Mahal Kita Pero Mahal Mo Siya
Author's Note
Hello this chapter was requested by...
---------
Mahal Kita Pero Mahal Mo Siya
Ang masakit na katotohonan
Na kakayanin ko
Basta makasama kita
Kahit na masaktan ako
Kahit na magdugo ang puso ko
Kahit na umiyak ako nang dugo
At kahit na mamatay ako
Okay lang tatanggapin ko
Kahit na walang kasiguraduhan
Lalaban ako
Kahit wala kang nararamdaman
Iintindihin ko
Mahal kasi kita
Kaya ko ipagpalit ang lahat
Kahit na ang kasiyahan ko
Ipagpapalit ko
Kasi mahal kita
Lahat tatalikuran ko
Ang pamilya at mga kaibigan ko
Isama na natin ang dignidad na kinuha mo
Lahat isusuko ko para sayo
Kaya kung maging basura
Kaya kung maging tanga
Para sayo
Ibibigay ko lahat
Kahit maubos na ako
Basta ang importante
Mapalitan ko siya sa puso mo
Kahit ipahiya mo ako sa kaibigan mo
Ipamukhang hindi ko siya mapapalitan sa puso mo
Susugal ako sa larong ito
Na ako ang maghahabol habang ikaw ang tatakbo
Kasi Mahal
Lahat gagawin ko
Para yung mahal mo
Maging ako
Maging ako yung mahal mo sa larong ito
Pero kahit ikotin ko man ang mundo
Hindi ko pa rin mababago na
Mahal kita pero mahal mo siya
---------
Hello sana nagustuhan niyo po hm....
Dont forget to vote if you enjoy this chapter
Dont forget to comment for your thoughts
Sana nag enjoy kayo hihihiihih
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top