Case 1: Pre-emptive Honeymoon
SPY*SPY Specials
Case 1: Pre-emptive Honeymoon
Rima's POV
Nag-iimpake na ako ng maleta ko. Isang araw lang talaga ako dito sa Pilipinas noh? Isa pa wala akong matinong tulog simula kahapon. After naming tumambay sa apartment ay pumunta kami sa reception nila Miss Court at Chiefy at nagparty. Ang saya! Namiss ko silang lahat. Ngayon naman, itutuloy namin ang after wedding party sa New York. Nilibre lahat ni Chief ng tickets sa New York. Bigtime!
So as I said, nag aayos nga ako ng gamit ng biglang pumasok sa Hotel Suite ko si Mikki. Etong baklang toh makaentrada sa suite ko feeling. Ang bakla feel at home at humiga higa pa sa kama.
"Ano yan gurl? Di pa nakaborlogs sa totyal na Hotelchi? Taga bundok lang?" inis kong tanong habang nakahalukipkip. Inayos ko na kasi yung bed sheet. Ginulo niya naman. =_=
"Eto naman. Nasa Presidential suite ka kaya. Tsaka wag mong agawan ng trabaho ang housekeeping. Mapagpanggap ka. Alam kong hindi ka ganyan sa kwarto mo. Malayo tong suite na toh sa itchura ng kwarto mo dati sa apartment ni Manang Ason. Ifi-feel ko lang yung feeling ng nasa ganitong kama. Mahaderang bakla ka." sagot niya.
"Tss. Nakaimpake ka na ba?"
"Of course bakla. Go go sago na ba tayo sa New York? Push na ba na dun titira si Skyler for reals?"
I sighed at tumabi sa kanya sa kama. "Honestly bakla, I'm not sure. Feeling ko kasi ang weird ng lahat. Biruin mo? Isang taon ang hinintay natin sa special chapters ng S*S pero hindi pa rin tayo nakakaalis papunta sa New York? I kennot."
"So are you blaming Author CC? Ganern?"
Umiling ako. "Hindi naman. Kahit masarap manapak ng paasa at mabagal pa sa tortol na author, okay lang naman. Tsaka alam mo bakla, feeling ko may mangyayari pa. Hindi pa tapos ang case na toh. Parang may nakalimutan tayong isang maliit na detail." sabi ko habang nakatingin sa kisame.
"Detail?"
"Basta. I have a feeling about this." tumingin saken si Mikki with a worried look.
"And I know that feeling... it's either a good feeling. Siguro mag-eenjoy tayo ng bongga sa New York. OR-- baka bad feeling yan. At kapag nararamdaman mo yan either one ay pwedeng magkatotoo."
***
Nakarating kami lahat sa airport. Kumpleto na silang lahat. Ang makulit na foursome na sila Cindy, Ella, Camille at Nancy Binay-- este Nancy Jane or maarte siya kaya Nana nalang.
Si Chiefy mukhang excited na sa Honeymoon niya. Hindi ko siya masisi. Medyo matagal tagal din ang hinintay ng mokong eh. Witness tayong lahat kaya alam natin ang feeling ng torpeng yan. Alam ko nag-file siya ng leave sa FDD ng isang buong buwan. Talk about being responsible. Tss.
"Bigtimeee! New York talaga tayo! Woo!" sabi ni Charlie. Magkaholding hands sila ni Alexa. Wala. Nanaig ang Chalexa sa huli. Haaay. <3
"Hi guys. Are we ready for New York?!" eto pa ang isang medyo excited. Si Kenneth nakaakbay pa kay Carleen ng lumapit sa amin. Hindi maalis ang ngisi sa mukha. Excited ding masolo si Carleen.
"Where's Kuya?" Nana asked. "I thought he went to the Hotel that you're staying Ate Rima?"
"N-No. Wala siyang nabanggit. Actually kagabi nung pauwi kami, inihatid niya ako and parang weird siya eh. Hindi niya pa nga din ako tinatawagan."
"Asuuus. Nabitin ka lang eh. Don't worry be happy! Hayaan mo na, sa New York magsawa kayo!" nakangising sabi ni Chiefy.
Lumapit ako at binatukan siya sa ulo. "Shut up old hag." sabi ko.
"Well I guess we have to call him then." suggestion ni Stephen. Hinahanap niyo si Mikz? Busy magselfie kasama nila Camille. =_=
"Ako na." I volunteered. I dialed his number and after two rings he answered his phone. "Where are you? Kanina ka pa namin--"
{"Rima? Asan kayo?"} sabi niya, his voice was a bit odd and automatically send shivers down my spine. I don't know why I'm feeling that right now.
