Case 33: SKY Lantern

Case 33: SKY Lantern

Rima's POV

Dela Vega Beach. 1123 HR.

Hindi ako makatulog kaya pumunta na lang ako dito sa may beach para magpahangin.

At para makapag-isip na din.

Namimiss ko na ang tanawin sa balcony ng apartment ni Manang Ason.

Speaking of Manang Ason....

O______O

Dali dali kong kinuha sa bulsa ko yung phone ko. Muntik ko ng makalimutan si Manang Ason na batiin. :(

*scroll scroll*

(?____?)

*scroll scroll*

(O____O)

Wala akong number niya. Bago nga pala yung number kooooooooo! Uwaaaaaaa. T^T

OTL

"May number ako ni Manang, gusto mo?!"

O//////-//////O

"H-Huh?!?!!?"

Hinubad niya yung jacket niya at nilagay sa balikat ko. Yung hood, ipinatong niya sa ulo ko. Saka siya umupo sa tabi ko.

Deja vu.

Pinakita niya saken yung Iphone niya.

Manang Ason

+0915*******

"Tawagan mo na. Mag-isa lang siya sa apartment kahapon." sabi ni Sky saken.

Tinaype ko naman agad yung number at tinawagan agad si Manang Ason.

*ring ring ring*

"Hello?!" sinagot na niya.

"Manang! Si Rima po toh! Merry Christmas po!!" bati ko.

"Rimaaaaaa?! Naku po! Jusko! Akala ko nalimutan mo na ako! Magtatampo na ako eh! Merry Christmas din!! Kumusta ka na?!"

"Maayos lang po! Kayo po? May kasama ba kayo dyan sa apartment?!"

"Pumunta yung mga pamangkin ko dito at dito sila nag noche buena!" kwento nito.

"Mabuti naman kung ganun!"

"Sa New Year ba uuwi ka? Wala kasi akong kasama eh! Haha!"

</3

Ano bang sasabihin ko?! :(

"Hindi ko pa po alam Manang eh! Hayaan niyo po, pag pwede sasamahan ko po kayo sa New Year's Eve." tatawa ako habang namumuo yung luha sa mata ko. Parang adik lang.

"O siya sige. Masyado ng gabi. Salamat sa tawag ha? Mag-iingat ka dyan."

T_______T

"O-Opo. Kayo din po."

*toot toot toot*

Ahuhuhuhuhuhuhuhu.

Wahuhuhuhuhuhuhu~

Ajujujujujujujujujuju~

Bahuhuhu-- accccckkk!

"ARAAAAAAAY!!! Ano bang problema mo dyan Sky?" hawak ko yung ulo ko na sinapak niya.

"Wala na yatang mas OA pa kesa sayo eh. Parang balyena kang umiyak eh!" galit niyang sabi.

"Walang basagan ng trip! Ang sakit nun ha! Paganti!" sinubukan kong gumanti sa kanya pero nakakailag siya.

"Kung nag-aalala ka kay Manang Ason, ako nalang ang uuwi para samahan siya sa New Year's Eve."

"Bat ba ganyan ka?!"

"Whoa whoa! Yan ka na naman! Will you-- ouch! Hoy! Stop punching-- aww-- me! Rima! Ano ba!"

"Hindi kita maintindihan! Nakakainis ka talaga!!!!!"

*suntok suntok*

*hampas hampas*

Natigil lang ako sa pananakit sa kanya ng hawakan niya yung mga braso ko at ilapit niya yung mukha ko sa mukha niya. Sobrang lapit, ramdam ko yung paghinga niya.

Mabibingi ako sa lakas ng tibok ng dibdib ko.

@______@

"Inaatake ka na naman." OMG. Lumayo ka saken. Nararamdaman ko talaga yung hininga mooooo~ ang bango bango. X____X

"I-Inaatake? Sa p-puso? Oo yata..." I said it stammering sa hiya at awkwardness ng pwesto namin.

"Hindi sa puso. Sa UTAK. Inaatake ka na naman ng saltik dyan sa ulo mo." pabulong siya kung magsalita. Nakikiliti yung ilong ko pag nararamdaman kong nagsasalita siya. Lumayo kaaaaaaaaa~ T^T

"S-Sinong di mababaliw sayo?"

"H-Huh?!"

"E-Este sa ginagawa mo pala! Yung mga ginagawa mo nakakabaliw!" hinila ko na yung kamay ko at tumayo.

"I don't get you." halatang naguguluhan din siya kaya naisuklay niya yung kamay niya sa buhok niya.

