Case 72: Rima's Decision
Case 72: Rima’s Decision
“I’ve reached this decision, sana nga lang tama ang ginawa ko.” –Rima
(A/N: ANSABE NG QUOTE NA YAN? ANSAVEHHHH???! XD)
Skyler’s POV
Manang Ason’s Apartment. 0930 HR.
“Dito ka lang sa tabi ko Sky.” *.*
Napatigil naman ako sa sinabi niyang yun, nakngpucha naman, sa lahat ng gagawin niya, bat yan pa? Ugh, alam mo yung rapist??? HA??? Hindi ako yun, akala niyo ah. Pero malapit na akong maging ganun, de joke lang. XD
“Yah, I’ll get you some food. Para din makainom ka na ng gamot mo.” tinanggal ko yung kamay niya na nakakapit sa dulo ng t-shirt ko.
“Iiwan mo na naman ako?” :(
I sighed, tsaka ako umupo para magkapantay kami. Nasa tabi ako ng higaan at hinawakan ko yung malambot niyang pisngi. “Of course not. Aalagaan kita, so stay here and I’ll keep you company. Arasso?” agad naman siyang ngumiti at tsaka tumango. I pat her head bago tumayo.
Buti nalang at may instant soup dito, just add water and simmer. Haaaay. Di ko pa din makalimutan yung puppy eyes ni Rima. Hindi naman siya ganun kalambing saken eh, dapat siguro lagi siyang may sakit para malambing siya saken? +_+ JOKE.
Pagbalik ko sa kwarto ko, nakatalukbong siya ng kumot. Lumalakas kasi yung kulog at kidlat sa labas kaya siguro siya ganyan.
“Hey, Rima.” hinila ko yung kumot niya at…
(=___=)#
“SAYANG~ UBOS NA MOVES KO. AJUJUJUJU.” ayan ba ang may sakit? Tss.
“Akin na nga yang phone ko!” higit ko naman agad yung iphone ko mula sa kamay niya, talagang ang bilis niyang nakadownload ng Candy Crush at nakapaglaro? SA PHONE KO PA, EH PAREHAS LANG NAMAN KAMI NG PHONE. =_=
“YAAAH! *pout* Palaroooo~ gimme gimme~” (* 3*)/
“Gimme gimme your face! Kumain ka muna anak ng pucha oh.” sabi ko at nilapag sa kama yung soup na ginawa ko.
“SOUP? SOUP LANG?!” (? 0 ?)7
“Ay sorry, nakalimutan kong hanggang lalamunan mo lang yan.” sarcastic kong sagot, kumuha ako ng kutsara tsaka ko siya sinubuan. “AYAN! KUMAIN KA NALANG, WAG KA NG MAGREKLAMO.” gigil kong sabi.
“HEY WATCH IT! HIPAN MO!!!” sabi nito saken while sticking her tongue out.
“Sheesh. Okay okay.” kaya hinipan ko muna yung sabaw bago ko isaksak sa bunganga niya. =_=;;
“Onga pala, Skyler, bat ganito damit ko?” sabi nito at nakatungo pa para tignan yung suot niyang over-sized tshirt. Kekekeke~ ang kyoooot.
“Nabasa ka ng ulan.”
“Ay oo nga ano?” sabi nito habang nanguya.
“WHAAAAAAAAAAAAT??!” napabalikwas siya ng tayo pero ramdam kong nahilo siya kaya inalalayan ko.
“Pabo, wag ka ngang basta basta tumayo hindi ka pa—acckkk!!!”
“DON’T TOUCH ME YOU PERVERTED PABO!!!” sabi nito at nagninja moves pa. “TELL ME WHAT DID YOU SAW!!!” sigaw pa nito, patay tayo pag narinig ni Manang ang buhok na toh eh.
“WALA.”
“What do you mean wala?!”
“WALA NAMAN MAKIKITA SAYO.” =_=
“HEYYYY!” binato niya ako ng unan. “May katawan naman ako ah!!!” tsaka siya nag-pout.
“Meron ka ngang katawan, hindi kaakit-akit eh. Nandiri pa nga ako eh.” walang gana kong sabi tsaka nag-indian sit ulit sa tabi ng kama.
