Ikaw At Siya
Author's Note
Hello po this spoken poetry is dedicated to....@Anningpretty24
Sana magustuhan niyo at sa nagpadedicate po...
Kayo na humusga hahahahah
---------
Ikaw At Siya
Ikaw at siya
Ang dalawang salita
Na sa akin ay nagpahalaga
At nagparamdam sa akin ng importansya
Kayong dalawa
Ang nagbibigay sa akin lagi ng pag-asa
Lagi sa akin ay nagpapasaya
Lalo na kapag may mga iniindang problema
Nakakatawang balikan
Na ang mga salitang ikaw at siya
Na lagi kong kasama
Lagi kong sinasabihan ng problema
Ang dami ko kasing naranasan
Ang dami ko ring natutunan
Sa laging kasamang kasintahan
At ang aking kaibigan
Madami ako natutunan
Madami ako natuklasan
At may sikretong nabuksan
Sa inyong katauhan
Na ikaw na kasintahan ko
Na akala kong mahal na mahal ako
May malalim na tinatago
Sa balong sikreto
At ikaw na tinuring kong kaibigan
Na nangako pa na walang iwanan
Dahil dadamayan mo ako ng walang hanggan
Pero may pader palang pinagtatakpan
Kasi yung ikaw na mahal ko
Yung inalayan ng aking puso
Ay hindi pala totoo
Tinabig mo lang pala ito
Kasi ikaw
Ay hindi pala ako ang gusto mo
Kundi siya na kaibigan ko
Na nagpadala sa tukso mo
Ang tanga ko
Dahil naniwala ako sa inyo
Na mapagkakatiwalaan ko kayo
Pero ako lang pala ay niloloko
Bakit
Kasalanan ko ba
Na ang ikaw na mahal ko
Ay tinukso ang siyang kaibigan ko
Nakakainis naman o
Bakit niyo ako niloloko
Pinagkatiwalaan ko kayo
Tayo ay nagsumpaan at nangako
Natatandaan mo
Ang mga katagang lumabas sa bibig mo
Na walang susuko
Dumating man ang dati mo
At dumako tayo sa siya
Na niloko ako
Nagpadala sa tukso
Nagpadala sa mga init ng halik ng jowa ko
Oo alam ko nadala ka
Pero pwede naman pigilan diba
Pigilan yung init na nadama
Palitan ng pampakalmang salita
Pero hindi mo nagawa
Dahil ang totoo
Ginusto mo
Ginusto mo yung mga nangyari sa inyong dalawa
Subalit kasalanan ko ba?
O kasalanan niyong dalawa
Kasi ginawa ko ang tama
Pero kayo ang nagkasala
Ayoko na
Malinaw na sa akin
Na niloko niyo lang akong dalawa
Na hindi talaga tayo ang tinadhana
Pero bago ko man tapusin ang tulang ito
Gusto ko lang sabihin sa inyo
Na sana malaman niyo
Kung paano niyo ako sinaktan at niloko
---------
...
Dont forget to vote if you enjoy
And comment for your thoughts if you enjoy
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top