Case 78: Real Enemy?
Case 78: Real Enemy?
Skyler’s POV
Manang Ason’s Apartment. 1023 HR.
Kakagising ko lang, nagmamadali akong maligo anak ng chucha, sabado pala ngayon. Punyeta talaga. Ang lamig kaya. Ugh. Napatingin ako sa kwarto ni Rima. Lakas nga palang matulog ng gerpren ko. Haaaay, kung aantayin ko pa siyang magising baka abutin na ako ng brunch nun.
Kaya dumiretcho ako sa sala.
“Good morning!” biglang lumabas galing sa kitchen si Rima na gulo-gulo ang buhok at nakapajama pa. Naka-spaghetti strap lang siya na damit at sobrang laking tsinelas. Nakatali din yung bangs niya. Ang sexy—este ang cute ng gerpren ko. *U*
“Good morning. Akala ko tulog ka pa.” tumayo ako at yayakap sana pero dumiretcho siya sa sofa at naupo dun na nakataas ang paa tsaka binuksan ang tv.
=_____=;
“Omo! Phineas and Ferb! Omomomomo!!!” tuwang tuwa niyang tinuro yung tv habang nalamon ng sandwich. Argh.
“YAH!” sigaw ko, napatigil tuloy siya sa pagtalon.
O_____O
“W-Wae Sky?” nagtataka niyang tanong.
“Aishhhhh.” napakamot nalang ako sa ulo. Nakakahiya naman kasing sabihin na gusto ko ng yakap. Baka mamaya pagtawanan niya pa ako. =3=
“Ano yun Sky?” tanong niya saken.
“Wala. Sasabihin ko lang na kakain na ako.”
“Ahhh. Okay. Kain ka na.”
=_____=
Kingina Rima. Ang sweet mo saken grabe. Alagaan mo naman kasi ako. Ang daya daya nito eh. Bat ayaw mong maging sweet saken. *pout*
Nag-cereal nalang ako ng mag-isa. Naririnig ko tawa lang siya ng tawa kakanuod ng Phineas and Ferb eh. Wow parang single lang talaga ako dito eh. Yung totoo Rima? *pout na naman*
Maybe you’re all wondering what happened between me and Rima nung mga nakaraang araw. Bigla kasing na-divert ang story kina Charlie diba? May topak yung author. Ayaw na niya sa SkyMa. XD Hahahaha. De joke lang. Medyo busy yan. Diba Otor CC? ;)
I know I was a bad boyfriend na pinag-antay ko siya nung gabing yun at pinaghanda niya pa ako ng dinner. Salamat nga pala sa mga hate comments niyo ah. =_= Di ko naman sinasadya yun. Bumawi ako sa kanya, hindi muna ako nagbantay kay Miss Amy at naging magpartner kami sa last two cases kasama na yung dun sa kaibigan ni Charlie nung previous update. Loka loka din kasi si Nana, biruin mo umabot sila pati dun sa entrapment namin. Aish.
Kung may tampuhan man kami ni Rima, agad niyang kinakalimutan yun. I’m sure she’s not the typical girl na nagseselos agad at naghahanap ng attention sa boyfriend nila eh. She’s a strong girl.
“Here.” nagulat ako ng biglang may baso ng gatas sa harap ko. Hindi ko namalayan na nasa harap ko na si Rima.
“W-What’s this?”
“Gatas malamang. Ang bobo mo naman.” =___=
“Ha. Grabe. Sorry ah. Pinagtimpla mo ba ako ng gatas Rima?” tanong ko. Di kasi mag-sink in saken eh.
“Hindi ah. Bigla nalang lumitaw yung baso na may laman na gatas dyan sa harap mo. Oh wait, nalimutan kong mag-react eh.” biglang lumaki yung mata niya at tinuro yung baso. “HOWEMGEE SKYLUURR MAY LUMITAW NA BASO NG MELK SA HARAP MOWS OMGEEERSS.” *O*//
“Rima muntanga ka.” =____=
“Naiinis~” sundot niya sa tagiliran ko. “Naiinis ka na ba? Naiinis, naiinis ayieeee.” kulit niya pa saken.
