Case 29: LSS
A/N: Wahaha! 2013 na pero yung iba dyan di pa nagmemessage saken! De joke lang! Nga pala, maiiksing updates lang toh kasi nasa phone ako nagu-UD. Di ko kayo matiis. Medyo sabaw yung utak ko para ituloy yung Still A Girl pero may draft ako. Slow update din siya! XD
Salamat sa suporta niyo! Saya! Daming nag-aadd ng story sa RL nila. XD Ang cute niyo. Nagbabase ang dedication ngayon sa vote. Kung sino una kong makita sa Home. Yun na. XD
Shatap na ako! Hahahaha!
Case 29: LSS
Rima's POV
Chuchubernekels General Hospital. 0523 HR.
Maghahapon na, hindi parin nagigising si Lolo. Nag-aalala na ako para sa kalagayan niya. Ang sabi ng doctor, nagkaroon siya ng mild heart attack. Bukod pa dun ang shock na nangyari kagabi.
Napapikit ako.
Sana..... panaginip lang yun.
Mas gugustuhin ko pa talagang wag malaman ang lahat. Kesa ngayon na the truth haunts me day by day. Masakit sa loob ko na malaman ang lahat pero mas gusto ko paring ipaliwanag ni Lolo ang lahat.
"Miss Rima..."
Lumingon ako kay Liam, "For the nth time Liam. Stop calling me Miss." naiirita na ako. Kanina niya pa ako tinatawag na Miss. Ayokong tinatawag akong ganun.
"Andito sila Chief Francis at mga teammates mo."
Natauhan ako.
At biglang bumilis ang tibok ng puso ko.
Skyler...
"K-Kasama ba nila si--"
"Hindi nila kasama si Abalos." Di na niya ako pinatapos na parang alam talaga niya ang taong gusto kong itanong. "Papapasukin ko na sila Miss."
(=_____ =#)
Miss na naman. Ang kulet ng pwet talaga nitong si Liam eh.
"Rima Beaaaaaaaaaaar!!!" niyakap ako ng mahigpit na mahigpit ni Charlie. "Are you alright? Were you hurt?! Did they hurt you?!" tanong niya. Ang cute.
"I'm fine Cha. Thanks for the concern." nilingon ko sila Kenneth na kasama pala si President Carleen. Si Chief naman, kasama si Miss Courtney.
"Nagdala kaming fruits for your Lolo." sabi ni Charlie na agad namang kinuha ni Liam at lumabas muna ng room.
Umupo naman sa tabi ko si Miss Court. "You were so reckless back there. Kalahating baliw ka talaga kahit kelan!" sabi niya. Napatawa ako sa sinabi niya eh.
"And don't worry about school. Si Mikki na ang bahala sa mga profs mo." Carleen assured me. "Mamaya pa daw pupunta si Mikki, uuwi muna daw siya." dagdag niya.
"Thanks Pres. Nag-abala ka pa talaga."
Paglingon ko kay Chief, nakatingin lang siya sa room kung nasaan si Lolo. Naka-isolate kasi ang room nito. Madami din akong gustong itanong sa kanya eh.
"Si Skyler, kasama niya si Miss Amy ngayon. Kaya hindi siya nakapunta." halatang awkward pa si Kenneth ng sabihin niya iyon saken.
Nandun nga pala siya nung mangyari yung away namin ni Sky.
"Okay lang Kenneth. I understand."
Nagulat ako ng biglang nagtatakbo si Chief sa may isolated room. "Court! Call the nurse!" sigaw nito. Agad naman kami napabalikwas ng tayo. Dali daling lumabas si Miss Court para tumawag ng nurse.
Nakita kong pilit na tumatayo si Lolo at pinipigilan siya ni Chief.
Dali daling pumasok ang nurse at narinig ko nalang yung boses ni Lolo, "I want to talk to Rima! Let me gooooo!" sigaw nito.
Dapat tuturukan si Lolo ng pampakalma pero walang nagawa ang mga nurse. "Miss, ako ng bahala sa kanya. Pwede na kayong lumabas. Pasensya na sa abala." sabi ni Chief habang inaalalayan si Lolo.
Pagkaalis ng nurse ay sinalubong ko agad sila at tumulong para alalayan siya. Uubo ubo pa ito at halatang nanghihina pa.
"Lolo. Ang tigas pa rin talaga ng ulo niyo." I said out of concern. "Ano bang peg niyo at dito biyo pa gustong mag-chill eh dapat nakahiga lang kayo?!"
*Batooooook*
"Aaaaack! Chief! Ano bang ginawa ko?!" bigla nalang akong binatukan?! Adik lang?!?!
"Umayos ka nga ng pananalita mo!" nanggigigil nitong sabi. "Lolo mo yan for Pete's sake. Kelangan kanto at beki words pa din?!"
Nagpout na lang ako at humarap na ulit kay Lolo. Nakangiti ito samin. "Ang laki mo na talaga Rima." hinawakan niya yung kamay ko. Nakakakuryente. Ibang iba talaga pag kadugo mo ang humahawak sayo. Eto na yata yung sinasabi nilang lukso ng dugo eh.
