Case 7: Ang Penalty Slip ni Ken sa Gilmore.

Case 7: Ang Penalty Slip ni Ken sa Gilmore.

KENNETH’S POV

FDD Clinic. 0233 HR

“Kenneth, okay lang ba si Rima Bear ko?”

“Oo naman, taser lang yun noh. Ang arte-arte niya!”

“Ang bad bad mo talaga Skyler!! Ikaw nga ang dapat tatamaan nun eh!”

Haay. Napa-facepalm nalang ako sa pag-aaway ng dalawang toh. Mukhang successful naman ang first case operation namen, yun nga lang natamaan ng taser si Rima. But I’m pretty sure she’s fine. Nakonyatan niya pa nga si Skyler.

“Tumigil na nga kayo dyan! Haaay.” saway ko sa kanila. Kanina pa sila nagsisisihan.

“Eh kasi naman Kenneth ehhh! Inaapi niya ang Rima Bear ko! Alam mo ba na hindi na siya nag-isip pa at hinarang nalang yung taser! Ano ka baaaa!” T____T

“Alam mo, TASER nga lang yun diba? Tsaka maton naman yang naglalakad na bangs na yan kaya wala yan sa kanya.” Sagot na naman ni Skyler. Minsan talaga, napaka-walang puso ng lalaking toh.

“Kahit naaaa. Uwaaa. Lagot ka saken pag may nangyaring masama sa kanya!” sabay taas ng sleeves niya.

“Hahaha. Asa. Ako sasaktan mo? Alam mo nakachamba ka lang saken nun!”

Namula naman si Charlie sa galit. “Hangsama sama mooo!” (/>3<)/~

Hinawakan ko nalang sa braso si Charlie kasi talagang susugurin niya si Skyler na tawa lang ng tawa. Haaay. Mga pasaway.

“Kenneth naman eh! Let me goooo!!” >_<

“Hindi! Wag mo ng patulan ang abnormal!” =__=

“H-Hoy! Hindi ako abnormal haaa?!” sabat ni Skyler. “Yan nga ang abnormal eh! Isip bata! Tss.”

“Uwaaaa. Kenneth~” TT__TT

Charlie breaks down and cries. Sanay na ako sa kanya. At syempre alam kong paboritong hobby ni Skyler ang paiyakin ang kawawang si Charlie.

Lumapit na si Skyler, mukhang makikipagbati na. “Tayo na dyan.” Sabay abot niya ng kamay.

Umiwas si Charlie ng tingin at tumalikod. “Ayaw.” /pouts.

“Dali na Charlie. Tayo na.”

(A/N: HAHAHA. TAYO NA? Ang awkward. “TAYO NA”, parang sila na ni Skyler at Charlie. Asdfghjkl.)

Bago pa man tumayo ng mag-isa si Charlie, lumabas na ng Clinic si Rima kasama si Chief. Mukhang okay na siya.

“RIMA BEAR! *__*” sabay takbo ni Charlie at yakap kay Rima.

“Ahehe. Charlie, okay na ako.”

“Alam mo ba nag-alala ako sayo! Tapos yang salbaheng Skyler na yan,” sabay harap kay Skyler, “ni hindi man lang natakot na baka kung anong nangyaring masama sayo.” Sabi niya habang nakayakap parin kay Rima.

“Okay lang. May KARMA naman eh.” ^____^v

“Hahahaha. Tomooo.” Charlie agreed.

***

Pauwi na kami at ng ipakita ni Rima ang sugat na nakuha niya dahil sa taser, medyo nasunog ang balat nito sa electric shock. Pero wala naming iba pang nangyari. Sabay umuwi si Rima at Skyler. Si Charlie naman ay inihatid ko muna sa bahay nila.

DEMONTEVERDE MANSION. 0304 HR

“Mukhang ginabi yata kayo.” Bati saken ni Jullian, yung butler ng bahay. “Gusto niyo po ba ng maiinom?”

“No thanks. Please leave.” Sabi ko sabay alis naman niya sa kwarto.

Dumiretcho na ako sa isang part ng kwarto ko na medyo tago. Hindi ko ito pinapabuksan kahit kanino. Going inside, all you see is corpse. Kaya nga nakaisolate siya sa kwarto ko.

