Case 4.2: Anger Management
A/N: Nalate yung pag-email saken ng chappie na toh. Hahaha. 2nd author, work that email stunts of yours. Hahaha. Delay much?
Enjoy! J
-RPL
-------------------------------------------------
"ANOTHER OUTSTANDING SHOT FROM THE ESBURGH ARCHERS!!"
And the crowd goes wild as the player goes downtown and shoots the ball and goes for a thre--
***WAPAAAAAK!***
"Ouch! What did I do to youuuu??!"
"Tanga ka ba o mongoloid? Kung makapagnarrate ka dyan, hoy Rima!!!" kinakatok niya yung noo ko. "ARCHERY COMPETITION TOH HINDI BASKETBALL. Ayus-ayusin mo nga yang pag-POV mo!"
"Jeez. Akala ko naman, kung ano. Ano bang pake mo sa POV ko."
"Uwaaaaaa!!"
Napatingin kami ni Mikki sa isa't isa. Nasa likod kasi namen yung TEAM ESBURGH FANS CLUB. Wagas makatili ang mga kerengkeng na toh. Mas malakas pa yata sa Fire Siren eh.
"Ang cool talaga nila Captain Jake at Stephen noh? Grabe! TO DIE FOR!" sabi nung isa.
"Not to mention, Stephen is so skilled and very composed while holding his bow. Nakaka-inlove!!! *____* Alam niyo ba girls, he smiled at me nung nakasalubong ko siya sa hallway nung Friday. Napakabait niya at nag-offer pa siyang tulungan ako kasi dala-dala ko yung mga cartolina kasi gagawa tayo ng banner nun!!"
"Talaga? Bat hindi ka nagpatulong?"
"Mukha kasing nagmamadali siya eh. Tsaka ano ka ba! Mapapagod pa ang Stephen babes ko."
At nagtawanan sila ng malandi.
Siniko ako ni Mikki. "Madami ka palang kaagaw."
(Si Rima ulet at Mikki sa gilid. Ang baliw na magbestfriend. Kyaaaah.)
"Manahimik ka nga diyan." lumingon ako sa ibang direksyon at sakto yung tingin ko, sa tapat ng kabilang arena.
Parang matatae ako. Si Skyler pa yung nakita ko?! (Oo. Muka siyang toilet bowl sa isipan ko. Wala akong pakelam kung may fans siya.)
=__________=
Nakakawalang-gana naman.
"Ow? Baket Rima?" napalingon din tuloy si Mikki. "W-Wow. Si Skyler yun ah!" may megaphone ba yang lalamunan ni Mikki? Kung maka-announce lang?
Napatigil tuloy yung mga nasa likod namen sa pag-uusap at tumingin din kay Skyler.
"Uwaaaa. Skyler babes is here din pala!!! Grabe na toh. I don't know he's a fan and a supporter of the Archery Team."
"Nakakamiss na ngang manuod ng Fencing Team kasi hindi na active si Senior Skyler eh."
"Kasama niya pala si Miss Amy."
Nagbulungan yung mga babae, wala tuloy akong marinig. Kahit si Mikki, ramdam kong nakikinig din sa pinag-uusapan ng mga beking ito sa likod namen.
"Talaga?"
"Oo. Feeling ko naman kasi, sila na ni Miss Amy. Lagi nalang silang magkasama sa school, at nakita ko pa silang nagsusubuan ng lunch sa isang empty room sa third floor!"
"Pag nakikita nga namin sila ni Daisy, nakakainggit sila. Madalas pang nakahawak sa makikisig na arms ni Papa Skyler si Miss Amy. "
"Grabe naman. Mukhang taken na nga talaga si Skyler. Sayang, mas may appeal siya kesa sa iba. Yung parang pasuplado type lang. Nakaka-ammmmf. "
"Alam niyo ba, sa last issue ng Esburgh Paper, may article dun na nagsasabing, bagay daw sila ni Miss Amy. At ang daming likes at share sa mga pictures nila! "
"Nako. Nakita ko nga yung isang page na nilike mo sa FB! May fan page pa sila. ‘SKYMY’ yung name. Nakakainggit. "
"Sinabi niyo pa. Haaaaay. "
"Uwaaa. How lucky naman ni Miss Amy!!! Sana magkaroon din ako ng boyfriend na tulad ni Skyler!"
