Case 75: A Dash of SPYcyness
A/N: Salamat sa matiyagang pag-aantay ng updates, alam kong gusto niyo na akong sakalin kasi biglang tinigil ko yung update at the hype of the plot. Sorry po. I wanted to ease my burden kasi sobrang miss ko na ang S*S kaya nagtype ako. Salamat ulit!
Case 75: A Dash of SPYcyness
Rima’s POV
Gilmore College Cafeteria. 0912 HR.
Nakatunganga ako sa harap ng masarap na spare ribs at fried rice na nasa harap ko. Biruin niyo yun guys, ang snob ko daw sabi nung spare ribs saken. T^T Himala nga yata talaga toh.
Sino ba naman kasing gaganahang kumain?
Aalis na ngayon ang best friend mo. Yung lagi mong kasamang kumain, at yung laging nagpapakain saken ng isang kilong sermon sa bawat extra rice na oorderin ko. Gaganahan ka ngang kumain nun noh?
“Haaaaaaay…” I sighed out of frustration and grief. Nasa airport na siguro ang baklang yun, hindi man lang magawang tumawag at magpaalam saken? Feeling bida siya ah, eh ako nga ang bida dito diba? Tssss.
*Mikki Dyosang Tunay calling*
O_________O
Muntik ko pang mabitawan yung baso na hawak ko ng makita kong umilaw yung phone ko at nagvibrate. OMO! Mikki!!! T^T
“Bakla!!!” sigaw niya sa phone.
“Wengya ka bakla! Iiwan mo na ba talaga ako? Ganyan ka na ba talaga?!” pagdadrama ko.
“Bakla naman eh, sana maintindihan mong sensitive ang lagay ni Mama ngayon. She’s depressed and she needs someone to be with her, SHE NEEDS ME, Bakla…”
Nakakawala ng pag-asa ang sagot niyang yun. Akala ko good news ang sasabihin niya eh. “Oo na, getchingera ko na.” sabi ko nalang.
“Bakla, favor naman oh…”
“Ano yun?”
“Alagaan mo Bab ko ah… mahal na mahal ko yan.”
“Mahal? Echoserang palaka ka pala eh. Iniwan mo tapos MAHAL MO? Lokohin mo lelang mo bakla ka!” sigaw ko sa kanya dahilan para tumingin lahat ng tao sa Caf saken.
(>/\<);;
“Wala akong choice bakla. Wag mo akong pangaralan dyan! GANDARA PARK MO AH! Echosera! Wag mong lalandiin ang Bab ko nako lagot ka saken!!!”
“Ew. May taste naman ako noh.”
“Oh really? Anyare kay Sky? ANYARE?!” aba, kung makapang-asar toh palibhasa bitter ocampo! XD
“Fyi, pogi naman siya noh. Medyo… parang… pwede na—ARGHHHH. Ewan! Bahala ka sa buhay mo bakla! Ingatan mo mukha mo baka madapa ka!”
I heard her giggle. “Seryoso bakla? Mamimiss kita. Sobra sobra sobrang mamimiss.” napatigil tuloy ako sa pagsasalita. Napupuno ng tubig ang mga mata ko.
“I’m gonna miss you too Mikz. Ingat ka dyan ah?” pinipigilan ko lang humikbi kasi alam kong tatawanan niya ako eh.
“Ikaw ang mag-ingat bakla. Nakakatakot yang trabaho mo noh. Alam ko namang aalagaan ka ng boyfriend mo, pero I just wanna make sure.”
“Okay. Ingat kayo ni Tita. Tawag ka ah?”
“I will. Sige na, babye na bakla.”
“Coca open happiness pa din ba kahit wala ka?” di ko napigilang itanong.
“Oo naman. Maayos din ang lahat sa ngalan ng aking pagiging dyosa, coca open happiness pa din, promise~” with that binaba ko na yung phone at iniwan na yung kinakain ko.
Mali ka Mikz, kelan pa naging coca open happiness ang buhay ko ng wala ka? Ikaw nga dyan yung Coke ko eh tapos nawala ka naman. :(
Habang naglalakad ako papuntang classroom, nakasalubong ko ang nag-aapoy na aura ni President Carleen habang hinahabol na naman yung mga lalaking may earrings sa tenga at mahahaba ang buhok. Mga pasaway talaga eh. =_=
“PENALTY SLIPPPPP!!!” sigaw nito na parang may mga ngipin ng pirana na sa sobrang gigil. Halimaw sa banga padin talaga siya lalo na sa mga hindi nasunod sa school policy.
