Case 26: Colossal Madness
Case 26: Colossal Madness
Rima’s POV
Port Side. 1023 HR
Inaabangan namin si Attorney Mr. Nice Pants Galvin para mahuli at madala sa FDD for interrogation. Nakumpirma na namin ni Skyler ang involvement niya sa isa sa mga notorious na drug dealer ng bansa, si OVAN.
“Skyler?” tawag ko sa kanya habang nasa loob kami ng kotse.
“Yeah?”
“W-wala.” Ah sheesh. Why am I startling?!
“Are you nervous?”
<____< ? *looks away*
“Oh come on. Ikaw? Kinakabahan?! Is that a joke?” natatawa niyang sabi.
“B-baket? What’s so funny about it?!”
“Nothing. I find it weird. Hindi ka naman ganyan dati eh. Most of the time, you’re excited.”
“O-Of course I’m excited! What makes you think I’m not?!” >_<
“Kulang nalang maihi ka dyan sa upuan mo eh.”
I rolled my eyes at nagcross arms nalang. Lalo nga akong kinakabahan pag kausap siya, nakikita ko kasing mas malayo kami sa isa’t isa. Napaka-professional niya.
“Are you sure na we’ll split up?” tanong niya.
“Yeah. Ganun parin ang plano. I’ll follow him and you grab him. Mas capable ka naman na hilahin siya kesa saken right?”
“Whatever.” Tinanggal niya ang seatbelt niya at may kinuha sa likod ng sasakyan. “You want some?” pinakita niya saken ang bag ng chips.
=___________=
“Ayaw.” Tanggi ko. Feeling ko kasi masusuka ako sa sobrang kaba.
“Wow. Tinanggihan mo ha.” Bubuksan na sana niya ng mag-ring ang phone niya na nakapatong sa dashboard.
Malaki yung screen since IPhone yun. Kita ko agad kung sino ang tumatawag.
*Miss Amy calling~
Binaba niya ang chips at sinagot ang tawag. “Miss? Bat ka napatawag?”
Syempre hindi ko maririnig yung usapan nila. Pero nakikiramdam ako. “Nasa surveillance ako eh. Naka-assigned ako ngayon. No I’m not with them. Hiwalay yung cases namin ngayon.”
Omo. O___O
“Yes. Matulog ka ng maaga, susunduin kita okay?”
Pagkatapos nun, binaba na niya yung phone. Humarap siya saken, “Charlie called Miss. Nalaman nila na wala ako sa duty.”
Sabi ko na nga ba eh. >_<
“Anong gagawin natin?” natataranta na ako.
“Eh diba, ngayon din naman natin sasabihin yung tungkol kay Attorney? Antayin lang natin toh then tsaka na tayo magpaliwanag sa kanila.” Sabi niya.
Sa totoo lang, I’m having a bad feeling about this.
I guess, tonight’s not just any other night. Ewan ko ba.
***
Nakapwesto na ako sa may North East Wing ng Port Side, ang daming babae dito. Babaero talaga ang abogadong yun. Naku! Buti nalang at hindi niya nabiktima si Miss Court!
Dug Dug Dug Dug.
-________-
Napahawak ako sa dibdib ko. Bat ba ang lakas ng tibok nito? Kinakabahan ba ako? Kinakabahan ba saan? I’m not like this before? What’s wrong with me? Err.
“BANGS.”
“Ay taeng pusang siopao!!”
“Hoy. Pwede ba, umayos ka nga. Be alert!” nakakagulat naman tong si Skyler, bigla nalang nagsasalita sa transmitter. “Umayos ka dyan, masasapak kita Rima.” Ramdam ko ang panggigigil niya sa kabilang linya.
“Opo.” I rolled my eyes heavenwards. Masyadong bossy. =_= Tch.
“Hello, this is Attorney Galvin Contreras.”
O________O
(O/\O)” *zip*
Grabe, bat dito pa puwesto tong si Attorney? Ang dami pang seats ah?! Jeez. Dapat makahanap ako ng pantakip sa mukha ko—AHA! Ayun!
Dali dali kong kinuha yung menu habang nagsa-sign of the cross at na sana hindi ako makita.
(/___\)”**~!@#$
“Yes, may I speak with Mr. Harvey Dela Vega please.”
(O. O)?
(O_O)
“Harvey! Pinapasabi pala ni Big O na pupunta siya dyan sa inyo ngayon. Pwede ka ba?”
“Okay, okay. Sige. Bye.”
Parang nawala ako sa ulirat. Pinatong ko ang menu na hawak ko at dumiretcho sa kanya. Halos lumuwa yung mata niya nun makita niya ako.
“R-Rima?” sabi niya.