O_______O
YUCK?
PWET NIYO.
SI SKYLER?
AS A BOYFRIEND?
Eh anak ng pwet yan oh, mas pipiliin ko pa yung kasing panget ni Empoy pero mabait at hindi laging constipated na tulad ni Skyler. Sows. Tsaka fan page sa Facebook? Sus. Ano sila? JEJEMON?
3wwSZxx. , . ‘’
"Tssss. " sabay pout ko.
"Nakakatawa yang reaction mo Rima my loves." nagulat ako. Nakatingin pala saken tong si Mikki.
"Tch." I rolled my eyes. "What's funny?"
"Wala. Nakakatuwa lang. I think you know "HIM" better than them, eh halos wala pang isang linggo mo siyang nakilala."
"Of course. He's far from how they imagine him."
"Pero what if totoo yung sinasabi nila, na mabait din siya?"
"Mabait siya dun sa babaeng yun", tinuro ko yung anak ni Chairman Villena gamit yung nguso ko. "...kasi he's working for her. Sagad sa kaluluwa niya ang pagiging masama ang ugali."
"Pero you want him to be nice to you, right?"
Napaisip ako bigla sa sinabi ni Mikki. Gusto ko nga bang magbago ang ugali ni Skyler saken? He has friends naman, kahit ganun ang ugali niya. Mainit lang talaga ang ulo nun saken, but I don't even know why. Wala naman akong ginawa. Siguro kasi, nakita niya ang epic fail mission ko sa Genesis Bar, but that doesn't even make sense if he's gonna base my performance as a spy dahil lang dun. I cleared missions myself, and I'm quite proud of that. So the bottomline is, why does he always have that sort of grudge on me?
"Wow, ang lalim ng iniisip mo my loves. You wanna share it?"
"G-Gusto ko lang na, maging okay na ang lahat para sa team. Para kasing nakakaperwisyo na yung pag-aaway namen eh."
Tama, yun lang naman ang gusto ko eh. Na magkaayos kami.
"Then be nice to him. Wag mong sasabayan ang galit niya."
"Eh kasi naman eh--"
"Diba nga sabi nila, pag ang dalawang mongoloid, nag-uusap, kahit hindi sila maintindihan ng iba, nagkakaintindihan silang dalawa."
=__________=
"HAHAHAHAHA. Joke. Peace!!!" ^_______^v
=_________= Abnormal talaga tong isang toh.
Bumalik nalang ako sa panunuod ng laro, at mukhang leading paren sa score ang Esburgh when it comes to the bullseye, halos lahat yata eh nakuha nila. Sumablay lang ng konti yung Captain pero sa tira ni Stephen, lahat nakuha niya. Ang astig.
lbgdlgbsdblsbglsbl
jslglsbglsbglsblgbslg
jsdkgbslgbslbglsbgsbg
"And the winner is, Esburgh Team!!!!!"
Tilian na naman yung mga fans club sa likod namen. Nakakabingi na. Homaygad.
Tatayo na sana kami ni Mikki ng biglang lumingon samen si Stephen mula sa baba ng arena. At...
^_________^
Ngumiti siya, sabay taas ng trophy niya.
Lalong tumili yung mga fan girls niya sa likod namen, "Ang iingay ng mga baklang toh Rima!" sabay takip ng kamay niya sa tenga.
Ang lakas ng heartbeat ko.
Dug.
Dug.
Dug.
Napahawak na ako sa may chest ko. Na para bang pinapakalma ko siya. "Tama na." saway ko sa puso ko. "Hindi mo siya gusto."
Tumalikod ako, at umalis na.
"O-Oyy! Rima my loves! Hintayin mo naman akooooo!" ramdam kong tumakbo si Mikki.
