Case 3: Cupid Stephen
(Rima's POV)
No waaaaay. Never. Unacceptable.
"That guy here? You have got to be kidding my nerves Manang Ason!"
"B-Baket? M-May problema ba???!" anak ng may problema ba naman yan oh. Oo Manang Ason. Wag ka ng mag-aircon, lakas magpahangin niyang bago mong tenant kaya. Grabe.
"Manang Ason, I'll move out as soon as possible."
"Ayy. Nako, hindi. Dito ka lang." bigla nalang akong hinawakan sa tenga ni Manang Ason. Parang wow lang ha. MASAKET??
"T-Teka-- awww. Mana-Manang Ason!! Ouch!!"
Dinala niya ako sa may balcony. Ang 3rd floor ay may balcony na tanaw ang maingay na city. Pero pag gabi, sobrang lamig dito. At kita mo ang maiiilaw na building at syempre, ang STARS. Pero ngayon mukang pingot sa tenga ang mararamdaman ko. Mahapdi na yung dulo ng tenga ko na hawak hawak ni Manang Ason. Sinasabi ko na nga ba't magagalit to saken eh.
"Bat ganun mo kung masigawan si Skyler! Ganyan ba ang itinuro ko sa iyo?"
Di ako makasagot. Binitawan niya na agad yung tenga ko. Ang pula niya po. Wew.
"Sagot babae!"
"A-Ah eh, kasi Manang Ason... nagulat lang ako."
"Tignan mo. Mag-iimpake na tuloy. MAG-SORRY KA!"
Aray ku po. Ayaw. "S-Sige Manang Ason. Magso-sorry na. =____= Kill me nao.
"Tsk. Watch your manners young lady."
"Opo."
Umalis na siya at kinausap si Spikehead. Blah blah blah. Di ako naalis sa balcony. Tss. Mamaya pagalitan pa ako ni Manang Ason sa harap niya nuh.
"Rima!" bigla niyang tawag.
"A-Ano po yun?"
Tinignan niya ako ng masama at yung "MAGSORRY-KA-KUNDI-LAGOT-KA-SAKEN" look. Napatango nalang ako. Tssssss.
Bumaba na si Manang Ason. Tamad na tamad akong naglakad papunta sa pinto ng kwarto ko, at nakatayo parin si Spikehead. Judging from his face, naipangako yata ni Manang ang sorry ko kaya parang nang-aasar yung mukha niya.
"What are you looking at?"
"Aren't you gonna say something to me?"
"Huh. Like you can make me say that to you. I regret nothing."
Sumama yung tingin niya saken. Wag niyo kong gayahin. Wala talaga akong balak mag-sorry. Hahaha. Ano siya, sinuswerte? Muka nya.
Kinuha ko yung susi at binuksan ang pinto. Ramdam ko ang dark aura sa likod ko, he's expecting a sorry. Well, sorry nalang siya. Never in a thousand years.
"Tibay mo rin noh?" sabi niya pa.
"HAHAHAHA." sarcastic na tawa ko. "I'm tired. Talk to my sexy back." tapos lumingon ako sa likod at binelatan ko siya. >:P
Naniningkit na yung mata niya sa sobrang inis tapos he's biting his lower lip. Just look at him. He's so cuteeee. Ay PWE. Funny pala. XD Yuck? Ew?
Sinarado ko ang pinto at nag-ayos ng gamit. Medyo maaga ang tulog ko. Ang daming nangyari ngayong araw. Kaya naman, wala akong gustong gawin kundi magpahinga. Nilock ko yung pinto ko. Dati-rati nakabukas pa yan, pero dahil may demon sa 3rd floor, magpapalagay na din ako ng malaki-laking lock. Para sigurado. We never know. XD
(Skyler's POV)
Nagising ako ng maaga. Susunduin ko din kasi si Miss Amy. May kotse ako. Medyo magulo pa naman tong kwarto ko kaya hindi ko makita yung cellphone ko.
***1 message received***
Miss Amy: Sky! Good morning! See you later! ;-*
Ang sweet. Nagmadali na ako, baka maghintay pa saken yun. Mahirap na baka mapansin ako sa trabaho ko. Ila-lock ko na sana yung pinto ko ng bigla akong may natamaan sa gilid. Akala ko si bangs. Pagtingin ko, hindi naman siya.
