Case 22: Sino nga ba si Liam Henson?
Case 22: Sino nga ba si Liam Henson?
Skyler’s POV
Monster Muncher Resto. 0734 HR
Nanlibre si Chief ngayon kasi kakalabas niya lang ng ospital. At syempre, dahil alam na niyang gusto siya ng taong mahal niya. Sabi ko na nga ba at magiging maayos din ang lahat. Buti nalang at natulungan namin siya kundi forever torpe na siguro yun.
“Sige! Kumain lang kayo ng kumain dyan! Mouhahahaha!” sabi niya, ang saya ng mokong.
“Aba! Pansin ko lang ha, unti-unti na tayong nagkaka-lovelife. Una ako, tapos ikaw, sino naman kaya ang susunod sainyong tatlo noh?” sabay tingin samin ni Kenneth. Loko toh ha, palibhasa naman kasi, may girlfriend na, ang yabang! =_=
“Ano ba!” angal netong si Charlie, sabay cling kay Rima. “Kami ni Rima Bear okay? Kaya si Skyler nalang ang walang lovelife. Well, I’m not surprised since wala naman maiinlove dyan!”
(-____- #)
Aba! Makapang-asar akala mo naman siya papatulan ng kung sinong babae.
“Hoy! Stop comparing me to you. I can get a love life kung gugustuhin ko. I’m not like you na puro daydream at gay shits.” Sabi ko.
“Hey Sky! Stop that!” saway saken ni Rima.
“Ikaw din! Hindi ka magkaka-lovelife! Magugutom boyfriend mo sayo!” sabi ko kay Rima.
“Eh kesa naman sayo! Parang menopause na bakla kung mag-inarte. I’d never want you as a boyfriend!” sagot niya saken.
“Well the feeling is mutual Rima!” sabi ko na medyo naiinis na.
“Frustrated mongoloid!” -Rima
“Outrageous semi-gay bitch!” –Ako
“Hey! Hey! Hey! Stop fighting! Parehas kayong mataas ang pride at masyadong mapanlait sa kapwa. Wala talagang magkakagusto sa inyo!” awat samin ni Chief.
“TORPE KA NAMAN!” sabay pa naming sagot ni Rima.
“HEY! THAT’S OFFENSIVE!” susugod na sana samin si Chief ng biglang dumating na yung waiter.
“Sir, eto na po yung inorder niyo.” At halos hindi na sila magpansinan kasi busy na sila kakakain. Lalo na tong si Rima. Wala talagang poise kumain.
\(>____ < \)
“STOP STARING AT MEEEEE!” sabi niya, hindi ko namalayan na nakatitig na pala ako sa kanya.
“Sorry. Ngayon lang kasi ako nakakita ng glutton na tulad mo.” =____=
“Inggit ka lang!” sabay kagat niya ng burger.
***
Pagkatapos nilang kumain, ayun, asaran lang ng asaran.
“Chief, anong tawag mo sa paniking mababa ang lipad?” tanong ni Charlie. At bumanat na naman po si Charlie ng lame jokes niya.
“Ano?”
“Edi, LOWBAT. HAHAHAHAHAHA!”
=_________________________=
“Hoy Ken, may alam ka bang mga banat dyan? Gagamitin ko lang kay Courtney, baka kasi pag ginamit ko mga jokes ni Charlie baka magbago isip nun eh.” Sabi ni Chief.
“HANGSAMA NAMAN NI CHIEFYYYY!” sabay pout.
“Oh sige ganito lang Chief, pasok ka sa office niya sabay magpapogi ka, yung mga tipong mapupungay na mata, tapos tanong mo siya, ‘Court, alam mo kung anong oras na?’” paliwanag ni Ken with matching actions pa.
“Oh tapos, sasabihin niya halimbawa, 4:30.” Sagot ni Chief.
“Ngingiti ka muna Chief, sabay sabihin mong, ‘Hindi Babe, oras na, para mahalin mo ko.’ Sabay kindat pre! Laglag panty nun!” at nag-apir pa sila.
(A/N: Awww. Bigla kong namiss yung Diary ng Panget! :( Hahahaha. EyaxChad moments, pero Eyoss ako! Pero fan ako ng story ng sobra. HAHAHA. Epal lang.)
“Aba! Pwede yan ah! Ano pa?”
“Oh sige ganito, ‘Kung ang isang araw ay binubuo ng 86,400 na segundo… Anong pakialam ko? Kung ikaw lang naman ang kailangan ko para mabuo ito.’”
