Case 30: Christmas Phonecalls

Case 30: Christmas Phonecalls

Skyler's POV

Abalos' Batangas Mansion. 0800 HR. Christmas Eve.

Merry Christmas Readers ng S*S! Belated na siguro sainyo, pero dito Christmas Eve palang ih. May sayad yung author. =_=

"Hey! Skyler! Forever batugan? Why not help us kaya to prepare Noche Buena. You only visit here to eat. And make pacute to the Readers! Shame on you!" eto na naman po ang walang prenong bunganga ni Nana. Reregaluhan ko na siya ng brakes eh. Pssh.

Tumayo na ako. "Eto na po, tutulong na po." at sumunod sa kanya hanggang sa kitchen.

"You help Ate Chinchin with the salad!" utos nito saken. "After that, put the marinated turkey in the oven!" dagdag utos niya pa.

Lumapit naman ako kay Chinchin. Halos magka-edad lang kami kasi anak siya ni Manang Hilda. Isa siya mga naabutan kong katulong nung bata pa ako. Ngayon nalang ulit nakabisita si Chinchin sa Mama niya sa Pasko.

Itinaas ko nalang muna yung sweater ko tsaka naghugas ng kamay. Kukunin ko na sana yung bowl ng salad pero, "Young Master, w-wag na po!" ayaw niya akong patulungin. Ang labo ng mga babaeng toh. =_=

"Chinchin, don't call me Young Master okay? Magkakilala naman tayo." I told her, then kinuha ko yung hawak niyang bowl.

"Kuya is right Ate Chinchin. Hindi bagay sa kanya na pinagsisilbihan siya ng mga katulad mong magaganda at brainy." pang-aasar saken ni Nana.

Nabanggit ko bang Law ang kinukuha niya at pinapaaral siya ni Mama?

"Pero kasi... k-kaya ko na toh." she insists. She tried reaching for the bowl.

"Chinchin, I want to help okay?!" sabi ko sa kanya at itinabi na yung bowl. Dumiretcho na ako sa oven para ilagay ang turkey.

"Dahan-dahan Young Mas-- este Skyler... mainit yan!" paalala ni Chinchin.

Nginitian ko lang siya, "Don't worry Chi, I got this."

Nakita ko siyang nag-sigh at naupo sa counter table para tulungan si Nana. Lumapit na din ako para tignan kung ano pang niluluto nila.

"Kuya, do you like Afritada?! Magluluto daw si Manang Hilda eh. Masarap ba yun?!" natanong bigla ni Nana.

"Afritada?!"

Napaisip naman ako dun. Di ako mahilig sa pagkain, pero may kilala akong mahilig kumain. I wonder how's she doing tonight. Well, kasama naman niya ang Lolo niya diba?

"Hooooooooy!" nagulat ako sa tawag ni Nana.

"A-ano ba? Why do you have to scream Nana? Where are your manners?!?!" galit kong sabi sa kanya.

"Tulaley ka kasi. Uyyyyy. May naiisip ka noh?!!!" sabay kurot niya sa ilong ko. Ang kulit talaga ng pandak na toh.

"Naiisip? Anong pong naiisip niyo Master Skyler?" ayan, pati tuloy tong si Chinchin, nahawa na.

"Ay Ate Chinchin, hindi 'ANO' ang iniisip niyan. 'SINO' dapat!" with matching quotation marks gesture pa tong si Nana.

"Hoy Nana. Lumalaki kang chismosa. Stop inventing stories!" sabi ko.

"Asus. Deny ka pa dyan. Obvious kaya Kuya. May namimiss ka yata sa Manila eh. Okay fine! Dun ka nalang nga muna! Hahahahahaha! XD" may sayad ata tong isang toh. May pagka-psychic na. Saan ba toh nagsususuot these days?

"Really Nana?!" I said.

"Really Kuya? Gusto mo pangalanan ko pa eh. Tutal naman her name's not that long and it starts with letter-- qwertyuiop" sinubo ko sa bibig ni Nana yung kaka-peel ko palang na cube ng carrot.

"Ang liit liit mo, ang daldal mo na agad. Ayan na papala mo!" sabi ko then continue peeling the rest of the carrots.

"Si Miss Amy ba yung naiisip mo Master? Nako, miss na miss mo na ba siya agad? Ang cute naman! Ang sweet!"

Sasagot pa sana ako ng makita kong nalunok na nung pandak yung nginunguya niyang carrot. "Actually Ate Chinchin-- asdfghjkl..." buti nasubo ko agad yung celery naman na nasa tabi ko lang.

"Yeah. Si Miss Amy yung iniisip ko. Galing mo ah!" yun nalang ang sinabi ko para matigil na tong si Nana sa kakachismis.

Natatawa nalang si Nana habang nakatingin saken. "Oo nga. Miss na miss na miss na talaga niya yung taong yun. SOBRA. Hindi ba Kuya Sky?!"

Grrr. Ang lakas mang-asar ng duwende na toh. Pasalamat siya, Pasko.