Sumuko din siya at bumalik sa kama. “Ang sama mo!” nag-pout pa siya ulit, kaya kinurot ko yung pisngi niya.
“Joke lang. Si Mikki yung nagpalit ng damit mo. Ewan ko nalang kung anong ginawa niya sayo.”
“Asan na siya?”
“Umuwi na, tumakas lang daw siya eh.”
“Eh? Ayy, oo nga pala, grounded yun.” sabi niya habang hinihigop yung soup sa bowl, where is manners? =_=
“Grounded?”
“Yup. Nalaman kasi ng parents niya na sila na ni Stephen eh.”
“Mikki’s parents don’t like Stephen?”
“Nope. Hindi lang kasi nahingi yung consent ng parents niya, konting tampuhan lang yun, I’m sure Stephen can solve it.” sagot niya saken.
Natahimik naman kami bigla. Ang awkward ng atmosphere. Nakatingin lang ako sa malinis kong kwarto habang rinig ko padin ang malakas na buhos ng ulan.
“Rima?” I said without looking at her. Ramdam kong napatingin siya saken.
“Ano yun?”
“You saw it right?”
“Huh? Saw what?”
“Miss Amy?” sabi ko sabay tingin sa kanya. I guess, I hit it. Natigilan siya sa pag-inom ng soup at halos di makatingin saken.
“Ah? Yun ba? Oo, nakita ko. Hindi ba, bawal tayong makita ni Miss Amy na magkasama, malalaman niya na spy ako?” sagot nito saken.
“Oo, but you saw that right?”
“Ha-Ha-Ha! Anong saw? Puro ka saw—“
“Miss Amy kissed me right?”
She got stunned, and I admit that I am a jerk for letting her see that. Nakakainis, no matter how I tried to protect her from getting hurt, I know na nasasaktan ko siya. Yung simpleng hindi namin pagkikita, alam ko minsan nagdadalawang isip siya if I’m even worth it… if worth it nga ba na mahalin ako, at magmahal siya.
Lumapit ako at saka ko siya nginitian. A dull smile, parang kahit ako, nag-aalangan sa naging desisyon ko na ligawan siya.
Why?
Kung sagutin man niya ako, chances are, we will still be like this. And frankly, ayokong maging ganitong klase ng boyfriend sa kanya. Gusto ko, kung mamahalin niya ako, I should be the best boyfriend.
“I’m sorry Rima.”
“Ha? O-Okay lang ano ka ba! HAHAHAHAHA!” nagkakamot siya ng ulo habang obvious na obvious yung fake niyang pagtawa. =_=
“Pero—“
“MATULOG NA TAYO? HMMM? Okay!!!” (*o*)/ kinuha niya yung kumot tsaka naman nagtakip kaya lang after 3 seconds, tumayo ito at dumiretcho sa pinto…
“WRONG BED! HAHAHAHA! Gege, good night Skyler!” tsaka siya lumabas ng kwarto ko. Napa-facepalm nalang ako sa nagawa ko. Alam kong ayaw niya lang pag-usapan yun kaya siya naiwas eh.
I really need to resign. Just—just give me more time Rima…
Rima’s POV
Gilmore College. 0912 HR.
“Shetballs Rima, sinabi ko na kasing wag ka na munang pumasok diba?” pangungulit sakin ni Mikz habang hinihila ako papalabas ng school.
“Amproblema mo? Sabi ko ng okay na ako ehhh!!!” >_<
“Hindi ka okay!!! DUUUH. Mamaya magkabinat ka pa!” sabi ba naman saken tsaka ako ulit hinila.
“Mikz naman!!! I’m fineeee. Tsaka, sobrang traffic na baka sa sobrang init pa ako magkasakit, gusto mo ba akong mamatay sa daan or sa loob ng malamig na classroom??!”
She crossed her arms. “Neither! Ikaw talaga! Fine! But don’t force yourself too much! Text me kung masama ang pakiramdam mo!” sabi nito tsaka ako hinila pabalik ng campus, ang effort naman nito. =_=
Habang nag-aantay kami ng prof na sa sobrang sipag eh wala na yatang balik na siputin ang class namin, nagpunta nalang kami sa cafeteria. SYEMPRE PAGKAIN, DI MAKATANGGI. XD
“Grabe, alam mo super duper mag-alala si Skyler for you. And that Skylerrrr!!! NAKOO!!! Did I mentioned na—“
“Na ano?” natigilan kasi siya bigla.
