Case 13: Riot Day

A/N: Si Ate Denny ang idol ko. At may cameo ang mga characters niya sa update na toh. Inspired ako lagi dahil sa kanya. OBM is soooooo epic. XD

Case 13: Riot Day!

Mikki’s POV

Ay mga atey at koya. Hello.

*kaway kaway*

Namiss kong mag-POV eh, at I’m sure namiss niyo ang pagkaganda-ganda kong presence. Stress ang lola niyo dahil today na ang Campus Fair ng mga beki! XD

“Mikki! San ko ba toh ilalagay?” nakakagulat naman tong si Eunice. Kasama ko siya sa newspaper staff. Assign kasi kami sa documentation.

“Paset-up nalang niyan sa mga lugar na may event. Ako ng bahala sa mga gagamit niyan, kukuha ako sa mga 2nd year.” Dali-dali ko siyang pinaalis. Eksena sa pagp-POV ko. =_=

***Stephen calling***

O____O

Anong kelangan na naman ng gwapong lalaking toh saken?

“Oh ano?” oh diba, ang poise kong sumagot. “Dalian mo Mr. Lim, I’m busy you know.”

“Itatanong  ko lang kung pwede kahit anong oras pumunta dyan? Matatagalan kasi ako, baka tanghali na ako makadaan.”

“Bat saken mo tinatanong yan ha?”

“You invited me right?” Hala! Anong invited me? Ako??

“Excuse me! Hindi ako ang nag-invite sayo! Si Rima my loves so sweet kaya!” narinig ko naman ang pagtawa niya sa kabilang linya ng telepono. Kaloka tong lalaking toh. “Hoy! Anong problema mo dyan?”

“Akala ko ikaw.” I’m still hearing him giggle.

“I’m busy, tsaka kelangan din ni Rima ng kasama. Gusto ko ma-enjoy niya tong Fair. Eh wala naman ako para samahan siya kaya ikaw nelang.” XD

“Ikaw talaga.” Ang gwapo ng boses niya. *___*

“Oh siya siya, sige. I need to end this call na. Tawag na ako dun.” Pabalik-balik na ako ng lakad kasi natatagalan na ang conversation na toh.

“Okay. Sige. Bye Mikki.” Pagkatapos kong magbabye, nag-end call na ako agad at tumakbo sa may auditorium.

***

Ang daming tao sa school, nakakapanibago. And they all come from different school sa Metro. Palakad-lakad ako kakaasisst sa mga kasamahan kong nagdodocument. Pagtingin ko sa relo ko, 9:34 na. Nag-open ng gate around 8 am. That means lahat ng may tickets, invitation at passes ay pupwede ng pumasok. Riot ang Gilmore ngayon. OTL

“Mikki!” ng lumingon ako sa tumawag ng pangalan ko, nakita kong patakbong lumalapit saken si Charlie. Yung kasamahan ni Rima sa spy thingy niya. Ang cute cute talaga ng batang toh.

“Charlie, sinong kasama mo?” tanong ko agad sa kanya pagkalapit niya saken, medyo hinihinggal pa.

“Si Kenneth. Pero mukhang busy siya dun kay Carleen eh.” Sabay pout. “Ikaw? Busy ka din?” nagmamakaawa yung boses niya eh.

“Ah eh. Oo Charlie. Dapat nagsama ka ng hindi taga-Gilmore para hindi sila busy.”

“Eh hindi naman taga-Gilmore si Kenneth, bat busy siya? T__T” paiyak na sumbong niya saken.

“Haha.Halika nga dito.” Lumapit siya sa tabi ko at sabay kaming naglakad. “May alam akong lugar na mag-eenjoy ka. Plus, magiging busy ka pa.”

“Talaga? For real?” *__*

“Yup. Tara.” Hinila ko siya papunta sa booth nila Rima. Sa Multimedia Arts Booth. May photobooth services kasi sila dun eh.