Aba. Chill pa toh eh galit na nga ako. =_=

"Anong I don't get you ka dyan?!! Bat mo ginawa yun kanina?!"

"Ang ano?!"

"Yung sa Dining Area! Bat mo sinabi yun kay Lolo????! Akala ko ba mas makakabuti para saken na sumama kay Lolo? What's this?!"

Tumayo na siya at lumapit na naman saken. "Malay ko! Wala akong maalala dyan!" sabi nito.

"I don't have time for games Skyler! Seryoso ako!" ginagalit ako nito. Nilapit ko yung mukha ko para titigan pa siya sa mata.

"Seryoso ako Rima!" lumapit din siya. Annnnd we're back sa position namin kanina. Nakatayo na nga lang kami.

*stare stare*

*stare stare*

"Lumayo ka nga saken!" tinulak ko siya palayo.

Lumayo naman siya. "Ikaw kaya yung unang lumapit dyan noh." sabi niya saken.

"Che!" nag cross arms nalang ako.

"Matulog ka na. Gabi na." sabi nito at umupo na ulit.

Humarap ako sa kanya. Naiirita na ako sa mga pinapakita niya.

Nalilito na ako kung ano ba yung totoo.

"Sky." tawag ko sa kanya.

Ngumiti lang siya saken. Nakakaasar naman toh.

"Serious talk okay? Tumigil ka na sa pagpapacute dyan!" sabi ko.

"Haha! Ikaw talaga. Mukha ba akong cute sa paningin mo? Di kaya may HD ka saken?!"

(?____?)7

"HD?! High definition?!" anong HD ba sinasabi nito?

"Hindi. Hidden desire." sabi niya sabay taas baba ng kilay niya.

(=_______ =#)

"Sisipain na talaga kita. Konti nalang."

"Hahahahahahahaha!" tinawanan lang ako. Adik lang?! Psshhh.

"Sky naman eh. Seryoso na oh. Please?"

Hinintay ko pa bago maubos yung tawa niya na mga 739404000 yata ang dami.

"Ano ba kasi ang gusto mong i-serious talk saken?!" tanong niya.

"Akala ko ba... akala ko ba gusto niyo na akong sumama kay Lolo. Bat mo siya sinagot ng ganun?!" naging seryoso na talaga ako. Ang awkward lang. Wala akong marinig kundi ang alon sa dagat.

He sighed. "Ikaw ha. Nage-eavesdr--"

"Answer straight Skyler. Bat mo ba ginugulo ang utak ko?! Hindi mo ba alam na hirap na hirap na ako?" Uh-oh, Tear flood alert. ;(((((

"Alam ko Rima. I know how everything seems so different for you." tumayo siya at nakapamulsang tumingin sa akin.

"Sabi mo saken sa ospital na mas magiging okay kung sumama ako sa kanya. Bat ngayon sinasabi niyo ni Ken na mas mabuti kung nandito ako?!" walang preno yung luha ko. Mukha na akong baliw dito kasi naman tong si Skyler chill pa din sa tabi ko.

"Oo nga. Sinabi nga namin yun." tumango tango lang siya.

"Skyler naman ihhhh!!" *padyak ng paa*

Ngumiti lang siya saken at lumapit. Tinanggal niya yung kamay niya sa loob ng bulsa at niyakap ako.

Nihaplos haplos niya yung buhok ko.

Naiiyak ako lalo.

"I'm sorry."

"H-Huh? Sorry saan?!"

"Kasi hindi ko man lang naconsider yung mararamdaman mo nung kinausap kita about your decision sa ospital. Kung magiging masaya ka ba o hindi."

Bumitaw siya sa pagkakayakap at hinawakan yung pisngi ko. Deja vu ba ang title ng UD na ito?! >_<

"This year is the most craziest year ever for me. Ang dami kasing nagbago sa buhay ko."

*lunok laway*

Ang gaganda pala ng mata niya. Singkit much. @____@

Eehhhh. Focus Rima! He's trying to say somethinggggg! Lalala~

"Pero pag nawala ka sa buhay namin, it will never be the same Rima. Ngayon ko lang narealize na ako dapat ang mas nakakaalam kung ano talaga ang gusto mong mangyari. I don't need to ask you anymore. Kasi sa totoo lang, alam ko na kung anong isasagot mo."

Natouch naman ako. How can one annoying person becomes as sweet as him?! He makes me cry even more. T^T

He wiped my tears and pat me on the head.

"Now I'll ask you, gusto mo bang umalis?" di ko na mapigilan yung iyak ko. At sa sobrang iyak di na ako makapagsalita.

