Case 14: Operation: Kiss and Make Up!

Case 14: Operation: Kiss and Make Up!

Charlie’s POV

Ang tahimik ng buhay pag sem break. Parang walang thrill eh. Tama kayo ng basa, SEM BREAK namin. Pagkatapos kasi ng magulong Campus Fair, a week after tapos na ang sem. Kaya hindi ko na alam ang nangyari kina Rima at Skyler.

Buhay pa kaya si Skyler? I mean, kung nakita niyo yung reaction ni Rima sa ginawa ni Skyler kay Stephen, I thought I was looking at a different person. Ibang-iba ang aura ni Rima Bear, she’s more of like yung grizzly bear. Not cuddly at all. I tried calling her and even texting pero hindi siya nagrereply.

Si Skyler naman, ang alam ko pag sem break kasi, umaalis ng bansa si Miss Amy kasama yung daddy at mommy niya. Kaya bakasyon talaga si Sky. Madalas siyang nagbabakasyon sa bahay ng Mama niya at kapatid sa Batangas.

“Charlie!”

“Eh?!” O_O

“Oh? Bat parang gulat ka dyan? 1 week lang tayong di nagkita hindi ka na naman sanay sa mga gwapo.”

=______=

“Ang yabang yabang mo naman Kenneth, nagka-girlfriend ka lang eh. Sige, iwanan mo akong mag-isa. Dun ka na sa GF mo!” tumalikod ako. Ano bang ginagawa ng lalaking toh sa bahay namin. “Sinong nagpapasok sayo dito?”

“Si Ate Tina. Yung maid niyo. Naglilinis siya sa pool, sabi niya pumasok na daw ako.”

“Si Ate talaga. Parang siya may-ari eh.” Hinarap ko na siya ng nakasimangot. “Oh anong ginagawa mo dito?”

“Ang taray mo noh? Naiinip lang ako sa bahay. Nasa leadership training kasi yung mahal ko kaya bored na bored ako.” Tignan mo toh, second choice ako! >3<

“GANYAN KA NAMAN! NAAALALA MO LANG AKO PAG MAY KAILANGAN.” =_=

“Ang drama mo! Joke lang noh.” binatukan niya ako sabay may pinatong na folder sa table. “Yan ang pinunta ko.” Sabay turo sa folder.

“Don’t tell me—“

“Yep. We’re back in business my friend.”

“Stop calling me friend! FO na tayo!”

O_o

“FO? What’s FO?”

“FRIENDSHIP OVERRRRR!”

“Pssh. Gay.” =_=

****

Pinaliwanag sakin ni Kenneth ang tungkol sa mission, undercover ulit na may surveillance kaya lang out-of-town daw para nga hindi nakakaumay tutal walang pasok. Parang bakasyon na din.

“T-teka… pano sila Rima tsaka si Skyler, diba nasa Batangas siya?”

He smirked at me at may kindat pang kasama, hindi ako kinilig (konti lang, hihi! Joke! XD) kaya naman nagtaka ako, “I’ve got that covered for you.”

“Covered? Napagbati mo sila?”

“Nope. PAGBABATIIN NATIN SILA.” ^___^

“HaaaaaAAaa?” O__O

Wala siyang sinabi at dumiretcho sa labas, napasunod naman ako. Nagdrive kami hanggang sa apartment nila—

“WHAT THE HOMAYGAD.” O__O “Why are we here?”

“Basta, whatever happens, you’ll not tell kung nasan si Skyler pagtinanong siya ni Rima, okay?” nagugulahan man, dumiretcho na ako sa loob ng apartment. Kinakabahan ako na nawiwiwi eh. Baka kasi galit parin si Rima.

Pagbukas ng pinto.

“Oh? Anong ginagawa niyo dito?” kahit ganun ang pagkakasabi niya, wala akong pake, ikaw ba naman, makita mo ang crush mong bagong gising na gulo-gulo ang buhok na sobrang cute talaga. *_*

Wala na ako sa sarili kaya nayakap ko siya, sobrang gigil. XD

“Chacha! >o<”

“Pasensya naaaaa. Hangkyut kyut mo kasi eh. May pagpunas ka pa ng mata *kuroooot* ang kyoooot!”

