Case 39: The Jelly Plan
A/N: Active ako ngayon, dahil sa inyo okay? Salamat sa pagbabasa! Enjoy! :*
Case 39: The Jelly Plan
Skyler's POV
Pinatawag kami ulit ni Kenneth. At kung dati wala akong clue kung anong pag-uusapan, ngayon, I know exactly what he's gonna say.
"Gilmore Girl strikes again as she makes a scene with Esburgh hottie, Stephen Lim!"
Hayun si Charlie, iyak ng iyak sa gilid. Di niya matanggap ang ginawa ni Rima.
"Bat niya ginawa yun Ken?! Gusto niya ba talaga si Stephen?! Ajujujujuju!" ~ T^T
Pinapatahan pa ni Kenneth si Charlie ng tumawag si Miss Amy.
"Hello? Miss Amy?" sagot ko.
"Susunduin ako ni Papa mamaya. Lalabas daw kami. Wag mo na akong ihatid okay?" paalam nito saken.
"Okay. I get it. Enjoy Miss Amy."
*toot toot toot*
"Skyler, we need to stop the CS website." biglang sabi ni Kenneth pagkatapos tumahan si Charlie.
"Okay. But that site is confidential. Hindi nga natin alam kung sino ang nagpapatakbo ng site. Di natin alam kung grupo ba yan ng college students na bloggers or an individual." sagot ko sa sinabi niya.
"Let's ask some girls. Nakakakuha ang website ng mga pictures about certain gossips from other sources. I'm sure may isang nakakaalam ng tunay na nasa likod ng site."
Napaisip tuloy kami at patuloy lang sa pagplano ng magtext saken si Mikki.
From: Mikki
Sky? Nasaan ka? I need you. ASAP.
Oo nga pala. Si Mikki ang unang unang maaapektuhan dito.
"Kenneth, mauna na ako ha. Usap nalang tayo bukas."
"Hey wait! Akala ko ba wala si Miss Amy ngayon?"
Lumingon lang ako, "Si Mikki ang pupuntahan ko. Sige." at dali daling umalis ng school.
***
Cherlotte's Bar. 0910 HR.
Nagdinner kami after naming magkita sa isang cafe. At dito kami bumagsak. Sa BAR. =_=
"Hoy Skyler! Tumagay tayo! Heart broken tayo parehas diba?!?? Hahahahahaha." at lasing na lasing na si Mikki.
"Ayaw. Umuwi na tayo habang maaga pa. Please." pilit kong inaalis yung shot glass sa kamay niya pero ayaw niyang paawat.
"Nakakainis ka naman eh. Sabi mo saken gusto mo si Rima~ tapos ngayong may issue sila ni Stephen parang wala lang sayo!"
"Gusto ko si Rima pero nalilito pa ako sa feelings ko. And besides, I have my own ways of getting hurt and it's not drinking. Now let's go home!" di na ako nagpigil at binuhat na si Mikki. Binayaran ko nalang din yung shot glass na ayaw niyang bitawan.
"Heyyyyy! Put me doooooown! *hik* I wanna parteeeeeey!!!!~" sigaw niya sa loob ng kotse.
"Shut up." nagdrive na ako papunta sa bahay nila. Buti nalang at naihatid na namin siya noon nung sumama siya samin sa Monster Muncher.
"Skyyyyyy~ mahal na mahal ko si Stephen~ ayoko naaaaaa~" she said. Tears started to fall from her eyes.
Kanina lang tawa siya ng tawa at sayaw pa ng sayaw. Nung napagod siya, eto at iyak na ng iyak. *sigh*
"Mikki. We're here. Ayusin mo na sarili mo dali." sabi ko saka ako bumaba para sana buhatin siya pero hindi ko inaasahan ang nakita ko eh.
"Sky?"
Si Rima at Stephen yung lumabas mula sa gate nila Mikki.
O________O
Stephen's POV
Nagulat ako ng makita kong bumaba sa driver seat ng kotse ni Mikki si Skyler. Kahit siya, nagulat ng makita kami.
