Case 21: A Glimpse of the Enemy
Case 21: A Glimpse of the Enemy
RIMA’S POV
Naalimpungatan ang buong diwa ko ng tumawag si Kenneth kay Skyler. Hindi ito yung tipong ‘trouble’ na kunwari hindi lang nakapagbayad si Chiefy ng inorder niya kasi nakalimutan niya yung wallet niya. At nung narinig ko pa yung pangalan ni Ovan, kinabahan na ako sa kung anong pwedeng mangyari.
Bloody.
Yeeeep. Buwis buhay para sa isang torpeng adult na hindi marunong manligaw. At syempre, kahit papaano, siya na yung tinuring kong tatay dito sa FDD simula ng mag-start akong maging agent. Sana okay lang talaga siya. Ayokong mapahamak siya in all means.
“Okay ka lang ba?” tanong ni Skyler saken.
“Sa tingin mo, okay pa ako sa lagay natoh?” sarcastic kong sagot.
“Sorry na. I’m just asking, but don’t worry. He’s gonna be fine.” He’s trying to assure me, more of trying to cheer me up. Alam niyo, nagbago na talaga tong si Skyler. Napapansin ko, hindi na siya bugnutin, well, pag nakukulitan siya saken pinapagalitan niya ako pero—ewan. Siguro nasanay na ako sa grumpy attitude niya. But he’s nice naman pala. After all, naging magkaibigan na kami.
Bumibilis yung takbo niya. Halos mapakapit ako sa pag ‘screeeech’ ng gulong ng kotse sa bawat ikot sa makikipot na eskinita papunta sa location.
“Malapit na tayo sa lugar. I’ll park the car here. Dito ka muna, I’ll—“
“No! Sasama ako!” I insisted. Bine-baby na naman ako neto. Anu ba yan. “I can handle those muggles! Why not let me come wichuuu!”
“ALAM MO YUNG BACK UP, HAA? ALAM MO?”
U___UV
“I get it. Sige, I’ll wait till’ it’s my turn. Ahehehehe.” Nag-peace sign nalang ako. Masyado kasi akong atat.
Kinuha niya yung pistol niya and puts his radio transmitter sa tenga. “STAY.”
“Stop treating me like a dog. Rawr!” = 3 =
Ngumiti lang siya tapos umalis na. Nakacross arms ako na naghintay sa kotse niya ng may makita akong dumating na kotse. Nung bumaba yung nagdadrive, nagulat ako.
“MISS COURT!??!?!”
O______O
Patakbo sana siyang susugod sa site, kasi isang abandoned building siya, and it’s a bit dangerous dahil baka may mga nagbabantay. As of the latest report samin ni Kenneth, Chief’s abducted by Ovan’s group there.
“WAIT! MISS!!!” sigaw ko.
Paglingon niya, halatang nag-aalala siya. Well, maybe kasi di pa siya makaget-over sa away nila kanina pero ibang Miss Court ang nakita ko.
“RIMA! SI FRANCIS NASAAN??!” niyuyugyog niya na ang balikat ko.
“M-Miss Court, teka lang po—“
“Si Francis!!?!” I never seen her like that. Wala sa sarili, tuliro, parang hindi niya alam kung saan tatakbo.
“MISS CALM DOWN!”
Natigilan siya. I didn’t mean to be rude, pero she needs to packing calm down or those people will hear us. Sheesh. =_=
“I-I’m sorry Rima, I was just—“
“I know you’re worried. We all are. But please try to calm down. Mga agents tayo and in this kind of situation dapat alam natin ang gagawin.”
“Hindi ko alam ang gagawin ko pag may nangyaring masama kay Francis Rima. Hindi.” She breaks down and cry. Umupo siya sa malamig at maduming daan at dun humagulgol.
Wait? Anong sabi niya?!
Pero bago ko pa marealize, tumunog na yung transmitter ko.
