaka niya ako hinila sa isang pinto. Pagpasok namin, may isang ilaw lang na nakasindi, walang tao at gamit sa loob at parang stock room ito. Humupa ang ingay ng mga nagtatakbuhang paa.

Nilingon ko ang hinihingal kong Tito.

“Well? Explain. I want answers now.” I said and glared at him intently.

Harvey’s POV

Undergound Carpark. 1145 HR.

Answers? Explain? Tss.

“Rima. Hindi kita dinala dito para sa answers at explanation!” I said and smirked. Nakita kong unti-unting gumagapang ang kamay niya sa bewang kung saan nakalagay ang baril niya.

“You sneaky bastard!” pagkuwan, tinutok niya saken ang baril.

“Alam mo Rima, kung pinapatapos mo ako ng pagsasalita, baka magsorry ka pa sakin dahil sa mga inaasal mo ngayon. Remember, Tito mo pa din ako.”

“I don’t have time for this Tito! Tell me! Bakit mo ako tinulungan?!”

“Hindi kita tinulungan, si Ovan ang tinulungan ko!” sabi ko.

Halos malaglag ang panga nito ng marinig ang sinabi ko. Akmang gulat na gulat sa mga narinig niya. “How dare you! Ang tanga tanga ko~ BAT AKO SUMAMA SAYO!!!!” nanggigigil niyang sabi habang sabunot ang buhok.

I chuckled, napahinto siya sa pagwawala. “Tanga ka talaga. Bat ka pumunta dito?” tanong ko saka ko nilagay ang kamay ko sa bulsa at humilig sa pader.

“Y-You threaten me of hurting my friends and my lolo! YOUR DAD!” sigaw nito.

“Ako?”

“Yes! Ikaw!”

“What makes you think na ako ang nagpadala sayo nun?!”

“DAHIL PINATAY MO ANG MOMMY AT DADDY KO!” nagsimula ng umiyak ang batang babae sa harap ko. Kahit pa may hawak siyang baril, hindi mo maipagkakailang inosente lang siya.

“Oo. Ako nga ang pumatay sa mommy at daddy mo.”

“SO IKAW NGA ANG MAY PAKANA NITONG LAHAT?!”

“Alam mo Rima, gustong gusto na kitang patayin kung gugustuhin ko. Kung pwede nga ngayon na eh. Pero mas iniisip ko si Ovan kesa sayo kaya buhay ka din hanggang ngayon.”

“A-Ano?”

“Papatayin ka ni Ovan… but that will put him in danger as well.”

“P-Pero bakit?!”


“Lahat ng nasa Ovan Drug Syndicate, nawalan na ng bait, kaya nagplano sila ng ganito. Kaya ka nila balak patayin… kahit pa ang pagpatay sayo ay magiging dahilan ng pagkamatay din nila.”

“W-Wala akong maintindihan… Tito Harvey… paano—“

*FLASHBACK*

Ovan Drug Syndicate Hideout. Tuesday. 1045 HR.

“Naisend ko na ang email. Hoy ikaw!” turo ni Ovan sa isa sa mga tauhan niya. “Tawagan mo yung gun supplier natin tsaka umorder ka ng maraming-maraming baril ha?” tsaka tumakbo ang lalaki palabas.

Tahimik ko lang pinagmamasdan si Ovan habang pabalik-balik itong naglalakad sa harap ng laptop niya. He’s gone helpless. Unti-unti na siyang nasisiraan ng bait.

“Harvey!!! Tulungan mo ako dito! Papatayin na natin ang pamangkin mo! DAPAT MATUWA KA SA GAGAWIN KO!!!” tsaka ito tumungga ng beer.

Tumayo ako tsaka tinignan ang laptop niya. Blueprints ng underground carpark. Hindi niya namalayan na nagprint ako ng layout nito, nag-aasikaso kasi siya ng mga baril.

Palabas na ako ng kwarto ng biglang magring ang phone ni Ovan.

Calling…

FINANCER

Agad kumunot ang noo ko ng makita ko ang tumatawag. Mukhang wala sa sarili niya si Ovan kaya ako na ang sumagot sa phone.

“Hello?”

“Si Ovan?”

“What do you need?”

“I need him to watch over the Dela Vega.”

“He declined the job. Hindi na susundan ng Ovan Syndicate ang babaeng yun.”

