Case 76: In Liam's View
Case 76: In Liam’s View
Liam’s POV
Gilmore Alley. 0812 HR
Namiss kong pumasok ng school ah, it’s been like 3 months since I stopped schooling for some reasons. Naalala ko, dati paglabas ko palang sa kotse ko, ang dami agad babaeng sasalubong saken while chanting one of my songs.
“In the cloud! In the cloud! In the cloud!”~
Ang sarap maging heartthrob ng school dati. Napapapikit nalang ako sa mga naaalala ko. Sobrang nagbago lang ng konti dahil sa mga nangyari.
“Oy pre, diba yan yung crush mong upperclassman, yung multimedia arts major. Yung may bangs na naka-bagpack?” nagulat ako sa mga lalaki ng nagbubulungan sa tabi ng kotse ko.
“Shet, oo nga noh. Ang aga niya yata ngayon?” sabi nung isa.
“Pre, lapitan mo hingin mo yung number.”
“Sabi nung mga babae kong classmate, siga daw yung babae eh. Walang nanliligaw.”
“Bading!!!” kantyaw nung mga kasama niya.
“Gago kayo ah! Eh sa ayako ma-busted eh.” pilit siyang pinalapit kay Rima. Actually, hindi na ako nagulat ng ituro nila si Rima. Kahit noong highschool pa kami, lagi siyang nagiging secret crush ng madami dahil siguro simple lang siya at astig.
Nanuod ako mula sa loob ng kotse ko ng naglakas-loob ng lumapit yung lalaki kay Rima na naglalakad papasok ng school. Washday sa Gilmore, at kung yung iba, piniling pahirapan ang mga paa nila sa mga heels, si Rima nag-sneakers lang. Typical jeans at v-neck shirt na may konting neon designs lang ang suot at backpack nito na red.
“Hi Miss.” bati ng lalaki.
“Eh? H-Hello din?” medyo awkward talaga si Rima lalo na sa mga hindi niya kakilala.
“A-Ate pwede bang ano—kasi… ano…”
“Kukunin mo ba number ko?” tanong nito, nakita ko naman yung lalaki, parang nag-glow yung buong mukha nito.
“Oo! Oo! Pwede ba Ate?”
(=______=)
“Sorry di kasi ako nagrereply wala akong pang-load. Wag mo na ding asahan na papayagan kitang manligaw. Ate na nga ang tawag mo saken eh.” she pats the back of the guy na parang gestures lang ng mga lalaki sa kanto. “Save the panliligaw sa mga ka-batch mo okay? Sige, bye.” ngumiti ito tsaka umalis.
Surprisingly, nakangiti pang bumalik yung lalaki papunta sa mga kabarkada niya.
“Busted ka na brad, bat nakangiti ka pa din?”
“Pre, ang bait bait niya. Kahit di niya ako type, crush ko pa din talaga siya.” abot hanggang tenga nitong ngiti pagkatapos.
Rima can charm even the young boys, paano pa kaya yung mga ka-age niya? Yung mga katulad kong hanggang tingin nalang sa malayo? :(
Rima’s POV
Gilmore College Dismissal. 0445 HR.
Hi. May kasama akong anim na lalaking sunod ng sunod saken. Nagpakilala sila saken kanina sa lunch. Yung isa, nakita ko siya kaninang umaga sa gate. Ewan, sabi nila gusto nilang makipag-kaibigan pero inaasar naman nila si Zeke na may crush saken. =_=
Si Zeke yung lalaking lumapit saken kaninang umaga. Kasama niya si Bander, Hiro, Yoshi, Daniel, at Jon. At ngayon, nagpupumilit nila akong yayain sa mall para kumain. Si Zeke at Jon, first year, si Yoshi at Daniel, second year samantalang si Bander at Hiro, ka-year ko sila pero transferee galing America silang lahat at ang weird nila. Parang mga aliens. =_=~
“Ate Rima, ako na ang magbibitbit ng backpack mo!” *U* Por dyos por santo naman, ang tangkad tangkad ng Zeke na toh tapos tatawagin pa akong ATE sa madaming tao. =_= *facepalm*
“Oo nga Ate Rima, ipabitbit mo na kay Zeke, gusto ka niyang pagsilbihan habang buhay! Kekekekeke!” pang-aasar ni Yoshi sa kanya.