“RIMA BEAR!” yakap agad si Charlie. Mukhang gustong-gusto niya ang bestfriend ko eh.

“Whoa Chacha, slow down.” Saway ni Rima sa kanya na busy sa pag-eedit ng photo. “Sasamahan kita, pero tatapusin ko lang ang shift ko dito? Okay lang ba yun sayo?”

Charlie energetically nodded.

“Oh pano, Rima, una na ako?” paalam ko sa kanila.

“Thank you Mikki!” ^___^ -Charlie.

“No problem!” umalis na ako para asikasuhin ang documentation ko ng..

*BOOOOGSH*

X___X


“Ouch!”

“Mikki! I’m sorry!” paglingon ko sa tabi ko, nakita kong inaalalayan ako ng isang mythical God. De joke lang. XD Si Stephen Lim lang pala. Hahaha. Hampogi ng lalaking toh eh.

“Okay lang ako. Thanks”

“Still busy?” tanong niya habang pinapagpag yung suot ko.

“Ah oo eh. Akala ko ba malelate ka?”

“Ah, nacancel yung practice namen, kaya dumiretcho na ako dito. Yayayain ko sana kayong maglunch ni Rima mamaya?”


“Basta ba libre mo eh.” Makapal ang mukha ko, thank you. XD


“Oo ba. Si Rima?” palingon-lingon siya sa likod ko. Naalala ko tuloy na magkasama si Charlie at Rima. Tama lang ba na makita ni Stephen yun?

“Ahh- Ano, si Rima? N-nasa may Education Building siya. Kumukuha ng pictures!” pagsisinungaling ko. Ang alam ko, walang alam si Stephen sa connection ni Rima kay Charlie, Kenneth at Skyler eh.

“Ah? Sinong kasama ko?” HAY. ANO BANG PURPOSE KO SA CAMPUS FAIR? TAGAHANAP NG MGA WALANG KASAMA? =______=

“Okay fine. Tara sasamahan na kita.” Nako Rima. Pasalamat ka talaga nakaligtas ka sa pagse-set up ko sa inyo ni Stephen. Nakaplano pa naman toh. Pero dapat makaisip ako ng paraan para magkasama sila mamaya sa Concert. XD

“Pano si Rima?” Hayz. Puro Rima. Napaghahalataan talaga toh! Ayaw pang umamin. “Hindi natin siya pupuntahan? Kakatext niya lang kasi eh. Sabi niya nasa booth siya.”

Ang tinutukoy niya ba ay yung photo booth sa likod ko? *facepalm*

“Ano.. eh kasi—LR ka! Tara na nga!” hinila ko na siya palayo dun, ng hindi niya makita si Rima at Charlie na magkasama. Hawak-hawak ko yung kamay niya pero ng lumingon ako sa kanya, nakangiti lang siya. “A-anong problema mo?”

“Wala lang.” ^___^

*R.I.P. MIKKI. NAKAKAMATAY ANG NGITI NG LALAKING HAWAK MO*

Skyler’s POV

Mas effective palang pumunta sa matataong lugar pagkasama ko si Miss Amy. Pinagtitinginan nga kami pero walang lumalapit.

“Yan ba yung GF ni Skyler Abalos?”

“Shet. Ganda ha.”

Yan yung mga naririnig ko sa kanila, nung una parehas pa kaming ilang ni Miss Amy pero para din hindi ako dumugin ng tao, hinawakan ko na yung kamay niya para isipin ng ibang tao na kami. Alam naman siguro ni Miss Amy ang point ko eh.

“Ang dami pala talagang tao dito Sky.” Sabi niya saken.

“Gusto mo na bang umuwi?” kasi ako, oo. Gustong gusto. =_=

“Ayaw ko pa. Nag-eenjoy pa ako eh.” *facepalm*

“Ayaw mo ba dito?” tanong ni Miss Amy ng makita ang pag-facepalm ko. “Sorry ha.”

