Case 4.1: Anger Management

(Rima's POV)

Grabe. May cycle ang araw ko.

Una, ang malas. Nakita ko kasi agad si Spikehead.

Tapos, swerte. Nakita ko tong si Stephen. (Swerte siya para saken, walang basag trip.)

Minalas ako. Nawala ang ID ko.

Pero sinuwerte din kasi nakita pala niya. 

Inaabot niya na saken yung ID ko. "Next time, wag ka na munang magsuot ng ID, it's better to wear it pag nasa school premises ka lang. At least hindi siya mawawala."

^_______^

Eh bat ang cute niya? Ang bait bait niya. Para siyang angel. 

"T-Thank you haa. K-Kanina ka pa ba diyan?"

"Medyo. Pero okay lang. I don't know your schedule so nagbabakasakali lang ako na makita kita para maibigay ko sayo yan personally."

WOW. ANG BAET. ANG LAYO LAYO SA UGALI NI SKYLER. 

Teka.... 

Speaking of Skyler, bat pareho sila ng uniform ni Stephen?

"T-Taga Esburgh ka???"

"Yup."

O___________O

Ahhh. Kaya pala. "Thank you talaga ah." nilagay ko na yung ID ko sa bag.

"I don't have much time to introduce myself kanina pero natandaan mo parin ang pangalan ko. Nakakatuwa ka naman Rima."

^___________^

> ///w/// <"

Ang cute niya. "Ah-- Hehe. Oo nga eh. A-Ako nga pala si Rima." awkward pa ako eh. Bat ba ako nahihiya sa kanya? Hindi ako dapat ganito eh.

"I'm Stephen Lim. Nice to meet you Rima."

?_______________?

"Y-Your name... sounds familiar..." nagkamot ako ng ulo.

"Really?" nagulat siya sa sinasabi ko at parang naghihintay siya sa pag-iisip ko. Ngumiti siya saken na nagpapa-blush saken eh. 

"I heard your name before."

Biglang may mga tumili.

"AHHHHHH. Diba yan si Stephen Lim ng Archery Team ng Esburgh??"

"Omygosh. Ang cute cute niya pala talaga."

"Ang tangkad, shet."

"Be the father of my kids, Stephen!"

At dahil sa malalanding to, may naalala ako.

*FLASHBACK*

"RIMAAAAAAAAAAAAA!" patakbo akong sinalubong ni Mikki sa hallway. Pawis na siya eh. Mukang busy pa.

"Eto oh." may inabot siya sakeng ticket.

"Ano toh? Tickets sa movie?"

***BATOK***

"Tangeks. Tickets yan para sa Sunday. Dun sa Archery Competition na papanuorin naten. Anukaba!!!"

(May tangeks din na nagedit ng chapter na toh at hindi nagsave ng maayos kaya nawala ang kalahati ng chapter. At dahil nabura ko na yung file, tung nuh, start from scratch ang peg ko today. Sana maalala ko yung plot. Kakasabi ko palang na medyo riot eh. Psssh. -JJ)

"Ahhh. Ganun ba?"

"Hoy ikaw! Wag kang NO SHOW sa Sunday ah! Babatukan pa kita ng marami-rami pag nang-indyan ka! SUBUKAN MO LANG!"

"Oo na po!"

Ngumiti siya sabay takbo. Medyo busy kasi siya siguro dahil sa school paper or something. 

*END OF FLASHBACK*

Kinuha ko mula sa bag ang ticket na binigay ni Mikki kanina at, "I-Ikaw ang Stephen Lim na maglalaro dito?" sabay taas ko nito sa mukha ni Stephen.

O___O

"T-Teka. Manunuod kaaa?" wow. Nagulat siya. Galing. Ang cute niya parin kahit nagugulat. 

"Yup. Pero yung friend ko,  si Mikki. Siya ang super fan ng team niyo Stephen!"

