Case 46: Remnants of Him
A/N: Si Alexa at Robin sa gilid! (Seo In Guk as Robin Dinerio)
Fan ako ng Reply 1997. Hihi. Masakit sakin na magbreak sila sa story ko. Pero babaero kasi talaga tong si Robin eh. Laganap yan sa basketball team ng Luther. Kaya abangers kayo sa isa ko pang story. “STILL A GIRL” para masaya. XD Panuorin niyo yung REPLY 1997. Super ganda. Hnngggg. :”>
Pero for now, Go SEOBIEEEE paren tayo! XD
Case 46: Remnants of Him
Alexa’s POV
Divine College. 0123 HR.
40 text messages received.
From Camille:
Girlush. Asan ka ba? May klase tayo oh.
Bakla ka! Wag kang mag-cutting! Sasabunutan talaga kita ng bongga pag nakita kita!
From: Ella:
Hoy babae! Pumasok ka nga sa mga klase mo!
Lagot ka talaga saken!
From: Cindy:
Teh, kumusta naman ang pag indyan samen pati ba naman lunch?
Kumain ka nga! Hindi naman Holy Week yang si Robin para magfasting ka oy!
Natatawa ako sa mga texts nila. These are the reasons kung bakit kailangan kong magpasalamat kay Papa Jesus. May mga kaibigan akong nandyan para saken.
Pero ayoko munang makipag-usap sa kanila. I wanna be alone for a while.
Nandito lang ako sa isang sulok ng Library. Sa may fiction shelves. Nakaupo sa sahig at nagbabasa ng fictions. Wala na kasing pumupunta sa parte na toh. Luma na kasi yung mga libro.
Habang nagbabasa ako, natulo naman yung mga luha galing sa mata ko papunta sa librong binabasa ko. Nakakainis. I wanted to be strong enough to smile and to get things back to what they were before.
Naglalakad ako papunta sa locker area ng may mabangga akong bata.
“Oh my… sorry!! Are you okay??!!” inalalayan ko siya para makatayo. Siguro sa Junior High Department tong isang toh, naliligaw ba siya? =_=
“You just bumped me, of course I’m not okaaaaay~” hala. Ang taray. =__=
“S-Sorry.” Nakatayo na siya at pinapagpag yung damit niya.
“Look where you’re going nga. My goodness, buti nalang at hindi nabasag tong Ipad ko.” Tapos chineck niya kung okay yung dala niyang Ipad.
“I’m really sorry. Gusto mo ba dalhin kita sa clinic?!”
“No thanks.”
“Eh sa guard?”
“WHAT? Bat mo ako dadalhin dun?!” ang taas ng boses niya pero ang liit. Homaygad. =_=
“Nawawala ka yata eh.” Sabi niya.
“No! I’m not nawawala! Ikaw nga dyan ang parang wala sa sarili eh!” ang taray niya talaga.
“Okay fine. Halika na, ihahatid na kita sa building niyo.” Hinawakan ko yung braso niya pero pilit niyang tinatanggal yun.
“Don’t touch me nga! I can go back to our building without your help!!!!”
I sighed. “Please? Tara na? May klase pa ako, sasamahan na kita.” Tapos hinila ko na siya pabalik sa building niya.
Pagkarating namin dun, nakacross arms siya na humarap saken. “What’s your name?” tanong niya saken.
“Ako?”
“Ay hindi Ate, yung anino mo ang tinatanong ko. Ha! Ha!” sarcastic niyang sabi.
“Ahh… I’m Alexa Roxas.” At inabot ko yung kamay ko. “Ikaw? What’s your name little girl?” I’m really trying to be nice kahit medyo suplada siya.
“Nancy Jane Abalos.” Hindi siya nakipaghandshake at umalis nalang.
Grabe naman yun. Ang liit liit niya pero grabe ang pagkasungit. Wagas, to the bones. =_=
Pagbalik ko sa college building, may nakasalubong ako na grupo ng girls na nakatingin saken. Ang alam ko, mga kaibigan sila nila Laureen.
“I think Robin did the right thing.”
“Mas maganda naman talaga si Lau kesa sakanya.”
“Tama.”
Hindi ko n asana papansinin pero biglang may tumawag sa kanila. “HOY! KAYO! ANONG SINASABI NIYO??!”
=_______=
Si Cams. *facepalm*
“Excuse me?” napalingon tuloy yung tatlong babae. “Are you calling us?” tanong nila.
“Yes. Kayo nga. Anong sinasabi niyo tungkol kay Alexa?!” –Cindy
“FYI, mas maganda si Alexa kesa sa Laureen na yan noh! Cuticle lang ni Alexa si Laureen!” – Ella.
“Isa pa, mang-aagaw si Laureen! Ang harot niya! Taken na nga, nilandi niya parin!” –Camille
“G-Girls!!” aawatin ko sana pero pinigilan nila ako.