Ngumiti lang ako at hinawakan ko ng mahigpit yung kamay ni Miss Amy. “Ano ka ba, okay lang. Nag-aalala lang ako sayo Miss Amy. Pero kung anong gusto mo, gawin mo lang. Nasa tabi mo ako.”

Her face glows, mukhang nakabawi na ako. Naiirita lang talaga ako sa ganitong atmosphere na madaming tao, mainit at nakatingin pa sayo.

“Hey! Stephen!” naunang naglakad papalapit sa lalaking yun si Miss Amy sumunod na lang ako sa kanya. “Andito ka rin pala.”

“Yes. I was invited.” Naalala ko yung nakita namin nun na binigyan siya ni Rima ng passes. Tch. =_= “Kayo? What are you two doing here?” lumingon siya saken and he flashes that pretentious smile.

“Titingin lang ako ng Kpop goodies for my collection! Sinamahan ako ni Skyler.” Sinagot ni Miss Amy ang tanong niya.

“Di ka na talaga nagbago.” Sabay kinurot niya sa ilong si Miss Amy. Ganyan din ang ginawa niya kay Rima nun. Ang hilig niyang mangurot ng ilong. =_=

“Ouuchh. =3=” hawak ni Miss Amy yung ilong niya pagkatapos bitawan ni Stephen ang pagkurot. “Ikaw haa! May hindi ka sinasabi saken!”

Nagulat naman siya sa biglang sinabi ni Miss Amy. “Huh? Alin?”

“Na may nililigawan ka na! At taga dito siya, right?” nakita ko ang ngiti sa mukha ni Lim na may konting tawa pa. “Hey! Ang obvious mo!” tukso pa ni Miss Amy.

“Bagay ba kami Miss Amy?” nagulat kaming dalawa ni Miss Amy sa tanong niya.

“A-are you serious?” – Miss Amy

“Tinatanong lang kita kung bagay kami. Ikaw talaga.” Kukurutin ulit sana ni Lim ang ilong niya pero hinarangan niya na ito.

“Hmp. Well, bagay kayo. And she seems nice naman eh. Nakausap ko siya nun isang beses, nakabungguan kasi kami nung Archery Competition niyo eh. Ang cute niya din. Kaya lang, nagpagupit siya.”

“Ah. Well, yes. She’s cute. I like her.” Kinilig naman si Miss Amy sa sinabi niyang yon.

Oo. Para akong hangin dito. Ayoko ngang kausapin yan. Pero bat ganun, naiinis ako sa mga ngiti niya. Bawat pahapyaw na ngiti ng lalaking yan eh nalingon saken. Nang-aasar ba siya? Hindi ako affected, kilala ko si Rima pero wala siyang alam noh. Tsaka ang babaeng yun, CUTE? Ha! Never in a million years.

“Skyler. Wuii.” Niyugyug ako ni Miss Amy at dun ko lang napagtanto na nakalayo na si Stephen at nagpapaalam pala si Miss Amy na pupunta siya sa kpop items booth sa di kalayuang building.

“Ah. Sige, mag-iingat ka okay?” pinat ko yung ulo niya saka siya umalis.

Umupo lang ako sa may kainan dun at umorder ng makakain ko, naglunch na si Miss Amy pagdating ko sa bahay para sunduin siya. Ako hindi pa.

“SKYLER!” nagulat ako sa sumigaw sa tenga ko. Paglingon ko sa likod, si Charlie at kasabay niya si Rima. “Bat mag-isa ka? Asan si Miss Amy?”

“Lumayas ka nga sa harap ko.”

(=___= #)

“Ahehehe. Sorry na Sky. May music kasi kaya akala ko hindi mo ako maririnig.”

(^___^)v

“Tch. Dun kayo sa kabilang lamesa. Stop talking to me.” Kahit dito ba naman sinusundan ako ng mga ka-teammates ko?