Ngumiti siya. Na nakakahigh ng sobra over over to the highest level forever. ^_____^

"I want to meet your friend. I'm too surprised to know na may fans kami from outside the school." Oh diba, ang baet niya ng super duper over.

"Sa Sunday. Pag nagkita tayo. Papakilala kita."

"I'll look forward to that." ^________^

Nag-offer siya saken na ihahatid niya daw ako. Kaya pala siya nakasakay ng LRT kahit na taga-Esburgh siya at mayaman ay dahil coding yung kotse niya. Kaya ayun, ihahatid niya nga daw ako pero tumawag si Chiefy saken kanina lang para sabihin na may meeting daw ngayon. Kaya hinayaan ko na siyang umalis. 

Nagwe-wave pa ako ng babye kahit nakatalikod na siya ng bigla akong kilabutan. Parang may masamang aura sa likod ko. 

Swerte = Stephen

Wala na si Stephen. At dahil may cycle ang araw ko, nakupo. Malas? I-statue?! T___T

Dahan dahan ko pang ipinaling ang ulo ko patalikod, mukhang malas nga talaga to.

"Mukhang nag-eenjoy ka ah. What are you waiting for? An invitation?"

=________=

"Hehe. Hindi naman. I'm waiting for you to die."

"Tch. We never know, baka mauna ka pa saken!" aba! Kung makasagot saken tong kumag na to ah. BASTUSAN BAAAA? Pssssh.

In the end, sumakay din ako. Naman oh. Akala ko naman kung sinong susundo saken, etong constipated at mukhang taeng Skyler na toh lang pala. Nagseatbelt na ako at naupo. Sumunod naman siya. In all fairness, siya pa ang nagsarado ng pinto ko. Medyo madami nga lang usisera sa school kasi pogi DAW tong si Skyler.

Otw na kami sa FDD. Ang pogi...

...ng kotse niya. Walang alog moments, parang bagong-bago to. Ford Focus siya na super tinted, black ang labas at loob, parang budhi niya lang, JOKE! XD At leather pa ang upuan.

"Ahhh Skyler.." 

....

"Pssst.. leather ba tong dashboard mo?" tinuro ko pa, baka hindi niya alam ang dashboard. XD Dapat itinuro ko na din yung sarili niya kasi di niya yata alam pangalan niya, ayaw sumagot. 

=_______= Kumunot yung noo niya at sumimangot pa lalo.

"Hoooy." tawag ko ulet.

....

Ahhh. You wanna play tough huh? Okay let's see. Nauubusan na ako ng patience sa inaasal mo eh. 

"Can I touch it?" akmang hahawakan ko na ito ng bigla siyang sumigaw.

"DON'T TOUCH ANYTHING!"

Pero imbes na wag hawakan, hinimas-himas ko pa yung dashhboard niya. Pinupukpok ko na nga sa sobrang inis ko. Tapos nagba-bounce bounce ako sa upuan ko at kinalikot ang TV, radyo at pati manibela niya.

***SCREEEEEEECCCHH***

O_______O

Buti nalang nakaseat belt akish.

"Are you crazy! Bat bigla ka nalang nagpreno dyan!!!"

"GET OUT OF MY CAR NOW!!!!"

Namumula siya sa galit. Mouhahahaha. XD Ganyan talaga ang buhay Skyler, minsan mabait ka, at minsan nawawala din ang pasensya ko noh. :P

"Fine. If you say so. I don't want din naman to ride some cheap car with a driver that has the most hostile attitude ever. Maghanap ka ng kasama mo!" sa galit ko, pagkababa ko eh, sinipa ko yung pintuan ng kotse niya para magsara. 

"What the eff are you! Idedemanda kita, makikita mo!"

"Oh sure! I have my own eyes to see. I'll be waiting!"

"Tss." inis siyang tumalikod saken at sumakay sa kotse niya. Pinaharurot niya yung sasakyan at ako'y maghihintay nalang ng jeep. Mausok man, at least hindi ko kasama ang panget na yun noh.