Natatawa ako sa kanya. Namiss ko tuloy siya. Bigla akong tumayo sa upuan at hinabol siya. Paikot ikot kami sa table at nagsisigaw ito. Na-corner ko siya sa may kitchen sink at nilagay yung dalawa kong kamay sa countertop para di siya makaalis.
“HAHAHAHAHA. Okay suko na ako!!!” nakangisi niyang tawa saken habang nakataas pa ang kamay.
“Ikaw ah. Iniinis mo na naman ako!” sabi ko habang nilagay ko dahan-dahan sa bewang niya yung kamay ko. Kaninang kanina pa ako nanggigigil na mayakap ang babaeng toh eh. :D
“HAHAHAHAHA. Magic nga yun Sky. Biglang may tumubong gatas sa harap mo kanina. Grabe ish so hameyyyyzenggg.” sabi pa nito.
Di na ako nakapagpigil at niyakap siya ng sobrang higpit.
\(^//////^)/
Ang sarap ng feeling na yakap mo yung babaeng mahal mo. Ganito yung heaven eh. Ganito talaga yun eh. AHHHHHHHH~
“Hihihi. Sky. Anyare sayo?” bulong niya saken.
“Shhhh. 5 more minutes. I missed you so much.” sagot ko sa kanya.
“Miss? Eh magkasama lang tayo kagabi. Loko toh.” sabi niya sabay yumakap na din siya.
“Syempre miss naman talaga kita agad eh.” Lumayo ako sa kanya ng konti pero nakapulupot padin ang kamay ko sa bewang niya at nasa batok ko padin yung kamay niya. *U*
“Sussss. Bola.”
“Di yun bola Bangs.”
“Heppp! Diba sabi sa rules ko bawal mo na akong tawaging Bangs?” nagpout pa siya talaga.
“Ah talaga?! Tanda ko din nga na bawal din sa rules mo ang SKINSHIP eh.” I smirked. Nanlaki agad ang mga mata niya at agad tumingin sa right side niya.
“W-Well, I’ll consider this as an excemption.” nagblush pa siya pagkasabi. KYOT. :”>
“Hahaha. Adorable.” sabi ko sabay kurot sa ilong niya. “May lakad ka ba? Mall tayo gusto mo?” yaya ko sa kanya.
“MALL?! SIGI!!!” *U*/
“Sige, go and fix yourself then we’ll go to the mall.” nagtatatalon siya at bigla niya akong kiniss sa cheeks na ikinagulat ng buong kaluluwa ko.
“OKAY! WAIT FOR ME HA?! YIEEEE!!!” sabay takbo nito sa taas.
(*///u////*)
I have the most adorable girlfriend and be jealouzzzz. HAHAHAHA. XD
Rima’s POV
Mall. 0512 HR.
Kakalabas lang namin ng movie theater. Nanuod kami ng ‘Bakit Di Ka Crush ng Crush Mo?’ at ang hot ni Xian Lim pows. Omg. HAHAHAHAHAHAHAHAHA.
“Oy. Rima!” pagpukpok sa ulo ko ni Skyler. “Bingi ka ba? Tinatanong kita kung saan mo gustong kumain diba?! Bingi mo.” HAHAHAHAHAHAHAHA. @Z@R siya eh. XD
“Kahit saan. Gorabels kembotbels evarrrr.” yumakap ako sa braso niya kasi sobrang kinilig ako sa pinanuod namin. Ganito pala yung feeling pag nanuod ka ng sine kasama yung boyfriend noh? Parang nakakakilig na nakakainggit pero not in a bitter way. ^___^
Kami kasi lagi ni Mikz pagkatapos manuod ng sine nilalait namin yung leading lady ng hot na leading man. Yung tipong “DI NAMAN SILA BAGAY NI CHANNING TATUM EH PUNYETA DAPAT AKO NA LANG PARTNER NI CHANNING NYETA!” mga ganung line.
