Case 2: Kapit kamay. Kapitbahay.
Note-chingbels~
Si Rima yung nasa gilid. Pasensya na kung nabibigyang importansya sa mga photos sina Skyler at Charlie. Hahahaha. Adik tong mga kasama ko. Dapat maka-SKYLERxRIMA tayo. Lol.
Pssh. <3 (Boram of T-ARA)
--------------------------------
(Rima's POV)
Anak ng Spikehead yan oh. Don't tell me....
"Good. You're in time today Rima." bati ni Chiefy. So ako, nganga lang. Langaw, room for rent oh.
Maski yata siya nagulat. NR naman yung dalawang kasama niya. Yung mala-Justin Bieber nga eh nakain lang ng pizza na nakahain sa meeting table eh.
"Don't tell me she'll join our team??!!" galit na sabi ni Kuyang Spikehead. =___= At anong letcheng TEAM toh? What the what the is this? @__@
"Kalma lang bro." awat nung Kuya na medyo semi-kalbo na medyo mowhawk yung buhok. Ang labo kong magdescribe. Err. =____=
"No. I will not calm the eff up! Kung siya ang 4th member ng team na to, I'll volunteer myself to the other teams instead!" nakakaoffend na to. Ayyyt. Sapak ba gusto niya?
"Hindi ka na nahiya kay Mister Francis. Pwede ba? Let him explain this." nagalit na din si Kuyang semi kalbong mowhawk.
Si Chiefy naman, parang wala lang and seems to be enjoying the show. What a jerk. =___="
Tumigil si Spikehead sa pagwawala. Umupo siya at tumingin sa ibang direction. Magkaharap kasi kami. I just got the best seat in the house. Woo. =_____=
Tumayo si Chiefy at nagsimula sa presentation niya. Hawak niya ang laser niya para maipoint ang details ng powerpoint. Wow. Nagpapakaprofessional ang lolo niyo dahil may ibang kasama sa meeting. Kung kami lang toh, foodtrip lang at konting briefing, okay na eh. Plastic talaga. Show off pa. Suuuuuuus.
"Before anything else, my name is Francis Perez. I am assigned to supervise this "TEAM" from now on. A few of you are already aware of that right?" tumingin siya sa grupo nila Spikehead. "You might be wondering what is the reason. Well, the Chairman decided to group the agents with different classes for efficient distribution of cases."
Nagpakita siya ng mga graphs, bar graphs, at yung listahan ng mga agents na nakagroupings. No doubt, I'm in the right team. -____-
Team 34ACV. (Chief Inspector Francis Perez)
Abalos, Skyler
Barrameda, Charlie
Monteverde, Kenneth Vander
Ortiz, Rima
Napahipo ako sa noo ko. My god. Bat ako lang ang babae? At bat yata may sayad pa ang nakateam ko? Parang laging may tantrums. x____x
"Marami ng nahohold na missions with regards to big and much confidential cases. Alam namin na it's best to group the agents para mai-assign na namen ang mga ganitong cases. I know you are all trained and skilled, pero hindi kaya ng isang agent lang ang mga malalaking kaso so the Chairman decided to do this." paliwanag ni Chiefy.
Nakatingin lang sila sa powerpoint presentation hanggang sa buksan na ni Chiefy yung ilaw. Nakita ko kumakain parin yung mala-Justin Bieber. Medyo bata pa siya eh. Bat siya nakasama sa team?
"In any rate, can you properly introduce yourselves para naman mas maipaliwanag ko pa ang bagong team, rules and etc?"
Si Kuyang mowhawk yung nagstart. "I'm Kenneth Vander Monteverde. 3rd year BS Forensic Science student ng Esburgh University. Elite Class." napanganga ako. FORENSIC SCIENCE? O__O That's like one of my dream courses evaaar.
"Charlie Barrameda. 1st year BS HRM. Esburgh University. I love to cook, dance, draw, read novels, go hiking, play online games--"
"Charlie!" saway nung Kenneth.
"Ah! Hehehe." kinamot niya yung ulo niya and smile. Ang cute cute niyaaaa. XD "First class at apprentice niya ako!" sabay turo niya sa masungit at constipated na Spikehead sa tabi niya.
Tumingin pa siya ng masama sa bibong bibo na si Charlie bago tumayo. "Skyler Abalos. 3rd year Business Management student. First Class." ahhhh. Skyler pala pangalan niya. Creative ng parents. Hmmm.
Medyo ang dami ko pang iniisip ng biglang sikuhin ako ni Chiefy. "RIMA!" nanlalaki yung eyeballs niya. Shet. Ako na pala magpapakilala. Sorry naman teh?
