Masayang Pagkatao
Masayang Pagkatao
Masaya ka
Bawal maging malungkot
Bawal ipakita
Kailangan lang masaya ka
Pwede ring maging matapang
Para hindi malaman ng iba
Na nanghihina ka
Na nauubos ka na
Pwede ring maging matapang
Para hindi malaman nang iba
Na nanghihina ka
Na nauubos ka na
Kailangan din itago ang bibig na napapagod na
Sa tuwing ngingiti
Kahit sa loob nito
Sisimangot na
Kailangan din takpan ang ilong
Para hindi mahalata
Na namumula
Dahil sa kakaiyak kagabi mag isa
Isama pa ang kamay
Na itinago gamit ang guwantes
Para hindi makita
Ang marka nang panghihina
Panghihina na nagsasabing
Ayoko na
Suko na
Ayaw ko nang huminga
Kasunod nito ang pagsuot ng medyas
Na aalalay sa katawang gusto nang mamahinga
Dahil sa hirap nang nadadama
Nang puso na hindi tinatanggap ng kapwa
Ang tatlong bagay na sa akin ay mahalaga
Kailangan kasi maging masaya
Kailangan kasing ngumiti kahit nahihirapan na
At kailangan maging matapang para hindi nila malamang mahina ka
Pero teka
Sandali
"Sinong niloloko mo"
Sabi nang taong kaharap ko
Pwede mong lokohin ang ibang tao
Pwede mong lokohin ang pamilya mo
Pwede hindi pwedeng
Lokohin ang sarili mo
Pagmasdan mo ang mata mo
Hindi mo kayang takpan ang sakit
Hirap at lungkot
Na nararamdaman nito
Kasi kahit itakip mo ang masakara,guwantes at medyas
Makikita nila ang nararamdaman mo
Sa pamamagitan nang mata mo
Malalaman nilang nagpapanggap lang ang iyong pagkatao
Kaya sa nakakarinig nang tulang ito
Tulungan niyo ko
Napapagod na kasi ako
Napapagod na magpanggap sa masayang pagkatao
---------
Hello guys sana hindi kayo nacocornyhan...
And kung gusto niyong magpagawa nang tula you can ask me
Dont forget to vote if you enjoy the poem
And dont forget to comment for your thoughts about this chapter.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top