Case 40: The LQ

Case 40: The LQ

Skyler's POV

FDD. 0729 HR.

It's been two days since nung nangyari saming apat nila Mikki, Rima at Stephen. Hindi ako pinapansin ng naglalakad na Bangs. I've been texting Mikki but kept on saying she's fine but I heard na di siya pumapasok from Carleen.

Haaay. Mga babae talaga oh. Sakit sa ulo.

"As of now, we have sightings of new syndicates kaya naman nag-organize na kami ng entrapment operations within this week." Chief said. Wala ako sa mood makinig. Kaharap ko kasi tong si Liam.

Oh, by the f*cking way. Kasama na siya sa team. As an order of President Dela Vega. Siya na ang mahiwagang buntot ni Rima from now on. How pathetic. Tss.

"Skyler, are you paying attention?" nakupo. Nahuli pa yata ako ni Chief.

"Yes Chief." sagot ko nalang.

"Lately, parang wala ka sa sarili mo. Umayos ka ha! Tatamaan ka sakin!" nanggigigil pang binato sakin ni Chief yung folder na hawak niya.

Madaming psycho issues tong isang toh eh. =_=

"Chieffffyyyy~" nalipat ang atensyon niya kay Charlie.

"Yes?"

"Sasama siya sa entrapment?" at tinuro si Liam.

"Oo naman. He's your new teammate so of course kasama na siya."

"Kung ganon, sino na yung buddy ni Skyler?" tanong ulit niya kay Chief.

"Si Kenneth. Rima will be paired up with Liam. And you will be paired with me."

"Okaaaay~ T^T"

"Parang ayaw mo ah! Swerte mo nga saken eh!" galit na sabi ni Chief kay Charlie.

Siguro tapos na ang briefing, kaya tumayo na ako para tawagan si Mikki.

Lumabas ako ng office. Masyadong maingay sa loob eh.

Calling Mikki...

"Skyler." sinagot niya naman agad.

"Sabi mo okay ka lang. I heard from Kenneth and Carleen that you're not absent for two days. Okay pa ba yun sayo?" sabi ko.

Tumawa lang siya. "I'm fine Skyler. Ano ka ba. Mamaya niyan agawan ko pa si Rima sayo sige ka! Sana mag-alala din kasi siya saken tulad ng pag-aalala mo eh." sagot nito saken.

"Di kita type." pasuplado kong sagot.

"Oo na. Si Rima na yung type mo. Haha! Asan ka pala?"

"FDD."

"So kasama mo siya?"

"Yep. She's with that Liam guy."

"Hahahaha. Jelly jelly Skyler. Ikaw talaga! Napaka-possessive mo sa taong di naman sayo."

=_=

"I know. Do you have to rub it in face?!" walang magawa din tong isang toh. Tss.

"But seriously Sky. I'm fine. This thing, I'm sure it'll be fine soon. I'll get this right. I promise." sabi niya.

"Yeah. It will be fine. Sige, matulog ka na."

"Skyler Fighting!" sigaw nito sa phone. Baliw.

Natatawa pa akong nilagay sa bulsa yung phone ko ng makita kong nakatingin saken si Rima sa gilid.

A long and awkward silence...

We're staring at each other. May mga gusto akong sabihin pero...

Tumalikod na siya at naglakad na papunta sa office ni Chief.

I ran until maabot ko yung kamay niya.

"Rima... *pant*" okay, medyo hiningal ako dun.

"A-Anong problema mo?" hindi siya humaharap saken. Hawak ko parin yung kamay niya.

"Rima, yung nangyari kay Mikki..."

"Hindi ko kailangan ng paliwanag mo." at saka siya humarap saken. Namumula siya dahil sa galit.

"Rima, Mikki and I are..."

"The secret... yun yun diba?! Yung secret niyong dalawa? Tama ako diba?" she said.

"Secret? No Rima, it's not what you think okay."

"Then what Skyler? Tell me?!!!" inalis niya yung kamay ko. "What the heck is there for me not to be mad? You are dating my bestfriend!! You could've told me this earlier! Walang masama dun!" okay, now she's sceaming. I'm worried we might caught the others' attention inside the office.

