Case 5: New look
Charlie’s POV
Wow. May POV din ako! Hahahaha.
Ay. Mali. Dapat pala malungkot ako. At galit kay Skyler.
Arrrr.
=_______=
Hindi ako bagay maging bugnutin eh. Hehehe. Pero kahit ako nabigla sa ginawa ko kanina. Sinuntok ko si Skyler sa mukha. Akala ko hindi ko siya masusuntok eh. Parang pangarap lang. Idol ko kasi siya pagdating sa pagiging astig. Lampa kasi ako. Wahaha.
“Hmm. Mukhang okay ka na kahit papano.” Sabi bigla ni Kenneth. Hinabol niya ako at pinatahan sa kakaiyak. Hahaha. Bromance.
^_____^ Joke lang.
Parang kuya ko na silang dalawa ni Skyler. Kaya walang bromance na naganap. Tsaka mukhang kampi naman saken si Kenneth, sumusobra na kasi talaga yung ugali ni Skyler pagdating sa Rima my loves ko eh. OA na masyado. Psssh.
Tapos sabihan niya ba naman si Rima na nakikipag-flirt kay Stephen Lim. Wow lang ah. Grabe. Naawa ako kay Rima. She’s really trying her best to fit in since siya lang yung babae sa team. Alam ko mahirap yun at based na din sa ugali niya, alam kong ayaw niyang maging pabigat samen.
“Oo nga eh.” Sagot ko sakanya. Masyado ng humahaba ang narration ko.
“Ang galling ng combo punch mo dun ah. I wasn’t expecting that from you.”
*______*
“TALAGA KENNETH???” Ang saya naman. Nabati niya yung suntok ko. Madalas kasi sasabihan niya ako na ang lamya daw ng suntok ko. Babading-bading daw akong sumuntok. Kesyo mahina, kulang sa pwersa, mali ang angle, masyadong plain, walang dating.
Pero ngayon.
“Oo naman. Natamaan mo nga si Skyler eh.” Dagdag niya habang nakangiti siya at nakatingin lang sa harap habang nagdadrive.
***RING***
Huh? Sino naman kayang tatawag saken ng ganitong or—
***Skyler Calling~
“Uwaaaa. Kenneth!!”
T_______T
“Ano ba naman yan Charlie. Para kang fan girl dyan. Sagutin mo kaya!”
“Eh diba dapat galit parin ako sa kanya. Ikaw nalang kaya ang kumausap muna. Baka lalo siyang magalit saken kasi sinuntok ko siya.” Bigla nalang akong kinabahan. Bading na kung bading. Eh sa takot ako kay Skyler eh. Lalo na pag galit siya.
Kinuha ni Kenneth ang phone ko.
“Sky. Si Kenneth to.”
“Give the phone to Charlie. Nagdadrive ka pa yata.”
Biglang inabot ni Kenneth saken yung phone.
O_____O
“K-Kenneth!!” Galit at pabulong kong sabi.
“I’m driving! Baka mahuli tayo. He’s not mad.” Sabi niya, sabay abot ng phone ko.
Nanginginig kong kinuha yung phone kay Kenneth. *GULP*
“I’m sorry Charlie.”
O_________O
>//////////<
Hala. Bat parang namula yata ako. Ang bakla ko talaga. Kinikilig ako sa boses ni Skyler. Uwaaaaa. Dad, Mom. Lalaki ako haa. Believe me. Malakas lang ang appeal nitong si Skyler eh. At nahihiya din ako sa pagsuntok sa kanya kanina.
“S-Skyler. O-Okay l-lang. Sorry d-din.” I was trembling. I was so shy.
“I’ll apologize to her. Sorry talaga.”
Awww. Sana nga mag-sorry siya kay Rima Bear ko. Pinaiyak niya paman din siya. Hmp. Dapat pala nasusuntok ko lagi to para tumino eh. ^____^
“Okay. Basta magsosorry ka na, ayos na saken yun!”