"Ah.." nakatingin sila saken. Nahiya naman daw ako bigla at feeling ko namula ako.
"ANG CUTE! ^_________^" sigaw ni Charlie. "Ahahaha. Ang cute cute niya diba Kenneth??!" sabay tingin niya kay Kenneth na tumango lang at nagsmile sa kanya.
"Ahh. Rima Ortiz. 2nd year Multimedia Arts student sa Gilmore College." Lumingon muna ako kay Chiefy bago ko sabihin ang class ko sa FDD. Huminga ako ng malalim. "Code blue agent."
"WHOOOOOA. :O" react ni Charlie.
"Code blue? Ang rare mo naman!" sabi ni Kenneth.
"Okay kids, settle down." saway ni Chiefy.
Biglang nagraise ng hands si Charlie. "Mister Francis?!"
"That's too formal, Chief nalang okay?"
"Ahh, Chief, may tanong ako."
"Ow? Sure. Ano yun Charlie?"
"Ano po yung CODE BLUE?"
Naipahid ko lang naman yung palad ko sa mukha ko mismo pagkarinig ko ng tanong nya. Kung makareact siya kanina akala ko alam niya. =___________=
Kahit sila Chiefy at ibang kasama ni Charlie mukhang naiinis na di mo maintindihan.
"B-Baket? Did I said something wrong?!" (?__?) haaaaynako.
Nakarecover naman agad si Chiefy at sinagot ang tanong niya. "Code blue agents are confidential agents most particularly used in spy missions and undercovers."
"Ahhh. Ang cool mo Ate Rima!"
"Enough with the Ate." =_____=
"Ah.. okay. ^____^v Can I call you Rima Bear, or Rima Cake? Rima Sweetie. Rima Angel. Rima my loves (tawag saken ni Mikki yun ah..) Rima Gummybear?!"
Natatawa si Kenneth at Chiefy sa mga sinasabi nitong si Charlie eh. Lakas ng tama sa ulo.
"Ang cute cute mo kasi tapos ang astig astig mo pa. Gusto kitaaaa."
"Pwede ba Charlie, SHUT UP!!!!!!!" awat ni Spikehead. Mukhang siya lang ang hindi nag-eenjoy ah. Napatigil tuloy si Charlie. Mukang natakot siya sa pagsigaw ni Skyler.
"Uhhh. S-Sorry Skyler...." nakapikit na sabi ni Charlie habang nakatungo siya. Nanginginig siya at parang takot na takot. Di ko na kaya to.
"HOY! ANO BANG PROBLEMA MO HAAA?"
"Ikaw! Ikaw ang problema ko!" sagot niya. ANG TARAY. BWISET.
"Bakit ba ha? Si Chairman na mismo ang nag-assign saten so there's nothing you can do about it! So just accept the damn decision and move on!"
"Hindi ko maa-accept ang ganitong decision!! Not with you here! I don't want to end up baby sitting you while we're on the mission!!"
At talagang mayabang! "Ah ganun? Gusto mong makakita kung sinong ibe-BABYSIT mo haaa?!" tumayo ako sa upuan ko at ready na akong manapak ng mayabang na tao ng biglang humarang si Chiefy.
**PAAAAAAAAAAAAAK.
Tumumba si Chief sa sahig. Natulala si Charlie samantalang si Kenneth eh inalalayan si Chief.
"CHIIIIIIEEEFY!!!" > 3 < Lagot naaa.
"Ugg-hh. Okay lang ako Kenneth." sabi niya habang dahan dahang tumatayo hawak ang mukha niya. Na sobrang maga, na may dugo sa lips. Omygawd. Ang pogi poging mukha ni Chief mukhang nabangasan ko paaaa.
"C-Chiefy?"
"R-Rima, lika nga d-dito." he said.
Ako namang worried eh lumapit sa kanya.
***KUTOOOOOS***
"ARAYYYYYY. Ano bang-- ang sakit nun ahhh!!" ang sakit lang ng pagkutos ni Chiefy. Sagad hanggang skull. =____=~
"Anong masakit! Tignan mo nga yung ginawa mo!! May date pa ako mamaya! TIGNAN MO GINAWA MO! NAPAKA MO TALAGANG BATA KA! KELAN KO BA MAKIKITANG MAHINHIN KA HAA?"
=_______=
Halos matulala si Kenneth, Charlie at Sky. Akala mo Chiefy haa. Yan ang totoong Chiefy, balasubas. Nagmana ako dyan eh. XD
"Halika nga dito, kukutusan pa kita ng mga 66416413131 na beses! Walang hiya ka talaga Rima!!!!!" sila Kenneth na mismo ang pumigil kay Chiefy.
