Case 17: Chiefy Reunites with Bloody Court

A/N: Side story na may konting clues. XD Hahahaha. Ang laki kong spoiler. Dapat wala ng otors note. Thank you sa pagiging friendly saken. Sorry late ako magreply ha. Ang topak ng net dito. Parang ako lang. CHAROWT! ^_^

-CC x

Case 17: Chiefy Reunites with Bloody Court

Rima’s POV

Natapos ang sembreak at lahat, nag-enroll ako at bumalik sa totoo at mapanirang buhay ng pagiging college/ part time manunugis ng mga adik na nagawa ng shabu na pang-export pero—

“Wala ka pa ding lovelife?” -___-

“Tseh! Hindi yun ang sasabihin ko, pake ko sa love life? Nakakain ba yun?” eto talagang si Mikki epal. Pasalamat siya namiss ko siya nung sembreak eh.

“Rima, patulan mo na kasi yung pang-bubugaw ko sayo kay Stephen! Ang arte mo! Ang pogi pogi na nga nung tao tapos tatanggihan mo pa! Kapal naman ng kilay mo teh!?!”

“Eh di ikaw ang makipag-date! Dadamay mo pa ako. Letche ka.” Tumayo na ako at kinuha ang bag ko. “Nakita mo na nga’t namomroblema pa sa mga subjects ko kasi yung iba conflict pa eh.”

Narinig ko siyang sumunod, “Eto namang si Rima, hindi na mabiro, ganyan ka na ba talaga? Hindi mo na ako kayang sakyan? Nakakapagtampo ka! =3=”

“Eh kung sapak ang ihampas ko sayo ha?” pinakita ko pa yung kamao ko. “Ikaw pa talaga ang nagtampo haa? Ang kapal ng nguso mo girl!”

“Kesa naman sayo—“

*BLAAAG*

Nakita ko nalang tumalsik si Mikki nung makalingon ako. Napatakbo tuloy ako sa kanya. “Oyy! Mikki—“

“Ouchiiiie..” sabi niya habang nakahawak sa may balakang niya. “Kuya naman kasi ayaw tuma—“

Biglang natigilan tong si Mikki at napatitig lang sa harapan nung lalaki na nakabunggo sa kanya. Nakalahad naman yung palad niya kaya hindi ko alam kung bakit siya napatulala.

“Mikki?” tanong ko habang papalapit sa kanya. Unti unti namang lumingon yung lalaki.

“Sorry ha. Hindi ko kasi nakita tong si Mikki eh. Hi Rima.”

O_____O

Napanganga na lang din ako sa lalaking nasa harap ko.

“L-Liam?”

Ngumiti lang siya sabay tayo naman ni Mikki. “H-hey! Bat ka nandito ha?” hinarangan ako ni Mikki at siya ang nakipag-usap kay Liam.

“Nagtransfer ako dito. Bawal ba?”

“Oo.” Sabi ni Mikki.

I held her hands at pinipilit siyang tumigil na, medyo nakukuha na kasi namin ang attention ng crowd. “Let’s leave him na lang Mikki, ang dami na kasing—“

“No. I won’t leave until I know his reason why he’s here.”

“I’m gonna study here. That’s all. I’m not gonna bother you or Rima.” Sabi niya na medyo pa-cool.

Bigla nalang may lumapit na mga babae sa kanya at may hawak na papel. “Uwaaa. Ikaw si Liam Henson diba? Yung sikat na lead vocalist sa banda ng Luther University!! You transfer here naaa?”

“Omg!”

“Ang pogi niya pala talaga!”

“Anakan mo ako Liam kooooo!” XD

=_______=

“T-teka lang! Wait!” now’s our chance, tumakas na kami sa dami ng nagkukumpulang babae sakanya. Harhar. Buti nalang at pogi siya, at least nakatakas kami. XD

“Dali Rima! Ibang klase yang Liam na yan. Biglang sulpot parang mahiwagang kabute! >_<”

“Sinabi mo pa Mikki.” =____=

***

SKYLER’S POV

FDD Chiefy’s Office. 0723 HR

Ang hectic talaga ng first day of semester. Buti nung high school isang beses lang, eh pag college ka dalawa ang kelangan mong bunuin. Hectic siya kasi yung mga kikay sa school parang hindi nagkita ng ilang libong taon, eh halos 3 weeks lang naman. Yung mga late enrollees na humahabol sa first day na parang nagmamarathon lang. Tapos hindi din mawawala ang mga nakakaumay na prof.