Narinig ko na tumawa siya ng konti. “Lumalakas na suntok mo ah.”
*_______*
“Galit lang ako nun!”
“Pahumble ka pa.”
Ganito lang talaga kami mag-away. Parang magsyota. Hahahahaha. Well, pauwi na kami at mukhang magkikita naman sila ni Rima Bear ko sa apartment since parehas lang ang tinutuluyan nilang dalawa. Hooray! Sana pagkatapos nito, bakbakan na ang susunod kong POV at hindi nalang puro kabaklaan. HAHAHAHA. XD
Amy Lyn’s POV
Villena Mansion 0748 HR
Ang behavior ng tao ay napaka-interesting. Masarap silang obserbahan at hulaan ang mga susunod nilang gagawin. Studying Psychology for almost two months gives me more reason to stay anti-social at maging kuntento sa pag-observe sa mga kilos nila at pag-uugali.
Nandito ako sa veranda at nagrereview lang ng lessons. Tinawagan ko si Skyler kanina kasi hinahanap siya ni Dad. Mukhang may pag-uusapan na naman sila. Kahit kasama ko na si Sky buong araw, naeexcite parin ako sa tuwing makikita ko siya.
Si Skyler Abalos ang aking first love.
Siguro alam niya naman na yun. Pinaparamdam ko kasing special siya saken. At alam kong umiiwas siya sa tuwing magpapakita ako ng motive. Haha. Kakaiba talaga siya eh. Napaka-gentleman niya at sobrang sweet. Sa ibang babae sa school na halos mamatay na sa inggit, natatawa nalang ako. Yung iba kasi, nagkukunwari pang “FAN” naming dalawa. Pero yun pala HATER.
Naalala ko isang beses, may isang Anika na lumapit saken, at nakipagkaibigan. Akala ko, true friend siya. Muntik niya na akong maloko nun. Buti nalang at nakabantay saken si Skyler kahit nasa High School Department pa ako. Gusto pala akong siraan nung Anika dahil gusto niya si Skyler.
Oo. Aaminin ko na sinadya kong piliin si Skyler bilang bodyguard ko para lagi ko siya kasama. Pero hindi ko gustong magalit sila saken ng ganun. Hindi ko pinagdadamot si Skyler.
“Miss Amy.” Dumating na pala si Skyler, hindi ko man lang naramdaman na dumaan siya.
^______^
Ang cute niya pa ding ngumiti. Nakakawala ng stress. Naalala ko na yang smile na yan ang dahilan kung baket sobrang inlove ako sa kanya ngayon.
“Hinahanap ka ni Dad. T-Tapos na ba yung meeting niyo?” Nag-aalangan pa nga akong tumawag dahil alam ko nasa meeting siya. Minsan pa naman, kahit nasa meeting sila eh umaalis siya dun pag tinawagan ko siya. Yun ang kwento saken ni Charlie.
“Tapos na. Anong ginagawa mo?” sabay tingin niya sa mga notes ko.
>//////////<
“P-Panget sulat ko dyaaan!” sabay hila ko ng mga notes ko. Uwaaa. Dictation notes ko yun. Puro jot down lang at mabilisan. Yung tipong doctor font? Nakakahiya.
“Hahaha. Ano ka ba naman Miss Amy. Okay lang.” Palibhasa maganda sulat mo kahit lalaki ka!
\(>3 <\)”
“Ayyy. Patingin ako!!” hinihila niya yung notebook ko! Ano ba Sky!! Spare my penmanship oh!!
Wala din. Mas malakas siya saken, tapos hinawakan niya pa yung kamay ko. Wala na talaga.
Umupo siya sa sahig kung saan ako nakaupo at binuklat ang notebook ko. “Nababasa ko naman ah! Ikaw talaga.” Sabay kurot niya sa ilong ko.
“Eh kasi. Mas… Mas maganda parin yung sulat mo saken eh.”
=________= Totoo yun.
“Eh? Ano toh? A-L-V-S-A? Kasama ba to sa lessons niyo?”