"Whoa Chief! Tama na."
"Bitawan mo ko Kenneth! Hindi pa ako nakakabawi sa babaeng yannnn!"
"HAHAHAHA. Ang saya! XD" sabi ni Charlie. Napangiti nalang ako. Taga-Esburgh sila pero para silang normal na tao lang din. Mababaw ang kaligayahan. Pwera nalang siguro sa Sky na yon. Nung tinignan ko siya parang lalo siyang nagalit.
Ay. Nagwalk out? O____O
"I'll talk to him. Wait lang Chief." sinundan siya ni Kenneth. At hindi ko namalayan, susuntukin na pala ako ng baliw naming Chief Inspector.
(Kenneth's POV)
Dali dali kong sinundan tong umaarteng spoiled brat na si Skyler palabas ng office ni Mister Francis. Nak ng! Ngayon pa siya nagtantrums. Hindi lahat ng gusto niya ay nasusunod.
Nakita ko siya sa may elevator at tantya ko, uuwi na siya.
"SKY! Wait!"
Lumingon siya saken at halatang bad mood ito. Hay. =___= Kelan ka ba magbabago kumpadre?
"I'll go home. Kakausapin ko nalang si Chairman para malipat ako sa ibang team."
"Dude. That's so unfair. Don't use your connections for the things you want. It doesn't mean na you have the capability to talk to the Chairman eh gagawin mo na ang lahat ng ginusto mo. Let me remind you na siya mismo ang nag-utos nito. You have no right to question nor reciprocate all the things he had decided. That's too insensitive and unprofessional of you Sky!"
"Tss." bibigwasan na talaga kita Sky. Umayos ka lang.
"Sky. Rima's not that bad. Pagbigyan mo na. Don't be such a spoiled brat na lagi nalang kaming maga-adjust para sayo. One day, you'll wake up and everyone around you will just get tired of your attitude, and you'll end up alone." aalis na sana ako, "AND PLEASE DON'T JUDGE PEOPLE. You don't know her yet. Nakita mo kung gaano siya kalakas sumuntok? I really wished na ikaw yung tinamaan nun Sky. Para matauhan ka!"
Iniwan ko si Sky sa elevator. Ewan ko kung bababa na ba talaga siya or what. What matters is that nasabi ko sa kanya how rude he was kanina. How inconsiderate at offensive. Bata palang kami ganyan na siya pero medyo lumala yata ngayon, he's way overboard.
Pagbalik ko sa office. Naabutan kong nagkukulitan na sila Charlie, Rima at... hay nako. Sabi ko na malakas din ang saltik nitong si Mister Francis. Nung akala ko, tulad siya nung dati namang adviser na masyadong seryoso. Nilalaro niya ngayon yung PSP ni Charlie habang nanunuod ng basketball si Rima at Charlie.
"Ohhh! Sabi na nga ba eh. Ang galing ni Kiefer noh Rima?"
"Ayos lang, maganda kasi ang depensa nila-- oh Kenneth." Napansin niya ako. Tinigil nila ang panunuod. Si Rima naman, dire-diretcho kay Mister Francis na busy parin sa paglalaro. "Hoy! Andyan na si Kenneth oh! Tara meeting na tayo!" sabay higit niya ng PSP at inabot ito kay Charlie.
"Ano Chief? Gandang saga niyan!"
"Oo nga Charlie. Peram ako ng saved game ha?" ang kulit ng team namen.
"Tara!" sabay abot ni Rima ng mga folders. "Mamili na tayo ng case!" energetic niyang sabi na parang walang nagwalk out kanina.
"Teka.. Si ano, si Sky kasi eh."
"Hay nako. Hayaan niyo na nga yung spikehead na yon. Hindi siya kawalan." astig din tong si Rima. She says what she thinks. Walang halong kaplastikan.
"Aayusin ko na lang muna ang tungkol kay Sky." si Mister Francis ang nagsalita.
"Pasensya na po Mister Francis, sa inasal kanina ni Sky. Pagsasabihan ko po siya."
"No worries Kenneth. I understand, and I can tolerate."
"Palibhasa maluwag lang din turnilyo mo sa ulo kaya naiintindihan mo siya. MAGSAMA NA NGA LANG KAYO!" sabat ni Rima na hindi man nililingon si Mister Francis habang binabasa yung mga folders na may cases.
"HAHAHAHA. Ang cute cute talaga ni Rima." si Charlie mukhang nagkaka-crush na kay Rima. Ngayon lang din kasi ako nakakilala ng babae na tulad ni Rima. Or siguro sanay lang ako sa mga mahinhin na babae gaya ng mga nasa Esburgh.