------------------------------------------

 FDD 0617 HR

Naabutan kong naglalaro sina Chief Francis, Kenneth at tong si Charlie ng L4D sa office. Parang mga bata. I heaved a sigh. And it caught their attention.

"Oyyy. Skyler! Andyan ka na pala!! ^____^" sabi ni Charlie.

"Ah talaga?"

"Tsss. Ang sunget!" sabay pout at humarap ulet siya sa laptop niya. "Go find someone who can talk to you." sabi niya pa.

"Last na toh Skyler, tapos magsisi--" mukhang nagets na ni Kenneth ang nangyayari, tumayo siya at hinanap ang naglalakd na Bangs. "Where's Rima? Diba I instructed you to fetch her sa school niya??"

=_________=

"Hey! Answer Kenneth! Where is my Rima Bear!!!!" sigaw ni Charlie. He's really annoying. Lahat sila annoying. Nakakairita. Tssssss.

"Ayaw niya daw sumabay saken eh, kaya ayan. Iniwan ko siya."

Umiling nalang si Kenneth, kinuha niya yung susi ng kotse niya at pumunta sa pinto ng biglang bumukas ang pinto. 

"TADAHHHHHHHH! Andito na ako!" XD

"RIMA BEAR!" sabay yakap naman netong si Charlie. 

"Let's start this meeting para matapos na. Sheesh." sabi ko nalang. Ang dami pang arte ng mga tao dito. At ang daming arte ng author eh. MGA AUTHOR PALA. -___-

Tumayo na si Chief. At binigyan kami ng tig-isang folders. Cases toh. At mamimili na kami ng gusto naming Case. Wew.

"Sa lahat ng available, mas okay kung pipiliin niyo ang surveillance. Busy kayo sa school hindi ba? At least mas accessible at hindi hassle ang locations, compared sa Mandatory Man Hunt ng isang boss sa may Northern Provinces. Yun ay suggestion ko lamang.”

"Okay lang saken! Kahit saan!" ^____^ Sabi ni Charlie. Wala naman talaga siyang pakelam eh. Hmp.

"Mas okay nga kung magsimula tayo sa mababang cases para mas matantya natin ang isa’t isa.” Kenneth said.

“Good. Ikaw Skyler?” Tanong saken ni Chief Francis.

“Okay lang saken yan.” Chicken feeds lang yan, ang problema ko lang talaga ay si Rima. Ambopols lang niyan sa surveillance. Dun pa nga lang sa Genesis Bar eh. Pano pa kaya sa mas mahihirap na assignments namen.

Nung lumingon ako sa tabi ko para tignan ang Rima na yun, nagtaka ako. Bat parang ang lalim ng iniisip nitong isang toh. At bat parang hinihintay lang siya ni Chief Francis.

“May problema ba Rima?”

“Oo.”

Napalingon tuloy kami sa kanilang dalawa. Nasanay kami na naglolokohan sila, nagbabatukan at kung ano ano pang kaabnormalan sa buhay, pero bat parang iba ang aura nila.

“Akala ko hindi mo mapapansin yan.” May inabot na isa pang folder si Chief kay Rima. “Eto, kanina ko lang din nalaman, na naabswelto sa kaso niya ang Leader ng grupong yan.”

“A-Ano? Bat hindi sila pinigilan ng FDD?!”

“Internal at top-secret ang department natin. Masyadong magulo kung tayo mismo ang haharang dun sa kaso.”

Biglang nagtaas ng kamay si Charlie, “Bakit Rima? May problema ba sa kaso naten?”

Humarap siya samen at pinakita ang mukha ng target naming leader. “Siya ang leader ng Cortez Drug Syndicate na nahuli lang nung isang buwan. He was caught during an entrapment operation, with almost 200 million worth of drugs at yung iba, pino-processed palang. Nagkaroon na din ng follow-up operation, para tugusin pa yung ibang lugar kung saan sila nagawa ng shabu. I thought, this syndicate was gone.”