“Rima? Can you hear me?” boses ni Ken.
“Loud and clear, any news?”
“Go head towards east of the location. Back us up there, nakatakas na si Chief from the location kanina, he just got caught up with the guards pagbaba niya ng building. From the perimeter you’ll—“
“KEN! SI FRANCIS ASAN NA??!” biglang sigaw ni Miss Court malapit sa tenga ko.
“OUCCCH!”
“Wait, is that—OH NO WAY!” sabi ni Kenneth sa kabilang linya. “Miss Court, bat ka nandito?”
“LET ME IN! ASAN SI FRANCIS!!!!??!?!?!?!?”
=_________=
Parang batang nagtatantrums ang peg. Well fine, wala na akong magagawa. “Ken, Miss Court and I will back you up. Send mo saken para alam ko yung lugar. Out.”
Tumakbo si Miss Court sa kotse niya at kinuha ang baril niya. Nagkabit din siya ng sarili niyang transmitter. “Tara na Rima.” Sinabi niya yun habang pinupunasan niya yung mga luha niya sa mata.
Napatitig tuloy ako sa kanya. “Miss…”
“Oh bakit?”
“Gusto mo si Chiefy noh?”
O_______O
>//////////<
“E-ehh. EWAN! Tara na ngaaaaaa!” sabay hila niya saken. Hahahaha. HULI KA BALBON! Nako Chiefy, wag ka munang mamamatay! May naghihintay pang confession sayo! >o<
CHIEFY’S POV~
Ang baho ko na. Damn. Feeling ko, ang amos amos na ng mukha ko. Kadiri talaga, hawakan ba naman ng mga lalaking yun ang bibig ko. EH PAKINANGSHET, ang babaho ng kamay! =_=
Buti nalang at nakatakas ako sa pagkaka-kadena nila saken, pano kaya nila nalaman na hinahanap namin ang boss nila?
“Nakita mo?” opps, may tao.
“Hindi, dun tayo sa kabila.” Narinig ko ang pawalang tunog ng mga footsteps.
Nagdidinner kasi ako kanina sa isang resto, ng matapos ako at pabalik na ng kotse, may naka-abang na sa kotse ko. Laking gulat ng mga muscles ko ng makita kong si Ovan pala yung isa sa mga lalaking nakaabang saken. Syempre kahit pogi ako at may konting muscles, hindi ko kaya ang mga alagad niya na kamukha lahat ni Mang Kanor kaya paggising ko nakatali na ako. Buti nalang at dala ko lagi yung transmitter ko at nakapag-send ako ng SOS call sa FDD.
Ang alam ko, padating na sila Kenneth, pero bat parang natatagalan yata. Wala pa naman akong baril. Kaya kelangan ko magtyaga sa mabahong cubicle na toh sa di na ginagamit na CR para magtago.
Biglang tumunog ang transmitter ko. “Chief? Can you hear us?” si Kenneth, nandito na siguro sila sa site. “Ano na nangyari sayo?”
“I’m fine.”
“UWAAA. Chiefyyy! Buti naman!” sabi ni Charlie.
“Send us your location para mahanap ka na namin.”
“Well yeah, it’s about time you know. Medyo mabaho tong tinataguan ko eh.”
Biglang may mga nagtakbuhang mga tao, siguro eto yung mga Mang Kanor guards ni Ovan. Nako naman. Makaalis na nga dito at ng—
“BOSS. Sorry po.”
“It’s okay, may mga dumating ng pulis, hayaan niyo na yun.”
Teka, that voice sounds familiar to me. Hindi siya si Ovan pero—
“CHIEF!” Nagulat ako sa biglang kumapit sa balikat ko.
“S-Skyler?!”
“Chief, anyare sayo? Bat ang baho mo?”
=______=
“Salamat sa bati mo Skyler. Naaappreciate ko ng sobra sobra.” Sarcastic kong sagot. Grabeng makapanlait, muntik na akong mamatay dito tapos ganyan pa ang bati saken.
