Case 32: Christmas Dinner

Case 32: Christmas Dinner

Rima's POV

O__________O

Wow. Whole cast?! Ano toh? Story conference?! Finale party?! Season 2?!?!

"Oh Rima! Ang cuuuuuuuuute mo talaga!!!" natauhan ako ng maramdaman ko yung kurot ni Mikki sa pisngi ko.

"Uwaaaaaaa. Ako din pakurooooot!" tumayo si Charlie at tumakbo palapit saken sabay kurot sa pisngi ko.

(=_______ =#)

Kung makakurot tong mga toh parang may patago saken ah! =____=

Niyakap ako ni Charlie. "Miss na miss na kita Rima Bear ko." bulong niya saken. Kumirot naman ang puso ko sa tono ng boses niya. :(

"Hahahaha. Parang tumangkad ka yata Cha!" iniba ko nalang yung topic.

"Talaga?!?!" natuwa siya sa sinabi ko at tumalon talon.

"Oh? Bat hindi ka pa naupo at nakain Rima?!" naku, nakabalik na pala si Lolo galing sa kwarto niya.

Natawa ako sa reaction ni Charlie nung makita niya si Lolo. Biglang naging tuod at tahimik na umupo. Hahaha! XD

Naupo na din ako sa tabi ni Lolo. Dun siya nakaupo sa gitna. Katapat ko si Charlie at halatang naiilang siya kasi katabi niya din si Lolo.

Katabi ko sa right side si President Carleen at katapat niya si Kenneth na katabi si Charlie sa right side niya at si Skyler naman sa left side. Si Mikki ang katapat ni Skyler.

Eto na naman, kinakabahan ako pag nakikita si Skyler. Nahihiya ako. Ang tagal mawala ng hiya ko infairness.

Ang formal naman nilang kumain. Siguro kasi natatakot sila kay Lolo.

"Nag-golf ka Lolo?!" I said to break the ice.

Tumango siya. "Kasama ko si Greg."

"Natalo mo record ko sa course?!" tanong ko sakanya.

Napalingon siya saken at binigyan niya ako ng "shut-up-apo-kumain-ka-nalang look". Hahahahaha.

"Sus. Asa namang matalo ka ni Billie Jean sa golf noh." nagsimulang gatungan ni Mikki yung topic. Namiss kong mambully kay Lolo. XD

"Manahimik na nga lang kayong dalawa at kumain." pagpapaka-poise niya.

"Hay nako Lolo Billie Jean, magbowling ka nalang. Baka matalo mo pa si Rima my loves dun!" sabi pa ni Mikki.

Pinipigilan kong tumawa sa reaction ni Lolo. Inis na inis na siya. XD

"Mikki. Gusto mo bang umuwi na ha?" asar na tanong ni Lolo.

Parang timang lang kaming tawa ng tawa ni Mikki. Natatawa na din sila sa trip namin pero nahihiya lang baka magalit sa kanila si Lolo.

"De joke lang Billie Jean! Peeeeeeeace!" ^____^V

Halatang nagpipigil ng tawa sila Kenneth.

"Sir! Pwedeng magtanong?!" tinaas pa ni Charlie yung kamay niya. Yan, tama yan guys. Wag kayong mailang kay Lolo.

"Ano yun Cha?!"

"Bakit Billie Jean tawag niyo kay Pesident Dela Vega?! Pangalan niya ba yun?!"

Nagkatinginan muna kami ni Mikki bago tuluyang humagalpak ng tawa.

Namula naman ng todo si Lolo. "T-tumahimik nga kayong dalawa!" omg, ang tsundere ni Lolo. Ang cute! XDXD

****

Pagkatapos naming kumain ay naglibot kami sa beach na nasa likod ng bahay. Yung parang kina Skyler.

"Buti maaraw ngayon! Masarap sanang mag jetski dito eh." dahil sa sinabi ni Kenneth, nagpalabas ako ng apat na jetski ni Lolo.

"Huwow! Sweet! Pwedeng gamitin toh Rima?!"

"Ay hindi Kenneth. Nilabas ko lang yan para titigan mo." =_=

Kinurot niya lang ang ilong ko tsaka kinuha yung susi.

Sila Mikki, Charlie, Kenneth at Carleen yung nagamit ng jetski. Naiwan naman si Skyler na nasa buhangin lang at nakaupo sa kubo.

"Gusto mong magjetski Sky? Magpapalabas pa ako ng isa." alok ko.

"Ayoko. Baka sinadya mo lang na apat yung ilabas para maiwan ako dito kasama mo eh." sinabi niya yun ng nakapikit. Nakasandal kasi siya dun sa tabi ng kubo at parang natutulog.

"Ibabaon kita dyan ng buhay eh!" ang kapal ng mukha neto.

