Case 41: The Fanclub Filth
Case 41: The Fanclub Filth
Skyler's POV
Esburgh. 1023 HR.
Dumiretcho ako sa labas ng building para bumili ng coffee. May mga establishments kasi dito sa loob ng campus dahil pang mayaman daw toh sabi ng author.
Hindi kasi ako nakatulog kagabi eh. Akala ko pa naman, maaayos ko na yung LQ este away namin ni Rima.
Namimiss ko na yung amoy ng buhok niya~
(= w =)
"Nagawa mo ba?"
"Oo naman Olga. Nautusan ko na yung mga taga Gilmore."
Huh? Gilmore daw?!
Tinignan ko yung suot nila, taga Esburgh naman sila.
Pssh. Chismoso lang siguro ako.
*bzzt bzzt*
From: Miss Amy
Skyler, maaga akong pinapauwi ni Dad. Mauna na ako ha? ;)
Umalis na ako sa cafe at imbis na magreply, tinawagan ko na siya.
"Miss Amy, mag-iingat ka ha?" bilin ko.
"Opo! Haha. Sige na. Babye na!" paalam nito tsaka ko binaba yung phone.
Dumaan ako sa Club Rooms, namiss kong mag-fencing. Mabisita nga muna yun.
"Yoh Sky! Nice of you to drop by!" bati saken ni Ranz, kasama ko sa club.
Agad namang lumapit sakin sila Dylan at Max. Naglalaban lang sila kanina pero napatigil tuloy.
"Busy ka yata?" tanong ni Max.
"Ah. Oo." sagot ko.
"Kanino? Kay Amy?" at nagtawanan pa sila. "Ikaw talaga. Iniwan mo ang club para sa babae, kakaiba ka rin."
Ranz handed me fencing gears. "Bumawi ka samen ngayon Sky." sabi nito.
"Sure thing." sagot ko.
Halos dalawang oras akong tumambay sa Fencing Club.
"Grabe ang tao sa labas." Dylan exclaimed.
"Wala paring kupas ang karisma mo Sky." sabi pa ni Max.
Lakas makapuri saken mga pre ha. Parang naghihinala na ako sa gender niyo eh. Tss. =_=
"Fafa Skyler ang hawt mo talagang mag fencing~"
"Senior Skyler!! Papicture naman! Para may maupload akong matino sa Instagram kooooo!"
Nagsidatingan na nga yung mga babae sa labas at hinablot na yung damit ko pati mukha. Kaliwa't kanan kasi yung nagpapapicture.
"Nakakagigil ka Senior Skyler!!!"
"Iuuwi ka na namin!!!"
"Aaahhhhhhhhhh!"
(=______ =")
Buti nalang at start na ulit ng classes kaya nagsi-alisan din sila.
"Haha. Mauna na kami Sky." paalam nila Ranz saken. Nagpaiwan ako, I want to skip classes today. Wala kasi akong gana.
Inayos ko lang yung gamit ko at nagpalit na ng white tshirt. Ang dumi na ng polo ko eh.
I was heading to the vendo machine para kumuha ng Pocari Sweat. The vendo was just beside na Archery Team Fansclub. Nangunguna yung fansclub nila dahil ang Archery Team ang nangunguna sa competition kaya ganoon nalang din ka active ang fans.
"Olga, tumawag na sila. And yes, okay na ang lahat sa Gilmore. Sila na daw ang bahala sa kanya."
Yun. Pocari Sweat.
*insert coin*
*pindot pindot*
*gulp gulp gulp gulp*
"Ahhhhhh. Ang sarap talaga nito."
"Mabuti naman, I'll make sure that Gilmore Girl will learn to stay out of Senior."
?_______?
Sino daw?
Gilmore Girl?? Wait...
Dahan dahan akong sumilip sa loob ng club room nila. Nakikita ko silang nagtatawanan at parang may pinapanuod na video.
"Look at her! She's so kawawa!"
"I'm sure she'll drop out soon. Hahahaha!"
Si Rima ba yung pinapanuod nila? Don't tell me sila yung may gawa sa pisngi ni Rima last week.
I'm sure tungkol toh sa issue about her and Stephen. It happened late last week pa, is she being bullied for that long? Bat hindi siya nagsusumbong?