“Yoooooown! Ayos ka pre ha. Sige, sasabihin ko yan.” Ang corny ng dalawang toh, palibhasa parehong may mga syota na. =____=
*ring*
*ring*
*ring*
“Eh? Kaninong Cellphone yun?” tanong ni Charlie saken.
“Ringtone ni Rima yun.” Alam ko kasi ganun ringtone niya eh. Kaya hinanap agad ni Charlie yung phone ni Rima, nag-CR nga pala yung matakaw na yun. Naparami yata ang kain.
“Eto na!” sabay taas ni Charlie ng cellphone ni Rima.
“Sinong natawag Cha?” tanong nila Ken.
“Hmmm. Liam yung nakalagay sa phone eh, diba eto din yung tumatawag kay Rima dati? Sino ba toh?” pagtataka ni Charlie, na kahit ako, gustong itanong sa kanya kung sino.
“Let that call be. Sabihin niyo nalang kay Rima na tumatawag yan pagbalik niya.” Sabi ni Chief.
Pinatong na ni Charlie yung phone sa table. Tumigil na yung tawag, pero nakatingin parin si Charlie sa phone.
“Hoy Charlie? Okay ka lang?” tanong ni Ken, napansin din pala nila.
“Ah oo. Iniisip ko lang kung yang Liam na yan na tumatawag kay Rima at yung Liam na bagong lipat sa Gilmore ay iisa.” Sabi ni Charlie.
“Eh? Oo nga noh?!” O__O nanlaki mata ni Kenneth.
“Ha? Sinong Liam?” tanong ko, di ko gets eh.
“Remember nung first day ng sem? Sabi ko riot sa Gilmore right? Kasi nga may nagtransfer na taga Luther University na sobrang sikat na vocalist ng banda. Alam ko Liam Henson pangalan nun eh, baka nga siya yun.” Paliwanag ni Ken.
“Omo! May gusto yun kay Rima, or worst!!! SILA NA! OMOOOOO. Una si Stephen, ngayon naman yang Liam na yan. Ajujujuju.” TT_____TT
“Well, I’m not surprised.” Sabi bigla ni Chief habang nainom pa ng softdrinks.
“Haha. Chief’s right. Rima is quite cute and very lovable.” Dagdag ni Ken.
“No wonder I fell in love with herrr!” exclaimed ni Charlie.
Lahat sila nakatingin sakin, as if like waiting for me to say good things about her. Like wtf? =_=
“What?” tanong ko sa kanila.
“Ikaw? Di mo ba gusto si Rima?” tanong ni Ken.
“Hindi ko gusto yun.” I answered.
“Eh bat ganun na lang ang galit mo saken nung tinawag ko siya para iback up kami nung nakidnap si Chief nila Ovan? HAAA?” tanong niya ulit, this time, with full pang-aasar conviction.
“Stop messing with me. Tatamaan ka sakin!” I warned him.
“Omo! Pati ba ikaw Skyler? Nabiktima ng cuteness ni Rima Bear ko? Pleaseeee~ ibalato mo na siya saken!! Please!!”
“Sayong sayo na siya Charlie. Isaksak mo sa baga mo.” Naiinis na ako.
Sabay sabay silang tumawa. Grabeng mang-asar tong mga toh saken. Mga bwiset. =___=
Pagdating ni Rima galing banyo, ipinahid ba naman sa mukha ko yung kamay niya, wala talagang manners. =_____= Yuck.
“KADIRI KA!”
She tried mimicking me with hand gestures at may faces pa. “KEDERI KEEE! Tse! Ang arte mo, malinis kaya kamay ko, amuyin mo pa!” sabay lapit niya ng mga kamay niya sa mukha ko.
“Shit! Stop it you moron!” hinahampas ko na yung braso niya para tumigil, habang yung tatlo, tawa ng tawa dun. “Ano ba Rima!?!”
“I won’t stop till’ you take back what you said about me being nakakadiri!”
“Childish!”
“Hmp. Omo?” napatingin siya sa table. “Bat nakalabas phone ko?”
Napatayo naman si Charlie, “Ahh—Rima Bear, may tumatawag dyan sa phone kanina. Liam ulit yung nakaregister.” Sabi niya.
“Eh?” O__O
“You better call him back.” Chief suggested.