“Na—ah ehh, na ako ang nagpalit ng damit mo??! HAHAHAHAHAHA!” =_=
“Oo, sabi mo pa nga lumaki yung boobs ko pero binawi mo din agad eh. Nakakahiya naman sa cup c mo ah! Sorry na maliit yung saken!!!” sagot ko nalang saka nagpatuloy sa pagkain.
“Hahahaha. Eto naman, kaya wala kang boobs, masyado mong dinidibdib ang mga sinasabi ko, may likod ka pa naman!” aba’t ang loka loka ng isang toh?!
“Gusto mong mabato ng laway?!” pagbabanta ko.
“Ewww. Kadiri ka!” pagsuko nito. Nagpatuloy lang ako sa pagkain. “So, anong nangyari? Inalagaan ka ba niya na parang whisper ALL NIGHT??!” sabay hagalpak naman ulit.
“HEHE. KORNI MO.” =_=
“Dali na kasi, magkwento ka naman guuuurl!” tsaka ako niyugyog.
“Wala, nagising ako, pinakain ako tsaka ako bumalik sa kwarto ko! TAPOS, END OF STORY. BOOM!” nanggigigil kong sabi.
“Wala man lang porn stuffs.” disappointed niyang sabi.
“Ang wholesome mo.” Tsaka ko siya binato ng tissue sa mukha. Medyo bastos eh. Tcccch.
“Chaka mo gurl, joke lang!” ^___^V
“Eh hindi ako natatawa.” =_=
“HAHAHAHA. SORRY NOT SORRY GIRRRLLL.” Okay, I’m starting to get pissed. Buti nalang at tumigil na siya sa pang-aasar tsaka siya umupo at kumain ng maayos. “Oy girl, kelan mo sasagutin si Skyler?” biglang tanong niya saken.
“Saan mo naman nakuha ang tanong na yan Mikz?”
“Sa Korea. Katabi ng B.A.P.” XD
“HA-HA-HA. Funny.” I ignored her pero napakapersistent niyang mang-inis ngayon.
“Oh come’on mamon, don’t tell me you don’t like him coz’ you’re lyingggg.” sabay sundot sa tagiliran ko.
“WILL YOU STAP ETTT! BUSET HA! ISA PA TALAGA MAKAKATIKIM KA SAKEN MIKKI JANE FORTUNO!” sabi ko out of desperation na itigil niya ang pagsundot sa tagiliran ko. +_+
“Kfine. But, remember my motto… ANG RELASYON ANG PINAPATAGAL, HINDI ANG PANLILIGAW.” tsaka siya tumayo para bumili siguro ng softdrinks. =_=
Relasyon? Pero teka—ano na nga bang status namin ni Sky? Naguguluhan na ako.
*GULO BUHOKKKK*
Dismissal. Gilmore College Gate. 0534 HR.
Aish, nakakainis, hanggang ngayon, magulo padin ang buhay at utak ko dahil sa mga iniisip ko. Ano ba kasing problema ko at laging nag-aalangan yung pakiramdam ko. Takot ba akong magmahal? Takot ba akong magtake ng risks? -__- Hirap mag-assess ng sarili lalo na kung ganito ako kabaliw.
Makatawid na nga la—
“BWISET! ANG LAKI NA DI PA MARUNONG SUMAKAY NG JEEP!! BOBO!!!” sigaw nung jeepney driver na tumigil sa harap ko. Wow Koya, kalma naman pusha. =_=
“S-Sorry po!” nakita ko yung babae na parang nahihiya at naiyak habang pababa ng jeep.
“BWISET! ABALA KA SA BUHAY!!!” sabi pa nito, pero agad ko naman siyang pinuntahan.
“Hoy Manong! Lakas mong manlait ah! Kung hindi man siya marunong mag-commute, wala kang karapatan na sabihan siya ng bobo! Ikaw kaya sabihan ko niyan??! At tsaka, pasahero ang bumubuhay sayo at sa pamilya mo kaya kahit abala sila sa trabaho mo, irespeto mo sila!” sigaw ko.