"Hahaha! I'll keep this file Meg. This is just classic. Hindi ko talaga titigilan yang Gilmore Girl na yan."
Nung narinig kong paalis na sila, nagmadali akong kumuha sa vendo machine ng choco shake. Tsaka inabangan yung babaeng may hawak ng flash drive at laptop.
Buti nalang at naghiwalay silang tatlo at naiwan yung target ko.
"Ouuuuch!"
*splash*
"S-Sorry Miss..." agad kong pinulot yung nagkalat niyang gamit.
"Look what you've done! I'm a mess na tuloy!!" galit niyang sabi.
"S-Sorry talaga Miss..." pinunasan ko na yung uniform niya.
"S-Senior Skyler?!" nagtwinkle yung mata niya. Okay, so ganun nalang talaga yung reaction ng mga babae saken? -_-
Tumayo ito habang bitbit yung mga gamit niya.
"Are you okay? Gusto mo ba ipa-laundry ko yan? Nakakahiya eh." dyahe ang um-acting na mabait. Lagot ka saken Bangs. Bayaran mo ko. Tss.
"N-Nako wag na po! Ako nga po yung nahihiya eh. Natapon ko po yung choco shake mo. Sorry." sabi niya at nag bow. Luuuh. =_=
"Don't be sorry. Uhh, if there's anything I can do para makabawi, I'll be in reach. By the way, can I have your name?" tanong ko.
Agad naman niyang in-offer ang kamay for a handshake. "I'm Olga Beatriz Mendez. 3rd year Psychology student." sabi niya.
Nag hand shake naman kami. "Hi Olga. Nice to meet you."
"Oo nga pala, I'm the President of the Archery Team Fansclub too." masigla niyang sabi.
"Wow. That's so nice to know!" okay, nakuha ko na yung kailangan ko. I need to think of an exit line. "Well, Olga I'll be going now. Sorry again for what happened."
"That's nothing. Sige, bye." at naglakad na ako palayo.
Kinuha ko kaagad yung cellphone ko at tinawagan si Mikki.
"Mikki?"
"Oh? Anyare sayo? Bat natawag ka? Nasa klase ako." well that explains why she's whispering.
"Buti naman pumapasok ka na, but can we talk after class? This is something very very important."
"Ahhh... Ehhh.. Okay?" sagot niya.
"Good. I'll see you."
Kinuha ko na yung bag ko then I head straight to my car.
I need Mikki to do something for me.
Gilmore College Parking Lot. 0523 HR.
Nasa loob ako ng kotse at nag-aantay kay Mikki. Palabas na daw siya ng school.
Hindi ako pwedeng magpakita kahit kanino at baka maissue pa ako. Pssh.
Lalong lalo na, hindi kami pwedeng makita ni---
*tok tok tok*
Nandyan na pala siya. Binuksan ko kaagad yung pinto at pumasok siya.
"Wew. Sobrang hirap namang magtago. Parehas kasi kami ng route ni Rima eh."
"Asan na siya?"
"Hinihintay pa yata si Liam. Tara na bago pa tayo makita."
I stepped on the gas and drive kaya lang--
O______O
*screeeeeeeech*
>_______<
"Omgomgomg! I said drive para di niya tayo makita Sky! Not drive in front of her so that she'll see us!" galit na sabi ni Mikki. Bigla nalang kasing tumawid si Rima eh.
Nakatingin lang siya samen. Hindi naman tinted tong kotse ko, kaya I'm sure she knows na magkasama na naman kami.
Naglakad din siya palayo sa drive way and Mikki said we should go too.
Dumiretcho kami sa bahay niya. I need a private place para ipakita sa kanya toh.
Fortuno Residence. 0627 HR.
"Flash drive?" tanong ni Mikki saken.
"Akin na yung laptop mo." I said to her.
"Hoy, hindi ko pinamimigay toh kaya matuto kang humiram ng maayos!"
"Aisssh. Akin na yan! I'm in a hurry okay." sabay hablot ng laptop niya.
*saksak usb*
*play video*
"I-Is that Rima???!" Mikki gasped as she saw the videos.
It's really not brutal or anything close to other violence videos online, but seeing your friend being laughed at by others and video taping it makes up both of are reaction.