“May malaking utang pa ang Ovan Syndicate saken… kaya sa ayaw at sa gusto niyo… SUSUNDAN NIYO SI RIMA DELA VEGA!” at binaba nito ang telepono.

Napaawang ang bibig ko at gusto kong itapon ang phone na hawak ko. Hindi naman ganito ang naunang plano, inipit kami ng financer na yun pagkatapos naming mahuli sa Dela Vega Building bago magpasko. Kinailangan namin ng pera at inalok kami ng FINANCER na yun ng pera para makapag-operate ulit.

Kaya nga nagawa namin noong makidnap ang kapatid ni Skyler Abalos…

Pero biglang nagbago ang ihip ng hangin ng sunod-sunod ulit mahuli ng FDD ang ilan sa mga drug market na hawak ng grupo namin. Nabaon sa utang si Ovan dahilan para tanggapin ng grupo namin ang isang trabaho…

Ang sundan si Rima Ortiz… na target ko pa noon.

Pumayag kami ni Ovan, kahit pa hindi namin kilala kung sino ang taong nagbibigay sa amin ng trabaho. Muntik na naming mapatay si Rima noon, alinsunod na din yun sa utos ng FINANCER, noong may hinuli silang drug syndicate sa may China Town.

Yung sniper ay saamin. Pero may pumigil sa shooter namin para magawa iyon. Dahil sa palpak ang shooter, itinumba na namin siya ni Ovan dahil baka kumanta pa sa pulis.

Nakakatuwa nga ang Financer na yun, updated ito sa lahat ng mga case surveillance ng grupo ni Rima kaya alam namin kung nasaan siya tuwing gabi at duty nito sa FDD.

Ngayong wala na sarili si Ovan, balak niyang patayin si Rima kahit walang utos ng Financer. Kailangan kong mapigilan si Ovan na mapatay si Rima dahil pag nalaman ito ng Financer, buong sindikato niya ang mamamatay.

We’re stupid not to know who this mysterious financer is until now…

*END OF FLASHBACK*

“Wag ka ng maraming tanong Rima. Basta kailangan mong makatakas dito.” nagkamot ako ng ulo tsaka hinila ulit si Rima papunta sa pinto.

“T-Teka!” napatigil ako sa paghila sa kanya.

“Oh? Problema mo naman?” naiinis kong tanong.

“H-Hindi ka na ba babalik sa Dela Vega, Tito?” halos hindi siya makatingin sakin ng ayos. Hindi ko rin namalayan ang pagnganga ko sa narinig ko.

“Ha.” natatawa kong sinuklay ang buhok ko. “Don’t tell me the old fart is still waiting for me, Rima?” sabi ko habang nafu-frustrate.

“Somehow… ako at si Lolo… inaantay ka pa rin.”

“B-But—that’s impossible. I killed your Mom and Dad. I almost killed you. For God sake Rima, I still want to kill you! Why would you wait for me?”

Natigilan ito tsaka nagpout sa harap ko.

“Because we’re family…”

“MOTHER FUCKING FAMILY. DAHIL LANG DUN? WHAT IS WRONG WITH YOU!” sigaw ko. Hindi ko maintindihan ang sistema ng katawan ko. Gusto kong sumigaw sa inis, sa tuwa, sa lungkot, sa pangungulila…

“Don’t you want to come back? Are you happy living like this? Like criminals?”

“And what? Kung susuko ako I’d end up in jail!”

“Of course, pero we’d visit you everyday ni Lolo.” she smiled at me. Umiikot ang pakiramdam ng tiyan ko. Nasusuka ako sa mga pinagsasasabi niya.

“Aren’t you mad at me?”

“I was. Kaya nga I want you to go to jail diba? I still want you to pay for killing Mom and Dad.”

“Why are you talking to me like this—like nothing happened?!”

“Because I forgive you.” lumapit siya sakin. “Tito, stop this. Kung ang dahilan mo kung bakit mo ako niligtas ay dahil kay Ovan, pwes, kahit pa nasa panganib ako pumunta ako dito para sayo.”

“What the hell—“

“Tito, come back to us. Please sumuko ka na. Everything will be fine.”

I felt a lump in my throat. Nagiinit ito at nahihirapan akong huminga. Her eyes just go straight inside of me, aching to find the long lost conscience na nakatago saken.