?_______ ?
>/////////////<
UWAAAAAA!!
“Bat nakalagay sa taas? Baka abbreviation toh at importante, dapat nakasulat sa ba—“
“AKIN NAAA!” hinigit ko na talaga sakanya. Matalino ka pa naman! Baka magets mo pa ibig sabihin niyan!!
Amy
Lyn
Villena
Skyler
Abalos
^______^
ALVSA
“A-Ahhhh. Oo. A-Ano yan. Parang ano, g-genetic disorder! Sa mga may Down Syndrome chuchu. He-he-he!!” palusot ko.
“Ah. Well, isulat mo ng maayos, baka mawala sa utak mo yan habang nagrereview ka.” Tumayo na siya at dumiretcho sa pinto. “Pupunta lang ako kay Chairman. Aral ka ng mabuti, okay?”
^___~
Amy dies.
Ang cute niya. Uwaaaa. Napatango nalang ako, Skyler naman eh. Wag kang kikindat ng ganun!!! Nakakainlove ka lalo. T___T
Sinundan ko siya sa tingin hanggang sa makapasok siya sa office ni Dad. Haaaay Skyler. Kelan ko ba mararanasan na kiligin ng walang halong disappointment, haa? Yung tipong, MAHALAGA KA SAKEN EH.. sabay dagdag niya ng, “IT’S MY JOB”. Boom. Huhuhuhu.
Kelan mo ba pe-personalin ang pag-aalala at pag-aalaga mo saken?
When will you fall in love with me, for real? </3
BUGNUTING SKYLER’S POV~
Naabutan kong nakaupo si Chairman Villena sa upuan niya habang nagbabasa siya ng libro. Kalmado lang siyang humarap saken ng maisarado ko ang pintuan ng kwarto niya. Kinakabahan ako sa kung anong importanteng sasabihin niya saken.
“Skyler. Kumusta ang TEAM?” Yun agad ang pambungad niyang tanong saken. Well, I just ruined another meeting Sir. Psssh.
=_________=
“O-Okay lang Chairman. Everything’s fine.”
“I was worried na baka hindi mo magustuhan ang idea na ito because I trained you to do things ON YOUR OWN. I’m glad na it turned out as to what I was expecting.” He chuckled and stood up. Lalo tuloy akong naging uneasy. I was the only one na ayaw ng TEAM but here I am, reporting to the Chairman how I am fine with it. Even though na may part parin sa utak ko na tumututol sa idea.
“How’s Francis?” tanong niya saken.
“He’s a great Adviser Chairman. Very professional.” Liar na ako. Sobra. San ka nakakita ng Chief Inspector na imba mag-dota. At parang tropa lang kung makipag-usap samen.
“Oww.” Biglang humarap siya saken, and his face glows. Parang may naalala siya. “Have you met Rima?”
=___________=”
“Y-Yes Chairman.” Magkasama kami kanina, and I just made her cry. Pfft.
“Isn’t she charming, noh?” Mukang gustong gusto niya si Bangs ah, base na rin sa facial expression niya. “The first time I saw her, natuwa na ako sakanya. Parang napaka-outgoing, very well trained at lovable siya.”
PWE.
“T-Talaga po?” No comment. Err.
“Oo! Akala ko ba nakita mo na siya! You should know that by now. She’s very transparent. She’s true to herself and to everyone else.” Ah talaga Chairman? Eh di pakasalan mo! Pssh. Daming alam eh. =___=
Naiinis ako. I should observe respect kaya hinayaan ko nalang siyang magsalita. Blah blah blah. Masusuka ako. Gusto ko ng lumabas ng kwarto.
“Skyler.” Nabigla ako at napatigil sa pag-iisip ng kung ano-anong masasamang traits kay Rima ng tawagin ni Chairman ang pangalan ko. Mukhang tapos na siyang mag-vent.
“Yes Chairman?”