"Nasa airport. Ikaw nalang ang hinihintay--"
{"Listen to me. Gather them all at 'wag mo silang paaalisin dyan. You hear me?"}
Naguguluhan ako. Hingal ang boses niya at tila nabulong siya. "Skyler, aalis na tayo what's wrong--"
{"Look I need you to stay where you are. I'll call again after this."}
Nanlaki ang mata ko at tumingin sa mga kasamahan ko na masayang nagbibiruan habang hinihintay si Skyler. Lahat sila excited na sa Honeymoon/Vacation na libre ni Chief at Miss Courtney. Tapos eto si Skyler tila pinapakaba ako.
"Skyler, what are you saying? Nasaan ka ba? Pumunta ka na dito and stop it with this jokes. Hindi nakakatuwa. You better go here or iiwan ka namin! Sige ka--"
{"But I'm not joking right now Rima. Someone's following me. And I'm hiding from him right now. I want the other's safe."} I heard him sigh. {"I want you safe. So stay where you are and keep an eye on them."} he said.
I had shallow breaths and tried to stay calm. "I'm confused-- and worried about you. Please stay safe wherever you are too. Okay?"
{"I will."}
"I love you, Sky."
{"I love you too, Rima. Antayin mo 'ko. I'll be there. Stay safe."} binaba niya ang telepono at agad tumakbo ako kila Chief.
"Bwo. Anong sabi ni Skyler?" tanong ni Charlie.
I sighed and look at all of them. "Look guys. I know you're all excited but-- Skyler said that there's someone following him. I don't know if they're after the Spy Team or just him. Hinahabol nila ngayon si Skyler. He instructed me to gather you all. And-- we need to cancel our flight to New York."
"Hindeeeeeeeeeeeeeee!!!" sigaw ni Chiefy habang nakaluhod at emote na emote.
(=__________=)lll ???
Humalukipkip kaming lahat at tumingin sa kanya na parang nakapoker face.
"Hindeeeeeeeeeeeeeee--acccck!!!" tuloy pa din ang isang toh sa pagsigaw kaya binatukan na siya ni Kenneth.
"Tangina. Nakakahiya ka oy. Tumayo ka nga. Ikaw pinakamatanda dito eh." naiiritang sabi ni Kenneth.
"Aray naman! Iwanan nalang natin si Skyler. Macho naman yun kaya na niya yun. Gago pala yun eh. Ano siya sinuswerte? Honeymoon ko toh tapos icacancel niya lang siya ba ang makikipaghoneymoon leche siya tangina niya--"
"Sabi niya may humahabol sa kanya. Is this something that involves FDD?" hindi ko na pinansin ang ksp na yun at humarap kila Kenneth na frankly, ay mas matinong kausap kesa sa retarded at dati naming Chief Adviser na ngayon ay Chairman ng buong FDD.
"Hmm..." nagisip si Kenneth saglit.
"Honeymoon ko yun ehhh pero trabaho pa rin? Diba pwedeng break muna awat muna? Kailangan pati honeymoon ko atrasado dahil sa mga drug addict?!?" paglalabas ng sama ng loob ni Chief saken. T^T
Lumapit sila Charlie at Kenneth kay Chief and pat his back. "Poor Chiefy, you'll get your chance." they said and grinned.
"Eh kung gusto niyong i-get ko din kayo ng chance na masapak ko? Payag kayo?" inis nitong sabi. Agad lumayo sila Charlie at ngumiti.
"Ay hindi na. Tara iwanan na nga natin si Abalos. Pre-emptive supalpal na tuloy yung Honeymoon ni Chief. Wag ganon!!!" biglang bawi ni Kenneth.
"Oo nga. Tama. Iwanan na natin si Skyler." Charlie nodded. Tignan niyo tong dalawa. Nagiging straw na naman. Mga sipsip. =_=
Napahawak ako sa baba ko at nag-isip. I knew something is wrong out here. But who the hell is trying to follow us again? Kaluluwa ni Ovan? Nasa mental naman na si Amy at nasa kulungan na si Former Chairman Villena. Nasa heaven naman na si Tito Harvey.
Who did I miss? Who did we miss out?
"Something wrong Rima Bear?" tanong bigla ni Charlie na nakapagpatigil sa pag iisip ko.
"Ah eh-- wala. I was wondering if ako na naman ba ang may dahilan nito."
"I doubt that Rima." biglang singit ni Stephen. "Skyler is still a part time spy in FDD kahit kasama ko siya sa kumpanya ni Dad. Ganun din sila Ken at Cha. Nitong isang linggo lang may nagpasabog ng condo unit ni Skyler dahilan para lumipat si Sky sa apartment."
"Oo nga. Pero anong connect nun?"
"Sabi ni Sky, gawa daw yun nung mga sinu-surveillance niyang drug syndicate. Nalaman nila ang ginagawa niyang pagsusurveillance at nahanap nila ang bahay niya."
Napahawak ako ulit sa baba ko. "Ganun pala."
