Case 20: The Clash of the Pogi

A/N: Wala akong karapatang mag-sorry kung late yung update kasi wala namang nagbabasa! CHAROT! Thank you sa lahat ng nagbabasa, binubuo niyo ang araw ko. Cheesy but true. Salamat sa lahat ng mga ka-charotera kong mga friendlalu ditey! I lab yu ol guys.

Ayan. Magbasa na kayo. Amp. >_< *bekisaur mode*

-CC x

Case 20: The Clash of the Pogi

Rima’s POV

Another boring night at FDD. Ano pa bang bago dito sa story na toh? Kaloka eh. Asan na kasi ang action? Yung tipong may boogsh at kraaashhhh. =___= Inaatake ata ng writer’s block yung nagsusulat kahit hindi naman siya writer. Ay siya, balik tayo sa pagpi-POV ko.

“Rima?” tawag saken ni Kenneth.

“Ano yun Kenneth?”

“Pakikuha naman yung kulungan ni Hotdog sa may lounge area. Nalimutan kasing ipasok nitong si Charlie eh!” sabay binatukan si Charlie.

“Ouch! Sorry na, ang cute cute kasi ng Princess Hotdog eh!” Sabay pangigigil naman sa pusa ni Chiefy. Ang shungang pakinggan noh? May prinsesa bang pangalan eh ‘HOTDOG’? Mga timang talaga tong mga toh.

Lumabas na ako para kunin yung kulungan. Pabalik na ako ng makasalubong ko galing ng elevator si Skyler. Aba, nakaleather jacket pa. Lakas maka-Daniel Padilla ah. =_=

“Hoy, naglalakad na Bangs. Anong tinitingin-tingin mo dyan?” sabi ng masungit na nilalang.

“Batiin mo kaya ako ng ayos, uso naman yun eh.”

“San ka galing, haa?” ANG ANGAS NAMAN NETO. -___-

“Sa lounge. Kinuha ko lang yung kulungan ni Hotdog.” Nagsimula na kaming maglakad papunta ng office. “Tapos na shift mo kay Miss Amy?” tanong ko sa kanya.

He nodded.

“Alam mo, sabi nila ang mga pogi daw tipid sumagot.”

“Maybe.”


ABA. =_______=

“Pero syempre joke lang yun! Feeling mo rin eh noh?”

“Ganito naman talaga ako eh.” Nakamulsa pa siya habang sinasabayan akong maglakad.

“Mga panget kaya ang matitipid sumagot. Kaya panget ka!”

“Sinong may sabi sayong panget ako? Eh ang kapal naman ng mukha mo akala mo ang ganda mo na eh mukha ka lang namang buhok na tinubuan ng mukha! Naglalakad na Sadako! Adik! Fail na cosplayer!”

“GRABE! Ayaw mo talagang masabihan ng panget noh?! Tsaka naglalakad naman talaga si Sadako ah!”

“GUMAGAPANG SIYA BUI! GUMAGAPANG!”

“Grrrrr.” >___<

“Grrrr.” >___<

“Hoy! Anong ginagawa niyong dalawa diyan? At sa harap pa ng pinto ko kayo nag-aaway?” pagharap namin sa likod, si Chiefy pala yung nagsalita. At di namin namalayan na nasa tapat na kami ng office.

*CLAK*

“Oh—Rima! Kanina pa may tumatawag sa Cellphone mo, si Liam!” bungad samin ni Charlie pagpasok ng pinto habang hawak hawak yung phone ko.


Di muna nag-sink in saken yung sinabi niya.

“Hoy! Bangs! MAY TUMATAWAG SAYO!” sigawan daw ba ako sa tenga? Bastos na Skyler.

“Ah—eh, akin na. Excuse me lang Chief, sagutin ko lang toh.” Kinuha ko kay Charlie yung phone at tumakbo palabas ulit ng office.

Sa labas ng office, “Liam! Ano na naman bang problema mo?” asar na tanong ko.