“Suplado. Snobbers.” Pinarinig pa talaga saken ni Charlie. Nakita ko si Rima na dumaan sa harap ko at sinundan lang kung saan nakaupo si Charlie. Sa tabi ko lang sila umupo, kaya naririnig ko ang pinag-uusapan nila.

“Grabe talaga, sino kaya yon?” –Charlie

“Sino ba dun Charlie?” –Rima

“Yung taga-Divine College. Ang ganda nya talaga eh. Waah. May bangs din siya tulad mo. Ang cute niya sa pictures na kinunan niyo eh.” Paliwanag niya kay Rima.

“Divine College? School for girls yun diba? Oy ikaw ha! May crush ka dun noh?”

“Pwede rin. Ang ganda niya eh.”

Narinig kong may pumasok sa loob ng kainan, pagkatingin ko si Kenneth at President Carleen pala. Umupo sila sa table nila Rima. Tinapik lang ako ni Kenneth sa likod pero wala ng ibang sinabi.

“Lunch time!” sigaw ni Kenneth. Masaya ang mokong. Siya na ang may lovelife.

“Ken! Manlibre ka naman!” yaya ni Charlie.

“Sige. Kaya lang pag sinagot na ako nito.” Sabay turo kay Carleen. Hiyawan naman sila, pati na yung ibang usisera. Sikat yata ang love team nila dito sa Gilmore College.

“Skyler.” Nagulat ako sa tumawag saken.

“Miss Amy.” Napatayo pa ako sa pagkakaupo. “Hindi ka man lang nagtext para—“

“No I’m okay. See?” sabay taas niya ng mga paper bags puno ng kpop items. Umupo na siya sa table pero kinakabahan ako kasi nakatingin siya sa table nila Rima. Kilala niya silang lahat pero hindi niya alam na magkakakilala sila, or rather, KAMI.

“Miss Amy, nagugutom ka?”

“Magkakilala pala yung nalilink kay Stephen tsaka sila Charlie?” yan na nga ba ang sinasabi ko eh.

“Ah—ano, si Ken kasi. Diba, nililigawan niya ngayon yung President ng Student Council ng Gilmore. M-Magkakilala sila ni Rima.”

“Rima ba ang pangalan niya?” tanong niya na may pagkaseryoso ang mukha.

“Yup.” *gulp*


“Oy Sali akoooooo!” biglang lumapit sa table nila sila Mikki at Stephen. “Tara Stephen, Sali tayo sa kanila.” HALA. ANO TOH? WHOLE CAST? O_O

“Magkakilala kayo?” tanong ni Stephen kay Rima, Charlie at Kenneth.

“Yup. Magkakasama kaming naglaro ng Mega Hunters kanina sa arcade booth. Kakilala pala ni Rima si Carleen, kaya ayun. Close na kaming lahat pre.” Sagot ni Kenneth. Ang galing talagang magpalusot.

“Ah. Ayos yan ah. Hi Rima.” Bati niya sabay upo. Hiyawan naman ang sumagot sa bati niya.

“Ang saya nila dun.” Nasabi bigla ni Miss Amy.

Totoo, mukhang enjoy silang lahat dun. Kami ni Miss Amy, tahimik lang sa tabi nila at kumakain. Ewan pero, naiinggit ako sa bonding nila. Kulang nalang, sabihin ko kay Miss Amy na, ‘tara, Sali tayo sa kanila?’

=_=

Mikki’s POV

Ang saya lang dito sa kainan ng mga HRM. Naabutan namin sila Charlie, Rima, Kenneth at Carleen kaya hindi na ako nag-isip pa at sumali na sa table. Buti nalang at matinik sa pagpapalusot tong si Kenneth. Sumakay na din si President kasi nga confidential ang tatlo. Si Skyler naman eh busy sa pagba-bodyguard niya sa naglalakad na manikang kasama niya.