Biglang bumukas ang pinto at pumasok si Sky.
O___________O (Charlie)
O___________O (Ako)
O o O (Mister Francis)
=____________=" (Rima)
"P-Payag na ako sa team." Sabi niya. Aba. Effective ang panunumbat ko sa kanya.
"P-Pero pag sumablay siya, hindi na ako magdadalawang isip na umalis sa grupong to!"
Ngumiti lang ako. Tumayo si Mister Francis at ngumiti samen. "I guess it's settled then. You may call me Chief Francis--"
"Chiefy for short." =_____= Sabat ni Rima.
"O-Okay? Bahala kayo. Kenneth.."
"Y-Yes, Mister- I mean Chief?"
"Ikaw ang adviser nila sa field. Ikaw ang leader nila, copy that?"
"R-Roger Chief."
"Rima, Charlie."
O____O Nagulat yata sila.
"Wag kayong papetiks-petiks ha?!" with full authority. Tumango si Charlie habang di naman natinag si Rima sa pagbabasa.
Chief faced Sky. "Welcome to the team, Skyler Abalos. Glad to have you."
Sky rolls his eyes and was about to go out, "Sky! San ka na naman pupunta? Hindi pa tapos ang meeting ahhh!" galit kong tawag.
"Tumawag si Miss Amy. I need to go."
Hindi ko na siya pinigilan. At naupo nalang. Nagtatakang humarap saken si Rima.
"Sino daw? Ano yun, girlfriend niya? Ang professional niya haa." sarcastic niyang sabi.
"No Rima, Miss Amy is Chairman Villena's daughter. Bodyguard din kasi si Sky ni Miss Amy." paliwanag ni Charlie.
"Ahhhh. Okay. Siya na may connection kay Chairman, siya na." sabay subo ng pizza. Walang etiquette pero ewan, ang cute niya nga.
"Let's wrap this up today. Hindi rin naman tayo kumpleto so we'll just schedule another meeting." sabi ni Chief.
"Suuus. May date ka lang eh."
"Will you shut up Rima. It's none of your business!"
"Ayyyyyyyy. Chiefy! Wait!"
"Oh baket?"
"Pwedeng humingi ng day off sa Sunday?" nagpacute pa siya kay Chief eh.
"Ikaw ha? Sinong kadate mo?"
"Si Mikki Chief. Chicks ko! XD"
"Yuck." Hahaha. Mukhang close talaga sila ni Rima.
"Ano Chief? Sige naaaa. Pwamis, hindi po ako magpapasaway pooooo."
Holy shit. She's doing the baby talk. Ang cute cute niyaaa. Kagigil tuloy.
"Okay fine." walang nagawa si Chief. Kahit ako, I wouldn't say no to that. Grabe powers ng baby talk ni Rima ahh.
"Ang cute cute cute cute mo Rima Bear kooooo. *Q*" ayan na, siguro, si Charlie nalang ang manggigigil for me. Di ko kaya eh. Baka sabihin niya ang FC ko. Pero gusto ko talaga siyang kurutin.
"Hehehe. Thank you Chief." sabay sabay kaming naglakad palabas.
"Rima! Sabay ka na samin ni Kenneth?"
"Ahhh. Dadaanan ko pa kasi si Mikki eh, yung best friend ko. Tutal maaga pa naman. ^__^ Next time nalang. Pero salamat haa?"
"Sure ka Rima? Madilim na?"
"Oo nga Rima." pag-aalala namen ni Charlie.
"Hindi sila makakapalag sa kamao ko noh." sabay angat niya ng fist niya. Haha. Ang astigin niya talaga.
"Okay. Pero mag-iingat ka ha. Pwede kong makuha ang number mo?"
"Ah. Okay. ^____^" walang hesitations niya na binigay kay Charlie yung number niya tapos lumabas na siya ng building. Dumiretcho kami ni Charlie sa parking lot.
"Grabe. Ang cute ni Rima noh Kenneth?"
"Crush mo na?"
"Oo naman! Siya na yata ang pinaka-astig na babae na nakilala ko."
"Oo nga eh, ibang klase din."
"Sana lang talaga, mawala na yung pagtatantrums ni Sky, siguro medyo naiinis lang siya sa fact na may babae tayong kateam mate. Diba?"
"Siguro nga." pag-sang ayon ko. But I think there's more than that.
(Skyler's POV)
Villena Mansion 0814 HR
"Miss Amy?"
"Sky! Pasensya na kung naabala kita sa meeting mo haa?"
"Wala po yun. Mas importante ka naman."
Ngumiti siya at nahiya. Wrong term yung nagamit ko.