"Rima please calm down."

"I will not calm down okay?! I trusted you..." aaaand she's starting to cry. *facepalm*

Outside = poker face

Inside = Dafuq! Stop crying woman! Stop! Stop! Stop!

Di ko alam kung yayakapin ko na ba or aaluin ko lang at lalapitan. I. Am. Scared. She might hit me in the face. Galit siya saken because dating her bestfriend. Which is not true. AT ALL. =_=

"Rima.." lalapit palang ako, umatras na siya. Nakita kong kinuyom niya yung kamay niya.

I don't like those hands. *gulp*

"I will never talk to you again! Ever ever!" tumalikod na siya saken at tumakbo papuntang restroom.

Paglingon ko sa pintuan ng office, nakasilip silang apat sa pinto. Including yung hipon. =_=

*BATOK*

"This is for making Rima Bear cry!" -Charlie

*BATOK*

"This is for all the hatred that she feels!" -Kenneth

*BATOOOOOOK*

"And this is for ruining our meeting uhhh-gain." - Chief.

(=______ =#)

Lakas makabatok, parang pinapasweldo nila ako ha. Tss.

Pinaalis na ako nila Chief para wala ng away pang mangyari.

Di ko na kailangan pang ikwento dahil narinig na nilang lahat.

*bzzt bzzt*

From: Kenneth

Pre, daan ka ng Astro. Shot tayo.

Huh? Anyare dito? Bat nagyayang makipag-inuman? =__=

Ang Astro nga pala ay isang bar na madalas naming puntahan ni Kenneth. Ayaw ko kasing uminom sa bahay nila. Madaming bangkay dun. Yiii. =____=

Dumiretcho ako dun at umorder ng maiinom. I think I need this too.

After 30 minutes, dumating na si Kenneth.

"Pre. Buti naman at di mo pinersonal yung batok ko kanina." umupo siya sa tabi ko at umorder na din.

"May problema ka ba?" tanong ko. Bigla kasi siyang nagyaya eh. "May LQ ba kayo ni Carleen?"

"Kami may LQ? Sky naman, mahal na mahal ko yung tao. Bat ko hahayaang umupo dito at uminom kung may LQ kami? Ako yung tipo ng lalaki na gagawa agad ng paraan para maayos ang LQ kesa umupo kasama ng tropa at maging emo. Ganun ang totoong lalaki." pagyayabang niya.

"Nagyaya ka para magkwento ng lovelife mo? I am wasting my time." =_=

"Hahahaha! Joke lang. Ikaw kaya dyan ang may LQ. Kaya naman I gave you some break para naman magkwento saken. Malay mo makatulong ako."

"So? Ikaw na si Dr. Phil?" sagot ko at saka uminom sa bote na hawak ko.

"Nagmamagandang loob na nga eh. May nangyari ba sainyo ni Mikki? Naka anong base ka?!"

O_______O

*SAPAAAAAK*

"Ulul."

"Aray. Makasapak naman. Pero di nga? Are you courting Mikki? I thought for once you've got the hots for Rima pero matinik ka pala talaga. High five pre!"

(=_______= #)

"Gusto mo talagang magkablack eye noh?" naiinis kong sabi.

"Magkwento ka kasi."

"Wala akong ikukwento kasi di ko nga nililigawan si Mikki okay. Pssssh. Ang kukulit niyo."

Naglagay naman si Kenneth ng vodka sa shot glass niya at uminom din. "Ahhh. Ang sarap talagang uminom. Buti nalang pinayagan ako ni Sergeant."

"Sus. Nagpaalam ka ba talaga?" tanong ko.

"Oo naman. Di ako katulad mo oy. Hindi nagpapaalam sa kaibigan ng liligawan niya. Hahahaha!" ang lakas mang-asar neto palibhasa may mai-aasar saken.

"Shut up." sabi ko.

"You know what's so funny about Rima?" natatawa pa din siya habang nagsasalita.

"Ano?" sagot ko.

"Galit na galit siya. As if naman it would matter if maging kayo ni Mikki diba? Why would she interfere?"

O_______O

Hindi kaya...