Aww namiss ko bigla si baklang Mikki. :( </3
“ATE RIMA!!!” nakarinig ba ako ng may natawag saken? Huh?
“Sky may natawag ba saken?”
“Malay ko sayo. Tara na sa baba. Tumigil ka na sa pagtitig dyan sa poster ni Xian Lim. Nakakahiya na yang ginagawa mong pag-samba sa poster nila ni Kim Chui eh.” sabi niya saken.
HAHAHAHAHAHA. Di ko namalayan, nakaluhod na ako sa harap ng malaking poster nila dito. Sinasamba ko si Xian Liam. May religion na siya, XIANISM. Cheret. XD
“ATE RIMA!!! WAIT!!!” nakakarinig ako ng natawag saken. Omg. Baka may mga lost spirits na din dito sa mall. THE CONJURING BA ITEY??? O_O;;
Napalingon ako sa likod ko at nakita ko ang isang higanteng natakbo papalapit samin. AHHHHHH. Etong si giant Zeke lang pala. ^O^
“ZEKE!!!” tawag ko din sa kanya. Ngumiti ito at lumapit saken. “Ikaw ba yung tumatawag saken?” tanong ko sa kanya.
“Yup. Kasama ko sila Kuya Bander, nanuod kaming The Conjuring Ate Rima!!! Sobrang nakakatakot talaga!!!” yayakap na sana si Zeke ng bigla siyang harangan ng kamay sa noo niya.
“AIGOO.” T____T
“Hoy. Excuse me brad. Boypren ako oh. Di mo ba ako nakikita?” galit na sabi ni Skyler.
“Aigoo. Sorry po Kuya. Di ko po kasi kayo nakita. Sobrang liit niyo po eh.” T^T
“Why you little—“
“EHHH! SKY! AWAT NA!” pagpigil ko naman agad kay Sky na babanatan na sana si Zeke. Nakita ko namang papalapit na yung lima pang kasama ni Zeke.
“Hi Rima.” bati saken nila Yoshi. Napatingin nalang ako kay Skyler na halatang gigil na sa anim na lalaking kakadating lang. Di pa pala niya kilala sila Zeke.
“Hi Yoshi. Hi guys.” kaway ko sa iba pa. Humarap ako kay Skyler at pinakilala sila isa-isa. “Skyler, mga schoolmates ko sila sa Gilmore. Si Zeke, Bander, Yoshi, Hiro, Daniel at Jon. Mga transferee sila sa school kaya ngayon mo lang sila nakita.” Humarap naman ako kina Zeke. “Guys, si Skyler nga pala… uhm… boyfriend ko.” sabi ko.
“Omo! Siya pala yung boyfriend mo. Sorry po Kuya Skyler!!!” nag-bow naman agad si Zeke pagkatapos niyang malaman kung sino si Sky. “Parusahan niyo na po ako. Sorry po talaga.” >_<
“Hmp. De ayos lang.” composed na sabi ni Sky. Sus, pa-cool ka pa dyan ah. “Tsaka wag mo akong tawaging Kuya, sa laki mong yan.” =_=
“Ahe. Onga pala, Ate Rima, nanuod kayo ng sine?” tanong ni Jon saken habang nakangiti.
“Yup. Kakain kami nakakagutom manuod eh. Kayo?”
“KAKAIN DIN! TARA SABAY NA TAYO!” biglang hila saken ni Hiro. Ang kulit talaga ng lalaking toh. Daig pa sila Zeke at Jon eh.
“Wag niyo ngang hawakan si Rima. Pwede?” nagpipigil sa galit na sabi ni Skyler kay Hiro. Agad namang bumitiw si Hiro at nagtago sa likod ni Bander.
“Ahhh. Sorry brad. FC eh.” sabi ni Bander kay Sky.