“Tara na Chief.” Inabot niya saken ang spare niyang baril.
“Wow, boy scout. Thanks.” Agad naman kaming sumugod sa labas, sa wakas, good bye mabahong CR. *singhot ng fresh na hangin*
Madami pang barilan ang nangyari bago namin malagpasan yung mga tauhan ni Ovan. At bago pa kami makarating sa ground floor ay sumalubong samin sina Charlie at Kenneth.
“Chief! BUHAY KAAAAA!” \(* U *)/
“Talagang kelangang maging emoticon ka?” –Ken
“Natuwa lang ako kasi buhay si Chief!” sabay yakap sakin. “Wow Chief, ang baho niyo. San ka galing?” Ay bwiset, talaga kelangang amuyin?
“Ano ka ba? ASO?”
“EH ANG BAHO KAYA. Yuck.” *tulak*
“Abaaa!” uupakan ko na sana si Charlie pero pinigilan na ako nila Skyler. Muntik ko ng makalimutan na nasa laban pa pala kami.
Malapit na kami sa labas ng makarinig kami ng putukan at isang chopper. Mukhang tatakas yata sila Ovan. Pero doesn’t it look familiar? Parang nangyari na din ito before eh.
“Tara na, baka andun sila Rima at Miss Court.” Sabi ni Ken sabay tatakbo.
T-Teka??
“ANOOOOO?” sabay pa kami ni Skyler.
“Anong problema niyo?” pagtataka ni Ken.
“Si Court nandito?” tanong ko.
“Si Rima pinapasok mo dito?” si Skyler naman ang nagtanong.
Nanggagalaiti tong si Skyler kaya nahahawa na ako. Kinuwelyuhan niya pa si Kenneth. “What’s wrong with you?! Hindi ko nga siya pinapasok tapos—“
“Guys! Wag na tayong mag-away okay? Nalakas na yung putukan we better get are asses there!” sigaw ni Charlie. Nahimasmasan din naman ako kaya inawat ko na yung dalawa.
“Charlie’s right, let’s go.”
Patakbo na kaming lumabas ng building. At tama nga ang hinala namin, may shoot out sa pagitan ng mga pulis at ng grupo ni Ovan. Agad naman kaming sumali, at natanaw ko na agad sila Court at Rima.
“Court!”
Napalingon siya at grabe, ang ganda ganda talaga ng—
Bat may pulang ilaw sa dibdib niya?!
“Francis!” sigaw niya habang nakangiti. And from that moment, nasabi ko nalang sa sarili ko na, baliw na baliw na talaga ako sa kanya.
“CHIEF!!!” from the other side, narinig kong tumawag si Rima at nakatingin sa taas.
Now I get that red light. Wait—
O______O
“COURRRRT! Watch out!!!!!!!!!!!!”
“Huh?—“
Pagkatapos nun? Black out.
Courtney’s POV
Francis…
Francis…
Chuchucherbalu General Hospital. Operating Room. 0345 HR
I tried looking at my hands. Andun pa rin sa kamay ko yung mga dugo ni Francis. Hinarang niya yung gunshot na para saken. Kung narealize ko lang ng mas maaga, sana umilag nalang ako. But who am I kidding? Ako? Makailag sa bala? Ano ako? Super Saiyan? Hahahaha.
Nababaliw na yata ako. Napapangiti sa mga naiisip ko habang tulala na naghihintay sa labas ng OR. Kasama ko sina Rima, Charlie, Skyler at Ken. Nakakawala sa ulirat na makita si Francis na walang malay at ang daming dugo sa katawan. How can I recuperate myself after seeing him so badly hurt ng dahil saken? NANG DAHIL NA NAMAN SAKEN?
“Miss.” Rima sat down next to me and constantly rubbing my back. Tumutulo na naman pala yung mga luha ko.