“Your TEAM is the best TEAM I made so far. Kasi pinagsama-sama ko ang mga favorite kong agents sa isang grupo. Kung baga, parang KPOP lang. Na puro BIAS ko. So do not disappoint me, okay?”
O______O
KPOP?
BIAS?
WTF?
“O-Opo.” Parang natimang ako sa sinabing yun ni Chairman. Nasapian ata siya.
“Hahaha. Naikwento kasi ni Amy yung mga Kpop, Kpop na yan. At yung Teen Top bias niya. Ayun, nahawa tuloy ako.” Tapos tumawa ulet siya. Kaya naman pala. Kpop fan kasi si Miss Amy eh.
“Well I guess, I’ll see you around then, that’s all Skyler.” Pagkasabi niya nun ay tinapik niya ang balikat ko at umupo na ulet.
“Aalis na po ako. Thank you Chairman.” Dumiretcho ako sa pinto para buksan ng…
“Acccck!!”
Boing~ Boing~
“Ouuuuch.” TT____TT
“Miss Amy! O-Okay ka lang ba?” She was eavesdropping. Lagi naman niya yang ginagawa.
“O-Okay lang. Hehe.” Tinulungan ko pa siya tumayo, tapos bigla nalang niya akong niyakap.
O_______O
“Skyler! Galingan mo sa bago mong Team haaa?”
^__________^
Inangat niya yung ulo niya na nakasiksik sa dibdib ko. And she smiled at me. Kung ganito ba ka-sweet si Rima, hindi na ba ko magagalit sa kanya?!
O_________O
=_______=
Holy shizz. Did I just said that in my mind???
-----------------------------------------------
Manang Ason’s Apartment 0855 HR
Ginabi pa ako dahil sa hinintay ko pang makatulog si Miss Amy. At medyo napagod na ako sa dami ng mga ginawa ko Ngayon. To think na Monday na naman bukas. Wala na talaga akong pahinga.
“SKYLERRRRRRR!!!!”
(A/N: Ang pag-pronounce ni Manang Ason sa pangalan niya ay “SKAY-LER”. Yung tipong, pinoy na pinoy. The proper way to say his name with matching accent is, “SKAY-LUR” diba? Haha. K.)
“M-Manang Ason.” Nakakagulat naman tong si Manang Ason. Parang sa Horror House lang, biglang sulpot eh. Bat parang ang gulo sa first floor? Anong meron?
“Bat gabi ka na? Kanina pa kita hinihintay! Buti nalang at may natira pang pagkain para sayo. Ang dami dami kasing bisita kanina dito.” Sabay hila niya sa braso ko.
“B-Bisita ho?” di ko siya magets. “Ano hong meron dito?”
Biglang sumimangot si Manang Ason. May sinabi ba kong mali?!! O_O
“Pasalamat ka at bagong tenant ka! Hinding-hindi mo dapat makalimutan ang birthday ko next year, OKAYYY??” Ahhhhh. Kaya naman pala eh.
“Maaga kasi kayong umalis ni Rima. Halos lahat ng tenant eh bumati saken kaninang umaga tapos kayong dalawa eh may sari-sariling lakad pa.” yung boses niya, parang nagtatampo.
“Pasensya na ho Manang Ason.”
“Mabuti nalang at dumating kanina si Rima at kasama yung kaibigan niyang si Stephen ba iyon, at may dala-dalang pagkain. Sinurprise pa ako eh. Hindi ko nga siya napaalis agad kasi masyadong natuwa ako sa ginawa niya.”
“G-Ganun po ba.”
Bigla kong naalala yung nangyari kanina sa FDD. I was too annoyed kaya hindi ko na pinakinggan ang reason niya kung bat siya nalate at nagconclude nalang sa sarili ko. Eto pala ang dahilan. I feel so ashamed of my acts. I should deem her excuse or at least pinakinggan ko muna before saying ruthless things.
“May problema ba?” napatigil tuloy si Manang Ason sa paghila sa bigla kong pagiging seryoso.
“W-Wala ho. Si… Rima po ba? Nandyan na?”