“O-Opo P-President!!!” T___T~
“GO TO YOUR CLASS… NOW!!!” >___<
Nung pagharap nito nakita niya agad ako. Biglang nagbago expression ng mukha niya eh. “Rima!!!” bigla itong nagtatakbo saken.
“DON’T EAT ME PREZ!!! WAAA!!!” kaya tumakbo din ako palayo. ( />O<)/;;
“Aigoo!!! I’m not gonna eat you!!!” nagpout siya kaya napatigil ako sa pagtakbo palayo. Ang kyot kyot talaga ng gerpren ni Kenneth eh, swerte niya nuuuuh! *_*
“Sorry! Akala ko beast mode ka pa din eh.” nagkamot pa ako ng ulo.
“Kainis kasi yung mga pasaway na Engineering students, lagi na nga silang late, may ear piercings pa tapos ang haba-haba pa ng buhok di nasunod sa haircut policy!”
“Chill prez.” pagpapa-kalma ko sa kanya.
“Nga pala, totoo ba yung balita na aalis na si Mikki? Kaya pala niya kinukuha yung mga records niya. Akala ko lilipat lang siya ng Esburgh para makasama si Stephen.”
“Break na sila ni Stephen… at dun na daw siya titira sa Amerika.” malungkot kong balita dito. T^T
“Ang baklang yun talaga! Bat niya yun ginawa??? Ayaw niya ba ng long distance chenes? Pabor pa naman ako sa loveteam nila. Nakakaiyak.”
Napaisip nalang ako kung magiging sila pa ba hanggang sa huli. All her life wala na siyang minahal kundi si Stephen, kaya imposible naman na basta na lang ito kakalimutan. Pero kung sabagay sa kalandian ni Mikz baka madami na agad yun crush dun. JOKE! XD Stick to one yun, I guess she really just have to give time to her Mom. If sila talaga hanggang sa huli then it will happen.
“Kumusta ang exams mo?” bigla akong napalingon kay Prez.
O______O
ANAK NG CHUCHABELS. MAY EXAMS NGA PALA AKO NGAYONG HAPON.
OTL;;
“Hay nako ka Rima! Di ka na naman nag-aral noh? Lagot ka talaga sa mga profs mo!”
“Grabe Prez ha, salamat sa tulong mong pagpapakalma saken, nakakatulong grabe!!! Hello! Nawalan ako ng kaibigan, syempre di ako makakapag-focus niyan. Chaka mo gurl ha!”
“Chaka ka din! Pwede ba mag-aral ka na! Lagot ka saken pag bumagsak ka!”
“Opo… ADOLF HITLER GIRL VERSION.” =____=
Alam ko mabobored kayo kung ikukwento ko lahat ng tanong sa exams ko. At lalo kayong mabobored sa pag-eanie meenie minie moo ka sa mga sagot. Baka nga bad influence pa ako eh. Wala akong inspiration, wala si Mikki. OTL
Charotera ko eh, parang namatayan lang? JOKE. *knock on wood 3 times* XD
So eto ako ngayon sa labas ng school, kemeng-keme ko ang pag-aantay ng jeepney spears, anyare bat puno lahat ng jeep na nadaan ditey sa iskulembangs namin? Kaloka. =_=
*BEEEEEEEEEP*
“Ay chucha kang tokwa ka!” biglang busina naman ng kotseng nasa harap ko. BASTUSAN? Oh ano ngayon kung may busina ang kotse mo? Pagyabang daw ba. ECHOSERANG KOTSE. =_=
“Ayo, nagulat yata kita Rima. Sorry ‘bout that.” pagbaba ng bintana nakita ko agad si Kenneth habang naka-shades pa. Pogi din nito eh noh? Nasa kotse na nakashades pa, lakas maglagay ng araw dyan sa kotse mo Koya? =_=
“Pwede mo naman akong tawagin bat busina pa? Pang-gulat ka eh.” *gulo buhok sa inis*
“Sorry.” binuksan niya yung pinto ng kotse at bumaba. Biglang dami ng jeep na pumarada sa tabi ng school at daming nakadungaw na babae sa loob ng jeep. TARAY NI KEN, jeep magnet. XD Ay chick magnet pala. Pasensya, mali lungs, don’t judge me. >_<
“Anong ginagawa mo dito?” tanong ko sa kanya.
