Case 63: Skyler's Decision
Case 63: Skyler’s Decision
Skyler’s POV
Elizalde Mansion. 0712 HR.
Tumawag saken kanina si Gab, sabi niya may sasabihin daw siyang importante, yun pala, magpapatulong lang saken sa pagpili ng damit na susuotin niya sa favorite niyang talk show sa TV. Guest kasi siya dun.
“Well, what do you think Skyler?” sabi nito paglabas ng walk-in closet niya.
I sighed. “Gab, I told you, lahat ng damit bagay sayo.” =_=
Nagpout siya saken, “Nakakainis ka na ha. Bat si Rima? Sabi nila Kenneth, ikaw daw ang pumili ng damit niya sa Expo? WHY NOT PICK ME A DRESS TOO?” nagtatantrums na naman ang isang toh. *sigh*
Tumayo ako at lumapit sa kanya. “Gab, you’re pretty, you are famous, and you have designer clothes all your life. Don’t tell me you forgot how to dress up?” I said habang hawak yung mga balikat niya.
She’s still pouting. Ugh. =_=
“You like her so much Skyler. I’m starting to get jealous.”
I smiled and hugged her. “Gabriella, just get dress already so I can go home. I’ll still pick up Nana after this kasi dun siya matutulog sa apartment.”
Tinulak niya ako dahilan para mabitawan ko ang pagkakahawak ko sa mga balikat niya.
“I said I’m jealous.” she said while stomping her foot.
“I know. Ang pogi ko kasi eh.” sabi ko tapos inaalo ko siya pagpadyak pa lalo ng paa. Parang bata, pssh.
“Ganun mo ba siya kagusto na kahit halos magwala ka na sa galit ng makita mo si Tito Sef eh napakalma ka niya ng ganun kabilis? Ha Sky?”
Natigilan ako sa sinabi niya. “Y-You saw us?” tanong ko.
She crossed her arms and raised her eyebrows. “Oo, sa may parking lot. I was waiting for a kissing scene but walang nangyari. Nakakadisappoint.” she said sarcastically but she’s smiling.
Tumalikod na ako at kinuha ko yung phone ko na nakapatong sa center table.
“Pinapunta mo ako dito para lang asarin ako? How annoying.” sabi ko.
“Hey Sky…” tawag nito saken.
Paglingon ko papalapit siya saken at parang nang-aakit yung mga mata niya. Her hands directly occupied the back of my neck. Nag-tip toe pa siya para mayakap ako.
O//////////O
“I think I’m too late. You like someone else na. Sayang naman.” she whispered.
“W-What are you talking about?!” nauutal na ako sa sobrang kaba. SHET. =_=
Bumitaw siya at nagpaikot ikot na parang baliw na ballerina. “WALA! LALALALA~ Umalis ka na bago pa magbago ang isip ko at ma-rape pa kita.” sabi nito saka siya kumindat bago pumasok sa walk in closet.
“Hay, baliw ka talaga. Una na ako.” sigaw ko para marinig niya sa loob.
“I’ll be flying back to New York tomorrow.” she said.
O___O
“What? Why so early? Akala ko ba—“
Lumabas siya sa walk-in closet pero ulo lang niya ang kita. “Ikaw lang naman ang pinunta ko dito eh, so since wala na akong pag-asa sayo, what’s the point in staying, hindi ba?” she chuckled and bit her lower lip.
Pumasok ulit siya at ako naman, naiwan dun na natulala sa narinig ko.
She came here for me?
=_____=
Bading ba ako? Skyler, pigilan mo kaya siya, ANG BOBO MO EH.
“Aissssssh.” napakamot nalang ako sa ulo. “Ingat ka sa flight mo Gab.” sabi ko nalang.
“YEAHHHHH!” narinig kong sumagot siya sa loob.
***
“Kuya? Is everything alright? Why you so tahimik?” tanong saken ni Nana habang nasa kotse kami pauwi ng apartment.
“Wala. Pagod lang ako.” sagot ko nalang.