"Aray ko naman! Dahan dahan naman Kuya!" sabi nung babae.
"S-Sorry. Di ko napansin eh. Are you alright?" I offered my hands. Natumba kasi siya. Magkasinglaki sila ni Rima, na may side bangs (pero hindi ganong kakapal tulad kay Rima =___=) at wavy na medyo maikli yung length ng buhok niya compared kay Rima. Teka? Bat kino-compare ko na naman yun? Anyare saken? O__O
Pag-angat niya ng ulo niya, tinitigan niya muna ako. "Tekaaa. You look familiar." sabi niya.
"Ahhh. Miss hindi kita kilala."
"Pero kilala kita." tumayo siya at tinignan ako from head to foot. "You're from Esburgh...."
"Obviously." =______________=" nakauniform ako.
Nagpout siya. Mukhang napahiya siya sa sinabi ko. Stating the obvious kasi okay? Tss.
"Hindi pa ako tapos. Esburgh Fencing Team, right?"
Ahhh. Wow. Pano niya nalaman? Minsan lang ako magreport dun. Pag wala lang si Miss Amy, pero official member ako.
"Yes."
"Wow. Hi, Ako si Mikki Jane Fortuno. I'm a huge fan of your team! XD"
"Ahhh. Geez. Glad to know. Thank you."
"You're Skyler Abalos right?" aba, pati full name ko, alam.
Bago pa ako makapag-react, lumabas na ang BANGS na tinubuan ng MUKHA sa kwarto niya. At nung nakita niyang nakikipag-usap ako kay Mikki eh bigla itong sumimangot.
"MIKKI!"
"Oh, Rima? Ang aga mo ngayon ah, akala ko gigisingin pa kita." kinulbit niya ako, "alam mo kasi Sky, takaw-late yang si Rima. Lagi nalang siyang ganyan every morning. Busy kasi kakahabol ng mga---" bago niya pa matapos yung sasabihin niya, tumalon na si Rima at tinakpan ang bibig ni Mikki. UFC? UFC?
"Uhhhhm!!"
"No Mikki. Shut up! Late na tayo so aalis na tayo." hinila niya si Mikki hanggang sa may hagdan. At bago siya bumaba, tumingin pa siya saken ng masama.
"Huh. Takaw late. =___=" sabi ko sa sarili ko. Hindi ko alam kung baket sinasabi niya sa madaldal na yun kung anong trabaho niya. Buti nalang saken niya lang muntik sabihin. At least ako, alam ko kasi parehas kami ng trabaho and worst, magka-teammates pa. At naalala ko na naman yun. Nakakadepress.
Makaalis na nga. Napre-emp pa tuloy yung pag-alis ko dahil sa bangs na yun at yung madaldal niyang kaibigan eh.
(Rima's POV)
"Jeez Mikki. How many times do I have to say this to you????"
"I'm sorry Rima. Nabigla lang ako, tsaka napigilan mo naman ako right?" katwiran nitong ulupong kong bestfriend. Mabuti na nga lang at kay Skyler niya lang sasabihin sana. Pano kung sa iba? Eh di nagkanda-leche leche flan na?
"Kahit na! Ano ba Mikki!!!" I was totally not prepared for this. Dumiretcho na kami sa LRT station at sakto padating na yung train. Umagang-umaga bad vibes agad. Dahil sa SKY na yan. Pssssh.
Hinigit ako ni Mikki. Excited kasi siyang sumakay? =____= Siksikan kasi eh, at gusto niya mauna kami sa may pinto. Eh ang daming tao.
"TABI!!! EXCUSES ME. EXCUSES ME!!!!!" sigaw niya.
*** THUMP! ***
O_________________O
"M-Mikki!!!!!!!!!!!!!" nabitawan niya ako. Hoy! Mikki! Echoserang froglet! Bakla! Beki!
Dire-diretcho siya sa loob ng LRT. At ako, hindi makasingit. Sipain ko na ba??? Ehhh. Wag. Violence na naman. Bad. Bad.
Nakita ko si Mikki, naghahanap siya. Hindi niya siguro napansin na nabitawan niya yung braso ko. Ano ba yan. =_____= Nagriring yung cellphone ko. Si Mikki toh sureball.