Mouhahaha.

Corpse. Ibig sabihin, patay na tao. Dead body. Not just one, DEAD BODIES. Blood, flesh, organs. Mouhahaha. Hindi ko na kailangan ng kape para magising. Papasok lang ako sa kwarto na toh at buhay na ang dugo ko. OuO

Wag kayong matakot saken. I’m not a psycho. Killing people and storing their bodies. Haha!

Forensic Science ang kinuha kong course remember? XD Gotcha!

Kailangan ko talagang magpalagay ng morgue sa tabi ng kwarto ko. Nililinis din naman nila after kong mag hands on. Kailangan ko lang kasing matutunan yun para sa subjects kong Blood Pattern Analysis at Ballistics eh. Yung corpse dito eh biktima ng gunshot. I need to find evidences na magpapatunay kung totoong suicide ang ginawa niya ayon sa report ng pulis or may foul play. Tapos ko ng i-examine. Firearm examination nalang. Pag nagmatch ang gun powder na nakuha sa crime scene at ang gun powder na nakuha ko sa biktima then gagawa ako ng report.

Studying Forensic Science, you can have the capability to analyze, scientifically examine and collect evidences that can be used in court. Oh diba? Ansabe ng course ko. XD

Mukhang di na naman ako makakatulog nito. Kailangan ko pang matapos toh. Haaaay. =__=”

Kinuha ko na ang gloves ko at nagsimula na.

Esburgh University. 0807 HR

*yawns~

Nakakapagod. Natapos ko nga yung report ko, naipasa ko at medyo mataas yung grade na binigay saken pero wala naman akong tulog. =__= Katamad.

“Pre! Magpapractice ka ba?” tanong nitong si Paul na kasama ko sa varsity.

“Hindi muna pre. Pass muna.” Sagot ko. Kagabi lang natapos yung unang operation namin. Pwedeng break muna? Stressed na ako.

“Okay. Sabi mo yan eh.” Umalis na si Paul at dumiretcho ako sa rooftop.

(A/N: Pansin ko, sa lahat ng nababasa kong story sa Wattpad, hindi pwedeng walang ROOFTOP. Ano bang meron sa rooftop? Hmm..)

Humiga ako dun at natulog. I think I’ll skip the rest of my classes. I need some sleep.

Toink. Toink. Toink.

“Kenneth!” :O

“Hmmm?” ayaw ko pang tumayo. =__=

“Oyy. Kenneth!!”

“Go away~” I shrugged. Tapos binaling ko yung katawan ko sa kabilang side.

“KENNEEEEEETH!” O___O

Napatayo ako sa pagsigaw niya sa tenga ko.

“Hoy. Charlie. Manahimik ka nga. Istorbo ka.”

“Eh kasi naman eh. 3pm na po. Magpapasama sana ako sayo kasi hindi daw ako masusundo ng driver ko!”

“Eh? Ginawa mo pa akong driver.” Angal ko, sabay tayo at ayos ng buhok. Walang hiya talaga tong isang toh. Ayaw pa kasing kumuha ng lisensya niya para hindi na ako inaabala.

“Samahan mo ako kay Rima Bear.” *__*

Bigla nalang tumabi saken tong si Charlie at niyakap yung braso ko. Ano naman kayang gagawin niya sa school nila Rima? “Bat ka pupunta ng Gilmore College?”

“Ehh! Gusto ko lang yayain si Rima Bear na kumain sa labas.”

Kinuha ko ang bag ko at binuksan ang pintuan ng rooftop. “Gusto mo lang bumawi sa kanya eh.”

“Yun nga yon! Nag-aalala din ako sa sugat niya sa likod.” Mukhang napalapit na ng husto si Charlie kay Rima. Sa totoo lang, hindi mahirap makisama sa kanya. Natural lang kasi siya at walang halong arte.

“Okay fine. Sasamahan kita.”

“Sana nga lang wag kang dumugin dun.” Biglang sabi ni Charlie.

Gilmore College. 0345 HR

“Uwaaaaaa! Fafa Kenneth!”

“Mga bakla! Andito si Fafa Kenneth Demonteverde sa campus! Arms sideward!!!”