"Jeez. Bat di ko man lang napansin toh?" nasabi ko nalang. Most of the videos involved pouring water inside Rima's locker, throwing her p.e. uniforms out of the window and even the part where they spit on her lunch and throw it afterwards.
"Poor Rima~ I can't stand to watch it! Stop it already!" T^T
Sinunod ko yung utos niya tsaka ko sinara yung laptop. I have to comfort her~ meeeeeh. =_= Girls cry a lot.
"Tahan na Mikki. We'll do something to help Rima."
"But this feud between me, you, Stephen and Rima is not yet over. How can we help her when she refuses to talk to us?"
"Alam ko. Kaya nga ikaw na agad yung nilapitan ko diba?! Alam ko din naman na galit parin saken yun."
"So what do we do now?!" tanong niya, atat much? =_=
"Oh yeah, I need you to do something tomorrow." her head continuosly shakes up and down like a moron. "I need you to look after her. But don't let her see you. I'll do everything to get more information!"
"Kilala mo ba kung sinong may gawa nito?" tanong niya saken.
"Yup. Just give me time to settle some things before I head out and catch those bullies." sagot ko.
"Okay. I'm in!"
Manang Ason's Apartment. 1003 HR.
Pagdating ko, dumiretcho agad ako sa ref para kumuha ng maiinom. Pagkatapos kong uminom, nahiga muna ako sa sofa.
Di naman ako pumasok sa klase, walang surveillance at wala din si Miss Amy, pero parang pagod ang katawan ko.
*CLAK*
May pumasok sa dining kaya I close my eyes and pretend na natutulog ako.
*munch*
*munch*
*munch*
Narinig kong huminto yung footsteps at tunog ng pag nguya. "Inagawan pa ako ng pwesto." sabi nito. Boses ni Rima yun kaya naman sumilip ako.
"Wait." buti nalang at naabot ko pa yung braso niya. Agad akong tumayo at chineck yung mukha niya at mga braso.
Hindi siya nagsasalita, she looks irritated at pilit niyang hinihila yung braso niya.
"I'm not yet done so wait a sec." sabi ko, hindi pa kasi ako tapos tignan kung may sugat siya or pasa sa katawan.
Thankfully, her body seems okay. Yun nga lang, parang ang lungkot ng mga mata niya.
Binitawan ko na yung braso niya, hinila naman niya agad at inis na tumalikod saken.
I hate this cold treatment that she's giving me. Now I know how it feels when I'm doing this to her before.
"Good night Rima." sinabi ko yun bago siya lumabas ng living room.
Esburgh University. 0723 HR.
Maaga akong pumasok para magtrespass sa loob ng isang club room.
Mabuti nalang at madali lang buksan tong kwarto.
Pumunta agad ako sa drawer ng president nila. Pero wala naman silang written plan, sabagay kung bullying lang naman ang gagawin nila, bat pa kailangan nun diba?
*CLAK*
O________O
Dali dali akong nagtago sa cabinet ng clubroom.
"Pero Olga, hindi namin kinuha yung flash drive mo!"
"Paano mawawala yun? Sinong kumuha?!!?!"
"Olga, huminahon ka nga. Ano bang meron sa flash drive mo at---"
"SHUT UP! GET OUT NOW!!!!!" sumigaw ito at nagsitakbuhan yung ibang babae. Buti nalang at may butas tong cabinet.
"Walang dapat makakuha ng flash drive ko. Walaaa!!!!" sabi ni Olga at nagsimula na itong magwala. Hinagis niya lahat ng nasa table pati na yung monitor ng pc at lahat ng files.
Man, what a psycho.
Natigilan ito. At tsaka naman tumawa.
Fvck this shiz. Is she really a psycho?!
O________O
"Hahahahahaha! Nakakatawa. Siguro yung Gilmore Girl na yun ang kumuha ng flash drive ko!!!" sabi nito ng pasigaw.
Pumunta siya sa table niya tsaka kinuha yung 45 caliber na baril.
Wait...
Olga's a psycho.
And she's after---
O______O
Narinig kong tumakbo siya palabas ng clubroom. Agad akong tumakbo papunta ng computer lab.
Buti wala pang tao, sinalpak ko agad yung usb niya. And I cannot believe what I just saw.
Pictures of dead bodies na may gun shot sa ulo.
