Case 11.3: Renewal ng Penalty Slip
Dedicate ko lang toh sa baby sister ko dito. Baby, don’t mind the Strip Club setting haa. Wala namang kahit anong R-Scenes dyan. Okay?? :*
(^3^)/
Nagpapaka-superhero maisingit lang ang update na toh. Let’s conclude this Case para makamove on tayo sa CarleenxKenneth love team. XD
-CC & Piyo (action scenes)
Case 11.3: Renewal ng Penalty Slip (LAST NA PROMISE! XD)
KENNETH’S POV
Ang ingay sa loob ng Strip Club na toh. Mas wild na yata ang mga tao, or hindi ko lang talaga napansin toh nung mga nakaraang araw? Mas baliw pang nag-backdive na inuna yung ulo. Pinapairal kasi ang katang. Pssh.
My eyes have this one target and that is Jun Tobias. Pero bat parang mas gusto ko pang unahing puntahan si Carleen eh hindi naman yun ang plano?
“Hi Pogi!” a girl cling at my arms na ikinagulat ko. “Ako naman ang i-take out mo pogi! Promise, babalik-balikan mo ako kesa kay Carleen!” sabay tumawa siya.
“Ahh Miss, teka.” I tried removing her tightly wrapped hands from my arms pero parang epoxy na nakadikit saken. “Can you just—“
“Ayaw ko!” sabay trying hard na pout. “Akin ka lang! Ako nalang kasi Pogi! Sige na!” pagpupumilit niya. Sino ba kasi tong babaeng toh? Tss. Inuubos niya ang pasensya ko. =_=
“Oy! Carleen!”
Napalingon naman ako ng biglang tawagin nung babae si Carleen. Agad akong humarap sa gawi kung nasaan siya, lumapit yung babae na nakadikit parin saken habang kinakaladkad ako.
“Carleen! Bakla! Akin naman tong Fafa mo ngayong gabi. Mukhang nag-enjoy sayo at bumalik. Pero sabi ko sakin siya lalong mag-eenjoy! Hihihihi.” =_= UUPAKAN KO NA TOH?
Ngumiti lang si Carleen. Pero sa mata niya, parang may mali. Hindi ganyan ang aura niya nung naghiwalay kami matapos ko siyang i-brief sa operation na gagawin ngayon.
“So bakla? Akin na siya?” halos mabali na yung braso ko sa kakahila niya saken. Nagse-serve kasi tong si Carleen ng drinks sa table eh sunod ng sunod tong babae.
“Sige.” She nodded. Like wtf? Pinapamigay niya nalang ako dito eh mas matanda pa yata ang ate ko sa kanya. Hindi ko siya papatulan oy! >.<
“H-Hoy! Carleen! Wag mo naman akong ipamigay dyan! Sayo lang ako diba?” sa bigla ko eh wala na akong ibang nasabi kundi yun. Pssh. Kenneth, wrong move. *face palm*
“H-Huh?” O_O
Nagulantang siya sa sinabi ko, as expected. Kahit nga tong babaeng clingy eh napabitaw sa braso ko eh. “Hoy Carleen! Boylet mo toh noh?! Umamin ka saken bakla ka!” nangigigil niyang tanong.
Namula siya lalo sa sinabi ng kasama niya, tumalikod siya at naglakad ng mabilis pero hinabol ko siya. “C-Carleen!” Hinabol ko siya hanggang makarating siya sa loob ng Club. Pang employees lang yata ang lugar na yon eh.
“CARLEEN ANO BA?” hindi na ako nakatiis at tumakbo para lang maabutan siya. Pero bago ko pa maabot ang braso niya eh may humawak na sa kamay ko. Ramdam ko ang higpit nito.
Narealize ko nalang na nakatali na ang dalawa kong kamay at may malamig na bagay na nakatutok sa leeg ko.
“Bata, wag ka ng gumalaw kundi kakalabitin ko toh.” Pagbabanta nung lalaki na nasa likod ko. Tinutok niya pa sakin lalo ang baril niya.
Napakagat nalang ako sa labi at pinindot ang warning call na nakalagay sa palad ko. Isang maliit na button yun na nakadikit sa palad ko para bigyan ng signal sila Rima at Skyler sa labas. Mukhang natunugan nila ang gagawin namin. Palpak.
“Siya po Mang Jun.” napatigil ako sa pagkagat ng labi ng iangat ko ang ulo ko galing sa pagkakayuko para pindutin ang warning call. Narinig ko kasi ang boses ni Carleen.