“Hindi nga? Errmhagawd!”

=_____=

“Kasalanan mo toh Charlie.” Ang sarap batukan nitong isang toh eh. Tama ba naming isigaw sa guard ang pangalan ko. Powtekz.

“S-Sorry na talaga Ken. Ahe-he-he!” ^___^”v

“Lagot ka saken mamaya!” bulong ko sa kanya.

Naku po. A huge wave of fan girls ~ X___X Ano ba naman toh, hindi naman ako gwapo eh. Talagang Varsity lang. Sana naman kasi sa labas na lang kami nag-antay.

“P-Pano ba natin mahahanap si Rima Bear kung ang dami mong fan girls Kenneth!” >_<

“Solve that for yourself! Tss.” Nababadtrip na ako eh. Gusto ko ng umalis dito.

Nakita ko naming nakalabas na sa kumpulang tao si Charlie at tumakbo palayo. Anak ng towfu~

“O-Oyy! C-Charlie!! San ka pupunta! Oyyy!!” tawag ko sa kanya pero hindi na siya lumingon. Ano toh? Laglagan? Iwanan?! Wow.

“P-Pwede baa. Padaanin niyo ako p-please!” I pleaded pero mukhang bingi ang mga tao dito. +___+

O_________O

*croo*

*croo*

T-Teka?

B-Bat bigla silang tumahimik at parang h-hindi nagalaw? W-What’s going on?!

“N-Naku po.”

“Mukhang nagalit si Pres satin~ >_<” *takip ng mukha*

“S-Sino?” tanong ko sa mga babae. Pero walang nasagot, lahat ng expressions nila, takot at parang nanginginig.

“TELL ME WHO’S RESPONSIBLE FOR THIS HAVOC, NOW!”

*bad aura* ~

*bad aura* ~

*bad aura* ~

O___O

“P-Presss.” Lapit nung isang babae, habang nanginginig ang tuhod. “Si a-ano po. Si K-Kenneth Demonteverde po.”

Bigla nalang nagtama ang mga mata namin. Mukhang masungit ang babaeng toh. At parang president pa ng isang org sa school ni Rima. Yung likod niya parang may black aura na lumalabas. At yung nanggigil niyang ngipin, parang mala-piranang ewan. -____- Natatakot kayo sa isang babaeng pirana? Oh come on.

Lumapit siya saken at biglang hinawakan ako sa collar ko. Nakakatakot nga siya sa malapitan.

“Hoy! Ikaw! Hindi ba taga-Esburgh ka? How come napunta ka dito sa Gilmore! Trespasser!”

“Hoy. Excuse me Miss. Masama bang pumunta sa school niyo?”

“When you can cause such uproar scene here, then yes, MASAMA!” mataray niyang sagot.

Napa-smirk nalang ako. Napakataray naman yata nito. “Ganun ba?” I’m really not that kind of a jerk, so I’m quite challenged of how to handle girls like this. “I apologized.”

May isang babae na lumapit sa kanya at may binulong, “President, varsity player kasi siya sa Esburgh kaya madaming fans.”

Tumalikod lang siya, “Follow me.”

(?___?)7 Is she talking to me?

“Kuya Kenneth, s-sumunod daw po kayo.” Sabi saken nung babaeng bumulong sa masungit na babae.

“Ahh. Ganun ba? Okay.” Sinundan ko naman agad siya. Mukhang nag-calm down na siya. Nawala na yung bad aura niya eh. Pero, bat pa niya ako papuntahin sa kung saan? Kelangan ko pang hanapin si Charlie. =_=

College Disciplinary Office.

O__O

“H-Hey, you! Crazy girl! San mo ko dadalhin?” tawag ko sa kanya.

“Sinong may sabi sayong tawagin mo akong CRAZY? Kilala mo ba kung sino ako?!” Ayan na naman, galit na naman siya. Psssh. =_=

“Malamang hindi. Eh di dapat I should’ve called your name right?”

“Wala ka na nga sa teritoryo mo, nagagawa mo pang maging bastos.” Tumalikod siya at binuksan ang pinto. “Pumasok ka dito!”

“Hey! Hindi ako papasok diyan noh.”