Nahhhhh...

*shakes head*

Imposible. =_=

"Women are like that Ken. They cry because they get too emotionally attached to a person. They care too much. Ganyan kasi si Mama at Nana eh." sinabi ko nalang just to get my mind out of stupid things.

"Sabagay. Maybe you're right. But on the other hand, I'll get over it kung ibang babae pa yan. But dude, we're talking about Rima here. She's tough to be like this. Parang may iba pang reason sa reaction niya... parang--"

"Shut up Ken. She's not mad at me because she's jealous or she likes me. Okay?!?? Pssh." tumaas na yung boses ko. I drink a shot and calm down.

When I looked at Kenneth, his face were all like, "What the hell are you talking about Sky?!?"

"Huh?" naguluhan tuloy ako.

"I was just gonna say na baka may period si Rima and she needs time to chill. Kung ano ano ng sinabi mo." sabi pa ni Kenneth.

Tss. Ano ba yan. =_=

"Ganun ba?"

"Ayieeee. Ikaw ha." sabay ngiti niya ng nakakaloko saken. "Sabi ko na nga ba at type mo yang si Rima eh. Kilalang kilala na nga talaga kita Skyler. Hahaha!" at tumawa lang siya ng tumawa.

"Baliw. Type ko lang siya. Pero di ko siya gusto-- I mean, gusto ko siya pero di ko siya gustong gusto..."

Tinapik niya yung balikat ko, "Ey, ey. Skyler, kapag lagi mo siyang kasama masaya ka?" tanong niya.

"Naiinis ako pag lagi ko siyang kasama. Matakaw siya tsaka malakas humilik pag tulog tapos ang lakas pa ng boses."

"Ay nako pre. Tinamaan ka na talaga. Good luck sa pagtatago ng feelings ha?" tumayo na siya tsaka hiningi yung bill sa bartender.

"Uuwi ka na?" tanong ko.

"Napaparami na yung inom ko. Vodka pa naman yun. Sabi ni Sergeant, wag daw akong magpagabi eh. Ikaw din ha, magdadrive ka pa."

"Sige. Ingat ka pre."

"Nga pala, ayusin mo na yang LQ niyo. Mahirap tiisin ang taong gusto mo namang kasama. Sige ka! Hindi pa naman kayo buddy simula ngayon. Wala na kayong bonding niyan." tatawa tawa pa ito habang palabas ng bar.

Inubos ko nalang yung pang apat kong bote at umalis na din pagkatapos kong magbayad.

Medyo nakakahilo na ngang magdrive pag nakainom kaya binagalan ko lang yung takbo ko.

Dahil sa Bar Alley tong nadaanan ko, napansin ko ang isang saradong bar. Napatigil ako ng maalala ko kung anong Bar yun.

Genesis Bar.

"Oo nga. Dyan ko unang nakita ang makulit na naglalakad na Bangs na yun." nasabi ko sa sarili ko.

Kakatapos lang din naming mag-inuman ni Kenneth nun ng mapadaan ako sa bar na toh at makita ang kumikintab na buhok ni Rima sa taas ng bubong.

Sakto naman na naalala ko yung dapat sanang Case Surveillance ko bar na yun kaya alam kong agent siya.

*Flashback*

"T-Teka! HOOOOYYYY!!!!" kinaladkad ko na siya palabas ng bar. Ang bagal bagal. Pssh. "Wait lang naman! Hoy Kuya san mo ba ako--"

Humarap na ako sa kanya, nakakunot yung noo niya. Nasasaktan na siguro siya sa pagkakakapit ko.

Luh? Tumunganga lang? =____=

This is not the right time to drool on me. "RUN!" I instructed her tapos hinarang ko na yung mga guards na humahabol samin.

Guess what she did? Wala lang. Nakatayo pa din. Ugh. =_=

I looked at her while my hands are busy punching the guards. "Bingi ka ba? I. Said. RUN!!" I yelled at her. Agad naman siyang kumilos at tumakbo palayo.

*End of Flashback*

Natatawa nalang ako. Funny how we met the other day then the night after we met sa FDD, nagkita naman kami sa apartment. What a crazy world this is. Haaaay.