Kinakabahan ako. Ayaw ko ng ganitong pakiramdam.
***BOOGSH***
"Ahhhh!"
"Miss Amy!!!"
O______O
"S-Sorry, h-hindi kita napansin." lumuhod ako para tulungan siyang tumayo pero hinila ni Skyler yung kamay ko at tinulak ako.
"O-Okay lang ako." sabi nung babae.
Pinagpag ni Skyler yung damit niya. At chineck kung nagasgasan yung tuhod niya. Inayos niya din yung buhok niya at pinat pa ito. "Sure ka?"
She nodded. "I'm fine." sabay tumingin siya saken, "Don't worry. I'm fine Miss."
^_________^
"Uhhhh."
"Rima!" si.... Mikki.
Skyler.
Mikki.
Anak ni Chairman Villena.
"T-Tara na M-Miss Amy." hinawakan niya yung kamay nung Miss Amy.
"Sk---"
Ako naman, hinawakan ko ang bunganga ni Mikki. "Ahehehe. Sorry talaga, nasugatan ka ba?"
"Hindi naman. Hehe." hala para siyang manika. Maiksi ang buhok niya na kulay brown. At kulot ang ibaba. Nakaheadband pa siya at nakadress na may cardigan chu chu. ANG KYOT. *____*
Kahit si Mikki (na may pagkatomboy/ pedophile/ pervert/ yuri fan) ay nagtwinkle. Mukang nakyukyutan din sa kanya.
"Ahhh. Una na kami. Pasensya na talaga." hinila ko na si Mikki, sabay binitawan ko yung bibig niya. Gets naman na siguro ni Mikki kung bakit ko siya tinakpan ng bibig. "Tara na Mikki."
Lumagpas kami sa kanilang dalawa. Nagkatinginan kami ni Skyler.
*SPARK*
*SPARK*
Mukang nagalit siya sa pagbunggo ko sa amo/ rumored girlfriend niya. Ang sama talagang makatingin. Hindi ko nalang siya pinansin. Naalala ko kasi yung sinabi ni Mikki na wag ng sabayan ang init ng ulo niya.
Ng ano-ano eh..
"RIMA! MIKKI!"
Sabay pa kaming lumingon ni Mikki, "S-Stephen?" nanlaki mata ko. Eh nakatingin din sila Skyler at Miss Amy kay Stephen tapos lumingon samen.
"Stephen." biglang tawag nung Miss Amy nung makalagpas siya sa kanila dahil dire-diretcho yata siya samen. Malamang Rima, tinawag nga kayo eh. Bopols much? =_=
"Oh. M-Miss Amy. Nanuod pala kayo." pag kuwan eh lumingon siya kay Skyler na nasa ibang direksyon ang tingin.
"Ahhh. Yes. Ako nalang yung pinadala ni Papa, busy kasi siya eh. Congratulations."
"Thank you Miss Amy."
....
"S-Sige. U-Una na kame." sabi ni Miss Amy, sabay nun, tsaka palang gumalaw sa pwesto niya si Skyler at hinawakan na sa kamay si Miss Amy.
ANG SNOB. HINDI MAN LANG SINABI KAY STEPHEN NA "CONGRATULATIONS PRE."
"Ang sama ng ugali niya." bulong ko.
Naglakad na si Stephen, "Aalis na kayo? Diba sabi ko ililibre ko kayo?"
"Ahh. Stephen, diba, may post celebration kayo?" narinig yata yun ni Mikki dun sa mga fan girls kanina. Ang narinig ko lang, nag-organize yung fans club nila ng isang party after the game.
"Ahh. Nagpaalam na ako. "
"Pero..." aangal pa sana ako. Pero bigla na lang siya nag-sad face.
***BATOK***
"Ano ba Rima my loves!! Tara na nga, diba mahilig ka sa libre, tara na't magcelebrate!!!" sabay hinila ako. Sugapa talaga oh. Binatukan ako tapos hinila ako. Ang saraaaaap... batukan.
Sumunod lang kami kay Stephen. Tutal, siya manlilibre, siya bahala.