"Lolo. Magpahinga na muna kayo."
"Maayos na ako. At isa pa, hindi ko pwedeng palagpasin ang araw na ito na hindi naipapaliwanag saiyo ang lahat."
"Lolo...."
Natatawa pa siya, "Haaaay nako Rima. Kilalang kilala kita. Nagmana ka lang naman ng kakulitan sa akin. Alam mo kung gaano mo kagustong malaman ang lahat. At hindi na ako magulat na makita ka sa loob ng DV building kagabi. Isa't kalahating Andres Bonifacio ka din eh noh? Ang lakas ng loob mo." he pat me on the head.
"Alam mo Rima, I was already hoping na hindi ka na bumalik. The past few days were all blurry. Tinatawagan ko in a daily basis tong si Francis to know how are you doing."
Napatingin ako kay Chief. "A-ano?!"
"Nung umalis ka sa Dela Vega Mansion, I appointed Francis para i-supervise ka. I was so sure na hindi ka na babalik pa sa Mansion at kahit sa building. Mas okay pa saken na magalit ka kesa malaman mo ang totoong lagay ng pamilya." paliwanag ni Lolo.
"Pero ni hindi niyo inisip yung magiging reaksyon ko. Yung mararamdaman ko pag nalaman kong nasa panganib kayo. Lolo naman! That's not fair! Akala ko ba pamilya tayo--"
"Not with this kind of situation. I can sacrifice the time we'll spent together just to have you safe. Kahit masakit saakin na lumayo ka at hayaang mabuhay ng mag-isa. I'll do everything just to protect you from Harvey."
At this point, hindi maintindihan ng puso ko kung magagalit ako o matutuwa.
Who cares right?
Niyakap ko si Lolo ng mahigpit na mahigpit. Namiss ko siya ng sobra. Masaya ako na makita siya. Masayang masaya.
"Rima..." naputol ang yakapan portion when Chief called our attention.
Tumayo ako, "Ano yun Chief?!"
"Before you leave you need to file a resignation letter. At yung apartment mo din, I can handle the packing and transfer ng mga gamit mo--"
"WHAT?!"
"Rima. Sasama ka na sakin sa Mansion." halos mabingi ako sa sinabi ni Lolo.
"A-ayoko!" napaatras ako sa kanila. "I-Ikaw Chief ha! Lakas ng topak mo! Hindi magandang biro toh! Tumigil ka na!"
Narinig kong umiyak si Charlie at lumabas ng room. Sinundan siya ni Miss Courtney at Carleen.
"Rima. You're in danger. Nakatakas sila Harvey at kakampi na siya nila Ovan. Hindi natin alam ang mga plano nila. It's best to stay with your Lolo." paliwanag ni Chief.
Tears started to fall. "So ganun niyo nalang ako itutulak. Akala niyo ba ganun kadali ang pinapagawa niyo? Tatalikuran ko lang naman ULET ang buhay na nakasanayan ko. Iiwan ko lang din naman ang mga taong mahalaga saken. Sinong may sabing ganun lang yun kadali?!! Haaaa?!" I said that while crying.
Niyakap ako ni Chiefy. "You don't know how hard it is to come up with a decision like this Rima. You have no idea." as he whisper those words, I wanted to cry more. Nayakap ko siya at humagulgol sa dibdib niya.
"Chiefy, I don't wanna leave. Ayokong maging Dela Vega ulet. Please do something!!!!" para akong batang nagmamaktol.
Bumitaw siya sa pagkakayakap at hinawakan ang cheeks ko. "I'm doing this for you Rima. Mas makakabuti sayo na sumama sa Lolo mo."
Pinunasan niya yung luha ko. Tumayo naman na si Lolo at dumiretcho na sa isolated room. Di ko alam kung anong dapat kong maramdaman. Masyadong mabilis, masakit at kavijgla-bigla ang mga pangyayari sa buhay ko.
***
1251 HR
Ako nalang at si Liam ang nasa ospital para magbantay kay Lolo. Nakaidlip si Liam sa kabilang sofa. Habang ako naman na may hang over pa sa mga nangyari ay lumabas na muna sa kwarto para bumili ng kape.
"Haaaaaaaaaay." buntong-hininga ko paglabas ng kwarto. Nakasandal pa ako sa pinto ng may mapansin ako sa paligid ng ospital.
Garlands?!
Santa--
Luuuuuh! Magpapasko na nga pala! O_____O
Naglibot libot ang paningin ko sa loob ng ospital. Shocks. Sa sobrang busy at stress, eto at nakalimutan ko ang birthday mo Papa Jesus. Napahawak ako sa noo ko. At shunga shunga mo teeeeh! =_=
Sa may main door ng ospital, may christmas lights pa. Ewan ko ba kung bakit biglang napatitig ako sa lights. Nakakaaliw silang tignan. Blink, blink, blink. Haha. Para akong timang dito. Tatawa-tawang mag-isa. Pata tuloy akong mongoloid na--
"Pagod na akong mag-alala at umintindi."