"IMPAKTITA KA! SAN KA BA NAGSUSUSUOT!"
"Nabitawan mo ko!"
"Hindi ba uso sayo ang salitang, SUMUNOD?"
"Hinde." asar toh, pagalitan daw ba ako.
"PUMASOK KA! LAGOT KA SAKEN. WALA AKONG PAKE KUNG HINDI KA PA LATE AT AKO'Y LATE NA. LAGOT KA SAKEN!"
Makapagbanta, to think na nasa loob siya ng LRT. Na madaming tao. Hahahaha.
"Oo na. Susunod ako. Sasakay ako sa susunod na train okay?"
"Make that sure enough or I'll tear you apart!"
"Oo nga. Ang kulet!"
Binaba ko na ang phone. Grabeng bestfriend. NAGGER. @____@
After 20 minutes, dumating ang train, as usual, madaming tao. Kusa ka nalang maglalakad papasok ng train kasi tinutulak ka ng mga tao. Ang kaso sobrang pwersa na ng pagtulak eh ako mismo yung nasa harap kaya masusubsob na ako.
x______x
"Ang lambot." :3
"Ah Miss?"
O___O Teka, bat parang tao yata to?
Pagbukas ng mata ko, at pagtingin sa taas, nakita ko yung mukha ng isang lalaki. Gustuhin ko mang umurong, eh wala ng space. Namula ako. Narealize ko nakayakap na ako sa isang lalaki na nakatayo. As in magkadikit. YAKAP KUNG YAKAP ANG PEG?
Ngumiti lang siya, ako naman pinipilit kong lumayo pero biglang umandar na yung LRT. Ramdam kong itinulak niya ako sa kanya. Yung kamay niya nakahawak sa likod ko. Naririnig ko yung heartbeat niya.
@___@
Oh noes. I'm blushing. I can feel it. Ang init ng cheeks ko. Ufaaaaaa.
(Ampogi pogi lang ni Fafa Stephen eh. *___*)
"Okay ka lang ba Miss? Sorry ah, baka kasi matamaan mo si Lola. Medyo hirap din kasi siya." sabi nung lalaki. Pagtalikod ko, may lola nga sa likod ko. Kaya pala hindi na niya ako pinagalaw.
"Pasensya na iha." sabay ngiti nung matanda, naawa naman ako.
"W-Wala po yun. Sorry po hindi ko kayo napansin." sinusubukan kong humarap kay Lola dahil sobrang siksikan. Yung kamay ng lalaki ay naka-alalay parin sa likod ko. Parang ayaw niya akong palayuin. Niyayakap niya na ba ako?? @____@
"Okay lang. Buti nalang at nakita ako ng boyfriend mo." sabi ni Lola sabay tawa.
O____________O
Nganga.
"Hahaha. Si Lola talaga, hindi ko ho siya girlfriend!" yung lalaki na ang sumagot.
"Ganoon ba? Ay iho, bagay kayo!" ang ingay ni Lola. Yung ibang mga pasahero nakangiti na samen. Mas lalo akong namumula. Homaygad.
"H-Hindi ho ah! Hindi ko nga siya kilala eh!" depensa ko.
"Tama ho siya Lola."
Biglang may sumingit na lalaki, "Ay Lola, may bakante pa pong upuan dun. Tara po, umupo nalang kayo." sabay inalalayan niya si Lola.
"Oh pano, doon daw muna ako. Ingat kayong dalawa."
Kumaway nalang kaming parehas na tumatawa ng mahina.
"Okay ka lang ba?"
"Ahhhh." ?____? ayan na, kinakausap na niya ako. "O-Okay lang."
"Sa susunod na station ka bababa?"
"Ah.. oo."
"Taga Gilmore ka diba?"
Tumango ako. Hindi kami magkaharap, nakatingin ako sa tabi niya. Medyo matangkad kasi siya. Nabigla na lang ako ng bigla niyang ipatong yung baba niya sa ulo ko. Wow.
=_______=
"Ano ako? PATUNGAN NG ULO?"