***************
CREAMY LATTE CAFE~ 1227 HR
(Oo, wala akong maisip, may commercial ng Nescafe, ayan. Boom!)
Dinala kami nitong si Stephen sa isang Cake Shop/ Coffee Shop. Ang bango palang pagpasok. Naamoy mo yung aroma ng kape, yung sweetness ng cake at yung welcoming atmosphere. Infairness, ang ganda dito. Parang nagutom tuloy ako.
"Madalas ako dito. Masarap kasi ang cakes nila."
^_________^
"Siguro madami ka ng dinalang babae dito noh?" babatukan ko na tong si Mikki, ang daming nakakalokang tanong.
"Hahaha. Actually, no."
"EH? Sa pogi mong yan, wala?" usisa pa lalo ni Mikki.
"No girlfriend since birth ako eh. So wala talaga."
*cough* *cough*
Nasamid ata ako. ANO DAW?
"Are you okay Rima my loves?" hinimas ni Mikki yung likod ko, while Stephen hands me some tissue. "Dahan-dahan kasi."
"S-Sorry." namula ako. Para kasing nagreact ako sa sinabi ni Stephen.
"Nabigla yata siya sa sinabi mo Stephen."
"O-Oy. Hindi ah."
"Nakakagulat naman talaga eh. Si Rima na siguro yung nagreact in behalf of me, HINDI NGA? NGSB kaa?"
"Yup." ^_______^
"WHY?"
"Coz' I'm waiting for the right girl. Kung magmamahal man ako, I want her to be the only one. At yung magiging asawa ko na din."
O___________O
DREAM GUY ALERT
DREAM GUY ALERT
DREAM GUY ALERT
DREAM GUY ALERT
Speechless kami ni Mikki. Akala kasi naman sa Wattpad lang nag-eexist ang perfect guys (FICTION TOH, PAGPALAGAY NIYO NA TOTOO TO AT HINDI GALING SA WATTPAD! WALANG BASAG TRIP DYAN!) kasi diba, ang galing! May mga ganito pa palang lalaki ngayon, mala-OLD AGE ang dating.
"Oh, andyan na pala yung cakes natin eh." Stephen said.
Inabot niya yung mga cakes namen. Kay Mikki, Choco Fudge Delight. Kay Stephen, Vanilla Swirls, at saken, Strawberry Cheesecake with Blueberries.
"Try it." at bago pa kami sumubo, "But I'm warning you, it's addictive."
^_________^
Rawr.
Ummm..
Ang tamis. Ang creamy ng cheesecake. At nalalasahan ko yung blueberries.
***TING***
Biglang tumunog yung pinto. May bell kasi sa taas ng pinto para malaman kung may papasok or lalabas. Napalingon tuloy ako.
*COUGH*
*COUGH*
*COUGH*
"R-Rima?" nataranta si Mikki, nabilaukan na naman ako, kanina, sa kape ko, ngayon naman sa cake.
Tumayo na si Stephen para ikuha yata ako ng tubig. Ramdam kong tumabi saken si Mikki.
"Hinay hinay ka nga sa katakawan mo. Ma-turn off pa sayo si Stephen, sige ka."
Sa sobrang trauma ko nung mabilaukan ako sa cake na halos ilabas ko na yung esophagus ko, nakalimutan ko na kung bakit ba bigla nalang nalunok ko agad yung buong cake sa bibig ko ng hindi muna nangunguya.
O________O
*lingon*
"H-Huh? Baket ba Ri---"
Si Skyler. Oo. SI SKYLER. In the flesh. Mukhang kakain din sila dito ng manikang kasama niya. Ano yan? Date?! Sows. Isusumbong ko siya kay Chairman Villena. Inaabuso niya yung amo niya. CHILD ABUSE.
Agad lumapit si Mikki sa tenga ko, "Ang sama ng tingin sayo ni Papa Skyler. Hihihi. Small world talaga." sabi pa ni Mikki.
"Pinagsasabi mo dyan, oy. Ganyan talaga itsura niya noh."