“Susunduin ko si yung Monster kong girlfriend.”
“MONSTER?” nagulat kami pareho ng marinig yung nag-ulit ng ‘MONSTER’. Patay kang bata ka. XD
“Babe! Andyan ka na pala? Saktong-sakto kakadating ko lang!” yayakap pa sana si Kenneth ng pilipitin ni Prez yung braso niya. Fyi, magaling pala sa judo at self-defense ang girlfriend ni Ken. DAEBAK! XD “Owwww ouch ouch ouchhhh!!!” sigaw nito sa sobrang sakit.
“Monster pala ha!” bumitaw na ito tsaka nagcross arms.
“Babe, I said ‘MASTER’ not ‘MONSTER’!” giit at pagsisinungaling nito. Hay nako, huling-huli na tatanggi pa. Tsk, tsk, tsk. >:D
“Sus. Magsinungaling ka pa ng lalo akong magalit sayo!”
“MONSTER SABI KO AH. LAMBING KO YUN SAYO BABE, WAG KA NG MAGALIT. BATI NA TAYO.” bawi nito sa una niyang sinabi. Ang kulet. HAHAHAHAHAHAHA.
“Okay fine.” she rolled her eyes. “Oh by the way Rima, tara sabay ka na. Nabanggit din kasi saken ni Kenneth na pupunta siya sa apartment niyo kasi may sasabihin siya kay—“
“OO YAYAYAIN KO SIYANG UMINOM PERO BAWAL KAYA WAG NA.” biglang singit ni Kenneth. Ang weird ah. “Pero baka dumaan na din ako sa apartment niyo para kulitin si Skyler.” XD
“Okay. Sabi mo eh.” pagsang-ayon ko nalang.
To: Skyler Pogi XD
Pauwi na ako kasama ko si Ken at Prez Carleen.
Teka, teka, teka… lalagyan ko ba ng ingat at love you? ANG BADUY BADUY KASI EH. =_=
To: Skyler Pogi XD
Pauwi na ako kasama ko si Ken at Prez Carleen. Ingat ka nalang? Bye.
Bahala na, hanggang ngayon kasi hindi pa din ako sanay sa pagiging sweet ko kahit alam kong may boyfriend na ako. Aigoo~ Rima… when will you start having sweet bones? Pag puti na ang uwak? Pag may apples na sa orange trees? AIGOO~ =_=;;
Unang hinatid si Prez tapos tsaka na kami dumiretcho ni Kenneth sa apartment. Namiss niyo ba ang apartment? Si Author sobrang namiss. *Q* HAHAHAHAHA. XD
Pero I’m sure mas namiss ni Author ang POV ni Skyler, diba tama ako? HAHAHAHAHAHA. XD
Skyler’s POV
Manang Ason’s Apartment. 0634 HR.
Nakarinig ako ng kotseng pumarada sa harap ng apartment, pagdungaw ko, kotse ni Kenneth. Nagtext kasi siya saken na may sasabihin daw siya saken about sa favor na pinagawa ko sa kanya a few weeks ago.
“GUTOM NA AKO.” ( /=3=)/ bungad lang naman saken ng girlfriend ko pagkatapos ko siyang isipin ng isipin buong araw habang di ko siya kasama, yun ang unang-una niyang sasabihin. Patay gutom much. =_=
“Konyatan kita dyan eh. Akala ko pa naman namiss mo ‘ko.” pinanggigilan ko nalang yung cheeks nito habang nakapout siya. Sarap halikan eh, kaya lang baka makita pa ni Kenneth. XD
“PAGKAIN~~~” sigaw nito saken. *sigh*
“Pakainin mo muna yang alaga mo. Kanina pa yan nagrereklamo.” sabi ni Ken sabay upo sa sofa.
“Di mo man lang pinakain?”
“Pasalamat nga siya sinabay ko na siya sa kotse ko eh.” sagot ba naman niya saken.
“ANG SAMA MO KEN AH!!!” *pout pa ulit*
*GIGIL*
“Hmmmm! Ang kyot ng girlfriend ko! Takaw, takaw, takaw!” pinanggigilan ko pa siya lalo. XD
“AISHHHH! SHAKET!!!” sigaw nito habang hawak yung pisngi niyang namumula.
Niyakap ko siya tsaka ko binulong, “May pagkain dun sa ref. Love you.” sabi ko tsaka siya automatic na namula. >////<
“O-Okay. Bye.” tsaka dali-daling nagtatakbo sa loob ng kitchen. Ang shy type talaga ng girlfriend ko eh. At ang sarap sabihin yung “GIRLFRIEND KO”. HAHAHAHAHAHA.