Nanahimik yung driver tsaka pinaandar yung kotse, bago pa man makalagpas sa harap ko, sinipa ko yung dulong part ng jeep tsaka pumunta sa babae.
O__O
Naka-uniform siya ng Esburgh—
“M-Miss Amy???!”
Napalingon siya saken, nakatungo kasi siya habang tinatago ang mga mata niyang naiyak. Kawawa naman siya, parang kanina pa siya nakatikim ng sigaw mula sa menopause na driver na yun.
“Ah—ehh, salamat sa pagtulong. Hindi mo na dapat ginawa yun.” sabi nito.
Aish, grabe, ang kyot pala talaga ng babaeng toh.*_*
“W-Wala yun! Ayaw ko naman ng may binabastos na babae. Nga pala, ako si Rima!” pagpapakilala ko.
Nagulat siya at parang inaalala yung mukha ko. Agad namang nag-glow ang mukha niya at tinaas ang kamay. “I—I know you na!!!” tuwang-tuwa niyang sabi. “You’re that rumored girlfriend of Stephen before right? Gilmore Girl??!” sabi niya.
WOW, the ‘GILMORE GIRL’ days, I don’t miss it. =_=
“Y-Yeah. That’s me. Onga pala, bat ka nandito?” diba dapat kasama niya si Skyler? Anyare?
“Ahhh—wala lang. A-Ano, kasi gusto ko lang talagang sumakay ng jeep! Experience ba?” nahihiyang sabi nito. Parang may tinatago siya pero—nevermind. =_=
“Mali naman yung nasakyan mong jeep eh.” sabi ko, agad ko naman nakita ang pagsimangot nito at pagpout. Nako, hindi nga pala toh si Mikki, ang kwento saken ni Skyler, sensitive daw si Miss Amy sa mga naririnig niya. >_<
“Ahh—ehh, joke. GANUN TALAGA PAG FIRST TIME!!! OO NGAAAA. Lahat naman ganun, at least alam mo ng hindi yun ang sasakyan mong jeep, at hindi ganung mukha ng driver ang sasakyan mo para hindi masungit!” pagbawi ko, agad naman siyang napangiti ulit.
“Talaga! Mabuti naman, I thought I was too stupid and naïve enough to do that.” nag-sigh pa siya. Hindi Miss Amy, hindi ka stupid at naïve, MEDYO LANG. =_=
Aish, hirap naman magside comment sa utak. Kailangan ko tuloy sarilihin ang mga naiisip ko.
“So saan ako sasakay papunta sa bahay namin?”
“Saan ka ba nakatira?”
“Makati.”
“Gusto mo samahan kita sa LRT?” tanong ko.
“LRT? SASAKAY TAYO NG LRT??!!” *___* she cling in my arms at nagtatalon. “I wanna ride one!!! I wanna! I wanna! Please, please, pretty please??!”
=__________=
“Kfine. Tara, para makaabot tayo dun agad.” sabi ko tsaka naman niya ako hinawakan sa kamay, wow ah, uso sa kanya ang holding hands?
Napansin niya yatang nailang ako kaya lumayo siya. “S-Sorry, sanay lang ako na humawak sa kamay. Natatakot kasi akong maglakad sa ganitong lugar eh.” nahihiya niyang sabi.
I smirked. Inabot ko kaagad yung kamay niya. “Sorry, I forgot na you’re not used to this place. I don’t mind it then.” sabi ko at ngumiti din siya saken.
( ^____^)~~(^____^ )
Habang paakyat kami sa LRT station, napatigil siya sa isang kwek kwek vendor. Oh wait, don’t tell me—
“Omg. Is this KWEK KWEK??!” natutuwa pa siyang tinuro yun habang natalon talon.
“Oh yes Maam! Kwek kwek!!!” sabi ni Koya habang nagpapaypay ng isaw niya. “You wanna try it Maam, ish so delicious!!!” dagdag pa nito.
“I haven’t tried this, but I see it sa TV at internet. Can I try one?” pagpapaalam niya saken.
“Unang-una sa lahat, sigurado ka bang kaya ng sikmura mo ang kwek kwek? Pangalawa, mamaya maospital ka pa at kasuhan pa ako ng mga magulang mo at pangatlo, alien ka ba? Di ka talaga nakatikim ng kwek kwek since birth??!” sabi ko.