Sawa na ako sa buhay ko, okay. =___=

“Grabe yung klase ko sa Hygiene. Terror prof. Uwaaa.” Reklamo ni Charlie pagkadating niya ng office. Nilapag niya yung bag niya sabay higa sa sofa.

“Sinabi mo pa. Bat nakakapagod ang first day sa Esburgh noh?” sang-ayon ni Kenneth. Mas nauna siya saken na dumating dito.

“Si Carleen kumusta na, haa Kenneth?” –Charlie

“Busy. First day din sa Gilmore eh. Riot nga ata dun, lumipat kasi yung sikat na gitarista tsaka vocalist ng Luther University eh. Kaya nangailangan ng crowd control.”

“Aba, natalo yung stampede na ginawa mo nung pumunta ka dun, ha Kenneth? Malupet nga yan.”

“Tumahimik ka nga Charlie.” =3=

Natawa ako sa sagot ni Kenneth, parang gusto niya siya lang ang nakakagawa nun sa Gilmore haa.

*clak*

“RIMA BEAAAAAAR!” pumasok si Rima sa office.

“Hello!” umupo siya sa sofa katabi ni Charlie. “Kumusta first day mo?” tanong niya kay Charlie.

“Magulo. Maingay.” =3=

“Hahaha. Parehas pala tayo.” Sabay pa silang nagbuntong-hininga. At sabay na humalumbaba sa table.

Halos 20 minutes din kaming nag-antay kay Chief, at sa wakas, dumating din siya. =_=

“Sorry late ako. May inasikaso lang.” sabi niya.

“Inasikaso? Baka nanchicks ka lang sa may Recto eh.” =3=

Walang habas talaga kung sumagot tong si Rima kay Chief. Buti nalang at sanay na din siya, no traces of respect pre. Hay. Tsk.

Umupo na siya at medyo ilang kami sa meeting na toh since parang ang tagal naming hindi nagkita-kita. Siguro dahil narin sa sembreak.

*crickets*

*crickets*

“Uhh. Chiefy? May sasabihin ka ba?” Charlie break the ice. Walang nagsasalita samin.

“Ay nako. Medyo awkward lang kasi. Magkwento naman kayo tungkol sa sembreak niyo?! Balita ko eh may nahuli daw kayong grupo sa Batangas. Ang galing galing talaga ng mga baby kooooo!”

=________=

*crickets.mp3*

“Pwede ba Chiefy, we have no time for this. Oo, may balita ako, nakababa na buhok ni Skyler, aside from that, wala ng bago!” galit na sabi ni Rima—Wait? Bat nakasama ang buhok ko dito?

“Hoy Bangs! Anong pake mo sa buhok ko ha?” binaba ko na pala yung buhok ko. Yun kasi ang sabi saken ni Mama eh. Tsaka mas okay na din toh, hassle pa sa gel. =_=

“Parang Justin Bieber na kasi buhok mo.” =_=

“HAHAHAHA! Ganyan minsan ang buhok ni Skyler Rima. Lagi lang talaga siyang stressed tapos sinasabunutan niya yung buhok niya hanggang sa umangat.” Paliwanag ni Charlie. Medyo gets ko na.

Nakarinig ako ng sumisigaw na babae sa labas kaya natahimik silang lahat sa pang-aasar sa buhok ko.

“Papasukin niyo ako!!”

“Pasensya na Maam! Bawal ho—“

*BLAAAAG*

O______O

Sinipa ng isang babae ang pinto ng office para buksan. Wow. May pagka-war freak ata toh. Napatayo naman si Chief mula sa pacool niyang upo kanina.