“Busy ka ba Rima?” tanong ni Stephen. Namula naman si Rima ng biglang sa kanya ang tingin ng lahat. Uyyyy. XD

“Oo, busy siya. Magbabantay pa siya ng photo booth.” Si Charlie ang sumagot sa kanya. Nako, possessive ang batang toh. Mukhang hahadlang pa toh sa pagse-set up ko kay Rima at Stephen ha.

“Ganun ba?” mukhang nalungkot si Stephen.

“Sama sama nalang tayong maggala. Ang dami pang booths dito.” –Carleen

“Tama.” Sabay akbay ni Kenneth sa kanya.

“CHANSING!” –Charlie

“Hadlang ka nalang sa lahat Charlie! =_=” sabi ko.

“Belat! Gusto ko akin lang si Rima!” sabay cling nito sa braso ni Rima. Tatawa-tawa nalang si Rima kasi parang spoiled na si Charlie sa kanya.

“Hindi ba Charlie, may bago ka ng crush, yung taga-Divine College. Ipaubaya mo na si Rima kay Stephen. Tutal hindi mo naman ka-age si Rima.” Savior ka Kenneth. *___*

“TAMA. LIKE. CORRECTED BY!” pagsang-ayon ko ng buong puso.

“Ehh. =____=” –Rima

“Hahahaha. Ang dami niyong alam.” –Stephen

“Bakit? Totoo naman ah? Single si Rima, single si Stephen, BAGAY KAYO.” Ewan pero ang lakas ng pagkakasabi niya ng ‘BAGAY KAYO’. Anong meron dito kay Kenneth?

*cough*

May umubo? Huh? Galing sa kabilang table? Anyare kay Skyler?@_@ Nabaling lang ang atensyon ko ng biglang kumapit ulit si Charlie kay Rima.

“NO! RIMA IS MINE.” Charlie hisses. >_<

“Eh! Ano ba Charlie! Stop being selfish!” –ako

“I’m not being selfish.” >___<

“Okay guys. Tama na. I belong to nobody okay. Mamaya mag-away pa kayo.” Saway samen ni Rima my loves so very sweet.

Charlie pouts habang nakaturo samin, “Inaaway nila ako Rima Bear!” =3=

Napasigh nalang si Rima at pinagpatuloy ang pagkain.

***

RIMA’S POV

“Get your fuddy-duddy bear for a shot! Get your fuddy-duddy bear for a shot! Get your fuddy-duddy bear for a shot! Get your fuddy-duddy bear for a shot! Get your fuddy-duddy bear for a shot!”

Sinundan ko kung saan ang paulit-ulit na announcement na yun, kasi gusto ko ng fuddy-duddy bear. At libre lang siya, sharp shooter ako kaya chicken feeds lang saken toh. XD


“Hello Miss, welcome, welcome. Come in! Get your fuddy-duddy bear for a shot! Get your fuddy-duddy bear for a shot!” sabi nung announcer na parang taga-perya ang boses sa paulit-ulit niyang pag sabi ng ‘Get your fuddy-duddy bear for a shot!’ na parang clown. ^__^

Nagbayad ako ng bente pesos para sa tatlong bala ng toy gun kaya lang ang daya ng target. ANG BILIS GUMALAW. AT ANG LIIT PA! T__T

“This is unfair! Walang makakatama sa ganyang kabilis na target.” I complained.

“Sorry Miss, minsan lang kami mamigay ng fuddy-duddy. Mahal kasi yan. Kaya kung hindi mo kaya, then just give up.”

“NEVER!” *insert nagaapoy na background*

(After 45 minutes)

“Miss, lugi ka na eh.” Kanina pa ako dito pero hindi ko parin nakukuha yung bear.