"Tignan mo, ayaw mo na akong paalisin dito. Ibabaon mo pa talaga ako para wala ng takas. Ikaw haa." nakapikit parin siya.

"Wala kang kwenta kausap! Aalis na ak--" patayo na ako ng hawakan niya yung braso ko. Dahan dahan niyang binuksan yung mga mata niya.

"Don't leave."

Dug.

Dug.

Dug.

Dug.

Ewan ko pero parang iba ang iniisip kong scenario dun sa phrase na sinabi niya.

"Don't leave."

"Don't leave."

"Don't leave."

Ang tagal naming magkatitigan. Ano bang gusto mong sabihin Skyler?!

Bat ginugulo mo ang utak ko! Argh.

"B-Bitawan mo nga ako!" sabi ko at pilit inaalis yung pagkakakapit niya sa braso ko.

"Sorry." siya na mismo ang dahan dahang bumitaw.

Naglakad na ako paalis ng kubo at pumasok na sa loob ng mansion. Dire-diretcho ako sa ref at kumuha ng tubig.

Dug. Dug. Dug.

Kumalma naman puso aba. Ang OA mo na ha. =_=

Pati mukha ko parang namula kanina. Neeeh. Siguro sa init lang toh. Tama sa init lang--

"Rima."

"Ay mainit na kabayo!" nagulat naman ako kay Lolo. Ano ba yan!

"Anong nangyari sayo?!"

"Lolo naman ih! Bigla bigla niyo naman akong tawagin halos malaglag na puso ko sa gulat!" sabi ko.

"Natatawa ako sayo. Bat ka nandito? They're all out there and having a good time."

Np: Good Time by Owl City

De joke lang. Corny ko! XD Mwahahaha.

"Uminom lang ako Lolo. Nauhaw kasi ako eh." paliwanag ko.

Nilapitan niya ako niyakap. "Have fun while we're still here okay?!" sabi nito saken.

3

Ouch.

***

Game room. 0234 HR.

"Astig tong game room niyo Rima! May motor racing at car racing pa! Dito nalang kaya ako tumira?!" sabi ni Kenneth sakin habang naglalaro ng Street Fighter sa PS3.

"Shunga mo din noh Ken, magpagawa kaya kayo." sagot ni Mikki na kalaro niya lang.

"Wala ng space sa room ko dahil dun sa Autopsy Room ko eh."

"Ew. Kadiri to death ka talaga Kenneth!" sabay binagsak ni Mikki yung controller ng ps3.

"Hayaan mo dadalhin kita dun pag may ino-autopsy ako. Hihi." dagdag pa ni Kenneth.

"Alam mo ba Mikki, para talagang psycho si Kenneth pag may autopsy report siya. Nakita ko one time sa school habang nagawa siya ng ballistics paperworks niya nakatitig siya sa picture nung bangkay sa laptop niya. Nakakatakot siya." kwento pa ni Charlie.

Nanginig naman si Mikki and covered her ears. "Arghhhhh! Stop it na Charlieeeee!" T______T

"Ano ka ba Charlie, pano ko magagawa yung report ko ng maayos kung di ko iaanalyze yung bangkay. Adik ka din noh?" depensa ni Kenneth.

"Eeeekkkk! I said stop saying bangkay na eh!" nangingilabot siya at tumakbo malapit saken.

"Hey Mikki." tawag ko dito.

Nanlaki naman ang mata niya, "Ay di magkukwento ako sayo? I said that sa phone kagabi right?!" teka, sa phone?!

O___________O

"WAIT LANG!" natigilan naman silang lahat at napatingin sa akin. Tumayo ako at tumingin sa kanila.

"The time I called early this morning, magkakasama na kayo?!?!" tanong ko.

Tumango silang lahat.

>/////////////

"Ehhhhhhhh! Bat di niyo sinabi agad!!!!" grabe pinagtulungan pala nila ako. Hangsama nila. Ajujuju.

"Wag ka ng mahiya Rima. We actually find it too cute. Inabangan nga namin yung tawag mo pagkabigay ni Mikki ng numbers namin eh!" kwento ni Charlie.

"Hindi naman yun ang iniisip ko eh!"

"Eh ano ba?!" sabay sabay pa sila.

"Sayang load ko!" =3=

Sabay sabay din silang nagfacepalm.

***

After an hour, dumating naman sila Chiefy at Miss Court. Riot na lalo sa Game Room.

"Hoy Kenneth! Napakadaya mo ha! Sinira mo siguro tong controller ko noh?!" reklamo ni Chief pagtapos nilang maglaro ng NBA sa ps3.

"Ewan ko sayo! Talo kalang eh. Kanina nga nanalo pa si Rima saken sa controller na yan eh. Diba Rima?!" tumango nalang ako. Busy din kasi ako maglaro sa kabilang ps3 kasama si Charlie eh.