"Talaga?"
"Oo naman. Pag kailangan mo ko, andito lang ako. It's my job right?"
Ngumiti ulit siya, I think I said the right words this time. Si Miss Amy ay Freshman Psychology Student sa Esburgh. Napaka-petite niya at almost fragile. Sensitive siya masyado so she doesn't like to have friends. Kaya sa school, ako, si Charlie at Kenneth lang ako kinakausap niya.
"Sky. Pwede bang dito ka muna hanggang makatulog ako?"
"Sure Miss Amy."
Masyadong attached saken si Miss Amy. I treat her like my little sister. Kaya ayaw kong nasasaktan siya or nalulungkot. It pains me to see her sober. Kaya I'll do anything para mapasaya siya. She's far different than that Rima.
Mahinhin si Miss Amy and never showed any anger towards other people. Samantalang yung bangs na yun, parang taga-Tondo. Daig pa si Asiong. Yung kilos ni Miss Amy, limited with manner. Siya? Cannot be reach ang manner. Ang takaw pa. Kung lamutakin yung pizza, parang hindi nagbreakfast at lunch. AHHHHHHH! Bat ba iniisip ko ang babaeng yun??
"Sky?"
Get her out of my freaking mind. She's annoying.
"Sky?"
Nakakainis. Sana hindi nalang kami magkasama sa team.
"Sky? Are you okay?"
"H-Huh?" nagulat ako. I was too focused sa mga iniisip ko.
"May nangyari ba?"
"W-Wala Miss Amy. Sorry."
"Ahh. Akala ko may nangyari eh. By the way, diba you're moving to a different apartment downtown? Is it safe?"
Ahhhh. =___= Lumipat ako sa apartment kasi nasira yung condo ko. Inatake ba naman ako ng mga drug dealers nung isang linggo. Ayun, napilitan tuloy akong lumipat sa apartment, papaayos ko muna yun. Daming nasira. Pinalayas kasi ako ng may-ari eh.
"Yes. It's safe Miss Amy. Medyo maliit nga lang but it's fine. The rent is affordable, I won't last long there either so okay na muna na dun ako tumira."
"Good. At least meron." she's nice. Very nice, hindi tulad ng bangs na yun.
(Rima's POV)
Manang Ason's Apartment 1103 HR
Ginabi na ako. Nagpatulong pa kasi si Mikki sa report niya bukas. Walastek na tao yan oh. Nag volunteer siya na magreport tapos di naman pala kaya. Parang ewan lang.
Pagpasok ko ng apartment, buhay yung TV sa sala ni Manang Ason. Ah, baka nagra-routing yun. Hindi kasi siya natutulog hangga't di kumpleto ang tenants niya eh. Ambaet niya noh. At ang bilin niya saken lagi, magpaalam siya saken kung uuwi ako ng gabi para hindi siya naghihintay. Ang alam niya eh may part time ako sa isang convenient store kaya ayun. ^___^
Pag akyat ko sa 3rd floor. Binuklat ko agad yung bag ko para hanapin yung susi ko pero, nung hinahanap ko, biglang may narinig akong kaluskos. Tapos yabag ng paa sa kabilang kwarto.
"Parang may tao?" sabi ko. Dahan dahan kong inilapat ang tenga ko sa dingding ng katapat kong kwarto.
O_______O May tao nga. Magnanakaw? Rapist? Murderer????
Ready na ang kamao ko. Mukhang tapos na siyang magnakaw at palabas ng pinto.
HIYAAAAAAAAAAAAHHH!!!
Naramdaman ko nalang na napigilan niya ang suntok ko.
"Hoy. Bangs. Anong ginagawa mo dito?"
S-Si SPIKEHEAD TO AHHHHHH??? o___O
"Stalker ba kita? Walang ya naman oh. Tinakot mo ko."
Ang yabang. Ang feeling. In his face!
"Rima! Andyan ka na pala." narinig ko yung boses ni Manang Ason. Naku po. Gusto ko ng sapakin tong isang to eh, pag nakita naman ni Manang Ason magagalit yun. Anti-violence siya at ang pagkakakilala niya saken eh, mahinhin na bata. Na medyo bastos. XD De joke lang.
"Teka. K-Kilala niyo po siya Manang Ason??" nakabusangot na siya. At binitawan ang kamao ko.
"Siya ang floor mate mo Skyler. ^_____^"
"WHATTTTTTTTTTTTTTTTTTTTTTTTTTTTT?" sabay naming sabi. Choir lang teh? -__-"
------------------------
Kufufufufufufu. Ang sarap ng maulang panahon. Yay! :)))))
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top