Natatawa nalang tong si Kenneth kasi ako pa yung nangungunang takot kanina sabay yakap ko naman eh. Namiss ko si Rima Bear. SOBRA. >O<

“Bat yata kayo napasugod dito?” nakapasok na kami sa loob ng kwarto niya, nakita ko na toh before nung nag-mission briefing kami, and it feels like home. ^_^

“May tinanggap akong case, out-of-town.” Sagot ni Kenneth.

“Pano yung bwiset na Skyler na yon?” *gulp*

“He’ll come. Well, if that’s okay with you?”

(wait for it…)

“Ah ganun ba, okay.”

O____O

“Bat hindi ka man lang nagreact? *yugyog balikat*”

“Hahaha. Bitawan mo ako, may kiliti ako dyan!!! >U<” nagulat ako ng bigla siyang tumawa, na parang walang nangyaring away nun.

Tumayo naman si Kenneth, “Then it’s settled. Susunduin kita mamayang gabi. Mga 2-3 days lang naman tayo dun. Okay ba?” Wait, hindi ba siya nagulat sa reaction ni Rima Bear?? O_O

“Okay.”

Whoa. Walang palag, what’s wrong with her?

“Tara na Charlie, magiimpake ka rin diba?” hinila na ako ni Kenneth hanggang sa makalabas na kami ng apartment.

“B-Bat ganun—“

“Kilala ko na ang ugali ni Rima. Hindi siya yung tipo ng babae na nagagalit ng matagal. Hindi siya nagtatanim ng sama ng loob and not having grudge on other people especially sa mga naka-away niya.”

O___O

“Y-you know her that well, huh?”

Kenneth nodded.

****

Manang Ason’s Apartment. 0823 HR

“Ready ka na Rima?” tanong sakanya ni Kenneth habang nilalagay yung mga bags namin sa compartment. Parang naeexcite ako, magbabakasyon ako kasama si Rima Bear. *_* Nothing to wish for.

“Yep. Pano si Skyler? Diba sabi niyo nasa bakasyon yun?”

“Don’t worry, he’s there.” Wala ng ibang sinabi si Kenneth puro nalang ‘he’s there’ or ‘he’ll come’. Dami dami pang nalalaman eh. Ano bang plano nitong isang toh?

“Hey! Kenneth, alam ba ni Skyler ang pupuntahan nat—wait, saan nga ba tayo pupunta?” oo nga noh, sabi niya lang out-of-town, pero saan?

“Batangas.” He flashed that wide smile.

“Oh no, dude. Don’t tell me—“

“Saan sa Batangas Kenneth?” –Rima.

“ANILAO to be exact. I know one place na pwede tayong mag-stay.” OH NOES. O__O

RIMA’S POV

Mahaba din pala ang biyahe papuntang Batangas. Pero ayos lang, makakapag-unwind na din, after a stressful semester. Plano ko talaga toh kaya lang hindi ako makaalis dahil sa spy thingy. On call lagi kaya dapat nasa Manila lang. Pero mismong trabaho ko na ang nagrequest nito, so why would I decline right?

Malayo rin pala ang Anilao. Mga 3-4 hours drive eh ang dami pa naming stop overs kasi bumili pa kami tapos ihi ng ihi tong si Charlie.

Mga hatinggabi na kami nakarating.

O_________O

“Hoy, Rima. Tara.” Yaya sakin ni Kenneth, pagbaba kasi ng kotse… bahay ay hinde, MANSYON. Mansion lang naman toh. Nakakawala ng panga toh pre.

“Hahaha. Rima. Tara na, maganda dito.” Dagdag pa ni Charlie.

“S-sainyo ba tong bahay? Hanglaki laki! + O +”

“Hindi toh samin Rima.” Nagtaka ako sa sinabi ni Kenneth. Nung nakarating na kami sa gate, may nagbukas nito, pero isang maliit ng babae.

“M-multo?” O___O

“What?” nakapamewang yung bata. “What did you just address me a while ago?”

“Multo.” Eh totoo naman eh, nakawhite kasi siyang dress. Ang laki laki ng mansion na toh pero puro ata maliliit nakatira.

“He’s being mean to me Kuya Kenneth!” nagpout siya. “Who is she?” lumapit siya kay Kenneth at tinignan ako from head to toe.

“Friend namin, her name is Rima.” EH? Kilala siya ni Ken? O_O

“Ah ikaw pala si Rima. Well, come in. Like what you instructed me, walang kaalam-alam si Skyler na nandito kayo.”

