Case 10: Ang Halimaw sa Strip Club
Uwaa. Thank you sa lahat ng nagrespond sa mga promoting messages ko. Forever grateful! XD
Note: Yung dulo, PIYO STYLE ang nagsulat, na may konting akeyy. Hahaha. Kaloka ang update na toh. Stress ang lola niyo :*
-CC (Si President Carleen sa gilid!)
Case 10: Ang Halimaw sa Strip Club
Kenneth’s POV
“Ken, may practice tayo mamaya ha?”
“Hoy! Kenneth!”
“KENNETH!”
*wapak!*
O______O
=____=
“Kenneth? Hello?”
“Ano ba Paul?” istorbo naman tong isang toh eh.
“SABI KO MAY PRACTICE MAMAYA.” Ahhh. Pakilinaw kasi eh. Tsaka busy din naman akong mag-isip. Pero mag-isip ng ano?
“Sige pre.” Sagot ko. Pero hindi naman ako pupunta sa practice.
“May problema ka ba? Simula ng mag-duty ka sa Gilmore College parang lagi kang tulala. Pinapahirapan ka ba nila don?”
Natawa na lang ako sa sinasabi niya. “Hindi ah!”
“Naku pre, chicks ba yan?” pang-aasar nito saken.
“Hmm.. Hindi pre. ASA.”
“Wushuuu. Malay mo naman. Ikaw ha! Baka may chicks ka sa Gilmore College! Share mo naman samen yan! Ang daya mo!”
“Manahimik ka na nga lang. Wala akong chicks.”
“Bahala ka. Sige pre, may klase pa ako. Kita nalang tayo mamaya!” sabay tapik sa balikat ko at takbo palayo.
Ako? May CHICKS? Sa Gilmore? Si Rima pwedeng chicks. I’m physically attracted to her but intimate connection? Nah. =___=
***Halimaw sa Banga Calling***
=______=
*pindot*
“Hello?” sagot ko na telepono.
“Bumili ka sa bookstore ng bond papers!” utos niya saken, walang kaso saken ang pagtataray niya at lalong ang mg autos niya. Ordinary lang siya para saken. Kung yung iba, iisipin na inaalipin siya, ako? I’m helping her. Wala siyang kasama sa office, president siya ng Student Body nila at Head siya ng Disciplinary Council. Araw-araw, may mga nagkakaoffense. Araw-araw may mga nagrereklamo. Kung siya lang ang nakilos, it’s a bit unfair for her.
“Will that be all?”
“H-Huh?” halatang nagulat siya, pag tinatanggap ko lahat ng utos niya, yung reaction ng mukha niya parang nagugulat. Hindi yata makapaniwala na hindi ako nagrereklamo sa mga utos niya saken.
“Sabi ko, kung bond papers lang? Baka may kulang pang supplies sa office niyo. At least mabibili ko na din. “
“S-Scotch tapes, glue d-din yata.” Nauutal pa talaga siya.
“Okay. Yun lang Carleen?”
“P-President ang itawag mo saken!!” =____=
“Carleen ang pangalan mo, gusto kong tawagin ka sa pangalan mo, therefore, I’ll call you Carleen.” Masyadong masungit, suplada, bossy at mainit lagi ang ulo nito eh.
“Whatever! Address me by my position at all times!” she instructed me.
“Okay fine. President Carleen. Yun lang PO ba?”
“Oo!”
“Okay, pupunta ako dyan mamaya.”
“Good babye—“
“Kumain ka na ng lunch?” bigla kong naitanong.
“Hindi pa. What’s it to you kung hindi pa?” nagtaray na naman toh.
“I’m just asking, sa mall kasi ako pupunta. Baka gusto mong bilhan din kita ng lunch mo?”
“P-Pwede ba! Just buy the b-bond papers!”
“Okay fine. Chill.” =____= Kelangan ba laging nakasigaw? “Sige, bye.” Binaba ko na yung phone at kinuha ang gamit ko sa locker.
“KENNETHHHHHH!”
=_____= Eto pa ang isang abala sa buhay ko.
“Baket na naman Charlie?”
“May meeting ba tayo mamaya?” ay oo nga pala, yung Case 2 namen. “Kasi kung wala magpapasundo ako, tutal mukhang mas nagging busy ka pa ngayon dahil sa duty mo sa Gilmore.”