*HOY BANGS! WHAT THE HELL ARE YOU DOING?!! THAT’S NOT THE PLAN!* naririnig ko si Skyler sa transmitter ko pero tinanggal ko yun at humarap kay Attorney Galvin.
“What’s the connection of Ovan and Harvey Dela Vega?” I asked him straight.
“Ehh—W-what?” natataranta niyang tanong saken.
I gave him my deadliest glare. Ang ayoko sa lahat ay yung nagmamaang-maangan pa sa mga bagay na gusto kong malaman.
“I’ll repeat my question, and tell me what’s the connection of Ovan and Harvey Dela Vega!” I yelled at him, I don’t care if other people are looking at us.
“Partners.” Yun lang ang narinig kong lumabas sa bibig niya.
“W-what?” I didn’t get what he’s saying.
“P-Partners sila ni Ovan.” Sagot niya.
Naramdaman ko ang kamay ni Skyler sa balikat ko. Tinabi niya ako sabay hinawakan niya si Attorney.
“You’re under arrest Attorney.” He had hand cuffs ready.
Without any reason, or should I say, with ALL the reasons slap in my face, tears rolled down my eyes. Kuyom ang palad, at puno ng maraming tanong, iniwan ko si Skyler sa Port Side.
“RIMA!!” naririnig ko pang tawag niya saken.
Pero hindi ko siya nilingon.
SKYLER’S POV
FDD. 1115 HR
Nasa parking lot kami ng FDD, at inaayos ko lang ang pagkaka-posas ni Attorney Galvin sa kamay ko. Hanggang ngayon, hindi ko alam kung saan nagpunta si Rima. Iniwanan niya ako dun, kaya nagmadali akong ihatid ang balingbing na toh dito para sundan si Bangs.
Pagpasok ko sa office ni Chief, lahat sila gulat na gulat sa itsura namin nung abogadong hilaw. Nakaposas siya saken at ako naman, nakaleather jacket at pogi parin.
“Skyler? Bat nakaposas sa kamay mo si—“ naputol ang sinabi ni Charlie.
“Explain everything this instance.” Sabi ni Chief saken. “At nasan si Rima?” pahabol niyang tanong.
Inupo ko muna si Attorney sabay nilagyan ng hand cuffs.
“Chief, siya ang SPY sa loob ng FDD.” Panimula ko.
I heard gasps; Miss Court looked at Attorney with pure disgust and hatred.
“How dare you! How dare you used me—“ susugurin pa sana ni Miss Court pero napigilan siya ni Chief.
Humarap si Chief saken. “Asan si Rima? I’m sure magkasama kayo hindi ba?”
“Yeah. But she left.” Sagot ko.
“What do you mean, she left?” pagtataka ni Ken. “San siya pumunta?”
“Ewan, before we caught him, she just went to Attorney straight up and asked a few questions. I don’t know what he said, pero bigla nalang niya akong iniwan after I put the hand cuffs on him”
Pagkatapos nun, humarap si Chief kay Attorney. “What did you said?” mariin nitong tanong.
He looked away, “Tch. Ewan, narinig niya akong kausap si Harvey Dela Vega sa phone tapos tinanong niya ako kung anong involvement nilang dalawa ni Ovan.” Paliwanag niya.
“Ano?”
Ewan pero parang nagulat ako sa reaksyon ni Chief, what’s with all of this?
“I said, HARVEY DELA VEGA AND OVAN ARE PARTNERS! Bingi ka ba ha Perez?!” bulyaw nito.
Hindi maipinta ang mukha ni Chief. Napalingon ito kay Miss Court, ganun din siya, teka? What’s with all their reactions? Nang lumingon ako kina Kenneth at Charlie, naguguluhan din sila.
Kinuwelyuhan ni Chief si Attorney. “G@GO KA TALAGA CONTRERAS!” sabi nito.
Natatawa nalang si Attorney, mukhang nababaliw na ata. “Hindi ka ba matutuwa saken Perez?” sarcastic at medyo timang nitong sagot.
“HINDI! MAMAYA NA KITA GAGANTIHAN!” binalagbag niya si Attorney at dumiretcho sa telepono.
“Francis.” Tawag ni Miss Court na animo’y alalang alala.
“Call Liam. NOW.” Yun lang ang naisagot nito sabay alis ng office.
Sumusunod lang kaming tatlo sa mga galaw ni Miss Court. Lahat kami, nagtataka. Ano nga bang meron dito? Hindi ba natin ii-interrogate tong si Attorney?
“Miss Court?” tawag ni Charlie.
Pero walang sagot. “LIAM!” pasigaw na sagot nito hawak ang landline. “LIAM, may emergency! Si Rima.” Halos mamaos ang boses ni Miss. “Please Liam, pinapatawag ka ni Francis.”