O________O

“D-don’t te-tell me—“

“Yes Rima. Bahay toh nila Skyler. Kaya you don’t need to worry kung sasama siya saten.” *annoying smile*

Ang laking troll pala nitong si Kenneth sa buhay ko, itago ba naman saken ang fact na yun? How dare he! Asdfghjkl.

“Sorry Rima. Sabi kasi ni Kenneth wag sabihin.” Sabi ni Charlie na halatang takot.

“Tara na Rima.” ^____^V

“CHE!” naglakad na ako papasok at sinundan yung bata. Badtrip na ako. =_=

Papasok palang ako ng lalo akong napatingala sa loob ng bahay. Ginto ba ang bahay nila? Ang OA naman. Parang hotel ang peg, may dalawang magkasalubong na staircase pa na parang bahay ng mga royal blood eh. >.<

“Natutulog na si Skyler. Siguro bukas niya na kayo makikita.” Humarap siya saken and she reach her hands, “By the way, my name is Nancy. Nana for short.” Ang cute niya sana kaya lang parang mas mature pa siyang magsalita saken, and the way she speaks, may authority.

Naghandshake kami, and I can feel the professionalism, siguro unano toh, tancha ko talaga unano toh eh. Maliit lang pero mga 47 years old na. =_=

“Ah, Nana.. ano.. ilang taon ka na?”

“9 years old.” Ang taray. =o=

“Alam mo ba Rima, she knows how to speak 7 different languages.” –Charlie.

“True enough. I can speak Mandarin, Japanese, Hangul, German, Italian, Spanish and French. Bukod pa dun and English at Filipino.” O_O

“Ikaw na.” sabi ko ng naka-straight face.

Namula siya bigla at halatang na-offend sa sagot ko. “Hmp!”

Ano ba ang tamang gawin? Purihin ko siya. -____- Ayoko sa mga show off, kahit bata o matanda.

“I hate that girl! AHHHHHHH!!! >_<” sigaw ni Nancy.

“Nancy! Bat ka ba nasigaw dyan?” nagulat kaming lahat tsaka lumingon, pagtingin ko, pababa si Skyler sa malapalasyong staircase. Kahit siya nanlaki ang mata ng makita kami. Oo nga pala, wala siyang alam. Parehas kaming biktima dito. =_=

“Oh hello there my big brother, your friends are here. And they brought this annoying girl with them.” Sabay tingin sakin at irap. ABA! Little girl version lang ni Skyler. MAGKAPATID NGA SILA. Tch. =_=

Nakatigil lang si Skyler sa hagdan habang gulat na gulat. Kami naman, nakatingala. Ang taas kasi ng staircase eh. Parang reyna daw siya na bababa sa palasyo. =_=

“T-teka… bat kayo nandito?” sa wakas.

“May kinuha akong case. Surveillance job dito sa inyo. Kaya naisip ko na imbis na mag-hotel eh mag-stay nalang kami dito. Pumayag naman si Nana.” ^___^ - Kenneth.

Tumingin ng masama si Sky sa kapatid niya. At hindi nagpatalo yung isa, sinamaan din ng tingin si Skyler.

# >___>  *  <__< #

“What are you looking at, huh?” – Nana.

“Why didn’t you tell me about this? Huh?” sumisigaw siya kasi ayaw niya pang bumababa sa hagdan. Pahirap sa buhay. *sigh*

Nakapamewang na naman tong si Nana, “Eh bakit? Nagtanong ka ba?”

Namula na yung maputing mukha ni Skyler at mabilis na bumaba ng hagdan. Hinila niya si Nana palayo samin. Pero ayaw paawat ni Nana at sinusuntok si Skyler.

“Don’t touch me! Kadiri ka! Go away!!! >.<”

“Mag-uusap tayo ngayon!” binuhat na niya ang kapatid niya na nagpupumiglas parin. Pero dahil 9 years old lang siya at medyo may muscles ang kuya niya eh hindi niya nagawang makaalis. Pinanuod lang namin sila hanggang sa hindi na namin sila marinig.

“Oh well, may katulong naman dito. Miss Rea!” sigaw ni Kenneth. At biglang lumabas ang isang cute na babae mula sa isang sulok ng bahay este mansion pala. Naka-maid uniform pa siya.

“Welcome back Master Kenneth, Master Charlie.” Sabay bow. Wow, MASTER. O_O

“Yung dalawa eh medyo busy pa sa pag-aaway. San ba kami pwedeng matulog?” wow, feel at home si Kenneth dito.

