Case 37: Mikki and Sky's Secret

Case 37: Mikki and Sky's Secret

Skyler's POV

Manang Ason's Apartment. 0710 HR.

Wala akong duty ngayon kasi may lakad sila Chairman at Miss Amy.

*blaaag blaaag*

*tuuuggshhh*

Hindi footsteps ni Rima yun ah. Tumayo ako sa sofa at binuksan ko ang pinto.

"Hoy hipon. Anong ginagawa mo dito?" tanong ko.

Parang naasar siya sa sinabi ko. "Sinong hipon?!" sabi nito.

"Ikaw." tuluyan na akong lumabas ng kwarto ko. "Ano bang ginagawa mo dito?" tanong ko ulit.

"Wala ka ng pakielam!" sagot nito saken.

"Ahhh. Okay. Hindi pa nauwi si Rima. Kaya umuwi ka na." sabi ko.

Nagulat naman siya. "Anong hindi pa nauwi?!? Nagtext siya saken na nakauwi na siya ah-- teka..." dali dali niyang chineck yung phone niya.

"Hey hey, don't tell me--"

"Shit. This is not her number. Damn." sabi niya.

"Anong klaseng bodyguard ka ha?" bigla akong nagalit at nasigawan siya.

Tinitigan niya lang ako ng masama.

"Alam mo, dapat palitan ka na eh. Wala kang--"

"Liam? Bat ka nandito?" sabay pa kaming lumingon. Si Rima pala yun.

"Rimaaaaaa~ inaaway niya akoooooo!" lumapit siya sa tabi ni Rima at kumapit sa braso.

"Ano? Inaaway?"

He nodded. "Oo. He's mad at me. Eh hindi ko naman siya inaano!" nagsumbong pa toh. Crocodile tears pa. =_=

"Pwedeng wag muna kayong magulo. Liam, umuwi ka na. Ikaw naman Sky, matulog ka na. Goraaaaa!" sigaw nito tsaka naman siya naglakad ng nakayuko papunta sa kwarto niya.

"Look what happened! Nagalit tuloy si Miss Rima sayo!"

"Hoy hipon, lumayas ka na nga lang dito." sagot ko.

*evil stare*

*evil stare*

*spark spark*

*spark spark*

Di niya kinaya yung evil stare ko kaya tumalikod na siya. "I'm watching you Abalos. Umayos ka." huling sinabi niya saken bago siya bumaba ng hagdan.

Ang dami daming satsat. Buti nalang ako tahimik pero kung dumiskarte, matinik.

*taas baba ng kilay sa mga readers*

Diba guys? ;)

*clak*

"Hoy. Mongoloid. Sinong kausap mo dyan?"

O___O

"Wala! Tsaka hindi ako mong--"

Teka nga lang, parang may mali sa mukhang manika na toh. Hmmm.

Lumapit ako para makita ko pa ng malapitan yung mukha niya.

*atras*

*lapit*

*atras*

*HILA*

"A-Ano bang ginagawa mo?! Sisipa-- ouchhhhh!"

*pindot*

"OUCH sabi eh!" angal nito.

"Saan mo nakuha yan? Did someone hurt you?" tanong ko kaagad after seeing that light bruise sa may cheek niya.

She covered it with her hand. "Nabangga ako sa pader." tapos ang plastic ng ngiti niya.

"Ang tanga mo naman."

"Sorry naman okay? Di ko nakita yung pader--"

Natigilan siya kasi hinawakan ko yung pisngi niya. Tapos nilapit ko ang mukha ko.

"Hindi yun. Sa tingin mo ba, I'm that stupid para maniwala sa lame excuse mo? Tell me what happen. Sige na."

Naaamoy ko na naman yung buhok niya.

"Wala lang toh." nakatungo lang siya at ayaw tumingin saken ng diretcho.

Pinihit ko yung ulo niya para humarap saken. Sa malapitan ko palang nakita yung pamamaga ng pisngi niya.

"Hindi ka nabangga. May nangyari sayo at sasabihin mo saken kung ano yun." nanggigigil na ako sa kanya. Ayaw niyang sabihin kung bat meron siyang ganyan.

"Okay lang ako." humarap siya saken at ngumiti. Grabe, tibay ng babaeng toh.

"Kung ayaw mo talagang sabihin, can you do me a favor instead?"

"Anong favor naman?!" curious niyang tanong.

"Let me treat that. Tara muna sa balcony so we can clean that up."

"Scratch lang toh Sky--"

"Please?"

Wala naman siyang nagawa eh. Pumayag din siyang gamutin ko yung pisngi niya.

I need to find out who did this to her.

Mikki's POV

Mall. Saturday. 0523 HR.

Nakakawala daw ng stress ang pagsha-shopping. Nakakainis nga eh. Kasi ayaw ko ring gumastos pero stress naman ako.