TT_____TT

Mommy~ > 3 <

“Hoy Bangs.” Nagulat ako at napalingon sa tumawag, alam ko kung si—

“Skyler? Bat ka nandito? Diba kasama mo si Miss Amy?” O_O

“Nakauwi na siya, di siya pwedeng magtagal dito. Hinahanap ka nila Mikki tsaka Charlie. Anong ginagawa mo dito?” sabay lingon lingon sa loob ng booth. “Don’t tell me—“

“I WANT A FUDDY-DUDDY BEAR! AND I WILL NOT LEAVE UNTIL I GET ONE!” >.<

Nagpoker face lang siya, “Jeez. Fine. Go and satisfy your abnormalities with some stupid bear. Kung makapagtantrums ka dyan, tapos sasabihan mo ako na isip bata, mongoloid at may down syndrome?”

Napa-pout tuloy ako, at feeling ko maluluha ako kasi I’m hopeless. T___T

“H-hey! Bat ka umiiyak dyan?” napaupo ako sa sahig at umiyak. I already spent 300 pesos para lang makakuha ng fuddy duddy bear eh.

“Sir, kanina pa kasi siya nagtatry makatama sa target namen for a fuddy-duddy bear pero hindi siya makatama. Ayan, umiyak na.” singit nung lalaking nagbabantay.

Narinig ko ang malalim na buntong-hininga ni Skyler na nakatayo habang nangingibabaw ang paghagulgol ko sa sahig.

Ramdam kong hinawakan niya ako sa braso at pinipilit itayo, “GET UP. I’LL GET YOU THAT STUPID BEAR.” =______=


“You will?” *_____*

Hindi niya ako sinagot at nagbigay lang ng bente pesos sa lalaki, tapos kinuha niya yung baril sa tabi. Lahat ng nasa booth, biglang napatigil at pinanuod siya. Whoaa. Ang cool naman niyang humawak ng baril. *O*

Dahan-dahan niyang tinutok sa moving target, hindi na ako nahinga. Matamaan niya kaya yu—

*TIIIIING!*

O________O

O    .   O

“N-nakuha niya yung… f-fuddy-duddy bear.” Sabay abot ni Kuyang nagbabantay yung bear kay Skyler. Lahat kami gulantang. ISANG TIRA LANG? ANO YUN? SCRIPTED? MAKAISANGDAANG BESES KO NG GINAWA PERO—

“Eto na! Tara na ng maka-alis na tayo dito!” binato niya saken ang bear at hinila ako palabas ng booth. Sakto naman na nakita namin si Mikki.

“RIMA MY LOVES! SAAN KA BA NAGPUNTA?” dali-dali niyang tanong saken.


“Dun!” sabay turo ng nguso sa shooting gallery booth ng mga Psychology Students. “Tignan mo Mikki! FUDDY-DUDDY! :3” inangat ko ang bear at pinakita kay Mikki.

“UWAAA! KYOT!” imbis na yung bear ang pagdiskitahan niya, ako yung kinurot niya. Pero bigla siyang napatigil at napababa yung tingin niya sa pagkahawak-kamay namin ni Skyler. “Wait? Bat kayo magkaholding hands?”

*NGITING SPONGEBOB*

“O-oy! Hinila ko lang siya palabas noh!” defensive tong si Skyler eh, sus.

>////>

“Tama siya.” Binitawan niya na yung kamay ko. “Ang bilis mong maghinala dyan Mikki!” sabi ko.

“Aba natural lang noh! Pinapartner nga kita kay Papa Stephen eh, pero parang pwede din kayo ni Skyler.” Sabay lagay niya ng kamay sa baba at tingin sa baba at itaas.


“LOKA LOKA!” tumalikod na ako at narinig kong sumunod si Skyler saken, si Mikki grabe ang tawa. Tss.

***


CONCERT NIGHT. GILMORE COLLEGE.

(Mikki’s POV)

Magkakasama kami sa isang sulok ng Gilmore Field. Dito kasi naiset-up yung stage para sa mini-concert para sa last event ng Campus Fair. Oh diba, who says Esburgh lang ang makakagawa ng ganito? We can throw down parties too.