Humarap ako kay Skyler at hinila siya palayo. “Sky, don’t be too harsh on them. They’re my friends. No need to feel jealous.” bulong ko dito.
“What jealous? I’m not jealous.” he said then pout his lips. “I just don’t like their guts.” dagdag niya pa.
“Ikaw talaga.” kinurot ko yung pisngi niya. “Sabay na tayo sa kanila? Okay lang ba yun?” tanong ko.
“Aish. But Rima—I mean, it’s our date for God’s sake—“
“Kahit yung pagkain lang, they’re my new friends and I want you to know them more so you’ll feel more comfortable with them. They’re nice.” I said smiling.
Skyler sighed upon seeing my puppy eye request. “Aishhh. Whatever. Sige let’s go.” he said and dragged me down to them.
“Tara sabay na tayong kumain guys!” excited kong sabi sa kanila. *U*/
Restaurant. 0648 HR.
Ang saya naming nagtatawanan pero napansin ko lang medyo tahimik si Skyler. Nagseselos pa din ba toh? Wala naman siyang dapat ikaselos ah? =_=
“Oy. Okay ka lang?”
“Yang Zeke na yan, halatang may gusto sayo.” sabi niya sabay binali niya lang naman yung toothpick na hawak niya gamit yung dalawa niyang daliri. Ohhhhh, scary. >_<
“Wala yun noh. Ang bata bata niya kaya. Wag ka ngang magalit sa kanya.” saway ko sa kanya.
“Ate Rima, nagde-date ba kayo ni Kuya Sky kanina? Anong pinanuod niyo?” tanong ni Zeke.
Biglang sumabat si Sky nung sasagot na ako. “Oo nagdedate kami. Istorbo ka nga eh.” sabi nito dahilan para tumahimik si Zeke at mailang.
“Skylerrrrr~” pinandilatan ko siya ng mata while I mouthed his name.
“Tss.” inirapan niya lang ako.
“Ahh—oo yung kay Xian Lim yung pinanunod namin kanina! Ang ganda ganda nga eh!” pagsagot ko nalang kay Zeke para mawala yung pagkailang niya.
Bigla kaming napatigil ng mag-ring yung phone ni Skyler. Nag-nod nalang ako para sabihin na sagutin niya yung phone kaya tumayo siya at lumabas ng restaurant.
Agad lumiyad saken si Hiro at bumulong. “Napaka-possessive ng boyfriend mo Rima. Natatakot na tuloy kaming lumapit sayo niyan.” sabi niya.
“Ganun lang talaga si Sky, but he’s harmless.”
“HARMLESS? EH PARANG PINAPATAY NA NGA NIYA AKO SA UTAK NIYA EH.” T___T
Aigoo~ poor kid.
“No he’s not. Hindi niya lang talaga kayo ganoong kakilala kaya hindi siya komportable na makita kayo na kasama ako. But with my other guy friends na kaibigan niya din, sobrang okay lang sa kanya yun.”
“Sorry kung naistorbo namin yung date niyo Rima ah.” paliwanag ni Yoshi.
“No need for that. Magkaibigan naman tayo kaya hindi kayo naging abala saken.” ^___^
“AHHHHH SO KIND NOONA~” *____* sabi nilang lahat saken.
Ang dami pa naming napagkwentuhan at solid ang laughtrip kasama ng mga toh, sakto naman dumating na si Skyler na nakabusangot yung itchura. Parang may pupuntahan na naman yata siya eh. Siguro pinapatawag na siya sa mansion ni Miss Amy.
“Anyare?” tanong ko habang nainom ng iced tea.
“Wala.” he said then drinks some of his iced tea din. Napatingin siya sa anim na nakatulala lang sa kanya at tinaas niya yung kilay niya. “What are you looking at?” mataray niyang sabi.
Nagulat sina Zeke at napatingin nalang sila anim sa ibang direction. Frustrated, Skyler combs his hair using his hand. Napa-nga nga nalang sila Zeke kay Skyler ulit. Ano bang problema ng mga aliens na toh? =_=
“Yah. What is wrong with you guys?” bulong ko kina Bander.