“Sus, lakas mang-asar pero baka mamaya crush mo na din si Ate Rima!” banat agad ni Daniel.
“Hyungs!!!” nagblush pa si Zeke habang nakapout. “Wag kang maniwala sa kanila Ate, crush lang kita. At Ako lang ang may crush sayo! Wag kang lumayo saken!!!” >___< biglang cling saken ni Zeke. OMO.
“Tama nga yan Zeke, wag mo na siyang pakawalan, you only have one chance ya know~~~” biglang sabi ni Bander na parang pinaka-Kuya nila. Grabe, ang angas niya, parang nagra-rap siya lagi pag nagsasalita. Pshhhh.
“Rima sweetie, pwede bang ako na lang ang manligaw? Magka-age tayo diba?” nagcling naman sa kabilang braso ko tong si Hiro. Infairness, gwapo siya pero he’s kinda full of himself, kanina pa siya paulit-ulit na nagsasabing pogi siya. KAUMAY. >O<
“Pwede ba layuan niyo ko. May pupuntahan pa ako kaya hindi ako makakasama sa inyo. Next time nalang!” pagsabi ko sabay tanggal kay Hiro at Zeke na nakakapit sa magkabila kong braso.
“Teka, hindi kaya may boyfriend na si Ate Rima? Huh?” out of nowhere biglang nagsalita si Jon at parang nag-iisip pa ito. Tahimik lang siya compare sa kanilang lima.
(O_______O) <- Reaction nung lima. Tss.
“Omo. May boyfriend ka na ba Ate?!! Huhuhuhuhu.” (T^T)/ tanong-iyak ni Zeke saken.
“Ah—ano, kasi parang ganun na nga?” nahihiya pa akong sabihin eh. Tchhh. =_=
“UWAAAAAAAAAAA!!!” yumakap si Zeke kay Bander habang pinapatigil ito sa pag-iyak.
“Sorry Zeke.” nag-aalala ako sa naging reaction niya kasi parang nalungkot talaga siya. :(
Sobrang sad face nilang anim saken. Teka nga, bigla bigla nalang silang nasingit sa story na toh, bagong characters palang sila pero bat parang napalapit ako agad sa kanila? :( Lalo na sa higanteng Zeke na toh na maputi at medyo blonde ang buhok na may dalang skateboard? =_=
“Aishhhh. May pupuntahan lang talaga ako. Pero bukas pramis, sasama ako sainyo na kumain.” ^_^
(*U*)////
“TALAGA??!!?” sabay-sabay nilang sabi.
I nodded and dali-dali akong umiwas dahil lahat sila susugod ng yakap saken. Nyeta naman oh, ang wi-weird talaga ng mga toh. =_=
“THANK YOU ATE RIMA!!!” sabi ni Zeke habang pinipigilan ko siyang lumapit at yumakap saken. “Pramis ha? Bukas mall tayo. Paalam ka na sa boyfriend mo.”
“Oo na. Sige, aalis na ako ah? Babye!” sumakay na ako ng jeep papuntang FDD. Medyo magulo ang araw ko. Napakapa ako sa bulsa ko at nilabas ko yung phone ko.
Wow ang ganda ng wallpaper ko. =_______=
Sana kahit 1 message received lang meron din diba? Tss.
Baka busy siya. Hayaan ko nalang?
FDD. 0623 HR.
Nakarating ako ng FDD na matiwasay at medyo nagiging paranoid pa ako dahil feeling ko may nasunod saken mula sa pagbaba ko ng jeep, pagsakay ng LRT at sa maraming lugar pa.
Weird.
Tss.
Naalala ko na naman yung anim na weird na aliens kanina. =_=
(A/N: Lakas maka-cameo sa S*S ng BAP noh? HAHAHAHAHAHA.)
“RIMA BEARRRRRR!!!” yakap agad saken ni Charlie. Hihintayin ko pa sana na may sumaway sa kanya pero mukhang wala pa siya dito.
Napansin naman agad ni Ken ang kinikilos ko. “Hindi dadating si Sky. Babantayan niya daw si Miss Amy hanggang 10 pm.” sabi nito saken habang nagbabasa ng newspaper.