Dumating na si Stephen. "Here, drink some water, okay ka na?"
"A-Ahh. Oo. Sorry ah. Matakaw kasi ako." tumawa ako ng pilit at hindi na pinapansin ang masamang nilalang sa harap ko.
Dun kasi umupo sila Skyler sa tapat ko. Nakaharap siya saken, tapos nakatalikod si Miss Amy. Balak pa yata akong isumpa sa tingin pa lang eh. Don't tell me, galit pa rin siya sa pagkakabunggo ko sa amo niya? OA.
"Diba sila yung nabunggo mo kanina Rima?" painosenteng kunwari hindi namin sila kilala ni Mikki, para lang talaga pag-usapan parin namen kahit kaharap namin si Stephen.
"A-Ahh. Hehe. Oo." napakamot tuloy ako sa ulo.
"Sila Miss Amy at Abalos yan." sabat ni Stephen. Mukang may gusto na namang mangyari tong si Mikki. Nako, kilala ko na yang ugali ng baklang yan.
"Kilala mo sila Stephen?"
"Yup. Schoolmates kami. Si Miss Amy, freshmen, si Skyler, batchmate ko. Pareho kaming Business Management student."
"Ow. Are you guys friends?"
Biglang naalala ko yung pag-snob ni Skyler kay Stephen kanina sa Chuchu Sports Arena.
"No." diretcho niyang sagot.
"Eh? Baket?" chismosa ni Mikki.
"Our families are kinda fighting because of business."
Now that explains it.
"Owww." sabi ni Mikki. Although gets ko na, I think there's still something na gusto kong malaman between them. Ewan.
"May nangyari ba sa inyo before?" out of the blue bigla akong sumabat sa usapan, to think na kanina ko pa sinasabihan tong si Mikki na chismosa tapos talo ko pa ang The Buzz kung makapang-intriga eh.
Ang sinagot niya saken ay isang matipid na ngiti. So bale...
^_________^ <-- Normal niyang ngiti.
^_^ <-- Matipid niyang ngiti.
(Get it? Get it? Hahaha. Joke yun, tumawa kayo. =____=)
***Ring***
"Ay anak ng baboy!" nagulat si Mikki kasi biglang nagvibrate yung cellphone niya. "Wait, natawag si Mama! Sagutin ko lang to haa, usap muna kayo diyan." sabay tumayo siya at lumabas sa cafe.
Sinundan ko siya ng tingin. Nakalingon din si Stephen, magkatabi kasi sila at nakatalikod sa pintuan ng cafe.
"S-Sorry. Masyado yatang personal yung tanong ko." I apologized. Alam ko I'm overboard.
Uminom muna siya ng kape niya at pinatong ang kamay niya sa table. "That's okay. Skyler and me used to be good friends nung junior high school."
Is he trying to, open up? "Uhh.."
"Then, nagkaroon lang ng sort of problem sa pamilya namen, regarding personal and business." dagdag niya pa.
"Tama na Stephen." nakatungo ako, my hands are closed na nakapatong sa lap ko. "It's personal enough para i-open mo pa. N-Napansin ko lang na parang hindi kayo close. Pero you don't need to say everything."
He laughs. "It's okay Rima. I can trust you. Besides, gusto mong malaman diba? It's nothing."
Unti unti akong humarap sakanya. Nahihiya talaga ako sa sinabi ko. Napakachismosa ko na, tapos ang bait bait niya pa. At ang isa ko pang kinakahiya ay ang pagpula ng mukha ko. Ramdam na ramdam ko ang pag-init ng pisngi ko. T____T Kill me nao.
"Oh noes!!" Mikki exclaimed. "Kailangan ko ng umuwi." sabay hanap niya ng bag niya sa upuan.
"W-What?"
"Rima, Stephen, mauuna na ako ha. May emergency lang sa bahay." lumingon siya saken. "Okay lang ba Rima?"
She looks worried. I think she's serious. Pero most probably, may kailangan lang talaga siyang gawin. "Yes. Go ahead."