I shook my head at niyakap siya.

"See. I knew it." tatawa tawa pa siya. Rinig ko yung boses niya. Pati yung heartbeat niya na naman.

Unti unting tumigil yung luha ko. Pero this time, hindi ako nakatulog. XD

Inalis ko yung ulo ko sa dibdib niya at tumingin sa kanya. Luuuuh. Ang tangkad niya pala? O___O

"Hoy Sky!" tawag ko sa kanya. Di parin siya bumibitaw sa pagkakayakap saken. Ako naman nakayakap lang din sa katawan niya.

Tumingin siya saken. "Hmmm?!" sagot niya.

"Hindi kaya ikaw ang may hidden desire saken?!" biro ko.

Natawa lang siya. Naningkit yung mata niya lalo at tumingin siya sa ibang direction.

"Bat mo nasabi yan?" pogi siya pag nakangiti.

"Wala lang. Kasi alam mo na kung anong gusto ko eh." tumingin ako sa mata niya ng diretcho.

Awkward silence...

"Ako may hidden desire sayo? Eh mukhang ikaw tong nageenjoy sa yakap ko eh."

(?_____?)

(O____O)

(>///o///<)

Tinulak ko siya at pinunasan yung braso ko. Siya? Ayun. Ang daming tawa.

"Wengya ka Skyler haa! Trip mo ko lagi eh!! Asdfghjkl. %@!?" ang galit ko sa kanya eh.

"Hahahahaha. Anong itchura yan Rima?!! Wahahahaha." tawa pa rin siya ng tawa.

Magwa-walk-out na sana ako pero pinigilan ako niya ako.

*yugyog kamay*

"Bitaaaaaaaaaaaw!" sigaw ko.

Dali dali naman niyang tinakpan yung bibig ko. "Shhhhhh. Ingay mo eh." ang lapit na naman niya saken. T^T Anubeeeeeeey!

"Hmmmmhsjzsvdjslsbh." sabi ko.

(Translation: Oo na. Tatahimik na ako! )

Binitawan naman niya at hinawakan niya yung kamay ko. Kinaladkad lang naman niya ako dun sa malapit sa kubo na pinagtutulugan niya kanina.

Madilim ng konti sa part na yun kasi wala ng ilaw na nanggagaling sa mga light post eh.

"Anong gagawin natin dito Sky?!" tanong ko.

Di niya ako pinansin at may kinuha sa loob.

"Gusto mo?!" nung makalabas siya may hawak siyang dalawang di pa naseset-up na sky lanterns.

(*__________*)

Nagtwinkle yung mga mata ko. First time ko kasing makakapagpalipad niyan! Sa movie na "Tangled" ko unang nakita toh eh.

"Hoooooy. Ayaw mo ba? Okay. Ako na lang." sabi nito sabay lumayo na saken.

"Woooy! Wala akong sinabi na ayoko okay!" tumakbo ako palapit sa kanya. "Pengeeeee!"

"Oh." inabot niya saken yung isa na nakabukas na at ready na para sindihan.

Hinintay ko lang na maayos niya yung sa kanya at saka namin sabay na sinindihan yung sky lanterns.

Ang ganda ganda ng itsura niya.

* U *~

"Mag wish ka na." sabi niya.

Pumikit naman ako at nagwish.

"Dapat sinasabi mo yung wish mo!"

"Ayoko nga. Mamaya gayahin mo pa yung wish ko!" pinalipad ko na yung akin. Buti nalang at tama lang yung hangin.

"Haaaay. Basta ang wish ko. Sana maging masaya yung isang taong sumisira lagi ng araw ko." tapos ngumisi siya at binitawan yung sky lantern niya.

"Ha-Ha-Ha!" nagmake face ako kasabay ng fake laugh. "I wonder who is that." at inirapan ko siya.

"Kilala mo naman kung sino siya eh." at kumindat pa saken tong mokong na toh.

"Oy. Ngayon ko lang naisip noh, SKY lanterns yun diba? Kapangalan mo oh!" sabi ko.

"So?!" walang gana niyang pagtataray sa joke ko. =_=

"Arrrgh. Dapat sindihan na lang kita tapos lumipad ka na lang din sa malayo!"

Tumalikod siya at nagwave ng kamay. "Ang corny mo Bangs. Matulog ka na."

"Teka yung jacke--"

Lumingon siya, "Sayo na yan." tapos naglakad na siya papasok sa mansion.

Gumaan yung loob ko. Thank you Sky. :)

Nung tinignan ko yung mga sky lanterns namin sa langit, ang layo na nila.