“Sarmiento?”

“HOY! PEREZ! HALIKA NGA DITO!!”

O___O

“Ano bay un ha--- ACCCCKKKK!”

X___X

Whoa. Direct to the balls. O___O

Napaluhod nalang si Chief sa ginawa nung babae. Ikaw ba naman sipain ka dun hindi ko alam kung mapapaluhod o mahihimatay ako. -_-

“HEY! Sino ka ba ha? Stop hurting CHIEFY!! > 3 <” sabi ni Charlie. Okay, kung ako ang tatanungin, mananahimik na lang ako, mamaya sipain din ako niyan eh.

Lumingon lang yung babae at tumingin kay Charlie ng masama, si Charlie? Ayun, nagtago sa likod ng sofa.

(/o\)”

Nagulat ako ng biglang tumayo si Rima. Nakita kong kumalma ng konti yung babae. Dahan-dahang lumapit si Rima sa kanya at pinatong ang dalawang kamay sa balikat.

“NICE KICK MISS COURT!!! XD” *____*

“Op cors Rima!”

( ^O^)/*\(^w^ )

O______O

Nag-apir pa silang dalawa? What the fudge is going on?!

“Yan ba yung Muay Thai na sinasabi mo saken nun Miss Court, haa?” excited na tanong ni Rima.

“Yup. Gusto mo turuan kita?”

“Oh sureeeeee!” XD

“HOY! SARMIENTO! WHAT THE @#&% IS WRONG WITH YOUUUU!!!?” nakarecover na si Chief. Iika-ika nga lang maglakad.

Humarap yung babae at nakataas pa ang kilay. “May kasalanan ka saken!” sagot niya.

“So you really need to kick my balls for that? Huh?!” galit na reklamo ni Chief.

“Well, I really wanna try that move to you a long time ago. Naghihintay lang ako ng dahilan. And yes, you deserve that kick.”

WHOA. ANG COOL.

“Why youuuu—“

Susugurin na sana siya ni Chief buti nalang nahawakan ni Rima, tinulungan na din namin kasi ayaw magpaawat.

***

Matapos makarecover si Chief mula sa insidente kanina, at ng mahimasmasan na yung babae, umupo na ang lahat sa long table para sa discussion. Nagtataka lang ako kung bat kasama ang nakakatakot at naninipang babaeng toh.

“By the way, she’s Miss Courtney Sarmiento. Also a Chief Inspector and an Adviser of FDD, yun nga lang, sa information department siya naka-assign.”

“Anong pinagkaiba nun Chief?” tanong ni Charlie habang nakataas ang kamay.

“Spelling perhaps.” =_=

“Lameeeeee.”

“Hindi ka nakakatawa Perez, ako nalang ang sasagot.” Sabi ni Miss Courtney. “Call me Miss Court dahil yun na din ang tawag saken ni Rima eh.  I work here as an information broker.”

“NEHHH! AWESOME! Para ka palang si Izaya!?!” Charlie exclaimed.

(A/N: Izaya Orihara is a character from the anime Durarara! I’m a fan of that show! XD Watch it guys! –CC)

“So shall we start?” tanong ni Chief.

And we all nodded.

***

Tumayo si Miss Court sa unahan at nilapag ang folders. “Ovan was spotted.”

3 words.

“WHAT?”

“SPOTTED?”

Biglang nag-panic kami sa sinabi ni Miss Court. Pero mas nagtaka ako—

“Kilala mo si OVAN?” lahat kami magkakaharap habang tinatanong sa bawat isa yun.

Rima sighed. “Well, siguro nga. Diba wanted siya.” =_= May point siya dun.

Si Ovan lang naman ang pinakamatinik sa lahat ng matinik na kaaway ng FDD. I think FDD existed because of Ovan. Hindi ko alam pero magpaka-palos talaga yun eh.

“Skyler, have you encountered Ovan?” nagulat ako ng bigla akong tanungin ni Miss Court.