Kasama niya ba si---
"Oy! The CS website couple of the year is here! *hik* Anong ginawa ng paborito kong OTP sa bahay ko haaa?" si Mikki nga ang lumabas sa passenger's seat.
Aalalayan ko pa sana siyang maglakad dahil alam kong lasing siya, pero naunahan na ako ni Skyler.
"Kanina pa kami naghahanap sayo ah! Saan ka ba galing? Tumawag na samin sila Manang Cely kasi di ka daw nagsabi kung saan ka pupunta?" pag-aalala ni Rima habang nakasunod sa dalawa.
"I'm fine Rima. Andito naman si Skyler for me. Diba babe?" sabay tumawa ito.
Naikuyom ko ang palad ko habang pinapanuod si Mikki na pagewang-gewang. Hinayaan niyang maglasing si Mikki?
"Hoy Abalos!" sigaw ko.
"Oh?" lumingon ito para lang saluhin niya yung suntok ko.
Natumba siya sa daan. Napigilan ako ni Rima na ulitin yung suntok samantalang dumiretcho si Mikki kay Skyler.
"Bat mo kasama si Mikki? Bat mo siya hinayaan na malasing ng ganyan? Ha?!"
Inalalayan naman ni Mikki si Sky na makatayo. "Sorry pare pero, siya yung may gustong uminom okay. Gusto niya yun kaya wala akong magagawa." sagot niya saken habang pinupunasan yung dugo sa bibig niya.
"Stay away from her." I said.
"Bat ba niya gagawin yun Stephen? Gusto ko siyang kasama kaya pwede ba stay away from me! Ayaw na kitang makita!"
My world suddenly stops. Parang nabingi ako sa lakas ng tama saken. Why is she pushing me away? Ganun na lang ba niya ako ka-ayaw para balewalain ng ganito?
"Tara sa loob Sky. Gamutin natin yang sugat mo." narinig kong sabi ni Mikki.
"Mikki..." tinawag siya ni Rima.
"What?! Magagalit ka din saken for drinking?! Well then fine. Hate me! Umalis na kayo dito, hindi ko kayo---"
*SLAAAAAAAP*
Natigilan kami ni Skyler. Pinigilan ko kaagad si Rima at nilayo siya kay Mikki. Halos mamula ng todo yung pisngi ni Mikki sa lutong ng sampal sa kanya ni Rima.
"Are you happy now???" sigaw ni Mikki.
"Hindi. Hindi ako masaya. Nasasaktan ako dahil nangyayari toh satin. Sa ating lahat. Kaya sana napasaya ka ng mga nangyayari. Good night." tumakbo na si Rima palayo.
"Rima..." I saw pain in Mikki's eyes. Pero tumalikod siya at naglakad sila papasok ni Skyler sa bahay. Agad ko namang hinabol si Rima.
This is not the plan I wanted to happen.
Mikki... the chance of winning your heart is fading in front of me.
Mikki's POV
Fortuno's Residence. 1023 HR.
Ginagamot ko yung sugat nitong si Skyler na gawa ni Stephen. Matindi pa kung magtanggal ng amats yung nangyaring gulo kanina. Medyo nahihilo pa ako pero keri. =_=
"Ginagamot mo ba ako o nilalason? Yung totoo Mikki?!" sabi ni Skyler.
Paglingon ko sa mukha niya, nakasubo na yung daliri ko na may ointment sa bibig niya. >_<
"Gaaaaah! Sorry! Sorry!" sabay tanggal ko naman. Baka nga kasi malason nga siya.
Tumayo na siya at inayos ang damit niya. "Okay lang. Mauna na ako." sabi nito.
Inihatid ko na siya sa gate. "Gusto mo ba, ipahatid kita sa driver namin?" I offered.
"No thanks. Babalikan ko naman yung kotse ko sa bar. Magpahinga ka na." iniwan niya nga pala yung car niya para ihatid ako with my car. Naabala ko siya ng sobra.
