Case 35: The Bodyguard's Back

Case 35: The Bodyguard's Back

Skyler's POV

Manang Ason's apartment. 0310 HR.

"Nakakatuwa talaga yung heartbeat mo Skyler ang sarap pakinggan~~"

Pangiti-ngiti pa siya habang nakapikit at nakasubsob sa dibdib ko. Ngalay na yung braso ko na nakatuon para makatayo ako.

Sa dami ng ginawa ko ngayong araw, ni hindi ko na ba talaga kayang matanggal ang unggoy na toh sa pagkakayakap saken?!

Ramdam kong humigpit yung kapit niya sa bewang ko at hinihila ako pahiga para siguro pakinggan yung dibdib ko.

Weird ng babaeng toh.

"Haaay. Pasalamat ka pagod na ako. Kundi naitapon kita labas." sumuko na yung braso ko at nahiga ako sa kama niya.

Parang uod naman siya na dahan dahang lumapit sa tabi ko. Ganun pa rin, yung tenga niya nilagay niya sa tapat ng dibdib ko.

"Hmmmng~~" mukhang tuwang tuwa siya ah. Nakangiti pa ang baliw na toh.

Sa totoo lang, maganda ka naman talaga eh. Hinawakan ko yung pisngi niya ng dahan dahan. Baka kasi magising siya.

Matangos yung ilong niya at mahaba yung mga palikmata niya. Parang manika.

"Hmnnnngggg~~" tinabig niya yung kamay ko na humahaplos sa pisngi niya. Ang kulit, nakakunot yung noo niya.

Nakatulugan ko nalang yung pagtingin sa mukha ni Rima.

At napapikit na ako.

Mikki's POV

Manang Ason's Apartment. 0812 HR.

Ang saya ng party kagabi. Haha! Nakatulog na kami dito kila Manang Ason. Haaaaaay! *unat*

"Good morning Mikki!" bati sakin ng cute na cute na si Charlie.

"Good morning din! Gising na si Rima?"

Umiling siya, "Tulog pa rin. Mukhang puyat eh. Di na namin gigisingin." sagot niya.

"Well, I'm sure pagod tayong lahat. Umuwi na lang muna tayo."

"Mag-almusal muna kayo bago umalis." sabi saamin ni Manang. Ginising na namin si Kenneth at Carleen na nakatulog din sa living room kasama namin.

"Si Skyler?!" tanong ni Kenneth. Ang pogi talaga nila kahit bagong gising. Huhuhu. Sorry Carleen. XD

"Nasa kwarto niya siguro yun. Nako, wag niyo ng gisingin at pinagod ko iyon kahapon kakaluto." paliwanag ni Manang.

"Sabi ko na nga ba eh, Carbonara ni Skyler yung natikman ko kagabi." sabi ni Kenneth.

O________O

"Eh? Marunong magluto si Skyler?!" gulat kong tanong.

"Yep! Sanay kasi si Skyler to live on his own since nung high school pa siya. So he learned how to cook eventually." kwento ni Charlie.

Grabe. Ang astig talaga nila. *____*

"Wow. Ang cool naman! You guys are just plain awesome."

"Hindi rin." pahumble na sabi ni Kenneth.

After naming magbreakfast, nagpaalam na kami kay Manang Ason.

Hinatid pa ako nila Kenneth pero sa gate nalang ng subdivision namin ako bumaba.

"Thanks guys. That was fun." sabi ko.

"Sure thing. Happy New Year Mikki!" Charlie said.

Ngumiti lang ako, "Happy New Year din guys! Ingat kayo pauwi!"

Pinanuod ko yung kotse ni Kenneth hanggang sa lumiko ito. Naglakad na ako papunta sa bahay. Malapit lang naman yun sa gate, mga 5 minutes na lakad lang siguro.

*ring ring ring*

Stephen calling~~

O///////O

Ang aga namang tumawag ng poging nilalang na toh.

Sasagutin ko na sana nang...

O_________O

Si Stephen ba yung nakatayo sa harap ng bahay namin?

*tingin sa cellphone*

Natawag parin siya.

Nakatayo siya dun habang ang flawless niyang buhok ay hinahangin ng morning breeze. Hawak niya ang cellphone habang nakalagay ito sa tenga niya. Yung isang kamay niya, nakalagay sa isang bulsa ng hoody niya.

"H-Hello?!" sinagot ko parin yung tawag. Tumigil ako sa paglalakad. May konting hakbang pa bago ako makarating sa bahay.

"Ang tagal mong sagutin yung tawag ko ha. Gising ka na ba?!"

Bat ko ba tinitignan tong isang toh? Sinasayang ko lang yung load niya. =_=

"Uhhh kasi..."

"Nasa labas ako ng bahay niyo. Silip ka sa bintana dali."