“Y-yes. While I’m on a surveillance. Isa siya sa mga traders na nandun. Mabilis din siyang nakatapos ng magsimula yung raid.” Sagot ko.

“Ikaw Charlie?”

“Hindi pa. I’m not assigned to any solo missions before.” Nag-sad face pa siya.

“Well, si Rima already encountered Ovan and Kenneth too.” Sabi ni Chief.

Natatawa pa si Miss Court. “I remembered nakausap pa ni Rima yun, at sinusubukan pa siyang i-take home! Hahahahaha!” sabi niya.

>//////<

“Shut up Miss Court!!” namumulang sabi ni Rima.

“Okay, let’s continue this.” Aba, ang KJ ni Chief ngayon ah.

“Tss.” Tinignan niya ng masama si Chief. “Okay, as I was saying, Ovan was spotted by a team of spies when they were on a mission in Bulacan just a week ago.”

“He’s back in business?” tanong ni Kenneth. Fyi, arch nemesis ni Kenneth si Ovan. Seryoso siya na gusto niyang bumawi dito. Nademote kasi siya ng isang ranggo matapos siyang matakasan ni Ovan noon.

“Until now, walang makapagsabi kung anong balak niya.” She said those words in a very depressing tone. Na para bang pagod na pagod na siya kakahuli sa kanya.

“Ikaw ba ang inassign ni Chairman Villena sa case ni Ovan?” tanong ko sa kanya.

She nodded.

“But, I have one itsy bitsy problem…”

“Ano naman yun?” tanong ko ulet.

“I need his help.” Sabay turo kay Chief.

O___O

“EH? AKO?” nagulat pa yata siya.

“Oo. Ikaw nga Perez. Nainis kasi ako kanina. I was desperate to accept this mission, yun nga lang kelangan ko ng ka-tandem. Sa sobrang inis ko dahil wala akong malapitan kundi ikaw… na-Muay Thai tuloy kita ng wala sa oras. Well, actually may konting Mix Martial Arts pa yu—“

“Wait? Are you serious? AKO? Don’t you think Galvin is more suitable. Tutal crush mo naman siya?”

O____O

>///////<

*hampas hampas hampas*

“H-Hey!! ACCKK! Stop it you monster!!” pilit na iniilagan ni Chief yung mga suntok ni Miss Court na namumula ang mukha.

“How dare you say that! Sa harap pa nilaaaaaa! >///<” *hampas 100x*

“Okay fine! Sorry na! Hahaha!” ang lakas mang-trip neto ni Chief eh.

Kilala ko yung tinutukoy ni Chief.  Yun yung isa sa mga sikat na lawyer ng FDD. Galvin Contreras yata yun. Ayy.. Atty. Galvin Contreras pala.

“Sa iba nalang ako maghahanap!” tumalikod na siya pero hinawakan ni Chief ang kamay niya. At ibinalik sa pagkakaharap sa kanya.

“I’ll work with you, if…”

Nagpout pa siya, “IF WHAT?”

“Libre mo ako ng dinner tonight?”

=_______=

“DUMADAMOVES KA CHIEFY HAA.” Pang-aasar ni Charlie.

“Ayiiieeeee.” Idagdag mo pa si Kenneth.

“Hoy! Ang kapal ng mukha mo ha! Wala na bang ibang choices dyan? Ayokong kasabay ka sa dinner. Nakakawalang gana.” =3=

“Okay. Maghanap ka ng ka-tandem mo ng MAS GWAPO AT MATIPUNO kesa saken. Ewan ko nalang kung may mahanap ka!” sabay bitaw ng kamay ni Miss Court. HAHAHA.

“S-sige na ngaaaa! Payag na ako! Wala namang masama eh! SIGE NA PAYAG NA!”

Napangiti nalang si Chief, “Okay then, it’s settled.” He gets his things, yung folder na nasa lamesa and his car keys. “Una na kami mga babies ko, be good okay?” sabay kindat.

“Sure thing Chief. Enjoy the night!” sabi ni Kenneth.