Yung reaction ni Rima, parang ayaw niyang tumawag, as if like iniiwasan niya yung Liam na yun. At yung Liam na yun naman, I think masyado siyang persistent. Tawag ng tawag. Hmmm.
“Sige. Tatawagan ko siya mamaya nalang.” Tinago niya yung Cellphone at kumain ulit. Sabi ko na nga ba eh, ayaw niyang mag return call. There’s something going between the two of them.
After a few minutes, we decided to head home.
“Sabay ka ba?” tanong ko kay Bangs.
“Sure! Libre eh!” sabi niya pa.
“Oh pano? Una na kami—“ napatigil si Ken ng pagsasalita. Anong problema nun? Kaya lumingon na din ako sa tinitignan niya.
Papalapit samin si Mikki, at may kasama siyang lalaki.
“H-hey! Guys!” bati niya samin na medyo awkward.
“Mikki!” energetic na bati ni Charlie, the rest of us are quiet.
“Ahehehe. Hi Rima my loves so sweet, andito ka pala.” Parang ang awkward talaga ni Mikki. Ano bang problema nila? Nang tumingin ako kay Rima, ayun at ang sama ng tingin sa bestfriend niya.
Bago pa kami makapagreact, lumapit yung lalaki samin at humarap kay Rima.
“We need to talk.” Sabi niya with a serious face.
“We can do this some—“
Hinawakan nung lalaki si Rima sa braso at hihilahin niya pero hinawakan ko din yung kabila niyang braso.
“Teka nga.” Sabi ko at sinamaan ko ng tingin yung lalake.
“S-Skyler, it’s okay.” Awat ni Rima at pilit na inaalis yung pagkakahawak ko sa braso niya.
“May pagkabastos yang lalaki na yan, bigla ka nalang kukunin eh may mga kasama ka. To the point na hindi pa siya nagpapakilala samin. Wala bang manners yan?” sabi ko.
“Sky’s right. Sino ka ba?” Ken agreed.
“Yeah! Stop pulling Rima Bear like that! That’s no way to treat a cute lady!” Charlie appealed.
Natawa nalang yung lalaki, kaya mas lalo ako nagpigil ng inis ko eh.
“G-guys, he’s Liam. Uhm, friend namin siya. May lakad lang talaga kami ngayon?” si Mikki na ang nagpaliwanag, at talagang hindi bumitaw yung lalaki.
“So he’s Liam?” tanong ni Ken.
“Oo, baket?” maangas na sagot nung lalaki.
Humarap sakin si Rima, “Guys. Okay lang, may pag-uusapan din naman kami ni Liam. Ganito lang talaga siya! Ahehehehe.” Sabi niya samin.
“Rima, let’s go.” Nakita kong humigpit ang hawak niya kay Rima. Dahan-dahan ko namang binitawan yung braso niya.
“Fine then.” Sabi ko.
Naglakad na silang tatlo palayo. Nagulat ako ng biglang umakbay saken si Chief. “We better get going. It’s getting dark out. Baka gabihin kayo.” Sabi niya.
“P-pero, pano si Rima Bear, Chiefy~” apela ni Charlie.
“Yeah, are you sure she’s fine with that ass?” tanong din ni Ken.
“Well, alam niyo guys, kahit sabihin pang ako na ang pangalawang tatay ni Rima dito, I should leave her business alone with her. I’m sure she knows what she’s doing. She’s old enough to do things her own way.” Sabi niya samin.
“Pero si Rima Bear, tsaka yung Liam na yun—“
“I guess Chiefy’s right Cha, we better leave Rima alone. Hindi na natin sakop ang personal niyang buhay.” Ken agreed and pulled Charlie inside his car. Dali-dali na din silang umalis bago pa mag-tantrums si Charlie.
“Oh pano, ingat ka pauwi Sky.” Sabi saken ni Chief. “And don’t worry, you’ll get your chance.” Well, obviously, I didn’t get the last part but I guess I have to stop worrying about other peoples’ problems.
“Makauwi na nga lang.”
*SIGH*
RIMA’S POV
Mikki’s Crib. 0855 HR
Ano ba namang klaseng problema tong pinasok ko. Iniiwasan ko nga tapos nahanap pa ako. Eto kasing si Mikki eh!
“Napaka-balingbing mo talaga! Traydor!” bulong ko sa kanya.
“Excuse me!! May location chu chu ever yang phone mo kaya na track ka niya! Stop making sisi everything to me as if I push you to that guy! I am not a traydor okay?!” paliwanag niya.