And some videos of her shooting REAL PEOPLE na nakatali sa isang puno. Tinatadtad niya ng bala yung katawan.
This girl is nuts.
"Skyler? What's that?"
Napalingon ako at tinakluban yung monitor.
"S-Stephen?!" nabigla kasi ako eh. Pero parang tinitignan niya yung pinapanuod ko.
"I said what's---"
*RIIIIIING*
Naputol yung pagsasalita niya nung tumunog yung phone ko.
"Hello?"
"Sky! Si Mikki toh, Rima's in trouble. Kinuha siya nung mga babae and hindi ko na alam where they went. I'm worried." I can hear her cry again.
Tumingin muna ako kay Stephen na parang naghihintay parin sa sagot ko. "Okay. Pupunta na ako dyan." sabi ko and then I end the call.
"Answer me Abalos." ang kulit ng isang toh. But he leave me with no choice.
Umalis ako sa tabi ng monitor at pinanuod niya si Olga na pumatay ng tao using her gun.
"T-That's---"
"That's Olga. Your Fanclub President. She's responsible for bullying Rima the past few days. I was spying in the club room when I discovered her condition."
"Condition?"
"She's a runaway psycho Stephen. Look at the videos. And right now, she's after Rima."
"W-What? Why are we here? And why are you so calm about these things??!" galit na sabi niya saken.
"Kumalma ka nga. Nag-iisip pa ako okay. And by the way this is all your fault." hinawakan ko yung collar niya. "That girl is obsessed with you. And she'll kill Rima because of the issue." binitawan ko na siya at saka hinila yung usb.
"Sorry. I never knew about Olga's situation. What can I do to help?"
"Mikki is there, contact her and keep in touch." sabi ko.
"But--- galit siya saken." sabi niya.
"Anong galit? Hindi yun magagalit sayo, mahal ka nun eh."
O______O
Oh fuck I slipped.
"A-Ano?"
Tumakbo nalang ako para mapuntahan sila Charlie at Ken. Kelangan ko din naman ng back up noh.
Bahala na si Stephen dyan. Sorry Mikki. >_<
Stephen's POV
Naiwan akong nakatayo sa computer lab. Hindi parin mag-sink in sa utak ko yung sinabi ni Abalos.
Olga's a psycho and now hunting Rima for some unexplainable reason.
And what was he saying about Mikki?
Argh. This is not the right time to be stupid. Rima's in trouble because of my fanclub. I have to help them.
Agad kong kinuha yung gamit ko at dumiretcho sa parking lot.
"Stepheeeeeeen!" may tumatawag saken?
"Amy?" tumatakbo palapit sakin si Amy, yung binabantayan ni Skyler.
"Have you seen Skyler?" tanong niya.
Now what? :|
"H-Hindi eh. Di mo ba siya kasama?" I said.
"Hindi eh. Nasaan na kaya yun. Oh well, I'll look for him somewhere else. Thanks Stephen!" sabi nito at tumakbo na palayo.
Gilmore College. 1023 HR.
Nagpalit ako ng damit at nagdisguise talaga para hindi ako makilala ng mga tao.
Maingat akong naglakad papasok ng school grounds.
Tatawagan ko ba si Mikki? Susundin ko ba ang ungas na yun?
Rima's POV
A very dark part of Gilmore College. 1023 HR.
I am tied up with tape all over my mouth. The heck with these girls? Ano bang kelangan nila saken?! Arrrrrgh.
"Hello, Olga? We have her right here. Bilisan mo baka makita tayo." sabi nung isang babae.
Nung una medyo nagtatawanan pa sila but all of a sudden, they turned quiet and restless.
Are they scared? And who is that Olga girl? =_=
*CLAK*
Bumukas ng pinto at pumasok ang isang babae at may hila hilang isang babae--
MIKKI!
"Nakita ko toh na nasa may labas. I think siya yung best friend ni Gilmore Girl. Buti nalang at nahabol namin bago pa siya makapagsumbong." the girl's holding Mikki sa buhok. How dare she!!! Grrrrr.
"Don't touch me! Isusumbong ko kayo for hurting Rima!!" sabi ni Mikki while trying to get out of the girl.
"Sorry sweetheart, but no can do. Pakilagyan nga ng tape yung bunganga nito para manahimik!" sabi pa nung babae.