“Magaling Carleen.” Mula sa madilim sa pasilyo ng lugar na kinatatayuan ko ay lumabas ang kanina pang target ng mga mata ko. Katabi niya si Carleen habang turo-turo niya ako.
“Siya po ang agent na sinasabi ko.”
(RIMA’S POV)
“Oh! Anong brand ng kotse yan, ha?” naglalaro kami nila Charlie at Skyler sa di kalayuan ng Club. Ang dami kasing high-class na kotse ang nadaan at naghuhulaan kami kung anong model.
“Hyundai Accent yan!” sigaw ni Charlie.
Sabay sabay naming nilingon yung kotse at tama nga siya. “Owooo. Tama ka Chacha!” sabay high-five ko sa kanya.
“Trailblazer yan.” Pa-cool na sabi ni Skyler habang naka-cross arms at nakasandal sa sasakyan niya. Nasagot din siya paminsan minsan.
Ng makalagpas, aba. Tama. “Grabe, ang dami niyo naming alam na kotse.” Sabi ko sabay upo sa may hood ng kotse ni Kenneth.
“Kotseng kuba lang kasi ang alam mo.” Pagtataray ni Skyler.
“Hoy excuse me!”
“Dadaan ka ba?” slow motion niyang lingon saken. Ang kapal naman niya, siya na ang mayaman at updated sa mga kotse. Siya na talaga! Dukha ako, tss. =_=
“Ewan!” napikon na ako at babalik na sana sa kotse ng biglang tumunog sa transmitter namin ang warning call ni Kenneth.
Nagkatinginan kami ni Skyler then we both nod. Dali dali naming kinuha ang mga gamit namin sa loob ng kotse at tumakbo.
“Charlie, alert!” sigaw ni Skyler habang papalayo na kami sa kotse. Sumasabay lang ako ng pagtakbo sa kanya. At medyo may kaba akong naramdaman. May nangyari bang masama kay Ken?
“Wag kang mag-alala kay Ken, I’m sure he’s fine.” Sabi ni Skyler na parang narinig niya ang mga tanong sa isip ko.
“Yeah. Thanks.” Pumwesto na agad tong si Skyler sa back door. Ako naman umakyat sa may balcony ng second floor. “AY PWET MO!”
“Shhhhhh!” nagulat ako ng biglang may humawak sa paa ko, ng tumingin ako sa baba, nakita ko si Skyler na nakakunot ang noo at nakalagay ang daliri sa nguso niya as a sign to be quiet.
“What are you doing?” bulong-sigaw ko.
“Inaalalayan ka! The eff are you? Babae ka ba? Why are such a daredevil with things like this?!” singhal niya saken.
“Ano ka ba? NANAY KO?”
“Diba buddy tayo? Bat dyan ka dadaan?” alam niyo yung parang batang ayaw mag-paiwan? Ganun ang itchura ni Skyler ngayon. Gusto kong tumawa pero naiinis kasi ako.
“What’s wrong with you there and me here?”
“Just get down from there, NOW!”
=_______=
Wala akong nagawa kundi ang bumaba. Makailang batok din bago niya ako tigilan. Parang nanay talaga siya kung pagsabihan ako kanina. I suddenly felt na concern siya saken. Hihihi. :”>
“May tao ba—“ di na naituloy ni Kuya Bouncer ang line niya ng sikuhin siya ni Skyler.
“Hilahin mo nga yan sa loob para hindi makita.” Utos niya saken.
“S-Skyler naman iih! Ang bigat nito oh!” reklamo ko ng makarating kami sa loob at hila hila parin si Kuyang Bouncer. “Try mo kaya noh?”
Kinuha niya ang braso nito at iniangat tapos pinatong niya sa may gilid ng parang kitchen ng Club. Siya na ang malakas at kayang buhatin ang mga bagay bagay at mga tao at mga taong mukhang hayop. Siya na. =_=
Nagdire-diretcho na kami sa loob.
“UGH.”
Napatigil kami ng makarinig kami ng suntok at aray mula sa isang kwarto. Dahan-dahan kaming naglakad papunta don. Nakita namin si Kenneth na binubugbog. Sus. Si Kenneth lang pala eh, akala ko ku—
O__________O
“Ke---“
Tinakpan ni Skyler ang bibig ko gamit ang palad niya. “WILL YOU CALM DOWN! ANO BA?” bulong niya saken. Okay, ramdam ko ang hininga niya, like woah. Kinikilig ako.