“Ahh, oo. Nandun sa kwarto niya. Sabi niya mag-aaral daw siya eh. May quiz ata.”
Kailangan ko muna siyang kausapin bago ako makipag-birthday party dito kay Manang Ason. Inuusig na ako ng konsensya ko eh. (NAKANAMS. TAGALOG MUCH RPL? XD)
“Aakyat muna ako sa taas Manang. Magpapalit lang ho.” Paalam ko, at binitawan naman niya ang braso ko. At tumango siya.
“Mas maganda kung tawagin mo na din yun si Rima pababa. Pagdating niya eh dumiretcho na sa kwarto niya eh.” =____= Okay. Guilty na ako. Tama na.
“Sige ho.” Dali-dali akong umakyat sa 3rd floor. Bubuksan ko palang ang pinto ko ng biglang naramdaman ko na may tao sa balcony. Busy kasi ako sa paghahanap sa bulsa ko ng susi eh. Nung inangat ko ang ulo ko…
O_________O
“R-Rima?”
Ang tagal kong napatitig sa kanya. Kilala ko siya dahil sa bangs niya pero…
“Nagpagupit ka?”
O_________O
Hindi niya ako sinagot at dire-diretcho siya sa kwarto niya. Nakalimutan ko ng galit siya saken dahil sa nangyari sa FDD Office kanina. Pero… ang ikli na ng buhok niya. Anong nangyari???!
Hindi na ako nag-abala pang magpalit at kinatok ko na agad si Rima sa kwarto.
“Rima?” kinakatok ko ng maka-ilang beses yung pinto niya pero ayaw niyang sumagot. Malamang Skyler, galit nga siya sayo eh.
“Rima. Open the door.”
Biglang may lumabas na ulo sa pintuan niya. Pero nakasimangot siya na naka-pout na nakakunot yung noo. Kahit maiksi na yung buhok niya, may bangs paren siya. =_____=
“ANO BANG KELANGAN MO HAA?”
“A-Ano… bat ka nagpagupit?” Ay ang tanga mo Skyler, diba mag-sosorry ka?? Bopols. Bat ngayon ka pa nagpaka-Ricky Reyes at tinanong ang bagay na yan??! Tss.
“Ano bang pake mo ha?” ang sungit naman neto.
“W-Wala lang, nagtatanong lang.” akmang isasara niya na ulit ang pinto, buti nalang, naharangan ko agad. “W-Wait…. Hey!! Wag mo munang isara!”
“Nag-aaral ako!! Stop nagging me!”
“A-Ano.. kasi pinapatawag ka ni.. Manang Ason! Tama! Sumabay ka daw saken na kumain!” Ano ba naman yan Skyler, magsorry ka na kasi. =_____=
“Busog pa ako! Umalis ka na sabi sa kwarto ko eh!! Go away!” pagtaboy niya saken. Tinulak niya ako tapos biglang sara ng pinto, pero naiharang ko yung kamay ko. Yun nga lang…
“ARAAAAY~” X_______X
“H-Huh? Skyler??” napaupo ako sa sahig sa hallway na hawak hawak yung kamay ko. Talagang with full force dapat ang pagsara, haa? Ang sakit lang.
Naramdaman ko na lang yung pag hawak niya sa kamay ko. “O-Okay ka lang?? S-Sorry.”
Napatingin ako sa kanya. Mukhang nag-aalala siya sa nagawa niya. At ang bilis niya lang makapagsabi ng “SORRY” saken. Ramdam ko pa ang sincerity nito. Bat hindi ko magawa yun sakanya?
*wooooo*
*wooooo*
Hinihipan niya pa yung mga gasgas sa kamay ko. Humarap siya saken at nahuli pa nga niya akong nakatitig sa kanya. Bigla nalang nagbago yung expression niya. Kanina worried siya, biglang namula yung pisngi niya tapos nagpout na naman siya. Pabalagbag niyang binitiwan yung kamay ko at tumayo.