Kasi naman eh...

"Maam? May gusto po ba kayong kunin?!" nabigla naman ako kay ateng saleslady.

Naiirita na ako. Bat ba lahat ng saleslady nakabuntot sa oras na pumasok ka sa isang boutique or shop? Uso naman ang privacy. =_=

"Ah. Namimili pa ako eh. Okay lang ako Miss. Pwede mo na muna akong iwan."

Nag-ikot ikot ako sa store. Ang gaganda ng dress dito. *____*

Kumuha ako ng tatlo at sinukat sa fitting room.

Nang humarap ako sa salamin...

"Aba. Okay toh ah. I bet this would look perfect pag si Rima ang nagsuot."

Suddenly, my heart twitched. Nasasaktan ako sa tuwing naiisip ko how Rima can effortlessly pull off such things than me.

She's strong, beautiful and fearless. I admire her so much than myself.

I envy her sometimes.

Bata palang kami, alam ko ng mas lamang siya saken.

But I can't hate her. Masyado siyang mabait para magalit ako sa kanya. Inaamin ko, naiinggit ako pero mas mahalaga ang pagkakaibigan namin.

Kahit pa nasasaktan na ako sa pagiging close niya kay Stephen...

Nung bata pa lang kasi kami, pansin ko na ang closeness nilang dalawa na parang may lagi silang pinag-uusapan.

At nang makilala siya ulit ni Rima. Nag-iba kasi ang apelyido ni Stephen kaya hindi namin siya agad nakilala. Bukod sa sobrang tagal nung huli kaming magkita kita.

Kaya nga ako na ang gumagawa ng way para magkatuluyan sila eh.

Pero hanggang ngayon, magka-away kami ni Stephen. Hindi niya ako natiis at tumawag na din siya. Pero ayaw ko muna siyang kausapin. Masyadong magulo ang isip ko.

My mind is clouded with thoughts...

...and feelings.

Feelings that MUST be left unsaid.

Dahil ayaw ko ng maging magulo pa ang lahat.

"Eto na po ang mga napamili ninyo Maam! Thank you for purchasing!" sabi nung cashier sa boutique.

Naglakad na ako papunta sa parking lot. Habang palapit sa kotse ko, may nakita akong nakatayong lalaki malapit sa kotse ko.

"Hey. Can we talk?"

"Talk about what?"

"May problema ba tayo Mikki?!" si Stephen ang kausap ko. Naka jacket pa siya ng Archery Club ng Esburgh. Ang pogi niya. T^T

"Wala." binuksan ko ang back seat ng kotse at nilagay dun ang mga pinamilihan ko.

"Mikki... please talk to me." he said.

"Anong ginagawa ko? Kinakausap kita diba?!"

"Hindi ka naman ganyan makipag-usap saken eh. Galit ka ba?"

"Oo. Galit ako. Bigla bigla ka naman kasing nagagalit saken at nagwo-walkout eh. Iiwan mo nalang ako basta basta at babalik ka nalang dito na parang walang nangyari. Ano bang tingin mo saken?! Taga entertain sayo when you're bored?!!"

"Mikki, don't say that..." lalapit pa sana siya pero binuksan ko na ang kotse ko at pumasok.

"I don't want to talk to you." I said then pinaandar ko na yung kotse at umalis.

I need some moving on tips. Sino kayang pwedeng lapitan? :(

Skyler's POV

FDD. 0812 HR.

Weekend meeting namin ngayon at eto, nauwi sa comeback party ni Bangs. =_=

Ang immature nilang lahat. Ano ba yan.

"SKYLEEEEER!!!!" napalingon ako ng tawagin ako ni Rima.

Papalapit siya saken, "Look! Hindi na ako kinakalmot ni Hotdog!!! See!!!!" hyper ng babaeng toh. Hawak hawak niya yung pusa habang pinapakita sa harap ko.

"Wow." walang gana kong sabi.

"Ehhhh naman! Parang di ka natutuwa eh! Kahit magkunwari ka lang!" nagpout pa siya.

Tumayo nalang ako at kumuha ng pizza sa table. Sabay subo ko nun sa bibig niya.

*zip*

O/\O

"Manahimik ka na nga lang dyan at kumain." kinuha ko si Hotdog at bumalik sa sofa.

Naiwan naman si Rima at kumain ng kumain kasama si Charlie.

*bzzt bzzt*

From: Miss Amy

Sky! Nasaan ka?

Nagreply naman agad ako.

To: Miss Amy

Nasa FDD ako Miss Amy. May iuutos ka?

Maya-maya, nagreply din siya.

From: Miss Amy

Wala naman. Sige, mag-focus ka na dyan. ;)

Napangiti nalang ako at ni-lock ang phone ko pero..

"Uy. Ngiting aso ha? Sinong nagtext sayo?" si Kenneth, nasa likod ko pala.