"Are we okay na dito mag-stay? Should we leave?" sabi nila Camille. Alam naman nila ang tungkol sa pagiging spy naming lahat. It's a secret for all of us.
"No. Skyler said dito lang ang lahat. He'll settle this at sisiguraduhin niyang safe ang lahat." sagot ko.
"Aigoo I'm scared! Being involved in your spy jobs is the last thing I want to be in Rima!" yakap saken ni Mikki.
"Wag ka ng mag-inarte at maghintay nalang tayo."
***
Makaraan ang 30 minutes, tumawag ulit si Skyler. He told us to bring the rest and drive to a safer place. Kenneth, Charlie and Miss Courtney took the rest back to the HQ.
Kami ni Chief, sumunod sa tracker ni Skyler. The tracker led us to his car na naka-park sa sidewalk malapit sa Gilmore Avenue.
Habang chine-check ni Chief yung sasakyan ni Skyler, napatingin ako sa Gilmore College. Nostalgic. Namiss kong pumasok sa school. De joke. Ayoko na noh! Pahirap mga prof sa school na yan! Pwe. Pero mas masaya noon eh. Kahit mahirap, masaya naman. *u*
"Where the heck is Skyler?" Chief said after checking his car.
"Maybe he's nearby. Let's search the area." pumayag naman si Chief kaya naghiwalay kami. Pumunta siya sa malapit sa park, ako sa mga establishments.
Nilagay ko yung transmitter na inabot saken ni Chiefy at naglibot. Nakaramdam ako ng excitement. Wow. Rima. Nawawala si Skyler tapos naeexcite ka. Baliw ka talaga. =_=
Siguro dahil ngayon nalang ulit ako nakapagsuot ng transmitter. After being a Dela Vega, ngayon nalang ulit ako nakapagsuot nito. Ang saya! ^___^
Agad may humintong itim na van sa may isang cafe establishment. Agad akong nagtago sa isang puno na nasa may gilid ng kalsada. May mga lumabas na lalaking naka itim na jacket at shades at sumakay sa van.
Kahina-hinala sila.
Susubukan ko pa sanang sundan ng biglang may tumigil sa tapat ng puno na motorbike. Hinubad niya yung helmet niya at grabeeeee slow mow. Islow mow 43v3r.
"S-Sky?!"
Nakakunot ang noo niya dahil medyo tanghaling tapat. "Para kang ewan na nakatayo dyan. Sakay na." he said then gave me a helmet.
Grabe. Siya na talaga ang medyo Daniel Padilla sa leather jacket niya. Yung motorbike na gamit niya, kulay itim. Namiss ko si Meredith. Huehuehue. Nasa DV mansion parin kaya yun?
"Alam kong pogi ako okay? Hop in already. Ang init oh."
"T-Teka--"
"Bilis. Susundan ko pa sila." agad ko naman siyang sinunod at sinuot ang helmet. Awkward pa akong sumakay sa motorbike at yumakap sa kanya. "What's wrong? Hanggang ngayon ba naiilang ka pa rin?" he chuckled habang nagdadrive.
Shete. Buti nalang hindi kami magkaharap. Feeling ko ang pula ng pisngi ko. >////<
"Hold on tight Rima." binilisan niya pa ang takbo dahilan para lalong humigpit ang yakap ko. Hay ang sarap. Pwede bang wag ng bumitaw. Cheret. Lol.
Grabe. Ang bango bango niya. Eto pa rin yung pabango niya.
*sniff* *sniff*
Nakakamiss. Namumula ako lalo. Shete. 7 months lang ako nawala but it felt like a couple of years. Dammit Skyler. I miss you.
Tumigil ang motorbike dahil sa stoplight. "You know who are we after?" bigla niyang tanong. Kekeenes. Istorbo toh sa pag-amoy ko sa pabango niya. De joke! XD
Umiling ako. "No. Sino ba?"
"Ruru Genesis."
Nanlaki ang mga mata ko ng marinig ko iyon. "R-Ruru Genesis? Yung may-ari ng Genesis Bar???!!" I said.
"Yup. He's after me-- and you." sabi nito.
Siya yung may-ari ng Genesis Bar. Guys. Pamilyar ba sa inyo yun? Sa Chapter 1. Let's go back to Chapter 1. Di nga? O_O
"B-But why?!"
"After natin magkita sa Genesis Bar noon at muntik ng mahuli, the bar closed down. Pero hindi natin alam what happened to Ruru Genesis. Nakatakas siya. Gumawa siya ng isang sindikato na nakabase sa New York."
"New York?"
"Oo." muling tumakbo ang motor at napakapit ulit ako sa katawan ni Sky. "He found out about the two of us and started hitting me. Una yung condo ko and now eto."
"Eto? Anong eto?!"