“Sky. I got all the files you need.” biglang singit ni Ken sabay labas nito ng isang white folder. Napatigil ako sa malandi kong pagde-daydream at agad siya niyaya sa balcony.
Naupo kami dun at medyo sinara ang pinto. Sana nga lang hindi umeksena si Rima.
Agad kong binuksan yung folder, it contains several informations about our last encounter in Binondo. The one where it involves a sniper attack. Pinaimbestigahan ko kasi kay Kenneth kung pwede naming matrace yung shooter.
“We found some cctv footage nung mangyari yun. But nung nareview namin yung mga lumabas na videos, it involves two unidentified person.”
“Two?” naguguluhan kong tanong. “What do you mean?” I added.
“As of what you said, you aimed to shoot the sniper shooter pero from that distance, pinag-aralan ko if it is possible for you to hit him… masyadong malayo Sky. Hindi naman ganun ka taas yung kalibre ng baril mo. Pinag-aralan namin toh ni Mike, yung firearms and explosives expert na kaibigan ko from an agency kaya I can assure you na hindi ikaw ang nakatama sa shooter Sky.”
“So what does that suppose to mean?”
“May bumaril sa shooter na mas malapit, or either, he could be stabbed based on the blood found in the sniper.” may pinakita saken si Kenneth na ballistics reports pati na din mga blood exam results. “We found traces of blood from the side of the sniper. The shooter could have been stabbed in the back pero nakatakas ito. At after kong mag-imbestiga, may naireport na patay na lalaki found not more that 2 kilometers from the location.”
“So someone stabbed the shooter, nakatakas ito at baka hinabol para patayin.” I carefully tried to analyze everything Ken said.
“Yes, nagmatch ang mga blood samples sa baril at sa patay na lalaki. Tumugma din ang cctv footage na nakuha namin sa isang stall malapit sa site.”
Pinanuod saken ni Ken ang footage. Ang unang dumaan na lalaki at nakasumbrero at may gloves ito. Iika-ika itong maglakad at nakatingin sa likod. Yung sumunod na dumaan at pinaghihinalaan ni Ken na ang sumaksak sa shooter. Maayos ang suot nito pero nakasumbrero din.
Ilang minute din kami parehas nag-isip pagkatapos mailatag saken ni Ken ang lahat ng nakuha niyang info.
“We need to find out what was the shooter’s intention… why did he plan to shoot Rima. Pero ang mas nakakalito pa dito, sino at ano ang intension ng lalaki na sumaksak sa shooter…” sabi ni Ken.
“Salamat sa pagtulong Ken. This is a big help sa investigation—“
“INVESTIGATION ABOUT WHAT?”
O____________O;;
Natameme lang naman kami ni Ken sa pagiging Detective Conan namin ng biglang umepal yung girlfriend KO. Anak ng wengya naman oh, umepal ka sana kahit anong oras wag lang ngayon. >_<
“Ano yun?”
“T-Tungkol sa susunod nating Case Assignment yun Rima. Nothing much.” natatarantang sabi ni Ken, kahit panic na ang lahat ang galing mag-isip ng palusot ng isang toh eh. CONVINCING PADIN KAHIT MEDYO KABADO! IDOL. XD
“Eh? Ang tagal na nga nating walang action. Kelan ang start? Bat di ako kasama sa meeting niyo?” tanong na naman niya.
“Ayaw ka naming maistorbo sa pagkain. Alam namin kung gaano ka naka-focus pag pagkain na ang kaharap mo.” *taas baba ng kilay* sabi ni Ken. Hands down sa pagpapalusot. HANDS DOWN. =_=
“Well, balitaan niyo ako sa mga Case Assignments ha. Mag-aaral pa ako kasi may exams ako.” pagtapos nun umalis na siya sa balcony habang yakap niya yung madaming packs ng junkfoods sa braso niya.
“Sige Ken, salamat sa tulong mo. Saka ko na aasikasuhin yung pag-iimbestiga sa taong nanaksak sa shooter at sa iba pang mga bagay. Kelangan ko munang iluto si Rima ng pagkain para sa review niya. Lalo lang siyang babagsak kung junkfoods babanatan niyan eh.” tumayo na kami at hinatid ko siya sa baba.