Medyo lumulutang talaga yung isip ko ngayon. Bakit ba hindi ko siya pinigilan? Kasi yun yung dapat kong ginawa, kasi hindi ba Skyler, first crush mo si Gab? First love mo nga yata yun eh. AT BUMALIK SIYA SAYO. PARA SAYO. FOR THE FREAKING YOU. FOR THE FREAKING ME? PARA SAKEN. ARGH.
“Waaaaa. Kuya, stop lip biting. NAAAKIT AKO.” >__<
“Will you shut up Nana, at anong naaakit ka dyan? Ang bata mo pa para magsalita ng ganyan ha!” sabi ko sa kanya. Istorbo naman tong insekto na toh. =_=
“Oo, sa may parking lot. I was waiting for a kissing scene but walang nangyari. Nakakadisappoint.”
Bat nga ba ako biglang naging kalmado? Eh dapat nga mas lalong uminit yung ulo ko dahil sa pasaway na babae na yun? Actually, dapat hanggang ngayon eh nagmumukmok pa ako sa apartment at ayaw kong kumausap ng kahit sino. But I preferred to meet up with Gab, at pumayag pa akong matulog si Nana sa apartment. AT PARANG WALANG NANGYARI? =_=
“Alam mo… wala namang masama kung ipakita mo saken na malungkot ka eh. Stop acting so tough about things Skyler…”
“It’s okay Skyler… sometimes you have to let your guards down. Walang masama, ako lang ang makakakita. And as far as if you’re concern, hindi ko i-yu-Youtube ang pag-iyak mo.”
“Even the strongest man falls. I know how you tried to stay strong not only for you but for you Mom and for Nana as well. Nawala yung Dad mo, that’s such a big responsibility to you. Ikaw yung kinukunan nila ng lakas at ng protection. I know how tiring is that Sky.”
Rima and Gabriella, they are different—
“Kuya, may problema ka ba?” tanong ulit ni Nana.
I smiled. “Wala Nana. I’m just tired.” sabi ko.
“Nandyan bas a apartment si Ate Rima?” tanong niya saken.
I nodded as a reply.
“Can I sleep sa kwarto niya?”
“Ayaw mong tumabi saken?”
“AYAW.” =___=
(>____>)
Ang prangka talaga ng insekto na toh eh. Ang sabi niya saken, ayaw niya daw ng may katabing lalaki at nababanas daw yung feeling niya. Siguro masyado lang akong HOT kaya ganun. =_=
MANANG ASON’S APARTMENT. 0923 HR.
Naabutan namin si Rima na nanunuod ng TV sa may living room. Biglang talon naman sa sofa si Nana at nagharutan na yung dalawa.
“I missed you Nana!”
“I missed you more Ate Rima!” ^__^
And they cuddle while watching TV, nakakainis talaga. Ako dapat yun eh. DE JOKE LANG. =_=
“Nana, magbibihis lang ako saglit ha.” paalam ko.
“Whatever Kuya. Go away.” sabi ba naman sakin at may ‘shuupi’ gesture pa.
(=____=)#
Umakyat muna ako at nagpalit, pagkatapos nun, inasikaso ko na yung laptop ko since may mga pinapagawa pala saken reports si Chief dahil na din sa pag abort namin ni Rima ng mission. Compensation kung baga.
After siguro ng isang oras, may kumatok sa pinto. Si Nana toh, kukunin siguro yung pajama niya.
*CLAK*
“Hi.” nagulat ako kasi si Rima pala yung kumatok.
Nagkusot tuloy ako ng mata, baka kasi nananaginip lang ako. Mukha kasi siya maganda, o sadyang nababad lang yung mata ko sa screen ng laptop?
“Oh? Asan si Nana?” tanong ko.
“Nakatulog siya sa sala. Napagod siguro sa biyahe niya.” sabi nito.
Pinatay ko muna yung ilaw ng kwarto ko at lumabas para buhatin si Nana papunta sa kwarto ko. Nagmamadali akong naglakad papunta sa hagdan ng maramdaman kong may humihila sa baba ng t-shirt ko.
“H-Huh? Hoy, anong problema?” tanong ko dito. Nakahawak siya sa laylayan ng t-shirt ko at nakatungo na parang ewan. =_=
“P-Pwede ka bang makausap?”