“Eh anong pag-uusapan namin?”
“Like I know diba? Eh di dapat nag-text brigade nalang tayo. Kesa naman sa sumama dyan kay Liam.” Ang conyo ng babaeng toh.
“Sheesh. Ang laking abala talaga ng Liam na yan sa buhay ko.”
“Say what?”
O________O
“Ah—wala. Sabi ko, bat kasama pa tong bruhang toh?” sabay batok kay Mikki. “Abala kasi siya kung mag-uusap tayo. Ahehehehe.” Palusot ko.
“Masakit siya, like ouch okay?” bulong saken ni Mikki.
“Para sa inyong dalawa ang sasabihin ko. Hindi lang para sayo.” Sabay harap niya saken. “Pero mostly ay para sayo.” Tignan mo tong isang toh, ang labo.
“Eh di kung ganon, sige. Papayag na akong maging friends tayo. Basta leave Rima out of this! Hindi siya babalik—“
“Hindi nga sabi siya pinababalik!” pag-uulit ni Liam samin.
“Then what’s your business? Bat ka nasa Gilmore?” tanong ko.
Nagulat ako ng hawakan niya yung kamay ko, “Gusto ko nasa tabi mo lang ako. Tulad ng dati Rima.” UWA? @__@
“T-Teka!!” >//////<
“Wag mo naman akong ipagtabuyan palayo sayo please Rima?” Anyare kay Liam??! ?__?
“Ay oo nga pala, matagal ng may crush sayo yan teh!” sabi ni Mikki.
“EH?!” O_____O
“Please? Let me stay by your side?!” sabi ni Liam na parang nagpa-puppy eyes pa.
*______*
**~ (=___ =” )
“Okay fine. Basta ha, walang malalaman sila Skyler.” I assured him.
“Ayoko sa lalaking yun. Masyadong mayabang.” Biglang busangot yung itchura niya. Hahaha. Nakahanap kasi ng katapat niya. XD
“Well, in all fairness girl, parang nagkaroon ka kanina ng Rejoice Shampoo moment, HABA NG HAIR MO TEH! IKAW NA!” dagdag pa ni Mikki.
“Tumahimik ka nga dyan Mikki, akala mo ba natuwa ako sa ginawa ng Skyler na yun? Sino siya para pigilan ako sa pagkuha kay Rima? Nauna ako sa kanya! Akala niya.”
“Pwede ba! Kaibigan ko din sila okay? No one messes with my friends! Understood?!” pagbabanta ko.
“Psshh. Okay fine.” He rolled his eyes.
“Yun lang ba? Pwede na baa kong umalis?” tanong ko.
“Ayy—ihahatid kita! IHAHATID KITA! <3” energetic na sabi ni Liam.
(=_______= “)
SKYLER’S POV
Manang Ason’s Apartment. 1034 HR
Tick
Tock
Tick
Tock
Tick
Tock
*tingin sa relo*
10:35 PM
Asar, asan na ba ang naglalakad na bangs na yon? GABI NA DIBA?! San ba kasi sila mag-uusap ng mukhang hipon na yon?! Ako ang lagot kay Manang Ason pag nalaman niya na wala pa sa bahay si Rima. Wala ng ginawang tama ang babaeng yun! >_____<
Tumayo ako at kumuha ng iced coffee sa ref, tapos binuksan ko yung TV. Aba, bumalik na pala sa top spot ang Dela Vega Group. Mabuti nga yun, at least bumaba na ulit sa rankings ang LIM Corp.
“Halos dumoble ang shares ng kumpanya dahilan para mabili nito ang iba pang maliliit na kumpanya.” Sabi ng reporter sa TV. “Samantalang may balak ng umuwi ang Presidente ng kumpanya sa susunod na araw.” Dagdag pa niya.
Habang humihigop ako sa coffee-in-can ko, biglang nakarinig ako ng kotse sa labas. Pagsilip ko sa bintana, lumabas yung ungas na mukhang hipon tapos pinagbuksan niya ng pinto si Rima.
Grr.
Mukhang nag-enjoy si Rima ah. At may pag holding hands pa yung dalawa. Madali lang naman, tsaka siya pumasok ng apartment. Dali dali naman akong lumabas ng kwarto ko para abangan siya.
“Sky? Bat gising ka pa?” tanong niya.
“Nagtext ka kay Manang?”