(=________ =#)

"Tumahimik ka." sabi ko.

Bigla namang tumakbo si Rima papunta samin habang may hawak na pizza sa kamay. "Aish khilalarsh kosh kung shinooo yungshh!!" she said.

(Translation: Ayyy! Kilala ko kung sino yun!)

"Pwede ba, nguyain mo muna yang kinakain mo bago ka dumaldal dyan. Tch."

Di naman niya ako pinansin at lumapit siya kay Kenneth. "Talaga Rima? Ibulong mo saken, dali!!" sabi ni Kenneth at nagbulungan sila.

"H-Hoy! Rima! Stop that!" saway ko tapos hinila ko siya palayo kay Kenneth.

"Eh! Bakit ba? Nahihiya ka pa eh wala namang masama kung may crush ka kay Miss Amy eh!!" sigaw nito.

"Hahahahaha!" pati si Chief makatawa wagas.

Napawalkout nalang ako sa loob ng office. Barbers talaga yung si Rima. Makapagkalat ng issue eh. =_=

"Hoy Sky!!!!" narinig kong hinabol ako ni Rima sa may parking lot.

"Mauuna na ako. Adik ka kasi eh."

Hinampas niya ako sa braso. "Eto namaaaaan! Joke lang eh." sabi nito.

Tumalikod na ako at sumakay sa kotse. Kinatok naman niya yung bintana. "Oh ano ba?" pagkabukas ko.

"Paalis na din sila Kenneth maya-maya. Sa kanila nalang ako sasabay! Okay lang?" paalam niya.

Tumango nalang ako at tsaka umalis ng FDD.

Manang Ason's Apartment. 0931 HR.

Pagpasok ko, nanunuod si Manang sa sala.

Paakyat na ako sa 3rd floor ng may marinig akong nagsasalita.

"Nakakainis. Bat ba kasi ang plastic plastic ko. Sinungaling pa. Ahuhuhu. Kung may award lang para sa pinakasinungaling na tao, ako na yun. Mahal mo yung tao tapos ibibigay mo sa iba. Nakakainis. Waaaaaaaa!"

Nung sumilip ako sa hallway. Nakaupo si Mikki sa sahig. Sa tabi ng pinto ni Rima. Mukha siyang timang. =_=

"Ahuhuhuhuhu. *gulo buhok* Asan na kasi si Rimaaaaa! T^T" pinapadyak niya pa yung paa sa sahig.

"Pauwi na yun." sagot ko.

"Talaga? Mabuti naman. Kanina pa ako dito eh."

Lumapit na ako sa pinto ko at parang wala siya pake na nakikita ko siyang ganyan.

"Ayaw mong mag-antay sa balcony?" tanong ko.

"Hindi wag na dito nala---" natigilan siya at parang natauhan.

O____________O

"WAAAAA--qwertyuiop~~" tinakpan ko na bibig niya at dali daling pinasok sa kwarto ko. Kesa magwala siya sa labas.

"Hdjnfjksbjsvhsvkldbdh~~" may sinasabi siya at feeling ko ang dami ng laway ng palad ko. =_=

"Tumahimik ka nga muna. Papatulan na kita!" binitawan ko siya at tinapon sa sofa.

"Aray!!" reklamo niya saka naman umupo doon. Dumiretcho ako sa cr para maghugas. Ew. =_=

"Teka nga lang! Narinig mo yung monologue ko noh?!!!!!" aish, ang ingay din ng isang toh. Parehas sila ng kaibigan niya.

"Oo." I said then rolled my eyes. " Sino ba yang mahal mo na ibibigay mo sa iba?" naglakad na ako pabalik sa sofa.

"Shhhhhhhhh!" saway niya saken tsaka siya nag sign sa kamay ng 'QUIET'.

"Si Stephen Lim ba yan?!"

O________O

>///////////<

Sinugod naman ako ni Mikki at hinampas. Well, technically, kalmot ang ginawa niya. Ang hahaba kasi ng kuko niya. Pssh. =_=

"Hey! Stop that!" ilag lang ako ng ilag. Mas madali siyang ilagan kesa kay Rima kasi hindi naman siya spy.

"Pano mo nalaman yan ha?! Echuserang palaka ka! Napakapakielamero mong lalaki ka! Ang pogi pogi mo pa naman! Ahhhhh!" >_<

Lumayo nalang ako sa kanya tsaka siya inintay na tumigil sa pagwawala. Wag lang siya manggugulo ng gamit sa kwarto ko.

"Pagod ka na?" tanong ko.

Tumango lang siya tsaka siya umupo sa sofa.

Narinig ko naman ang pagdating ni Rima. Dali daling pumunta sa pinto si Mikki at pinakinggan ang nasa labas.

"Lumabas ka na kasi." sabi ko.