“Bantayan mo si Rima ah.” paalala ni Ken. “Hindi natin kilala kung sinong kalaban natin… kung si Ovan at Harvey Dela Vega ba o ibang tao.” dagdag pa nito.
Tumango na ako at pagkatapos ay dumiretcho sa kusina para magluto ng soup para kay Rima. Maulan kasi dahil sa thunderstorms.
*tok tok tok*
Hindi ko na hinintay na buksan ang pinto, pumasok na ako bitbit yung bowl ng soup at toasted garlic breads gamit at tray.
“Omo! Anong dala mo?” hindi ko siya sinagot, nilapag ko lang yung tray at dumiretcho sa mga junkfoods na nakalatag sa desk nito.
“Aish, nakaka-bobo ang junk foods, hindi mo ba alam yun? Wala ka talagang healthy eating habit eh. Kainin mo nalang toh instead of those junk foods.” I scolded her.
“EH? OMO. Ang bango naman nito. Did you cook this?” tanong niya saken.
“Yeah.” nagindian sit ako sa harap ng mini table niya. Sa sahig kami nakaupo habang nakalatag yung mga notes niya sa mini desk. “Ayusin mo nga notes mo. Ang gulo gulo mong mag-aral.” I said while fixing all the papers scattered.
“Sorry ah, ngayon nalang kasi ako nag-aral.” *_*
“Aish Rima, you’re impossible.” =___= *facepalm*
Nagsimula na siyang mag-aral. Ang cute niya nga kasi tinali niya yung bangs niya pataas kasi sagabal pa yun. Ready na mag-review ang baliw na babae na toh ah.
“Mahirap pa yang exams niyo?” tanong ko sa kanya.
“Medyo. Mahirap siya kung di ka nag-aral.” sagot niya ng hindi natingin sakin.
“You want me to help you?” pag-volunteer ko.
Kukunin ko na sana yung notes niya pero hinila niya ito palayo saken. “No. Wag na, I can review myself.” mataray nitong sagot habang naka-pout.
“Okay then, I’ll just stare at you.” nag-halumbaba ako at sinimulang titigan si Rima.
( =__=)~~ (O__O )
“AISHHHHH! STOP STARING AT ME!!!” >_<
*stare stare stare*
“Aigoo! I can’t concentrate when you’re here!!!” he tried pushing me away pero we got caught out of balance, nahila ko tuloy siya and then…
She ended up on top of me.
“BWOHHHH!!!” sigaw nito pagbukas ng mata niya, she tried standing up but to no avail… “Yah!!! Let me gooooo!” pagwawala niya.
“Ay sorry, nakahawak pala ako sa kamay mo. HAHAHAHAHA.” namumula na siya kasi ang lapit ng mukha namin sa isa’t isa at awkward din yung position namin. XD
“P-Pwede ba!!! Stop p-playing around S-Sky!!!” sigaw nito.
“5 minutes pa, please?” I begged.
I pushed her para humiga na siya ng tuluyan sa dibdib ko. That felt warm, yumakap na siya ng tuluyan saken, not minding the awkwardness of our positions.
“Did you miss me the whole day?” I said.
“Medyo…” mahina nitong sabi habang nakasiksik sa dibdib ko.
“Buong araw ka kasing nasa isip ko. Para kang uod sa utak ko, making me want to see you every second of the day… Rima, ginayuma mo yata ako eh.”
“KAPAL MO AH.” medyo lumakas yung boses nito. Hahaha.
Bumitaw ako sa pagkakayakap, tumayo ito at inayos yung damit niya. I smirked seeing her blush, hiyang-hiya siguro siya sa mga sinabi ko kanina. Or rather, kilig ng kilig. XD
“M-Mag-aaral na ako. Matulog ka na Sky.” pag-iwas nito ng tingin saken. Tatayo na sana siya ng pigilan ko ang kamay niya. Napaharap ito saken, at sa totoo lang? Di ko na mapigilan, legal naman toh diba? Isang kiss lang, tutal girlfriend ko siya diba?
“Bwoh!!!” sisigaw pa sana siya ng hawakan ko na ang pisngi niya.
“Don’t move, mabilis lang toh.” lalo tuloy siyang namula sa sinabi ko.
I move towards her, dahan-dahan kong inabot yung kanina pang pout ng pout niyang lips… 2 inches, 1 inch… and…
*Miss Amy calling*
( O___O)(=___= ;)
Lumayo ito agad at nagsimula uling magreview habang padabog akong lumabas ng kwarto niya para sagutin yung tawag. ANAK NG HIPON NAMAN OH. PUCHA PUCHA UGGGH.