“I think your boyfriend is so cool.” sagot saken ni Bander.
“Nehhhh noona, your boyfriend is so cool. I will never be like him.” T^T sagot din ni Zeke.
Natapos kaming kumain at bago pa man kami lumabas ng restaurant kinausap muna ako nila Zeke. Nagpasalamat sila dahil sinabay namin sila sa pagkain. Si Skyler din ang nagbayad ng mga kinain nila.
“Yah. Your boyfriend is rich noona.” bulong ni Dan at kinakain yung take out niya. Ang tahimik ng lalaking toh kanina pa kasi kain lang siya ng kain eh. -_-; *iling iling* this Daniel…
“Ikaw talaga Daniel. Ingat kayo pauwi ah?” sabi ko at pinat ni Bander yung ulo ko.
“Thanks for this Rima. Napasaya mo si Zeke.” sabi niya. Aww, ang sweet niya talagang Kuya kay Zeke. Ajujuju. XD
“No worries.” nakita ko naman si Skyler na palapit na galing sa counter.
Sabay-sabay nag-bow yung anim kay Skyler at ngumiti. “Thank you Kuya Sky.” sabi nila.
“Tch. Wala yon.” sabi nito tsaka tumingin sa ibang direction. Halata naman ang pag blush niya ih. HAHAHAHAHA. Kyot Skyler.
Habang naglalakad kami papuntang parking lot, hindi saken naimik si Skyler. May nangyari ba dun sa tumawag sa kanya? :(
“Yah. Skyler. Something that matter?” tanong ko.
“Nothing. Don’t mind me.” he said.
Natahimik na ako at sumakay ng kotse niya. Buong biyahe siya walang imik saken. Hindi kaya galit pa din siya sa pagsama ko kina Zeke sa pag kain namin sa restaurant? O baka naman ang daming nai-take out ni Daniel at naubos ang pera niya. Aigoo. Daniel talaga. >_<;
Nakarating kami sa apartment at umakyat ng third floor ng hindi niya padin ako kinakausap. I can’t stand it anymore kaya bago pa siya pumasok sa loob ng kwarto niya tinawag ko na yung attention niya.
“Skyler.”
“Hmm?” lingon nito saken. Okay, pumopogi ba siya o naparami lang yung kinakain ko? Aishhh Rima, focus naman oh. *mental slap*
“May problema ba?”
“Wala.” he smirked.
“Meron eh.” *pout*
Humarap na siya saken at tsaka niya pinulupot yung kamay niya sa bewang ko. Nagtitigan lang kami dun ng ilang minutes. Ang weird niya bigla eh. =_=
“Yah Sky, are we just gonna stare at each others’ faces until morning?” tanong ko.
He let out a grin. “Sorry. After kasi ng maging tayo, nalilimutan ko ng ako ang pinakamaswerteng lalaki to have you as my girlfriend eh. Nalilimutan ko ng iappreciate ang babaeng toh na ang cute cute sa harap ko.” sabay kurot niya sa ilong ko. WAAA. Pango na ako yung totoo? =_=
“Waaa—ouch.” sigaw ko. “Wag mo nga akong binobola dyan, spill it. Anong problema mo?” tanong ko.
Humiwalay siya sa pagkakayakap saken at hinawakan niya yung kamay ko.
“Rima… those guys… can make you laugh so much…” he looked straight into my eyes. “Ako lang dapat ang nakakagawa nun diba?” he said looking so helpless with his stare.
Hinawakan niya yung pisngi ko. “Ako lang dapat yung nagpapangiti sayo. Naiinis lang ako kasi di ko kayang gawin yun sayo samantalang yung ibang lalaki kayang gawin yun sayo ng walang kahirap-hirap. Narealize ko tuloy if I’m even fun to be with… kung nag-eenjoy ka bang kasama ako and—“
*CHU!*
After kissing him he’s standing there, shocked. HAHAHAHAHAHAHA. Now it’s my time to say one of his famous lines…
“ANONG ITCHURA YAN ABALOS?” I said then burst out laughing.