“At bakit hindi?”

“Walang tao. Baka ma-rape mo ako.” -___-

>____<

Namumula na siya sa galit. “HOY HOY HOY! Hindi ka naman ka-rape rape eh! Tignan mo nga yang katawan mo!” tinignan niya ako from head to foot.

“Oh?” tanong ko. Ka rape rape kaya ang katawan ko noh. Akala niya.

“Oh ka din! Akala mo naman dyan! Hindi kita type! Bibigyan lang kita ng penalty slip!” sabay pasok niya sa loob ng office.

“P-Penalty slip? What are you talking about? Hindi ako taga-Gilmore para bigyan mo niyan! Crazy girl ka talaga!” reklamo ko, pumasok na din ako para maipagtanggol ko ang side ko. Hindi yata toh makatarungan oy.

Nagsimula na siyang magsulat. “Assistant ka ng office na toh for 2 weeks dahil sa ginawa mong commotions!” sabay hugot niya ng papel at bigay saken.

“No way.” =_=

“Yeah way, Mr. Demonteverde. You are under my orders. Pag nandito ka sa teritoryo ko, you have to face my rules, my punishments, my law!”

“You have got to be kidding me?”

“I’m serious. You’ll start tomorrow. Give me your class schedules. Mas importante parin ang pag-aaral pero, this time kailangan mo din intindihin ang Disciplinary Office ng Gilmore.”

Umupo na siya sa table. Dun ko lang napansin na maganda sana siya kung hindi nga lang siya mataray at halimaw kung magbigay ng punishments. Tumungo ako at pinatong ang kamay ko sa table niya.

“H-Hey! Don’t lean on the table, mababasa-“

Pinunasan ko yung pawis sa ilong niya. “Selosa ka noh?”

O___O

>////////<

“What on earth are you doing!!” nagsimula na naman niya akong sigawan. “Ang manyak manyak mo! Arrgghhh!” sabay tulak saken para umalis sa pagkaka-lean ko sa table niya.

Bumitaw na ako sa table at kinuha ang penalty slip. “Punasan mo nga yang pawis mo, Miss President.” Inabot ko na din sa kanya yung panyo ko.

“Che!”

“Ang taray mo talaga.” =_=

“Ano bang paki mo!”

“Kaya mo ba kelangan ng assistant kasi lahat ng staff at members ng council niyo ay takot sayo?” napa-smirk ako kasi nakita kong nagulat siya sa sinabi ko.

“H-Hindi ah!”

“Haaay. Miss President, dapat kasi hindi ka masungit! Na parang kakainin mo ang mga members mo.” Tumalikod na ako at naglakad papunta sa pinto.

“H-Hoy!”

“Hmm?” lumingon ako.

“P-Pumunta ka bukas! Or else you’re dead!” banta niya saken.

“Okay.” Sabay kindat ko sa kanya.

Lumabas na ako ng office niya at halos lahat ng tao ay nakaabang saken.

*croo*

*croo*

*croo-

“KENNETH!!!!!!!!!!!!!!” pabaklang sigaw ni Charlie. Tumatakbo siya papalapit.

“Tara na?” yaya ko. Ang dami ng nangyari dito, at kung ako ang tatanungin, ayoko ng madagdagan pa.

Nagtataka man at parang may gusto pang itanong si Charlie, tumango na lang ito. “O-Okay. Sabi mo eh.” Sabay bulong niya saken, “nasa kotse na si Rima at yung bestfriend niya. Hihi.”

Naglakad na kami sa parking lot ng Gilmore College. Mukhang natagalan pa tuloy ang pagsundo kay Rima. Haaaay. At mukhang mapapadalas pa yata ako dito.

“Ahhh. Tsk. Sayang!”

“Huh? Anong saying Kenneth? May nakalimutan ka?” O_O

Nakalimutan kong itanong ang pangalan niya.

“Wala. Tara na.”

------------------------------------------

A/N: Wahahaha. Nga pala, Vote daw kayo at comment. Pugeeee. XD Hahaha. Si Kenneth yung nasa gilid? Wala pa yung partner niya. Halaaa. Ayan spoiler much. >_< Hahaha. Hampogeee. :))))

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top