“Tsaka pwede po bang kumain?” – Charlie

“Ah. Opo, Young Master Kenneth, sasamahan po kayo ni Marie sa mga kwarto niyo. Si Biggs na rin po ang bahala sa mga gamit niyo. Master Charlie, sumunod po kayo sakin, nagpahanda ang Young Lady ng makakain niyo.” O__O

“Tara Rima! Kain tayo.” Yaya saken ni Charlie. “Masarap pagkain dito kina Skyler. May sarili silang Chef sa bahay. Hihihi.” XD

“H-hindi ba nakakahiya?”

“Don’t be Rima. Ayos lang yan kay Skyler.” ;) –Kenneth

Nagpalingon lingon pa ako sa paligid ko, grabe. Ang yaman pala ng bugok na yon? =_=

***

ABALOS RESTHOUSE. 0523 HR

Hindi ako masyadong nakatulog, hindi ako sanay ng hindi kama ko sa apartment ang tinutulugan. Water bed yata yung kama dito eh. Bawat galaw ko may bounce. =_= Nakakahilo. Parang laging naalon. Tch.

Maglalakad pa sana ako sa labas ng makita ko si Nana sa may hallway. Bat parang nakauniform siya?

“Nana.”

Lumingon siya sabay simangot saken. “What are you doing?”

?___? Huh? Ano daw?

“Uhh. Tinatawag ka?”

Hinimas niya ang noo niya, wow huh. Sorry na kung low gets ako. Hindi ko maintindihan yung tanong niya eh. =_=

“What I mean to say was, what are you doing here? Aren’t you supposed to be in bed? Puyat ka kagabi right? Or talagang konting oras ka lang talaga matulog?”

“Ahh. Sorry na ha. Di ako sanay na matulog sa ibang kama. Gusto ko sa kama ko lang.” ^__^

“Childish.” =_= Kahit konting oras ko palang siya nakakasama, nasanay na ako. Siguro kasi parang si Skyler lang din siya.

“Alam mo, magkaugali kayo ng Kuya mo.”

“Don’t compare me to that guy. I’m not a brat.” *cross arms*

“Siguro nga hindi ka brat pero masungit ka naman.”

“No I’m not masungit. Hindi mo pa ako kilalang masyado kaya ganyan ang tingin mo saken!” *pouts*

“Sus. Anong ginagawa mo ngayon saken? Diba pagsusungit yan?!”

“Hmp!” Hahaha. Talo. XD

“Ikaw talaga!” I pat her on the head. “Okay lang kahit ganyan ugali mo. Tanggap ko yan.”

Napalingon siya saken. Mukhang nagulat siya sa sinabi ko.

“Para kang nanay magsalita.” =_=

“Nilalait mo ako?”

“Hindi ba halata?” *taas kilay ; cross arms*

“Speaking of nanay, asan ang Mama at Papa niyo?”

“My mom’s in US. Wala akong daddy.” Malamig niyang sagot. “Sabi ni Skyler, he left us for another woman.”

Nasaktan ako sa sinabi niya. Yung tono ng boses ni Nana, parang galit. Ramdam ko ang galit niya sa Papa niya.

“So you’re lucky. At least ikaw may—“

“Wala na akong parents.

They died in a car accident when I was 12 years old.”

***

SKYLER’S POV

I don’t know if aalis ba ako sa kinatatayuan ko or hindi. Kakagaling ko lang sa labas. Habit ko na kasi toh na magjogging. Pero napatigil ako ng marinig kong nag-uusap si Nana at Rima. Nana is the kind of girl na mahirap pakisamahan. She gets what she wants, do what she wants and would always speak out what she thinks. Napahaba ang usapan nila Rima na pati ako, napa-eavesdrop.

“So you’re lucky. At least ikaw may—“

“Wala na akong parents.

They died in a car accident when I was 12 years old.”

Pero nung marinig ko yun, napatigil ako at napaisip. Galit kami ni Nana kay Daddy dahil nga iniwan niya kami. I was devastated that time. Until now, I have to admit na hindi ko pa napapatawad ang Daddy. I don’t want to see him. Pero si Rima, nawala ang Mommy at Daddy niya. At hindi yun halata sa personality niya.

“I-I’m sorry Rima.” –Nana

“No it’s okay. Be thankful na you have your mom with you. At nandyan din si Skyler diba?”