Humarap siya saken at tumingin ng masama tsaka lumapit saken. Napaatras tuloy ako. "IKAW!" sabay turo niya saken.

"Heyyyyy! Lumayo ka nga saken." at tinapik siya ng mahina para ibaba niya yung daliring nakaturo saken.

"Wag mong sasabihin kay Rima my loves yung narinig mo. Gets?!"

"Oo na. Oo na. Umamin ka na kasi kay Lim para matapos na yan."

Namula siya sa sinabi ko. Sabay lungkot ng mukha nito at walang ganang umupo sa sofa ko.

"Hindi pwede noh." sagot niya.

"Bat hindi pwede?" napaupo narin ako sa tapat niya. She seems so sad.

"Si Rima ang gusto ni Stephen." oo nga pala, laging nakay Rima ang attention ni Lim noon pa. Halata kasi kapag magkasama sila, kahit minsan ko palang makita yung dalawa.

"Sinabi ba ni Stephen sayo?" I asked.

"Hindi naman directly. But when I'm asking him kung gusto niya si Rima, he kept saying yes. I'll tell you a little secret. I'm sure Rima won't mind it..." tapos lumapit pa siya saken at tinuon ang kamay sa table na namamagitan samin para makalapit sa tenga ko.

"Rima, Stephen, Liam and me are childhood friends." bulong nito.

O_O

Nagulat ako pero di ko pinahalata. Lumayo siya saken at pinagpatuloy ang kwento.

"Nung grade school kami nagkakilala sa isang dinner party ng mga magulang namin. Business partners ang mga magulang naming apat. Eventually, we became friends. Pero after a year, lumipat ng bahay sila Stephen at di na kami nagkita."

"Tapos?"

"Nakilala nalang namin siya nung unexpectedly nakasabay ni Rima si Stephen sa LRT. After nung Archery game, kinausap ni Stephen si Rima about his past at nalaman namin na may bago na siyang papa kaya napalitan ang apelyido niya. Ayun." pagpapatuloy niya.

"Ah kaya pala." napaisip tuloy ako dahil sa mga narinig ko.

*click click*

"Uy Sky. Okay ka lang?" sabi ni Mikki, trying to get my attention.

"S-Sorry. I was just thinking." sagot ko.

"Thinking? Ng ano?" tanong niya.

"I was thinking that maybe now's the time to confess. Don't you think?" I suggested.

"A-Ayaw."

"Di naman siya gusto ni Rima." sabi ko ng straight.

"Weh? Pano mo naman nasabi yan?!" tanong niya.

Syempre. Pipilitin kong magkagusto siya saken. XD Hahahahaha.

De joke lang.

Ew. Kadiri. Yuck. =_=

"Wala lang. Feeling ko walang gusto yun kay Lim. Diba pag gusto ng babae ang isang lalaki, lagi niya dapat kinakausap yun o ano? Lagi ko siyang kasama pero di ko naman naririnig na nabanggit niya si Stephen eh."

"Kahit naaaa! Hindi malabong di siya magkagusto. Mabait, masipag, matulungin, sobrang gentleman, gwapo at magalang si Stephen noh."

=_______=

"Hindi ko sinabing idescribe mo ang katangian ng isang leading man sa Wattpad ha. Ang sabi ko lang, baka iba yung type ni Rima."

"Sabagay, may saltik talaga yang si Rima minsan. Ang daming nanliligaw dyan nung nasa high school palang kami. Mga athlete, anak ng politician, mga friendster famous, mga singer at marami pang iba. Pero binasted niya lahat!" kwento niya.

"Type niya siguro yung mga katulad ni Empoy." sabi ko. At halos maiyak si Mikki kakatawa.

Ang dami niya pang naikwento sa akin bago pa namin marealize na gabi na palang masyado.

"Pasensya ka na Skyler. Naabala ka pa tuloy." sabi niya.

"Oo nga eh. " sabay hampas sakin.

"Una na ako." pero bago niya pa binuksan ang pinto lumingon siya saken at ngumiti. "Don't worry, pag nanligaw ka sa bestfriend ko, susuportahan kita okay?"

O_________O

"T-Teka..."

"Ano ka ba naman Sky? Nalimutan mo yata na malakas ang intuition ng mga babae? Ang dami mong tanong at interesado ka sa buhay niya. Malamang lang na gusto mo siya." sabay tawa.

Ngumiti nalang ako at binuksan ko yung pinto. "Ayos ka din noh?"

"Syemps. May nalaman kang sikreto saken, dapat may malaman din ako sayo. So, quits na tayo okay?" tumango at naglakad na siya papunta ng hagdan. Ihahatid ko palang siya ng....

"Mikki?!"

Uh-oh. Si Rima, nakita kami ni Mikki na lumabas ng kwarto ko. Patay tayo dyan. =_=

*****

Vote Comment Message!

Hihi. ;)

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top