“I’m fine Rima. S-Si Hotdog kumain na ba yon?” bigla ko nalang naisip si Hotdog. Si Hotdog, na walang malay. De joke lang. =_= Kasi naman eh, alam mo yung nakakatuwa kay Francis? Ang bait niya sa lahat ng tao pati na sa hayop. Animal lover ako, yung Mommy at Daddy ko allergic sila sa mga balahibo ng hayop but I really want to have my own pet before.
*FLASHBACK*
Naglalakad kami nun sa isang mall ng makakita ako ng pet store.
“UWAAAA. RABBIT!!! >3<”
“Hoy. Courtney, stop squealing. Pwede ka namang matuwa pero please, nakakahiya ka.” Masungit niyang sabi saken, palibhasa pa-pogi siya nun sa mga chicks sa mall.
Binuhat ko yung rabbit tsaka iniharap sa kanya. “Look baby Rabbit! He’s your Daddy!” ^u^
“Anong Daddy ka dyan!”
Tapos I tried mimicking the rabbit, “Anyunyunyunyu~ Daddy, please adopt me pooooo! Pwetty pweaseeee~” sabi ko.
“Tara na.” masungit na lumakad si Francis palabas ng store.
After a few days, pagdating ko sa office, nakita ko nalang may mga carrots sa table niya then I saw the rabbit sa ilalim ng desk niya.
“UWAAAA. You adopt her?” sabi ko.
Nakaupo lang siya habang naglalaptop, “HIM, He’s a boy you moron.”
Niyakap ko siya sa ulo kasi nakaupo nga lang siya tapos hinalikan ko siya sa cheeks. “Thank you thank you thank you thank you Francis! The best ka talaga!”
“Stop kissing me! Ugh.” Pilit niya akong tinutulak.
*END OF FLASHBACK*
Nawala ako sa pagrereminisce ng biglang lumabas ang doctor, his hands all covered with blood. Napatayo kaming lahat.
“How’s he Doc?” tanong ni Kenneth.
“Not good. Madami siyang nawalang dugo. We’re trying our best to save him, but for now, his still critical. I have to get to the blood bank, excuse me.” Sabay alis nung doctor.
I want to cry, yung gay tears talaga pero pinipilit kong maging matapang in front of the Team. Alam ko kung gaano kahalaga kay Francis ang reputation niya sa harap nila Kenneth, siya kasi ang Chief Inspector at adviser nila. I wanted to be strong. Alam kong hindi ganun kahina ang Francis na kilala ko.
Inabot na sila ng tanghali bago matapos ang operation. Hindi na nakapasok sila Skyler sa school dahil sa nangyari.
“Chairman.” Napalingon ako ng sabay sabay na bumati ang apat, si Tito pala.
“Are all of you fine?” tanong niya.
“Yes.” Tumango sila.
“Courtney, kumusta si Francis?”
“Stable na po. Pero unconscious parin hanggang ngayon.” Sagot ko.
“Kenneth, tell me the details.” He instructed.
“Chairman, Chief Francis was shot at the upper right part of his back, kanina the doctors have reported us na maraming nawalang dugo sa kanya but right now he’s stable. Hinihintay nalang namin na gumising siya.” Pagsasadetalye ni Ken.
“And about this incident, have you retaliated with the group of Ovan?”
“No Sir. Kahit kami, nagtataka sa direct assault at abduction kay Chief. We’re all guessing na nalaman ni Ovan ang man-hunt operation ng grupo namin sa kanya.”
“That’s very confusing. Don’t tell me—“
“Someone’s been leaking information from FDD.” Sabat ni Rima.
Sinisiko lang ni Skyler si Rima para tumigil na pero kahit ako, napaisip sa sinabi niya. “Leaking? You mean a SPY? From Ovan’s group?” tanong ko.