Tumawa siya. "Sorry na. Nangangalay na ako eh." ramdam ko yung hininga niya sa buhok ko. Nag-sigh pa siya eh. Yung isang kamay niya kasi nakakapit sa taas, yung kapitan dun na bilog. Tapos yung isa, inaalalayan yung likod ko (or chumachansing chuchu, Joke! XD)
*singhot singhot*
"H-Hoy..."
"Ambango ng buhok mo Miss."
Nagulat ako, kaya humarap ako sa kanya. Timing naman na bumaba yung tingin niya at sakto sa muka ko. 1 inch? Half inch nalang ba? Ehhhhhhh.
>////////////<
*stare stare*
*stare stare*
Hindi ko kayang makipagtitigan.
Aaminin ko, ang gwapo niya lang talaga. Pero parang walang halong yabang. Bat kasi ang tagal naman yata ng next station. Gusto ko ng umalis. Kinakabahan ang puso ko.
Ang landi landi ko na. Kinikilig ba ako?
"Sorry. Ang bango kasi ng buhok mo eh."
"E-Eh.." tumalikod ako sakanya. Nakita niya ang nagba-blush kong mukha. Waaaaa.
T_____T Anyare sa araw ko. Parang ang gulo gulo.
*Next station bound* *Next station bound*
Nagsitayuan na yung mga pasahero, ako naman eh humarap na sa pinto. Nakatalikod ako sa kanya. Kinulbit niya yung balikat ko.
"A-Ano y-yun??!" nahihiya kong sabi ng hindi nalingon sa likod.
"Nice to meet you. Ako nga pala si Stephen."
Nung lumingon ako, nakangiti siya saken. "Ahhh. Nice to meet you din." ang tipid ng ngiti ko. Pakipot lang. Hahaha. XD
Naglakad na ako palabas ng LRT. Dire-diretcho sa school. Grabe, ang init paren ng pisngi ko eh. At yung tibok ng puso ko, ang WILD. XD Ang pogi niya. Pero kahit medyo nagpakita ako ng pagiging mahinhin, ewan, parang hindi big deal saken. Malimit kasi pag nakikipag-usap ako sa lalaki, gusto ko magmuka akong maton at siga. Pero siya, iba eh. Parang ang bait bait niya. EWAN.
Nasa may gate na ako at sakto lang ang dating ko. Yes. Dadaan pa ako sa Caf para bumili ng pagkain. YEHEY. Nagutom yata ako sa pagsakay ng LRT. Or dahil sa pagiging wild at malandi ng puso ko? XD
"HEP HEP HEP." sabi nung guard.
"Hooray?"
"Gusto mong hampasin kita ng batuta ko ha Ortiz?" galit na sabi ni Manong Guard. Magkakilala kami niyan, alam niya na lagi akong absent.
"Ang aga aga ang sungit niyo Kuya!"
"Aba, maaga ka yata ngayon?" pasensya na Kuya. Nahiya naman ako sayo. =____=
"Ganun talaga, life goes on. Sige babye!" pero hinarangan ako nitong si Kuya gamit yung batuta niya.
"Hindi ka pwedeng pumasok."
"B-Bakit ba? Lakas ng trip niyo Kuya haaa?!!"
"Hindi nga pwede!"
"BAKIT NGA???!" nagsisigawan na kami sa gate eh. Ang kulet kasi ni Kuya Guard.
Tinuro niya saken yung ID ko.
"Eh anong problema sa ID ko eh suot ko na---" kinakapa ko yung ID ko. Pero wala akong makapa.
O__________O
"Isusulat ko na pangalan mo sa penalty list, okay???"
"T-Teka Kuya!!" pinigilan ko siya sa pagsulat. "Andito lang yun. Suot ko lang siya, I swear!" hinahalungkat ko yung bag ko pero wala.
"Dun ka magpaliwanag sa barangay! Shuuupi!" sabi saken. T______T Asan ang ID ko.
*__________*
Hindi kaya nahulog siya sa LRT? Uwaaaa. Pano na yun???!
(Stephen's POV)
"Stephen! Nalate ka yata?" bati saken ni Captain. Andito nga pala ako sa Archery Team Practice Area. Malapit na kasi yung laban namen eh, sa Sunday na. Nuod kayo ha.