“BUTI NGA SAYO! KARMA YAN!”
=__________=
BIPOLAR.
Tumayo na din ako. Mukhang kailangan ko na talagang sabihin sakanya yun. Baka makapasok pa siya sa kwarto niya eh. Tsaka, kasalanan ko naman talaga.
“Rima.”
Napalingon siya saken.
“I’m sorry. I didn’t mean to hurt you or offend you in any way. I should’ve let you explain. Sorry.”
Sa ibang direksyon ako nakatingin. Nahihiya kasi akong humarap sa kanya. Masyadong awkward. Kinakabahan din ako. Bigla nalang kasing nabilis yung heartbeat ko.
I heard her giggled. “Haha. Ang panget mo pag nagso-sorry Skyler.”
=_________=
“Anong sabi mo?”
“Sabi ko, ANG PANGET MO! Parang matatae ka na ewan!” Pssh. Wala talaga siyang manners. Talking about horrid and disgusting things like that in front of me.
“Stop talking disgusting things! Wala ka talagang manners!”
“I know. I do not wake up everyday just so you can tell me what should I say, how should I act and so on. If you cannot stand me, then go find someone else to talk to. No one’s forcing you. I’m not forcing you to stay here or even in the team Skyler. What we want you to do is to accept things the way they are. That’s life.”
“Psh.” Humarap na ako sa kanya, how she said those words, hindi siya pasigaw. Parang malumanay lang. No traces of anger, nor being irritated. Ewan, pero nakinig ako at nag-sink in siya saken.
“Getchingbels mo na? Pwede na ba akong kumembot kasi may quiz pa akish?”
“Huh?” She’s back to herself again, speaking in her own, annoying languages. =___=
“Wala! Sabi ko magrereview pa ako.” Hinawakan niya yung doorknob ng pintuan niya pero pinigilan ko na naman siya.
“W-Wait…”
“There’s more? Anubeeey Skyler! Dalian mo na nga! Okay bati na tayo, blah blah blah, hindi na ako kakain blah blah blah—“
“Let’s have a deal.” I offered my hands for a handshake.
@___@
“Deal? Anong deal yan haa?” nagtataka niyang tanong.
“Na we’ll try not to fight and be the cause of such commotions sa meetings at kahit sa mismong surveillance na.” I really wanna make up for all the troubles I have done the past few days dahil sa pagiging bugnutin ko.
^__________^
Nakakairita yung ngiti niyang yon. Psssh. Kinurot niya ang pisngi ko, dalawang kamay pa.
“Ang baet baet mo din naman pala Skyler eh! Kung ganyan ka lagi, magkakasundo tayo!”
“Will you cut that out? Uupakan na kita kahit babae ka! Dalian mo na nga, mamaya magbago pa isip ko eh. Dami dami mo pang sinasabi!”
She then accepted the handshake. Ang lambot ng kamay niya.
=________=
Sana kamay nalang siya.
“Ohhhh! Rima! Skyler! Tara na! Kaka---“
Napatigil sa pagsasalita si Manang Ason na biglang sumulpot mula sa likod ko. Mukhang mang-aalok na naman siyang kumain.
O__________O
“ANYARE SA BUHOK MO RIMA?”
^___________^
“Pinagupit ko po Manang!” masigla niya pang sagot.
“A-Ahh. Okay. Pero mas bagay sayo ang mahabang buhok Rima. Pero cute ka parin naman eh! Hahaha. Oh siya, tara na. Tama na ang holding hands niyong dalawa.”
O____________O
>.> <.< ??
Nakababa na si Manang Ason ng matanggal namen ang magkakapit naming kamay. Tumalikod na ako at binuksan ang pinto kaya hindi ko makita ang reaction niya. Pero bago ako pumasok ng kwarto ko, “Bumaba ka dun. Maghihintay sayo si Manang Ason.”
“Uhh. Oo.” Sagot niya saken. Pagkatapos nun, pumasok na ako. Narinig ko naman na hindi na siya pumasok at dumiretcho na sa baba.