"Sorry inabala pa kita. Nasuntok tuloy yang baby face mong fezlalu. Pasensya na Skyler."
Ngumiti lang siya, "Okay lang. Lately, nasasanay na akong ma-engage sa mga gulo. Kaya wala na toh saken."
Sumakay siya ng cab at dumiretcho na ako sa kwarto ko.
"Ano bang mga sinabi ko? Ang shunga ko lang!!! Argh!"
*gulong kama*
Inaway ko si Stephen at nagalit saken si Rima my loves~ T^T
Define GULO?
M-I-K-K-I.
Rima's POV
Apartment Balcony. 1223 HR.
....
Wala akong maisip.
Mababaliw naman ako kung dun lang ako sa loob ng kwarto. At least dito may stars.
Hello. Ako si Rima at nandito ako sa balcony. Nakahiga sa sahig at nakatingin sa stars.
*pikit mata*
"Rima pala ang name mo! Hello! Ako si Mikki!"
"Rima, pwede ba kitang maging kaibigan?"
"Ano ka ba naman Rima! Ang mag-BFF, hindi naghihiwalay. Magkadikit na ang mga bituka natin! Mouhahaha!"
*bukas mata*
Tumayo ako mula sa pagkakahiga, umupo ako at yumuko. Binaon ko yung mukha ko sa mga tuhod ko.
Am I a bad friend? I feel like I betrayed her. Why do I feel hurt? T_T
Why do I feel so bothered? Mikki's eyes, was full of anger and pain.
Nasaktan ba namin siya? Tagumpay ba yung plano namin ni Liam na pagselosin siya? Or am I too drowned with the fact na Skyler and Mikki are getting along well.
T_______T
*Shruuuuush*
Napalingon ako sa pintuan ng balcony, may nagbukas kasi ng sliding door.
"Rima?"
"M-Manang..." napatayo ako at nagpakita sa kanya.
"Gabi na ah. Si Skyler? Dumating na ba?" tanong nito.
Kasama niya si Mikki. Sa loob ng bahay. Sila lang ang tao dun. Tulog na siguro yung mga katulong. OKAY.
*gulo buhok*
"Arrrrrrrghh!" papadyak padyak pa ako habang ginugulo ang buhok ko.
*HAMPAS*
"Hoy Rima! Aba! Anong nangyayari sayo ha?" sabay hampas ulit saken sa ulo.
"ARAY!" hinimas ko yung ulo ko. "Hindi ko po alam kung nasaan si Skyler!" sagot ko.
"Hala. Matawagan nga muna. Gabing gabi na ah." saka siya lumabas ng balcony.
Umupo ako sa may terrace. Nakakalula nga kaya ayaw kong tumingin sa baba. Woo. Sarap ng hangin.
*pikit mata*
wooooooooooosshhh~
"Hoy Bangs, tulong nga."
*bukas mata*
=__________=
O__________O
Nakakapit si Skyler sa may gilid ng terrace. Umakyat ba toh dito? Akyat bahay ang peg??!
"Are you just gonna stare at me?" sabi pa nito. Nakakapit siya sa terrace pero parang di siya makapanhik pataas.
"A-Ayoko nga! Aakyat akyat ka tapos di mo pala kaya!" sabi ko at nag cross arms. Bigla kasi akong nainis.
"Hey Rima! Ano ba?!" tawag niya saken.
"Uso ang pinto Skyler. Dapat alam mo yan, tatakas ka pa kay Manang ha."
"Reema Danielle Andrade Dela Vega get back here!!!" sigaw niya. Pero lumabas na ako ng balcony at pumasok na ng kwarto.
Bahala nga siya sa buhay niya. Lakas ng loob niyang utusan ako at makipag-usap as if nothing happened.
Di ko siya mapapatawad for dating my bestfriend! Hindi talaga!!!! Arrrgh!
>_<
***
Late UD. Ngayon lang nagkatime na ipost. Don't worry, bawi kayo sa madaming UD noh? Hihi. You're welcome! :*
Vote Comment Message! :)
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top