Bago mo...
Bago mo...
Bago mo ako sabihan ng mahal kita
Siguraduhin mong pasok ka sa aking limang salita
Na magpapatunay na ikaw na nga
Ang taong sa akin ay magpapalaya
Ang unang salita ay maipagmamalaki
Sa mundo na nakakarindi
Na puro mapanghusga ang tingin
Sa katulad kong mapagkunwari
Pangalawa ang tapat
Na kahit kailan ay hindi ipaparamdam sa akin ang hindi pagigiging sapat
Katulad ng ginawa sa akin ng jowa kong ikaapat
Sa tuwing siya ay aking sinisipat
Ikatatlo ang pagiging maintindihin
Na kahit ako na ang may mali
Ikaw pa rin ang magiging maunawain
Sa papasukin nating relasyong siguradong mahirap basahin
Ikaapat ay ang totoo
Na kahit kailan ay hindi magloloko
Para hindi masaktan ang taong mahal mo
Na tamang sabihing AKO
Ang panghuli at pinakaimportante ay ang tanggap ako
Tanggap ako kung sino ako
Tanggap yung katangahan ko
Tanggap yung kakayahan ko
Tanggap yung gusto ko
Tanggap yung pinagdaan ko
Tanggap yung ako
Yung sarili ko
Yung puso ko na iniwan ng ibang tao
Pati pamilya ko
Kasi ang kailangan ko yung pagmamahal mo
Kaya bago mo sabihin na mahal mo ako
Tumingin ka muna sa salamin
Kung pasado ka ba sa puso ko
---------
Hello guys namiss ko kayo...
Sana magcomment naman kayo para kahit papaano ganahan ako
Basta vote if you like the poem that i wrote
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top