^_______^
"Thank you my loves." tapos humarap siya kay Stephen, "Alagaan mo ang Rima my loves ko Stephen haa?" sabay kindat.
Natatawa naman si Stephen habang natango. "I'll take care of her alright."
Pinanuod ko nalang si Mikki habang palabas siya ng Cafe. And I heaved a sigh.
"Hey. Bawal magbuntong hininga when you're in front of the food." saway saken ni Stephen.
"A-Ahh. Sorry naman." inayos ko yung pagkakaupo ko at nagslice ulet ng cake. "So, ano ng gagawin natin? Nga pala, may lakad ako mamayang gabi eh, kaya dapat makauwi ako ng maaga."
"Hahahaha."
"H-Heeyy. What's funny?"
"Ang daldal mo pag wala si Mikki." t-talaga? O___O
"Well I'm guessing kasi medyo naiilang ka sa kanya kasi she's trying to pair us up right?"
TUMPAK. Okay, bigyan niyo si Stephen ng jacket, payong at CD. Pasok na siya sa jackpot round, eto na ang 5,000 pesos. CONGRAAAAAAAAATULATIONS!!!
=_________=
"Ah-huh." tumango nalang ako. Abnormal kasi talaga si Mikki kahit kelan eh.
"Well, in that case, ihahatid nalang kita after we finished this?"
"Sure."
^_________^
"Ahh Rima..."
"Ano yun?"
(SKYLER'S POV)
Federal Drug Department 0623 HR
(Warning: Puro narration. Ang dami kasing iniisip ni Skyler. Hahaha.)
Anak ng bwiset yan oh. Asan na ba yung bangs na yun? Anong oras ba siya titigil sa pagiging umprofessional? Nakakainis ang Sunday ko. I just wasted my time to watch some sucked up game, and see people I hate so much.
Kung hindi lang talaga ako obliged na sumama, tungnuh, hindi ako sasama. Akala ko magiging okay yung araw ko since hindi ko nakita si Rima pag-alis ko ng apartment, kaya lang mukhang tama yung hinala ko nung nakita ko sila sa may malapit sa Gilmore College na kausap ang mayabang na yun at may inabot na pulang ticket. I was sure enough. Pero parang hindi ko maintindihan kung bakit pumayag parin ako sa alok ni Miss Amy.
Composed thoughts: It's your job.
Weird thoughts: You wanna make sure na tama yung hinala mo.
Ginulo ko yung buhok ko at sumandal sa sofa. Naglalaro sila Charlie at Kenneth kasama si Chief. Mukang League of Legends naman ngayon. Naunang umalis sa Cafe sila Rima at Stephen. Mukhang may iba pa silang lakad.
*FLASHBACKS*
"Girlfriend yata ni Stephen yung nakabangga saken kanina, diba Skyler?" biglang sabi ni Miss Amy.
"Ahhh. Ewan." pakelam ko sa kanila.
"I know you guys are still not in good terms pero natutuwa ako kay Stephen, mukhang inspired siya ngayon dahil sa girl na yun. At mukhang cute siya."
Cute? Saang banda? Sa alakalakan? O sa bumbunan? Pwe.
*END OF FLASHBACKS*
"Sky! Di mo ba nakita si Rima sa apartment?" tanong ni Kenneth. Mukhang sila, naiinip na din sa pa-VIP act nitong si Rima.
"Hindi. Galing ako kina Miss Amy." sagot ko. Ayaw ko ngang sabihin sa kanila na nakita ko siya ng makailang beses kanina. Mamaya asarin pa nila akong stalker.
Babalik na ulit sana sa pagkakaupo si Kenneth ng biglang bumukas ang pinto.
"Chiefyyy Sorry late ako." si Bangs nandyan na.
"Haynako Rima. San ka ba galing?" tanong ni Chief sa kanya.
"May pinuntahan pa ako eh. Pasensya na." sabay umupo na siya. "Sorry guys." sabi niya pagkaharap samen. "Di na mauulit." pinagdikit niya pa yung dalawa niyang palad at yumuko.
"Okay lang Rima Bear ko!"