“Have fun!” –Charlie

Hinila naman agad ni Chief si Miss Court palabas ng office. Sa mukha palang ni Miss Court, halatang napipilitan lang siya. XD

***

MY CAR. 0837 HR

Pansin niyo? Ang tahimik ni Rima noh? Ano na naman bang problema ng babaeng toh? Hindi naman na siya nakulong sa kung saang cabinet ah. =_= WOMEN.

“Hoy. Natatae ka ba?” ay potek. Nahawa na ako sa kanya. Dati, I never say “TAE” to anyone. Tss.

“Hindi naman. Bat mo natanong?”

“Ang tahimik mo kasi.”

“Alam mo, ang indications pag natatae kay ay yung pinagpapawisan ka at hindi mapakali. Do I look any of those to you?”

I sighed. “Okay fine. Sorry. I was just—“

“Eh? Nagsorry ka? Ng ganun kabilis? O__O”

Nagulat din ako dun. Naapakan ko tuloy yung brakes.

*screeeeecccch*

O_____O

“A-anong problema mo?” tanong niya saken na medyo shocked sa biglang pagpreno ko.

Ang bilis ko ng mag-sorry sa kanya ah. This is new.

“W-wala. Akala ko may kotse sa unahan.” Palusot ko, sabay pinaandar na ulit yung kotse. “Pero hindi nga, may problema ka ba, haa Bangs?” pagbabalik ko ng topic sa kanya.

“Problema?”

“Ang tahimik mo bigla sa meeting.”

“Ah yun ba. May iniisip lang ako.” Sabi niya. “Gusto mong malaman?” nang-aasar pa yung ngiti niya eh.

Lumingon lang ako saglit nun para irapan siya, nagdadrive kasi ako. “Ha. Puro hangin naman yang utak mo eh.” =_=

“Hindi kaya. Tungkol yun kay Ovan!”

Nagka-interes naman ako, “Kay Ovan? Anong meron kay Ovan?”

“I’m just wondering, there are similarities kasi yung previous cases natin. You’d like to guess what it is?” aba, at gusto pa atang mag-pinoy henyo kami dito. =_=

“No thanks. Just spill it out. Dami mo pang alam.”

“Ang boring mo talagang tao.” Ang haba na naman ng nguso. Haha. “Okay fine, hindi ba puro re-organized group ang mga nahuhuli natin?”

“Coincidental perhaps.” Sabi ko habang naka-focus parin sa daan.

“Eh yung tipong wala namang nagiging flaws sa plano pero natitimbrehan agad ng grupo na may surveillance?” pangangatwiran niya ulet.

“Anong connect dun sa un among sinabi? At lalong lalo na.. kay OVAN?” =_=

“Ganito kasi yan. What if, Ovan’s planning something. Re-organizing prior syndicates that were slaughtered by other Anti-Drug Forces. Tapos what if someone’s leaking surveillance schedules and information INSIDE FDD.” Yung mga mata niya, namimilog. -___-

“PURO KA WHAT IF’S.”

“Oh well, at least ako nag-iisip ng pwedeng mangyari.” Humarap na ulit siya at nagcross arms. “Daan tayong Mcdo. Gutom na akooooo.” =3=

*sigh*

“Ayaw mong mag-diet?”

“I don’t need your suggestion! XD”

“Libre mo nalang ako. Tutal para mo na akong driver eh.” =_= Bat nga baa ko napayag?

“Wala akong pera. Mahirap ako. Ikaw nga dyan ang mayaman eh. Kutusan kita dyan eh.”

“Ililibre mo ako o hindi?”

(/ =3=)/ “

“You’re being so unfair to me!”

=_______=

Bat ko nga ba kasama tong bwisit na toh? Ugh.

***

Chief’s POV

A VERY EXPENSIVE RESTAURANT. 0912 HR

Naks. Thank you naman sa author at nagka-POV din. XD Kasama ko nga pala tong si Courtney. Niyaya ko siyang mag-dinner kapalit lang yung pagtulong ko sa kanya sa case na binigay sa kanya ni Chairman Villena.