>_____<
Okay. Nakatayo kami sa labas ng kwarto. Si Skyler nakasandal sa dingding habang nakapulupot yung arms niya sa may balikat ko at yung kamay niya tinatakpan ang bibig ko.
In short, niyayakap niya ako.
\('^' \) Oh please Lord, ayaw ko na po.
>////////<
Buti nalang hindi niya ako nakikitang mag-blush. Hindi na ako virgin pagdating sa hug. T__T Kinuha na niya lahat.
“ASAN ANG MGA KASAMA MO HA?” napatigil ako sa mga naiisip kong weird ng biglang may sumigaw galing sa kwarto. “HINDI MO SASABIHIN KUNG SINO?”
*boogsh*
*boogsh*
“Find Carleen.” Bulong saken ni Skyler. “Find her and give Charlie the signal.” Pagkasabi niya nun, tinulak niya ako. Gusto ko pa sana siyang balikan pero nag-alala ako bigla kay Carleen, dahil kung napahamak si Kenneth, siguradong napahamak din si Carleen.
CARLEEN’S POV
Nanlulumo akong bumalik sa Employee’s quarters namin. Pagkapasok ko sa loob ay halos wala na akong makita sa naipong luha sa mata ko.
Napaupo ako sa sahig at umiyak. I didn’t mean it. Alam kong masama ang ginawa ko, na ilaglag ko silang lahat na wala namang ginawa at hinangad kundi tulungan akong makawala sa sindikato na toh pero…
“HOY HINIRANG!” napatigil ako sa pag-iyak ng dumating ang isa sa mga tauhan ni Mang Jun, si Mang Kanor.
“M-Mang Kanor…” halos hindi ako makapagsalita.
(A/N: Slow clap para kay MANG KANOR. *slow clap* XD)
“Eto na ang nanay mo!” bigla nalang niyang hinila ang nanay ko at parang basahan na itinapon lang sa loob ng kwarto. “Pasalamat ka at mabait pa si Boss Jun para buhayin ka pa.” tumawa siya at saka sinarado ang pinto.
“Ma!” dali dali kong nilapitan si Mama.
“B-Bat mo ginawa yun anak? Hindi mo na dapat ako niligtas.” Hirap si Mama sa pagsasalita dahil sa mga sugat niya sa katawan at sa pagkakahila sakanya ng pesteng Mang Kanor na yun.
“Pero Mama—“
“Kasalanan ko kung bakit tayo nabaon sa utang kay Jun. Ako dapat ang nagbabayad sa mga utang ko, hindi ikaw.” Napaiyak ako sa sinabi ni Mama.
“H-Hindi ko kayo iiwan Mama! Ayaw ko! Babayaran natin si Mang Jun ng magkasama! Hindi ko po kayo iiwan.” Napayakap siya saken at sabay kaming naghahagulgulan ng biglang bumukas ang pinto at bumagsak ang pasa pasang itchura ni Mang Kanor sa loob.
“T-Teka…”
“President! Andyan pala kayo! Tara na!” O_O
“R-Rima? Bat k-ka—“
Ngumiti siya na para bang walang masamang nangyayari at ni walang bakas ng pagkatakot. Ang cool niya lang. Inabot niya ang kamay niya.
“It’s all good. Don’t worry.” ^___^
Inabot ko ang kamay niya at tsaka niya ako tinayo. Tinayo ko si Mama at nagmadali na kaming lumabas ng Club. Lahat ng madaanang kwarto, pasilyo, parang puno ng nakakatakot ng alaala. Napapapikit ako, na parang ayaw ko ng bumalik dito…
Kahit kelan.
***
Nang makalabas kami ng Strip Club, parang out of place kami ni Mama. Ang daming tao, yung mga guards at bouncer ng Club ay nakayuko at nakalagay ang mga kamay sa batok nila. Habang ang mga customer ay sumasakay sa police car.
POLICE CAR?
“Teka anong nangyayari?” tanong ko kay Mama.
“H-hindi ko rin alam Carleen.” Maski si Mama, naguguluhan din. Asan na ba si Rima?
“President Carleen!” napalingon ako ng tawagin ako at ng makita ko si Charlie na umiinom ng softdrinks. May gasgas siya sa mukha. Pero cute parin siya.
“C-Charlie.”
