Kapag Lumingon Ka Akin Ka
Kapag Lumingon Ka Akin Ka
Mga sinambit kong salita
Habang nakatalikod ka
Pero hindi mo yata narinig ang aking winika
Dahil nakatingin ka sa pisara
Kapag lumingon ka akin ka
Sambit ko nanaman habang nasa harapan kita
Pero naglalakad ka patungong kantina
Kaya siguro hindi mo pinansin ang aking salita
Kapag lumingon ka akin ka
Mga binitawan kong kataga
Habang kumakain ka
Pero hindi mo yata napansin kasi nakatingin ka sa iba
Nakatingin ka sa kanya
Mali nakatitig pala
Napako ang iyong mata
Sa kanyang napakagandang mata
Nawalan nang pag-asa
Dahil sa mata mong nagsasabing umiibig ka
Isama mo na ang iyong labi
Na napangiti ng makita siya
Tumigil ang mundo ko
Mali nagmahal pala ang mundo ko
Kasi diba ikaw yung mundo ko
Habang antingin mo sa akin ay isa lang sa kontinente mo
Wala nang pag-asa
Mga lumabas na kataga
Kahit hindi alintana
Ang mga nakikinig na chismosa
Bumagsak ang isang luha galing sa mata
Patungong pisngi na nagsisimula nang mamula
Pero bago man ito bumagsak sa baba
Gagawa ako nang paraan para lingonin mo ang aking mata
Labag man sa kalooban
Susundin ko ang sinasabi nang aking isipan
Kapag lumingon ka iiwan kita
Bibilang ng hangang lima para masiguradong tama na
Isa
Hindi na huminga
Tinunan ko ang iyong mukha
Nagdadasal na huwag magtama ang ating mata
Dalawa
Nang tawagin ka
Nang iyong kasama
Para sa na pumunta sa kanila
Tatlo
May pag - asa nang nabuo
Dahil sa hindi mo pag lingon
Nang iyong ulo
Apat
Handa na akong magtapat
Pero nang bigkasin ko ang lima
Bigla kang tumingin sa aking mata
Teka
Akala ko okay na
Akala ko may pag-asa
Pero hindi pala
Napaupo sa sahig
Hindi inalintana ang mga matang nakatitig
Napaiyak nang tuluyan
At tumigil ang kapaligiran
Napayuko at bumulong
Na sa aking pag angat ng ulo
At mata mo ang masilayan ko
Papalayain at pababayaan na kita hanggang dulo
---------
At sabaw nanaman tayo hahahahahah
And don't forget to vote if you enjoy
And don't forget to comment for your thoughts
Sana masayahan kayo
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top