Umiling ito. “Never in my whole life, kaya nga I wanna try it so bad!!!” T___T
Napafacepalm ako at tsaka tumuhog ng tatlong kwek kwek saka sinawsaw sa suka, opps, akala niyo ibibigay ko noh? HINDI. Gutom na din ako.
*CHOMP CHOMP*
“What? Unfair! Akala ko ba—“
“Wait, Chinecheck ko lang kung may lason. Tsaka kung papasa ba sa pangmayaman mong sikmura.” sabi ko habang puno ng kwek kwek yung bibig ko.
Nilabas niya naman ang wala ni isang gusot niyang panyo at pinunasan ang bibig ko. “Don’t talk when your mouth is full! Tsk, tsk, tsk.” sabi pa nito.
Agad ko naman kinuha ang tatlo pang kwek kwek at inabot sa kanya. All smiles niyang kinain yun at tsaka siya ulit kumuha ng lima… pito… t-teka!!! TEKA!!!
“OYYY! TAMA NA!!! GRABE KA NAMAN!!! Wala na akong ibabayad dyan eh!!!” pag-awat ko sa kanya. LAGAS ANG ALLOWANCE KO. T__T
“Ako naman ang magbabayad ah!” pag pout nito.
“Anong ikaw? Uuwi ka na, gabi na oh!” tsaka ko siya hinila paakyat, binayad ko kay Koya, keep the change nalang kako. =_=
Buti nalang at kakaunti lang din ang tao kaya nakaupo kami habang pabalik sa Gilmore College. May sakayan dun papuntang Makati, or baka nandun din yung sundo niya.
Napatingin naman ako sa kanya na pinapatay ang phone niya. “Hey, bat mo pinapatay yung phone mo, eh may natawag ah.” sabi ko, ring kasi ng ring.
“Ayokong sagutin. Nakakainis kasi siya eh.”
“H-Huh? Sinong siya?”
“Yung bodyguard ko.”
O______________O
“B-Body guard?”
“Oo, Skyler pangalan niya. Alam mo, may secret ako pero wag mong ipagsasabi ah.” pabulong niyang sabi, ako naman napalapit nalang sa kanya. “Kasi, ang totoo niyan, tumakas lang ako kay Skyler kanina kaya ako nasa jeep.” XD
“ANOOOOOO?”
“Oy, wag kang maingay!!!”
“Eh baka hinahanap ka na—“
Umirap siya. “Nagtatampo ako sa kanya, narinig ko kasi siyang nakikipag-usap sa Daddy ko na mag-reresign na siya bilang bodyguard ko eh.”
*GULP*
“Alam mo kasi, mahal ko si Skyler pero… pero hindi niya ako mahal eh.” nalungkot siya at natatawa at the same time. “Do I sound so pathetic? Haha. Siguro nga, pero kasi, hindi ko maiwasang mahalin siya eh. Lately, he’s been really bothered, troubled habang kasama ako… parang he’s off. At nung marinig ko nga yung conversation nila ni Daddy, sobrang nalungkot ako at ayaw ko na siyang makita.”
I felt like a bunch of arrows struck me. <///3
I remembered one scene, nung tinanong ako ni Skyler kung paano daw ang magmahal. Hindi kaya si—si Miss Amy ang nag-confess sa kanya noon? (Case 18: Night with Two Girls)
“I only wanted to feel loved by him. Kahit minsan lang… kahit ngayon lang baka mag-alala siya saken. Baka hanapin niya ako…”
I can feel something twitching. This girl loves the guy that claimed to be in love with me.
*ESBURGH AVENUE BOUND*
*ESBURGH AVENUE BOUND*
“Omg. We’re here naaaa!” napatayo si Miss Amy at tsaka dumiretcho sa may pinto. Lumingon naman siya saken na nakaupo pa din. “Comeeee! Dali!!! BILIS!!! Ppali!!!” she said.
Agad naman akong napatayo at sumunod palabas ng LRT. Paglabas ko parang may nakita akong lalaki sa may gilid at nag-aantay, parang si—
“YAAAH! Rima!!! Tara na! I’ll show you to my school!!” hila hila niya saken kaya naman hindi ko na nakita yung lalaking nakita ko.