“Oo. Sabi ko kasama ko si Mikki. Wait? Galit ka ba sa lata?” tanong niya saken sabay turo ng coffee-in-can na hawak ko.
O____O
Nayupi ko ba toh? @_@
“Ah, hindi. Naglilinis lang ako.” Sabi ko.
“Wow, ang sipag ha.” Naglakad na siya papunta sa pintuan ng kwarto niya.
“Sige, pasok na ako.” Wow Skyler, ano bang utak meron ka? Bat ka nagpapaalam sa Bangs na yan? =________= Are you out of your packing mind?
“Haha. Okay. Good night.” Sabi niya.
Hindi na ako nagsalita at pumasok na din sa kwarto. Nakakahiya ka Skyler, muntanga ka lang dun. Bat mo ba kasi kinakausap si Rima?! =_=
*ring*
*ring*
*ring*
Huh? Sinong natawag saken?
*NANA calling*
Anak ng kutong lupa naman oh, mangungulit na naman tong umuwi ako samin dahil birthday ni Mommy this weekend, eh alam naman niyang sobrang busy ko.
“Oh ano?” sagot ko.
“Bad manners! You greet nga first your caller before anything else kaya, DUH!” pangangaral niya saken.
“Whatever. Anong problema mo?”
“Just gonna ask you again about this weekend?!” sabi ko na nga ba eh. “Mommy’s waiting for youuu!” dagdag niya pa.
“Nagkita naman kami ng sembreak right?”
“Nagtatampo na si Mommy!”
“Sheesh, Nana, alam mo kung gaano ako kabusy hindi ba?” paliwanag ko.
“Then at least send her a gift!”
“Of course I’ll send her one, you insect!” sabi ko, losing my patience.
“MAKE THAT SURE!” pagsisigurado niya saken.
“Yes, yes. I will.” Sabi ko.
Kinabukasan, nagising ako sa balitang walang pasok dahil may parade yata si Pacquiao sa Manila. Kaya ako tanghali na tumayo sa kama. Napabangon ako kasi eto na yata ang chance ko na makabili ng regalo para kay Mommy.
Kaya lang, hindi ko alam ang ibibigay ko. Mom is known as a fahion designer, alangan namang regaluhan ko siya ng cheap shoes, or yung pangit na damit. I don’t want to ruin her birthday. =_=
So I’ve decided to go ask Manang Ason, kahit simple lang na regalo. Mug, picture frames, hanky? =_= Parang pang Kris Kringle lang eh. =____=
“Oh Skyler! Wala din pala kayong pasok!” pagbati saken ni Manang, kasama niyang nakain sa table si Rima. Feeling ko, naka dalawang cereal box na toh eh.
“Kahain hikaw Shkylersh!” alok ni Rima saken, with her mouth full, as always, sloppy. =_=
“No thanks, magtatanong lang ako sa inyo po, Manang.” Tanong ko, I don’t really mind it if nandyan si Rima. It’s for my Mom, so why should I be shy?
“Sure iho.”
“Ano bang magandang iregalo sa Mommy ko?”
“Ay hindi ba, yung nanay mo eh designer? Ano namang tanong yan, syempre pihikan yun sa damit. Tsaka sa sapatos! Bigyan mo nalang ng papel na susulatan niya ng mga designs niya!”
=_________=
“San ba mahilig ang Mommy mo Sky?” tanong ni Rima.
“Sapatos.” Sabi ko. She owns a room full of it, hindi pa kasama yung bodega namin na puno din ng lumang sapatos niya.
“Buy her shoes then.” Suggest niya.
“Kinda easy for you, eh ako? I don’t know how to buy shoes!”
“Then bring someone who can! Logic.”
“Tama si Rima, Skyler baka may kakilala ka na fashionista?” tanong ni Manang Ason.
“I know one. I guess she can help me out.” Sabi ko, first person I thought of bringing along was Miss Amy. Bukod sa pag-duty ko, eh matutulungan niya pa ako na mamili ng regalo. It’s like hitting two birds with one stone.
“Oh yun naman pala eh!” –Manang Ason
“Well get your ass off here, traffic na mamaya.” –Rima
“Thanks.” Agad agad akong nagbihis at dumiretcho kina Miss Amy. Medyo nagulat pa nga siya dahil sa bigla kong pagyaya eh. Hanggang ngayon kasi ilang pa din siya sa pagtatapat niya saken nun. (Case 18: A Night with Two Girls)
“Ako talaga? Bat ako?” tanong niya saken.