Hahawakan na niya ako pero naitulak ko siya palayo. “D-Don’t touch me!” tsaka ako tumakbo palayo sa kanya. Ano bang meron sa bwisit na batang toh at gusto niya akong bumalik sa Dela Vega?

I’m a black sheep. I’m such a pain in the ass.

“Well? Okay. Pero tutulungan mo akong makatakas diba?”

“Oo pero para yun kay Ovan.”

“Grabe, Tito may gusto ka ba kay Ovan?” =_=

“WALA! Kaibigan ko siya at siya nalang ang pamilya ko kaya pwede ba—“

“Ahhhhh. Kaya pala. Pero pamilya mo din naman kami diba?”

“Shut up! Tinakwil na ako ni Dad! Why would I still call you family?”

“Hindi ka naman niya tinakwil eh. I’m sure he’s still waiting for you to come back Tito.” nakangiti nitong sabi saken. Ewan ko pero parang may side ng utak kong bibigay na sa mga sinasabi niya. Ugh! TANGA KA HARVEY. TANGA MO NANINIWALA KA SA INSEKTONG YAN. >_<

“T-Tara na nga! Psssh.” kinuha ko ang kamay niya pero—“AISHHHHH WHAT THE FUCK? GET OFF ME!!!” niyayakap niya ako. ANAK NG—

Halos mabura ko na yung noo niya para lang matanggal siya sa pagkakayakap sakin.

“Hehe. Niyakap ko lang si Lolo para sayo. I’m sure you missed him so much. Naalala ko pa naman, ikaw yung pinakaspoiled na anak niya. Yung Dad ko, laging pahirapan yung mga laruan, ikaw? Nako ituro mo lang ibibili ka na agad. Kwento sakin yun ni Lolo.”

I felt like my heart jumps as I see her smiling. Why do I feel like there’s still hope after this mess? After the mess I made…

“M-May uuwian pa ba ako?” hindi ko namalayang kusa ng lumabas ang mga yun sa bibig ko.

“Of course there is! If there’s a heart that cares, you will have a home.” tinuro niya yung dibdib niya. “Sa puso ko, pwedeng pwede kang umuwi Tito. You are always welcome!” nakangisi niyang sabi.

This girl is… the girl I’m planning to kill. The girl I deprieved of a normal life. At siya pa, out of all the people ang may puso para patuluyin ako sa buhay niya.

Skyler’s POV

Underground Carpark Entrance. 1123 HR.

We drop off Carleen sa bus stop before going straight here. Nasundan namin ang sketch na nakalagay sa email. When we arrived, I saw Meridith, Rima’s red motorbike. Nahampas ko ng malakas ang manibela.

“Sky… we don’t have to feel—“

“I should be. Dahil pinabayaan ko si Rima.”

“Sky ginusto ni Rima na pumunta dito ng hindi sinasabi sayo dahil sa pagbabanta nung nag-send ng email. Para hindi tayo madamay, Sky it’s not your fault.”

“Ilang araw nating hinanap ang taong yun, kung saan saan tayo napadpad tapos ganito lang? Malalagay parin siya sa panganib. TANGINA.” napasabunot ako sa buhok ko.

“Wala na tayong oras, we need to back Rima up.” he pat my back at tsaka inabot ang baril saken. “Tumawag ako kay Charlie, he’s gonna back us up by a far. Ganun din ang buong FDD. We’ll get Rima out of there.” nakangiting sabi ni Kenneth.

Rima you pabo girl. Ano na namang gulo tong pinasok mo?!

Papasok palang kami ni Kenneth, nakarinig kami ng mga nagtatakbuhan. Agad bumungad samin ang dalawang lalaking may hawak na baril. Nagulat kami sa bilis ng nangyari, may kalaban agad papasok palang kami?

“B-Boss m-may tao di—“

(X____X)

Bago pa sila makasigaw, nahampas na namin sila ng baril sa likod. Agad na kaming nagtatakbo sa baba, habang pababa madami kaming nakakasalubong na lalaki.

“May hinahanap yata sila.” sabi ni Kenneth habang nagpagpag ng kamay.

“You think it’s Rima?”

