02
2nd Piece Title: Bituin.
©PMBPoemOriginal (2018)
Ako'y isang tagahanga
ng taong kailan ma'y hindi ako napansin
Ako'y isang tagahanga
...ng taong ni ngalan ko'y hindi niya alam banggitin.
Patuloy akong humahanga
Sa taong kaya akong pangitiin
Sa taong kaya akong pakiligin
Sa taong hindi naman ako kakilala
Para kang bituin sa langit
na kung magningning ay tunay ngang kaakit-akit
Ngunit kung ako'y pipikit kahit na saglit
Alam kong lupa ako't ika'y langit...
Nakakabighani ang iyong pagngiti
Na sa tuwing ako'y pipikit
Nakakatunaw mong titig aking naiisip
Mahirap man ngunit aking tatanggapin
Pagkat ito'y katotohanan na ang dulot sakin ay hapdi at sakit.
Patuloy na luluha
Ngunit huwag mag-alala
Dahil ako'y makakabawi rin
Hindi nga lang ngayon
Pero baka bukas makalawa ay kaya ko na rin, ang tumawa't ngumiti.
Salamat sa iyong pagdating
Hindi mo man ako napapansin
Atlis alam kong naging akin ka rin
Naging akin ka nang hindi mo nababatid
Alam kong darating din ang araw na ito
Itong araw ng kasalan mo
Hangad ko ang kasiyahan ninyo
Magmahalan lang sana kayong dalawa
At huwag akong gayahin na hanggang fangirl lang talaga.
Hanggang sa muli.
Paalam na, aking mahal na hindi ako kilala.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top