“Ayaw mo na bang umorder ng dessert mo?” tanong ko sa kanya.

“Wag na. Ikaw nalang para konti nalang ang babayaran ko. Nahiya naman ako sa pag-alok mo Perez.” Sarcastic niyang sabi. Natutuwa talaga akong asarin ang babaeng toh.

“Okay.” Tapos sinubo ko yung mango pudding ko. Ang sarap eh. “Ayaw mo talaga?”

“Oo nga.” =_=

“So, how are you and Galvin? Still dating?” bat ko nga ba natanong yun?

“We’re not dating, you moron.”

“Bat nakita ko kayo nun sa mall?” I saw them once, bago yata ang sembreak ng mga bagets. They were strolling I guess.

“Sinamahan niya lang ako, kelangan ko kasi ng adviser sa gagawing transactions nun sa isa kong case. I don’t want to get myself into trouble again. Tulad nung dati.”

Natawa ako, magreminisce ba? Hahaha.

“Why are you bluffing?” nahuli niya yata ako.

“May naalala lang.”

“Stop giggling!” >////< She’s blushing. Hahaha. I can’t help it.

“Sorry! Well, it’s okay to have some epic fail moments sometimes.”

“Shut up!!” >3<

Nung mga rookies pa din kami tulad nila Rima, nabiktima siya ng salisi gang. Hindi lang yun, muntik na din siyang makasuhan ng libel case dahil may mga pinirmahan siyang kontrata sa isang tao na hindi niya kakilala. Dati kasi, may pagka-engot ang babaeng toh. Nagtaka nga ako kung bat toh nakagraduate eh. XD Hahaha. De joke lang, minsan lang talaga may pagka-gullible siya.

Dahil dun, napagalitan siya ng Tito niya. Guess who? None other than, Chairman Villena. Yung nanay ni Courtney, kapatid si Chairman Villena.

“So you think, Galvin is worthy of your trust?”

“O-oo naman. He’s very professional.” WEH? Kwento mo sa pagong. Tss. Nawalan na ako ng gana.

=______=

“Tara na nga!” I raised my hand as I call for our bill. Got my wallet and paid it, with some tip of course.

“T-teka, wait. Diba sabi mo—“

“It’s not my habit to let the girl pay my dinner. Alam mo naman yun diba?” tumayo na ako at hinila yung upuan niya para makatayo na din siya.

“T-thanks.”

“Sasabay ka ba?” tanong ko.

“Courtney?” may tumawag sa likod ko.

“G-Galvin?” nang lumingon ako, aba. Speaking of the white devil.

“What are you two doing here?” tanong niya.

“We’re—“

“DATING.” Pagtapos ko sa sasabihin niya, na may kasamang akbay.

Nagulat yata siya dun. “Oh, that’s.. cool.” Ano ka ngayon? “Well, I’ll go ahead. See you around Courtney.” Sabay alis niya naman.

I was at the middle of staring at Galvin while he’s walking away ng biglang…

*METTA WORLDPEACE MOVEEEEE*

“Acccck!!! XoX—What was that for, huh???” Wtf? Siniko niya talaga ako??!

“What’s wrong with your stupid head? HUH? Anong dating?!?!” galit na galit na siya. Uh-oh. O_O

“Relax Court, nasa resto parin tayo.” I said calmly. While dragging her out.

“Anong relax mo mukha mo!???!” she removed my hands na nakakapit sa braso niya at naglakad mag-isa palabas ng mall.

 Hinabol ko siya hanggang sa labas pero nakasakay agad siya ng taxi.

We’re not dating daw. Sus. Tapos kung makapagmaktol sa ginawa ko, parang nagtaksil sa asawa niya eh. =____= Baliw lang ang babaeng hindi natutuwa pag sinabi kong nagdedate kami noh. Tch.

----------------------------------------

UD NAAAAAA! Hohoho. MISS COURTNEY AT CHIEFY SA GILID. XD BEGEY? XDXDXD

VOTE FAN COMMENT LIKE SHARE TWEET BOOM! XD

CC & RPL ™ ♥

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top