Yes. Tanggal na ang guilt ko. *____*
(Rima’s POV)
1056 PM
Holo. Late na, at mukhang nakainom tong si Manang Ason gawa ng mga kumara niya kanina. Kanta pa rin siya ng kanta sa may videoke eh.
“Hoooy! Rimaaaa! Tara dito! Kanta tayo oh! *hik*” tawag saken ni Manang Ason, sabay taas niya ng microphone. Sows. Ayoko nga. Mamaya mabulabog ko pa ang mga ahas sa mga imburnal sa boses ko.
“S-Sige. Kain na lang po ako!” =____= Buti pa tong buko salad, masarap na, hindi pa hassle kainin. Mouhahahaha. XD
“Ohhh! SKYLER!!! Kain ka lang haa?” Nakita kong bumaba na tong si Skyler, naka hoodie at shorts lang. Minsan ko lang kasi siyang makitang nakapambahay. Pag nasa apartment siya, nakakulong lang siya sa kwarto niya eh. Sinalubong lang siya ng pagewang-gewang na landlady namen at tinuro kung nasaan ang mga pagkain. Ako eh nasa may sala at nakaupo. Taas paa, feel at home. Habang hawak ang isang bowl ng buko salad.
“Kumain ka lang diyan haa Skyler?” tumawa pa siya tapos sabay balik sa pagkanta. =_=
Nanunuod ako ng Family Guy. May encore run sila pag mga gabi na, madami pa kasing bata ang nanunuod pag maaga pa, eh bawal naman sa kanila to. Natatawa na lang ako kay Stewart. XD
“Pwedeng tumabi?”
O_______O
“Sige lang.” Umisod ako ng onti. Mukhang nanunuod din siya ng Family Guy ah. At tinaas na din niya ang paa niya. Hindi tuloy ako makabwelo ng tawa.
“I hate you Meg!” pinipilit kong huwag tumawa, isa sa mga favorite parts ko sa show ay yung pag rereject ni Peter sa babae niyang anak na si Meg. Mabait naman si Meg pero ewan, ang gulo lang talaga ni Peter. Samahan pa ni Bryan, yung nagsasalitang aso nila.
“Hmm.” Narinig kong nagsmirk si Skyler. Bat ang dali lang sa kanyang ngumiti? Ako kasi gusto ko hagalpak eh. Sabagay, masungit siya kaya okay na sakanya yang ganyang tawa.
“May problema ka?” di ko namalayan na nakatingin ako sa kanya, jeez. Nakataas yung kilay niya. Tatarayan na naman ako neto.
“W-Wala. Nagulat lang ako, nanunuod ka pala niyan.”
“Ikaw lang ba ang pwedeng manuod niyan?” boom. Ang lakas talagang makapagtaray.
“Sorry na ha.” Sows. Pasalamat ka, nag-sorry ka at hindi ako marunong magtanim ng sama ng loob! Che!
“Pwede ka naman kasing tumawa okay. Nagpapaka-demure ka pa dyan, alam ko naming kanina mo pa gusting tumawa. Mamaya sa iba pa lumabas yan, sige ka!”
“Blah blah blah! Tatawa ako kung kelan ko gusto! At magpapakademure ako kung kelan ko din gusto!” Tumayo na ako, pero para kumuha pa ng buko salad. XD
“Ang takaw mo!” nakita kong sumunod siya saken sa kitchen. Ano bang problema ng lalaking to!
“Who cares!” Belat!
>:P
Nag-smirk lang siya at kumuha ng cake. Grabe. Nainggit ako. Kaya kumuha ako ng platito at nagslice din ng cake. So bale, may bowl na ako, at saucer pagbalik ko sa sala. Nakatingin na naman saken tong si Skyler, akala mo DIETICIAN ko eh.
“Oo na. Matakaw na.” sabi ko nalang. Inunahan ko na. Pssh.
“San napupunta ang mga kinakain mo ha? Sa buhok mo siguro.”