Lumabas na muna si Kenneth. Nung makita niya kasi na wala na sa Game Room si Prez eh iniwan niya na si Chief dun.

Kenneth's POV

(KenLeen moments muna tayo!)

Luuuh! Napasarap yata ako sa kakalaro ng ps3 at nakalimutan ko na si Carl.

Ay nyems naman oh! Ang laki nitong bahay nila Rima eh. Matawagan na nga lang...

Calling Globe...

Ayieee. Curious kayo kung bakit 'GLOBE' yung pangalan niya phonebook ko imbis na 'Halimaw sa Banga' noh?

Miss niyo ba ang KenLeen Days?! Hihi.

Kaya GLOBE, kasi si Carleen naman talaga ang mundo ko eh. Ayieeeee.

"Oh bakit?!" ay ang sungit ng babe ko. :(

"Sungit ah! Wag ka ng sumimangot dyan. Asan ka ba?!" tanong ko.

"Sa lugar na walang ps3."

"Very funny babe. Now tell me where you are. Naliligaw na ako dito sa mansion kakahanap sayo."

"Haha. Turn around you moron." napatigil ako ng paglalakad at dahan dahang lumingon.

Ay nako. Nasa likod ko lang pala etong mundo ko nagpagod pa ako kakahanap.

Lumapit na ako para yakapin siya pero lumayo siya saken. "Hmp." Hahaha. Nagtatampo pa toh. Ang cute cute! XD

"Carl naman. Sorry na okay? I was a bad boyfriend back there." ayaw niyang magpayakap kaya sa likod ko siya niyakap.

"I thought you're gonna play and ignore me the whole day eh. What's the purpose of me being here?!"

"I'm sorry babe." lumipat at sa harap at hinawakan yung pisngi niya. Dinikit ko yung noo namin. Nose to nose.

"Tell me, mahal mo ba talaga ako?!" she asked with worried eyes.

"Of course. Mahal na mahal. I'm sorry for being such a jerk today. Carl, sorry talaga."

"I really can't stay mad at you. Pero I'm still upset." :(

I kissed her forehead. I know why she's upset.

"Nagtampo ka na agad. Di ka lang nabati ng Happy Motmot dyan eh!" sabi ko. Halos maiyak naman siya nung marinig niya yun.

October 25 yung Campus Fair. 2 months na kami. Really now?

"Babe shhhhhh. Stop crying." I tried to wipe the tears from her cheeks.

"Kasi ikaw eh! Akala ko nakalimutan mo na!" Hahahaha. Adorable. *__*

"Tahan na. Now it's your turn to look behind."

"H-Huh?!" nagtataka siya. Buti nalang at sakto din yung surprise ko sa kanya. Kita dito sa bintana yung pinaayos kong dinner date sa sea shore kanina. Medyo madilim na at may mga sky lanterns na nagliliparan.

Carleen was speechless. Hihi. Galing kong magplano. Mamaya na ako magte-thank you kay Rima. Tinulungan ako ng mga katulong niya para maayos yung place.

"Pwede ka bang maka-dinner date ngayon Babe?!" tumango lang siya at ngumiti saken. Ang cute. XD

Rima's POV

Kilig to the bones naman. Nagde-date sa may beach si Kenneth at Prez. May pagkasutil din tong si Ken at talagang pinanindigan ang hindi pagpansin kay Prez kanina. Hay nako.

Dinner time. 0914 HR.

Complete cast. Natapos na din ang mini date nila Ken. Nahihiya daw kasi sila sa Lolo ko kung hindi sila sasabay sa dinner.

Pansin niyo ba? Ang tahimik yata ni Chief?!

*POP!*

Nagbukas pala ng wine si Lolo at nagsalin sa baso niya. Yung mga katulong naman, nilagyan din ang mga baso namin.

"Waaaa. I don't drink po! I'm still a minor pows." tanggi ni Charlie.

"Ay nako Charlie, ngayong gabi lang. Don't worry hindi ka namin isusumbong!" sagot ni Lolo.

"Ahehehe." ang awkward ng ngiti ni Charlie.

Lolo raised his glass. "Cheers everyone!" masayang sabi ni Lolo. Agad naman nilang tinaas yung mga wine glass nila at nakitoast.

"Ngayon palang nagpapasalamat na ako sa lahat ng ginawa niyo para kay Rima. Thank you." panimula ni Lolo.

I don't really like this conversation. Parang may sasabihin siyang hindi maganda sa kanila.

"Thank you for having us here Sir!" masiglang bati ni Charlie kay Lolo. At nagtoast sila.

Tahimik lang ang iba habang nagtatawanan si Lolo at Charlie.

"Oh Charlie, I'm sure Rima will miss you when we're in the US already."

"Talaga Sir?! Hahahaha--"

O___________O

Natigilan si Charlie dun. Muntik na niyang mabitawan yung hawak niyang wine glass.