Tumakbo siya pababa sa station habang ako naman naglalakad lang, halos hindi ko na siya matanaw dahil hanggang ngayon iniisip ko padin ang mga sinabi niya kanina sa LRT.
“SKYLER!!!”
O______O
Parang automatic na napatakbo ako dahil narinig ko ang pangalan niya. Nung makalabas ako ng station. Andun siya, yakap niya si Miss Amy habang nakaluhod siya.
“A-Are you alright? How did you get back? May nangyari bang masama sayo??!” nag-aalala niyang tanong kay Miss Amy. Chineck nya yung tuhod at siko niya at tsaka niyakap ulit.
“I’m fine Sky!!! I had fun pa nga eh!” ^U^//
“Had fun??! You don’t know how worried I am—“
“I met a new friend too! She’s over there!” lumingon siya saken at kumaway. “You know her? She’s Rima! The Gilmore Girl? Remember her??” she said to him habang siya, nagulat pero agad na umiwas ng tingin saken. Napatayo ito at humarap saken.
“T-Thanks Miss.” sabi nito saken. “Skyler Abalos.” he reached his arms for a handshake.
Ngumiti lang ako and accepted it. “Rima Ortiz.” nagkamot ako ng ulo tsaka humarap sa nakangiti paring si Miss Amy. “Miss Amy, mauna na ako.”
“Ang formal mo naman, AMY na lang! Friends?!” siya naman ang nagabot ng kamay at tinanggap ko yun sabay tango.
“FRIENDS.” ^__^
*MALAPIT NA PO ANG TREN, WAG PONG LALAGPAS SA YELLOW LINE*
Nagulat ako ng marinig ang announcement, nasa LRT station na ulit ako. Pauwi na sa apartment. Naririnig ko na ang tren kaya agad akong pumwesto.
“Hey.”
O______O
“Ngayon ka lang ba nakakita ng pogi?”
Agad kumunot yung noo ko. “Asan yung pogi?” tanong ko sa kanya.
“Bulag.” sabay pinitik ang noo ko. “Wag ka ngang sumimangot dyan, ang pangit mo tuloy.” sabi niya pa.
“Pauwi ka palang?” tanong ko.
“Yup, nagpractice pa kasi ako eh.”
“Nagpractice? O inantay mo ako?” tumawa lang siya sa sinabi ko, sabi ko na nga ba at siya ang nakita ko kanina pagbaba namin ng LRT ni Miss Amy eh.
“Okay, okay fine. You got me.” sabi nito tsaka kami nakaupo sa loob.
Tumahimik siya kaya ako napatahimik din. Ang awkward, naalala ko tuloy na dito kami nagkita ulit. At medyo may pagnanasa pa ako sa kanya noon.
Hulaan niyo!
Time’s up!
“Kumusta ang Beb ko? Maayos lang ba siya?”
“Oo, laging bitter. Hindi pa din ba kayo okay?”
“Her parents are so persuasive enough, enough para makipag-break siya saken.” he said that in such a depressing sound.
“Sorry ‘bout that.” I pat his back, oo na, masyadong panglalaki yung gesture. =_=
“Ikaw? Don’t tell me you’re gonna give him up after what you saw—ackkkk” opps, napalakas yata yung pag-pat ko sa likod niya, hampas na yata yun. =_=
“Shut up Lim. Baka gusto mong mabatukan!” pagbabanta ko.
“Jeez Rima, get over it. Ang init agad ng ulo mo. Sabi ko na nga ba eh.” pangiti-ngiti pa tong isang toh.
“Ano na namang sinasabi mo dyan?!”
“Alam mo Rima, guys usually gets the worst comments. Yung tipong nangangaliwa, nambababae, walang effort, suwail, criminal, nanggagahasa mga ganung tipo ng labels…”
“Wow. Yung mga terms mo, hayup.” =_=
“Basta, yung mga lalaki kasi laging nawawalan ng credits eh. Akala ng mga babae, wala silang ginagawa to solve the problems. Minsan, guys are being judged just because they sacrificed something, but in the end it won’t even benefit them but for others.”
“So? What do you mean?”