“Lakas ng trip mo eh! Wag mo na ngang pagdiskitahan ang buhok ko! Ayan oh! Maikli na! It won’t be a bother sa pagsusurveillance! Are you happy now!!”
O__________O
Tumawa siya. “I knew it. Kaya ka nagpagupit dahil saken!”
>//////////////<
“E-Eh!!! Stop laughing!”
“Sorry.” Pinupunasan niya yung mata niya. Ang lago ng boses niya pag natawa. Nung narinig ko, bigla nalang bumilis yung tibok ng puso ko. It’s like my heart is racing~
“Che! So, I cut my hair off, not for you! But for the TEAM! Para hindi na maging sagabal ang hair ko sa pagiging spy ko!”
“Okay. Okay. Fine. Wag mo naman akong sisihin. Ginusto mo yan eh.” Ibang-iba yung Skyler na to. Kaya naman pala niyang ngumiti eh.
“Hmp. Ang hirap magpahaba ng buhok tapos ganun ganun nalang.” Nilapag ko yung salad ko sa lamesa. Nawalan ako ng gana. Nagcross arms nalang ako. Hindi ko na din maintindihan ang pinapanuod ko. Ngayon ko lang narealize na ang ikli ng buhok ko at nakakapanghinayang. Lagot ako neto okay Mikki bukas eh. =_____=
“I’m really sorry. I wasn’t asking for you to cut it off. Pero I noticed it, siguro nga kasalanan ko pa din.” Humarap siya saken, habang yung isa niyang braso, nakapatong sa sandalan ng sofa.
O_______O
Hinawakan niya yung braso ko. Ang haba ng braso niya, magkalayo na nga kami eh. >.<
“O-Okay lang.” bigla nalang akong nautal. Natakot ba ako? Or nagitla lang?!
*BLAAAAAAAAG*
Napatayo kami ni Skyler sa pagkakaupo naming sa sofa ng marinig naming ang ingay sa may banda kung nasan si Manang Ason. Tumakbo na agad si Skyler, sumunod ako.
=___________=
Manang Ason: ZZZzzzzzzz.
“Mukhang nasobrahan na si Manang Ason ah.” Sabi ni Skyler. Akala naming kung anong natumba. Si Manang Ason pala, sobrang lasing na kasi niya eh.
Aalalayan ko pa sana si Skyler para itayo si Manang Ason, “Tulungan na kita Sky-“
“No need. Just tell me where is her bedroom.” Tapos binuhat niya si Manang Ason using one hand. De joke lang. XD Pero parang hindi siya nahirapan. Binuksan ko nalang ang pinto ng kwarto niya at inihiga na ni Skyler ang birthday girl sa kama niya. May pagkabaliwag din talaga yang landlady namen eh.
Natuwa ako kasi kinumutan pa talaga ni Skyler si Manang Ason. In fairness, noon ko pa napapansin na may pagka-gentleman talaga siya eh. Masungit nga lang, but not bad actually.
“Tara na.” yaya saken ni Skyler.
Lumabas na kami sa kwarto niya at dumiretcho magulong sala, kitchen at videoke room. Nilinis lang namen yung mga kalat at pagkatapos nung ay umakyat na kami sa 3rd floor. Mukhang nakakapagod talaga ang nangyari ngayon araw. Ang daming emotions chu chu ever. And I have to end this day with my new short hair. Boom. =___=
“I’m sorry.” Sabi ni Skyler habang papasok siya ng kwarto. “Sa lahat ng sinabi ko. And also for your hair. Bagay naman sayo eh.” Tumalikod na siya at pumasok sa kwarto niya.
I was left there, speechless, habang hawak ko yung dulo ng maikli kong buhok.
^________^
Bati na kami. Excited na akong manghuli ng mga drug lords! XD
------------------------------------------
Uwaaaaaaar. Yung hair transformation ni Rima my loves~ Hehehehe. XD Nasa gilid siya!
Tadahhhhhh~
:*
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top