Nakatingin siya sa taas. Sa bintana ng kwarto ko. Naglakad na ako palapit sa bahay. Hindi parin niya ako napapansin.

"Ang tagal mo namang sumilip eh."

"Hoy."

"Hoy ka din. Ayaw mo yatang maniwala na nasa harap ako ng bahay niyo eh. Sumilip ka kasi."

*pindot pindot*

Tinabig niya yung kamay ko na kumukulbit sa balikat niya. "Teka lang Miss ha." sabi nito at inabangan pa rin akong sumilip sa bintana.

Hahahaha. Loko toh eh.

"Hoy Stephen! Nandito ako." sabi ko.

O_________O

Luuuh. Ang pogi parin niya kahit napahiya na siya. Unfair. T^T

"M-Mikki?!" gulat na gulat siya. "Saan ka galing?!" tanong nito.

Fortuno Residence. 0945 HR.

Binigyan ko muna ng tea si Stephen. "Salamat." sabi niya.

Wala nga palang tao dito. Dun kasi kami dapat magbabakasyon sa Bulacan, sa side ng mommy ko. Kaya lang napabalik ako ng di oras dahil sa text ni Kenneth na bumalik na daw si Rima my loves.

"Nga pala, saan ka galing?!" tanong ulit ni Stephen.

"Kina Rima." inaayos ko yung tea set sa table.

"Pinayagan siya ni President na bumalik?" nagulat na naman siya. Luuuuh. Ang cute. >_<

"Yep. Di rin makakatiis yun si Billie Jean. Tsaka mas makakabuti talagang wag ng sumama si Rima."

"Bakit naman? What about her safety?!"

"Ano ka ba! Pano ka na kung umalis si Rima? Ang dami dami ko pang plano sa inyong dalawa nuh! Sige ka! Baka maunahan ka ni Skyler. Mukhang nagiging close na nga sila eh."

OTP ko kasi si Stephen at Rima~ hihi.

(A/N: OTP = One True Pair)

Natawa nalang sa sinabi ko si Stephen. "Talaga?" sabi lang nito sabay inom ng tea.

"Di ka man lang ba magwawala sa galit dyan? Inaagaw na si Rima ohhhhh! Baliw ka talaga!" sabi ko.

"Oo. Baliw na baliw sayo."

"Huh?!" bumulong siya pero--

"Uuwi na ako." tumayo ito at dumiretcho na sa pinto.

"T-Teka lang naman!" pinigilan ko siya at hinawakan ko siya sa kamay.

Nakukuryente ako.

(NP: Electric Shock by f(x) Hahahahaha. Charaught! XDXD)

"Bakit?" hala. Ang sungit bigla ng aura niya. Hindi ako sanay. T^T

"K-Kasi..."

Dahan dahan niya tinanggal yung nakahawak kong kamay sa kanya at binuksan yung pinto. "Naalala ko, may pupuntahan pa ako. Napadaan lang naman ako dito eh. Sige." he said coldly.

T_________T

Omooooooo. Stephen~

Rima's POV

Manang Ason's Apartment. 1201 HR.

*riiiiiiiiingggggg*

"Ughhhmmmm~" kanino ba yung tunog ng tunog na cellphone? Ingay ingay~

=____o

*yaaaaaaawwwwn*

*unaaaaaat*

Makatulog pa nga. Parang ang sarap sarap ng tulog ko kagabi. Nanaginip ako na nalutang ako kagabi papunta sa kama.

Parang DragonBall lang. Ang saya~ at ang ganda ng mga naririnig kong tunog...

Dug.

Dug.

Dug.

Dug.

O________O

Dahan dahan kong kinapa ang unan na niyayakap ko. Kasi parang unti unting nagfaflashback yung nangyari. Pagkapa ko sa bandang itaas, naku poooooo.

*bukas mata*

1.. 2.. 3..

"AHHHHHHHHHHHHH--hdjsjsbskbjbsjdkdhd!!"

Hinila ako ni Skyler pahiga sa kama at tinakluban ng unan yung mukha ko.

"Ingaaaaaaay!"

*tagal unan*

"Hoy ikaw! *pant* Bat ka ba *pant* nasa kwarto ko haaaa?!" papatayin yata ako ng lalaking toh eh. Di ako makahinga!

Tumalikod lang siya at nagtalukbong ng comforter ko.

*hila kumot*

"Kumot ko yaaaaaaan!" feel at home toh ah! "Sagutin mo nga ako!!!" galit kong sabi.

Sumilip lang siya sa kumot. Yung isang mata lang niya ang nakabukas, pero dahil singkit siya, parang nakapikit lang din.

"Itanong mo yan sa sarili mo. Di mo kaya ako pinaalis dito. May HD ka talaga saken ayaw mo pang aminin!" pagkasabi niya nun, pumikit ulit siya at tumalikod.

Grrrrrrrrr.