(=______=)#
“Stop laughing…” he said almost wanting to punch my face.
“S-Sorry—HAHAHAHA… mukha kang tanga—HAHAHAHAHA. SHET. HAHAHAHAHAHA.” I said in between laughs. Oh shet, laughtrip. XD
“Anak ng chucha naman Rima, nagdadrama ako dito pang-MMK na yung speech ko tapos—aishhhh.” nagkamot nalang siya ng ulo habang inuubos ko yung 654654646 kong tawa.
“Ano ka ba Sky, you don’t need to feel insecure about those guys. Oo nga we never laugh so much when we’re together but I am having fun pag kasama kita.”
“How sure are you?” walang gana niyang tanong na parang hindi siya convinced.
“Tinanggap mo ako kahit ganito ah. Ching!” sabay nagpose ako na parang ballerina.
“Hmp. Dork.” sabay pitik niya sa noo ko.
“Di nga. Seryoso ako. No one can stand me, siguro nga they think na pinagtya-tiyagaan ko yung mala North Pole mong ugali, pero they don’t know na ako yung nakahanap ng tao na kayang pagtyagaan yung ugali ko. And that’s you.” tapos kumindat ako sa kanya.
“Alam mo din pala yun.” he smiled at me.
“Oh diba? It’s really hard to translate how I feel in words pero don’t get jealous with other guys Sky. You’re my boyfriend. Ikaw lang. Okay?” I assured him.
“Don’t get jealous? Reema Danielle Andrade Dela Vega, having a girlfriend like you is such a pain in the butt. Bukod sa may saltik ka sa utak, ang dami pang naaligid sayo. And besides, if I stop being jealous, that means I stop caring for you. I’d stop protecting you, which will never happen.” he let out a playful smirk. SHET. >////<
“Okay fine… but Zeke and the rest are my friends. So don’t get jealous na ha?”
Ginulo niya yung bangs ko and smiled at me. “Okay. Whatever you say. Pero ayoko talaga dun sa Zeke na yun. He’s clingy—parang si Charlie.” =___=
“HAHAHAHA. Silly oppa.” sabi ko.
Yumakap siya saken and nilapit niya yung mukha niya saken. “So, why don’t we continue what you just started?” he said in a husky voice.
O________O;;
“YAAAAAAH. NO.”
“Eh? You started it Rima. Dali na.” he said then pout his lips.
“YAHHHHHH GO AWAY YOU PERV~”
Harvey Dela Vega’s POV
Ovan’s Super Duper Secret Hideout. 1156 HR.
Nakaupo lang ako habang nakakalat sa long table ang blueprints ng mga establishments na papasukin nila Ovan para sa susunod nilang hideout. Palipat-lipat kami ngayon ng lugar kasi nga diba nagtatago kami mula sa mga pulis at sa pesteng FDD na yan. Tsk.
“Hoy Harvey, umorder ka naman ng pizza. Gutom na ako kakaisip ng matataguan natin. Letche.” sabi ni Ovan saken.
“Hoy ka din. Ikaw na umorder tutal ikaw din naman kakain.”
“Oo nyeta, pag ako umorder nito mahuhuli tayo!”
“Oh! Alam mo naman pala eh di mamatay ka dyan sa gutom.” ganito talaga kami mag-usap ng kalbo na toh. Ughhh. Sawang-sawa na akong magtago. Namiss ko na yung normal kong buhay. Kasama ng mga chicks, mga kotse ko.
At lahat ng yun mapupunta lang kay Reema. Sa pesteng pamangkin kong akala ko deadballs na hindi pa pala. Naloko ako ng Papa at tinago ang insektong yun saken ng pagkatagal-tagal.