Kumunot yung noo ko. GUSTO NIYA AKONG MAKAUSAP? =_=
“Tungkol saan naman?” tanong ko.
Bat parang in demand ako sa mga chicks ngayon? HAHAHAHA. Hindi, sanay na naman ako kaya lang, kung pati si Rima eh magcoconfess saken, aba, himala yata yun diba? XD
“Tungkol sa PAPA mo…”
*insert kidlat sfx here*
“What?” humarap na ako sa kanya ng tuluyan at binitawan niya ang pagkakahawak sa damit ko. Agad naman niyang hinarangan ang mukha ng mga braso na akala mo eh sasaktan ko siya. =_=
“PLEASE DON’T EAT ME ALIVEEEEE. HUHUHUHUHU.” takot na takot niyang sabi. Ang weird niya talaga.
“Will you talk to me in a normal way?” sabi ko.
Dahan dahan naman niyang binaba ang braso at naiilang pang tumingin saken.
(>___>) ~ ~ (=____=#)
“Uhhmm… mukha na ba tong normal ha Skyler?” sabi niya.
I sighed out my frustrations. “Yes. Now tell me what are you talking about him.” I said.
(?____?)7
Nagkamot siya ng ulo. “HIM? SINO?” Argh. Bopols talaga. =_=
“About Stephen’s Dad you PABO!” sabi ko.
She chuckled. “Haha, baka you mean, YOUR DAD.” she corrected me.
“TCH.” I said then look away.
“Sky?”
“Ano?”
“Bat ayaw mong kausapin ang Dad mo? He seems nice naman ah.”
“He is nice. But I hate him.”
“Pero kahit anong gawin mo TATAY MO YUN. Tatay niyong dalawa ni Nana.” sabi niya.
“Bat mo ba toh sinasabi ngayon ha? What happened last night was a stupid joke. None of it really matters, kahit pa makita ko siya o hindi kagabi walang magbabago.”
She looked straight in my eyes. Parang pinipigilan niyang magalit dahilan para magblow fish face siya. Lalo tuloy lumobo yung pisngi niya.
“You are so stubborn Skyler. Talk to your Dad now!” sabi nito at nakapamewang pa.
“No.”
“You have to talk to him Skyler.”
“Why? What’s the point? Iniwan na niya kami!”
“Ikaw na yung nagsabi na your Mom and Dad weren’t in good terms nung makilala ng Dad mo yung Mom ni Stephen, so I guess, he just found someone who he can rely on and—“
“So kailangan niyang talikuran ang pagiging ama niya samin? Dahil lang dun?”
“Your Dad still helps your Mom. Nagkaayos naman sila after the divorce—“
“I LOOK UP TO HIM SO MUCH RIMA. SO MUCH THAT I WAS SO DISAPPOINTED OF THIS. OF WHAT HAPPENED WITH OUR FAMILY. I WAS LOOKING FORWARD TO NANA SEEING AND EXPERIENCING HOW THE PERFECT FAMILY I HAD. PERO WALA SIYANG NAABUTAN…”
I felt something warm at the side of my eyes.
“I know how you feel Sky. I had a perfect family too. Alam ko kung paano mangarap na sana hindi na matapos tong masayang pagsasama namin ng Mom at Dad ko. And when they died, I feel dead too. Wala akong maramdaman, wala akong matanggap sa mga nangyari…
But you know what, nakakapagod malungkot eh. Nakakapagod magalit. I found myself, trying to tape the teared pieces of my life. Kaya nga I can’t just let the RIMA ORTIZ leave just because REEMA DANIELLE ANDRADE DELA VEGA has returned after knowing the true story…
Kasi, for once, I’ve learned to make up my own name. My own story… don’t be trapped in the past. Masasaktan ka lang. Learn to accept the fact na, your Dad is living the life he has right now. Maybe not with you and Nana, but kung patuloy sila ng Mom mo na magsasama just because of the marriage, mas magiging complicated ito. They’ll both fight, na kahit magstay silang dalawa, hindi na din maabutan ni Nana ang PERFECT FAMILY na gusto mo.”