Rima's POV

Dela Vega Mansion. 0913 HR. Christmas Eve.

"Rima. Bat ka nandito? Ang lamig na dito wala ka man lang jacket." si Lolo, lumapit siya saken at tumabi. Nasa may balcony nga pala kami. Pero ibang tanawin kesa sa apartment.

Dun kasi, maingay na daan at puro buildings ang makikita. Dito, dagat. Parang walang katapusang tubig. Tapos wala kang maririnig kundi alon. Napakatahimik.

Merry Christmas Readers. First Christmas ko toh na kasama si Lolo. Masaya na malungkot. Hindi naman kasi ganitong sitwasyon ang gusto kong mangyari.

Nagtatago kami kay Tito Harvey.

Kahit gaano ko pilitin ang sarli ko na magsaya, bumabalik parin ang takot at pangamba sa isip ko. Hindi para saken, kundi para sa Lolo ko at lahat ng mahalagang tao sa buhay ko.

Baka maulit ang nangyari na kailangang madamay ang ibang tao para lang mapatay ako ni Tito Harvey. :(

"Rima. Stop being so worried. It's Christmas my dear." Lolo said, trying to cheer me up.

Napangiti ako kasi tumayo siya at nagchacha sa harap ko. "Let's dance and have fun Rima. Even just for tonight. Let's forget about what happened. Please?" Lolo held my hand and tried if he can make me stand up and dance.

"But I don't dance Lolo." nahihiya kong sabi.

"But you can. Alam mo ba..." lumuhod siya para magkalevel kami kasi nakaupo ako sa upuan. "Parang yung pagsali mo sa FDD lang yan. Have you ever imagine yourself being what you are right now?" tanong niya.

That made me think. Being a spy wasn't part of any plans that I have before.

Umiling ako. "So? Bat mo naman naicompare yun sa pagsayaw ha Lolo?!"

"You never thought of becoming one, but you are now. Sa sayaw, you don't dance. True. Pero you can. Kaya mo. Look at you now my Rima..." he tucked my hair sa ears ko. "You've grown into a beautiful, strong woman. Hindi ba dati, napakaiyakin mo?!"

Parang naiiyak na tuloy ako. T^T

"Lolo naman ih. Kahit ano pang mangyari at gaano pa katagal ang mga nangyari, hindi ako nagbago. Iyakin pa din po ako." after that, napayakap ako sakanya at umiyak na.

"You don't know what things you can do Rima. You have no idea how I'm proud of what you've become."

"Lolo..." naiiyak ako lalo.

"Merry Christmas apo ko."

Ajujujujujuju. T________T

Marami man bagay ang nawala saatin, mas marami parin talaga ang dapat ipagpasalamat sa Kanya. He gives gifts we never see, pero damang dama natin.

Yung mga aral na nakukuha natin sa bawat pagtatapos ng isang problema ang nagpapatatag sa isang tao. Kaya dapat nating hawakan ang mga naituro Niya.

At hawakan natin ang paniniwala natin.

He never left me. Never.

And that's the reason why I should be thankful this Christmas.

<3

*****

1203 HR

"Rima my loves!!!!!!!!" kakatapos lang ng Noche Buena sa bahay at tinawagan ko lang tong baliw kong kaibigan.

"Merry Christmas Mikki!"

"Awww. Bestfriendooo. Sobrang miss na kita to the puchu puchu ness poreber and always! Ano?! Kunusta si Mr. Billie Jean?!"

Hahahahahaha. Billie Jean ang tawag ni Mikki kay Lolo. Bata palang kami, bida na si Lolo sa mga parties dahil nasayaw siya nung Billie Jean ni Michael Jackson. Ahhh, good times. XD

"Hoy! Mamaya marinig ka ni Lolo!" saway ko dito.

"Hahahahaha! Pupunta ako dyan bukas! May ikukwento kasi ako!"

"Kwento? Ano yun?"

"Nawi-weirduhan kasi ako kay Stephen eh. The past few days lagi nalang nasama sa mga lakad ko. Tapos kanina, dumaan pa siya sa bahay namin para lang ibigay saken tong regalo ko."

Kinikilig ako.

At medyo naiinis.

Ang torpe talaga nitong si Stephen eh. Binubugaw na siya ng mahal niya ayaw paring magtapat. Sira ulong pogi. Haaaaaay. =_______=

"Hayaan mo na yun. Weird din minsan ang mga pogi noh." oh ayan Stephen, pinagtakpan ko na naman ang katorpehan mo ha.

"Ah basta. I'll make kwento bukas. Sila Skyler? Nabati mo na?!"

"Nagpalit ako ng number diba? So di ko na alam nunber nila." sagot ko.

"Teka. Ipapasa ko sa--"

"W-wag na." tanggi ko.

"Ang OA mo teh? Snob lang?! Peymus ka teh?!"

"Lakas mo eh noh? Okay fine! Ipasa mo!" nang-asar pa eh. Badtrip neto. You'll see, babatiin ko sila at hindi ako maiilang!