(=______ =###)

"Wala akong maalala!"

"Something about heartbeat." narinig kong sinabi niya habang nakatukbong parin siya.

"H-Heartbeat?!"

O__________O

>//////-//////<

Humarap na siya saken at ngumiti pa. "Naalala mo na?!"

*hampas unan*

*ilag*

"Wala akong maalala!" nakakahiya ahhhh!

*hampas hampas*

"Hoy! Ano ba! Masakit na ha! Umayos ka!" sabi nito. Nang mapagod ako, tumayo na ako at umupo sa sofa.

Umupo naman siya sa kama ko. "Anong itchura yan ha? Para kang natatae?!" tanong niya saken.

"Kakasuhan kita ng rape!"

Natigilan siya saglit. Sabay tawa. Halos maiyak siya sa kama ng kakatawa.

*tapon unan sa kanya*

"Will you stop laughing! Seryoso ako! Kakasuhan talaga kita!"

"Ikaw narape? Hahaha! Seryoso ka talaga dyan? Hindi ka nga ka-rape rape diyan eh. Tsaka may taste ako sa babae. Hindi ako pumapatol sa kapwa ko lalaki." sabay tawa na naman niya. Argh.

\(>____ <\#)

*tapon lahat ng bagay*

"Tumigil ka na sabi ehhhhh!"

Sinugod ko siya sa kama at susuntukin na sana pero nahawakan niya yung kamay ko at naihiga ako. I ended up na nakapatong sa kanya. Gaaaaaah.

(>//////////<)

Ewan pero nakatitig lang siya saken tapos hindi kami pareho nagalaw. Konti nalang kasi magdidikit na yung ano... waaaaah!! Subukan mong gumalaw at kunin ang first kiss ko lagot ka saken!!! Ajujujuju! T^T

*stare stare*

*stare stare*

*Riiiiiiiiiiiinggggg*

Napatayo ako ng marinig ko yun. Ang awkward talaga. Siya naman, hinanap yung phone niya na natunog.

Tumayo siya at pumunta sa may bandang bintana ng room ko.

"Hello? Miss Amy?" narinig ko.

Ohhh. Si Miss Amy pala yung tumatawag. Asan na nga pala yun?

"Happy New Year din. Now don't stay up too late okay? Go to sleep as soon as the party's over."

Aba, kung makautos ha. Sino bang boss dito? Siya ba o si Miss Amy? Pssssh.

"Okay. I will. Susunduin kita sa airport okay? Sige. Good night Miss Amy." tapos binaba na niya yung phone.

Nakaupo lang ako sa kama. Biglang umuga, yun pala humiga ulit tong mongoloid na toh.

"Hindi ka pa ba aalis ng kwarto ko?"

Nakapikit na siya. "Hindi. Maya maya ng onti." tapos tumagilid na siya.

Humiga nalang ako. Alam ko namang wala akong dapat ipag-alala kung magkasama man kami sa isang kama kagabi. Hindi ganung lalaki si Sky. Nagulat lang talaga ako kanina.

"Anong meron sa heartbeat ko ha?" halos mahulog yung puso ko nung bigla siyang magsalita. At yun pa ang tanong.

Dug. Dug. Dug. Dug.

Eh ano nga bang meron sa heartbeat niya?

"M-May tunog kasi..." ambobo mo Rima, anong klaseng sagot yan? =_=

"So wala kang HD saken? Sigurado ka ha?" may kakapalan talaga ng pagmumukha ang lalaking toh. Tss.

"Oo noh! Di kita type!"

Nakatitig lang ako sa kisame ng bigla siyang humiga ng patagilid sa side ko. Natigilan tuloy ako sa pwesto ko. Ramdam ko yung paghinga niya sa leeg ko. Ajujujuju. T^T

"Talaga? Di mo ko type? Sinong mga type mo? Yung mga katulad ba ni Stephen Lim o Liam Henson ha?!"

"Ang issue mo noh? Wala akong type. Basta basta nalang siguro ako magkakagusto." sagot ko.

"Basta basta? Pano yun?" nakakangalay naman. Di kasi ako makagalaw. Nakatingin parin ako sa kisame. Feeling ko kaso nakatingin siya eh ayaw kong makipagtitigan. Matutunaw na ako eh! :<

"Hindi ako nagse-set ng standards pagdating sa isang lalaki. Kasi pag ganun, may mga ineexpect ako. Mas okay na matanggap mo yung tao sa kung anong ipinakita niya sayo. Mas maaappreciate mo siya pag ganun. Yun yung opinyon ko. Ikaw?" nawala sa isip ko na nasa tabi ko siya at lumingon sa gilid ko.

O/////////O

Naduduling yung mga mata niya kasi sobrang lapit ng mukha ko. Mukha namang di siya nagulat, ako lang. Poker face lang siya.