“Hindi niyo sinasagot ang tawag ko nung isang araw pa. Nakikita ko si Mikki sa school pero ikaw, tinataguan mo ako!” sabi niya.

“I’m busy!”

“Well, I’m busy too.”

“Well, I’m busier than you are!”

“Rima, pwede ba, mag-usap muna tayo? Stop avoiding me!”

“Siguro pwede pa akong mapagod sa pagiging agent ko but I’ll never get tired of running away from you! Ayoko ng bumalik!”

“Hindi naman sa babalik ka eh but—“

Nag-end call na ako, tinanggal ko ang battery ng phone ko para hindi na ulit siya makatawag. This sucks. I have to get rid of that annoying guy, baka pa nila malaman ang—


“Uhm, excuse me.”

Huh? Sino yun? “Uhhh..” Ay teh, speechless ako, si Attorney Galvin pala yun. “Ah, hello Attorney. May problema kayo?”

“Wala naman, tatanong ko lang kung dumating na si Courtney.”

“Ah, bago po ako umalis ng office wala pa po siya eh.” Sagot ko. He seems nice naman.

Paalis na sana siya ng dumating si Miss Courtney, swerte lang din tong mokong na toh. Oh well, wait till Chiefy gets his turn. Hehehe.

“Attorney! Diba wala naman tayong appointment ngayon?” tanong ni Miss.

“Ah oo, I came here to ask you out for dinner.” Aba! STRAIGHT FORWARD ANG WALAAA! O__O

“Ow, i-is that so Attorney?” mukhang may ibang lakad si Miss ah?


Bigla nalang hinila si Miss Courtney, at nagbunyi ang feelings ko ng makita ko kung sinong humila.


“F-Francis?” nagulat na sabi ni Miss Courtney.

“Sorry. Pero nauna ko siyang yayain mag-dinner, ATTORNEY.” Wow, may feelings pa. Go Chiefy! GOOOOOO!

Nakita ko namang nakasilip sila Skyler sa pintuan ng office. Omg. Full support ng team! Ipaglaban mo ang pag-ibig mo Chiefy!!

“Oh, ganun ba? Sure.” Pa cool na sabi nung abogadong hilaw.

“Uhm, you wanna join us Galvin?” tanong ni Miss.

“No, thanks. Busog pa yan.” Si Chief na ang sumagot.

“What’s wrong with you?” pabulong na sabi ni Miss Courtney na medyo naiinis na. Pinipigilan niya lang kasi nga kaharap nila si Attorney.

“Sige na Attorney. You can go home. AND HAVE DINNER ALONE.” Pang-asar pang sabi ni Chief. BOOM! NICE ONE CHIEF! IBAON MO YAN!

“Haha. Sure. Bye Court.” Aba, nagpacute pa talaga bago umalis.


Habang naglalakad palayo si Attorney. Lumabas naman sila Skyler at nag-high five kay Chief. Nakangiti lang ako habang tinitignan sila.


“You killed it man!” –Ken

“SWAGGER!” –Charlie

“Good job Chief!” –Skyler

“Ano bang problema mo ha Francis?!!”

O________O

Uh-oh. Mukhang hindi yata nagustuhan ni Miss Courtney ang ginawa ni Chiefy. Patay tayo dyan!! AHHHHHHHH!!!!!!!!!!

“What?”

“Anong what?! What’s the matter with you? Bat ganun mo nalang sagutin si Galvin? He’s asking me in a nice way, how could you be so rude?!”

“Ha! Oo nga pala, I almost forgot. He’s special to you, right?”

“Hindi sa ganun Francis but jeez, just grow up! He’s a great help in my case and for you to just go out and talk to him like that?!!”

