Ikaw Pa Rin Pala

Requested by @TintinGallano1  sana magustuhan mo yung pinagawa niyo kahit natagalan...Ang hirap kasi maging grade 9 student


---------

Ikaw Pa Rin Pala


Akala ko...tapos na
Akala ko...naglaho na
Akala ko...okay na
Akala ko...wala na

Pero nung nakita kita
Na kasama siya
TANG INA ang nasambit kong mura
Kasi ikaw pa rin pala

Ikaw pa rin pala ang gusto kong makasama

Kahit pinutol ko na ang namamagitan sa ating dalawa
Gamit ang mga nagbabaga kong salita
Na nanakit sayo ng sobra

Ang TANGA ko dahil iniwanan ko yung mahal ko
Kasi akala ko hindi na kita gusto
Kaya naghanap ako ng ibang gugustuhin ko
Pero yun yung pagkakamali ko

Yung tinapon ko na lang basta 
Yung taong minahal at pinahalagan ako ng sobra
Kahit ikaw na yung nasasaktan sa ating dalawa
Sa relasyong nating nanlamig dahil sa aking ginawa

Nagsisisi ako sa aking ginawa
Hinanap ko kasi sa kanya
Yung pag ibig na nasa harapan ko na
Yung pag ibig na sa akin na ay pinapakita

Ang TANGA ko 
Sa naging desisyon ko
Kasi kahit anong tago ko
Ikaw parin pala

Ang mahal ko ng sobra
Ang gusto kong makasama
Sa sakit man o sa ginhawa
Sa puot man o saya

Yung sasabihan ko lagi ng mahal kita
Sa harap man ng ating mga barkada
Hinding hindi ko ikakahiya
Na mahal kita

Pero huli na talaga
Nang kumaway ka sa akin

At sinalubong ang aking mata

Tinawag ako habang nakatulala

At ipinakilala ang iyong kasama
Na hindi pala siya yung aking akala

Hindi mo pala siya jowa

Nabuhayan ng sigla

Pero nang isunod mong salita
Ang pumatay sa aking kaluluwa

Na ang iyong kasama

Ay iyo na palang ASAWA

Napaluhod hindi alintana ang madla
Na titig nila ay nasa aking presensya
Habang ang luha ay lalandas na sa baba
Dahil sa ayaw ko man maging kawawa

Tumayo ako at tinalikuran ko kayo
Walang salitang iniwan sa inyo
Pero sa isipan ko ay may salitang apat
Na gusto ko sanang sabihin sa iyo

Na IKAW PARIN PALA
Ang gusto kong makasama
Pero dahil masaya ka na
Ipaparaya na kita para maging malaya na tayong dalawa


---------


Hello sana nagustuhan niyo po ihhihihihihi

Dont forget to vote if you enjoy 

And comment for your thought 

Love you guys "dont let the darkness conquer you"








Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top