>_______<

***

Kenneth +0917*******

Call...

Calling.....

"Hello? Who's this?" sinagot agad. O___O

"K-Kenneth.."

I heard him chuckle. "Rima? Ikaw yan diba?!" tanong niya.

"Yeah. Babati lang ng Merry Christmas. " Nahihiya pa ako eh. Ang arte mo Rima.

"Wait lang ha--" may tinatawag siya. Maya maya lang, "Here she is." Tapos nagbago yung boses niya.

"Rima! Si Carleen toh! Merry Christmas!"

"Prez! Merry Christmas!" I felt my heart twitched.

Hindi pa man ako officially naalis sa school, nasasaktan na ako pag naiisip ko siya. Alam kong pahirap yung school pero kahit ano ipagpapalit ko ngayon wag lang siyang mawala ngayon. Sa totoo lang, maimniss ko silang lahat. Pero sobrang stubborn ko parin.

"Rima?! Nandyan ka pa ba?!!" Natauhan ako ng marinig ko si Kenneth sa kabilang phone.

"Y-Yeaah. Sorry. Andito pa ako." Ugggh. You suck Rima. *gulo buhok*

"Haha! Ikaw talaga! Nahihiya ka pa. Miss ka na namin sa FDD." namula ako sa sinabi niya. Yung totoo, manghuhula yata toh eh. =_=

"Oo na. Sige. Babye!" naibaba ko yung phone habang naririnig kong tumatawa si Kenneth. Arggggh. Malandi ba ako pag sinabi kong namimiss ko yung tawa niya? Waaaa. *gulo buhok* *ikot sa kama*

Time check. 0142 HR.

Okay. Si Chacha naman yung susunod. *hinga malalim*

Calling Charlie....

"Hello sayo unknown number! Maligayang Pasko!!!!!!"

(=_______=")

Ang hyper niya parin talaga. Haaaaaay.

"Chacha! Si--"

"RIMA BEAR?!!!!!!" naiimagine ko yung cute niyang mga mata na sobrang gulat na gulat, base na rin sa tono ng boses niya. Hahaha.

"Yup! Merry Christmas Chacha!"

"Waaaaaaaaaaa. I miss you so muchooo Rima Bear! Fighting bad guys is tough pag walang inspiration sa tabi ko. And that's youuuuu!" <3

"That's very sweet. Miss na din kita Charlie."

"Is this your new number Rima Bear? If so, can I call you whenever I miss you? Kasi sobrang miss na miss na miss na talaga kita! Everyone actually. Hihi!"

Natatawa ako sa pagiging cute niya kahit sa phone. "Of course you can call me. Anytime."

"Yehey! Okay. I'll you nalang some other time. I bet you still have some other people to call and greet. Actually someone is waiting for-- ouch!"

"Huh? Okay ka lang ba Cha?!"

"Yeaaaah! I'm fine! Oh well! Happy Christmas my Rima Bear! Muaaaaa!"

*toot toot toot*

Anyare kay Charlie?! Weird.

Nagscroll na ako ng phone ko. Tumibok na naman ng yung puso ko ng sobrang bilis. Eh pano ba naman kasi. Saktong tumapat kay Skyler.

*titig sa bagong phone*

Skyler +0927*******

Tatawagan ko or hindi.

Nahihiyang konsensya: Pagkatapos mong magwala sa tapat ng emergency room ng ospital tatawagan mo siya. Ilang beses na bang nabasa ng uhog mo at luha ang leather jacket niya ha? At nakasuntok ka pa ng isa sa kanya. Uso mahiya?

Nangongonsensyang konsensya: Sa dami ng tinulong niya sayo, taray ng hair mo teh. Kahit sinpleng Merry Christmas man lang. Birthday naman ni Papa Jesus oh.

Balanseng konsensya: Wawa naman si Skyler. Isipin mo nalang na GM ang ginawa mo. Kaya isama mo na yung tao. Sosyal ka nga lang kasi tawag yung iyo. Dela Vega ka na eh. XD

Arrrrrrrgh! Bat ang daming uri ng konsensya ngayon?! *gulo buhok*

Nahihiya ako. Ang awkward. Nagalit ako sa kanya, tapos umiyak ako sa kanya tapos binuhat niya pa ako pabalik ng room nung gabing yun kasi nga nakatulog ako dahil sa heartbeat niya.

>//////////<

So sa tingin niyo? Matino pa ba yun?! Waaaaah. Nahihiya ako. After nun di na kami nagkita. Duniretcho na kasi kami dito. Ano ba yan?!

*GULO BUHOK*

Heeeeeeelp!

*********

Bitin! Teehee! 2nd UD for the day! Kelangan ko na kasing makahabol sa normal days kasi baka mawala na ako sa wisyong magsulat pag inantay ko pa. Sipag ko noh? Natutuwa kasi ako sa inyo eh! XD

Enjoy! Boom boom cherneling!

Vote Comment Message! XD

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top