“Mabuti naman at hindi kayo nasaktan ng Mama mo.” Sabi niya.
“Si… Kenneth?” oo nga pala, napilitan akong ituro siya kay Mang Jun ng matunugan niya na itinuro ko siya sa mga pulis nung nai-take out ako ni Kenneth kagabi. Kinuha niya ang nanay ko at tinakot ako na papatayin siya. Naawa ako kay Kenneth.
“Andun, ginagamot ni Rima. But he’s fine. Pssh.” Sabi niya, agad naman akong napatakbo sa kotse nila para i-check kung okay lang ba siya.
“Kenneth?”
“Hmm?” pagdungaw ko sa loob ng kotse, nakita ko siya na topless at may mga benda sa katawan.
O____O
“Hahahaha! Anong itchura yan Carl?” pinat niya ako sa ulo at ginulo pa yung buhok ko habang natawa. Ano bang problema ng lalaking toh?
“Kasi…”
“Nasilayan mo naman na dati yung abs ko ah! Bat nahihiya ka pa dyan?”
=_______= #
“Hoy! Hindi yang abs mo ang sadya ko noh! Yang lagay mo!”
“Okay lang ako, anong tingin mo saken? Weak? Tss.” Binuksan niya ang pinto at lumabas. Halaaaaa. Y___Y Lalo niya pang dinisplay yung abs niya.
“O-Oo!”
“Kumusta ang nanay mo?”
Nagulat ako sa tanong niya, “T-Teka? Alam mong..”
“Ang daldal kasi nung mga nambugbog saken kanina, kaya nalaman ko na tinakot ka ni Tobias para ituro ako. Pero buti nalang nakatawag ako ng back-up kay Skyler at Rima. Eto eh!” sabay tinapik niya ang noo ko, “Parang hindi ka na orient sa plano!”
Gusto kong umiyak, pinagkatiwalaan nila ako, sobrang bait nilang apat saken, at utang ko pa sa kanila ang nangyari ngayong gabi.
“TEAMMATES!” biglang sumigaw ang isang middle-aged man na medyo pogi at may bigote. Sabay akbay niya kay Skyler at Kenneth.
“Teammates mo mukha mo! Asan ka ba galing at iniwan mo kami sa 2nd case namen?” galit na sagot ni Skyler.
“Oo nga Chief.” Hmm. Mukhang eto ang leader nila ah.
“Iniwan mo kami sa ere Chiefyyyy.” Reklamo ni Charlie sabay pout.
“Ano ba guys, chill muna kayo okay?” awat nung Chief na sinasabi nila.
***BATOOOOK***
“ANONG CHILL CHILL KA DYAN? CHILL-CHILLIN mo mukha mo oy! Tignan mo nga! Kahit mag-resign ka nalang eh kaya naman namen toh! Wala kang kwentang Chief Inspector!” galit sabay batok ni Rima. Para talaga siyang lalaki kung umasta.
“HOY ORTIZ! SUMUSOBRA KA NA HA!” himas-himas parin ng lalaki ang ulo niya matapos ang malakas na batok ni Rima. “Iiwanan ko talaga kayo! Bahala kayo dyan!” pagbabanta niya.
“EH DI IWANAN MO!” sabay sabay nilang sabi.
***
Federal Drug Department. 0204 HR
Nandito kami para sa aking statement tungkol sa kaso ng soon to be convicted na si Jun Tobias. Ilang saglit nalang ay matatapos na ito at pupwede na akong umuwi at mamuhay ng normal at walang inaabala pa tuwing gabi.
“Maraming salamat sa pakikipagtulungan mo sa Federal Drug Department iha.” Sabi ng pulis na kumuha ng statement ko. Agad agad akong sinalubong ni Rima na naghihintay sa labas ng kwarto.
“President! Kumusta?”
“Okay na. Salamat sa inyo ha!”
“Naku wala yun. Salamat din sa tulong mo!” mukhang napakamasayahin niya, ano kayang feeling na maging kaibigan siya?
“President, pwede bang tumambay sa office niyo paminsan-minsan?” bigla niyang naitanong.
“Huh? Baket?”
“Libre daw ang wi-fi dun eh. Sige na.” taas baba ng kilay niya. Natawa naman ako dun.
“Oo naman, ikaw pa?” nagulat ako ng bigla nalang niya akong niyakap.
“Uwaaaa! Thank youuuuuu! Sabi ko na eh, mabait ka talaga!” halos di na ako makahinga at tumatalon-talon pa siya eh.