“Wala. Ako ulit ang magsusurveillance ngayon. Hayaan niyo na, although, be ready. May pinaplano kasi ako eh. Tatawag ako if may emergency meeting man.”
“EMERGENCY?” O________o
“Yup. Pasabi kay Rima at Skyler.”
“O-Okay.”
This time, kailangan ko ng matapos ang mga kailangang tapusin. Haaaay.
Carleen’s POV
Ako ang President ng Student Body Organization ng Gilmore College at current Head ng Disciplinary Council ng Student Affairs. Carleen Hinirang, Mass Comm student. 18 years old.
“P-Pressss.” Bigla nalang napasok tong si Cruz sa office. Pero malamang, siya ang Vice-President eh.
“Anong kelangan mo?”
“M-Magtatanong lang n-ng budget?? Para sa ano.. sa activities n-ngayong buwan?” yan, sige. Manginig ka sa takot! Bakla!
“Eto.” Sabay abot ko ng folder ng accounts at budget sa nanginginig niyang kamay. “Pakisabi na rin sa iba na may meeting mamaya. Ang hindi pumunta, LAGOT SAKEN!”
“O-OPO P-PRESIDENT PO!” >___<”
“Good. Now leave!”
Tumakbo naman agad tong si Cruz palabas ng office. Sadyang mahina ang loob saken. Well, dapat lang naman diba? Ako ang dapat masunod. When I speak, I should have authority within me. Dapat with full conviction. Kaya I think there’s nothing wrong with how I act.
*tok tok*
“Carl—este, President, eto na yung bond papers mo.”
=______=
Etong lalaki lang na to ang kayang makipag-usap saken without stammering. Na para bang chillax na chillax lagi ang aura niya. One week na ang penalty niya bukas pero parang hindi niya iniinda ang mga inuutos ko sa kanya. Is he testing me? Or is he just annoying me?
“Ilagay mo lang dyan!”
“Naglunch ka na?”
Anong bang problema nito at laging nagtatanong kung naglunch na ako? Eh 1 pm na kaya, malamang lang na—wait. Hindi pa ako nagla-lunch. May tinapos pala akong paper work.
“O-Oo na!” I lied, para tumigil na siya.
“I bought cinnamon rolls. You want?” alok niya saken.
“Ayaw.”
“Okay fine.” Tapos umupo siya sa sofa at kumain.
T ^ T
*gruuuuu~
Nagutom ako bigla. Minsan lang ako kumain ng cinnamon rolls kasi mahal yun eh. Hindi naman kami mayaman para bumili ng bumili. Scholar nga ako eh. P-Parang gusto ko din.
“Gusto mo?” napansin niya palang nakatitig ako. “Sabi ni Jay, hindi ka pa daw nalabas ng office simula kanina. That means hindi ka pa naglalunch. Eto oh.” Inabot niya saken.
“Ayaw.”
=________=
I heard him sigh. “Ay nako. Eto oh, iiwan ko muna toh dito. Sayo na toh.” Lalabas na siya ng office.
“W-Where are you going?!” pagpigil ko.
“Sa labas. Manchichicks.” Tapos diretcho na siyang lumabas.
~(<__<) “
Natetempt akong kunin yung iniwan niyang cinnamon rolls sa table. Bwiset na lalaking yan. Anong problema niya at hindi man lang siya natatakot saken? Ni hindi man lang tinatablan ng pagsusungit ko, at kahit ilang beses ko siyang itaboy at palayasin… bumabalik pa din siya at natulong dito.
Hindi ba taga-Esburgh siya? Not to mention na varsity player din. Parang ang hirap isipin na wala siyang kayabangan sa katawan. Yung sinabi niya na manchichicks siya? Hindi nya ugali yun. Sa halos isang lingo niyang stay, ang daming haliparot na babae ang nadaan sa office para lang mag “Hi~” sa kanya pero kung pakitunguhan niya ay pare-pareho lang.
Ano bang meron sa Kenneth Demonteverde na yan?
*kagat*
Kinuha ko na yung cinnamon rolls. Gutom na talaga ako eh. Teka? May tao ba sa labas?
“Kenneth?!” naku po, eto na ang mga fan girls niya.
“Where is Kenneth ba? Sabi mo he’s still here pa ren? Ano ba Jay?” mukhang kinukulit nila tong si Jay, yung Vice-President na Cruz ang tawag ko.