“Maybe. We never know. Hindi sa team namin nanggaling ang leakage for sure but I know someone’s spying inside the department. Our first mission, the Cortez syndicate, hindi pa man kami nagawa ng kahit ano, natunugan na ang entrapment namin, as well as the other cases. Parang may nagsusumbong.” Paliwanag ni Rima.
“Rima, stop pushing your guesses as if they are real. Wala kang sapat na ebidensya on this.” Sabi ni Skyler.
“No, it’s okay Skyler. At least she’s observing and putting things in perspective. But we still don’t know what’s really happening, I suggest for everyone to be safe and aware of their actions and the information’s that are given. Is that clear?” utos ni Chairman.
We all nodded. Hindi na nagtagal si Tito sa hospital dahil may mga gagawin pa siya.
Maya-maya lang…
“Miss Court, lalabas lang kami para kumain, i-tetake out ka namin okay?” sabi ni Charlie.
“Wag na Cha. I’m fine.”
“Pero Miss, hindi ka pa kumain simula kagabi.” Kenneth insisted.
“Tama si Ken.” Skyler also agreed.
“Hayaan na natin siya guys, I’m sure she’s fine.” Sabi ni Rima at hinila na ang tatlong lalaki palabas.
Nakakalungkot lang isipin na nangyari ang lahat ng toh ng magka-away kami. Sobrang nag-alala ako sa kanya, nung makita ko siya na palabas ng building, grabe ang tuwa ko pero—
“Ma’am, gising na po si Mr. Perez.”
O_____O
Natulala ako sa sinabi ng mushroom na nurse sa tabi ko. “A-ano?” tanong ko.
“Gising na po si Mr. Perez, at hinahanap daw po kayo Ma’am.” Pag-uulit ng nurse.
Dali dali akong tumakbo papunta sa room ni Francis. Okay na ba talaga siya? Wala na ba talaga siya sa panganib? Pwede na ba ulit kaming mag-dinner?! Mag-mall, mag-shopping?!
*CLAK*
“Ang bolero mo talaga Sir.”
“Hindi nga, ang gaganda pala talaga ng mga nurse dito? Ngayon lang kasi ak—“
(=________= #)
( O_____O)”
“FRANCISSSSS!”
( /____\)
“C-Court! T-Teka!!” nawala ako sa ulirat at kumuha ng unan na nakapatong sa sofa at pinaghahampas si Francis kahit pa humarang na yung nilalandi niyang nurse!
“ANG KAPAL NG MUKHA MO! AKO NA NGA TONG KANINA PA NAGHIHINTAY NA MAGISING KA! BWISET AKALA MO NAMAN KUNG SINO KANG MACHO EH PAYATOT KA NAMAN!” sabay sabay na hampas ang inabot niya, pati yung nurse sinama ko na, humarang ba naman sa kanya! MGA ECHOSERA!
“Courtney! Ano baaaa!”
“AT MAY GANA KA PANG SIGAWAN AKO!”
“Stop it!” natigilan ako ng hawakan niya yung dalawa kong kamay na sobrang higpit, kahit na nakakabit pa sakanya yung dextrose.
“AYAW!” nabitawan ko ng yung unan para tanggalin yung pagkakahawak niya pero ang lakas niya.
“S-Sorry po Sir.” Sabi nung nurse.
“No it’s okay. Sige, lumabas ka na muna. Pasensya na ha?” sabi ni Francis dun sa nurse.
“HOY! BAT NAG-AAPOLOGIZE KA PA DUN!?! MALANDI KA! HALIPAROT!”
“Pwede bang tumahimik ka muna Court?! Kakagaling ko lang sa—“
“ALAM KO! KAGAGALING MO LANG SA OPERATION! HINDI MO BA ALAM NA SOBRANG TINAKOT MO AKO HA? SINO BANG NAGSABI NA IHARANG MO YANG PAYAT MONG KATAWAN SA BALA? SIGE NGA HA? PANO NA AKO? IIWAN MO NALANG AKO? GANON NA BA KADALI YUN PARA SAYO?! PANO NA YUNG TEAM MO? SILA RIMA? SI HOTDOG? PANO NA SI HOTDOG AT YUNG IBA PA NATING INAMPON NA MGA HAYOP? SINO NG MAG-AALAGA SA KANILA? PANO NA AKO??”