Now we're both tied up and sitting on the floor na may tape ang mga bunganga namin.
I can understand what she's saying just by looking in her eyes.
I'm sorry too Miks. We'll get out of here. I promise.
*BLAAAAAAAAG*
The door ripped. Everyone was shocked. That's very rude.
"Where is she?!" a girl with a very scary aura appeared. Napatago tuloy si Mikki sa likod ko.
"O-Olga, she's there. W-With her friend." takot na takot yung ibang girls at tumakbo na palabas.
What really caught my attention is the gun she's holding.
Okay. We're dead. I need another SOS call. Asdfghjkl.
Akala ko natatakot si Mikki dun sa babae pero naramdaman kong lumuluwag yung tali ko.
She's trying to untie me. My left hand is free kaya I removed the tape, I helped her untie me then after that tinanggal ko na din yung tali niya.
It took us about seconds, adrenaline rush maybe.
"So you're Gilmore Girl huh?" nagsilabasan na yung mga babae at tatlo nalang kaming natira sa room. *gulp*
"Rima, she looks like a yandare." bulong ni Mikki.
"Close enough I guess." paikot ikot lang kami sa room, nasa likod ko lang si Mikki since that gun is no joke to me.
"What do you want from me?!" tanong ko sa kanya.
"I want you to DIE!" tumakbo siya palapit samin pero tinulak ko si Mikki sa pinto.
I got her hand and now holding the gun with her upwards. Honestly though, she's stronger than I thought.
"RUN MIKKI!!" I yelled.
"B-But..."
"Tell everyone to get out of the building. NOW!!"
I heard her ran. At nagfocus na ulit sa pakikipag-agawan sa baril.
"DIE DIE DIE!!!" she screamed.
*BAAAAANG*
Nakalabit niya yung trigger at pumutok yung baril. Buti nalang pataas yung hawak namin. I need to run. Di ko kakayanin toh, I had bruises kanina kasi I was dragged down here by those girls.
And I haven't eaten breakfast yet~ =___=
I kicked her in the stomach, she drop to the floor. Agad kong pinulot yung baril niya and ran outside the room.
Skyler's POV
Gilmore College. 1056 HR.
Naglalakad ako sa school grounds when I heard a gun shot.
Fuck.
Nagkakagulo na sa labas since some girls told the administrator na may babaeng nakapasok sa loob ng campus nila with a gun.
That's Olga, right.
Tumakbo ako to see Mikki standing and looking at the last building na medyo sira sira na.
"Mikki!!"
"S-Skyler... si Rima!!! Y-Yung baril... Omg, I need to go back---"
"No. You're staying here. Ako ng bahala." yumakap sakin si Mikki na parang takot na takot.
"M-Mikki..." narinig kong may nagsalita sa likod.
"S-Stephen..." agad namang bumitaw si Mikki saken.
Nagkakahiyaan pa tong dalawa. Kaya tinulak ko na si Mikki kay Stephen.
"OUCH! Makatulak?!" sabi nito.
"Hoy Stephen, may sasabihin daw si Mikki sayo. Iwan ko na muna kayo. Puntahan ko lang si Rima..."
"Arggh! Dalian mo na at puntahan si Rima my loves! Tatawa tawa ka pa dyan! Oo na sasabihin ko na! Shuupi!"
Tapos tinaboy na ako ni Mikki. Hahaha. Adik talaga yung babaeng yun eh.
Anyway, I whip out my hand gun at nilagyan ng bala. I prepared two, I know Rima never brings gun to school. =_=
I guess I'm gonna be her Knight in Esburgh University Uniform today.
Mikki's POV
I watched Skyler ran inside the old building where Rima and that yandare girl is. I crossed my fingers para magwish na sana walang nangyaring masama kay Rima my loves.
"Mikki..."
Lumingon ako sa katabi ko. Hihi. Ang pogi niya. Teka lang at nag-iipon pa ako ng lakas ng loob para mag confess. >_<
"Mikki... hindi mo parin ba ako kakausapin?"
"Stephen..."
"Ano yung sinasabi ni Skyler na may sasabihin ka daw?" nakupo ayan na...
"Kasi---"
"Yun ba yung mahal mo ako?"
O/////////O
"B-B-Baket mo alam yun?!!!?!" nanginginig ako.