“Hay nako! Liar ka!”
“K-Kasi girls, n-nasa duty yata si ano.. Kenneth. Hehe. Mamaya niyo n-nalang siya kulitin pagkatapos niya.”
Masampolan nga, tutal, nabusog na ako ng cinnamon rolls eh. Grabe kung makapaghanap, lost and found ba ang office namin?! =____=
*BLAAAG*
“Omg! What’s that?”
“Homaygad.” (/ o \)” Nagtakip nalang ng mata tong si Jay.
“Well, if it isn’t the goodie goodie Miss President. Hello.” Bati nung parang leader ng mga babae. Kilala ko toh, siya yung Miss Gilmore last year. Tourism student siya. Pero bali-balita na ang pagiging mataray niya eh.
“Anong ginagawa niyo dito?”
“Hinahanap lang namen si Kenneth, andyan ba siya sa loob?” aba, she’s not afraid of me, parang si Kenneth lang ah.
“Lumabas siya eh.”
“Alam mo girl, hindi ko alam kung matutuwa ako, kasi dahil sayo, malimit na nandito si Kenneth sa school, or maiinis ako kasi laging siya ang kasama mo.”
“T-Tama na T-Tracy Ann. H-Hanapin nalang n-natin si Kenneth sa baba.” Pagpipigil ni Jay sa babaeng yun. Tsss. Parang may gusto siyang sabihin saken eh.
“Mamaya na. Gusto ko munang kausapin ang nagkukunwaring sobrang baet na student na toh, if I know, sinadya mo talagang parusahan si Kenneth para makapag-spend ka ng time sa kanya!” she accused me.
=________= #
“Tama! Kung mautusan mo naman ang Kenneth babes namen! Akala mo kung sino kang maganda! Halimaw ka naman!” dagdag pa nung isang babaeng mukhang paa.
=________= #
“Not to mention, akala mo naman may ibubuga ka kay Tracy, kuko ka lang yata niya eh.”
=________= #
“G-Girls! Awat naaaa!” \(> O <)/ ~
“Grrrrrrrrrrrrrrr.”
“Ano? Tama kami diba? What a sore loser! Let me tell you something…” lumapit yung Tracy Ann at may binulong saken, “Kenneth is mine.”
*grabs hair*
*PULL*
“Ah—what the—HEY! Let go of my hair!! Ekkkk!” hinila ko siya palapit saken para bumulong din.
“EH DI SAYO NA!” opps. Hindi pala bulong. SIGAW. =__=
*tulak*
*TUMBA* ^____^
“W-What did you just—“
“Anong meron dito?” paglingon ko, si Kenneth ang nakita ko.
Nakita ko naming mabilis na tumayo tong si Tracy Ann na magulo ang buhok, courtesy of yours truly at yumakap pa sa braso ni Kenneth.
“Ken! She’s hurting me! Nakita mo naman diba?!”
=_______=#####
“President, may dumating na letter sa office. Para sayo yata yun.” Sabi niya lang. Tinanggal niya sa pagkakakapit yung Tracy at tumalikod pabalik sa office. NA PARANG WALANG NANGYARI.
O_____o
“K-Kenneth—“ tawag ni Tracy sakanya ng medyo may pagkabigla.
“Hmm?” lumingon siya.
“I said she just hur—“
“Wala akong nakita.” ^_______^
“P-Pero… Kenneth—“
“Jay! Tulungan mo nga akong ayusin tong mga papel na ishe-shred ko para maayos ko na.” tawag niya kay Jay, si Jay naman dali-daling tumakbo papasok ng office.
“I can’t believe this!! ARRRGH—“ nagsimula ng magwala si Tracy. Aba, nawawalan din pala siya ng poise. Humarap siya saken, “May araw ka rin saken!”
*DEATH STARE*
=____________= ~~
“Anong sabi mo?”
Namutla naman siya, ang galing ko kaya sa mga ganyan. Yung parang evil eye lang. Tingin ko palang, pamatay na kaya. ^___^
“T-Tara na nga girls!! ARGH!” sabay walkout.
Pumasok na ako sa office at umupo sa table ko. Umalis bigla si Jay kasi may klase ata, kaya kami lang ni Kenneth Demonteverde ang nandito sa office.