T_______T
Napaupo nalang ako sa sahig habang iyak ng iyak. Yung mga kamay ko binitawan niya na at nakapatong sa kama niya.
*pat*
*pat*
Ramdam ko yung kamay niya na pina-pat yung ulo ko.
“Hindi naman kita iiwan eh. Eto nga oh. Buhay pa ako.” Hinila niya ako para makatayo ako. Sabay pinunasan niya yung luha ko sa pisngi. Ang sweet talaga ng lalaking toh, sana nga lang talaga hindi siya naghahanap ng kung sino-sinong babae. :(
“May itatanong ako.”
“Ha? Ano yun?” natatawa niyang sabi.
“Yung sunflower bouquet nung nakaraang araw, sayo galing yun diba?”
O_________O
O////////O
Namula siya. SA KANYA NGA GALING! O//w//O
“H-Hindi ah! Anong bouquet? Bat kita bibigyan nun?”
“ANG DENIAL MO! IKAW LANG MAY ALAM NA SUNFLOWER ANG GUSTO KONG BULAKLAK TAPOS MAY PAG ‘MISTER YOSO’ KA PANG NALALAMAN!”
“E-eh?”
“Sayo galing yun! Kaya akala ko you’re officially courting me, kaya nung niyaya mo akong mag-dinner, pumayag agad ako!” pag-amin ko.
“PUMAYAG? Eh diba sa Galvin crush mo? So bat ako manliligaw sayo, eh halimaw ka?!”
(=______= ####)
(O_____O”)
“Manliligaw ka ba saken o magpapaligaw ako sa iba?”
“M-Manliligaw na! Oo na, mahal kita! Sorry na!” sabay yakap niya saken. Aamin din pala tapos ang dami pang alam! Akala mo chicks! =_=
Nagulat ako ng hawakan niya yung kamay ko tapos hinalikan niya. Kinilig ako, sheeeet. >////<
“Court…”
“B-Baket?”
“I love you.”
EHHHHH. >////////< Enebeyen. Ang pogi ni Francis, my gosh.
“WOOOOY! ANONG I LOVE YOU YAN HAAA?” nagulat kami ng biglang pumasok sina Charlie. “DID ME MISSED OUT SOMETHING???!”
“NICE CHIEFY~” sabi ni Kenneth sabay taas baba ng kilay. Eto talagang mga toh.
“Iba ka na talaga Chief. MATINIK!” dagdag ulit ni Charlie.
Natatawa nalang sina Skyler at Rima habang nakaupo sa sofa. Alam na naman ni Rima yung totoo dahil dun sa sinabi niya kagabi nung nagwawala ako. At si Skyler, ayun, poise kung poise.
“Pag nakalabas ako dito, tung nuh, ILILIBRE KO KAYO MGA TOL!” sabi pa ni Francis, sabay sabay naman silang lumapit at nag-highfive pa.
( ^___^)/\(n___n )
Mukhang masaya na ang lahat, magpapagaling nalang si Francis pagkatapos, kailangan na ulit naming bawian ang Ovan na yun sa ginawa niya.
Kung totoo nga ang hula ni Rima, sino kaya ang SPY ng FDD sa labas?
_______________________________________________
UPDATES CHERNELINGS. THANK YOU SA LAHAT. DI AKO MAPAPAGOD MAGTHANKYOU. MAHAL KO KEYO POWS. JEJEJE. XD (CHIEFY AT COURTNEY SA GILID NILALARO SI HOTDOG)
CC™/PIYO™
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top