“Skyler’s planning to resign. He’s trying to make time for you… dahil mahal ka niya Rima. Please give him a chance?”
“Why are you doing this?” nalilito kong tanong.
*CHUVAEVER BOUND*
*CHUVAEVER BOUND*
Tumayo siya dahil mas mauuna nga pala siyang bumaba saken. Ngumiti lang siya saken, “Skyler and you deserves each other. Take that risk and just fall.” sabi nito bago tuluyang lumabas ng LRT.
Manang Ason’s Apartment. 0712 HR.
Pag-akyat ko ng third floor, nakita kong nakasandal si Skyler sa tabi ng pintuan ko. Nakapamulsa pa siya habang nakayuko.
*EHEM*
Napatingin agad siya saken tsaka naman napa-ayos ng tayo.
“Hey. Bat ang tagal mo?”
“Galing akong Esburgh, mas malayo yun kesa sa Gilmore.” sabi ko then reached for my keys sa bag. “Ang aga mo yata?” sabi ko without even looking.
“Rima, wala ng intro-intro… yung nakita mo—“
“I get it Sky.”
“No you don’t Rima.”
“Yes I do.” kinuha ko ang braso niya at hinarap sa kanya yung kamay niya tsaka ako naglagay ng dalawang piso sa palad niya.
“B-But Rima, I only did that because—“
“You don’t need to explain Sky. Kausapin mo nalang yan.” I opened my door and shut it close.
“I’ve reached this decision, sana nga lang tama ang ginawa ko.”
Skyler’s POV
Manang Ason’s Apartment. 1123 HR.
“HOY DALAWANG PISO, KAUSAPIN KO DAW KAYO.” sabi ko dun sa dalawang piso na nakapatong sa lamesa ko. Nyemas, kanina ko pa kinakausap wala namang nasagot. =_=
I was shocked to see her with Miss Amy, I was worried with her, of course. I have her full responsibility. Natural lang na mag-alala ako. Nagalit ba siya dahil dun? What does she mean? Ayaw na ba niya akong manligaw? TAPOS NA KAMI? Binayaran niya ako ng dalawang piso tapos hanggang dun nalang yun?
Pambili ng yosi? Kendi? Anak ng nyemas. =_=#
Kinuha ko yung dalawang piso at itatapon na sana sa bintana ng tignan ko ulit sa palad ko…
T-Teka…
O____________O
Agad akong tumakbo sa labas tsaka kinatok ng kinatok si Rima.
“HOY! BANGS!!!! BUKSAN MO TOH!!!” sigaw ko, wapake kay Manang Ason. XD
“Aish. Ingay.” silip niya naman sa pinto, mukhang nakatulog na siya. Hinawakan ko yung cheeks niya tsaka ko siya hinalikan sa lips.
*CHUP*
O///////O
“YAH! W-What did you—“
“Mahal mo din ako?”
Nakita ko namang kumunot yung noo niya. “Ngayon mo lang nagets yung dalawang piso? Pucha Skyler, malapit ng mag-umaga, kinakalawang na talaga yung utak mo.” =_=
“Wala na kasi akong ibang maisip kundi ikaw.”
“BWISET. OO NA. OO NA! GOOD NIGHT!” but before she shuts her door, agad ko itong naharangan.
“Na-uh. SAY IT!”
“Umalis ka nga dyan!” sabi nito at tinatanggal ako sa may pintuan.
“Pag hindi mo sinabi, hahalikan kita ulit.” XD
“M-MA-MAHAL DIN KITA!” >////////<
*SARA NG PINTO*
^____________^
Well then, it’s official guys? :)
OYOYOOOOOOO~
***
BUMABAWING UPDATE KAYA MAHABA? XD HAHAHAHAHAHA. SORRY KUNG MEDYO LATE. SANA NAKABAWI AKO. SANA NAGETS NIYO YUNG DULO. SALAMAT SA MGA NAGPOWERVOTE DITO AT NAGLAGAY SA MGA RL NILA. MAHAL KO KAYO. HAHAHAHAHAHA. XD DAMING COMEBACKS, WALA MAN LANG YUNG BEAST. EXCITED NA AKO EH. :(
SI SKYLER NASA GILID. :"> *belaaaat daw*
COMMENT COMMENT COMMENT! ♥
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top