“Excuse me! Hin—“
“Puro ka excuse me! Wala ka na bang alam na ibang English man lang dyan?! Wala ka bang naibaon pagpunta ng school??! Dadaan ka ba? HAA? HAA?!!” –Ella
“Ayaw naming makipag-away pero dahil ang dami niyong sinasabi tungkol kay Alexa, we’ll do anything to protect her from sluts and ignorant bitches like you, you and YOU!” –Camille
“Kaya sabihin niyo kay Laureen na magsama na sila ni Robin dahil parehas naman silang malalandi! Alexa deserves someone better!!!” –Cindy
Nagwalkout sila with matching hairflips at hinila ako papalabas ng school.
“Grabe yun. Nagutom ako. Tara Lex, kain tayo.” Yaya ni Camille.
“Mga baliw. Bat niyo ginawa yun sa mga babae kanina?” sabi ko.
“Ang papangit kasi nila, at magaganda tayo. K.” –Ella
“Cindy approves!” sabay high five ni Cindy kay Ella.
Napahawak nalang ako sa noo ko, paano na kaya ako kung wala sila? =_=
Mall. 0423 HR.
Nagchill nalang kami sa mall at nanuod ng sine. Tapos nagshopping at nagpicture picture sa kung saan man kami magfoodtrip.
“Pizza?” –Cindy
“Ice cream nalang!” –Camille
“Hindeeeeee! Zarks!” –Ella
-_____-
Sa aming apat, si Ella pinakamatakaw, kababaeng tao, hilig kumain sa Zarks. Ang laki kaya ng mga burgers dun. Patay gutom talaga toh.
“May bagong bukas na resto sa 3rd floor ah. Japanese restaurant yun. Tara?” –Camille
“Hey! That’s sounds good. Para maiba naman!” natuwa ako bigla, puro nalang kasi sila fast food eh ang daming calories nun.
“Okay, sabi ni Alexa eh. Tara!!!”
***
Wow, box office naman pala tong resto. Yung iba, napipilitang mag-take out kasi wala ng maupuan. Best seller sa kanila yung sushi at maki nila.
Buti nalang, nakakuha agad kami ng upuan.
“Ang bango ng resto. Talagang pinapakita yung paggawa ng sushi! Ang astig!” sabi ni Ella.
Nainom si Camille ng juice ng bigla niya naibuga. Buti nalang at hindi masyadong malakas. “Hooooy! Cams naman, manners mo oy!” sabi ni Cindy sabay binigyan ng tubig.
*ubo*
*ubo*
“Okay ka lang?” tanong ko.
“O-Okay. Nagulat lang ako, para kasing nakita ko yung lalaking nakita natin sa elevator nung isang isang araw. Yung nahulog si Alexa?” sabi niya.
“Huh??!” sabay sabay kaming napaisip.
*ting!*
“Ahhhh~ oo. Si Charlie! Yuhooo! Tanda ko pa ang name niya!” tuwang tuwa si Ella ah. =_=
“Oo nga, yung sinabi kong mabango! Oh my goshhhh! Nasaan Cams??!” halos sakalin na ni Cindy si Camille.
“Accckkk—aray ko naman! Nandun siya sa may counter. Baka nabili din.” Sabi niya.
Sabay sabay kaming lumingon at nakita nga namin siyang nasa counter at nag-aasikaso ng mga customer. Nagtatrabaho kaya siya dito?
“Teka, oorder ako sa pila niya.” Tumayo naman si Ella, at hinila ako. >_<
“H-Hey!! Wait…”
“Ano ka ba, samahan mo ako. Ikaw naman ang magbayad! Kanina ka pa hindi nag-aambag dyan eh!” Hahaha, nahalata niya pala yun! XD
Mga 10 minutes lang siguro bago kami maka-order. “Hello Charlie!” bati ni Ella.
Medyo nagulat siya pero ngumiti din agad. “H-Hi! Nandito pala kayo! Anong order niyo?!” tanong niya. Grabe pawis na yung mukha niya.
“Tempura!” masiglang sabi ni Ella.
“Okay, ikaw Alexa?” tumingin siya saken.
Ang amo ng mukha niya, para tuloy akong nagblush. >////<
“W-Wala na. Tempura lang please.” Sabi ko.
“Haha. Ang cute mo talaga. Okay, one order of Tempura right up!” sabay umalis na kami sa counter.
Pagbalik namin sa table, halos magtatalon na si Ella, “AHHHH! Ang cute cute ni Charlie! Buti pa tong si Alexa, natatandaan niya yung name! Kainggit ka girl!” sabay hampas sa braso ko.
“EH! Ang daya naman!!” sabi ni Camille.
“Kahit mukhang pagod siya at puro pawis, parang ang bango parin niya kahit sa malayo.” Parang timang na sabi ni Cindy habang nakatingin kay Charlie sa may counter.