Invited yata ang mga sikat na banda noh. Urbandub, Spongecola, PNE, General Luna, kung may Eraserheads nga lang naisama na namin eh. XD

“UWAAA!” makahiyaw naman tong si Rima. =_=


“SYNCCCCCCCC!” omooo? O_O

Paglingon ko sa stage, holy mother of siomai. SYNTAX ERROR? LIKE SYNTAX ERROR??!

“AHHHHHHHHHHHHHHHH” magkahawak kamay at patalon talon pa kami ni Rima habang nairit. Kami na ang fan ng bandang yan. KAMI NA! XD

“Astig! Fan pala kayo niyan?” –Charlie

“SOBRA!” –kaming dalawa ni Rima my loves.

Walang wala talaga yang ibang banda sa boses at alindog ng Syntax Error eh. TO DIE FOR! >_<

“Infairness, the song is quite catchy.” Tumabi saken si Stephen. At mukhang nag-eenjoy na din.

“NAMAN! What does it take yan eh!” XD

“I didn’t know that you two are such fans? Lalo ka na Rima?” Uyyy, mukhang may balak talaga tong si Stephen sa bestfriend ko. Might as well umalis na ako ng magka-senti moment sila. Hihi.

*pasimpleng lakad backwards*

^ u ^

Naabutan ko sa table namin si Skyler na nainom ng light drinks, kasama si Charlie na medyo inaantok na. “Hey guys, ayaw niyong maki-party?” alok ko.

“No thanks. Someone spoiled it for me.” Nakapout na sabi ni Charlie habang nakatingin sa magka-usap na Rima at Stephen.

“Hahaha! Cheer up Chacha! Rima is not the girl meant for you naman eh.” It is harsh pero kasi, hindi mga type ni Charlie ang gusto ni Rima. Bestfriend knows what is best.

“Hindi naman sa gusto ko siyang girlfriend eh!” >3<

“Eh ano?”

Ginulo niya yung buhok niya, “AH BASTA. =_=” sabay ub-ob sa table.

Inom lang ng inom si Skyler ng biglang may bumatok sa kanya. “HEY STOP THAT!” si Kenneth, kasama niya si President. “Bata mo pa, stop drinking you moron!”

“Tch. Get lost.”

Mukhang lasing na si Skyler. Uh-oh. O_O

“Ken, punta muna ako sa stage ha?” si Carleen naman nagpaalam. Ang swee—

*CHU*

O_______O (Lahat kami.)

>___> ?? (Skyler)

“Bye hon.”

“OMOOOOO? KAYO NA BA HAAA?” tanong namin ni Charlie ng sabay.

^________^

“UWAAAA KENNETH! AMSOHAPPYPORYUMAYPREND!” sabi bigla ni Charlie sabay yakap sa kaibigan. Hahahaha. Biglang naging hyper eh. >_<

“That’s cute. Ngayon ka lang niya sinagot?” tanong ko.

“Yep.” Pinipilit niya pang tanggalin si Charlie sa leeg niya.


“Congrats bro.” Skyler said with no reaction. Lasing na nga toh.

“What’s the ruckus about?” tanong ni Rima, di ko na sila napansin ni Stephen na lumapit eh.

“Kenneth and Carleen are officially on Rima Bear! Yehey!” masayang sabi ni Charlie.

“THAT’S GREAT! CONGRATS KEN!” ^___^

“Yeah. Congrats pal.” Nakipag-handshake naman si Stephen sa kanya.

“Thank you pare.” Yumakap pa si Kenneth sa kanya. Mukhang masayang-masaya siya ha.

*thud*

Tumayo si Skyler mula sa pagkakaupo at aalis ng matamaan niya si Stephen. Tumabi naman si Stephen kaso hindi ko inasahan yung sinunod na ginawa niya. Riot.


(SKYLER’S POV)

My head was going crazy, nahihilo na sumasakit na lumilipad. Naparami na yata talaga yung inom ko. Pero parang ramdam kong nainit yung ulo ko. Saktong dating pa nitong si Rima at Stephen. Ewan pero parang kanina ko pa sila gusting tanungin ng status nila.