Makapasok na nga din. Haha.

***

Pagpasok ko sa mansion, nakita ko si Chief.

He looks damn right serious. Oo nga pala, siya lang ang pumayag sa team na umalis ako. Yun yung sabi ni Lolo.

"Chief. Gising ka pa?!" tanong ko.

"Hinintay kitang makapasok. Gusto kasi kitang makausap."

Dumiretcho kami sa lounge area. Umupo kami ng magkaharap.

"Rima. I'm sorry if I have to do this. I know how you wanted to stay and look for Harvey." panimula niya.

"Then why do you have to push me away like this?!"

"Because I don't want you to get in trouble again. You know what happened, muntik ka ng mapatay ni Harv. I can't risk that again. Never." halata ang sincere na pag-aalala ni Chief saken.

"Chief naman. Why so scared? I can handle it--"

"No. I won't let you get in trouble again. Di ko kayang makita na nasasaktan ka at napapahamak."

Hinawakan ko yung kamay ni Chief. "Thank you for everything Chiefy. This means a lot to me." after that, tumayo ako and hugged him. "I'll see what I can do. But for now, stop blaming yourself for what happened. It's not your fault. Okay?!" I said.

"Pero--"

"Shhhh. Tignan mo nga yang itchura mo, haggard much?! Pano na si Miss Courtney?"

"Pero Rima--"

"Don't worry 'bout that okay?! Tapos na yun. Can we just all move on with our lives please?!" tumayo na ako at naglakad. Lumingon lang ako at nag smile. "Good night Chiefy."

He gave me a bitter smile in return at tumango lang siya.

I really wanted to cheer him up. I know how hard this is for him. He's really blaming himself for what happened. Dapat nag-isip muna talaga ako bago gumawa ng mag nakakabaliw na bagay. Argh. Tanga mo Rima. *gulo buhok*

***

Skyler's POV

Dela Vega Acrewood. 0512 HR.

Di ko gets si Chief. Kagabi nakareceive ako ng text na aalis na daw kami ngayong umaga. I thought we're staying here for three days? Argh.

*puff pant*

*puff pant*

Wew. Ang sarap mag jogging dito. Ang lawak at paakyat pa yung trail. Ang lamig pa ng hangin.

Kumusta na kaya si Bangs?

*ring ring ring*

Kinuha ko kaagad yung phone sa bulsa ko.

From: Miss Amy

Good morning Skyler! Merry Christmas!

Nasa Amerika ka nga pala si Miss Amy kaya medyo late yung bati niya saken. Binalik ko na sa loob ng bulsa ko yung phone ko. Magsisimula pa lang sana akong mag-jog pero nakasalubong ko si President Dela Vega.

May dala siyang racket ng Lawn Tennis.

"Skyler! I didn't know na mahilig kang mag jogging. Dapat pala sumabay ako sayo."

Kinuha ko yung towel na nakalagay sa balikat ko at pinunasan yung pawis kong mukha.

"Good morning President. May kalaro po ba kayo?!" referring to his racket.

"Well, wall tennis ang lalaruin ko but if you're challenging me--"

"It's on Sir." hamon ko dito.

***

Tennis Court. 0637 HR.

Natapos ang laro. 06-05. Panalo ako. Pero grabe yung pagod ko. Akala ko small time lang na talunin ko ang Presidente ng isang multi-billion banking company sa Pilipinas.

Maybe I was too full of myself. Akala ko pa naman makakakuha ako ng bragging rights.

The old man can still kill it.

"That was a good game indeed Skyler." he's offering a handshake. Tumayo naman ako at nakipaghand shake.

Hindi ko alam kung bat hindi niya pa binibitawan yung kamay ko. Pagtingin ko sa kanya, ang seryoso ng mukha niya.

"Thanks Sir. I--"

"But you know, that will never let me change my mind." sabi nito. Natigilan ako. Matagal ng nakaalis si President Dela Vega sa court pero naiwan ako dun. Parang nawala ako sa sarili at nakatulala doon.

Kinahapunan, umalis na kami sa mansion at nawala ang lahat ng pag-asa namin na babalik pa si Rima sa FDD, sa apartment o sa Gilmore College.

Tahimik lang ang lahat sa buong biyahe.

*****

Yieeeee. Nagrequest kayo ng Skyler-Rima. Eto naaaaaa! Pasukan na naman! XD

Vote Comment Message! I labyuol! XD Last take for Holiday Special/Filler! Thanks sa lahat ng votes!

Ang rak niyo! \m/ <3

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top