Nag-uusap pa kami ng dumating yung order namin. At si Charlie pa mismo ang naghatid. Halos masira na yung palda ko kakahila nitong mga kasama ko, sa sobrang kilig siguro.
“Eto na yung tempura niyo. Sorry natagalan, ang dami kasi naming customers eh.” Sabay kamot niya sa ulo.
“Okay Charlie. Nagtatrabaho ka ba dito?” tanong ni Cindy.
Napa-isip siya, “Hmmm, parang ganun na din siguro yun.” :)
LUHHHHHHHHHH. Halata naman ang pagkakilig ng mga toh nung ngumiti si Charlie eh. =__=
Aaminin kong cute si Charlie, pero siguro ganun din ako kung wala ako sa sitwasyong kakabreak lang sa boyfriend. Nakakainggit ang mga baklang toh. -_-
“Bat ka naman nakasimangot Alexa?” tanong tuloy sakin ni Charlie.
^___^
Nakakahawa yung ngiti niya, kaya napangiti na din ako.
^___^
“Yaaaaaan! Much better!!” masigla niyang sabi. “Mas maganda ka pag nakangiti ka.” Sabi nito.
O/////O
“AYIIIIIIIEEEEEEEEEEEEEEEEE~” nang-asar na naman tong mga baklang toh. Tch.
“Sige, una na ako. Enjoy girls!” *kindat*
/we all died.
Hahahaha. Ang cute talaga nitong si Charlie eh. =))))))
***
Roxas Residence. 0912 HR.
Inuuna ko muna ang homework ko bago mag internet noh! Hahahaha, mahirap nab aka bumagsak ako. Buti nalang kahit papano, na-enjoy ko ang araw na toh. Nadivert kasi ang utak ko sa pag-iisip ng tungkol kay Robin.
*click*
May nakita akong folder sa desktop ko. Haha.
“ROBLEXA 17” yung title ng folder.
Ha. Pictures pala namin toh ni Robin. Natatandaan ko pa nun, nag-umpisa lang kami sa asaran. Tawag niya saken, ROLEX. Tawag ko naman sakanya, ROBIN HOOD.
Tapos nauwi sa asaran, napansin kasi nun ni Ella yung tawagan namin.
FLASHBACK***
“ROLEX? Hindi ba parang pinagsamang ROBIN at ALEXA? Uyyyyyyyyyy~ may somethingggggg!!” sigaw ba naman ni Ella sa classroom.
“AYIEEEEEEEEEEEEEEEEE~” nakigaya naman tong mga classmates ko.
“Pwedeeeeee~” halaaaa! O_O Pati tong si Robin Hood nakigaya na din!
“Ober my dead bodeh! Hindi nuuuh!” sabi ko.
END OF FLASHBACK***
Padeny-deny pa akong nalalaman, sinagot ko din naman siya. Ngayon, nganga ako. Naniwala ako na ako lang ang babaeng mamahalin niya. Yung pasimpleng text nila at lunch, nauwi na sa kung ano man.
I know Robin, he’s a nice guy.
At mahal na mahal niya ako.
Kaya ba siya nakikipag-sex kay Laureen ay dahil alam niyang hindi ako papayag na gawin ko yun? Hindi naman niya ako tinanong eh, pero kahit ganun hindi ako papayag talaga. >_<
Kaya mas mabuti pa nga sigurong makipaghiwalay na ako.
Wala naman na siguro siyang balak na balikan pa ako.
Tsaka—
Natigilan ako saglit. Nakita ko kasi yung pinakafavorite kong picture naming dalawa eh. Yung nakapose kami ng “MASK RIDER”. Nasa gilid yun kung gusto niyong makita. ->
Hahahaha. Nakakamiss siya.
Yung amoy niya, yung yakap niya, yung halik niya. T______T
Bat niya ako iniwan? :((((
*bzzzzzzzzzzzt*
O____O
Biglang may nagpop-up sa mail ko. Nagulat naman ako. Nagdadrama pa ako dito tapos bigla nalang may susulpot na message. =_= Nakakaloka.
From: chacha_14344
Hi. Mas maganda ka pag nakangiti. :3
O__________O
*bzzzzzzzzzzzzzt*
From: chacha_14344
Wag kang magpupuyat ha. Matulog ka ng maaga para wala kang eyebags.
O_______O
Sino ba tohhhhh? Asfbslkdblsbglsbglsbg. Parang boyfriend lang kung mag-message saken. Namiss ko tuloy yung mga chat conversations namin ni Robin sa gabi. :(
From: chacha_14344
Good night Alexa! Sweet dreams. ;)
Awwee. Kung sino ka man talaga, napapagaan mo ang loob ko, right timing ka palagi. :”>
_________________________________________
AT ANG NAME COMBINATION NILA AY…………………………
C-H-A-L-E-X-A! ♥
Vote Comment Message! BOOM! XD
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top