Ganito baa ko paglasing? Mala-Boy Abunda? @_@

Nag-iinit ang ulo ko pag nakikita ko sila ni Rima magkasama. At feeling ko gusto ko siyang suntukin. Hanglabo ng utak ko. *hik*

“TABI!” hinawi ko ang daan at tumabi sila ni Rima.

“Sorry pre.” Narinig kong sabi niya.

I was drunk and let it as an excuse, I pulled his collar and punch his face. “SKYLER!” that was Kenneth, hinawakan agad niya ang nagwawala kong kamay. Too risky. Pati siya nasuntok ko na.

“SKYLER! STOP!” narinig ko ang mga tao sa paligid ko pero I found myself sa ibabaw ni Stephen Lim and punching him with my left then my right fist, fast and hard.

*MEGA PUUUUUUUNCH!*

X_X

That punch came from the top. I was sitting down over Lim then a heavy punch appeared in front of me when I was about to throw another punch. Napataob ako and left me there in awe for seconds.

Nahimasmasan ako ng konti and yung blurry images, nakikita ko na.

“R-Rima?” O____O

Anger. That’s the only thing written all over her face.

Dali dali akong umalis habang inaayos ko ang buhok ko at pinupunasan ang pawis sa mukha at leeg. Nung malapit na ako sa kotse ko, biglang may pumigil saken mula sa likod.

“HOY! Ano bang problema mo ha?” bat ba ako sinusundan ng naglalakad na Bangs na toh? =_= Ang sakit na ng ulo ko eh.

“Leave me alone!”

“No.”

“Okay fine, sorry if I punched him. You happy now?”

“Sorry is not enough of what you just did!” galit na galit yung boses niya, parang nagngingit-ngit sa galit.

“Look, nakainom ako okay. Sorry for punching your boyfriend!”

“What?”

“Diba boyfriend mo si Lim? Stop denying it.”

“So eto na naman tayo? Akala ko tapos na tong issue na toh?”

“Rima, ayoko na! Pagod na ako! Ayaw na kitang kateammate, housemate, kasama sa lahat ng lakad! Ayaw na kitang makita! Hindi ko na alam yung ginagawa ko okay?” ano bang ginagawa ko dito at nakikipagtalo sa kanya eh hindi ko nga alam kung bat ko sinuntok si—

“Ha! So ganun, ang labo mo din kasing kausap Skyler eh. Pag sinabi ko bang, OO. Kami na, will you stop?” Sila na pala eh bat---

“S-See, not that bad right? Mas magaan sa loob.” Nagulat talaga ako sa sinabi niya.

“Oo nga.” Tumawa pa siya, pero may tumulong luha sa mga mata niya. That strucked me. Kinilabutan ako. Ayaw ko siyang nakikitang umiiyak pero.. “Madali lang sabihin sayo yun Skyler. Pero alam mo kung anong mahirap para saken?

Yun yung ma-disappoint mo ako ulit. Na akala ko nagbago na ang Skyler Abalos na nakilala ko. I thought being unethical and greedy and rude wasn’t in your book anymore. NA KAIBIGAN NA KITA. Pero sa panghuhusga mo samin ni Stephen and how you act kanina, I was so disappointed.”

Parang kape lang, nakakatanggal ng amats. Nag-sink in nga yung mga sinabi niya, pero yung luha niya, was just—

“You’re not worthy Sky. Akala ko nagbago ka na.”


Pinanuod ko lang siyang mawala sa paningin ko. Ano bang ginawa ko?

---------------------------------------

A/N: MAHAL KO ANG SYNTAX ERROR. KAHIT FICTION LANG, PARANG TUNAY NA SILA. MAGDIWANG PARA SA SYNTAX ERROR! XD

 (SKYLER SA GILID)

Mouhahahaha.

Written by: RPL
Edited by: CC

Thank you.

Vote comment like share fan boom boom boom! XD

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top