Silence.

Mukhang nagiging seryoso ang aura ni Rima sa ganitong mga sitwasyon.

“Without anymore questions, gusto kong mag-assign ng buddies. Per two.” Biglang iniba ni Chiefy ang topic. BUDDY-BUDDY SYSTEM? Ano toh? Educational Tour?

“Bat kelangan ng buddy?” di ko na napigilan.

“It’s much easier in times of communication.” Katwiran ni Chief. Pero I want everything to—

“Wow. Hanggang ngayon na nasa TEAM ka na, you still want everything SOLO for you? Kelan ka ba magmomove on haa?” si Rima na ang sumabat. Ano bang pake niya! At bat alam niya ang iniisip ko?

“Mind your own business!”

“How can I mind my own business when I am already attached to you because of this stupid TEAM?! Why can’t you just accept this and move on! MAKISAMA KA NAMAN SKYLER!”

“You don’t need to tell me what to do! Wala akong pakelam kung sino ka at kung anong kaya mong gawin! It will never help me out!”

“Help you out? Who says I’m helping you out?” she said.

“GUYS! STOP!” awat samen ni Kenneth. “Can you two calm down?”

But I am already tired and full of her, “No. I will not calm down.” Tumayo ako at akmang aalis, “Kelangan ko ng magduty kay Miss Amy Chief. Mauna na po ako.”

Dirediretcho ako sa pintuan ng biglang humarang si Rima saken. “Well, mauuna na ako.You have just ruined this meeting, AGAIN.” At inunahan niya ako sa pintuan.

“Hay nako.” Napahipo si Chief sa noo niya, “When will you two stop fighting over simple things.”

To be really honest, I don’t know.

---------------------------------------------------------------

RIMA’S POV

Sunday. Chuchu Sports Arena. 0934 HR

Uwaaaa. It’s game time! Go Stephen! Hi guys! Hulaan niyo kung saan kami nakaupo ni Mikki.

“GRABE GIRL!!! DI AKO MAKAGETOVER SA VIP TICKETS!!” Mikki blurted out of joy.

Nung Friday kasi, dismissal, hinintay kami ni Stephen sa labas ng school para bigyan kami ng TICKETS. And take note, V-I-P TICKETS. Natuwa daw kasi siya samen ni Mikki kasi manunuod kami kaya humingi siya sa Captain nila ng tickets. T____T

“He’s so nice noh!” sabi pa ni Mikki.

And yes, nameet na ni Mikki si Stephen Lim. At with matching picture at autograph pa. Until now hindi siya makagetover.

“Rima my loves!”

“Baket?”

“Hindi kaya, type ka ni Stephen?”

O____________O

***BATOOOOOK***

“Mahiya ka nga sa mga sinasabi mo oyyyy!”

“Aray? Masaket?” hinihimas niya pa yung ulo niya. “Eh kasi naman, nakakapagtaka lang talaga yang kindness ni Stephen Lim noh. At yung mga ngiti niya…”

^_______________^

Na kahit ang maton na babaeng tulad ko ay napapangiti niya dahil sa mga ngiti niya. Ufaaaaa.

>//////////////////<

Ang landi landi ko na din.

“Uyyyy. Kinikilig.” ^_________^

“H-hindi kaya! Baliw ka! Bakla!” sabay talikod ko.

WAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAHHHHHHHHHHHH!

Ayan na lumabas na ang mga maglalaro. At si Stephen, nakangiti lang. Ang pogi. >_<

Halos maglaway lang si Mikki. Nice. Hahahaha. Good luck kay Stephen! Go Go Go! Fight Fight Fight!

---------------------------------------

Revised Version. Haaaaay. Kapagod. =_____=

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top