“I guess you’re right.” ^___^

Lumingon ako to see them, it shocked me to death. Niyakap lang naman ni Nana si Rima. O_O

“Alam mo, ngayon ko lang narealize you’re not that bad. Kaya ka siguro naging kaibigan nila Kenneth, Charlie at ng Kuya ko.”

*FLASHBACK*

“S-See, not that bad right? Mas magaan sa loob.”

“Oo nga.” Tumawa pa siya, pero may tumulong luha sa mga mata niya. That strucked me. Kinilabutan ako. Ayaw ko siyang nakikitang umiiyak pero.. “Madali lang sabihin sayo yun Skyler. Pero alam mo kung anong mahirap para saken?

Yun yung ma-disappoint mo ako ulit. Na akala ko nagbago na ang Skyler Abalos na nakilala ko. I thought being unethical and greedy and rude wasn’t in your book anymore. NA KAIBIGAN NA KITA. Pero sa panghuhusga mo samin ni Stephen and how you act kanina, I was so disappointed.”

*END OF FLASHBACK*

Kaibigan ko si Rima?

Ewan. Friendships are a girl thing.

Nasaktan ko siya. Nadisappoint. Kasalanan ko, pero yung phrase na ‘KAIBIGAN NA KITA’, ginulo niya ako at ginugulo ako until now.

“Hindi naman ako kaibigan ng Kuya mo eh.” Narinig kong sumagot si Rima.

“Eh? So hindi mo siya kakilala?”

“Kilala ko siya. Kaya nga kaya ko kayong ikumparang dalawa diba? Siya ang hindi ko maintindihan kung tinuturing niya ba akong kaibigan.”

Ouch. =___=

“My brother is stubborn and sometimes a jerk. But most of the time he’s stupid.”

?____?

=____= #

I HEARD THAT.

“But you know, I think he considers you as a friend. Narinig ko siya once na may kausap sa phone. Yung landlady niya sa Manila, and I heard him asked, ‘nakauwi na ba si Rima?’ and I guess ikaw yun right?” what the actual—he heard me?

PSHHH. ANG DALDAL!!! =___=

Isang beses kasi napatawag si Manang Ason sakin at tinatanong kung anong number ni Mikki. Hindi pa daw kasi nauwi yang Bangs na yan eh nag-aalala na si Manang. Malay ko bang narinig ni Nana yun?

*facepalm*

“Hindi yun. Mali pagkakarinig mo. Siguro he’s referring to Miss Amy.”

“No. Miss Amy is just like me. Parang sister lang ang turing ni Kuya dun.”

EH! ANG DALDAL NG BATANG YON!

“NANA!” hindi na ako nakatiis at lumabas sa gilid.

Nagulat silang dalawa. “Uwaaaa! O__O KUYA?”

(=_____= #)

^_____^v

Hahabulin ko sana pero hindi ko na naabutan. Naiwan tuloy kami ni Rima.

*Awkward Silence.mp3*

“Uhhh.” Sabay pa kami.

“Ano.. ikaw na muna.” –ako

“H-hindi. Ikaw na.” –siya

“Sorry for the Campus Fair riot Rima. I apologized to Stephen already.” I sincerely said.

“Ah. Yun? Okay lang yun. Iba yung itatanong ko.”

“Ano?”

“Kanina ka pa ba dyan?” O_O

“H-Hindi. Kakadating ko lang. Narinig ko lang yung pangalan ko kaya napatakbo ako, baka kung ano ano ng pinagsasasabi ni Nana sayo eh.”

“Ahh. Okay.” ^___^

Parang wala talagang nangyari. I guess it’s high time to make this official. “I’m a friend you can count on Rima.” I pat her head at umalis na.

Kaibigan ko siya. Kasi I care for her. KAIBIGAN LANG HUH. Walang ibang malisya.

“AYIIIIEEEE.”

=____=

That annoying voice. *lingon*

“Kenneth. You planned this right?”

“Oo. I was bored so I figured out na pagbatiin kayo. Mission accomplished!”

^_____^v

Napa-facepalm nalang ako eh. Parang abnormal lang. Kainis. Pasalamat siya at kaibigan ko siya. Teka, bat puro nalang ako kaibigan? Word of the day ba? =___=

*sigh*

At least bati na ulit kami. Game! Action time na! XD

--------------------------------------

BUSYBELS. XD Singit singit ng updates. XD

 NANA SA GILID. *__* Ganda niya noh? :)

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top