Sana nagtetext? =_=
Ano ba ako dito? SUPORTING ROLE. Excuses me, ako ang bida dito. At excuses, excuses me ulit, GERPREN niya ako. Grabe, My Husband’s Lover ba ituuu? Kay Kenneth na siya nagtetext imbes na saken. Imbyernersszz. =_=
Pumasok naman si Chief kaya wala ng nagawa ang naghihimagsik kong utak na magreklamo pa sa no show kong boyfriend. Naupo nalang ako at nakinig sa briefing.
“Mukhang mag-eenjoy kayo sa susunod na entrapment natin.” panimula agad ni Chief.
“PAGKAIN BA YAN?” hula ko kaagad. *_*
“Hindi siya tungkol sa pagkain Rima.” =_=
“Ayy akala ko pagkain.” OTL
Inirapan lang ako ng Chief at tsaka umiling. “Arcade ang susunod nating ire-raid.” pagtama nito sa sinasabi niya kanina.
“WOW! ALRIGHT!” sigaw ni Ken at Charlie.
“Mind you… magta-trabaho tayo dun ah. Hindi maglalaro ng arcade.” =_=
“Namiss lang namin mag-arcade Chief.” paliwanag ni Kenneth.
“Oh well, eto ang mga details tungkol sa case. Madali lang yan kumpara sa high end nating mga cases kaya I’m sure madali lang kayong makakagawa ng sketch plans. Maaga akong aalis kaya si Kenneth na ang bahala sa case, maliwanag ba?” hindi na niya hinintay ang sagot namin at tsaka ito tumayo at kinuha ang gamit niya.
“Whoa, Chief, may date ba kayo ni Miss Courtney?”
“Wala. May importante lang akong gagawin. Sige na, aalis na ako. Good luck team.” nakaka-inspire naman ang GOOD LUCK TEAM niya. =_=
“Oh well, we’ll just plan this out on the spot like what we usually do. Bukas ba pwede kayo?” tanong ni Kenneth saming dalawa.
“May lakad ako.” sagot ni Chief. “I’ll tutor Alexa.” dagdag niya. Ayieee. Oo nga pala, in the process na ang lovelife ng isang ituuu. Coming soon na ang love life niya. ^_^
“Ako din may lakad!” sabi ko rin, nakapag-promise ako sa anim na aliens na yun na sasama ako sa kanila bukas.
“Okay, sa makalawa na natin gawin toh. Text ko nalang kayo tungkol sa development ng kaso okay?” pagtatapos ni Ken.
We nodded as response, nagprisinta si Ken na ihatid ako pauwi dahil binilin daw yun ni Sky. SINO YUNG SKY? NAKITA NIYO NA BA SIYA SA UPDATE NA TOH? =_= BADTRIP.
“Wag ka ng magtampo. Nagkataon lang na na-ospital si Miss Amy, babawi din yun.” biglang sabi ni Ken na parang nabasa yung iniisip ko pagkababa ko sa kotse niya.
Nagpout tuloy ako. “Sus. Babantayan lang naman niya si Miss Amy diba? That doesn’t make his hands full to not even text me, I don’t get him.”
Ken pats my head. “I’m sure he has an explanation to that. Keep faith in him.” sabi nito saka siya sumakay sa kotse.
“KEEP FAITH IN HIM… okay.”
Skyler’s POV
Binondo Area. 0714 HR.
Ang tagal naman ni Kenneth. Badtrip. Kanina pa ako dito eh. =_____=
Tumunog ang phone ko, yung Butler na naman ni Miss Amy ang natawag. Ugggh. Sinabi ko naman sa kanya na may duty ako sa FDD ah? Tch.
“Hello?” sagot ko sa phone.
“Miss Amy wants to talk to you for a minute, do you mind that?”
“No. Please, let me talk to her.”
Narinig ko ang pag-abot ng phone. “Hello? Sky…” boses na ito ni Miss Amy. Kaninang umaga lang siya nagising. Halata pa sa boses nito ang panghihina.
“Yeah? May kailangan ka ba Miss?”
“Mag-iingat ka ha? Umuwi ka ng maaga.” natigilan ako saglit. Kahit talaga kelan, ang sweet ni Miss Amy at lagi itong nag-aalala saken lalo na pag nasa trabaho ako.
“Yun lang ba? Grabe, why bother yourself in calling me… don’t worry, I can take care of myself Miss Amy. Magpahinga ka nalang para mabilis ang paggaling mo.”
