Tadhana
Tadhana
Sa mundong ito
Lahat ng bagay may dahilan
Lahat ng saya ay sayo ipaparamdam
Ngunit lahat ng lungkot nakatadhana ka ring saktan
Nakatadhana ang kapalaran natin
Kapalaran na hindi tayo pwedeng magsama
Hindi pwedeng magkita
Dahil nakatakdang maghiwalay tayong dalawa
Ang daya naman kasi ng mundo
Nagmahalan tayo
Pero bakit umabot pa sa puntong ito
Na pinagtagpo tayo pero pinaghiwalay pa rin sa dulo
Nagkakilala pa tayo
Nagkausap pa tayo
Nagkaintindihan pa tayo
Pero lahat pala may dulo
Na ikaw at ako
Ang bawat salitang ito
At magkaiba
Kahit saan ka pa tumingin na diksyonaryo
Kasi ikaw yung mahal ko
Ikaw yung mundo ko
Ikaw yung buhay ko
Ikaw kasi yung nagmamay ari ng puso ko
Habang ikaw
Yung nagmamahal sa puso ko
Pero dahil sa isang problema
Minahal mo na lamang ako
Pero huwag kang mag - alala
Hindi naman ikaw yung may kasalanan
Nagmahal ka lang
Yun nga lang nagmahal ka habang tayo pa
Pero hindi kita sisisihin
Dahil si tadhana ang nagpasya
Hindi ikaw
O kaya ako
Dahil tadhana ang nagsalita
Na tayong dalawa ay nagkita
Hindi dahil sa tayong dalawa na ang para sa isat isa
Kundi para matuto
Matuto tayo
Na ikaw at ako
Na sa larangan ng pag ibig
Ang tadhana lagi ang panalo
---------
Sabaw na sabaw talaga ako hahahahah
Don't forget to vote if you enjoy
And comment for your thoughts
I love you guys dahil binabasa niyo pa rin ang mga gawa kong tula
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top