“Bakit ako? Hindi ba ako natulong sayo? Ganyan ka naman talaga eh! Lahat nalang ng tao pinasalamatan mo maliban saken! Lahat nalang ng tao napapansin mo maliban saken! For Pete sake Courtney, pano naman ako? Ako na lagi nalang nandyan pag wala kang magawang report sa mga natapos mong kaso? Kasama mo ako pagnagpupuyat ka kakagawa ng presentations mo, pinagtatanggol kita sa Tito mo! And all of those things aren’t acknowledged even just once! Well then thank you for slapping to my face that my efforts aren’t a big help for you at mas nakakatulong pa sayo ang abogadong yun pero ako? I’m just sick and tired of helping a person that never gives me any credit.”

Umalis si Chief habang lahat kami natulala dun.

“I—“

Niyakap ko nalang si Miss Courtney, habang iyak siya ng iyak. I’m on both sides pero masyado ng masakit para kay Chief yang mga sinabi ni Miss Courtney kanina. I am a witness of how Chiefy puts up with all her troubles. Alam kong lahat ng yun ginagawa ni Chiefy para kay Miss. And through it all, he never expects anything in return, kasi alam kong genuine ang feelings niya kay Miss.

“Tahan na Miss.” Lumapit na din yung tatlo habang pilit na pinapatahan si Miss Courtney na nakayakap parin saken.

“S-Sorry guys.” Sabi niya samen habang pinapahid yung luha niya.

“It’s okay Miss. I guess you need to calm down. Ihahatid namin kayo pauwi.” Pag-aalok ni Kenneth.

“I’m okay. I can drive on my own, thanks for the offer.” Nasinghot pa si Miss Courtney habang inaayos niya ang sarili. Halatang umiyak siya, at namumula ang mga pisngi.

“Are you sure Miss?” tanong ni Skyler.

“Yes. I’ll be fine. Thanks babies.” Ngumiti pa siya samin pagkatapos nun ay tumalikod na siya at sumakay sa elevator.

SKYLER’S POV

Pauwi na kami ni Rima sa apartment. Nag-ayos lang kami sa office ni Chief tapos umuwi na rin. Ang lungkot kasi ng nangyari eh. Biruin mo yun, kakasabi lang samin ni Chief pagpasok niya na niyaya niya si Miss Court mag-dinner pero eto ang naging kinalabasan. ANG SAKLAP PRE. =__=

“Sana okay lang si Chief.” Rima kept on saying those words nung makasakay kami sa kotse. She’s trying to call him.

“Any luck?” tanong ko, referring to her calls, if Chief did answer his phone.

“Nope.” Malungkot na sabi ni Rima. “Nag-aalala ako baka tumalon yun sa tulay! Omoooo! Chiefy~”

“Mga naiisip mo! Hindi yun!”

“Skyler!! Dumaan tayo sa mga tulay baka maabutan ka natin si Chiefyyy!”

( =____=)/*(> o < \)

*poiiinnnnggg~*

“OUUUUCH! BAT MO AKO NIBATUKAN!” T^T

“Para kang sira-ulong mongoloid! Tumahimik ka na nga lang.” nag-drive nalang ako pauwi samin habang daldal parin ng daldal tong si Bangs sa may shotgun seat. NAKAKARINDI. =_=


“WAAAAAAAAAAAAAAA!!!!!!”

Halos maibalandra ko na yung kotse sa gulat ko ng sumigaw si Rima. Gumewang-gewang tuloy yung sasakyan. “HOY! ANONG SINISIGAW SIGAW MO DYAN??!!!”


“Shhhh!” nakalagay yung phone niya sa tenga. “Sinagot na ni Chief!” sabi niya.

Hmmm. “I loudspeaker mo!” sabi ko.

“Chismoso mo talaga!” sabi niya pero ni-loudspeak din naman.

“Ano bang problema mo ha?” bungad na sabi ni Chief.

“CHIEFYYY MY GOSH! HOW ARE YOU NA BA? ARE YOU OKAY SA ALRIGHT? WIT NANGYARI SAYETCH?!! WHERE NA YOUUUU!!!” grabe, alien language na naman gamit neto. =_=

“Okay lang ako, iwan niyo akong mag-isa.”

“CHIEFY NAMAN! I CANNOT LEAVE YOU OUT DER! ASAN KA BA? PUNTAHAN KA NAMIN!”