"Ako?" Uggghhhh. Bagong gising ang bango ng hininga! So Wattpad, walang ganitong tao diba? Bat meron sa tabi ko? Bat ganuuuuuun?!! T^T

Lumayo ako dahan dahan sa kanya. Pero magkaharap kami habang nakahiga sa kama. Awkward~~~

Tumango ako dun sa tanong niya. "Yung type ko? Yung mga mukhang manika." sabi niya.

O_______O

Eh? Si Miss Amy mukhang manika yun!

"Uwaaaaaa. Kilala ko yan! Ikaw haaa!" biro ko.

Skyler's POV

Kilala niya? Kilala niya yung tinutukoy ko? Hahaha. Bopols na babae talaga toh.

"Talaga? Sino naman ha?" tanong ko.

"Type mo si Miss Amy noh?! Ayieeee." sabay sundot niya saken sa braso. Ang kulit ng babaeng toh.

Napangiti nalang ako. "Hmmm. Oo nga noh, mukha ding manika si Miss Amy. Pwede na rin."

Hinampas niya ako ng unan. "Ang choosy mo! Anong pwede na? Wala ka ng hahanapin pang iba!" sabi niya.

"Wala kang pake! Hindi ko lang binabase sa itchura ang pagkakagusto ko sa babae okay?" paliwanag ko sa kanya.

"Ah basta! Pwedeng pwede na si Miss Amy. Hindi mo ba siya nililigawan?!" tanong niya. Nakukulitan na ako ha. =_=

"Hindi. Ayaw ko."

"Stupid ka talaga."

*BATOK*

"Ouuuuuch!"

"Stupid mo mukha mo. Liligawan ko yung anak ng boss ko? Nag-aaral ka ba talaga? Grabe, kawawa ang Dela Vega Group pag ikaw ang nagmana."

"Hoy! Sino ka para sabihin yan?! I can play a piano!"

"So you think playing a piano can make the company expand and make money?! Naiwan mo yata yung utak mo eh."

"Che! Basta! Ikaw ang stupid. Nasa harap mo na ang babaeng para sayo pero di mo parin nililigawan!"

"Oo nga eh. Nasa harapan ko na nga siguro."

"May sinasabi ka?!"

"Wala!" tumalikod na ako sa kanya. Baka kasi di ko mapigilan yung sarili ko. Naaamoy ko yung buhok niya.

Kung siya, nasanay sa heartbeat ko, ako yata mukhang nasasanay sa amoy ng buhok niya. Ang bango kasi.

Niyayakap ko siya para maamoy ko yun. Haha. Secret lang ha? ;)

Paidlip pa lang ako ng may biglang kumatok sa pintuan ni Rima.

Napatayo naman agad si Rima at patakbo takbo sa loob.

"Luuuuuuh! Mahuhuli tayo!!!"

=________=

Pumasok na ako sa loob ng banyo niya.

"Buksan mo na." sabi ko.

Narinig ko naman na dali dali niyang binuksan yung pinto. Si Manang Ason lang naman yan eh--

"Liam!"

O_________O

S-Sino daw?

Sumilip ako sa pinto at nakita ko nga ang lalaking yun na pinaglihi sa hito at sugpo na nakatayo sa labas ng pinto ni Rima.

"Bat napaaga yata yung uwi mo?" tanong ni Rima.

"Tinawagan ako ni President. Bantayan daw kita at all times." ang show off. Psssh. =_=

"Ahehehe. Ganun ba? Okay."

"Pwede bang pumasok?" tanong nito.

Agad namang humarang si Rima sa pinto. "A-Anong gagawin mo sa loob? Sa balcony nalang tayo mag-usap. O-Or kung gusto mo kumain muna tayo sa baba! Tama! May mga handa parin naman si Manang dun, tara!" tinulak na niya si Liam palabas ng pinto. Pinatay niya ang ilaw sa room at lumabas.

Naghintay lang ako ng konting saglit bago dahan dahang lumabas ng kwarto ni Rima.

Pagpasok ko ng kwarto ko, nahiga ako sa kama. Grabe ang kalat talaga sa kwarto niya. Para hindi yun kwarto ng babae eh.

Pag pumipikit ako, wala na akong ibang makita kundi siya. Yung galit niyang mukha, nakatawa, nakapout, nakanguso, nakanganga.

*dampot remote*

*bukas TV*

Naaalala ko pa yung amoy ng buhok niya. Fvck. =_=

*patay TV*

*hagis remote*

*higa sa kama*

"Istorbo naman kasi eh." naibulong ko nalang sa sarili ko sa sobrang inis. Bat ba kasi bumalik balik pa yun? Tch.

******

UD. UD. UD. ;)

Vote Comment Message!

Ayie. Kinilig ako sa sinulat ko. Gaaaah. *hugs a chair* <3

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top