"Traffic Captain. Bibihis lang ako. Susunod ako." kinuha ko yung bag ko at dumiretcho sa locker room ng boys. Kinuha ko yung t-shirt kong pang practice. Ilalagay ko pa sana sa table yung bag ko ng biglang mahulog yung ID nung babaeng nakasabay ko kanina sa LRT.
*FLASHBACK*
"Ahh nice to meet you din."
Pagkatapos niyang sabihin yun, lumabas na siya sa LRT. Sinusundan ko pa siya gamit yung mata ko ng biglang may humawak ng braso ko.
"H-Huh?"
"Ay iho. Sa iyo ba iyang ID?" si Lola pa. Napatingin ako sa baba ko at may ID nga, pero hindi naman saken, hindi ko sinusuot ang ID ko kasi baka nga mangyari saken ang ganitong sitwasyon.
"Baka doon yan sa girlfriend mo. Ay nako." =____=
"Lola, hindi ko ho siya girlfriend." ang kulet ng lahi ni Lola.
"Ay kahit na. Ibalik mo iyan at hahanapin niya iyon." pinulot ko nalang yung ID.
* END OF FLASHBACK*
ORTIZ, RIMA D.
BS MMA 2
Rima pala ang pangalan niya. Ang cute niya. Natutuwa ako sa buhok niya. Ang bango at ang kintab kintab.. Nung muntik na siyang matumba, sinalo ko agad siya eh. Nahawakan ko tuloy yung buhok niya. Akala ko, sa commercial lang ako makakakita ng ganung klase ng buhok.
Ang laki ng mga mata niya at ang liit lang ng lips niya. Natitigan ko kasi yung mukha niya nung sinabi kong ang bango ng buhok niya eh. Namumula pa yung pisngi niya. Hahahaha. Sobrang natutuwa ako sa kanya. Sana araw-araw ko siyang makasabay sa LRT.
Siguro dadaan ako sa Gilmore College para isauli to. Sana nga lang maabutan ko siya.
"STEPHEN!" tawag ni Captain.
"COMING!" dali dali na akong nagpalit. Pero sinigurado kong nailagay ko ang ID ni Rima sa bag ko. It's my only key para makausap ko siya ulit. She's cute.
(Skyler's POV)
***Kenneth calling***
Ano na naman ang kelangan ng Kenneth na to? Naglalunch pa naman kami ni Miss Amy.
"Bat ka napatawag?"
"Maagang natapos klase ko, tumawag saken si Chief."
"Oh? Tapos?"
"Mauuna na kaming pumunta sa FDD. Ngayon na namin aasikasuhin yung pipiliing case ng team. Kailangan nandun ka."
"Bukas na lang." angal ko, absent nalang ako lagi sa pagba-bodyguard ko eh.
"May cram school si Charlie bukas. Ikaw? Anong lakad mo bukas?" ang lakas talagang magpatama nitong si Kenneth.
"Wala. Sige na. Pupunta na."
"Yun naman pala eh. See you after class."
"Anong gagawin niyo ni Charlie dun? Ang aga pa ah?"
"Nagyaya kasi si Chief na mag-DOTA. Syempre game kami dyan ni Charlie. Sige, kita nalang tayo, tsaka nga pala, kung may time ka, daanan mo si Rima."
"H-HUHHH! Bat ko--"
*Tooot tooooot*
=____________=
AYAW.
(Rima's POV)
Naman. Kakagaling ko lang ng Student Affairs. They advised me to have my Affidavit of Loss para makakuha ng bagong ID. Wala na akong magagawa kung di ko mahanap yun. Ano ba yaaan.
Malas.
Swerte.
Tapos malas ulet. Sana sa swerte naman ulet.
"Rima!"
Huh? May tumawag sa pangalan ko?
O________________O
No way. Swerte? Swerte? Is that really you?
"S-Stephen?"
"Hi." ang cute niyang ngumiti. Siya ba talaga yung nasa harap ko? (Hindi Rima. Joke lang yan, hindi siya yaaaan. -____-)
"Nakita ni Lola yung ID mo, nahulog yata kanina sa LRT."
SWERTE? OH YES. ANGEL SENT FROM HEAVEN. *___* THANK YOUUUUUU.
------------------------
Sa umpisa lang masipag mag-update. XD HAHAHAHA.
Sandwich you like? :)))))))
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top