Case 42: Bab and Beb

Case 42: Bab and Beb

Mikki’s POV

Café Latte. 0212 HR. Sunday.

Hello! Kumusta naman yung maaksyon na medyo psychotic case update ng author, noh? Relate much talaga siya sa condition ni Olga beybe. XD Joke lang author! Peace!

Anyway, nandito kami sa Café Latte at medyo chill na. Si Olga, ayun nasa mental na. Nagkagulo sa school pero na-patch up agad nila Skyler at ng FDD ang sitwasyon kaya buti nalang, okay na ang lahat. Safe parin ang sikreto nitong kumag kong tomboy na bestfriend.

“OMO! Wala na yung College Stories Website?” gulat na tanong ni Rima.

Napatayo tuloy ako para tignan yung laptop niya. “Patingin!!!” sabay scroll ko naman.

‘This site had been closed down.’

From the other side of the table, umiinom lang ng tahimik ang poise na poise naming friend at slash bodyguard ni Rima na si Liam. “Good riddance. That site brought a lot of trouble for you Rima.” Sabi niya.

“Hindi lang naman ako ang naargrabyado ng website na toh eh.” Depensa ni Rima.

“Kahit na. Dahil gusting makilala ng university & college population ang site na yan, gumawa sila ng mga stories na hindi naman totoo about you.”

“Liam is right. Dahil din dun, nagkagulo-gulo tayo nila Skyler.” Sabi ko.

“Ahhhh! Ewan. Teka, asan na nga ba yang boypren mo? Ano yan? Paimportante? Pa-VIP? OA ha. Tsaka ikaw babae ka!” sabay batok saken. “Ang landi landi mo na talaga! 3 araw palang nanliligaw, sinagot mo na agad!” sigaw niya.

T____T

“Eh bakit ba ha? Anong problema dun! Ajujuju. Mahal ko naman talaga si Bab eh. Uwaaaa.” Grabe naman kasing magpangaral tong si Rima. Daig pa Lola ko. >__<

“Hey guys, sorry I’m late.”

Napalingon tuloy kami at nakita ko na ang pinakamamahal kong Bab. ~ <3 <3 <3 LANDI KO. :”>

Umupo siya sa tabi ko tsaka ngumiti. Hihi. Nawiwiwi ako sa sobrang kiligggg.

“Why is my Beb crying? May nangyari ba while I’m gone?!” tanong niya sabay akbay saken.

“Uggh. Nakakasura kayong panuorin okay.” Sabi ni Rima sabay irap saken. =___=

“Dapat masanay ka na Rima, you’ll see more of that. HAHAHA!” sagot sa kanya ni Liam. “Oo nga pala, hindi kami makakasama, may emergency meeting kami sa FDD.” Dagdag niya.

“Oo nga, tsaka hindi ko rin kayang sikmurain ang pagiging sweet niyo. Masyadong baduy.” Nandidiri niyang sabi. Ang cute talaga ni Rimaaaa.

Si Stephen lang naman kasi toh. Paanong hindi ko sasagutin agad-agad? Magpapaka-pee bee bee teens na ako. Kulang na nga lang isigaw ko sa mundo na..

STEPHEN LIMMMMMM! I-DAWN ZULUETA MO AKOOOOOO!!

Baliw na baliw ako sa lalaking toh. Kaya hindi ko na palalagpasin ang chance na mahalin niya ako. Even in my wildest dreams, hindi ko aakalain na ang katabi ko ngayon ay mahal din ako.

Ngayon na gusto niyang iparamdam saken yun, why would I make pakipot pa right?

Ika nga nila, ang relasyon ang pinapatagal, hindi panliligaw. Tsaka, kilalang-kilala ko na toh. Mahal na mahal ko pa. <3

“Why are you staring at me Beb? May dumi ba ako sa mukha?”

“Nothing much Bab. Gwapo mo kasi ehh.”

“UGGGGGH. The names are soooooo baduy~ ~” =_______= reklamo ni Rima.

“Hay nako Rima, pag ikaw, nainlove dyan, tignan natin kung sinong mas BADUY!” sabi ko. I can smell something sa kanya in the future. No doubt, this girl will fall in love with someone. Malapit na malapit na. I just wished, walang humadlang.

“Yuck. No way.” Deny niya sabay irap.

***

ENCHANTED KINGDOM. 0712 HR.

Dahil hindi nakasama sila Rima, kami nalang tuloy dalawa ni Stephen Babs ang nag-enchanted. Woop! Woop! I missed this place.