“SALI AKOOOOOO!” biglang bumigat ang pakiramdam ko yun pala, naki-hug na din si Charlie saming dalawa. “Carleen Bear!” ^___^
“H-Huh? Ano?” nabigla ako sa tinawag niya saken, ang alam ko, si Rima lang ang tinatawag niya ng ganon.
“Ang sabi ko, CARLEEN BEAR!” he’s snuggling me. Ang cute cute niya talaga. >.<
Mabuti naman at hindi nagtagal ang yakapan at bumitaw din sila, “Nakakatuwa, mukhang career kung career ang case na toh dahil kay Kenneth noh?” sabi bigla ni Rima.
“Hahaha! Oo naman, hindi ba President?” tumingin saken tong si Charlie sabay taas baba ng kilay at ngiting tagumpay.
“H-Huh?” ?____?
Tinulak ako ng mahina ni Charlie sabay padyak pa ng paa sa sahig. “Eh! Ang slow mo Carleen Bear. Basta alam mo yuuuuun!”
“Alin nga ang alam ko na?”
Inakbayan ni Rima si Charlie, “Basta President, sa tingin ko, concern talaga sayo si Kenneth nung umpisa pa lang. At para saken, mahalaga ka sa kanya!” ^___^
O_____O
>///////<
“H-Hindi naman!” sabi ko sabay kaway ng dalawang kamay ko as a sign of refusal. “K-Kelangan lang siguro talagang matapos toh kaya niya ako tinulungan!”
“Eh pano mo maipapaliwanag ang pag-duty niya sa Gilmore College?” tanong ni Charlie.
Err. Carleen, isip! “Ah, ehh… ako ang nag-utos sa kanya nun!” katwiran ko.
“Pero ginusto niya yun! Kasi kung hindi, he can ditch his duties. Aminin mo na kasi, special ka nga sa kanya. I’m sure kahit ikaw feel mo yan!” pagpupumilit ni Charlie.
Halos mangamatis na mukha ko eh. Ayaw nilang tumigil sa pang-aasar. “Oh siya, andun si Kenneth sa Office ni Chiefy. Puntahan mo na!” tinapik ako ni Rima sa braso at naglakad na sila ni Charlie palabas ng building.
“T-Teka—“
She raised her hands and waved ng nakatalikod saken, “Ako na ang maghahatid sa mama mo President, una na kami!”
I was left there, speechless.
“Basta President, sa tingin ko, concern talaga sayo si Kenneth nung umpisa pa lang. At para saken, mahalaga ka sa kanya!”
“Basta President, sa tingin ko, concern talaga sayo si Kenneth nung umpisa pa lang. At para saken, mahalaga ka sa kanya!”
“Basta President, sa tingin ko, concern talaga sayo si Kenneth nung umpisa pa lang. At para saken, mahalaga ka sa kanya!”
Arrrrgh! Stupid thoughts go awaaaaaaay!!!!! >___<
Naglakad nalang ako papunta sa direction na tinuro ni Rima kung nasan si Kenneth, at habang naglalakad ako sa hallway… bigla akong kinabahan. My heartbeat, it’s like rapidly beating. Parang lalabas na siya.
“Basta President, sa tingin ko, concern talaga sayo si Kenneth nung umpisa pa lang. At para saken, mahalaga ka sa kanya!”
“Basta President, sa tingin ko, concern talaga sayo si Kenneth nung umpisa pa lang. At para saken, mahalaga ka sa kanya!”
“Basta President, sa tingin ko, concern talaga sayo si Kenneth nung umpisa pa lang. At para saken, mahalaga ka sa kanya!”
Aasa ba ako? Will I assure myself of not getting hurt if I aaminin ko sa sarili ko na… I like him?
I like him?
Gusto ko siya?
@____@
“Pano si Louise?” nagitla ako sa narinig kong nagsalita. Boses yun ni Skyler.
“Huh? Anong tanong yan? Bat napunta sa usapan si Louise Sky?” boses ni… Kenneth?
“Si Louise… at si Carleen.” Bumilis pa lalo ang tibok ng puso ko ng marinig ko ang pangalan ko na sinabi ni Skyler, bat nila ako pinag-uusapan?
“Bro, don’t start this topic again.”
“Pero Ken, don’t you think it’s a bit unfair to Carleen? Aminin mo nga saken, who is Carleen for you, huh? Is she someone special?”