"Nalaman niyang pupunta tayo ng New York. He was supposed to ruin Chiefy's honeymoon and celebration. I'd rather pre-empt our departure for the safety of everyone than to let his evil plans happen while we celebrate there."
"P-Pero-- I don't understand why is he doing all of this now."
"Ruru Genesis is Chairman Villena's brother. Does that make sense now?"
"B-BWOOO?!"
Charlie's POV
Nasa FDD HQ kami ngayon. Kasama namin ang lahat tapos si Rima at Chief lang ang nag-track down kay Skyler.
"Are we gonna stay here for long? Wala bang wifi?!" tanong ni Camille.
"May pocket wifi ako." sagot naman sa kanya ni Nana. Lumapit si Cams sa kanya at ngumisi. "Hampaslupa ka talaga Ate Cams. Alipin ng wifi. Cheap ha." sabay irap.
"Manahimik ka kutong lupa. Taray ng pangalan ng wifi mo ah. 'wifi parasites are off limits'. Anong password ng wifi mo?"
"Ang kapal ng face ah. Lumuhod ka muna."
"Atribida ka talaga." hinila ni Cams yung bangs ni Nana. "Anong password mo sabi eh!!!"
"Aray naman!!! Oo na, 'nancyjanea109' yung password."
Bumitaw si Cams sa pagkakahila niya sa buhok ni Nana at ngumiti. "Good girl."
Napailing nalang sila Ella at Cindy sa dalawa. Magkatabi naman kami ni Alexa habang nakaupo sa sofa.
Hi guys. Missed us? Well, we missed you guys more! Namiss ko ang mga cute naming readers. *u*
"Kumusta na kaya sila? I hope Chief, Rima and Senior Skyler are okay." sabi ni Alexa.
I held her hand at hinalikan iyon. "Don't worry. I'm sure they're fine Lex."
"Hindi ba kami burden? Kailangan niyo pa tuloy kaming bantayan imbes na--" I shut her up by putting my pointing finger on her lips.
"Shhh. Don't say that. I'll do everything to protect you. Kayo nila Cams. Tsaka, you are affliated with our team now. Kami ang dapat umako sa safety ninyo. And we're sorry to caused you trouble."
Umiling si Lex at ngumiti. "No worries Charlie." she kissed my cheeks.
Emergerd. >/////<
***
Agad nagpatawag ng private meeting si Miss Courtney sa amin ni Ken. Mukhang seryoso talaga toh.
"Look guys, we need to be fully aware of this threat."
"Huh? Teka sino ba kasi ang kalaban natin ngayon? Akala ko tapos na eh." sabi ni Kenneth.
"Chief and Sky are both trying to look for Ruru Genesis' hideout."
Kenneth shrugged. "Why do we have to be alert about this Ruru Genesis? Diba siya yung may-ari ng Genesis Bar? Tsaka siya yung boss ng Genesis syndicate na ngayon ay inactive na sa drug market. Why do we have to be this threaten of him?" naiinis na litanya ni Kenneth.
(=_______=) ###
Nanatili akong tahimik, nakakunot naman ang noo ni Miss Court habang nakatingin kay Kenneth. "Tapos ka na? Pwede na akong magpaliwanag?" tanong sa kanya.
Awkward na tumango si Kenneth. Ramdam niya sigurong naiirita na si Miss Court.
"You're right. Ruru Genesis is a boss of a class D syndicate called Genesis. Nagsara na rin ang Genesis Bar after the incident of Rima and Skyler's surveillance. And yes, after that we never heard of him."
"So? Why?"
"Oh and I forgot to tell you, Ruru Genesis is his alias. His real name is Russell Genesis Villena. He is Chairman Villena's younger brother."
"Tss. Yun lang pa-- SAY WhUUUUuUT?!"
Tumaas lang ang kilay ni Miss Courtney at humalukipkip. "So Demonteverde, can you please tell me why should we not consider him as a threat? Huh?"
Napalunok ako ng laway dahil sa narinig ko. Napatango nalang si Kenneth. "Y-Yes Miss Court. We shouldn't ignore this one."
* * * *
A/N: Hello S*S! Good to be back for now! Nangangapa pa ako honestly. I have to re-read the chapters para maalala ko ang attitude ng lahat ng characters. Kung may favorite kayong team up na hindi masyadong nagkaroon ng moment dito well I have 4 more chapters to go. So chill. :3
Salamat pala sa lahat ng nagbabasa ng S*S. One of these days sana marevise ko din siya. Nung nag-backread ako ang daming typos. Jeje days tengene. Oh well. Mas masaya naman kahit ganun. It's a proof that I am improving. And I'm proud of those typos. Thankful ako sa lahat ng nagbasa, nagbabasa pa at magbabasa pa lang. Salamat po! :3
Sige nga. Try natin kung nagustuhan niyo ang unang chapter! Vote and comment guys! :-*
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top