“First date I suppose?” sabi ni Stephen sabay hawak sa kamay ko.

“Hmmm… let’s just name it as a celebration. Pareho na tayong may lovelife…. Sa isa’t isa.” Sagot ko.

Tumawa siya tsaka niya ako kiniss sa cheeks. “I love you Mikki.” <3

*____*

“Ihhhh~ ninakawan mo ako ng kiss!” tapos nagtip-toe ako tsaka inabot yung cheeks niya. Mukha na talaga akong ewan kasi di ko maabot. Tapos nakanguso akong talon ng talon. =3=

“HAHAHAHA. Sorry Beb, you need to eat more star margarine.” Tatawa tawa niyang sabi.

“Arghhh! Ang daya daya! You’re a thief! WAAAA!! Pengeng kiss—“

*CHU*

~

~

~

“Ayan na yung kiss mo. Now what ride should we go first?” nauna na siyang maglakad.

Natimang ako. He made up shut up by kissing me. >///////<

“I love you Stephen.” Napalingon tuloy siya. Tapos ngumiti. Yieee. Ang gwapo.

“I love you too.” He mouthed, may konting distance kasi kami sa isa’t isa. Tapos his hands waved, senyas na lumapit na daw ako sa kanya. Then nung nakalapit ako, nagholding hands na kami papunta sa mga rides.

***

After nun, nagdinner kami sa isang mall bago niya ako ihatid sa bahay. Wala na naman sila Mommy, baka nasa business summit chuchu. =_=

“Ahh, Bab, you wanna go inside, have so coffee before you leave?” alok ko.

“No thanks.” Tanggi niya.

Nag-sad face tuloy ako kasi papunta na siya sa kotse niya. “Waaa. Aalis ka na agad? Dito ka muna sa bahaaaaay~” sabi ko with matching padyak ng paa.

*lupasay sa daan*

De joke lang. XD

Natawa nalang si Stephen sa pagmamaktol ko. “Beb naman, of course I wanna stay with you pero kasi—“ parang ayaw niyang sabihin.

“May dadaanan ka bang iba? May sinasabay ka bang babae saken?” *POUT*

“No. You know me too well para isipin yan. I would never betray you.” Tapos hinawakan niya yung kamay ko at ni-kiss yun. Waaaa. T__T

“Then why? Dati naman you’re staying here for hours ah?”

Tinignan niya ako ng matagal bago sumagot. “Mikki, iba yung dati sa ngayon. Kaibigan mo ako dati, at boyfriend na ngayon. Hindi ko na kayang pigilan yung nararamdaman ko sayo at lalo na kasi legal na tayo. But—“

Ngumiti ito saken tsaka niya hinawakan yung mga pisngi ko. “You’re parents…”

“Mum and Dad will like you! Don’t worry!” sabi ko.

“Alam ko. Pero hindi pa ako nakakapagpakilala ng maayos sakanila.”

“Kilala ka naman nila diba?”

“Kilala nila ako, as your friend. But not as your boyfriend.” Niyakap niya ako at hinaplos yung buhok ko. “Mikki, I want everything to be settled before anything else. I don’t want to make any bad impressions with your Mum and Dad. Ayokong makahanap sila ng kahit isang mali saken.”

I want to cry. Why is this guy so flawless and perfect?

“Ganun ba?” after ng yakapan ay inakbayan niya ako. “Sorry. Ako pa yung mapilit. Okay, I’ll introduce you to Mum and Dad when they arrived.”

Bago siya umalis, he gave me a kiss on the forehead.

Inantay kong makalabas siya ng subdivision gates bago pumasok sa loob ng bahay. Agad akong nagtatakbo sa kwarto at tumalon talon sa kama.

“EHHHHHHH!! AHHHHH!!! WAAAAAA!!!”

>/////////////<

Ang pogi pogi ng boyfriend koooooo! WAAAA!! AHHHHHH!!!!!

<3

P.S. Sana maging happy din ang ending ni buddy Skyler. Kaya lang, mukhang mahihirapan siya kay Liam. That guy is persistent and would always protect Rima. HALA! O___O

February na pala. >_<

I need to buy chocolates para makagawa na ng Valentine Chocolate, may lovelife na kasi ako! Hihi! XD

***

UD! FILLER! SABAW! SALAMAT SA PAGBABASA!

VOTE COMMENT MESSAGE! :)

Nagbabalik na din ang Multimedia sa gilid! Hooray for BAB & BEB! Look! ----->

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top