O____O
Katahimikan.
Kenneth? Sino ba ako sayo? :C
“Ano bang gusto mong malaman?” sinagot ni Kenneth si Skyler ng isa pang tanong. Nag-iinit ang gilid ng mga mata ko. Na parang gusto niyang umiyak.
“Louise left, but are you over her?” diretchong tanong na naman ni Skyler. Tanungan ba itey? -_-
“Magka-iba sila ni Carleen Sky. Iba si Louise at iba din Carleen. Stop comparing them!”
“Dude, pinapaalala ko lang sayo kung anong status mo. At kung ano ang pupwedeng mangyari dahil sa binibigay mong attention kay Carleen. Mahal mo si Louise hindi ba? You’re waiting for her right? Then what’s this?” tumaas na ang mga boses nila.
“I…”
Ramdam ko ang sipon na tumutulo sa ilong ko. Dun ko lang napansin na naiyak na ako. Dahil sa mahina at pigil kong pag-iyak, napa-hikbi ako na nagpatigil sa pag-uusap nila.
“Teka pre..” I heard footsteps, na papalapit sa pinto kung saan ako nakatayo. Imbis na tumakbo, agad kong pinunasan ang mga luha ko sa pisngi. At tumayo ng tuwid, sabay fake smile.
^______^
“C-Carleen…” halata ang pagkabigla ni Skyler ng buksan niya ang pinto. “K-Kanina ka pa ba dyan?”
“Kakarating ko lang, aalis na sana ako kaya lang nakalimutan kong magpasalamat sa inyong dalawa eh.” Ngumiti ka lang Carleen. ^___^
“Ah ganun ba. Sige, iwanan ko muna kayo ni Kenneth, aayusin ko pa yung gamit ko sa kotse.” Pero bago siya lumabas, “Sila Rima?”
“H-Huh? Ahh.. nauna na yata?” sagot kong hindi pa sure.
“Tss. Yung bangs na yun talaga, hindi man lang ako hinintay.” Naglakad siya palabas ng nakapout.
Naiwan kami ni Kenneth na nananahimik sa sofa. Nakayuko at magkadaop ang mga palad. Parang ang lalim ng iniisip niya. Nasaktan ba siya, o natauhan lang? Siguro nga, mas maganda kung palayain ko nalang siya. Sana hindi ko nalang siya nabigyan ng Penalty Slip, siguro sa ganong paraan, hindi ko siya makikilala ng husto at hindi niya din ako makikilala ng husto para matulungan akong magbago para sa Council. Kahit siguro magkita kami sa Strip Club, hindi bilang “President Carleen” ang tingin niya saken. Sana kahit papaano, hindi kami magkakaroon ng koneksyon sa isa’t isa. Hindi ko na sana nakita pa ang ngiti niya na nakakapagpa-ayos ng mood ko.
Eh di sana hindi ako umasa, hindi ako nasasaktan sa nakikita kong reaction sa kanya matapos kong mag-eavesdrop. Kung sino man yang Louise na yan…
Naiinggit ako sa kanya.
Mahal na mahal siguro siya ni Kenneth.
“Carleen…” mag-sasalita pa sana siya pero ayaw ko ng marinig or makita or makausap siya.
“Kenneth, salamat sa lahat ng tinulong mo saken. Promise, babayaran kita.” Sabi nga nila, a single smile can hide thousands of heartaches, kaya ngiting tagumpay lang Carleen. Tiisin mo lang muna hanggang matapos ang bonggang-bongga mong speech then mag walkout ka agad.
“Teka Carl---“
“Magpapakabait na ako. Hindi na ako magiging halimaw sa banga ng Gilmore College, salamat din dun. Kahit papano, natulungan mo akong marealize ang pagkakamali ko sa pamamalakad ng Council. Thank you.” Konti nalang Carleen. Pigilan mo ang luha mo.
“Bilang thank you gift, wala ng bias yung Penalty Slip ko sayo. Tapos na siya.” ^___^
“Carleen, wait listen to—“
Tumalikod ako at tumakbo. Hindi naman yun ang plano kasi nga diba, WALKOUT. T__T Pero di na keri ng luha ko eh. Sadya na siyang natulo, wait… scratch that. NAAGOS. Yeah right, naagos ang tamang term. Bat ba kasi naagos ang luha ko? TT____TT
I’m letting him go. Kahit hindi nagging kami, which is medyo may pagka-ambisyosa lang ang dating nun sa inyo pero yes… I’m letting him go. Sa puso ko. Para hindi na ako umasa. Pakasaya siya at hintayin nalang si Louise.