Nagtataka din naman ako kung bat ganun ang ginawa niya. Parang ang lumabas tuloy, pinagtakpan niya ako. Magte-thank you ba ako? Ahhhhh. Ayaw.
“Did they hurt you?”
“H-huuuh?” nabigla ako ng bigla siyang magsalita. “A-Ano yon?”
Ngumiti lang siya, “Sabi ko, kung sinaktan ka nila?”
“Ako nga ang nanakit sa kanila eh, sinabunutan ko yung isa dun.”
“Okay. But are you okay?”
Anong okay ba ang sinasabi ng gwapong nilalang na toh? Kailangan bang ulit-ulitin na okay lang ako? Tsaka okay naman talaga ako kasi ako nga yung nanakit diba? Ang weirdo talaga ni—
“Sanay ka bang binu-bully?”
*awkward silence*
Tumingin ako sa kanya. “Ako ang President ng Student Body. Bakit ako mabu-bully?” I stated. But all of a sudden I felt like something twitched inside of me. Na para bang, oo, nasaktan ako. Ganung feeling ba.
“Wala lang. Sa sobrang pag-aalala mo para sa buong Student Body, does anyone try to ask you if you’re okay?”
*silence*
“You’re the first one I guess.” I said that honestly. Ngayon ko lang narealize na walang nagtatanong saken, kung naglunch na ba ako, or if I’m okay. Nahihilo baa ko or nasusuka? Meron baa ko or wala.
“You’ve grown attached to this office, and to your position. Kaya nalilimutan mo ng alagaan ang sarili mo. Pano mo maaalagaan ang isang buong school kung ang sarili mo nga eh hindi mo maalagaan.”
Lumingon siya saken, kaya umiwas ako ng tingin. Tama ba siya? Mali nga ba ang pamamalakad ko sa Student Body?
“Do you have friends?”
O________O
“W-Wala.”
“Eh!” bigla siyang nagdabog. Inaayos niya kasi yung mga folders kaya tinapon niya yung ibang hawak niya. Ano bang problema nito?
“Hoy! Wag ka ngang magkalat dyan!” saway ko. Pinulot ko yung folder na tinapon niya.
( O ____O)~[folder]~(O___ O )
>///////////<
“Ahhh—ehh!” nabitawan ko yung folder, pagkakuha ko kasi bigla nalang siyang lumapit saken, para abutin yung folder kaya lang ang lapit na ng mukha niya.
“Sorry.” Inayos niya na ulet yung folder at nilagay sa steel cabinet.
“Nagkakalat ka pa!”
“Nakakapagtampo ka kasi Carleen eh.”
“Address me by my POSITION! >.<”
“Okay fine.” =____= Narinig kong nag-sigh siya. “Nakakapagtampo ka sabi ko, Miss President!” ulit niya.
“Huh? Abnormal lang? Nagtatampo ng walang dahilan?!”
“Sabi mo kasi wala kang kaibigan.”
“Eh wala naman talaga eh!”
“AKO! I’m your friend!” sabay turo niya sa sarili niya at pogi pose.
=_____=
“Sinong may sabing friends tayo? FC LANG?”
“Oh di sige, pwede ba kitang maging friend?” tanong niya, yung ngiti niya, parang nang-aasar lang.
Ano ba! Bat ang bait niya saken? Anong meron? Bat ba lagi nalang ganito sa office, nakakakaba. Pag ngumingiti siya, napapangiti ako. Tapos pag nagpapatawa siya, kahit corny, pinipilit kong hindi tumawa. At pag matatapos na ang duty niya dito parang biglang ang lungkot ng office?
=______=”
Kenneth’s POV
“Oyyyy!”
*poke*
*poke*
*poke*
“Get lost! Gawin mo na nga lang yung inuutos ko!”
“Ayaw! Hindi ako aalis hangga’t di tayo FRIENDS!” ^____^v
“Peste!”
“Hindi ako peste! Dali na Carl!”
“My name is not CARL!”
“Caryeeeeeen!”
“Anong CARYIN? CARLEEN ANG PANGALAN KO!” >__<
“Oiii. Inis ka na ba?”
*poke*
“OKAY FINE! We’re friends just get lost! Go jump off a building! Hang yourself! Punch a wall or something!”
=___________=
Yes! Friends na kami ni Carleen. XD Effective pala ang pangongopya ko sa pangungulit style ni Charlie eh. Mukhang mas okay toh.