"Mahal mo ba ako Mikki? Is that true?!" hinawakan niya yung pisngi ko. Omg. I can't BRITH. Whoa.
"Ahhhh.. oo."
"Say it louder!"
"Oo."
"Complete sentence!"
"Demanding much?! May patago ka?"
He glared at me, stop it you beautiful monster. Mapapa-wiwi ako nito sa pants ko in no time. Kahit ang sama ng tingin niya saken ang pogi niya parin~
"Mikki Jane Fortuno..."
Hala galit na talaga siya. Hihihi. Okay fine, aamin na pows.
"Oo na. Maha---" pinutol niya yung sentence ko at halos magunaw ang buong mundo ko sa narinig kong sinabi niya...
"Mahal na mahal kita Mikki Jane Fortuno."
Ay. Naiiyak ako. Tissue please? T^T
Skyler's POV
Pag-akyat ko ng second floor, nakita ko na agad si Rima na iika ika maglakad at may hawak na baril. Yayakapin ko na sana pero nahagip ng mata ko si Olga na lumabas ng pinto at tinutukan ng baril si Rima sa likod.
"Sky--"
"Rima look out!" hinila ko agad siya sa isang empty room. Bumagsak kami sa table na bumigay din kaya we end up na bumagsak sa.sahig.
Okay. Mabigat na babae ka talaga Bangs. Ugh.
"Get back here Gilmore Girl!! Akin na yung USB ko!!!" papalapit na sa room si Olga kaya naman tumakbo na kami papalabas, he fired bullets na mabuti at hindi kami natamaan.
"What ths hell is that USB thing? Wala akong alam dyan!!" sabi ni Rima saken habang natakbo kami.
Hinawakan lang ang kamay niya at tumakbo. "Just keep on running, she annoyingly good with guns and she can be pretty scary." sabi ko.
Nagpapaulan parin siya ng bala kaya pumasok ulit kami sa isa na namang kwarto.
*reload*
*reload*
I used two guns para makipagpalitan din ako ng putok.
Rima crawled and went out of the other room para makalapit kay Olga. I continued distracting her kaya nakipagpalitan ako ng gunshot sa kanya.
Rima was about to jump off on Olga but Olga sees her and now she's really in trouble.
*facepalm*
What a stupid girl. Anong akala niya dito, wrestling?! Dafuq.
Lumapit ako kung saan ko nakitang nakikipagsuntukan si Rima at Olga.
But good thing Rima's forte is the punching stuff. Nahuli na din niya sa wakas si Olga.
"What did you do to her?" tanong ko.
"Konting Kung Fu lang pala ang katapat nito. Look oh, ang dami niyang baril sa legs. Kaya pala nung nakuha ko yung baril niya kanina, meron pa siya. Tsaka--"
Di ko na kaya. Niyakap ko na siya. Nag-alala ako ng sobra. Tsaka namiss ko yung amoy ng buhok niya. At yung boses niya.
"T-Teka lang Skyler! Baka magising tong babae." sabi niya.
"Aishhh. Tumahimik ka muna okay?"
"P-Pero..."
"Bayad mo nalang toh saken."
"Huh? Bayad naman saan?"
"Basta... konting yakap pa." sabi ko.
"Para ka talagang mongoloid. Haha!"
Kumalas ako sa pagkakayap. "Di ka na galit saken?" tanong ko.
"Galit pa din. Pero sangayon, niligtas mo na naman ako. Marunong naman akong tumanaw ng utang na loob noh."
"Sus. Hanggang dito ba naman dinadala mo yang HD mo saken? Ayaw mo pang aminin na gusto mo din ng yakap."
"Haha. I missed you Sky."
O_______O
Ano daw? Imbis na siya yung magblush sa pang-aasar ko, ako pa yata ang namula.
"Aishhh. Mas namiss kita Bangs!" sabay ginulo ko yung buhok niya.
Tinulungan ko siyang tumayo tsaka lang dumating sila Ken at Charlie.
Tumulong sila sa pagdisperse ng mga students mula sa area.
Hopefully, this will end the Archery Fanclubs' filthy activities for good. Olga is just creepy.
Ano kayang nangyari kay Mikki?
*****
VOTE COMMENT MESSAGE! :*
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top