Dito na nagtatapos ang Penalty Slip ni Kenneth Vander Demonteverde. Bow.
***
2 weeks after mahuli ni Jun Tobias, nagstart na ang trial niya. Wala na akong pake sa kanya basta ba hindi siya makalabas dun at huntingin ako noh. Busy nga pala kami dahil may Campus Fair ang Gilmore College. Medyo light na ang trabaho since, alam mo na… may team na ako. Hoho. Sitting pretty ako ngayon dito sa office. Naka-scatter kasi yung mga officers para sa kanya-kanya nilang assignments sa lahat ng College Departments ng school para sa Fair.
Isang way din toh ng pagma-marketing. Ayoko ngang maungusan lang ng Esburgh University na yan ang precious precious school ko. Tss. =_=
Esburgh University. *pwe*
= 3 =
So what? Anong meron sa Esburgh—
“President!!”
“Ay %$&#($& ka! Ano ba yon Jay???!” takte tong si Jay, papasok na lang at tatawagin ako, kelangang pasigaw pa. Like duh? =_=
“Kasi may problema! Yung events committee, wala ng mahanap na rerentahan ng lights para sa Night Party!! >_<” nakoooo. Ano ba yan! *facepalm*
“Problema nga yan. Tss.” Napakunot tuloy ang noo ko eh. Ang ganda na ng mood tapos biglang boom! =___=
“S-sige, I’ll try to look one din!” tumalikod na siya at patakbong dumiretcho sa pinto.
**BOOOOGSH**
*thud* *thud*
Narinig ko ang pagbagsak ni Jay na una pa yata ang pwet. Bigla kasing bumukas yung pinto. “JAY! Okay ka lang?” I rushed to him.
Himas-himas niya pa yung pwet niya eh. “Medyo. Ouchhh.” T__T
“Are you okay Jay?”
O_____O
c('o'c )????
( O___o) ?? (O__O )
“K-kenneth?” nawala ako sa kabihasnan ng saglit, at bumalik lang sa realidad ng marinig kong tinawag ni Jay ang isang pamilyar na pangalan saken. Nasa harap ko na siya pero hindi ko magawang magsalita.
Lumuhod siya para maging ka-eye level niya kami ni Jay. “Sorry pre. Di kita nakita eh.”
“Ano ka ba! Okay lang! Napadalaw ka? Grabe akala ko nakalimutan mo na kami dito eh. Nagkabati lang yung Committee at Council, nang-iwan ka na!” nakatayo na sila Jay pero ako nakaupo parin sa sahig.
“Busy lang eh! Haha. Mukhang busy kayo ah?” palingon lingon siya sa loob ng office.
“Medyo. Punta ka sa Campus Fair naming next week!” yaya ni Jay.
“H-hindi pwede!” pabiglang pagtayo ko at pagtutol.
“Eh? Bakit President?” tanong ni Jay.
“BAWAL ANG OUTSIDER!” sinabi ko yun habang naiwas ng tingin sa kanya. Kay Jay ako nakatingin, ni pangalan niya ayaw ko ng banggitin. =__=
“Sus. Parang ibang tao ako sayo ah Carl.” Jeez. Why is he here? Alam kong walang nangyari samin pero eto ako at nagpapakachaka, nagmomove on kasi ako sa kanya. Care ko sa inyo? Eh sa pogi siya eh. At gentleman, oyy hindi ko pinagnasaan ang abs niya okay?? at basta! BAT BA KASI NANDITO YAN!
>____<
“Ahhh. President, iwan ko muna kayo haa. Para kasing ano..” napakamot sa ulo si Jay, oh gosh Jay wag mo kong iwan. T__T “Parang may pag-uusapan ata kayo. Sige.”
Pipigilan ko pa sana si Jay ng hawakan ni Kenneth ang kamay ko. Homaygad, sinabi ko ang pangalan niya. Nagmomove on ka Carleen, don’t say bad words! >_<
“B-bitawan mo nga akooo!” pinipilit kong magalit sa kanya at itaas ang boses pero parang naurong dila ko at namumula pa ako at imbis na magalit, napapangiti ako. Ano bang—
“Carleen, I’m here for this.” Natigilan ako ng iabot niya saken ang isang kapirasong papel.