"It's okay Rima." ^_____^
Lumingon siya saken at ngumiti siya. Hindi ko alam ang isasagot ko.
.....
Ang tahimik. Mukhang inaantay nila akong sumagot ah? Eh pinipigilan ko lang ang inis ko.
"Okay lang saken, tutal, uunahin mo naman talagang makipagdate diba?"
Nagbago ang itsura niya. "It's not a da--"
"So, hindi kayo? Pero nagdadate kayo? What do you call that? Flirting?"
"Pwede ba, don't start another fight with me!"
"I'm not starting a fight here. I'm just sayin'."
"Hah!" she's furious, by the looks of her face.
"Hey Skyler, Rima, stop it!" saway samen ni Kenneth.
"Pinapalaki niya kasi yung maliit na bagay! Whatever it is that you see, keep in mind na I never want to be associated with you personally. Kasi mas malala ka pa sa bestfriend ko. You want to tell them na I'm dating Stephen Lim? THEN GO AHEAD!! THIS IS WHAT YOU WANT TO SAY RIGHT? NA I'M FLIRTING WITH HIM? NA WE'RE IN A RELATIONSHIP?!"
She's yelling at me. And tears fall from her cheeks.
"R-Rima Bear... stop crying. Please." Charlie hugged her.
"I've had it with you. Nakikisama na nga ako sa ugali mo diba? I'm sorry if I'm annoying and childish and somehow hindi mahinhin sa paningin mo Skyler. Pero eto ako eh. I can't just change myself in a zap just for you! So if you can't deal with me, then mind your own business!"
She exits the office while wiping her tears. I was left speechless. Hindi naman yun ang gusto kong sabihin eh. Siguro mainit lang talaga yung ulo ko kaya I blurted out such harsh words.
Hahabulin ko sana siya nang biglang humarang si Charlie sa dadaanan ko.
He's crying. And he looks really mad.
"YOU MADE MY RIMA BEAR CRY! I HATE YOU! I HATE YOU!!!" he's trying to punch me, iniilagan ko yung mga suntok niya pero nung nahawakan ko ang left fist niya, di ko napansin yung sa kabila.
*BOOGSH*
Namalayan ko nalang, nasa sahig na ako. At medyo masakit ang panga ko.
"Bakit mo sinabi yon sa kanya! Hindi kita mapapatawad. She's the most nicest person ever! For you to say such things, ni hindi mo nga siya kilala eh! Ayoko ng maging apprentice mo! Nakakadiri ang ugali mo! Mas isip bata ka pa saken!" pinigilan na siya ni Kenneth. Pilit namang kumalas si Charlie sa kanya at tumakbo sa labas.
"See what happened when you let your anger take over?" yun lang ang nasabi ni Kenneth, sabay umiling siya. Pagkatapos, kinuha niya yung gamit niya at lumabas ng pinto.
Tumayo ako. Nakatitig lang si Chief sa laptop niya at mukhang naglalaro lang.
"Hindi marunong makipag-flirt si Rima." nabigla ako ng sinabi niya yon, pero hindi siya nakatingin saken. "The next time, na sabihan mo pa siya ng ganun, ako na mismo ang gagawa ng petition para ipatanggal ka sa FDD."
"S-Sorry. I did---"
"Hindi ka dapat saken mag-sorry." sabay tingin niya saken. "She's a tough girl, matagal ko na siyang kakilala, and I only see her weep like that once, nung namatay ang parents niya. After that, ngayon nalang ulet."
Lalo akong nakonsensya.
Kinuha ko ang bag ko at umalis ng office.
***Miss Amy calling***
Naman, ano na naman bang problema?
"Hello, Miss Amy?"
"Skyler, pinapatawag ka ni Daddy dito." sabi niya.
Nagmamadali akong pumunta sa Villena Mansion. I'll give her some space muna before I apologize. Sana nga lang, mapatawad niya ako.
--------------------
WAHAHAHAHAHA. NAKAKAPAGOD MAGTYPE PAG MAHINA ANG WIFI. ♥
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top