Nagflashback sa isip ko ang mga times na madalas akong magising ng hatinggabi dahil sa may naririnig akong sigawan sa baba. Mga nababasag na vases…
“Mom? Dad? Are you fighting?”
Natigilan silang dalawa. At umakbay si Dad kay Mom.
“No Sky. We’re not fighting.” ^___^
“Sky… you have to move on. There’s no such thing as a PERFECT FAMILY. What makes it perfect is the love you have for each other.”
Namumuo na talaga yung tubig sa mata ko. I gasp hoping I can filter them out. Pero mas lalo kong gusting umiyak nung yakapin ako ni Rima.
Ako lagi ang tissue niya pag gusto niyang umiyak noon.
He constantly rubs my back, naiiyak ako pero natatawa at the same time. Pinapatahan niya kasi ako eh hindi pa naman ako naiyak.
“Tapos ka na bang umiyak at magpaka-gay Sky?”
“No. I did not cry.”
She laughed pero mahina lang. I kissed her hair, sana hindi niya naramdaman. I suddenly felt the urge to kiss her. I find this girl an angel simula ng makilala ko siya. She can really control my anger…
Gab was right…
“Kuya? Where’s our Dad?”
(O___________O)
Napatalon kaming dalawa ni Rima mula sa pagkakayakap ng marinig ko ang maliit na boses ng insekto kong kapatid.
“W-What are you doing here?! Aren’t you supposed to be somewhere else???!” I said na halatang nagulat sa bigla niyang pagsulpot.
“I was here kanina pa. I can’t just spoil the moment. Kinikilig ako ng super duper ultra mega voltes 5 ever sa kiliggggg.” she said while jumping up and down.
“Stop it Nana.” sabi ni Rima at tinulak ako. “May sasabihin ang Kuya mo.” sabi nito.
Pinandilatan ko siya ng mata, wala pa kasi akong balak na sabihin yun kay Nana, yung tungkol kay—I mean about our Dad. =_=
“I heard it. So, you know where Dad is?” casual na sabi nito.
“Yeah.” sinabayan ko na ang pagiging casual niya. “Rima wants me to talk to your Dad—I mean, our Dad. But I don’t know why.” sabi ko.
“Can I come?”
“No.”
“YES SHE WILL SKY.” sabat ni Rima.
“But she’s too young to—“
“Matanda na yan, maniwala ka saken. Mas matanda pa yan sa mga namatay na Pope! Maniwala ka saken Skyler. Reincarnation yan ng isang matandang medical aid nung World War 1.” sabi ni Rima.
(=______=)?
“Aish. Hindi nga sabi.”
“Behave lang ako dun Kuya, promiseeee~” *A* at nagpuppy eyes siya.
I rolled my eyes and sighed.
“Well?” sabay pang tanong nung dalawa, na ngayon ay parehong nagpa-puppy eyes sa harap ko.
“OKAY FINE. PUPUNTA NA AKO KASAMA YANG INSEKTO NA YAN.” =___=
Nagtatalon naman sa tuwa ang dalawa. “Thank you Skyler!” nagulat ako ng yakapin ako ni Rima at maramdaman kong kumapit sa binti ko ang unano kong kapatid.
“Will the two of you get off me!!! FREAKS!!!”
(>_________<)
*************************
UPDATED.
Salamat sa 10k. Apaw apaw na thank you! Oy, namimiss ko na yung mga dating nagcocomment dito. Nasaan na ba kayo? :( Nagvovote nalang yung iba eh. Hindi naman ako nahingi ng votes, mas gusto ko ng comments. HUHUHUHU. Hindi ako demanding ha. Namimiss ko lang talaga yung ibang nakakakulitan ko dati. XD PERO OKAY LANG. HAHAHAHAHA. Kakausapin ko nalang yung pader. XD CHERET! Good luck sa mga finals niyo! FIGHTING! ♥
RIMA WITH DOGS. CUTE. ♥
Vote COMMENT and Fan if you peg~ ♥♥♥
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top