Tinanggal ko muna lahat ng hinanakit ko sa buhay bago ko sagutin yung tawag ni Miss Amy.
“Sky?” nagulat lang ako kasi biglang naging macho boses niya. Anyare? =_=
“Miss Amy? Ikaw ba yan?” nagtataka ko agad na tanong.
“Sky, this is Gertrude, the family butler, sinugod sa ospital si Miss Amy dahil sa asthma attack nito. We need you here immediately.” natigilan ako sandali at agad na nag-sink in saken yung sinabi niya.
“I-I’m on my way Monsieur Gertrude.” agad kong binaba yung phone ko at dumiretcho sa kwarto para kumuha ng jacket at susi ng kotse.
Tumawag si Gertrude, yung family butler ng mga Villena, siya ang namamahala sa buong Villena Mansion at ang nagbabantay kay Miss Amy after ng duty ko sa kanya.
Pumasok ako sa kwarto ni Rima na nagulat sa itchura ko. “Omo? Saan ka pupunta Sky?” tanong niya.
“Nasa ospital si Miss Amy.”
“BWOH? OSPITAL??! BAKIT DAW?!”
“Asthma attack.” I briefly said. Halatang nag-aalala din ito sa lagay ni Miss Amy.
“Well, you better check her up. I hope she’s okay.” she prayed.
Lumapit ako dito and kissed her forehead, “She’ll be fine, pwede ba akong umalis?” pag-papaalam ko.
“Oo, sige na go!!!” tulak nito saken palabas ng pinto.
“I’ll be back later, mag-aral ka pero wag kang magpuyat okay?” paalala ko.
She nodded and smiled. Sayang, I could just stay with her all night and help her review. =_=
I wonder what happened to Miss Amy at bigla siyang inatake ng asthma? I hope she’s fine.
Liam’s POV
Manang Ason’s Apartment. 1023 HR.
Narinig ko ang mabilis na pagharurot ng kotse ni Skyler paalis ng garage ng apartment. Saan naman kaya pupunta ang lalaking yun ng ganitong oras at mukhang nagmamadali pa?
From: Chief Francis
Liam, meet me in 340 km WE asap.
“Makapang-utos naman toh parang binabayaran ako.” singhal ko sa phone ko pagkabasa ko ng text niya. Psshh. Agad akong pumasok sa kotse at nagdrive papunta sa location.
Naabutan ko siya doon, nakapark mag-isa sa madilim na alley.
“Chief, ano na naman bang sasabihin mo?”
“May mga bago kaming assignments, eto na lahat ng details.” inabot niya saken yung mga folders ng assignments ng team niya.
“Salamat. I’ll make sure na nandito ako sa mga lugar na toh.”
“Well then, see you around Liam?”
I pat his back. “Yeah Chief. See you.” naglakad na ito pabalik ng kotse at nagdrive palayo. Binuklat ko yung mga folders at mukhang sunod-sunod na naman na kaso ang naka-assign kina Rima.
I have to wish them good luck right? Ha.
*******************
HEEEEEP! UNANG-UNA SA LAHAT GUSTO KO LANG ISHARE KUNG GAANO KO NAMISS MAGSULAT. ANG SARAP SA FEELING NA NAKAPAG-UPDATE AKO. IBA NA TALAGA YUNG BUHAY KO SIMULA NG MAGSULAT AKO DITO. NUNG HINDI AKO NAGTATYPE PARANG MAY KULANG. XD HAHAHAHAHA. SARAP MAKAPAG-UPDATE. XD
SALAMAT SA LAHAT NG NAG-COMMENT NG “UD POWS” LOLS. SORRY MEDYO LATE NA YUNG UD POWS. XD HAHAHAHAHA. AT ANETCH ITEY BAT ANDITEY SI LIAM BEBE? XD AT SINAMA PA SI CHIEFY EVER. XD
SANA MAGUSTUHAN NIYO YUNG UPDATE. KAHIT NABITIN SI SKY. SLOW UPDATES PADIN TOH AH. AT CONGRATS NIYO YUNG BEAST, MAY COMEBACK SILA. SWERTE NUNG MGA B2UTIES NA KASAMA SA I’M SORRY MV NILA EH. T___T BUTI NALANG ANG DAMING DOOJOON MOMENTS. *_*
COMMENT. HAHAHA. ♥
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top