“A-Ano toh?”
Nang makita ko, hindi ko maintindihan. Bat niya ako binigyan ng ganito?
“Penalty Slip of Kenneth Demonteverde to Carleen Hinirang?” binasa ko yung nakasulat. “At anong 1 count? Anong penalty ko sayo ha?”
Naglakad siya palapit saken, giving me the creeps with his deadly stare. T^T Nakakanosebleed siya. Hindi niya ba alam ang ginagawa niya saken? Pano ang move on drama ko?
“H-hoy! Don’t move—I said don’t move Demonteverde n-naman ehh!” I stuttering, but who else won’t, lesbian lang siguro ang hindi maaakit sa kanya eh. Oh my gosh, nakakasilaw. >_<
“That one count you’re asking…”
Eh? A-ano daw? @__@
“You stole my heart… kaya dapat magbayad ka.”
O________O
@______@
?_______?
Ufaaaaaa. Magsalita ka Carleen. ^O^
“I don’t… I don’t believe you!” I said.
“Dahil ba kay Louise?”
O___O
Lumayo siya ng konti at napakamot sa ulo. “Sabi ko na nga ba, you were eavesdropping that night.” Yung deadly stare, napalitan na siya ng deadly smile. TT___TT Gusto ko ng lumayo sa gwapong lalaking toh Lord.
“B-baket? Mahal mo yun diba? A-at tsaka, boto n-naman ako sa inyo eh. He he he!” plastic ka na, obvious pa. j3j3. =___=
“Carleen, here’s the thing.” Hinawakan niya yung kamay ko at tinitigan ako sa mata, like shocks. *___* Heaven in his eyes. Omoooo. “Louise, she’s my ex. But that was 2 years ago. She went to New York to pursue her ballet career. She’s my first love I guess, but wala naman akong sinabi sa kanya na hihintayin ko siya eh. She already left my heart with me when she left for the States.” Paliwanag niya, yung mata niya talagang nangungusap. *___*
“B-Bat mo sinasabi yan? Wala naman akong p-pakielam!” >__<
“Kasi nga kinuha mo yung puso ko!”
“Pwede ba yun? Eh di sana deadz ka na? Tsaka will you stop staring at me?”
“Ayoko nga. Ang ganda mo eh.”
O________O
“Kaya dapat, tanggapin mo na yang Penalty Slip mo saken!” sabay abot niya saken nung slip. Makautos ka? Porket pogi? =_=
“Ano namang penalty yan?” tanong ko.
“Akin ka na.” ^____^
“Eh? O_O”
“Okay fine, let me rephrase it for you. Dito ka lang sa tabi ko lagi.”
“Ayoko nga! Tsaka your Penalty Slip is not valid!” kinikilig ako, omg. Inhale, exhale. >O<
“Eh kung mag-renew ako ng Penalty Slip? Pwede ba?” taas baba ng kilay niya.
“Ha!” napasuklay ako ng buhok ko sa sinabi niya, “Ano ka? Masokista? Gusto mo ng pinapahirapan?”
“Kung ikaw naman eh, bakit hindi?” he smiled slyly.
>/////////<
Biglang bumukas ang pinto. “Sige na President! I-approve mo na yang Renewal ng Penalty Slip ni Kenneth! Pleaseeeeeee.” Bigla biglang papasok toh si Jay ng walang pasabi.
“Oh kitams? So what shall you grant me, my lovely President?” *kindat*
>_______<
“Fine! Do what you want!”
Halos magtatalon naman ang iba pang Council members na nasa labas (at nage-eavesdrop. =_=) nung marinig nila ang pilit kong order. Nako, riot na naman toh.
Lumapit si Kenneth saken at bumulong.
“I’ll court you sa bahay okay? Gusto ko kasi legal tayo?”
O_______O
“B-Bahala ka nga dyan!”
>//////////<
“Ang tsundere mo talaga President.” ^_____^
Next week na ang Campus Fair, mukhang mapapasabak ang Council at Committee ah. Pero ako, mukhang mapapasabak sa pagpapakipot dito. Yieee. Landi. XD
---------------------------------------------------
Thank you sa lahat ng nagmemessage. You know, we’re all friends. Kaya hug me guys~ \(*^*)/
Nga pala. Carleen at Kenneth sa gilid. Cowmment, Vote, Fan, Message, Like, Share, Tweet. Boom!
XXX
-CC ♥
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top