There’s something about her that I want to fix. I want her to change. Gusto ko siya kahit ganyan yung ugali niya, I can tolerate. But not everyone. Actually, majority ay ayaw ng ugali niya, kaya kahit ayaw kong mabago siya, I need to change her point of view in life. But I’ll start this in a different way. Hindi sa pagiging close namin. Friends na siguro kami, pero I need to do something for her, hindi dito sa school.
“Hoy! Friend! Pwede ba kitang ihatid mamaya sa bahay niyo?”
“H-Huh? Sa bahay? A-Ayaw ko nga!”
“Tara na! Hatid na kita!”
“M-May lakad pa ako.”
“Ah. Ganun ba.” /sad face.
“O-Oyy! Akala mo madadaan mo ako sa sad face chu chu mo! Tss. =___=”
I need to save her.
CARLEEN’S POV
“Andyan ka na pala Carleen.”
“Magbihis ka na nga. Magsastart na yung shift natin! Late ka na naman.”
Alam niyo yung parang taong walang buhay? (PATAY, MALAMANG? XD Binara ang sarili. Tss.) Ako yun pag gabi. Gumagalaw pero walang nararamdaman. Hindi umaandar ang senses ko at sa huli, para lang akong manika na pinaglalaruan at pwedeng gawin ang gusto ng ibang tao.
“CARLEEN ANO BA? MATAGAL KA PA BA DYAN??!”
“Malapit na po!”
Naglakad ako papunta kay Cecil. Yung kasama ko sa trabaho.
“Umayos ka nga! Pano ka haharap sa mga customers niyan!?” sabi niya saken.
I’m working in a Strip Club, owned by Jun Tobias. I DON’T STRIP OKAY. Si Cecil oo, pero ako hindi. Courier ako ng shabu dito. Pag may customer sa club na oorder, saken sila lalapit. Saken din sila makakakuha.
2 years ago, na set up ang Papa ko at nakulong siya sa salang hindi naman niya ginawa. Nangutang si Mama sa lalaking nagngangalang JUN TOBIAS. 6 months after makalaya ng Papa ko, sinisingil na kami ng mga tauhan niya. Wala kaming maipambayad kaya pumasok nalang akong courier ng club niya. Nung una halos hindi ko maatim tong trabahong toh. Illegal na, may hubad pang mga babae.
=____=
Nakakainsecure? Charot.
Nakakaawa. Kahit kelan, hindi ako pinagnasaan ng mga tao dito, kasi alam nila na marunong akong mag Judo. Tatamaan talaga sila ng suntok at sipa ko. Pero yung ibang babae dito, sila Cecil, naaawa ako sa kanila.
“Carleen! May nagbayad sayo para i-VIP ka!” biglang higit saken ni Cecil, bastusan lang? Nagpi-POV ako eh? =____=
“Sino daw?”
“Pogi siya teh!”
“Sino nga, POGI ang sagot mo?! Ano yan? POGI ang pangalan?” =__= Nakakatimang eh.
“Oh di ikaw na ang scholar ng bayan! Pasensya ha, sana alam ko ang namesung niyan eh bago nga lang yata dito.”
“Mukha bang manyak? Baka nagging customer mo na dati yan?”
“Ay teh, mga ganyang itchura kahit ARAW-ARAW!”
*sabunot*
“HALIPAROT!” umalis na ako sa Employee’s Room at dumiretcho sa VIP, sino naman kaya yun at kelangan sa VIP pa umorder ng shabu?! =_____=
O____________O
Halos matanggal ang eyeballs ko sa nakita ko. No. Hindi toh pwede, pano niya nalaman na dito nagtatrabaho? Ano—
“Carl.”
Papalapit na siya saken at hinubad niya yung leather jacket niya. >__< Bat siya pa ang makakaalam ng sikreto ko? BAKET? At tsaka bat siya naghubad ng jacket??!
(/ ___ \) ‘’
“We need to talk. Pero hindi dito.”
Naramdaman kong sinuot niya ang jacket niya saken, zinipper niya pa, naka sleeveless kasi akong tank top at naka apron lang na parang waiter ng karinderya.
“P-Pano mo—“
“I’ll explain later. Sumama ka na saken, ite-take out na kita.”
=_______= Parang fast food lang ah, TAKE OUT?! Ano toh? Joke? Ano bang problema neto?! Tss.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top