“Well? Unless may iba pang taong hinahanap.” agad kaming nagtago sa patong-patong na kotse sa gilid ng carpark. Patay-sindi ang ilaw dito. Nakita ko ang kumpulan ng mga armadong lalaki sa gitna kung nasaan ang ilaw.

“Anak ng—paanong nakawala? HANAPIN NIYO SILA!” nanlaki ang mata ko sa nakitang kong naguutos sa kanila.

“O-OVAN!” sabay pa kaming napasabi ni Kenneth.

“That bald headed bastard!” galit na bulong ni Kenneth habang nagrereload ng bala. “Lagot siya saken pag—“ tatayo na sana siya ng pigilan ko. Ayun at napasalampak sa sahig.

“Ano ba Kenneth, wag ka ngang padalos-dalos dyan. Ang hanap natin dito, si Rima. Uunahin mo pa ang botchog na yan?!”

“P-Pero Sky, I’m sure he’s the one who sent the email!”

“I know. Pero we need to find Rima first.” tsaka kami gumapang papunta sa daanan sa susunod na floor pababa pa ulit ng carpark.

*clik clak*

Napatigil kami ni Kenneth sa paglalakad. Tunog yun ng nagrereload ng bala. Nasa may bandang kaliwa ng daan, may awang na pinto at may kung anong anino ang nakita namin ni Kenneth.

Ngumuso si Kenneth, pinapapwesto niya ako sa tabi ng pinto samantalang siya naman ang bantay sa likod ko. Dahan-dahan akong lumapit sa pinto at tinaas ang baril ko.

Nagulat ako ng biglang may mga nagtakbuhan sa may taas dahilan para tumigil ang taong nagkakasa ng baril sa may pinto. Hindi niya siguro pansin ang anino niya, ha. Medyo tanga, akala niya siguro di ko nakikita ang ginagawa niya. Nakataas narin kasi ang baril niya.

“Sky, mag-ingat ka.” bulong ni Kenneth sakin.

Isa… dalawa… tat—

O________O

“ABALOS?”

“H-HIPON?”


T-Teka? Si—Si Liam ‘HIPON’ Henson?!

“W-What are you—bwoh!” di ko natuloy ang sasabihin ko ng biglang hilahin kaming dalawa ni Kenneth papasok sa lugar kung saan lumabas si Liam.

ANAK NG TUPA NAMAN. ANG SIKIP DITO. DIKIT-DIKIT KAMI AMPUTA. =___=

“Dafuq Ken!” naiinis kong sabi.

“Shhh. You’ll blow our cover!” sagot niya.

“Ang baho niyo.” angal ko.

“Mas mabaho ka.” malamig na sagot ni Liam habang nakasiksik din sa gilid.

“Why are you here?” tanong ko.

“None of your business.”

“Rima is my business because she’s my girlfriend!” I gritted my teeth.

I heard him chuckled. Lalo akong naiinis sa sitwasyon namin.

“Kung girlfriend mo siya at ayaw mo siyang nalalagay sa ganito kadelikadong sitwasyon, eh di sana hindi ka nakipagdate sa amo mo?”

I clenched my fist pero hinila na ako palabas ng masikip na kwarto ni Kenneth. Akmang babalikan ko si Liam ng bigla akong tutukan ng baril ni Chief—WAIT WHUT?

“CHIEF?!!!” sabay naming sabi ni Ken.

“Skyler, umayos ka nga. Makikipag-away ka ngayon samantalang hindi natin alam kung nasaan si Rima?!” sabi nito ng hindi binababa ang baril niyang nakatutok sakin.

“What the hell is happening here?!” naguguluhan kong tanong.

(A/N: OO NGA NAMAN. BAT ANG DAMI BIGLANG CHARACTERS DITO CC? IKAKAGANDA BA YAN NG STORY MO? IKAKADAMI BA NG VOTES YAN? PAKI-EXPLAIN. LAB U. XD HAHAHAHAHA.)

Rima’s POV

Underground Carpark. Lvl 3A. 1158 HR.

Nagmamadali akong sumunod habang natakbo si Tito Harvey pataas. Oo, pataas na kami. Palabas na kami dito sa carpark. At alam niyo? Sasama na siya sakin. ^___^

“Pucha Rima, ano bakla ka na? Ang bagal mong tumakbo.” bugnot na sabi ni Tito Harvey.