“Okay. Bye bye Skyler.”
“A’right. Bye.”
Napatigil nalang ako saglit sa pagtingin sa phone ko. Si Rima kasi yung wallpaper ko. Ginagawa ko siyang wallpaper pag hindi ko na kasama si Miss Amy para syempre hindi niya malaman.
Ni hindi ko siya matext dahil sa may ginagawa kami ni Kenneth na ocular inspection sa Binondo tungkol pa din sa sniper incident.
*vroooooooooom*
Mukhang nandito na si Kenneth, wengya naman, ang tagal kumilos parang chicks. =_=
“Hoy. Ang tagal mo, kanina pa ako dito.” reklamo ko kaagad.
“Hoy ka din brad, baka nakakalimutan mo, hinatid ko pa ang girlfriend mo akala mo dyan. Suntukin ko yang pagmumukha mo eh. Pasalamat ka nga hinatid ko pa yan eh. Sinungaling kang hinayupak ka!” galit na sagot niya saken. =____=;
“Init ulo mo brad.”
“Eh sa nakakabadtrip ka eh, ako na nga ang gumagawa ng mga bagay na ikaw dapat ang gumawa nagagalit ka pa dyan. Chicks ka Koya?” =___=
Tinigil ko na ang pakikipag-talo at baka magsuntukan lang kami ng wala sa oras eh. Agad na kaming dumiretcho sa stall na dinaan ng shooter at ng sumaksak sa shooter. Nasabi kasi ni Kenneth na may nakausap siyang witness na nakakita sa dalawa nung nangyari yun.
“Sigurado ka ba?”
“Oo sigurado.” lumapit si Ken sa isang stall. “Ah Miss, andyan ba si Kuya Berting, yung kargador niyo? May itatanong lang sana kami.” sabi nito sa babaeng tindera.
*___*
“Ah wait lang Kuya Pogi ah? Tatawagin ko lang!” pinakita na naman kasi ni Kenneth yung ‘charms’ niya daw kaya ganyan yung reaction nung babaeng tindera.
Maya-maya pa, dumating yung Berting na sinasabi ni Ken, niyaya namin siyang uminom sa malapit na beer house para casual lang ang dating.
“Brad, sabihin mo naman yung itchura nung lalaking may cap na dumaan sa inyo.” pangungulit ni Kenneth.
“Diba brad, sabi ko nga sayo, medyo matangkad siya tsaka maputi. Medyo pogi pa nga eh. Tipong artistahin parang katulad niyo.” pucha, nakakalalake na ang isang toh ah. =_=;
“Eh yung sugatan, sa tingin mo naabutan siya nung naka-cap na lalaki?” tanong ni Kenneth.
“Siguro brad. Alam mo nakarinig nga ako ng mga baril na pumutok di kalayuan eh. Maya-maya lang nagkalat na din ang mga pulis sa may bandang dulo ng kanto, dun ko nakita yung iika-ikang lalaki na dumaan sa tabi ng tindahan na patay na.”
Natahimik kami pareho ni Ken. Mukhang totoo ang hinala namin na pinatay ng lalaking yun ang shooter.
“Makikilala mo ba yung mga lalaki pag pinakita namin saiyo?”
“Ay malayo yung pare, madilim masyado at isa pa, yung mga nabanggit ko nalang ang naaalala ko, yung medyo madetalyeng mga parte eh hindi ko namatandaan.”
“Kahit magpakita kami ng picture?”
“Oo brad. Pasensya na ah.” saka ito tumagay. “Para saan ba yan? Pulis ba kayo?” biglang tanong nito.
“Hindi brad. Nagtatanong lang.” palusot ni Kenneth.
Iniwan namin yung Kuya Berting sa beer house habang nag-ocular inspection kami sa lugar. May isang matandang naglilinis sa tapat ng tambakan ng basura malapit sa pinangyarihan ng krimen.
“Oh? Anong ginagawa niyo dito gabi na ah?” pansin samin nung matanda. “Wag kayong palakad-lakad dito at delikado sa lugar na ito. May nangyaring patayan sa lugar na ito noong nakaraang linggo lang.” paliwanag ni Manong.
“Talaga ho?” lumapit si Ken.