“Oh. Dumating na yung mga bagong target ng grupo nila Demonteverde. Mukhang di naman nila nahuhuli yung mga grupo natin. Buti naman at malinis sila kung magtrabaho.” sabi ni Ovan.
May nagpapadala samin ng mga case informations na tinatrabaho ng grupo ni Reema. Para na din makaiwas kami sa mga pupwedeng mangyari pag nagkita ang grupo namin at grupo nila. Mainit pa naman ang dugo sakin ng grupong yun matapos nilang malaman ang tangka kong pagpatay kay Reema at sa pamilya niya.
“Sino nga bang nagpapadala sayo niyan?” tanong ko kay Ovan.
“Malay ko. Ang alam ko siya din yung bago nating financer eh. For sure may direct links yun sa loob ng FDD.” sagot saken ni Ovan habang busy sa pagtype.
“Nakilala mo na kung sino yan?”
“Hindi pa. Pero baka may bagong traydor na naman sa loob ng FDD tulad ng nangyari kay Attorney Galvin na tumulong satin noon.”
“Asan na nga pala yun?”
“Malay ko sa walang kwentang yun.” sagot ni Ovan.
Kung sino man ang traydor sa FDD, mukhang nilalaglag sila Reema nito. Yung tipong nilalapit niya lalo sa pahamak ang pinakamamahal kong pamangkin sa mismong mga palad ko.
Rima’s POV
Manang Ason’s Apartment. 0645 HR.
Kakagising ko lang ng biglang tumunog yung phone ko. Nagtoothbrush muna ako bago ko buksan yung message mula dun sa exclusive phone na binigay saken ni Sky.
From: Skyler Pogi
Good morning Rima. Anong pinagkaiba namin ni Jose Rizal? ;)
(?_____?)7
Bobo ng tanong. Nakakabobo. Umagang-umaga kinakalawang utak ko sa tanong niya. Ugh.
To: Skyler Pogi
Pinagkaiba niyo? Matalino siya, ikaw hindi. -_-
Naligo ako at pagtapos ko, may reply na siya agad.
From: Skyler Pogi
Gagu ka Rima. Hindi yun ang pinagkaiba namin. =_=
Na-gagu pa nga, ang sweet ng boypren ko grabe ever. Tssss.
To: Skyler Pogi
Naiinis. XD Oh eh di ano?
Paalis na ako ng kwarto ko ng bigla tumunog ulit yung phone.
From: Skyler Pogi
Si Jose Rizal, tinamaan sa likod. Ako, TINAMAAN SAYO. ;) :*
LUHHHHHHHHHHH. >//////<
Sakto pagbukas ko ng pinto nakasandal ito sa pintuan niya at nakacross arms habang nakasmirk. Hunyetabels. Bat pacute ang isang toh umagang-umaga—
*CHU!*
“Ingat ka pagpasok mo ha.” nakangiti niyang sabi. “Wag lumandi.” biglang irap nito.
Ayun. BOOM. Speechless. Ehhh. >////<
***
Bawi na ba ako sa inyo? HAHAHAHAHAHA. Sorry na ang tagal ng updates ah. Alam kong gusto niyo na akong sakalin ng madaming beses sa bagal kong mag-update. Konting kembot pa at matatapos din ang S*S eh. Tiwala lang. ;)
EXO Wolf Drama Version part 2. Emergerd di ako makamove on sa bromance nila Kris At Luhan. Galit na galit si Kris kasi may babae si Luhan. Si Kai din nagalit kay Luhan kasi siya dapat mag-aalaga kay Luhan hindi yung girlie. OMG. *gumawa ng sariling plot* XD
B2ST, BAP & BTOB are in the same teams for idol olympics i was so happeh you don't even know how proud i am XD my babies in one team huhuhu aigoo aigoo goo goo XD
as promised, BAP is here in the update kekekeke ~
((rough draft sorry no time to edit huhu aigoo))
Sa gilid si Skyler. >////<
Penge comments. Love you guys! ♥
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top