“Wait lang, yung sapatos ko kasi eh.” nagtali ako ng sintas ng biglang may narinig kaming footsteps. Natigilan si Tito at hinanda niya ang baril niya.

“Dito ka lang, babalikan kita. I’ll just check if the coast is clear.” he pats my hair at tumakbo paakyat ng 2A. Nandito kami sa 3A eh.

Naupo ako saglit para ayusin ang baril ko at tignan ang phone ko.

45 missed calls? Galing lahat kay Skyler. Nag-aalala na siguro yun. Patay na naman ako. Haaay pero may maganda akong sasabihin sa kanya pag-uwi. n___n

*BANG!*

Napatayo ako at dali-daling tumakbo sa 2A floor. Madilim ang paligid. Naghanap ako ng ilaw, sa may bandang gitna ng floor natigilan ako ng makita kong nakahiga si Tito Harvey—

“T-Tito Harv—“

“DYAN KA LANG! W-WAG KANG LALAPIT!” sigaw ni Tito Harvey. “H-HINDI KA PWEDENG LUMAPIT DITO RIMA! D-DIBA SABI KO SAYO, DUN KA LANG AT B-BABALIKAN KITA!” pilit niyang sigaw.

Tumayo ang mga balahibo ko. Bumabalik ang mga alaala sa isip ko. Ang alaalang may kailangang mamatay na taong mahal ko sa harapan ko mismo… NG WALA MAN LANG AKONG NAGAGAWA PARA MALIGTAS SIYA.

Napatingin ako sa parte kung saan hindi nasasakop ng patay-sinding ilaw… may anyo ng tao doon. Pero tanging ang makintab niyang baril ang nakikita ko.

“S-Sino ka?! O-OVAN?!” sigaw ko. Hindi ito sumagot, tumalikod ito at naglakad palayo. “H-Hoy! IKAW!!! SINO KA! BAT MO BINARIL ANG TITO HARVEY KO!!! BUMALIK KA DITO!!! HOY!!!” humagulgol ako doon pero naglakad ito hanggang sa pati ang makintab niyang baril ay maglaho mula sa kadiliman.

“T-Tito Harvey!!!” agad akong tumakbo palapit sa kanya.

Humaplos sa pisngi ko ang duguan niyang kamay. “For half an hour, I felt like I had a home I can turn to. Thank you, Rima.” sabi nito sakin.

“No! No! Tito Harvey uuwi ka pa, you need to go home with me!!! Tito nagpromise ka sakin ang sabi mo sasama ka!!! Tito please!!!” T_____T

He smirked. “I lied. Alam kong… kahit magpromise ako, I am not worthy of a true home with you.” he chuckled, kasabay ang pagbuga nito ng dugo. “Karma just tripped me. This is what I am worthy of… from all the pain I brought to you and to my Dad.”

“NO TITO! DON’T SAY THAT!”

“Please… tell Dad, I love him and I’m sorry…” wala na akong nagawa but to weep. Humilig ako sa dibdib niyang duguan at umiyak doon.

“TITO!!!!!!!”

“Rima!” inangat niya ako tsaka nakaramdam ako ng mainit na yakap. “W-What happened?!” sabi nito saken. I realized it was Liam. T-Teka—

“L-Liam teka paanong—“ nawalan ako ng lakas at unti-unting napapikit. “T-Tito Harvey… ang Tito Harvey ko… wala na siya…” and it was all black to me.

***

MABITIN KAYO ULIT. :P

HAHAHAHAHA NEXT WEEK ULIT SAKIT NA NG BANGS KO EH. SALAMAT SA INYO. SOBRANG ROUGH DRAFT NITO EH. PASENSYA SA MGA WRONG CHU CHU! GANERN TALAGA KAPAG TAMAD. GANERN. HAHAHAHA.

SOBRANG LAPIT NA NITO SA ENDING HAHAHAHA CHAKA ENDING KO EH. MAMAMATAY SILANG LAHAT. DE CHERET LENGS. SALAMAT SA PAGBABASA. NOOD KAYO NG HEIRS. AT TSAKA MAY COMEBACK ANG T-ARA, NUMBER 9. HOHOHOHO. KYOT KYOT NI BORAM DUN. XD SUPPORT NIYO GUYS. ♥

VOTE & COMMENT! THANK YOUUUU! LAB U! ♥

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top