“Oo, kitang-kita kong nirat-rat ng mga lalaki yung lalaking dapat eh tutulungan ko at parang sugatan. Bigla nalang dumating ang dalawang sasakyan na punong puno ng lalaki at tsaka pinatay yung kawawang lalaki.”
“Marami ho sila?”
“MARAMI TALAGA.” sabi nung matanda.
Highway. 0914 HR.
Natapos ang ocular inspection namin, pareho kaming nagkaroon ng hinala na baka grupo na ang babanggain namin, at isa lang naman ang grupo na may balak kay Rima…
Ang grupo ni Ovan at Harvey Dela Vega.
“Di pa tayo sigurado, pero buti nalang at nakausap natin ang matanda. May bago na tayong lead.” sabi ni Kenneth habang nagdadrive ito.
“Pero kung grupo nga ni Ovan yun, bat nila pinatay ang shooter?” pagtataka ko.
“Pwedeng sumablay siya sa ginawa niya. O baka naman—teka… oo nga noh. Kung sumablay ito, dahil yun dun sa lalaki. Kung dahil yun sa lalaking naka-cap ibig sabihin, kagrupo siya ni Ovan? Teka, ang gulo yata.” @_@
“Madami pa din akong hindi maintindihan.”
“We need to wrap this up. May bukas pa brad.”
“I need to keep Rima safe… kaya walang bukas para saken. I need to hunt them down and stop them before they kill Rima.”
Manang Ason’s Apartment. 1023 HR.
Inabutan kong bukas ang ilaw sa ground floor. Bukas din ang ilaw sa sala at sa may kitchen kaya dun ako dumiretcho.
Naabutan kong naka-apron at nakatali ang buhok ni Rima habang naghuhugas ng plato.
Ang cute niyang tignan.
I gave her a back hug na ikinagulat niya. “Hi.” I said softly, tipong naglalambing dahil sa hindi ko pagtext dahil ayokong maghinala siya sa ginagawa namin ni Kenneth.
“Kumusta si Miss Amy?” tanong nito.
“She’s fine. Although she needs to stay in the hospital for three more days.” sagot ko. Patapos na siya kaya ako na ang nagpunas ng mga plato at naglagay nito sa lalagyan.
“Kumain ka na ba?” tanong niya saken.
“Oo na.” kahit hindi pa, siguro kakain na lang ako sa kwarto ko.
“Oo nga naman, kanina ka pa dapat kumain diba?” mukhang matamlay siya ngayon. “Sige, tulog na ako.” kumaway ito saken, pero napansin ko ang plasters na nakalagay sa mga daliri nito.
“Hey—what’s with those plasters?” tanong ko.
“Paper cut lang toh.” hinila niya yung kamay niya. “Aakyat na ako. Sabay ka?” imbes na sumagot, hinawakan ko ang braso nito.
“Rima, may nagawa ba akong mali?”
Natigilan ito pero agad na ngumiti din. “Wala naman, bakit?” sagot nito.
“W-Wala… akala ko kasi ano—“
“Pahinga ka na? May pasok pa tayo bukas.” pinauna ko na siyang umakyat nagtimpla muna ako ng kape, madami pa kasi akong homeworks.
*clak*
“Oh? Skyler…” si Manang Ason pala toh, naka-duster at mukhang naalimpungatan.
“Nagutom ho kayo Manang?” tanong ko dito.
“Nauhaw lang. Eh, kakatapos niyo lang bang kumain ni Rima? Kawawa ang batang iyon eh.” napatigil ako sa paghalo ng kape ko.
“Kawawa? Bakit ho?”
“Eh? Akala ko kasabay mo siyang kumain? Naghanda iyon ng dinner niyo, di siya maalam magluto kaya bumili siya ng mga de lata. Binuksan niya yun gamit yung kutsilyo kasi nawawala yung can opener ko. Ayun at nagkanda-sugat sugat ang kamay.” sabi ni Manang saken.
Nakaramdam ako ng sakit. I made her wait for me again. Ugh Skyler, you stupid mofo. =_=
“Ganun po ba?”
“Siguro natulog na siya. Ay sige, tutulog na din ako.”
Inabangan kong lumabas ng kwarto niya si Rima pero ni konting tunog sa kwarto niya ay wala akong narinig. Siguro natulog na ito.