“I’m fine Rima. Just go home.”

*Sigh*

“No.”

“Rima just go home. I can handle myself.”

“Di nga Chief?” sumabat na ako sa usapan habang nakatingin parin ako sa daan kasi nagdadrive ako. “I’m sure she doesn’t meant it that way, alam mo bang umiyak siya after you left?”

“I know.”

“Fighting will only hurt the both of you. Go and talk to her when the both of you have chilled down.” Sabi ko pa. Nakatingin lang sakin si Rima habang nakangiti.

“Thanks bro.” natatawa pang sabi ni Chiefy. “Kakatawag lang din nila Ken at Cha, you guys are all worried about me, I’m quite touched.”

“Moron.” –Ako

“Gay emo shit.” –Rima

“HAHAHA. That’s my babies. Okay, see you tomorrow.” Natapos ang tawag pero tahimik lang si Rima. Nang makarating na kami sa apartment, nakatulog na pala siya.

“Talagang di ka mapapakali hangga’t di siya okay eh.” Nasabi ko nalang sa kanya kahit tulog na siya.

“Uhhhmmmgh.” Tumagilid siya sa pagkakasandal sa kabilang side at grabe, tinuluan pa ng laway yung upuan ng kotse ko. Naalala ko tuloy nung una ko siyang pinasakay dito, nag-away pa kami at pinalabas ko pa siya ng kotse.

“Chiefyyyyy~” nagsasalita pa to habang natutulog. *facepalm*

“Hoy. Gising na.” tinatapik ko yung pisngi niya. Ang taba taba kasi ng pisngi niya tapos nakapout pa. “BANGS. Aba! Hindi kita bubuhatin okay?”

“Liaaaam~”

O__O

Napatigil ako sa paggising sa kanya dahil sa pagsabi niya ng pangalan. LIAM? Si Liam yung tumatawag sa kanya sa phone kanina. Sino ba yun?!

“Hoy mongoloid na may bangs, sino yang Liam na yan ha?”

Hindi naman talaga siya sasagot Skyler, tulog nga siya diba? SLEEP TALKING. Nababaliw na din yata ako. Nahahawa na ako sa baliw na toh.

“HOY BAAAAANGS!” *yugyog balikat*

“HAAA? BAKIT? MAY SUNOG?! ANONG MERON??!” O___O

=_______=

“Andito na tayo sa apartment.”

“Ahh. S-sorry na. Nakatulog pala ako.”

“Tss.”

*Kenneth calling*

Aba, bat tumatawag tong si Kenneth? Masagot na nga bago pa kami bumaba, tutal nag-aayos pa naman si Bangs eh.

“Yow?”

“Skyler, emergency call. Chief’s in trouble.”

“W-what?” napatingin ako kay Rima na nagulat din sa reaction ko.

“He’s in the middle of an encounter with Ovan. I’ll send you the point of location, kasama mo ba si Rima?”

“Yes.”

“Sige, kita na lang tayo dun.” Binababa na ni Kenneth yung telepono.

“What’s going on?”

“Si Chief, kalaban si Ovan.”

O________O

“WHAAAAAAT?” gulat na gulat siya.

“Tara na, there’s no time for this!” pinaharurot ko na ang kotse, nareceive na rin ng GPS ko ang exact location, what happened? Kanina lang kausap namin si Chief and then—

“Chief, I hope he’s alright.” Rima whispered, she’s worried.

Ano ba kasing nangyayari? Bat biglang nagpakita si Ovan?!

***

___________________________________________

UPDATES. MAIKLI LANG SIYA. SORRY! XD MAY NOTE NA AKO SA UNAHAN. WALA NA AKONG MASABI. THANK YOU NALANG! XD (P.S. SAY HI TO LIAM! HEHEHE. SIYA NASA GILID!)

CC™

FAN VOTE COMMENT MESSAGE LIKE SHARE TWEET BOOMBOOMCHERNIBELS! *

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top