Tumungo lang ito at nanahimik na.

Tumayo naman ako, "Excuse me, kukunin ko lang yung Ribs sa kitchen."

"But Rima wala naman tayong--" di ko na pinansin si Lolo at tumakbo palabas ng dining area.

Skyler's POV

"Oh Charlie, I'm sure Rima will miss you when we're in the US already."

Paulit ulit yung sinabi ni President Dela Vega kay Charlie sa utak ko.

Aalis sila?!

Well I shouldn't be surprised. After all, nagtatago sila kay Harvey Dela Vega.

Umalis si Rima sa Dining Area. Lahat kami natahimik. Walang gustong magsalita. Naikuyom ko ang mga kamay ko.

Why do I find the urge to speak? Ano ba kasing pinaglalaban ko? Bat parang--

"May gusto ka bang sabihin saken Mr. Abalos?!" bumilis bigla ang tibok ng puso ko ng mapansin ako ni President Dela Vega. Masyado na ba akong obvious?!

Nang lumingon ako kay Chief, tumango lang ito. Ganun din si Kenneth. Pati narin si Carleen, Miss Court at Mikki.

I saw Mikki mouthed, "Please..." nung tumingin ako sa kanya.

"Well Mr. Abalos? May sasabihin ka ba?!" tanong ulit ng Lolo ni Rima.

Sky. May ipinaglalaban ka ba?

Wala.

Pero ang alam ko, may isang tao akong dapat ipaglaban. Walang dahilan, just pure instincts Sky.

Can I really know what she wants? Wala siyang sinasabi pero yung mga mata niya, kanina sa beach... ang lungkot.

But, can I really tell the difference?!

Rima. Gusto mo ba talagang umalis?!

"I'm waiting Mr. Abalos?!"

*hingang malalim*

"Gusto niya po bang umalis?!"

Wala na. Wala ng atrasan toh Skyler.

Nagsign of the cross nalang ako sa isip ko.

"Pardon?!"

Inayos ko ang mga naiisip ko at umupo ng maayos. Humarap ako sa kanya at binaba ang hawak kong kutsara at tinidor.

"Gusto po ba ni Rima na umalis papuntang US?!" pag-uulit ko.

"At bat naman hindi niya gugustuhin, sige nga?!"

"Sorry Sir, pero sa tingin ko kasi... mas gugustuhin niyang tumira dito." nagmumukha na akong walang galang dito ah.

"Isa na siyang Dela Vega. Hindi na siya dapat pang tumira at bumalik sa dati niyang buhay." sagot niya saken. Medyo tumataas na ang boses niya.

Bago ako ulit magsalita, umalingawngaw ang iyak ni Charlie na nakatungo parin.

"Charlie, what's wrong?!" pinapatahan ni Mikki si Charlie habang hinahaplos yung likod niya.

"Ahuhuhuhuhu! Rima leaving is all wrong!!!" sabi nito sabay takbo palabas.

"Excuse me Billie Jean, hahabulin ko lang siya." paalam ni Mikki. Tumango lang ito.

"So anyway, nasan na nga ba tayo?!" kinuha ni President Dela Vega ang atensyon ko.

"Sir, wag ninyong mamasamain pero mas makakabuti sa kanya na manatili siya bilang si Rima Ortiz."

"At bakit?! Are you questioning my decision?!" nagagalit na siya.

Tumingin ako ako kay Chief. Nakatitig parin siya sa plato niya. Ano bang problema niya?

"I think Skyler is right Sir." yes! Tinulungan din ako ni Kenneth.

"I know how everyone of you will miss her. But I want you boys to know that Francis agreed upon my decision."

Nabaling ang atensyon ko kay Chief. Hindi ito makatingin sa akin.

"He said he'll find a new member for the team. So what's wrong with Rima leaving the country?!" dagdag pa nito.

"Pero Sir hindi lang naman dahil sa Team toh eh. Kaibigan namin si Rima." - Ken

"At hindi kami papayag na basta nalang siya aalis." nagsalita na din si President Carleen. "She helped me with my case, binago nila ang buhay namin. At kasama dun si Rima. I gained friends dahil sa tulong niya. Kaya we cannot afford to let her leave."

Tumayo na ako, "Hindi ko alam kung bakit sumuko agad si Chief dito pero wala na akong pakielam dun. Ayokong iwanan ni Rima ang buhay niya bago pa mangyari yung insidente sa Dela Vega Building. Alam kong importante sa kanya yun." umalis na ako sa Dining Area at lumabas ng mansion.

I really don't give a crap kung saan ako pupunta. Gusto ko lang mapag-isa at mag-isip.

Asan na kaya si Bangs?!

***

Vote Comment Message! ;)

Salamat sa votes! :*

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top