“Bakit hindi ikaw? I’m sure you can help me out. Please?” nagmakaawa na ako.
“Well okay. Magpapalit lang ako?” Yes, pumayag din! XD
RIMA’S POV
Glorietta 5. 0234 HR
“Hoy Liam! Sabi ko, dalhin mo ako kay Mikki! Hindi dito sa G5! Are you out of your freaking mind??” paghi-hysterical kong bungad kay Liam.
Nabored kasi ako sa bahay at dahil mapilit tong isa na sa tabi ko lang daw siya eh sasama daw siya. Ang sabi ko naman eh dalhin niya ako kay Mikki pero dito ako dinala. Pang-sosyal naman toh eh! >_<
“Madaming shoe store dito! Diba mahilig kayo ni Mikki sa sapatos?” bat baa lam ng lokong toh ang mga kahinaan ko? T_T
Aamin na ako, kahit may pagkatibo ako at everyday akong naka jeans at t-shirt, I cannot deny my unrequited feelings about shoes. They are just charming things~ QuQ
“May alam akong shoe store na magugustuhan mo!” nagpapacute pa siya habang naglalakad ng patalikod. Mas nauuna kasi siya maglakad habang nasa likod ako kaya ganyan siya maglakad.
“Ayaw. Wala akong pera.” Sabi ko.
“Alam ko basta sapatos, hindi mo papalagpasin. Umutang ka muna saken.” STOP TEMPTING MEEEEE. Omooooo. >o<
“S-Saan ba yan?”
“Hahahaha!” tumigil siya sa paglalakad at tumawa ng tumawa. Lalapit palang ako ng hawakan niya yung kamay ko at hilahin. “Tara na nga, ikaw talaga! Hmmm!” sabay kurot sa ilong ko.
Ayoooo~ bat ba ang hilig niyong kurutin ilong koooo~ (/> o <\)
Pagdating naming sa store… omoooo! SHOES! <3
*________________________*
Tatakbo ako sa mga sapatos, check them out and even wore them one by one. Shiny, silky, leather, pumps, flats, wedge, no heels, roman,ethnics, studded, EVERYTHING IS SO BEAUTIFUL!
“Hinay-hinay lang, pwede?” saway sakin ni Liam.
“How can I make hinay-hinay lang with all these beautiful things around me??!!” QuQ
Natatawa niya akong pinat sa ulo, “Cute!” sabi niya.
“I’ll look over there okay?” pagpapaalam ko.
He nodded.
Sa gawing yun, puro cutting edge designs at new arrivals. Uwaaaa. I cannot afford them but they all look so pretty! Sapat na sakin ang tignan sila at ma-imagine na suot sila. *_* I can live with that! XD
Paglingon ko sa kaliwa, sa isang stand ng new arrivals, nakakita ako ng sobrang cute na flats! SOBRA TALAGANG CUTE! *____*
Dali-dali akong tumakbo para makuha, and yes! GOTCHA! Hahaha—
O_____________O
O_____________O
“S-Sky—“
“Rima?!”
SKYLER’S POV
Bat nandito si Bangs? O_O
“Hoy! Bat ka nandito?” tanong ko agad sa kanya. “Tsaka bat hawak mo yan? Akin yan ah!” kukunin ko na sana pero biglang may tumapik sa kamay ko.
“Naunang kunin ni Rima yan.” Aba, kasama niya pala yung mukhang hipon niyang ‘FRIEND’. Alam niyo? Nagtataka na talaga ako, sino nga ba yang Liam Henson na yan sa buhay ni Rima? DAKILANG EPAL EH. Lagi nalang. Tss. =_=
“Ganun ba, okay fine.” Sabi ko nalang.
Nakarinig ako ng tumatakbo at paglingon ko, “Skyler! I found one! Lookie! Isn’t it ado—“
Patay. Anong ipapaliwanag ko kay Miss Amy neto? *face palm*
___________________________________________________________
UD. TAPOS NA SEMBREAK. MATUMAL NA UD’S NA ULET! HAHAHAHA. THANK YOU GUYS! YOU ARE AWESOME! (SKYLER AT LIAM SA GILID NAPAPAFACEPALM KASI ANG CUTE NI RIMA!!) XD
VOTE FAN COMMENT LIKE SHARE TWEET BOOMBOOMBEYS! XDXDXD
CC™
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top