ANG PABORITO KONG ASIGNATURA
Alam kong matagal tagal na akong walang update wala na kasi akong pinanghuhugutan ng emosyon pero dahil sa may mga estudyanteng magmomoving up ngayon sana magustuhan niyo po ang gawa kong tul
---------
Ang Paborito Kong Asignatura
Minsan sa tahimik na pahingahan
May nagtanong sa akin
Kung ano ang asignaturang aking ginagigiliwan?
Napangiti lang ako at gumawa ng tula sa Filipino
Natapos ang elementarya
Kailangan ng tumungtong sa sekondarya
At ang pinakatinutukan ng aking mga mata
Ang kwento ng “Ibong Adarna”
Kung saan kailangan hanapin ni Prinsipe Juan ang Adarna
Para mapagaling ang kanyang ama
Tulad ng paghahanap mo sa iyong ID
Sa oras na harangin ka ng guwardiya
Ikawalong baitang “Florante at Laura”
Kung saan pinakita ang pag-iibigan ng dalawa
Tulad ng kwento ng mga nag-aaral sa sekondarya
Ipaglalaban ang kasintahan sa abot ng makakaya
Sa Sarsuwela tunay ang dalawa
Sa kuwento ng kabataan ako’y nagdududa
Hindi lang mabigyan ng rosas sa araw ng mga puso
Panigurado mayroong binibining baon ay toyo
Ikasiyam na baitang “Noli Me Tangere”
Isang taon palang ang nakalilipas ng aking mapag-aralan
Pero sariwa pa rin sa akin ang mga karakter sa akda
Sino ba naman ang makakalimot kay Sisa at sa mga anak niya
Na kung sa totoong buhay tila isang guro at mga estudyante niya
Mangangaral ang guro pero hindi pa rin susunod ang nasa sekondarya
Kaya natutulad tayo sa mga anak ni Sisa
Napapahamak dahil hindi sinusunod ang matatanda
Sinabi ng huwag mangopya
Dahil tama na nga yung sagot mo sa una
Pinalitan mo pa
At ngayon nahuli ka, kaya na Parent Needed ka
Isa pa sa mga tauhan ng akdang di malimutan ng isipan
Sina Padre Salvi at Padre Damaso
Na tingin ng mamamayan ay karesperespeto
Pero may kailangan silang malaman, kaya Pia Alba sabihin ang totoo
Mga kaklase na akala mo santo
Sisigaw to ng “Respeto naman guys oh...may teacher na sa harapan”
Na akala mo hindi nag-ingay
Matalo lang si Jollibee sa pagpapabida at may masabi
Si Padre Salvi na may sikretong pagtingin kay Maria Clara
At si Mariang mahal na mahal si Ibarra
Kaya kailangan natin maging si Padre Salvi
Na may tinatangi pero kailangang itanggi dahil ito’y ating kaibigang kaklase
At ang huling tauhan sa lahat
Si Crisostomo Ibarra
Napatay dahil sa kanyang pinaglalaban
Kung tatanungin kung asan siya? hindi ko alam
Pero isa lang ang alam ko
Si Crisostomo Ibarra ay alam ang kanyang pinaglalaban
Hindi katulad ng iba na nakakuha lang ng mababang grado
Nagalit pa sa guro pero kung titingnan umasa lang naman kay kodigo
Oo, aaminin ko sino nga ba ang hindi nandadaya
Lahat naman siguro naranasan ng mandaya
Yung tipong isusulat mo sa iyong palad ang sagot na tama
O di kaya sa iyong binti para hindi ka mahalata
Aaminin isa itong pagkakasala
Pero aminin mo dito nagsimula ang pagkakaisa
Nang mga estudyanteng hindi nagbasa
Kaya napapatawa ng malakas kapag inaalala
At ang huli sa ikasampung baitang “El Filibusterismo”
Di ko man alam ang kabuuang kwento
Ngunit may ipapakilala akong tao
At walang iba kung hindi si Simoun
Hindi ko sasabihin kong sino nga ba siya
Pero itatak mo sa iyong isipan
May isang salita siya
Nagawa niyang simulan ang sinasabing himagsikan
Kaya ikaw na mag-aaral kung nasaan ka mang antas
Gumaya ka sa kanya
Sa kanyang taong may isang salita
Kaya mangako ka “Magtatapos ka”
Kaya minsan sa tahimik na pahingahan
May nagtanong sa akin
Kung ano ang asignaturang aking ginagigiliwan?
Napangiti lang ako at sumulat ng malayang tula
---------
Hello guyss sana na gustuhan niyo yung ginawa ko na tula
And...
Please vote and follow me
P.S Lahat ng gawa kung tula ay ako lang po talaga ang gumawa...I love you guysssssss
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top