MOVE ON
Authors note
This spoken word poetry is for zhakuraprincess...sana po magandahan ka sa tulang ito😊
---------
Move on
Sisimulan ko ang tulang ito
Sa katagang gagawin ko
Hindi para sa ikakasaya mo
Kundi para sa puso ko na nagmahal lang sayo ng totoo
Pero iniwan mo lang at niloko
Mahal ang tulang ito ay para sayo
At sana ay mabasa mo ito
Para malaman mo kung paano mo ako iniwan at niloko
At para malaman mo na magbabago na ako dahil sayo
Mahal ito na ang hinihintay mo
Ang senyales ng pamove on ko
Dahil ito ang hiling mo nung naghiwalay tayo
At para maging kampante ka na sa bago mo
Kahit mahirap gawin ang bagay na ito
Ay gagawin ko para sayo
Kapalit man ang saya sa mukha ko
At ang pagmamahal ng puso ko sayo
Ngunit hindi ko muna tatapusin ang tulang ito
Katulad ng pagtapos mo sa relasyong ating binuo
Pero huwag kang mag-alala dahil sa bawat salitang bibitawan ko ay totoo
Hindi ako gagawa ng kwento katulad ng ginawa mo
Dahil ang gusto ko lang ay totoo
Totoong mahal kita at mahal mo rin ako
Pero sa bawat sambit mo pala nito
Iba palang tao ang nakikita mo sa aking pagkatao
Hindi ako ang nakikita mo kundi iba palang tao
Hindi ako...hindi ang sarili ko
Hindi ako ang nakikita mo kaya masakit sa puso ko
Pero mas sumakit ito ng malaman ng isip ko
Na kaibigan ko pala ang gusto mong sabihan ng katagang ito
Bakit pa kasi ako nagmahal ng ganito?
Nagmahal sa katulad mo
Katulad mong mali palang tao
Tao sa aking puso
Nakakalungkot
Nakakaiyak
Nasasaktan
Emosyong nararamdaman ko sa tuwing naaalala ko ang iyong ginawang pang iiwan
Pero kahit ganito
At gaya ng pinangako ko sayo
Ito na ang hiling mo
Tutuparin na nang aking puso
Kaya mahal bago ko man tapusin ang tulang ito
O tamang sabihin tuparin ang hinihiling mo
Gusto kong ikwento kung paano kita naging sandalan
Kahit alam kong ikaw at napipilitan
Naalala ko na ako ang pinili mo kaysa sa kaibigan mo
Naalala ko kung paano mo ako pinakinggan problema ko
At naalala ko kung paano mo ipagsigawan sa harap ng tao na may "Tayo"
Kahit napipilitan ka lang gawin ang mga bagay na ito
Ang importante ay napasaya mo ako
Kaya mahal kung ang hiling mo ay ang katagang ito
Ibibigay ko na sayo
Ang katagang hiling mo
Kaya mahal gusto ko lang sabihin sayo na NAKAMOVE-ON NA AKO
---------
Hello guyss sana na gustuhan niyo yung ginawa ko ulit na tula
At kung may naisip kayong title na gusto niyong gawan ko ng tula just comment it below
And...
Please vote and follow me
P.S Lahat ng gawa kung tula ay ako lang po talaga ang gumawa...
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top