I started the engine and drive home.

Rima's POV

Manang Ason's Apartment. 1126 HR.

Nakakabaliw naman yung homework namin sa Bio. Ang daming mga scientific chenerlingchuchu. Psh.

Para namang magagamit namin siya sa conputer diba? Amp. Lumalaki ang ilong ko dito eh.

*basa basa basa*

*scan scan scan*

*highlight highlight*

*YAWWWWN*

\(> O

*unat sa kaliwa*

\(> O

*unat sa kanan*

(/> O

*unat sa harap*

(\> O )

(A/N: This is what you call "Sabaw Writing" CC style! XD)

"Okay. Siguro dapat na akong-- Ahhhhhh--hmmm~"

>_____

Si Skyler kasi, lumitaw na naman galing sa terrace. Nagulat ako at napasigaw pero niyakap niya tsaka tinakluban niya yung bibig koooo~

@_____@

Amoy alak siya~ imbis na mandiri ako eh parang nalalasing na din ako sa amoy niya. Nakayakap kasi siya sake---

O________O

*tapak sa paa*

*sipa sa tuhod*

*suntok sa tiyan*

*layo layo layo*

*kung fu pose* ;)

"Acck--" napaubo siya tsaka lang napayuko at ika ikang napaupo sa sahig ng balcony.

"Lumay--" ay oo nga pala, di na nga pala ako makikipag-usap sa kanya.

Tumalikod na ako tsaka kinuha ang readings ko. "T-T-Teka lang..." pero hinawakan ni Skyler yung braso ko.

Tinanggal ko yung kamay niya at dumiretcho sa pinto. Did I hit him too hard?!

Nahhhh. =_=

Bubuksan ko palang yung pinto ng maamoy ko ulit yung alak at paglingon ko sa likod ko, "Rima... hindi mo ba namimiss yung heartbeat ko? Kausapin mo naman ako oh?"

>////////

Niyakap na naman niya ako at this time sinadya niyang iparinig yung stupid heartbeat na ya---

Dug.

Dug.

Dug.

Dug.

Unti unting nawawala yung tunog ng mga sasakyan sa daan at pati narin yung pagaspas ng hangin.

Nakakaantok. Pati yung amoy nung alak sa katawan niya, naamoy ko na din. Napapapikit na akoooooo~

"I'm fine Rima. Andito naman si Skyler for me. Diba babe?"

"BABE..."

"BABE..."

Tama. I should stay away from him. I should hate him. Even if it means I have to stop listening to his stupid, pathetic heartbeat.

"Get away from me!!!!" I pushed him away. Nagulat siya, siguro kasi akala niya maloloko niya din ako.

"I don't care about you and your heartbeat!" umalis na ako sa balcony and just wished my heart would stop beating fast after what that Skyler did. :(

Gilmore College. 1021 HR.

O______O

Basa na naman yung locker ko. Naku naman, yung mga notes ko. Grr.

I saw girls looking at me and laughing. Dalawang linggo na akong bumibili ng notebooks dahil lagi nalang nilang binabasa yung locker ko.

Mga bully. >_

Nung lunch naman, sinadya nilang itapon yung milk shake ko. Tapos a girl spit on my food. After that, di pa sila nakuntento at binaliktad na nila yung plato.

I have to wait para lang makaalis sila ng caf at pagsawaan akong pag-tripan. =_=

Di ko toh sinusumbong kahit kanino. Bukod sa wala na akong pake sa mga nangyayari dahil sa madami akong mas dapat problemahin, baka makulong pa ako ng hindi oras.

Lalo na kina Liam at Stephen, nakakahiya sa kanila at baka mas lalo akong maissue kung ganun.

Ika nga nila.

This too shall pass.

Rima Fighting! :

*****

Vote Comment Message! ;)

Hihi. Hirap mag flashback, limot ko na yung mga scenes. Buti nalang may copy ako!

And for those who haven't noticed it yet, check out my background. Hihi. Sorry kung may singit scenes parin sila Rima at Skyler. Ajuju. I can't help it kasi. XD

Thank you guys! :*

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top