"Pagod na akong mag-alala at umintindi."
"Pagod na akong mag-alala at umintindi."
*singhot singhot*
Tatawa-tawa pagtapos, iiyak-iyak. Hahahaha! Mongoloid ka na din talaga Rima. Nahawa ka na sa housemate mong may menopause. Hahahahaha.
Ay wait. Di mo na nga pala siya housemate kasi aalis ka na sa apartment na yun.
Mula sa malabong paningin ng pagkakatitig ko sa christmas lights at sa mga luha na tumulo na pababa ng pisngi ko, mag naaninag akong pumasok sa pinto ng ospital.
Nandito parin pala ako sa tapat ng main door at parang loka lokang naiyak.
Hahahahaha.
Ang pogi naman ng lalaking toh. Wow. Nakaleather jacket pa talaga ah. At ang yabang pa ng tayo habang kinakausap yung front desk na nasa tabi lang ng main door.
Kilig na kilig yung mga nurse sa front desk. Hahahahahaha. Lalandi ah. XD
Hala. Tumingin saken si Kuyang naka leather jack--
LEATHER JACKET???!
O_____________O
"Hoy. Titimang-timang ka na naman dyan ha?!" sabi niya nung makalapit na siya saken. Anak ng leather jacket yan oh. Anyare sa mata ko't di ko napansin na si Skyler pala yun? *pukpok ulo 10x*
"Uhhhhh.."
"Anong tinitingin-tingin mo dyan ah?" wow. Famous line niya yan ah. Ang sungit na mayabang na toh. =______=
"W-wala!" sabi ko sabay irap.
"Kumusta Lolo mo?" casual niyang tanong.
"Maayos na. Discharged na siya bukas." sabi ko.
"Mabuti naman. Sinabi na saken ni Chief yung nangyari dito kanina. I'm really hoping na maging maayos na ang problema niyo so you and your grandfather can find peace and safety. Yung tungkol sa apartment--"
"Shut up!"
Napahinto ang nurse sa ginagawa nila. I think I said that out loud, but right now, I'm so beat up and hurt and very upset that I have no time to give a crap.
"Rima--"
"I said shut up! Shut up okay!" Omg. I can't control my tears. Too much tears, so little eyes. "Salamat sa concern at tulong pero you don't need to do this. Ako na mismo ang aalis sa buhay mo dahil alam kong pagod na pagod ka na! Okay?! Masaya ka na?!" Nakakahiya na ang pagwawala ko sa main lobby ng ospital.
Sky tried to calm me down pero I pushed him away and ran outside through the ER entrance.
"Rima!" pero no use, naabutan niya ako. "Ano ba, stop crying. You look stupid." sabi niya.
Sa totoo lang kung may mamimiss man ako sa kanya, siguro yung panglalait niya saken ang pinakamamimiss ko. ;(
"Nakakainis ka! I hate you!"
He tried grabbing my arms na sumusuntok sa kanya. Para kaming tanga na nagsusuntukan sa daan. Buti nalang at walang tao.
"Will you-- hey!-- calm down-- ouch!!!"
"Nooooo! Ayoko sayo! I hate you! I hate you Skyler!" nanggigigil ako sa kanya! Kaibigan ko daw siya pero parang excited siyang umalis ako. Well after all, sakit lang ako sa ulo diba?! Haaaaa. Nakakainis siya!! GRRR!
T
"Don't make me hurt you Rima! I'm warning you--"
YES! Sapul to death! Nasuntok ko na din siya. Omg. That feels so good--
Hinawakan niya yung braso at tinuwist niya. Before I knew it, di ko na magalaw ang both arms ko and he's at the back. "Let me go! Arrrrgh!" I said with gritted teeth.
"Rima, sa totoo lang, galit parin ako sayo after being so reckless last night. Pero di kob matiis na basta ka nalang umalis ng di man lang kita napapaalalahanan. I kbow how tough or strong you can be. But please, do us all a favor and try to do the things that'll make you stay safe. We can't afford to lose you. Diba sabi mo saken, love is also sacrifice. I know, letting you go will hurt everyone, pero ginagawa namin toh kasi mahal ka namin."
I'm such a crybaby all of a sudden. Iyak ako ng iyak. Syet.
T___________T
Lalo akong naiyak ng bitawan ni Skyler mula sa pagkakatwist yung arms ko sabay niyakap niya ako. Ajujuju. Mamimiss ko ang lalaking toh.
Malamig ang simoy ng hangin mula sa labas ng emergency room. Maingay sa loob pero wala akong marinig kundi tibok ng puso ni Skyler. Nasasanay na ako na marinig yun na para bang na-lss na siya sa tenga ko.
Nakakarelax. At ang sarap matulog.
*****
Vote Comment Message! Boomboomchernerbels! XD
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top