Binaba niya ang telepono at humarap samin.
“Guys.” Tawag nito. Agad kaming lumapit sa kanya.
“Ano po bang nangyayari Miss Court?” tanong ni Charlie.
“Yeah. What’s with all the ruckus?” si Ken naman ang dumagdag.
“Bat niyo tinawagan yung mukhang hipon na yun? Tsaka anong emergency? Asan ba si Rima?” yun ang sunod-sunod kong natanong, kanina ko pa pinipigilan ang sarili ko.
“Sky, calm down.” Awat saken ni Ken.
“No. I will not calm down—“
“Miss Courtney.” Bumukas ang pinto sabay pumasok ang hinihingal na hipon. “I came here as fast as I can.” Sabi nito. What a show off. =_=
Bumukas ulit ang pinto, “Liam, good you’re here. I’ve called re-enforcement. Mauna ka na dun, back Rima up.” Si Chief ang nagsasalita.
I can’t take much more of this.
“Teka nga lang! What’s wrong with you all? Why should that shrimp back Rima up when technically that’s our job for being her teammates?! And what’s happening here?! Bakit siya nandito? He’s just an ordinary—“
“Skyler!” awat saken ni Chief.
I glared at him. He glared at me too.
*spark spark*
“Francis.” Naputol ang titigan namin ng magsalita si Miss. “I’ll explain everything to them. Mauna na kayo, please lang. This is not a good time to start fighting.”
I heard him sighed. “Sorry Sky, magpapaliwanag ako pagkatapos nito.” Sabi niya. “Tara na Liam.” Tawag nito.
Umalis na silang dalawa at naiwan kami nila Kenneth at Charlie dito.
“Miss Courtney…” sabi ni Charlie na parang nagtataka.
“Babies. Please calm down okay.” Dumiretcho siya kay Attorney Galvin at hinigpitan ang posas nito. “Ako na ang mag-sosorry para kay Francis. Masyado lang siyang nag-aalala kay Rima.”
“Kay Rima? Hindi ba natin aayusin muna ang tungkol kay Attorney?” tanong ni Kenneth habang nakatingin sa nakaposas na abogado.
“Is Rima in danger Miss?” tanong ni Charlie.
“Not really in danger, pero kasi… ahh—how should I put this out. Kasi si Rima…” parang hindi masabi ni Miss ang dapat niyang sabihin.
“Sino si Liam?” pinutol ko ang pagsasalita niya. Isa pa sa inaalala ko kanina pa ay ang pagpasok ni Liam dito mismo sa FDD. Alam niyang SPY kami? Si Rima?!
“Si Liam, kasama siya sa specialized enforcement ng FDD.” Paliwanag nito.
“Huh? Eh diba Skyler, kasama ka din dun? Dahil bodyguard ka? Hindi ba Miss, puro mga bodyguards—“
O________O
“BODYGUARD SIYA NI RIMA?” sabay sabay naming tanong.
“Yes.” Matipid na sagot ni Miss Court.
Unti-unti, nagegets ko na ang totoong nangyayari dito. Don’t tell me—
“Rima is a Dela Vega. Siya ang nag-iisang apo ni President Richard Dela Vega.” Dagdag nito.
A moment of silence.
Ang tahimik ng buong office. Nabasag lang ito ng marinig namin ang lunatic laugh ni Attorney Galvin. Mukhang nasiraan na ng bait ang isang toh.
“HAHAHAHAHAHAHAHA!”
Parang yandare, his laugh reminds me so much of Joker’s laugh. The villain in Batman.
(A/N: Yung meaning ng Yandare paki-search sa Google. Chos! Basta it’s like yung mga crazy lunatics na pumapatay sa anime.)
“Hey! Stop laughing!” saway ni Kenneth.
“I can’t believe this! Matutuwa si Harvey pag nalaman niya toh! NYAHAHAHAHAHA!” parang wala siyang kasama habang sinasabi niya yun.
Nagkatinginan kami nila Ken.
“Miss Court, pwede na ba kaming tumulong?” tanong ni Ken.
“We’ll do everything to help Rima.” Charlie added.
Tumango lang si Miss Courtney. “Just be careful boys. Ovan’s not just playtime okay?” paalala nito.
The three of us head straight to the Dela Vega building, what lies ahead, we don’t know. Kahit pa nalaman ko ang totoo, hindi mo maiaalis ang mga tanong.
Si Ovan, Harvey Dela Vega, si Rima Ortiz, si Liam Henson.
Sino nga ba sila? I thought I know them quite well.
__________________________________________________
VOTE COMMENT FAN MESSAGE! BOOMBOOMEKLABOO! XD
SHOCKS TO THE BONES SKYLER SA GILID. ^__^
-CC™ & Piyo™
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top