Kahit kelan talaga Abalos, tanga ka.
St. Laurent Hospital. 0912 HR.
“Hey!!! Sky!!! Hello!!!”
O________O
“Sky? Are you okay?”
Napatingin ako sa nakaway saken. Si Miss Amy pala. “Y-Yeah. I’m fine. Kulang lang siguro sa tulog.” paliwanag ko tsaka ako nag-ayos ng upo.
“Ginabi ba kayo? Naku, matulog ka muna dito.” sabi ni Miss Amy.
“No I’m fine. I still have to attend class mamaya. Ikaw ang magpahinga.” I pat her head.
“Salamat lagi kang nasa tabi ko, Sky.” ^____^
Natigilan ako, somehow… parang ang dami na namang tumamang arrow saken…
Lagi akong nasa tabi ni Amy…
when it should have been Rima all along.
“It’s my job Miss Amy. No need to thank me.”
“Ah… oo nga pala.”
Liam’s POV
Gilmore College. 1023 HR.
“Chief. Kumusta yung lakad mo kagabi?”
“Wala pa din. Siguro babalik ako dun bukas ng gabi.”
“Oo nga pala, si Rima… mukhang napapansin na niya na may nasunod sa kanya.”
“Liam, ang bobo mo naman kung magpapahuli ka diba? Ayusin mo nga trabaho mo.”
“Tss. Oo na. Sige, I’ll hung up.”
Walang ya, na-BOBO pa nga ako. Eh sa magaling na agent si Rima, mahirap sundan ang tulad niya lalo pa’t trained din naman siya. Ano bang gagawin ko? =_=
*FLASHBACK*
Madalas akong umakyat sa balcony ng apartment ni Rima pag gabi. Kaya lang, hindi ko siya naabutan na tulog. Magdamag ko lang naririnig ang pagsinghot niya…
Tahimik lang ang pag-iyak niya.
Pinigilan ko lang magalit at sugurin si Sky na nasa kabilang kwarto lang.
Gustong gusto kong yakapin si Rima para patahanin ito sa pag-iyak. Wala akong alam sa nangyari pero alam kong nasasaktan at nahihirapan siya.
Ni minsan hindi ko pa siya nakitang ganito kalungkot…
Ang sakit makitang naiyak ang babaeng mahal mo.
Tumalikod nalang ako at bumaba ng balcony. Masakit man saken iwan siya na naiyak, wala akong magawa. Kailangan kong gawin ang trabaho ko.
Rima, I wish I can just take you away from all of this…
*****
Author’s Note: Wala lang. Hi? Hahahahaha. Salamat sa lahat ng nag-aabang at nanggigigil sa update ng S*S. Yung mga readers ng SAG ko, medyo bad shot na ako sa kanila kasi talagang hindi ko maisulat ng maayos ang next update dahil siguro wala akong sapat na oras para mag-isip. Sana hindi kayo nabitin! HAHAHAHAHA. De joke. Bitin na lagi ang UD ko kasi malapit ng matapos ang S*S. ^_^
HELLO SA B.A.P., may cameo pa sila sa susunod na update. Sana nagets niyo yung mga pangalan nila. Pero sa mga hindi nakagets…
Yongguk as Bander
Himchan as Hiro
Daehyun as Daniel
Youngjae as Yoshi
Jongup as Jon
Zelo as Zeke
Para tuloy gusto kong magsulat ng fan fic ng BAP someday. Hahahahaha. Medyo di pa din ako magaling gawa ng COFFEE SHOP na punyeta na yan. BELATED HAPPY BIRTHDAY JUNG DAEHYUN!
At dahil July 4 ngayon, HAPPY BIRTHDAY SA ULTIMATE BIAS KO SLASH LEAD FICTION CHARACTER NG SPY*SPY NA SI YOON DOOJOON! ^___^ *confetti splash*
Share niyo naman kung anong gusto niyo kay Doojoon sa comment box. *U* Let’s fangirl togetherrrr. Hahahahaha. Ang haba ng otors note. HAHAHAHAHAHA. Masaya ako dahil naka-update ako. WADDUP. XD Salamat sa lahat! Ingat kayo sa baha! Bagong readers at old readers, salamat! :* Mahal ko kayo. HUHUHUHU. XD
Comment na lang po ano po? :) Yie. ♥
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top